Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 104

Bulacan State University

Malolos, Bulacan
Panggwadradong Pag-aaral
Master ng Sining ng Edukasyon sa Pagtuturo ng Filipino

Kalipunan ng mga Gabay sa


Pagkatuto sa Araling Filipino

Ipinasa kay:
Dr. Teody C. San Andres

Paghahanda at Ebalwasyon ng mga Kagamitang Panturo


Class A

1
Talaaan ng Nilalaman

Kapantasang Pilipino: Talaban ng Wika at Kaalaman


sa Programa ng Philippine Studies/ Araling Pilipino/
Pilipinolohiya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3-9

Ugnayan ng Wika at Idelohiya: Ang Paglalarawan sa


Rehistro ng mga Magsasaka sa Bulacan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10-19

Gay Lingo: Pagsusuri sa ng “Lengguwahe” sa Dekada


Nobenta . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20-30

Paghahambing sa Bahasa Indonesia at Wikang Filipino


Bilang mga Wikang Akademiko at Intelektuwal . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 31-45

Produksiyon sa Antas Di-Gwadrado: Ang Karanasan ng


B.A. Araling Pilipino . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 46-56

Nagsasariling Talastasan: Ang Komunidad na


Pangkomunikasyon sa Araling Pilipino . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 57-63

Philippine Studies/Araling Pilipino/ Pilipinolohiya sa


Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob
ng Kapantasang Pilipino (Philippine Studies/Araling
Pilipino/Pilipinolohiya in Filipino: Redifining Context
and Concept within the Filipino Scholarly Tradition) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 64-71

Mga Hamon sa Indibidwal na Iskolar sa Larangan ng


Araling Pilipino . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 72-75

Antas Gwadrado: Ang Karanasan ng Master (M.A ) at


Doktorado (PH.D) sa Araling Pilipino/Pilipinolohiya/
Philippine Studies . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 76-86

Zeus Salazar: Pakikipagtalastasan sa Pantayong Pananaw . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 87-99

Talaan ng Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . . 100-103

2
Kapantasang Pilipino:
Talaban ng Wika at Kaalaman
sa Programa ng Philippine Studies/
Araling Pilipino/Pilipinolohiya

3
Joyce A. Agapito
MAEd-Filipino

KAPANTASANG PILIPINO: TALABAN NG WIKA AT KAALAMAN SA PORGRAMA


NG PHILIPPINE STUDIES

I.TUKLASIN
Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Malinang ang kakayahang komunikatibo, replektibo mapanuring pag-iisip tungo sa
pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultura na literasi sa pamamagitan ng
isang forum.
b. Matukoy ang pagkakatulad ng mga sangkap ng mga wika, panitikan at kultura mula sa
mga rehiyon bilang ambag sa kalinangang Pambansa sa pamamagitan ng pagsiyasat sa
mga akdang naisalin sa Filipino
c. Naipamamalas ang kakayahan sa pagbuo ng isang konklusyon o rekomendasyon
matapos masiyasat ang pag-aaral na naisaling akda sa Filipino

 Kognitibong Hamong Gawain

Magkakaroon ng isang forum tungkol sa mga sumusunod na paksa


(kinakailangan may sapat na mga papel patunay sa paghahayag ng mga kasagutan)
a. Ano ang epektibong dulog sa pag-aaral ng mga Pilipino sa Filipino para sa lipunan at
kalinangang Pilipino?
b. Naniniwala ka ban a may kakayahan ang wikang Filipino na magamit itis a
pagdadalumat upang higit na mapayabong ang karunungang Filipino at Araling Filipino?

 SUSING SALITA:
 rekontektwalisasyon
 pilipinolohiya
 Philippine studies
 muhon
 banyuhay

II. TALAKAYAN
Ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit sa pagtuturo lamang ng kaalamang balarila o
gramatika at pag-unawa sa akdang binasa. Hindi nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng
wasto at makabuluhang pangungusap at pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa. Ang
FILIPINO bilang asignatura ay pagpapalalim ng ating wika at kultura.
Ang wika ay unibersal na forma o kaayusan ng yunit ng kamalayan na matatagpuan sa isipan
ng tao. Kumbaga ito ang template ng isipan natin na yari na – naghihintay na mapunan,
mahubog, malilok, at maisaayos ayon sa idaragdag na istruktura ng natural na wika.

4
Kumbaga ito ang “universal o generative grammar” ni Chomsky, ang “private language” ni
Wittgenstein, “archi-writing” ni Derrida. Bago pa man may istruktura ng wika, may nakalikha
nang istruktura ang isip na tatanggap at mag-oorganisa ng kamalayan ng tao. Kaya’t may
kakayanan ang lahat ng tao na matuto ng wika, ng kahit anumang wika, dahil sa ubod ng
wikang nakahimpil sa isipan natin. Ito ang a priori grammar. Ito rin ang nag-uudyok sa
imahinatibo’t malikhaing paraan ng isip natin na ikonstrak ang wika batay sa iba’t ibang
modalidad/range/linguistikong yunit sa pagkatuto ng wika.

Ikinumpara ang wikang Filipino sa ibang larang, masasabing hindi sapat upang masabing
intelktwalisado ang wikang Filipino kung ikukumpara sa ibang wika tulad ng wikang Ingles.
Kinakailang pag-aralan nang Mabuti ang proseso ng intelektwalisasyon bago pa man ito
isagawa. Kaialangan din maintindihan ng mga tao na ang ating wika ay hindi unibersal tulad
ng wikang Ingles. Maisalin man natin ang lahat ng salita sa Filipino hindi pa rin ito magiging
dahilan upang gamitin ng lahat, lalo pa’t pag-aralan ng ibang tao mula sa ibang bansa.

Mahalaga ang wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito’y isang mahalagang salik ang wika sa
komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon
ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalamanoo, ng mga
mithiin at nararamdaman. Lumalawak ang pag-uanawa ng tungkol sa paggamit ng iba’t ibang
salit.

Bilang isang Filipino mas pinili na hasahin ang sating sariling wika kaysa sa wikang banyaga.
Dahil ang wikang Filipino ang sumisimbolo ng ating pagka-Filipino aito ang siyang
maipagmamalaki natin sa ating bansang kinabibilangan. Mahalaga ang paggamit ng wikang
Filipino sa pagtuturo sapagkat Malaki ang maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga
Filipino.

 PAPEL PANANALIKSIK

Ang asignaturang Filipino ay dinisenyo ng departamento ng edukasyon upang


mapalawak ang kaalaman ng bawat Filipino patungo sa sariling wika at ang mga kagamitan
nito. Ayon kay Abad at Ruedas ang mga may-akda ng librong Filipino Bilang Tanging Gamit sa
Pagtuturo, “ang wika ang pinakamalinaw at pinakamahusay mabigay ng himaton sa kung
ano ang particular na pananaw ng tao sa daigdig na kanyang ginagawalan” kaya naman
binigyang diin ng bawat paaralan ang pagtuturo ng Filipino.
Sang-ayon din kay Dominguez, “ang mga aralin sa wikang ay naglalayong luminang ng
kakayahang komunikatibo at ng kasanayang gumamit ng Wikang Filipino sa iba’t ibang
sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay. Samakatuwid, ang binibigyan ng higit na diin ay ang
gamit ng wika sa halip na ang istruktura nito na siyang kalakaran ng ilang nagdaang panahon.
May mga aralin ding nagpapakita ng angkop na anyo ng wika na gagamitin sa sitwasyon”.
Laya importante na maituro nang maayos upang sa gayon ay magamit sa pang-araw-araw na
buhay bilang isnag Pilipino.

5
III. TASAHIN

 TALAS-DIWA

Panuto: Basahin ang mga tanong at sagutan sa nakalaang espasyo sa ibaba. Siguraduhing may
kaisahan, maayos na paliwanag ang sagot
1. Anong teoryang pangwika ang maaari nating gamitin para ipaliwanag ang kasalukuyang
hubog, anyo at takbo ng wikang Filipino?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________
2. Paano ito makatutulong upang maging masinop at masinsin ang ating analisis ng wika at ang
naturang gamit nito para sa mga tao at sa lipunan niyang ginagalawan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________________.
3. Paano hinabi at nalilok ng mga Pilipino ang kanilang kultura, kaisipan at lipunan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________

 ALAB-KAMALAYAN

1. Nakaangkla ang programa sa mga susing kursong interdisiplinari at mga sandigang kurso sa
wika, panitikan at kasaysayan sapagkat itinuturing ang mga ito na tagapagdala ng kultura sa
kabuuan.

Magsulat ng isang payak na pananaliksik na gumagamit ng interdisiplinaring lapit sa isang


natatanging problema, aspeto, at isyu sa lipunan at kulturang Pilipino.

SULIRANIN/ KULTURANG
ASPETO ISYUNG LIPUNAN
PILIPINO

6
 SANGKOT-DANAS

Panuto: Sa pamamagitan ng mga piling akda suriin ito batay sa lugar, wikang ginamit, paraan ng
pagsalin at kultura.
Nilalaman Akda 1 Akda 2
LUGAR
WIKA
PARAAN NG PAGSASALIN
KULTURA

Sa Pagbuo ng konklusyon o Rekomendasyon:


Paano kinasangkapan ang wika sa pag-unlad ng kapantasang Filipino at sa prosesong
kinasangkapan din ng wikang filipino ang kapantasang ito upang mag-ibayo? Anong Metodo o
teorya na tuwirang hango sa loob ng Lipunan at kulturang Pilipino?

SINOPSIS:
Sa loob ng maraming panahon, bigyang-
diin ang istruktura at wastong gamit nito sa
pagtuturo ng wika. isinasaalang-alang ang
kakayahang gamitin ang wika na angkop sa
pook, sitwasyon, panahon at layunin ng
paggamit nito.

7
MANNY I. MITRE
MAEd-Filipino

KAPANTASANG PILIPINO: TALABAN NG WIKA AT KAALAMAN SA PROGRAMA NG PHILIPPINES


STUDIES/ARALING PILIPINO/PILIPINOLOHIYA

I. TUKLASIN
1. Natutukoy ang mga kaparaanan o batayan sa sap ag aaral ng wika tungkol sa
retontekstuwalisasyon at rekonseptuwalisasyon ng Philippine Studies
2. Napahahalagahan ang mga pangyayari at mga pag aaral na isinagawa g ilang mga
eksperto hinggil sa kapantasan ng Pilipino.
3. Nakagagawa ng isang pag-aaral hinggil sa wika at kaalaman sa programa ng Philippine
Studies na makatutulong sa paglilinaw ng isang talakayan.

 KOGNITIBONG HAMONG GAWAIN

1. Ang guro ay magpapakita ng mga tesis at disertasyonna isinulat ng mga kilalang tao ng
bansa hinggil sa wika sa programa ng Philippine Studies.
2. Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng “brainstorming” tungkol sa ipinakitang ng guro.
At magbibigay ng mga kaalaman hinggil ditto.
3. Ang mga magaaral ay sasagutin ang mga inihandang tanong ng guro tungkol sa mga
tesis at disertasyon na ipinakita.
Paano nakatutulong ang mga tesis at disertasyon sa pag-aaral o pananaliksik ng mga mag
aaral at paano nila pinapahalagahan ang mga kaukulang kaalaman o mga impormasyon na
kanilang nakukuha sa mga kilalang mga manunulat.

 SUSING SALITA
PANUTO: Iayos ang mga pinaghalong mga letra para mabuo ang hinhinging tamang salita.
YAHILOPILIPINO MATLUDA HONMU YONNADEHIN
WALISASYONREKONTEKSTUWA WALISASYONTUWAREKONSEP

II. TALAKAYAN

 PAPEL PANANALIKSIK
1. Pagsasagawa ng pangkatang pananaliksik ng mga mag-aaral
- Sa bahaging ito ay magsasagawa ng isang pananaliksik ang mga mag-aaral hinggil sa
programa ng Philippine Studies at ditto ay sisipatin nila kung ano ang mga tamang

8
mapagkukunan ng mga impormasyon sa pangangalap ng mga datos. Magbibigay ng
gabay na tanong ang guro upang hindi mailto ang mga mag-aaral sa paggwa ng kanilang
pangkatang pananaliksik. At aalamin ng mga mananalik ang kanilang mapagkukunan ng
mga datos o impormasyon sa (di-gradwado, masterado, doktorado)

2. Pangangalap ng impormasyon
- Sa bahaging ito ay ipapakita nila ang kanilang nakalap na mga datos o impormasyon
hinggil sa wika sa programa ng Philippine Studies at tatayahin ng guro kung tama baang
kanilang mga nakuha na mga datos at magbabahaginan sila ng mga impormasyon.

3. Pagbuo ng papel pananaliksik


- Sa puntong ito, ang mga nakalap na mga impormasyon ay sya nang magiging batayan ng
mga mag-aaral para makabuo ng isang ganap na pag-aaral tungkol sa kapantasang
Pilipino ng Philippine Studies.

4. Pagbabahagi ng mga papel pananaliksik na isinagawa ng mga mag-aaral


- Sa bahaging ito ay tatalakayin ng bawat pangkat ang kanilang ginawang pag-aaral hinggil
sa kapantasang Pilipino pagdating sa Philippine Studies/araling
panlipunan/pilipinolohiya

III. TASAHIN

 TALAS-DIWA
- Sa pangunguna ng guro, ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang talkshow na
nagpapakita ng kanilang mga nakalap na impormasyon hinggil sa kanilang pag-aaral.
Ditto makikita natin kung paano nila natutunan ang mga datos o impormasyon na
kanilang nakuha sa ibat – ibang mapagkukunan ng mga impormasyon. At makikita natin
kung paano sila magsalita sa harap ng media pagdating sap ag-aaral ng Filipino

 SANGKOT DANAS
- Sa punto na ito ay makagagawa ang mga mag aaral ng isang mahusay na pananaliksik at
programa base sa kanilang isinagawang pag-aaral

SINOPSIS
Sa papel na ito, sisipatin ang bisa ng mga naglagak ng “muhon” ng
Pilipinasyon ng kaalaman sa particular na larang ng Philippine Studies.
Samakatuwid, itatampok sa pag-aaral na ito ang talaban ng wika at
kaalaman sa ipinapalagay na rekontekstuwalisasyon at
rekonseptuwalisasyon ng Philippine Studies bilang lunan ng ng
Pilipinasyon sa akademya. Nakatuon ang papel na ito sap ag aaral kung
ano ang mga dapat pagbatayan pagdating sa pagkuha ng mga batayan
sa programa ng kapantasang Pilipinong Philippine Studies. 9
Ugnayan ng Wika at Idelohiya:
Ang Paglalarawan sa Rehistro ng mga
Magsasaka sa Bulacan

10
Ugnayan ng Wika at Ideolohiya: Ang Paglalarawan sa Rehistro ng mga Magsasaka sa Bulacan

I . TUKLASIN
a. Nakikilala ang ugnayan ng wika at ideolohiya bilang paglalarawan sa rehistro ng mga
magsasaka sa Bulacan .
b. Nailalahad ang kahulugan at katangian ng rehistro sa wika ng mga magsasaka sa
Bulacan.
c. Nakabubuo ng word list ng rehistro sa wika ng mga magsasaka sa Bulacan.

