hindi na nais manatili sa bahay ng kanyang ama kaya kinuha niya ang lahat ng kanyang mana sa kanyang ama. Kata hinati ng ama ang lahat ng ari-arian sa kanyang dawang anak. Ang bunsong anak ay kinuha ang lahat ng mana at nagpaka layo- layo.
Makalipas ang mahabang panahon, ang bunsong anak ay
naghirap dahil napunta ang lahat ng mana sa walang kabuluhang bagay. At wala siyang naisip na paraan para mabuuhay kaya nagtrabaho siya sa ibang tao dahil nangangailangan siya ng pera upang siya ay mabuhay.
Dumating ang mga panahon na naaalala niya ang kanyang
buhay noong siya’y nasa kanyang ama pa. Naaalala niya na ang kanyang ama ang nagpapakain sa mga manggagawa habang siya ay malapit na sa kamatayan sa paghahanap ng pagkain.
Humanap siya ng paraan upang balikan niya ang kanyang
Ama. Noong nagkita sila ay naawa ang kanyang ama, kinuha siya nito, niyapos at hinagkan. Sinabi niya sa kanyang Ama na nagsisisi at nahihiya akong tawagin mong anak dahil sa ginawa kong kamalian.