 Malikhaing Gawain

Panuorin ang video clip mula sa youtube na ukol sa mga


magsasaka ng Magsasaka T.V na may link
https://www.youtube.com/watch?v=lWEIMZrSRK8 at
ang Rehistro ng wika sa iba’t ibang Larangan na may link na
https://www.youtube.com/watch?v=RNuTVegGsgc

 Susing- salita
Rehistro sa wika Speech Community
 Ideolohiya Ugnayan ng wika at
Ideolohiya
 Social Cognition  Mga magsasaka sa
Bulacan

11
II. TALAKAYAN
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw . Tinatayang
nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig. Ito ang nag bubuklod sa bawat
tao hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa ri. Ipinakikilala rin ng wika ang mga identidad
ng mga tagapagsalita nito. Inilalarawan mula sa mga salitang laging ginagamit hanggang sa
paraan ng pakikipag-usap, ang pagkatao ng nagsasalita at maging ang grupo ng kanyang
kinabibilangan .
Sa pananaw ng sosyolinggwistikong pangkat maaring maiuugnay ang inilahad na
kaisipan sa tinatawag na speech community. Ang speech community ay isang grupo ng mga tao
na ibinabahagi ang isang hanay ng mga kaugalian at mga inaasahan tungkol sa paggamit ng
wika. Ang bawat lipunan ay binubuo ng isang speech community na kinabibilangan ng mga tao
na may iba’t ibang social orientation batay sa kanilang katayuan sa buhay, sa mga grupo na
kanilang ginagalawan, sa iba’t ibang tungkulin na kanilang ginagampanan. Binubuo ito ng mga
taong laging nakikipag-ugnayan sa isa’t isa at hindi lamang iisang wika ang kanilang
pinagsasaluhan dahil bahagi ito ng tinatawag na repertoire ng wika o mga baryedad nito.
Ayon kay Morgan (2006), kabilang sa tinatawag na speech community ang mga
indibidwal na may parehong lokal na kaalaman sa paraan ng pagpili ng wika.
Ang isang komunidad ay binubuo ng mga sektor o mga grupo ng mga indibidwal na
may sari-sarili o kaniya-kaniyang ring paraan ng paggamit ng wika gaya sa kasariang
kinabibilangan ng mga bakla, inhinyero, mga magsasaka atbp. May salita at anyo sila sa
paggamit ng wika na naglalahad rin ng tiyak na gamit nito nang ayon sa kanilang grupo o
komunidad. Matutukoy ito bilang baryasyon ng wika na makikilala ayon sa gamit nito sitwasyon
o konteksto. Tinatawag naman ito ni Spolsky na rehistro ng wika. Barayti ito ng wika na
maaring maging sanhi ng heograpiya, edukasyon, okupasyon o uri ng panlipunan atbp.
Maaring nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at
grupo maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain o pinag-aralan . Ang mga taong kabilang
sa isang partikular na trabaho ay maaring makabuo ng mga bagong mga termino para sa isang
konsepto. May mga salitang maririnig sa iba lamang subalit nagkakaroon naman ng ibang gamit
at kahulugan pagdating sa ibang disiplina.
Ayon sa Language and Social Relations ni Agha (2007), binanggit niya na ang mga
posibilidad ng baryasyon at pagbabago ay maipaliliwanag lamang sa pamamagitan ng sapat na
konsepto o pagtingin sa papel ng wika sa gawain ng tao. Kahit pa man nasa iisang lugar o
lipunan ang mga indibidwal ay nagkakaroon rin sila ng pagkakaiba-iba sa paggamit ng parehong
wika dahil sa mga factor na okupasyonal. Ito ang nangyayari sa mga magsasaka sa Bulacan na
may mga nabuong salita na may kaugnayan sa kanilang hanapbuhay.
12
Magtanim ay Di Biro: Ang Bulacan at ang rehistro ng Pagsasaka
Ang Bulacan ay isa sa mga lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon 3 o Gitnang
Luzon. Mayroon itong tatlong Lungsod, San Jose del Monte, Malolos na siyang kabisera nito at
Meycuayan. Matatagpuan ang Bulacan sa hilaga ng Kalakhang Maynila. Ang iba pang mga
lalawigang nakapaligid sa Bulacan ay Pampanga sa kanluran, Nueva Ecija sa hilaga at Quezon sa
silangan at Rizal sa timog.
Ito ay itinatag noong ika-10 ng Marso, 1917. Humigit kumulang sa 37 bahagdan o 96.
547 ektaryang lupain sa kabuuang sakop nito. Ang probinsya ay may lupang agrikultural.
Nagsimula ang lupang sakahan sa timog na bahagi ng probinsya, partikular sa silangang bahagi
ng poblasyon ng San Miguel pababa sa hangganan ng munisipalidad ng San Jose del Monte at
Sta. Maria na ginagamit sa pagtatanim ng palay sa panahon ng tag-ulan. Sa iba pang panahon
ng taon, ang bahaging ito ng sakahan ay ginagamit bilang taniman ng mga gulay o mais at iba
pang may mas mataas na halaga na mga pananim. Ang produktong pansakahan ng probinsya
ay iba –ibang pananim gaya ng iba’t ibang gulay, mga pantubigang taniman ng palay at ang
tinatawag nilang agro-foresty.
Maliban sa pagtatanim, bahagi rin ng ikinabubuhay ng mga taga-Bulacan ang
pangingisda at pagtatayo ng mga fishpond. Ito naman ay makikita sa timog-hilagang bahagi ng
probinsya. Sa kabila nito, masasabi pa ring malaking bahagi ng Bulacan ay nagtatanim ng palay
kaya hindi maipagkakaila na pagsasaka rin ang pangunahing trabaho ng mga mamamayan dito.

Rehistro sa Wika ng mga Magsasaka sa Bulacan: Ang salita sa Pagsasaka


Iba-iba ang pagpapakahulugan at maraming baryasyon ng paglalarawan ng rehistro ng
wika. Binigyang-katuturan ang rehistro sa wika ayon sa level ng paggamit nito na makikilala sa
pamamagitan ng iba’t ibang sitwasyong kinabibilangan. Ito ay batay rin sa kausap ( sino ) , paksa
(ano), layunin ( bakit) at lokasyon (saan). Tatlong dimensyon ang pagkakaiba ng mga rehistro-
field, mode at tenor. Field ito ay tungkol sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng
komunikasyon. Ito rin ay ang kabuuang pangyayari kung saan naganap ang usapan. Mode
tungkol ito sa paraan kung paano isinagawa ang komunikasyon pasalita o pasulat. Tenor ayon
ito sa mga relasyon ng mga kalahok. Nangangahulugang para kanino ito.
Halimbawa ang mga rehistro ng mga doktor na hindi maintindihan ng mga taong
walang kaugnayan sa propesyon nito Hindi maiintindihan ng mga inhinyero ang titser sa wika.
Ang mga terminong sinasabi ng mga sabungero ay hindi maiintindihan ng mga hindi nagsusugal.
Ang katangian ng rehistro ng wika ay mapapansin sa pagiging iba ng bokubolaryo o salita –
maaring sa paraan ng paggamit sa partikular na salita o sa kahulugan nito. Kaugnay ito sa

13
sinasabi ni Trudgil na makikita rin ang rehistro sa mga paraan ng paggamit ng mga salita ayon
sa okupasyong kinabibilangan. Sabi nga ni Wardhaugh (2006,25) ang varayti ng wika ay
makikita sa tiyak na set ng linggwistikong aytem o human speech pattern ( tunog, mga salita,
gramatikal na katangian) na iniuugnay naman sa mga eksternal na factor gaya ng lipunang
kinabibilangan. May mga termino ang magsasaka, na katulad sa nabanggit na varayti , na
tumutukoy sa proseso aktwal na pagtatanim, pag aani at iba pang mga kaugnay na katawagan.

Halimbawa:
Gamit sa Bukid
o Tulos – matulis na kahoy na pinagtatalian ng sinulid
o Sinulid- nakatali sa tulos para sa panakot sa mga ibon
o Limpiya-talim ng araro
o Suyod- instrumentong pandurog ng lupa
o Lapat/ Bule – pantali na yari sa kawayan. Kadalasan kinikiskis ito ng manipis
o Kuliglig- uri ng traktora
o Kareta- karitong walang gulong
o Punla- itinatanim na palay sa bukid

Ang mga salitang nasa itaas ay naglalarawan ng mga gawain sa pagsasaka. Halimbawa
ang salitang sinulid na ang dalang esensiya ay pantaboy sa mga ibong sumisira sa tanim na palay.
Pansinin din, nagbibigay sila ng mga kahulugan mula sa tunog na nilikha (onamotopeya) ng
kanilang gamit na may pagkakatulad sa ingay ng mga insekto gaya ng kanilang tawag sa maliit
na traktora na kuliglig.

14
Ilan lamang ang mga ito sa mga
terminong ginagamit ng mga magsasaka.
Mapupunang may mga salitang madalas
marinig sa ibang paraan ng
Proseso ng Pagsasaka paghahanapbuhay tulad ng sagwan.
Malimit itong iniuugnay sa mga gawaing
 Basag- pagbabasag ng lupa sa isinasagawa sa dagat o sa malalalim na
bukid tubig gamit ang sasakyang pandagat o
 Sagwan –pagsaboy ng palay pantubig. Ngunit nagkakaroon ng ibang
sa punlaan kahulugan ito sa mga magsasaka.
 Bunot- pagkuha sa mga punla
Walang diretsahang punto na
sa punlaan nag-uugnay sa relasyon ng wika at
 Gapas- pagpuputol sa pag- ideolohiya . Mas maliwanag lamang na
aani ng palay nabuo ang isang ideolohiya dahil
 Giik-tawag sa proseso ng binibigyan ito ng konkretong katangian
paglulugas ng balat ng palay ng wika sa pmamagitan ng mga salita,
 Haya- paraan ng pagbibigkis parirala, pangungusap atbp. Maari rin
ng palay sa paraang maliliit sabihin na kasangkot lamang ang wika sa
pagbuo ng ideolohiya at napapalaganap
ito dahil sa wikang ginagamit. Sa
pahayag ni Ruth Wodak (2007), ang
komunikasyon at wika ay posibleng
ideolohikal , subalit hindi naman
kailangan dapat na ganito; puwedeng
maging pulitikal ang wika subalit hindi
naman dapat maging ganito . Isa itong
malinaw na kontekstong wala at hindi
nakapaloob sa isang wika ang ideolohiya.

 PAPEL PANANALIKSIK
Sa isang lipunan na mayroong pare-parehong karanasan, tunguhin at layunin,
gumaganap ang wika ng mahalagang tungkulin sa pagbigkis ng mga damdamin nahubog mula
rito.

15
Ang ideolohiya ay tipikal bagaman hindi eksklusibo, na ipinahahayag at inianak sa
diskurso at komunikasyon kasama ng di-berbal na semiotikong mensahe, gaya ng mga larawan
at mga palabas. Sa kaso ng mga magsasaka, sila bilang isang speech community ay may ‘social
cognition’ na nagturing sa ideolihiya bilang kognitibo at sosyal na gawaing pangkomunikasyon.
Tumutukoy ang sosyal na kognisyon bilang sistema ng mental na represantasyon at proseso ng
mga miyembro ng isang grupo. Ito ang malinaw, sa ganang amin , sa ugnayan ng wika at
ideolohiya.
Isang sosyal na grupo ang mga magsasaka sa kasaysayan ng Pilipinas ay isa sa mga
naisantabi. Sa katunayan, mga magsasaka ang isa sa mga nangunguna sa kasaysayan sa
pagkakaroon ng pag-aaklas laban sa pamamahalaan dahil sa hindi magandang karanasan sa
gobyerno. Binanggit ni Maceda (1996) sa kanyang aklat na Mga tinig mula sa ibaba,
Kasaysayan ng partido komunista ng Pilipinas at Partido socialista ng Pilipinas sa Awit, 1930-
1955 nagkaroon ng pagkakaisa ang mga magsasaka upang mas mabisa nilang maipaglaban ang
karapatan at pang-aabusong naranasan tulad ng napakaliit na pasahod , bantang mapalayas sa
sinasaka atbp. Pahiwatig ang pagsasama-samang ito sa magandang ugnayan ng wika at ng mga
magsasaka na naging instrument upang magtipon at magkaisa ang kanilang mga pananaw,
opinion at hinaing.
Ang leksikalisasyon ay isang pangunahin at kilalang domeyn ng ideolohikal na
ekspresyon at paniniwala. Nangangahulugan itong ang grupo ng mga indibidwal na may
parehong karanasan at nagtagpo ang mga ideolohiya tungkol sa isang sosyal na isyu ay may
mga nabuo o napiling salita o mga salitang kaugnay rito. Base naman sa iba’t ibang konteksto
ang mga rehistrong ito na nakabatay sa ideolohiya nila bilang kaso ng representasyon ng
kanilang mga pananaw.Makikita sa konseptong ito sa mga nakalap na salitang ginamit ng mga
magsasaka sa Bulacan. Bagaman hindi deretsehan ngunit mahihiwatigan mula sa kanilang salita
ang larawan ng kalagayan ng mga magsasakang aktuwal na nagbabad sa pagtatanim sa kanilang
sakahan o bukid.
o Kaban- sukat o dami ng palay sa isang sako. Apat na balde ng palay o 28 na
salop ng palay ang isang kaban.
o Kasama- magsasaka na hindi pagmamay-ari ang lupa ang bukid na sinasaka.
o Proletaryo- may-ari ng lupang sinasaka ng kasama
o Kabisilya – nagdedestino sa mga manananim. Siya ang kadalasang tinatanong ng
mga nagpapatanim .
o Buwis- ibinabayad sa mga nagmamay-ari ng lupa. Sa isang ektarya, 6 na kaban
ang bayad.
o Tampa- nagpapautang sa mga magbubukid

May iba’t ibang uri ng pagsasaka at pagiging magsasaka. Ang mga uri ito ay nagdudulot
ng paghahati sa kanilang estado sa sakahan at marhinalisasyon sa pagsasaka. May mga
magsasakang kapitalista ( proletaryo) at mga magsasakang pesante ( kasama). Ang salitang
proletaryo at tampa ang mga magsasakang hindi aktwal na nagtatanim ng palay. May mga
16
tauhan silang gumagawa sa pagtatanim na tinatawag naman na kasama. Ang mga salitang ito
ay nagpapahiwatig ng estado ng buhay magsasaka- mga magsasakang mayaman at
magsasakang mahirap. Ang
Sa salitang kasama, proletaryo, at tampa , malinaw na ang hindi pagkakaroon ng pantay
na uri ng magsasaka ay nagpaunlad ng mga kamalayang panlipunan tungkol sa kalagayan ng
pagsasaka. Naging bahagi rin sa ebolusyon ng salita ng magsasaka ang gobyerno tulad ng
ugnayan ng salitang kaban at buwis. Ang unang salita ay tumutukoy sa bilang ng naaning
palay ng mga magsasaka at ang huli naman pahiwatig ng paghingi ng bahagi ng pamahalaan sa
pinaghirapan ng mga magsasaka . Bagaman may sinasabing kapitalistang magsasaka, ang
paghingi ng buwis ng pamahalaan ay sumasagasa rin sa maliit na magsasaka . Tinutukoy na
maliit na magsasaka ang mga nagtatanim ng palay na may sariling lupang sakahan subalit hindi
naman malaki at kaunti o katamtaman lamang ang maibibigay na produksioyong palay.
Implikasyon ang sitwasyong ito ng tila piping pagpapahirap sa mga magsasaka . Halimbawa sa
mga magsasakang walang namagitang kapitalista, sa isang ektaryang sinasaka na mayroong
sampung kaban na palay na naani, anim mula sa sampung kaban ang mapupunta sa buwis.
Larawan ito ng isang kalagayan ng mga magsasakang nagkaroon ng problema sa makukuhang
kita sa kanilang pinaghirapang sakahan. Ito ang sitwasyong pinag-ugatan ng mga kilusang
magsasaka sa bansa na ayon sa introduksiyon ni Gelacio Gullermo sa aklat na pinamagatang
Muog: Ang Naratibo ng Kanayunan sa Matgalang Digmaang Bayan sa Pilipinas.
… kinakausap (noong 1984) nila (ng mga magsasaka) ang panginoong maylupa
para ipaliwanag ang layunin at kahalagahan ng repormang agraryo at himukin
siyang paunlakan ang kanilang mga kahilingan. Kung hindi makumbinsi ang
panginoong maylupa, inilulunsad ang konprontasyon (xxvii).
Inaanak mula sa mga karanasan at kolektibong opinyon ng mga magsasaka ang
binanggit ni Guillermo tungkol sa sosyal at politikal na realidad ng lipunang pagsasaka.
Tumutugon naman rito ang mga salitang nagsisilbing representante ng kanilang isip at
ideolohiyang nabuo. Masasabing sa rehistro ng mga magsasaka ay inilalarawan ng wika ang
ideolohiya at sistematikong iniugnay ito sa kanilang mga salitang konkretong may relasyong
panlipunan. Hindi pa sa pagkakaroon ng panlipunang identidad ang rehistro ng mga magsasaka.
Ang kaakuhang nagbigkis sa mga magsasaka ay nagbibigkis rin sa kanilang sama-samang
karanasan at kalagayan na naging dahilan sa nabuo nilang ideolohiya . Malinaw itong taglay sa
mga salita na kanilang ginagamit.

III. TASAHIN
 TALAS-DIWA
Panuto :Buuin ang mga pinaghalo-halong letra upang mabuo ang mga salitang tinutukoy sa
bawat bilang. Isulat ito sa inilaang guhit.

17
1. ROTENDH = _____________________ - Ayon ito sa mga relasyon ng mga
kalahok. Nangangahulugang para kanino ito.
2. LOHIYAIDEOLP = _____________________ - Tipikal bagaman hindi eksklusibo
na ipinahahayag at inaanak sa diskurso at komunikasyon.
3. IKAWSD = _____________________ -Bahagi ng pakikipagtalastasan na
ginagamit araw-araw.
4. CANBULAKH = _____________________ - Isa sa mga lalawigan ng Pilipinas na
matatagpuan sa Rehiyon 3.
5. TATANIMPAGRE = _____________________ -Isa sa mga ikinabubuhay sa Bulacan.
6. DLIEF = _____________________ - Ukol sa layunin at paksa, ayon sa
larangang sangkot ng komunikasyon
7. CHEEPST MMUNITYCOP= _____________________ -Grupo ng taong ibinabahagi
ang hanay ng mga kaugalian at inaasahan tungkol sa paggamit ng wika.
8. DEMOMS = _____________________ - Tungkol ito sa paraan kung paano
isinagawa ang komunikasyon pasalita o pasulat .
9. TROREHISTR = _____________________ - Baryasyon ng wika na makikilala ayon sa
gamit nito, sitwasyon o konteksto
10. LASOCIA NITIONCOHG = _____________________ - Sistema ng mental na
representasyon at proseso ng mga miyembro ng isang grupo.

 ALAB-KAMALAYAN
1. Bakit mahalagang matukoy ang ugnayan ng wika at ideolohiya ng isang lugar?

2. Paano nakatutulong ang pagtuklas sa mga ginagamit na salita ng isang grupo o


pangkat?

3. Tunay bang may malaking epekto sa pakikipagtalastasan ang pagkakaroon ng


baryasyon ng wika? Ipaliwanag ang iyong sagot.

4. Ano ang maaring idulot sa lipunan ng pagkakaroon ng pagkakaiba sa paggamit ng


wika?

5. Paanong nagiging kasangkot lamang ang wika sa pagbuo ng ideolohiya?

18
 SANGKOT-DANAS

Panuto: Magsaliksik at bumuo ng word list ng rehistro sa wika ng mga magsasaka sa


Bulacan at tukuyin ang kahulugan ng mga salitang ilalahad. Isulat ito sa loob ng kahon.
Saan Ginagamit ?
Mga Salita Kahulugan (Hal: Gamit sa bukid, proseso
ng pagsasaka atbp. )

SINOPSIS

Ang leksikalisasyon ay isang pangunahin at kilalang domeyn


ng ideolohikal na ekspresyon at paniniwala. Nangangahulugan itong
ang grupo ng mga indibidwal na may parehong karanasan at nagtagpo
ang mga ideolohiya tungkol sa isang sosyal na isyu ay may mga nabuo
o napiling salita o mga salitang kaugnay rito. Base naman sa iba’t
ibang konteksto ang mga rehistrong ito na nakabatay sa ideolohiya
nila bilang kaso ng representasyon ng kanilang mga pananaw.Makikita
sa konseptong ito sa mga nakalap na salitang ginamit ng mga
magsasaka sa Bulacan. Bagaman hindi deretsehan ngunit
mahihiwatigan mula sa kanilang salita ang larawan ng kalagayan ng
mga magsasakang aktuwal na nagbabad sa pagtatanim sa kanilang
sakahan o bukid.

Sa kabuuan sa paggamit ng wika at mentalidad ay maaring19


iba’t iba ang gustuhin at oryentasyon. Dapat maging bukas ang bawat
tagapagsalita ng wika sa pagbabagong kanilang kahaharapin sapagkat
magkakaiba tayo ng larangan, estado maging kinalalagyan sa lipunan.
Gay Lingo:
Pagsusuri ng “Lengguwahe”
sa Dekada Nobenta

20
Dianne Zamora
MaEd - Filipino

Gay Lingo: Pagsusuri ng “Lengguwahe” sa Dekada Nobenta

I. TUKLASIN

a. Natutukoy ang pinagmulan ng Gay Lingo; ang salik at ang impluwensiya ng


teknolohiya sa paglaganap nito sa lipunan.
b. Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa pagiging bahagi nito sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan.
c. Nakabubuo ng isang adbokasiya gamit ang makabagong pamamaraan ng
pagpapahayag ng kaisipan na nagpapakita ng pagsuporta sa LGBT community at sa
kanilang lenguwahe maging sa Wikang Filipino.

 KOGNITIBONG HAMONG GAWAIN

Pagpapanuod ng video clip na nagpapapakita ng laganap na paggamit ng Gay Lingo


hindi lamang ng mga kasapi ng LGBT community maging ng pangkaraniwang tao sa
lipunan.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang mga salik na nakaapekto sa paglaganap ng Gay Lingo sa lipunan?
2. Paano umusbong ang ganitong uri ng lenggwahe?
3. Ano ang kaugnayan ng wika sa personalidad ng taong nagsasalita o gumagamit
nito?
4. Ano-ano ang mga bentahe at disbentahe ng Gay Lingo sa gumagamit nito?

 SUSING SALITA

 Bekimon, swardspeak, gay lingo


 Bakla, badaf, chaka, bading, shoke
 LGBT
 Sosyolek
 Barayti at baryasyon

21
 Alituntuning Panggramatika
 Balarila

II. Talakayan
Sa isang bansa tulad ng Pilipinas kung saan ang kilos ng bawat mamamayan ay
naaayon sa lipunang kanyang kinabibilangan ay masasabi na hindi pa rin ganap ang
paglaya nito. Sa loob ng daang taon na pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa,
napakarami ang naging ambag o epekto nito sa ating lipunan. Isa na rito ay ang
Kristiyanismo. Napakalaking salik ng relihiyon pagdating sa pagbuo ng katauhan ng
isang tao sa bansa. Masasabi ko na pagdating sa aspeto ng malayang pagpapahayag
ng ating sarili ay hindi pa rin tayo nagiging ganap na malaya. Ang paraan ng
pananamit, pagsasalita at pagkilos ay ilan lamang sa mga bagay kung saan
naipakikita ng isang tao ang kanyang kaibahan sa iba, ngunit sa ganitong paraan din
nagmumula ang ilang pamumuna mula sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Halimbawa, ang pagsusuot ng maikling kasuotan ay may ibang pakahulugan sa iba,
iisiping ang babaeng nagsusuot nito ay isang babaeng bayaran at hindi isang
simpleng pamorma lamang. Isa pang halimbawa ang lalaking masyadong malinis sa
sarili ay napagkakamalan agad bilang isang bakla dahil sa labis na pagiging balidoso
nito. Ang mga halimbawa na iyan ay ilan lamang sa mga kaisipan na tumatak na sa
ating lipunan. Maling kaisipan na kailanman ay hindi magiging malaya sa paningin ng
iba na nag-uudyok sa pagkakabuo ng mga samahan kung saan malaya nilang
maipahahayag ang kanilang mga sarili sa isa’t isa.
Bigyang pansin natin ang Gay Lingo. Paano nga ba ito umusbong? Masasabing
ang Gay Lingo ay isang sosyolek na may sariling dinamikong galaw. Di tulad ng
pangkaraniwang wika na sinasalita ng madla, ito ay mabilis na nagbabago at
nagpapalit ng anyo. Kung ang batayan ng pagiging buhay ng isang wika ang
pagpapalit nito ng anyo o pagkakaroon ng mga pagbabago, ang “gayspeak” ay
maituturing na di lamang buhay at sumisipa kundi tumatalon-talon pa. Ang salitang
imbyerna ay maaaaring maging imbyernita, Verna Liza, imbudo, impasto, okray o
simpleng im lang. Dahil sa ang wika ay maituturing na buhay, samahan pa ng
pagiging malikhain ng mga gumagamit nito at sa pangangailangan na rin na ilabas
ang mga bagong likhang-isip, kung minsan ay mahirap sundan at intindihin ang
sosyolek na ito dahil na rin sa dami ng mga pagbabago. Kaya naman sa mga taong
hindi nakauunawa nito, ito’y isang malaking palaisipan.
 Pananaliksik
Sa mundong ating ginagalawan, hindi mawawala ang wika sa pakikipag-
ugnayan. Ginagamit ito sa pang-araw-araw na pamumuhay halimbawa na lamang sa
pagpasok at paglabas sa paaralan. Ang paaralan ang pangalawang tahanana at halos

22
dito umiikot ang buhay natin tungo sa pangangalap ng mga karunungan at sa
pagpapadala sa agos ng panahong makabago o nakikioagsabayan sa mundo.
Ayon kay Cruz (1998), sa pamamagitan ng wika ay nagkakaunawaan at
nagagawa ng tao ang mga bagay-bagay na may kabuluhan sa kanilang buhay. Sa
lalong ikabubuti ng talastasan, mahalaga ring isaalang-alang ang mga aspektong may
tuwirang kinalaman sa gawaing ito tulad ng dimensyong sosyo-kultural, ang
kapaligiran o sitwasyon at ang kayarian ng wika, istruktura at balarila.
Dagdag pa niya sa elementong sosyo-kultural ang relasyon ng mga taong
kasangkot ay mahalaga. Sa talastasan ang mga salik na sosyo-kultural ng mga nag-
uusap ay masusi tulad ng uri ng pagkatao o personalidad, propesyon o uri ng
hanapbuhay, pinagmulan o kinalakihan ng tao at edad o gulang. Ang mga nabanggit
ay lumilikha ng barayti ng wika. Ang paraan ng paglilipat ng mensahe sa gawaing
pasalita ay barayti ng wika. Higit na maraming Ingles ang hiram na salita sa
pagbigkas kaysa pasulat sa dahilang oras o panahon ang kailangan upang makapag-
isip. Sa usapan ay bigla, sa pasulat nama’y may mahabang oras o panahon ang
kailangan upang makapag-isip. Malaki ang kaugnayan ng personalidad ng tao sa
paggamit ng wika.
Ayon kay Galicia (2007) ang wika ay nag-uugnay at nagsasaad ng kaisipan sa
bawat kilos at gawi ng lahat ng nilalang. Ang wika ay isang behikulo sa mabisang
pagpapahayag, pagtatalakay at pagkakaunawaan. Ito ay daan ng pambansang
pagkakaisa at kaunlaran ng isang bansa at lipunan. Ang wika ay pinakamahalagang
biyaya ng Diyos sa tao, at ang paggamit nito ay isang katangiang ikinaiba nito sa iba
pang nilalang ng Diyos.
Ayon sa Websyat na www.wikipedia.com noong ika-2 ng Marso (2010), ang
Gay Lingo ay bernakular na wikang hango sa Wikang Ingles at Wikang Filipino. Ito ay
ginagamit ng mga baklang Filipino kung saan pinagsasama-sama dito ang elemento
ng Tagalog, Ingles, Espanyol, manaka-nakang galing sa Nippongo, mga pangalan ng
mga artista, kilalang mga gamit kung saan nabibigyan ng panibagong kahulugan
tungo sa isang kontekstong kakaiba.
Ayon kay Santos (2007) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na Ang Gay
Lingo sa Panahon ng Impormasyon ay sinasalamin ng wikang ginagamit ng isang tao
ang kanyang kinalalagyan sa lipunan o social status. Pansnin natin na sa Gay Lingo,
bagaman itinuturing na wika ng mga bakla, hindi naman lahat ng mga bakla ay
gumagamit nito at hindi rin naman limitado sa mga bakla ang paggamit nito, may
mga babae at babaeng bakla ring tumatangkilik sa Gay Lingo. Samantala, kapag may
isang lalaking gumamit ng Gay Lingo, maaari siyang husgahan o ‘di kaya’y maging
kontrobersyal at kwestyunin ang kanyang pagkalalaki.
Dagdag pa dito, ang Gay Lingo ay isa sa baryasyon ng wika sapagkat sa
panahon ngayon ay hindi na maitatanggi na itong espasyo sa loob at labas ng pang-

23
araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino maging sa paaralan sa larangan ng
pakikipagtalastasan.
Ayon kay Rubrico (2001), ang lenggwahe na ginamit ng mga bakla o Gay Lingo
ay para sa kanilang grupo lamang. Wala silang intensyong ipagamit ito sa hindi nila
kauri. Ito ay sekretong lingo o argot na dapat hindi maintindihan ng mga taga-labas.
Ngunit sa paglipas ng panahon, ito ay naging isang bukas na lenguwahe maging sa
mga hindi bakla, ang iba nito ay nakakalabas at ginagamit na rin sa mainstream –
tulad ng bading, tsimay, tsugi, jeproks, tsibug, chika, jowa at iba pa. maliban sa
katotohanan na ang wikang bakla ay kasalukuyang nang nasa proseso ng
pakikipagsabayan sa iba pang wika sa Pilipinas sa paraang palabaybay o sa balarila
man, nagsaad din si Haughen (1997) sa Standardisasyon ng Wika na ang pagsasalita
ay basiko sa pagkatuto ng wika.
Dagdag pa ni Galicia (2007), walang makapagsasabi kung saan at kailan
nagsimula ang mga salitang ito. Ipinapakita lamang na ang wikang Filipino ay buhay.
May nawawala at may katotohanang ang mga salitang ito ay ginagamit sa
kasalukuyan na hindi gaanong binibigyan ng pansin ng mga mananaliksik-wika kung
ano ang epekto nito sa Wikang Filipino. Kaya hindi dapat pagtakhan kung
nakakarinig ng mga bagong usbong na salita na bago sa pandinig na galing sa isang
pangkat o grupo ng mga taong nasa ikatlong kasarian.
Kaligirang Pangkasaysayan
Ang wika ay napakahalaga para sa isang bansa, ito ay isang mahalagang salik
sa pansariling kaunlaran at pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao (Mag-atas,
1998). Ayon nga kay Henry Gleason (1979), isang Linggwista, ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit sa komunikaksyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Ayon sa nasabing pahayag ni Gleason (1979), ang wika ay ginagamit sa
komunikaksyon kung saan pumapasok ang pakikipagtalastasan sa aspetong sosyal.
Ipinahayag din niya ang wika ay nagbabago at kabuhol ng kultura kaya naman sa
pagbabagong ito ay naipasok na sa wikang mayroon sa Pilipinas ang pagsulpot ng
lenggwaheng nasa ikatlong kasarian o ang wikang sinasalita ng mga bakla o mas
kilala sa tawag na Gay Lingo.
Ayon sa Websayt na www.WikiPilipinas.com noong ika-27 ng Pebrero 2010,
ang gay lingo o tinatawag ding sward speak, gay language, showbiz slang at gay slang
ay mga katawagang bunga ng baryayon ng Wikang Filipino, wikang Ingles at iba pang
wikang umiiral sa bansa. Ang wikang ito ay binuo ng mga taong nasa ikatlong uri o
mga bakla bunga na rin ng pangangailangan sa lipunang kanilang ginagalawan. Ang
baryasyong ito ay hindi kagaya ng ibang mga wika na may sariling alituntunin
panggramatika o balarila, ang Gay Lingo ay walang sinusunod na unibersal na
tuntuning panggramatika.

24
Sa baryasyong ito ng wika, ayon nga kay Bickerton (1975 sa Joan 1982) ay
maaaring magbago sa bawat panahon ngunit laging nakikita ang kanyang kaantasan.
Ayon naman kay Whitehead, isang edukador at pilosopong Ingles ang wika
raw ay kabuoan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. Isinaad naman ni Mangahis
(1994) na hindi mapapasubalian na ang wika ay pinakamabisang kasangkapan sa
pakikipagtalastasan. Ngunit hindi kasangkapang mekanikal lamang, higit dito ay
katangian, kalikasan at kagamitan ng wika. Ito’y tagapagdala ng ideya. Nahihikayat
nito ang ugali ng tao, ang isip at damdamin, gawa o kilos nito, ang wika ay
insturmento ng paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip upang magamit
nang suksukang kagamitan ang wika, dapat itong mahawakan nang buong husay at
angking ganap. Dagdag pa ni Santiago (1986):
“Tulad ng isa pang barayti ng Wikang Filipino, ang wika ng mga bakla o gay
language ay patuloy na namamayagpag sa ating lipunan. Ginagamit ito sa iba’t ibang
paraan o uri ng komunikasyon o pakikipagtalastasan. Kadalasan ang mga gay lingo ay
nababasa sa mga pahayagang tabloid, naririnig sa radyo at naririnig sa telebisyon.”
Sa kalagayan ng Gay Lingo umugnay ang iba’t ibang teorya o pag-aaral hinggil
sa mga sitwasyong pagkatuto ng wika katulad ng Teoryang Innative, Teoryang
Kognitb at De Individuation Theory.
Ayon sa pananaw sa Teoryang Kognitib ni Jean Piaget, ang pagkatuto ng isang
wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang mag-aaral ng wika ay palaging
nangangailagang mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na
impormasyon, alamin ang pumailalim na tuntunin at mailapat ang mga ito upang
makabuo ng orihinal na pangunugsap. Habang isinasagawa ang prosesong ito,
malimit na nagkakaali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mag-aaral ng wika
o di kaya nama’y nailapat nang mali ang mga ito. Dahil dito, malimit nagaganap ang
mga kamalian sa paggamit ng wika. Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali sa
isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang
iwinasto. Ang pagkakamali ay tinatanaw ng mga kognitibist bilang isang integral na
bahagi ng pagkatuto. (Badayos, 1999).
Ang teoryang ito ni Piaget ay iniugnay sa Wikang Bakla sa aspetong ang wika
ay dinamiko o nagbabago. Ayon kay Siguitan na kanyang ginawang dyornal na may
titulong A Semantic Look at Feminine Sex and Gender Terms in Philippine Gay Lingo
(2008) ang gay lingo tulad ng ibang wika ay patuloy ring nagbabago. Subalit hindi
katulad ng ibang wika, ang mga salita at terminolohiya nito ay mabilis na
naipoproseso sa labi at hindi makikita sa diksyunaryo nang agad-agad at kung may
sinulid na humahawak sa wikang ito para mabuo, iyon ay kalayaan: kalayaan sa mga
batas at dikta ng lipunan.
Si Murphy Red (1996) naman, ayon sa kanyang article na Gayspeak in the
ineties ay nagbigay ng magandang pagbabalik-tanaw sa wikang bakla sa Pilipinas,

25
isinaad niya ditto na kahit mismo sa wikang bakla, ang mga bakla ay walang
pinaghahawakang alituntunin.
Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na
pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa
pammagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang
makatuklas sila ng ilang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng
dulog na pabuod. Kung ang dulog pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo
sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang dulog pasaklaw naman ay nagsisimula sa
paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng halimbawa. Ang teoryang
kognitibist ay palaging nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay isang aktibong
prosesong pangkaisipan. Sa ganitong pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng
mga bagong impormasyon kung saan ang mga impormasyong ito’y maiuugnay ng
mga mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa kanilang dating
kaalaman. Sa pagkatuto ng wika, kailangang sa implikasyon sa pagtuturo.
Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa
pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng
mga kognitibist, kailangang ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na
magpapabilis sa pagkatuto ng wika (Badayos, 1999).
Bilang isang guro, kailangang may sarili kang paniniwala tungkol sa kalikasan
ng mga bata at paano sila natututo.
Ang De Indivisuation Theory ni Leon Festinger (Linguistic Divergence) ay
hinggil sa pagkawala ng indibidwal ng pagkakakilanlan dahil sa napapalitan na ito ng
identidad ng isang grupo ng lipunan. Ang grupo ang nagdidikta ng mga istandard na
dapat sundin ng bawat indibidwal na pagkakakilanlan dahil nahahalinhan naman ito
ng identidad ng grupo. (Syque 2002-2010).
Sabi nga sa isang artikuo ng magasin, ipinaliwanag at binigyang pagtatanggol
nina Jose at Melly (1984) ang kapakanan ng mga homosekswal, na kung sila man ay
gumagawa ng sariling daigdig na may sariling wika ay sa dahilang kahit ang mga
magulang na kanilang inaasahang mangalaga at magtatanggos sa kanila ay
nasusuklam rin at ikinahihiya sila. Kaya nararamdaman niang sila’y hindi tinatanggap
at waring hindi kabilang sa mundo. (Badayos, 1999)
Sa isa pa ring Ingles na magasin, ang artikulo ni Fortich (1991) na nagsasad ng
mga sitwasyon at reaksyon ng mga bakla bilang tao ay naglalarawan ng hindi
maipaliwanag nap ag-iwas sa kapwa; takot sa mga pag-uuyam at pag-aalispusta,
damdamin na parang ang kanilang kaluluwa sa waring katapusang kapighatian. Wala
silang masilungan ni mahingan ng tulong. Kaya sa paghihimagsik ng kanilang
kalooban narerelease lamang ang kanilang damdamin kung sila’y magsasalita ng gay
lingo, sa ganitong paraan, naalpasan nang nila ang mga alalahanin at paghihimagsik
nang walang nasasaktan.

26
Tunay na ang wika ay mabisang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, sapagkat
ito ay mabisang kasangkapan at nagbibigay ng kulay at buhuay sa mga kaisipan
upang maisatinig sa pamamagitan ng sariling wika.
Sinasabing nagsimula ang gay lingo noong dekada sisenta ngunit ayon kay
Tutuing Hernandez, ito ay magsimula marahil higit pang mas maaga kaysa sa
nabanggit na panahon. Kung kailan daw nagtagpo ang dalawang bakla at nag-usap
ay tiyak na doon ito nabuo. Noong dekada sisenta ay nagsimulang maging popular
ang “swardspeak,” ngunit sa magkasunod lamang na dekada ng otsenta at nobenta
naging malakas ang kapit ng sosyolek na ito sa mga tao bilang ekspresyon, o ang
pinakapopular na ekspresyong “slang”.
Dahil sa diskriminasyong kinakaharap ng bakla ay natututo itong
makipagsagupaan sa pamamagitan ng isang lengguwaheng mag-eetsapwera sa mga
taong nag-eetsapwera sa kanya. Para sa kanila, ang pagkakaroon ng sariling
bokabularyo ay di lamang para sa kanilang kasiyahan, kundi upang protektahan niya
ang sarili sa higit pang pakikialam sa pamamagitan ng pagpuna sa kaniyang mga
sinasabi, nais gawin at iba pa, na bunga ng kaniyang pagkakakilanlan sa sarili bilang
bakla at bilang miyembro ng lipunang Filipino. Dagdag pa, sa pagkakaroon ng mga
bakla ng sariling lengguwahe, sa kanilang pag-uusap ay “di na nila kailangang
magtago o humiwalay sa karamihan.” Makikita na sa isang moog o takip sa gitna ng
karamihan ay gayspeak, kahit bulgar na at may kahalayan ang usapan ay bale wala
ito sa ibang makaririnig, dahil inaasahang walang muwang ang mga ito kung sino at
ano ang paksa ng pag-uusap.
May mga patotoo na ang gay lingo ay paraan din ng isang katuwaan at kung
minsan ay walang paniniwala o ideyolohiyang ikinakabit dito. Ngunit sa iba,
itinuturing ang lenggawaheng ito bilang parte ng ideyolohiya ng kanilang pakikibaka
para sa karapatang pantao at bilang miyembro ng lipunang Filipino. Para sa iba
naman, ang lenggwaheng ito ay may kinalaman sa “kakayahan ng mga bakla na
gawing kakatwa ang maraming bagay.” Mga bagay na sumasaklaw sa kaniyang mga
karanasan bilang tao na may sariling pangangailangan at sariling buhay na hindi
dapat tinitignan bilang banta sa sosyedad.
Ngunit ang pagiging “iba” ng mga bakla ang nagsisilbing banta, una, bunga na
rin sa di sapat na kakayahang umintindi ng karamihan, at ikalawa ay sa dahilang
taliwas ito sa tinuturo ng simbahan. At sa pagkakaroon nila ng sariling bokabularyo
ay “nagsisilbing pwersa ito ng nakararami upang lalong bansagan silang “kaiba,”
dapat magabago at sumunod sa mga dominanteng kultura.”
Makikita na di pare-pareho ang pagtingin ng mga bakala sa gay lingo. May
mga nagsasabing ito’y bunga lamang nga katuwaan, at may nagsabing ito naman ay
isang paraan upang magkaroon ng kalayaan ang bakla sa kanilang ginagalawang
lipunan na nagdidikta ng mga “dapat at di dapat” gawin.

27
Di rin maikakaila na sa dahilang tunay na makulay ang lengguwaheng ito, ang
lipunang kanyang ginagalawan ay pilit ding umaampon sa kanyang alternatibong
wika. Nagtatangka rin ang lipunan na gamitin ang kanyang “lengguwahe”, katulad
halimbawa ng salitang jowa, na nangangahulugang boyfriend o asawa, na malaon
nang ginagamit ng mas nakararami na hindi kabilang sa kafatiran. Kung minsan nga
lang ay ibang pagpapakahulugan ang naibibigay ng “taga-labas” sa ilang mga salita
na nag-uugat sa bokabularyo ng bakla, katulad ng salitang jologs. May nagsasabi na
ito ay nangangahulugang “sosyal” o magaling manamit, samantala sa mga gays na
gumagamit ng salitang ito, ito ay kabaligtaran at nangangahulugang “baduy”,
“mahirap” at “kanto boy.” At sa pagkalat din ng lenggwaheng ito sa pangmadlang
midya katulad ng telebisyon, radyo at maraming babasahin ay nahahanay ito sa mga
pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng maraming tao. Ngunit di lahat ay
nakikiayon sa penomenong ito; marami rin ang di “nakikisakay” o “nakasasakay” sa
ritmo ng gay lingo.
Kung papansinin natin ang bilang ng mga lengguwaheng ginagamit sa bansa,
masasabing di pahuhuli ang salitang bakla. Kung saan nagtitipon-tipon ang mga
bakla ay doon makaririnig ng uri ng sosyolek nila. Bawat grupo, kahit sa Metro
Manila, ay may kanya-kanyang ekspresyong “idiosyncratic” na ginagamit. Sa
dahilang di lubos na tanggap sa lipunan ang bakla, umaasa pa rin ito na darating ang
panahong magbabago ang isang bakla, iyan ay kung dadaan siya sa ilang pagsubok
na kinabibilangan ng mga mitong ito: 1) ang pagbugbog sa batang kinakikitaan ng
kalambutan upang gawin itong lalaki, 2) ang pagpapatikim sa kanya ng babae at ang
huling ginawang biro 3) ang paglublob sa kanya sa drum ng tubig upang gawin itong
lalaki. Sa mga mitong ito ay makikita ang isang uri ng walang batayang pananaw ng
ilan sa ating lipunan. Ngunit hindi ang mga dahilan ng pagkabakla o kung paano ito
dapat harapin ang nais patunguhan, kundi ang isa sa mga ekspresyong kaniyang
ginagamit na magbibigay sa kanya ng sariling identidad – ang gay lingo.
Maraming nagsasabi na ang Gay Lingo ay isang kurapsyon sa wikang Filipino.
Ngunit iba ang sinasabi ng komisyoner ng Wikang Filipino sa isang panayam sa
palabas ni Dr. Winnie Monsod na “Bawal ang Pasaway”. Ika nga ni Dr. Carmelita
Abdurahman (2012) na “habang patuloy ba umiikot ang mundo, maraming magiging
pagbabago at isa na rito ay ang wika.” Sinasabi din niyang “pampasaya at katuwaan”
ang Gay Lingo. Binuod niya ang kanyang opinyon nang sinabi niya na “ang hindi
sumasalungat sa kabutihan ang mga ito, hayaan natin sila, dahil ito ang
nagpapayaman sa ating wika. Sa maikling salita, ang wika ay daynamiko at
nagbabago samakatuwid ang Gay Lingo ay isa sa mga pagbabagong nagpapatunay
na ang wika ay buhay at sila ay konektado sa isa’t isa.
Malaki rin ang epekto ng media sa pagsikat ng Gay Linggo. Ang Media ang
siyang nagsisilbing instrumento ng pagpapakalat at pagpapasikat ng mga salita sa
ating lipunan. Dahil sa media mas nagkakaroon ng kaalaman ang mga mamamayan
tungkol sa Gay Lingo bilang bagong sosyolek o jargon sa lipunan. Isang magandang
halimbawa nlang sa personalidad sa showbiz ay si Vice Ganda. Siya ay sikat na sikat

28
ngayon dahil sa kanyang hindi matatawarang talento lalo na sa pagpapasaya ng mga
tao. Ang paggamit niya ng lengwahe na Bekimon ay patok sa manonood. Isa sa mga
sumikat na gay lingo ay ang charot, petmalu, chaka at marami pang iba. Mapapansin
na kahit hindi kabilang sa LGBT ay gumagamit narin ng mga salitang ito bilang bahagi
sa kanilang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Mas nagkakaron ng ideya ang
mga tao tungkol dito dahil sa midya, kung saan naririnig o napapanuod nila na
ginagamit ang mga salitang Beki ng iba’t ibang uri ng tao.

III. TASAHIN

 TALAS-DIWA
Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan ng sumusunod na mga salita.
1. Havey _________________
2. Chaka _________________
3. Hagardo Versoza _________________
4. Luz Valdez _________________
5. Gors _________________
6. Mudrakels _________________
7. Brenda _________________
8. X-men _________________
9. Charing / Charot _________________
10. Truelalu _________________

 ALAB-KAMALAYAN

1. Sa iyong palagay, epektibo ba ang paggamit ng gay lingo sa kasalukuyan?


Paano ito nakaaapekto sa pang-araw-araw na komunikasyon ng isang
tao?
2. Ano ang nagiging epekto ng pag-usbong ng Gay Lingo sa Wikang Filipino
sa kasalukuyang panahon?
3. Bakit kinakilangang magkaron ng ganitong porma ng lengguwahe?

 SANGKOT-DANAS
Nakabubuo ng isang adbokasiya gamit ang makabagong pamamaraan ng
pagpapahayag ng kaisipan na nagpapakita ng pagsuporta sa LGBT
community at sa kanilang lenguwahe maging sa Wikang Filipino. (Video Blog)
Pamantayan:
Nililalaman 40 %

29
Mensahe 30 %
Pagkakabuo 15 %
Sangkap at Wika 10 %
Pagkamalikhain 5%
Kabuoan 100 %

SINOPSIS
Ang wika ay behikulo at instrumentong ginagamit ng mga tao
sa institusyon sa lipunan – sa halos lahat ng uganyan at talastasan ng mga
ito. Behikulo ang wika dahil mahalaga ito sa komunikasyon, instrumento ito
dahil maliban sa komunikasyon, nagagamit at namamanipula ito para sa iba’t
ibang gawain at para sa iba’t ibang motibo, interes at layunin, maging
positibo man ito o negatibo, maging mapagbuo man o mapagwasak at
maging makabuluhan man ito o hindi.
Sa kabilang dako naman, hindi na rin dapat bigyang
diskriminasyon ang nalikha nilang sosyolek dahil ang Gay Lingo ay ang
sumasalamin sa kultura at sarili nila. Sabi nga nila, ang wika ang
pagkakakilanlan natin. Sa kaso ng LGBT community, ang Gay Lingo ang isa
sa kanilang pagkakakilanlan. Sabi nga ng komisyoner ng KWF. “habang
hindi sumasalungat sa kabutihan ng tao, hayaan natin sila, dahil ito ang
magpapayaman sa ating wika.”

30
Paghahambing sa Bahasa Indonesia
at Wikang Filipino
Bilang mga Wikang Akademiko
at Intelektuwal

31
Claire C. Garcia
MAED-Filipino

Paghahambing sa Bahasa Indonesia at Wikang Filipino bilang mga


Wikang Akademiko at Intelektuwal

I. TUKLASIN
Pagkatapos ng aralin at talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Mamulat ang kaisipan ng mga mag-aaral sa lagay ng Wikang Filipino bilang mga
wikang akademiko at intelektuwa;
b. Maipakita at pagkumparahin ang porsyento ng “graph” ng masterisadong tesis at
dissertation sa Filipino at Ingles;
c. Magkaroon ng malasakit at gumamit ng wika-at-kulturang Filipino sa produksyon
ng kaalaman na magiging ambag sa unibersal na agham o siyentipikong tradisyon
ng sandaigdigan.

 KOGNITIBONG HAMONG GAWAIN

Panoorin ang “video” at sagutin ang mga sumusunod na tanong na may kinalaman sa
napanood.
Language Challenge: Filipino Vs. Indonesian
http://www.youtube.com/BahadorAlast

Mga Tanong:
1. Anong mga bansa ang makikita sa “video” at saang kontinente matatagpuan ang
dalawang bansang ito?
2. Anong Lenguwahe ang ginamit o pinirisinta ng dalawang lalaki sa palaro?

32
3. Sa panonood ng “video”, sa inyong palagay bakit halos magkatulad ang mga salita na
mayroon ang Pilipinas at Indonesia?

 SUSING SALITA

 Wikang intelektuwal at akademiko produksyon,


 akademikong komunidad,
 Index Translationum ng UNESCO,
 Asian Center (AC),
 Kolehiyo ng Arte at Literatura
II. TALAKAYAN
Malayo na ang naaabot ng Bahasa Indonesia, hindi lamang bilang wikang pambansa na
halos “milagro” (Kasus ajaib) ang nakamit na tagumpay, kundi bilang isang seryosong wika
ng intelektuwal at akademikong produksyon. Ang maunlad na paggamit ng Bahasa
Indonesia sa mga talastasan sa agham panlipunan at “Araling Indonesia” sa Indonesia. Sa
Indonesia, kalahok kalahok sa isang patindi nang patindi at palalim ng palalim na talastasang
hindi lamang sa loob ng akademya hindi lamang ang mga islamista, postmodernista,
Marxisma, Pancasilaista, Feminista, AnarkistaSoekarnoista, at marami pang ibang maggiging
bahagi ng paghubog ng material na intelektuwal na kinabukasan ng Indonesia. Sakabila ng
manaka-nakang interbensyon ng sesura at iba pang mapanupil na hakbangin ng estado,
masasabing masaklaw bukas, halosa walang hangganan at pandaigdigan ang pinag-uusapan.
Sa pagpapakita ng nakamit nilang tagumpay, makatutulong ang paglalahad ng ilang datos.
Halimbawa ay sa larangan ng pagsasalin. Ayon sa Index Tranlationum ng UNESCO, ang
Indonesia ang ika-50 sa lahat ng mga bansang may bilang ng mga saling na 4,384 mula 1979
hanggang 2015 (tiyak na hindi pa kompleto ang listahang ito). Sa Pilipinas, 437 lamang ang
mga librong isinalin sa parehong panahhon. Bilang pagkilala sa pag-usbng nito bilang isa sa
mga pangunahing bansang nagbabasa, nagsuuslat at nagsasalin, itinanghal ang Indonesia
bilang Guest of Honor sa 2015 Frankfurt Book Fair.
Upang masukat ang antas ng integrasyon ng komunidad na pangkomunikasyon sa
agham panlipunan sa Indonesia hinggil sa isang partikular na mga paksa ay maaaring
ihambing ang mga wika ng mga nakatala sa bibliyograpiya ng tatlong librong kaisipan ni Karl
Marx. Ang dahilan sa pagpili kay Karl Marx bilang halimbawa ay dahil isa siya sa may
pinakabinabanggit na may-akda ng agham panlipunan hanggang sa kasalukuyan. Sa mga
akdang nasa bibliyograpiya ng introduksyon ni Iring Fetcher (2004) kay Marx sa wikang
Aleman, mapapansing 20% ang nasa iabang wika (i.e., Ingles) at amhigit 9% lamang ang mga
salin sa wikang Aleman. Samakatuwid, may 71% ng mga akdang binanggit sa akda ni
Fetscher ang orihinal na nasa wikang Aleman. Sa bahagi naman ng introduksyon sa wikang
Pranses ni Etienne Balibar na pinamagatang La philosophine de Marx (1993), 4% lamang ang
mga binanggit na nakasulat sa ibang wika (i.e., Italyano at Aleman). Halos 25% ay mga salin
mula sa iba’t ibang wika patungong Pranses. Orihnal sa Pranses ang 71% na mga binanggit
na akda (na lahat ay nailathala pa sa Paris!). ang akda naman ni Andi Muaiyah Ramly na

33
pinamagatang Karl Marx: Materialisme Dialektis dan Materialisme Historis (2004) [Karl
Marx: Materialisme Diyalektik at Materyalismong Istoriko] sa Bahasa Indonesia ay nabanggit
sa bibliyograpiya nito ang mga akda sa ibang wika. (i.e., Inlges) na umabot sa 51% ng
kabuuan. Gayunpaman, halos 20% ay nakasulat nang orihinal sa Bahasa Indonesia at ang
ibang mga natitira ay mga salin sa iba’t ibang wika. Mula Utopikong Sosyalismo patungong
Tunggalian Hinggol sa Rebisyonismo] (2000) nab agama;t nakasulat sa Bahasa Indonesia,
nasa wikang Aleman ang karamihan ng binabanggit sa bibliyograpiya.) Maitatanong
marahihl akung anong Proporsiyon kapag may nagsulat ng ganitong uri ng akda sa wikang
Filipino. Masasabi kayang ganitong antas din ang ganitong narin ng integrasyong panloob
ang intelektuwal na diskurso hinggil kay Karl Marx sa Pilipinas? Kapansin-pansin din sa
halimbawang ito ang pambihirang antas ng integrasyong monolingguwal ng gawaing
intelektuwal ng Pransiya, na maaring siyang modelo at ideyal ng habambuhay na pagsisikap
ni Zalasar na maglatag sa Pilipinas ng nagsasariling talastasan.
Tungo sa iba pang halimbawa, kapuna-puna na sa akda ni James Francis Warren na
Iranun and Balangigi: Globalization, Maritime Raiding and the Birth of Ethnicity (2002), wala
ni isang akdang binanggit sa bibliyograpiya na naksulat sa alin mang wika sa Piliinas ( ang
mga akdang nakalista sa bibliyograpiya ay nasa wikang Ingles, Espanyol, Olandes, Pranses,
Bahasa, Malaysia, at Danish). Isa pang matitingnang halimbawa ang akdang isinulat sa
Bahasa Indonesia ng Alemang si Uli Kozok hinggil sa Sistema ng pagsususlat ng mga batak
na Sumatra na pinamagatang Surat Batak (2009). Tatlumpung porsyento (30%) ng mga
binanggit na akda (ang ibang mga wika Olandes, Ingles, Aleman, Batak, at Pranses). Sa akda
naman ng Pranses na si Jean-Paul Potet hinggil sa paleograpiyang Pilipino na may pamagat
na baybayin: L’Alphabet Syllabique des Tagals (2012), 18% na mga akda sa bibliyograpiya ay
nasa wikang Filipino (kahanay ng mga ito ang mga akda sa wikang Ingles, Espanyol, at
Pranses). Makikita kina Kozok at Potet, kahit mga kapwa dayuhan sa mga kulturang kanilang
pinag-aralan, ang sinserong pagsisikap na matuto mula sa mga akdang isinulat ng mga
iskolar na nagmula mismo sa mga kultrang ito at gumagamit ng kanilang pambansang wika.
Kahit pa mga particular na halimbawa lamang ang mga nabanggit kung kayat hindi maaring
makapagbuo ng mas pangkalahatang konklusyon, masasabing pinipilit ng higit na mataas na
panloob na integrasyon ng isang talastasang pambansa ang mga dayuhang iskolar na
harapin, pag-aralan, at gamitin ang mga produkto ng pagsisikap nito.
Kapansin-pansin ang realitibong mataas na antas ng panloob na integrasyon nang
naaabot ng akademikong komunidad na pangkomunikasyon ng Bahasa Indonesia sa agham
panlipunan ng aralin Indones. Napatutunayan ng karanasang Indones, sa kabila ng marami
ring pagkakaiba, na hindi produktibo ang mga karagdagang restrikasyon ng PP na
pang-“mentalidad” sa paglahok sa talastasang pambansa. Malaking hadlang ito sa
pagsusulong ng mas inklusibong AP sa wikang Filipino.
Kung tutuon naman sa panloob na integrasyon ng AP sa kontekstong Filipino lamang,
magandang ilahad sa bahaging ito ang ilang datos hinggil sa paggamit ng wikang Filipino sa
mga digri ng MA at Ph.D. sa AP sa Asian Center (AC) at sa Kolehiyo ng Arte at Literatura
(KAL) (UP DILIMAN). Ipinakita ng Graph 1 at Graph 2 ang bilang ng mga matagumpay na
ipagtanggol na masteradong Tesis/Disertasyon sa AP sa AC at KAL sa mga taong 2000

34
hanggang 2009 (83 ang kabuuang bilang). Sa panahong ito, 12% ang tesis/disertasyon sa AC
ang nakasulat sa Filipino samantalang 73% naman ang sa KAL. Ang mga binanggit o sinipi na
mga akda na nakasulat sa wikang Filipino sa mga tesis/disertasyon sa AC ay napakaliit na 2%
lamang samantalang ang sa KAL ay 13.8% (7,669) ang kabuuang bilang ng mga binaggit).
66%ng mga tesis/disertayon sa AC ay walang kahit ni isang akda sa wikang Filipino na
nakalista sa bibliyograpiya samantalang 12% naman ang bilang ng nasa KAL. Ang apat na MA
tesis/disertasyon sa KAL na walang nabanggit na anumang akdang nakasulat sa Filipino ay
nakasulat sa Ingles.
Graph 1 – Bilang ng mga masteresadong tesis at disertasyon sa Filipino at Ingles sa Asian
Center (2000-2009).

33 masteradong tesis/disertasyon ng AC na walang banggit na akdang nakasulat sa Filipino ay


nakasulat lahat sa wikang Ingles. Kapuna-puna sa gayon ang malakas na tendensiya sa mga
masteradong tesis/disertasyon na nakasulat sa Ingles na magbanggit ng eksklusibong Ingles na
mga sanggunian. Halos walang diyalogong nagaganap sa iskolarsyip sa wikang Filipino. Mas
balanse ang mga tesis/disertasyon na nakasulat sa Filipino sa pagsangguni kapwa sa mga akda
sa wikang Inlges at Filipino (kahit sekondaryo parin sa pangkalahatan ng mga akdang Filipino).
Mapalalakas ang kabuuang integrasyon ng sistemang produksiyong intelektuwal na ito hindi
sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga “mentalidad” na kailangang pagkaisahan. Sapat na ang
pagkakaisa sa usaping pangwika. Sapagkat, sa katuyan, tulad ng nsabi na, hindi agad-agad
nakasalalay sa substantibong “nilalaman” (kahit pa mga tanong ang mga ito)ang usapin sa
pagtataguyod ng ganitong nagsasariling agham panlipunan. Mas nakadepende ito sa
produktibong pagkakabukas ng talastasan at pagpapalakas ng mga ugnayang pantalastasan sa
loob ng komunidad na pangkomunikasyon ng AP. Ngunit lampas pa rito, dulot ng masalimuot
na kontekstong pangwika ng Pilipinas, maaari pa ngang imungkahi ang pagbubukas ng
talastasan hindi lamang sa loob ng iisang partikular na wika kundi maging sa pagitan ng mga
wika. Kaya marahil, imbes na “talastasan” ang pag-usapan, ay mas angkop ang ideya ng
multilingwal na “komunidad na pangkomunikasyon”.

 Papel Pananaliksik

35
Ang papel pananaliksik na ito ng paghahambing sa Bahasa Indonesia at Wikang Filipino
bilang mga wikang akademiko at intelektuwal ay nagpapakita ng malaking kaibahan ng
dalawang sangkot. Malinaw na naipakita sa pamamagitan ng paghahambing na malayo na
ang narating ng wikang Bahasa kung ikukumpara sa wikang Filipino sa larangan ng paggamit
sa larangan ng pagsasalin. Ayon sa datos, sa Index Tralationum UNESCO, ang Indonesia ang
ika-50 sa lahat ng mga bansang may bilang ng mga saling na 4,384 mula 1979 hanggang
2015 (tiyak na hindi pa kompleto ang listahang ito). Sa Pilipinas, 437 lamang ang mga
librong isinalin sa parehong panahhon. Bilang pagkilala sa pag-usbong nito bilang isa sa mga
pangunahing bansang nagbabasa, nagsusulat at nagsasalin, dahil dito itinanghal ang
Indonesia bilang Guest of Honor sa 2015 Frankfurt Book Fair.
May Kapansin-pansin ang realitibong mataas na antas ng panloob na integrasyon nang
naaabot ng akademikong komunidad na pangkomunikasyon ng Bahasa Indonesia sa agham
panlipunan ng aralin Indones. Napatutunayan ng karanasang Indones, sa kabila ng marami
ring pagkakaiba, na hindi produktibo ang mga karagdagang restrikasyon ng PP na
pang-“mentalidad” sa paglahok sa talastasang pambansa. Upang masukat ang antas ng
integrasyon ng komunidad na pangkomunikasyon sa agham panlipunan sa Indonesia hinggil
sa isang particular na paksa ay maaaring ihambing ang mga wika ng mga nakatala sa mga
bibliyograpiya ng tatlong libro bilang halimbawa sapagkat isa siya sa mga pinakabinabanggit
na may-akda sa agham panlipunan hanggang sa kasalukuyan. Dito malinaw na naihambing
sa pamamagitan ng mga porsyentong nabanggit sa bibliyograpiya ang Bahasa Indonesia.
Halos makipagsabayan ito sa mga usapin sa patataguyod ng ganitong sariling agham
panlipunan.
Ngunit kung tutuon nman sa panloob na integrasyon ng AP sa wikang Filipino lamang,
magandang nailahad ang datos hinggil sa paggamit ng wikang Filipino sa mga digri ng MA at
Ph.D. sa AP sa Asian Center (AC) at sa Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) (UP Diliman) at
ito ay pinatotohanan ng graph na naksaad sa itaas.

III. TASAHIN

 TALAS-DIWA

Pangkat Isa
Sa tulong ng “venn diagram” paghambingin ang Bahasa Indonesia at Wikang Filipino
bilang wikang akademiko at intelektuwal. At base sa resulta ng paghahambing magbigay
ng mga mungkahi sa pagpapaunlad ng wikang akademiko at intelektuwal.

Pagkakatulad 36
Pagkakaiba Pagkakaiba

Bahasa Indonesia Wikang Filipino

 ALAB-KAMALAYAN

Pangkat Dalawa
Gumawa ng isang panukalang proyekto na naka-adress sa kinauukulan, hal. KWF na
naglalayong magkaroon ng malasakit at gumamit ng wika-at-kulturang Filipino sa
produksyon ng kaalaman na magiging ambag sa unibersal na agham o siyentipikong
tradisyon ng sandaigdigan. Ialahad ito sa klase.

 SANGKOT-DANAS

Pangkat Tatlo
Gamit ang telepono, magsaliksik ng isa sa mga akda ni Karl Marx na may kinalaman sa
tinalakay at sumipi ng ilang mahahalagang bagay o paksa na isasalin gamit ang wikang
Filipino.

SINOPSIS

Malayo na ang nararating ng Bahasa Indonesia,


hindi lamang bilang wikang pambansa na halos
“milagro” ang nakamit na tagumpay, kundi bilang isang
seryosong wika ng intelektuwal at akademikong
produksiyon.
Dahil sa mga usaping ito, tila ninais ng may akda
na mapalalakas ang kabuuang integrasyon ng
sistemang produksiyong intelektuwal na ito hindi sa
pamamagitan ng pagtatakda ng mga “mentalidad” na
kailangang pagkaisahan. Sapat na ang pagkakaisa sa
usaping pangwika. Sapagkat, sa katuyan, tulad ng nsabi
na, hindi agad-agad nakasalalay sa substantibong
“nilalaman” (kahit pa mga tanong ang mga ito)ang
usapin sa pagtataguyod ng ganitong nagsasariling37
agham panlipunan. Mas nakadepende ito sa
produktibong pagkakabukas ng talastasan at
pagpapalakas ng mga ugnayang pantalastasan sa loob
Angelica Rose P. Sambajon
MAEd-Filipino

Paghahambing sa Bahasa Indonesia at Wikang Filipino bilang mga


Wikang Akademiko at Intelektuwal

I. TUKLASIN
Pagkatapos ng aralin at talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Mapaghambing ang gamit ng dalawang wika sa akademiko at intelektuwal na
aspeto.
b. Matugunan ang hinihinging pangangailangan upang mapaunlad ang wikang
Filpino.
c. Makabuo ng isang mahusay na pagsasaling-wika ng awiting Bahasa tungo sa
wikang Filipino.

 KOGNITIBONG HAMONG GAWAIN

- Magpapanood ng video clip na nagpapakita ng paggamit ng dalawang wika.


- Matapos ang mapanood ang video clip, pagahahambingin ang gamit ng dalawang
wika sa pamamagitan ng T-Chart

Bahasa Filipino

38
Sagutin ang mga katanungan:
1. Anong kaalaman at teorya ang iyong natuklasan sa napanood mong video clip?

2. Ano-ano ang isinaalang-alang mo sa pagkukumpara ng dalawang wika?

 SUSING SALITA
 Agham Panlipunan
 Araling Pilipino
 Araling Indonesia
 Pananaliksik

II. TALAKAYAN

 Papel Pananaliksik
Maaaring ihambing ang ganitong sitwasyon sa isang kontemporaryong halimbawa ng
pambansang talastasang bukas: ang maunlad na paggamit ng Bahasa Indonesia sa mga
talastasan sa agham panlipunan at “Araling Indonesia” sa Indonesia. Sa Indonesia, kalahok
sa isang patindi nang patindi at palalim nang palalim na talastasang hindi lamang sa loob ng
akademya ang mga Islamista, postmodernista, Marxista, Pancasilaista, feminista, anarkista,

39
Soekarnoista at marami pang ibang magiging bahagi ng paghuhubog ng materyal at
intelektuwal na kinabukasan ng Indonesia.

Upang masukat ang antas ng integrasyon ng komunidad na pangkomunikasyon sa


agham panlipunan sa Indonesia hinggil sa isang partikular na paksa ay maaaring ihambing
ang mga wika ng mga nakatala sa mga bibliograpiya ng tatlong librong pambungad sa
kaisipan ni Karl Marx. Ang isang dahilan sa pagpili kay Marx dito bilang halimbawa ay
sapagkat isa siya sa mga pinakabinabanggit na may-akda sa agham panlipunan hanggang sa
kasalukuyan. Ang akda ni Andi Muaiyah Ramly na pinamagatang Karl Marx: Materialisme
Dialektis dan Materialisme Historis (2004) [Karl Marx: Materyalismong Diyalektik at
Materyalismong Istoriko] sa Bahasa Indonesia ay nagbanggit sa bibliograpiya nito ng mga
akda sa ibang wika (i.e., Ingles) na umaabot sa 51% ng kabuuan. Gayunpaman, halos 20% ay
nakasulat nang orihinal sa Bahasa Indonesia at ang ibang natitira ay mga salin mula sa iba’t
ibang wika.

Maitatanong marahil kung ano ang proporsiyon kapag may nagsulat ng ganitong uri ng
akda sa wikang Filipino. Masasabi kayang may ganitong antas na rin ng integrasyong
panloob ang intelektuwal na diskurso hinggil kay Marx sa Pilipinas?
Iginiit ng ilang dalubhasa, ang kasalukuyang tayo ng akademiya sa edukasyon na ang
paggamit ng katutubong wika sa mga saliksik ang magpapaunlad sa akademiya sa bansa.
Alinsunod kay Batan (2013), ang kahalagahan ng paggamit ng lokal na wika hindi lamang
sa lente ng sosyolohiya kundi pati na rin sa iba pang larangan ng pananaliksik.
“Ang kaluluwa ng pananaliksik ay wika; kung ang ginamit na wika ay banyaga,
nawawala ang tunay na espiritu ng katotohanan dahil sa isip lamang ang tinatalima,
nawawala at nagwawala ang kaluluwang katutubo.”
Samakatuwid, sa paggamit ng wikang banyaga ay nawawalan ng katuturan ang paggamit
ng lokal na wika. Naisasantabi ang kahalagahan ng paggamit ng wikang lokal sa akademiko
at intelektuwal na aspeto. Ang paggamit ng wikang lokal sa mga saliksik ay nagsisilbing
paraan upang lubos na maunawaan ng nakararami ang mga pag-aaral, at dahil sa banyagang
kasaysayan ng mga Pilipino sa konsepto ng pananaliksik at agham panlipunan ang sanhi ng
hindi paggamit ng sariling wika.
Ayon kay naman Carillo (2013), ang epekto sa wika ng mabilis na pag-usad ng panahon
at ng makabagong teknolohiya, ang pagkakabuklod-buklod ng mga kultura sa pamamagitan
ng teknolohiya ang sanhi ng pagkahumaling ng mga Filipino sa wikang banyaga na dahilan
ng hindi pagtangkilik sa sariling wika.

III. TASAHIN

40
 TALAS-DIWA: Sagutin ang mga katanungan.
1. Sumasang-ayon ka bang ang “wika ang kaluluwa ng pananaliksik?”

2. Anong tunguhin ang maaaring maging solusyon sa pag-unlad ng wikang Filipino sa


aspetong akademiko at intelektuwal?

 ALAB-KAMALAYAN: Punan ang graphic organizer ng mga kaisipan tungo sa


pagpapahalaga sa wikang Filipino.

Intelektuwalisa-
syon

Kahalagahan
Akademiko ng Wikang Kultura
Filipino

Agham
Panlipunan
Sagutin ang mga katanungan.
1. Paano mo tinukoy ang kahalagahan ng bawat aspeto sa wikang Filipino?

2. Paano mo maiuugnay ang bawat isang aspeto tungo sa pag-unlad ng wikang Filipino
bilang wika ng akademiko at intelektuwal?

41
 SANGKOT-DANAS: Isalin sa wikang Filipino ang awiting “Mimpi” (Pangarap) ng
Indonesian singer na si Anggun. Hanapin ang liriko ng awitin sa pamamagitan ng
https://youtu.be/PGgMEfOZT04. Matapos ang isinagawang pagsasalin, sagutin ang mga
sumusunod na pamprosesong tanong sa ibaba.

Ang isasagawang pagsasaling-wika ay mamarkahan batay sa rubrik na ito:

Mga Pamantayan Puntos Iskor


1. Napanatili ang orihinal na diwa ng mensahe ng 10
awitin
2. Wasto ang paggamit ng wikang pagsasalinan ng 10
awit.
3. Organisado ang kaisahan ng mga ideya sa 10
naisaling awitin.
Kabuuan 30

Sagutin ang mga katanungan.


1. Ano ang iyong natamong kaalaman sa isinagawa mong pagsasaling-wika?

2. Paano mo mapaghahambing ang wikang Bahasa at wikang Filipino sa isinagawa


mong pagsasaling-wika?

3. Kung susuriin ang konteksto ng awitin, mayroong bang pagkakatulad ang dalawang
sangkot na wika sa usaping pangkultura? Ipaliwanag ang sagot.

SINOPSIS
42
Mapalalakas ang kabuuang integrasyon ng sistema ng produksiyong
intelektuwal hindi sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga “mentalidad” na
kailangang pagkaisahan. Ngunit lampas pa rito, dulot ng masalimuot na
Produksiyon sa Antas Di-Gwadrado:
Ang Karanasan ng
B.A. Araling Pilipino

43
Janina J. Macapagal
MAEd-Filipino

Produksiyon sa Antas Di Gradwado


Ang Karanasan ng B.A. Araling Pilipino

I. TUKLASIN

A. Mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapalawak ang kaalaman sa


wika at panitikanng Pilipino.
B. Mapag-aralan ang iba’t ibang kulturang popular upang maiangkop sa kaisipan at
metodolohiya.
C. Mabigyang-diin ang kaugnayan ng wikang Filipino sa ekonomiya at sa iba pang
larang.

 KOGNITIBONG HAMONG GAWAIN

Ang modyul na ito ay nakatuon sa wika at kulturang popular. Panoorin ang video at
pagnilayan ang kaugnayan ng wikang Filipino sa ating kulturang popular.
https://www.youtube.com/watch?v=AOidECo8pYA

II. TALAKAYAN

 Papel Pananaliksik

Noong 1955 sa U.P. ay pormal na itinatag ang Bachelor of Arts in Philippine


Studies. Mula rito ang mga Pilipino at di-Pilipinog mag-aaral ay magkakaroon ng

44
malawak na pag-unawa sa kulturang Pilipino upang matugunan ang pangangailangan ng
isang “pinag-ugnay-ugnay na pag-aaral.”
Sa paglipas ng panahon mula 1955 ay umusbong at nagbago ang programa
upang mas mapalawak ang pagbibigay ng abanseng instruksiyon sa wika at panitikang
Pilipino. Noong 1991, isina-Filipino ang pangalan ng programa, (B.A. Araling Pilipino)
batay sa panukala ng noo’y tagapangulong Patricia Melendrez-Cruz.
Maraming pinagkawing-kawing na dalumat upang maituon sa tiyak na larang ng
kulturang Pilipino. Maging ang iba’t ibang kulturang popular ay inilapat na rin upang mas
mapalawak ang lenteng sakop ng Araling Pilipino. Gayundin ang produksiyon ng tesis di-
gradwado ay isang mayamang lunan ng Pilipinisasyon. 44 o 33.33% ang kinakitahan ng
tuwirang paggamit ng mga pananaw, konsepto, at metodong binigyang-daan ng mga
nabanggit na pangunahing tagapagsulong ng Pilipinisasyon.
Maraming metodolohiya ang ginagamit upang mapag-ugnay-ugnay ang mga
dalumat at mga kaisipan. Ginagamit ang metodong pakikiramdam, pakikipagkapuwa,
pagtatanong-tanong, pakikipagkwentuhan, pakapa-kapa, pakikisalamuha, at
pakikiugaling-pagmamasid na ginamit sa ilang pag-aaral. Kapansin-pansin din ang
kalakaran tungo sa sinkretismo o pag-uugnay-ugnay ng higit pa sa dalawang
teoretisasyon/ konseptuwalisasyong mula sa labas. Maituturing itong pagpapaluwag o
pagpapalawak ng hanggahan ng mga kaisipan – sa katunayan ay isa ring paraan ng
muling pagtatakda ng kahulugan ng mga ito batay sa sariling pagtataya ng mananaliksik
na Pilipino.
Madalas ding pinagkakawing-kawing ang mga dalumat nina Enriquez, Covar at
Salazar gaya ng matutunghayan sa sumusunod: (1) seksuwal sa mensahe sa mga awit
ng mga bata sa mga maralita ng lungsod batay sa dalumat ng “diwa,” “kamalayan,”
“ulirat,” “isip,” “kalooban,” at “kaluluwa” (2) pag-unawa sa dinamika ng ugnayang bida-
kontrabida sa mga pelikulang pinarangalan ng URIAN mula 1980-1985 gamit ang
“bayan” at kaalamang-bayan dalumat ng pagkakataong Pilipino at iba pa. Iniugnay rin
ang kritisismo ni Almario sa mga kaisipan nina Salazar at Covar sa pagsusuri ng imahen
ni Noli De Castro bilang “Kabayan” sa kaniyang politikal na karera.
Mula naman sa malikhain pa ring pag-uugnay-ugnay ng iba’t ibang metodo sa
iba’t ibang disiplina, nabuo ang tinatawag nilang “lapit na Araling Pilipino.” Ginagamit
din ito upang tukuyin ang isang konseptuwal na gabay sa pagbabalangkas ng
pananaliksik.

III. TASAHIN
 TALAS-DIWA

Ano ang nilalaman o pagkakaunawa sa tekstong binasa?

 ALAB-KAMALAYAN

Paano makatutulong ang Department of Filipino and Philippine Literature sa


pagpapayabong ng kaalaman ng mga mag-aaral sa wika at panitikan?

45
 SANGKOT-DANAS

Sa pamamagitan ng isang pangkatang gawain (role playing) ipakita kung paano


nagkakaugnay ang pag-unlad ng wikang pambansa sa mga usaping pang-
ekonomiya.
SINOPSIS

Ang Produksiyon sa Antas Di-Gradwado: Ang Karanasan ng B.A. Araling


Pilipino ay ang pag-aaral kung saan ang pormal na pagtatatag at ang pagyabong ng
Araling Pilipino sa paglipas ng panahon. Ito ay upang mabigyan ng daan ang mga
estudyante na mapalawak ang kaalaman sa wika at panitikan. Mula sa Department
of Pilipino and Philippine Literature (DPPL) naging Department of Filipino and
Philipiine Literature noong 1976. Mababanaag dito ang katotohanang hindi talaga
“sarado” ang “mula sa loob tungo sa loob” na pag-aaral ng Kapilipinuhan. Para kay
Salazar, marapat langmunang unahin ang pagpapatatag ng “Sarili.” Kung tutuusin,
isa itong pragmatikong pagtatakda ng priyoridad sa hanay ng mga
kailanganin upang matamo ang “kabuuang tunay na batayan ng pag-unlad at
dignidad ng Pilipino at ng kaniyang kultura.”Samakatwid, higit pa sa isang disiplina,
Rodalyn De Vera ang Pilipinolohiya ay isang “pagpupunyaging pangkalinangan at pang-edukasyon”
MAEd-Filipino

Produksiyon Sa Antas Di- Gradwado: Ang Karanasan Ng B.A. Araling Pilipino


I. TUKLASIN
a. Makabuo ng kritikal na pagsusuri sa alinmang akdang pampanitikan.
b. Matugunan ang pangangailangan ng isang pinag-ugnay- ugnay na pamamaraan
para sa pagpapaunlad ng araling Filipino.
c. Makadisenyo ng aktibong pakikisangkot ng mga Pilipinong iskolar sa mga aralin
pampamayanan o village community studies.

 KOGNITIBONG HAMONG GAWAIN

 Pagpapanood ng video clips tungkol sa mga piling


kwentong pambata.
 Pagtalakay ng mga kulturang Popular na babasahin at
midya ng pangmadlang komunikasyon.
 Pagpaparinig ng mga awiting OPM na may
kinapapalooban ng mensaheng para sa
“kamalayan”,“ulirat”,”diwa”,”kalooban” at “kaluluwa”.
 Pakikinig at pagsusuri ng mga public service
advertisement. 46

 Pagsulat ng pagsusuri sa mga na-isepelikulang kwento.


Susing Salita
Ibigay ang angkop na kahulugan ng mga sumusunod na terminolohiya at gamitin sa
isang makabuluhang pangungusap.

Diskurso

Humanidades pananaliksik
Komunikasyon panitikan
Kultura Pelikula
kulturang popular public service advertisement
midya Wika

II. TALAKAYAN
 Papel Pananaliksik
Ang Araling Filipino ay disenyo upang mapalawak ang kaalaman ng bawat
Filipino tungkol sa sariling wika at ang mga kagamitan nito.Ayon kay Abad at Ruedas ,
ang may- akda ng librong, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo, “ Ang wika ang
pinakamalinaw at pinakamahusay magbigay ng himaton sa kung ano ang partikular na
pananaw ng tao sa daigdig na kanyang ginagalawan.
Ang pinanghahawakang teorya sa pag-aaral na ito ay salik sa epektibong pag-
aaral ng epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng Filipino.Ang wika ang pinakamatibay
na pahiwatig ng isang indibidwal sa kanyang paligid.
Alinsunod sa “Facilitating Learning: A Metacognitive Process” nina Maria Rita D.
Lucas at Brenda D. Corpuz (2007), may iba’t ibang teorya tungkol sa proseso ng
pagkatuto at mga salik na nakakaapekto pati na rin sa pamamaraan ng pagtuturo.
Una , kung pag-uusapan ang wika, ayon kay Mario L. Miclat ,hindi ngayon lamang
dekada sumulpot ang problema ng pambansang wika kundi nagsimula pa ito noong
Panahon ng Komonwelt.
Maraming akademiko ang nagpatunay na ang Wikang Filipino ang pambansang
lingua franca.
Pinunto ni Flores (1996) na ang Filipino ay isang lenggwahe-kulturang popular na
nagmula sa Metro Manila at lumaganap sa buong kapuluan.
Ang wika ang salamin ng bayan at siyang bumibigkas. Ang wikang pambansa ay
isang mahalagang instrumento sa pagpapaunlad ng Pilipinisasyon

47
.Ayon kay Catacata, Espiritu , at Villafuerte (2001), lubhang importante ang
adapsyon dahil ito ang bubuo sa pagkikintal ng pambansang pagmamalaki ng
sambayanan.
Ikalawa, ang katuturan ng panitikan sa Panitikang Pilipino na “ Ito’y pahayag na
pasalita at pasulat ng mga Pilipino hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan,
paniniwalang pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino(Jose
Panganiban, Panitikang Pilipino).
Sa pagtalakay naman ng mga bakas ng popularisasyon bilang aparatong kolonyal
at kapangyarihan ng masa (sipi mula sa aklat ng sangandiwa: Araling Filipino bilang
Talastasang Pagkalinangan at Lapit pananaliksik,Manila:UST Publishing House, 2004,
nina RV Nunciobat E- Morales Nuncio).
Ang kulturang popular ay kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at
kaisipang popular. Nguni tang pagpapahayag na ito ay hindi payak lamang sa sa paglipat
ng nilalamanng isipan sa isipan ng iba.Mabisang aparato ng kolonyalismo ang
popularisasyon. Bahagi rin ng pag-aaral ang impormasyon ukol sa Pelikulang Pilipino.
Ang epekto ng pagtangkilik sa Pelikula Pilipino kasabay ng pagtangkilik sa Pelikulang
banyaga.

Pamamaran sa Pagtalakay ng Paksa


A. Balik-Aral sa nakaraang aralin o pagsisimula ng bagong aralin
Bilang isang Pilipino, paano mo ipinamamalas ang pagmamahal sa bansa sa iba’t
ibang larang .Itala ang mga impluwensya ng pagiging isang makabayan sa panitikan,
wika, kulturang popular at pelikulang Pilipino.Gumamit ng ng mga pandamdam sa
konstruksiyong gramatikal. Punan ng sagot ang dayagram.

Panitikan
Wika

Kulturang
Popular

48

Pilipino
Pelikulang
B. Paghahabi ng Layunin
Miyembro ka ng Pintig at Tinig ,isang pangkat ng manunulat upang mapaunlad
ang iyong kasanayan sa pagsulat,magsasagawa kayo ng isang simposyum. Magsagawa
ng suring-basa ng akdang tuluyan.Ito ay ibabahagi ng pangkat sa buong grupo upang
makritik ang ginawang pagsusuri.
Pamantayan
I.Suring-basa (30 puntos)
a. Mabisang panimula……………5 puntos
b. Pagsusuring pangnilalaman….10 puntos
c. Pagsusuring pangkaisipan…….10 puntos
d. Buod……………………………….10 puntos

II.Pagbabahagi
a. Kahandaan……………………… 5 puntos
b. Pagbahagi ng impormasyon….5 puntos
c. Lalim ng pagsusuri……………….10 puntos
Kabuuang Puntos…………………………….50 puntos

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Bagong aralin

Pagtalakay ng mga kulturang Popular na babasahin at midya ng pangmadlang


komunikasyon.

Gabay na tanong:

49
1. Kilalanin ang mga larawan.Ano ang pagkakaiba – iba at pagkakatulad ng nasa
larawan? Ano ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng wika , panitikan at kultura
ng Pilipino?
2. Ano ang kulturang popular?
3. Paano makatutulong ang kulturang popular sa pag- usbong ng Pilipinisasyon?

4. Paano maaring makatulong sa kabataang tulad mo ang matutuhang ang


kulturang popular sa mga akdang pampanitikan sa Filipino?

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

 Pagpaparinig ng mga awiting OPM na may kinapapalooban ng mensaheng para


“kamalayan”, “ulirat”,”diwa”,”kalooban” at “kaluluwa”.

Gabay na tanong:
1.Ano ang damdamin at mensahe ng awiting Ako’y isang pinoy?
2. Sa kasalukuyan, makikita bang Malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang
pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan.
3. Bigyan interpretasyon ang pahayag na: “Mga kabataan , ang totoo, ako ay ikaw na
sasalamin sa ating bansa”.

 Pakikinig ng mga public service advertisement.

Gabay na tanong:
1. Ilarawan ang paglalahad ng impormasyon ng tagpagsalita.
2. Paano nakaaapekto ang salaysayin sa kanyang tagapakinig o awdyens?
3. Ano ang malaking bahaging ginagampanan ng public service advertisement sa
kamalayan ng mga Pilipino?

E. Paglalapat ng aralin sa pang- araw- araw na buhay


1. Ano- ano ang mga punyaging naiambag sa asignaturang Filipino ng Department of
Pilipino And Philippine Literature sa kasalukuyan?

III. TASAHIN
 TALAS -DIWA

50
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang ipinahahayag ng pangungusap ay tama at kung mali ay
lagyan ng EKIS ang mga salita o pariralang nagpamali at punan ito ng wasto.

____________1.Noong 1991, isina- Filipino ang B. A Araling Filipino batay sa panukala ng no ’oy
tagapangulong Patricia Melendez- Cruz.
___________2. Pagsipat sa kamalayang nakapaloob sa patalastas o mga public advertisement
sa mga proyekto at programa ni Pangulong Manuel Quezon.
___________3. Nasasangga ang Peministang pagbasa sa usaping pangkasarian at iba pang
anyo ng kulturang popular.
___________4.Kinasasangkapan ang critical discourse analysis ni N. Fairclough sa dalawang
pag-aaral tungkol sa midya ng panmadlang komunikasyon: ang radyo at diyaryo bilang mga
teksto ng diskurso.
___________5.Sa mga fashion magazine sa Pilipinas gamit ang post- modernismo ni J.
Baudrillard, semiotika at kulturang popular.
___________6.Ang Pilipinong pormulasyon ay uri ng sinkretismo o malikhaing paghuhugpong
ng “loob” at “labas”.
___________7. Kasaysayan at kalagayang pangkabuhayan ng mga magsasaka ng Hacienda
Luicita batay sa kanilang mga tula na nilapatan ng katutubong konsepto ng bayanihan.
___________8. Ang paggamit ng teoretisasyon mula sa iba pang Pilipinong iskolar na
nagpalawig sa mga kaisipang mula sa labas at magtagumpay na nailapat sa sariling konsepto.
___________9. Sa kabila ng pagpasok ng pormalisadong tradisyong panteatro mula sa
Kanluran,umangkop ang pag-iral ng eskpresyong banyaga.
___________10. Ang rebolusyonaryong pagpapanibagong- hubog ay ang suhetibong interes
patungo sa obhetibong interes ng kaisipang proletaryo.

 ALAB-KAMALAYAN
Panuto: Maglahad ng mga mahahalagang kaisipan taglay ng bawat pangungusap.
1. Anong mga hakbang ang ginawa ng KAL upang palawigin ang lente ng Araling Filipino?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.

2 .Ano ang maitutulong ng Araling Pilipino sa pang araw- araw na pamumuhay ng indibidwal?
____________________________________________________________

51
____________________________________________________________.

3. Paanong ang likas na kaganapang panlipunan ay nakatutulong upang maunawaan ang ideya
at layunin ng tao?
_________________________________________________________________
________________________________________________________________.

4. Gaano nakaaapekto ang kultura sa pagbuo ng pelikula?


________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
5. Bakit ang metodo tulad ng social network ay bahagi sa pagsipat ng kamalayang Pilipino?
______________________________________________________________
___________________________________________________________________.

 SANGKOT-DANAS
Bumuo ng Green Screen Film at maglunsad ng patalastas na hihimok sa mga
kabataan na makiisa at maging responsable sa pakikilahok sa aralin pampamayanan o village
community studies. Siguruhing maihahayag ang damdamin at impormasyon tungkol sa
kahalagahan ng Araling Filipino sa sarili, lipunan at daigdig

Tatayain ang Green Screen Film gamit ang rubric.

Pamantayan Puntos
Orihinal ang nabuong patalastas at
nangibabaw ang mga nakahihikayat na
pahayag

52
Gumamit ng mga angkop na larawan bilang
pansuporta sa impormasyon
Malinaw ang pagsasalita ng nag-uulat sa
screen
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga
detalye
Tamang timpla ng ilaw ,musika at effects.

SINOPSIS
Pormal na itinatag ang Bachelor of Arts in Philippines Studies ,
lugar para sa isang interdisiplinaryong programa na naglalayong tugunan ang
pangangailangan ng isang integrated studies at lugar ng aktibong
pakikisangkot para sa mga araling pampamayanan.
Sinulong ang Araling Pilipino sa antas di- gradwado kahawig ng
adhikain at paninindigan ng DPPL.Binigyan ng abanseng introduksyon sa wika
at panitikang Pilipino. Nilayon ng departamento na maisagawa rin ito sa
malawak na paraan sa larangan ng Philippine Studies.
Pinapalawig ng lenteng sinasaklaw ng Araling Pilipino sa
pamamagitan ng bagong kurikulum . Nakatutulong din ito sa pagpaparami ng
bilang ng pananaliksik , bilang lunan ng Pilipinisasyon.
Malaking bahagi ang panitikan at pelikulang Pilipino sa
kalinangan ng bayan. Ang pag-unawa sa dinamikong katauhan ng mga
karakter ay domeyn sa paglinang ng isang indibidwal.
Samantalang sa Marxistang pagbasa sa usaping pang kasarian
ay nagbigay anyo sa kulay ng kulturang popular. Datapwat ginamit ang
pormulasyon at ideolohiya tungo sa kalinawan at pang- lubusan itong
maunawaan.
Ang angkop na metodolohiya gaya ng social network theory at
political cultural approach ay sapat na patunay sa wastong pagtanaw at
pagsipat sa kultura at pananaw ng bawat tao.

53
Lornalyn S. Austria
MAEd-Filipino

Produksiyon sa Antas Di-Gradwado: Ang Karanasan ng B.A. Araling Pilipino

I. TUKLASIN

1. Nasusuri ang pangangailangan ng akademya sa pagtuturo ng Araling Pilipino sa Antas Di-


Antas Gradwado alinsunod sa kurikulum.
2. Naisasapuso ang pagpapahalaga sa pagpapaunlad ng Araling Pilipino sa pamamagitan ng
pananaliksik alinsunod sa kurikulum.
3. Nakalilikha ng papel pananaliksik na magagamit sa pagpapaunlad ng kasanayang literasi
at kakayahan sa pagsusuri upang magamit sa pagbibigay solusyon at rekomendasyon sa
pangangailangan ng mag-aaral at akademya sa pagtuturo ng Araling Pilipino.

 KOGNITIBONG HAMONG GAWAIN

1. Ang mag-aaral ay manonood ng isang maikling video clip tungkol sa mga kilalang
manulat ng bansa.
2. Ang mag-aaral ay magbibigay ng input tungkol sa napanood.
3. Ang mag-aaral at guro ay magsasagawa ng malayang diskurso upang matukoy ng bawat
ang panitikang umiiral sa bansa.
4. Matapos ang malayang diskurso ng mag-aaral ay sasagutin ang tanong kaugnay sa video
clip na napanood.

Paano nakaaapekto ang karanasan ng isang manunulat sa pagbuo ng panitikan at paano ito
naging tulay at salamin ng nakaraang buhay?

54
 SUSING SALITA
 Araling Pilipino
 Pananaliksik
 Agham pampolitika
 Araling pangkultura
 Araling pangkalikasan

II. TALAKAYAN
 Papel Pananaliksik

1. Paglingon sa Nakaraan
Pagpapanood sa mag-aaral ng pelikulang Heneral Luna at Seklusyon
 Sa pamamagitan ng dalawang pelikulang ito susuriin ng mga mag-aaral ang
kalagayang panlipunan ng bansa at kung paano sumibol ang panitikan at kung
paano ito nakaapekto sa paraan ng pamumuhay ng tao sa Pilipinas. Maglalaan ng
mga gabay na tanong ang guro upang maging lundayan nila sa mabisang
pagsusuri at pag-aaral.

2. Pagsusuri ng Panitikan
 Bawat mag-aaral ay bubuo ng isang pagsusuri tungkol sa akdang napili upang
talakayin sa klase.

3. Pananaliksik
Pagsasagawa ng indibidwal na mananaliksik ng mag-aaral
 Sa bahaging ito ay magsasagawa ng pananaliksik ang mag-aaral tungkol sa
panitikang umiiral sa bansa at kung paano ito itinuturo sa mga unibersidad.
Aalamin ng mga mag-aaral ang pedagolohiyang ginagamit sa pag-aaral at
pagtuturo nito. Maaari rin sila magmungkahi ng mga estratehiyang maaaring
gamitin sa pagtalakay nito batay sa kanilang nasaliksik.

4. Pagtuturo ng hakbang sa pagbuo ng papel pananaliksik


 Ituturo ng guro ang hakbang at panuntunan sa pagbuo ng papel pananaliksik.
Sapagkat ang mga mag-aaral ay lilikha ng papel pananaliksik tungkol sa araling
tinatalakay sa buong semester.

5. Pamagat ng Pananaliksik
 Papangkatin ng guro ang klase at bawat pangkat ay bubuo ng pamagat tungkol
sa paksang nais saliksikin kaugnay sa kursong inaaral.

6. Pagbuo ng Papel Pananaliksik


 Sa bahaging ito ay hahayaan na ng guro magsagawa ng pangakatang pananaliksik
ang mga mag-aaral upang buuin at tapusin ang kanilang papel.

55
7. Konsultasyon
 Magbibigay ng payo at suhesyon ang guro sa kanyang mag-aaral. Magkakaroon
ng pagpapalitan ng kaisipan ang guro at mag-aaral upang mas mapalawig ang
pag-aaral at maging makabuluhan.

8. Pinal na Papel Pananaliksik


 Sa bahaging ito ang mag-aaral ay ihahanda na ang kanilang papel pananaliksik
para sa kanilang isasagawang presentasyon para sa kanilang “research defense”.

9. Research Defense
 Sa huling bahagi ng pagtalakay sa kurso (Araling Pilipino) ang mga mag-aaral ay
dadaan muna sa “research defense” upang mas maipaliwanag ang kahalagahan
ng kanilang isinagawang pag-aaral.

III. TASAHIN

 TALAS-DIWA – Debate
Sa pangunguna ng guro ang mag-aaral ay magsasagawa ng impormal na debate
sa klase tungkol sa paksang tinatalakay. Kung saan ang mag-aaral ay
magpapalitan ng opinyon at ideya, subalit kinakailangan na ang lahat ng kanilang
sasabihin ay may pinagkuhanang batayan. Gamit ang estratehiyang ito
malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at pagsagot ng tiyak
at may pinagbabatayan.

 ALAB-KAMALAYAN - Panunuring Pampanitikan


Ang mag-aaral ay magsasagawa ng pagsusuri tungkol sa akdang napiling
talakayin sa klase. Sa bahagi ito gigisingin ang kamalayan ng bawat isa sa realidad
na umiiral sa lipunan. Sa pamamagitan ng pagtalakay sa kaisipang nakapaloob sa
akdang tatalakayin.

 SANGKOT-DANAS – Papel Pananaliksik


Sa pagtatapos ng pag-aaral ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng isang papel
pananaliksik kaugnay sa Araling Pilipino at nakapagsasagawa ng research
defense.

SINOPSIS

Sa kabuuang pag-aaral ng Araling Pilipino masasabi


na ang kurso ito ay naglalayon na makabuo ng isang56
makabuluhang pag-aaral tungo sa Araling Pilipino,
upang makatulong sa pagpapaunlad ng kasanayan
ng bawat mag-aaral. Ang ganitong uri ng pag-aaral
Nagsasariling Talastasan:
Ang Komunidad na
Pangkomunikasyon sa Araling Pilipino

57
Karla Mae E. Guray
MAEd-Filipino

Nagsasariling Talastasan: Ang Komunidad na


Pangkomunikasyon sa Araling Pilipino

I. TUKLASIN

a. Mapalawak ang wikang Filipino sa akademiko at pangkomunikasyon


b. Mapalawak ang multilinggwalismo
c. Mapag-aralan nang mabuti ang Sistema ng pagsasalin

Malikhaing Gawain:

a. Gumuhit ng simbolo na maiuugnay sa kasalukuyang kalagayan ng wikang Filipino sa


larangan ng Edukasyon. Ano ang ating sariling wika? Paano mo isasalarawan ang
ating sariling wika?
b. Panonood ng video clip tungkol sa pagpapatanggal ng Commission on Higher
Education (CHED) sa asignaturang Filipino sa kolehiyo.
c. Paglikha ng vlog na maghihikayat sa mga kabataan na paigtingin ang kamalayan sa
saysay ng pag-aaral ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
d. Magsaliksik ng mga kaugnay na pag-aaral tungkol sa Araling Pilipino
e. Magsalin ng isang awit mula sa Katagalugan patungo sa wikang Cebuano at Ilokano

SUSING SALITA
 Araling Pilipino (AP)
 Pantayong Pananaw (PP)
 Trans-rehiyunal Mentalidad ng Kapilipinuhan

58
II. TALAKAYAN

Papel Pananaliksik

Paksa: Nagsasariling talastasan: Ang komunidad na pangkomunikasyon sa Araling Pilipino.


Pinagsalita ni Luther ang Bibliya ng Aleman, ikaw, pinagsalita mo si Homer sa wikang ito. —ito
ang pinakadakilang handog na maibibigay sa isang bayan; sapagkat ang isang bayan ay
nananatiling barbariko at hindi itinuturing ang mga kahanga-hangang bagay na nalalaman
nito bilang tunay na kaniya, hangga’t hindi niya ito nakikilala sa sariling wika. . . sa gayo’y
gusto kong sabihin hinggil sa aking nais pagsikapan, na gusto kong subukang turuan ang
pilosopiya na magsalita ng Aleman
– Georg W ilhelm Friedrich Hegel Liham kay J. H. Voss Mayo 1805

Ito na marahil ang pinakamainam na paglalarawan sa kasalukuyang kalagayan ng wikang


Filipino sa larangan ng Edukasyon sa Pilipinas. Marami tayong binabasa at pinag-aaralan na
panitikan at kultura sa labas ng bansa, ito ay mga panitikang naisulat sa banyagang wika na pilit
na isinalin sa wikang Filipino upang pag-aralan. Halimbawa nito ang mitolohiya na pinag-aaralan
sa Baitang 10. Kinikilala natin ang mga mito ng Gresya samantalang may sariling mito ang ating
bansa. Ninanais nating maging dakila ang ating bansa ngunit ang banyagang panitikan ang ating
lubos na tinatangkilik. Ayon nga sa pahayag ni Hegel sa itaas, ang pinakadakilang maibibigay sa
isang bayan ay ang pagsalitain ito sa sarili nitong wika. Hayaan mo itong ikwento ang sarili
nitong alamat, epiko o mitolohiya. Ang panitikan nitong maibabahagi gamit ang sariling wika.
Subalit, sa dami ng wika o diyalekto sa bansa, Ang Tagalog lamang ang karaniwang napipili
upang maging istandard na wika na gagamitin sa larangan ng edukasyon. Ito ang nagiging
istandard na wika na ginagamit sa pagsasalin. Samakatuwid, mas napalalawak ang paggamit ng
Tagalog kaysa ibang wika gaya ng Kabisayaan, particular na ng Cebuano at Ilokano.

Mainam na magkaroon ng maayos na daluyan ng pagsasalin nang sagayon ay hindi


mapag-iwanan sa pag-unlad ang iba pang wika ng bansa. Sapagkat, kung mananatiling ang
Katagalugan lamang na wika ang palagian gagamitin, maaaring unti-unting bumaba ang bilang
ng mga lokal na gumagamit ng diyalekto.

Upang mapagbigkis ang mga wika, kinakailangang mapag-aralan ang “trans-rehiyunal”


na estratehiya. Makatutulong ito lalo na sa pagsasalin. Ang mga wika na magkakadikit o
magkakahawig ay madali na lamang makapag-uugnay sa isa’t isa. Ngunit kung sa ibang wika na
malayo sa lingua franca, maaaring gumamit ng iba pang wika na magtutulay pa sa L1 at sa L2.
Maaaring maging kabilang ang ingles sa estratehiyang “trans-rehiyunal” bilang tulay. Kung kaya
naman kung may mga panitikan ang Katagalugan, maaari na itong maisalin sa iba pang wika
gaya ng Cebuano at Ilokano.

Hindi dapat mag-alala o mangamba ang mga nagtataguyod ng pambansang wika—


Filipino—na maaaring mapahina ng ganitong mas masaklaw na konsepto ng komunidad na
pangkomunikasyon ang gawain at produksiyong akademiko sa Filipino. Pinakamalakas na sa

59
ngayon ang wikang Filipino sa gawaing pang-akademiko sa buong Pilipinas (maliban sa Ingles) at
relatibong malayo na ang narating na pag-unlad at antas ng kasanayan sa pormal na talastasan,
pagsusulat, paglalathala, pagtuturo, at pagsasalin. Mainam lamang na mabalanse sa paggamit
sa mga gawaing pang-akademiko ang mga wika o diyalekto sa Pilipinas.

At upang mabalanse ang paggamit ng mga wika, kinakailangang maging handa ang
“Mentalidad ng Kapilipinuhan” ukol dito. Mapapansing masyadong mainstream ang
Katagalugan kung kaya’t ito marahil ang madulas sa pandinig at maginhawang gamitin ng mga
nagnanais magbahagi ng opinyon. Ngunit kung ipakikilala natin ang trans-rehiyunal, marahil ay
marami ang magdududa sa gawaing ito. Kaya naman ay napakahalagang maihanda muna ang
mentalidad ng mga Pilipino nang sa gayon ay masubukan muna ito. Ang “mentalidad” na ito
ang naglalaman ng kodigo (code) ng pag-unawa at pagkakaunawaan sa loob ng “nagsasariling
talastasan”. Hindi makalalahok (o hindi pahihintulutang lumahok) sa talastasang ito (sapagkat
nakapinid nga sa kaniya) ang hindi nakaaalam ng kodigong panlahat.
Pamamaraan sa Pagtalakay ng Paksa
a. Pagsisimula sa Bagong Aralin
Pag-ugnay-ugnayin ang mga larawan at bumuo ng isang ideya na mailalapat sa
kamalayang makabansa.

b. Paghahabi sa Layunin
Gumuhit ng simbolo na maiuugnay sa kasalukuyang
kalagayan ng wikang Filipino sa larangan ng Edukasyon. Ano ang
ating sariling wika? Paano mo isasalarawan ang ating sariling wika?
Gabay na Tanong:
1. Bakit iyan ang ginuhit mong simbolo?
2. Ano ang maaaring maging solusyon sa kasalukuyang
kalagayan ng wikang Filipino sa pang-akademikong larangan?

c. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Bagong Aralin


Pagtalakay ng isang halimbawa ng mitolohiya mula sa Mediterrenean, “Cupid at Psyche”,
isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton at isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat.

60
d. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan

Pagtalakay ng isang halimbawang mitolohiya mula sa Katagalugan, “Si Dian Masalanta”


ni Gregorio V. Bituin Jr.

SI DIAN MASALANTA makapangwawasak o hindi makapangwawasak?


ni Gregorio V. Bituin Jr. di ka gagapang o pagagapangin ka sa lusak?
15 pantig bawat taludtod upang di magalit, mga katutubo'y umindak
at naghandog ng alay huwag lamang mapahamak
kayrikit ng pangalan ng diyosang anong ganda
sapagkat tinatawag siyang Dian Masalanta pag dumatal ang matinding unos, siya ba'y galit?
diyosa ng pag-ibig, pagsilang, pagkamabunga ang ating tahanan ba'y winawasak niyang pilit?
pintakasi ng mga magsing-irog, ng pagsinta matapos ang bagyo'y bubuuin niyang kayrikit
ang kalikasang tahanan ng buong malasakit
buhay ni Dian Masalanta'y narinig sa kwento
ang tulad niya'y napag-uusapan pa ng tao anak siya nina Dumakulem at Anagolay
mula sinauna hanggang sa panahong moderno  si Apolake naman ang kapatid niyang tunay
sa kanya nga'y may dumarakila pa ring totoo nang Kastila'y dumating, iba ang ngalang tinaglay
Maryang Makiling na, mula sa kalikasang bahay
may kakayahan daw siyang sumira at magbuo
ng daigdigang tahanan ng mga katutubo, kaya alalahanin nating may isang diyosa
ng kalikasan, ng lupain ng ating ninuno sa katutubong kultura’y di nalimot ng masa
kay Dian Masalanta'y kayraming kwentong nahango halina't dinggin ang bilin ni Dian Masalanta:
protektahan ang mundong tahanan ng bawat isa!
sa kaysarap pakinggang katawagan sa diyosa
ay may mga kahulugang sa isip nanalasa
"Diyan Masalanta" - ay diyan na masasalanta
"Di 'yan Masalanta" - ay di iyan masasalanta

e. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw


Gawain 1: Paghambingin ang dalawang mitolohiya.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

61
Gawain 2: Mula sa mga binasang halimbawang panitikan mula sa Mediterrenean at
Katagalugan, palalimin natin ang kamalayan natin sa pagpapaunlad ng trans-rehiyunal na
pagsasalin.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Paano mapatatatag ang multilinggwalismo?
2. Ano ang ibig sabihin ng “Mentalidad ng Kapilipinuhan”?
3. Ipaliwanag ang Wikang Filipino bilang wika ng produksiyon ng AP?
4. Ano ang magiging epekto ng pagtangkilik ng sariling wikang pang-rehiyon sa
bansa?
5. Ano ang naitutulong nito upang mapaunlad ang bansa?
6. Sa iyong palagay, sa patuloy ba na paggamit ng rehiyunal na wika magiging daan
ba ito sa pag-unlad at pagyabong ng Wikang Filipino?

III. TAHASIN

a. TALAS-DIWA (Assessment – knowledge)


Gawain 1: SHARE – KO – LANG!
Panonood ng video clip tungkol sa pagpapatanggal ng Commission on Higher Education
(CHED) sa asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Magbahagi ng iyong sariling opinyon


tungkol sa napanood na video clip.

b. ALAB-KAMALAYAN

62
GAWAIN 1: VLOG-IT!
Paglikha ng vlog na maghihikayat sa mga kabataan na paigtingin ang kamalayan sa
saysay ng pag-aaral ng wikang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
GAWAIN 2: SALING-AWIT!
Magsalin ng isang awit mula sa Katagalugan patungo sa wikang Cebuano at Ilokano.
Ipresenta ito sa harap ng klase.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang mga nagging karanasan ninyo habang nagsasalin ng kanta?
2. Paghambingin ang source language at target language ayon sa bahagi ng pananalita.

c. SANGKOT-DANAS (Performace/Evaluation/Creation Level)


GAWAIN: Pananaliksik
Magsaliksik ng mga kaugnay na pag-aaral tungkol sa Araling Pilipino. Bumuo ng pagsusuri.

SINOPSIS

Ang AP ay nahihinggil sa mga bagay na


“sariling atin” (kahanga-hanga man o hindi). Sa gayon
ay nararapat lamang na pangunahing matutuhan at
magagap ang AP sa “sariling wika”. Ngunit ano kaya
ang katayuan ng nababanggit na “sariling wika” sa
mas makitid na larangang akademiko ng AP? Dulot ng
salimuot ng kontekstong pangwika sa Pilipinas, hindi
masasabing simple ang sagot sa tanong na ito

Hindi maitatanggi na ang uri ng


Tagalog/“Filipino” na may mataas na prestihiyo, may
malawak na panitikan, tinitingala, itinuturo sa
eskuwelahan at pinapalaganap ng masmidya ay ang
wika ng Kamaynilaan at Katagalugan.

63
Philippine Studies/Araling Pilipino/
Pilipinolohiya sa
Wikang Filipino: Pagpopook at
Pagdadalumat sa Loob
ng Kapantasang Pilipino (Philippine
Studies/AralingPilipino
/Pilipinolohiya in Filipino:
Redifining Context
and Concept within the Filipino
Scholarly Tradition)

64
Charito D. Delos Santos
MAEd-Filipino

Philippine studies/Araling Pilipino/Pagpopook at Pagdadalumat sa loob ng


kapantasang Pilipino (Philippine Studies /Araling Pilipino/Pilipinolohiya in Filipino:
Redefining Context within the Filipino Scholarly Tradition)

I. TUKLASIN

A. Nasusuri ang kaugnayan ng pagdadalumat-wika sa paglago ng wika


B. Makapagpahayag ng opinion batay sa usaping kinakaharap sa wika
C. Makalikha ng papel pananaliksik na maging batayan sa patuloy na pag-aaral at
magiging daan tungo sa matatag na wika.

 KOGNITIBONG HAMONG GAWAIN

1. Pagpapanood ng video clip kung saan ang mga pahayag ng mga mananaliksik ukol sa
pagpapatatag ng wika.
2. Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng malayang talakayan ukol sa napanood na
video.
3. Matapos ang talakayan hayaan ang mga mag-aaral na sagutin ang tanong sa ibaba.

Paano makatutulong ang mga naunang pananaliksik hinggil sa pag-aaral ng wika?

Sa iyong palagay paano mo maipagpapatuloy ang nasimulan nila?

 SUSING SALITA

65
 Pagdadalumat
 Pilipinisasyon
 Paglilirip
 Philippine studies
 Filipinization
 Indigenization
 Language and knowledge production

II. TALAKAYAN

Paglingon sa mga naglagak ng muhon :pinagsisimula kay Rizala ng


kamalayang Pilipinista at kaakibat nito ay artikulasyon ng pag-aaral at pagkilaalng
/sa sarili bilang integral at pundamental na bahagi ng kabansaan. Naipahayag ni
Rizal kung ano ang dapat na maging tunguhin ng mga pag-aaral tungkol sa
Pilipinas:pag-aaral nating mga Pilipino tungkol sa atin at para sa atin. Nagkaroon
ng pagkabigo na maitatag ang isang internasyunal na samahan

Ayon kay IRC hangarin na ipakita na masmayaman an gating wika kaysa


sa banyagang wika dahil mas marami tayong salitang maitutumbas sa
konseptong langyaw(2003:84)

Samakatuwid marami tayong salitang magagamit na pantumbas sa iba


pang salita na hindi nagkakalayo ng kahulugan at mahalang maunawaan at
nagkakaunawaan kung anong nais ipahayag.

Hindi tototong kailang pang maghintay ng isandaang taon para


maintektwalisa ang wikang ito. Ang pagdadalumat-salita sa anumang binuong
teorya.
Ibig lamang na iparating ay may sariling buhay ang wika nagbabago kung
kinakailangan magbago depende sa takbo ng panahon at pagbabagong hinihingi
alam naman natin na ang wika rin ay isang instrumento na maaaring
makapagpabago sa isipan ng mga tao at maging sa kilos.

Sa bahaging ito sinimulan niya ang pagdadalumat-salita ng “sanghiyang”


upang maipakita ang detalye at kabuluhan nito. Ang morpolohiya ay isang
sangay ng pag-aaral sa lingwistiks ayon kina Santiago at Tiangco(1991) ang pag-
aaral na ito sa mga morpema ay isang wika ng pagsasama-sama ng mga ito
upang makabuo ng salita.

66
Nais lamang na bigyang liwanag na sa pamamagitan ng isangsalita at
pagdadagdag ng panlapi mula rito ay magkakaroon ng panibagong salita at
kahulugan.

Hal. Ang mag- ay hindi makatatayong mag-isa kaya itoy maaaring tawagin
na pantig kapag isinama sa ibang salita saka lamang ito mabubuo at
magkakarroon ng gamit.

 Papel pananaliksik

Hayaan ang mga mag-aaral na magkaroon ng impormal na debate sa bahaging ito ay


unti-unting magkakaroon sila ng kalinawan sa nais tunguhin ng gagawing pananaliksik.

 Argumento: Naniniwala ako na may kakayahan ang wikang Filipino na magamit


ito sa pagdadalumat upang higit na mapayabong ang karunungang Filipino at
Araling Filipino.

 Ikalawang Argumento:Hindi na bansot an gating wika, hindi na kulang-kulang an


gating vocabulary para sa talastasang teoritikal

 Ikatlong Argumento: nasa atin mismong kalinangan o kultura sa balanang


pananaw at makaFilipinong diskurso sa tulong n gating wika ang pagbubukulan
ng wika ng dalumat/teorya natin

 Paglalahad ng guro sa pamamaraan ng pagsasagawa ng pananaliksik.

 Mula sa mga tanong sa ibaba ay bubuo na sila ng sariling pananaliksik ukol sa magiging
kalagayan ng wika?
 Ang pagdadalumat-wika ba ay makasasama o hindi makasasama sa patuloy na
pag-aaral. Paano ito magiging makabuluhan?
 Ano ang magiging reaksyon ninyo sa panawagang magkaroon ng iisang tayo sa
wikang gagamitin sa mga Unibersidad?

 Pagkatapos ng pangangalap ng mga datos na magpapatibay sa kanilang pagsasaliksik


magkakaroon ang guro ng rekomendasyon at pagwawasto sa mga nabuo ng mga mag-
aaral.

 Paglalahad ng presentasyong ng kabuuang pag-aaral

67
Sa bahaging ito ay mag-kakaroon na ng paghahatol sa isinagawa nilang pag-aaral at
pagpapatibay sa isinagawa nilang pananaliksik.

III. TASAHIN

 ALAB-KAMALAYAN

Sa bahaging ito ay ilalahad na nila ang bahagi ng pananaliksik na nais nilang


ilahad at suriin mga salitang ginamit sa pagdadalumat ayon sa napiling talakayin.

 SANGKOT-DANAS

Sa bahaging ito ay nagkaroon na sila ay nakabuo na sila ng pagrerebisa sa


kanilang isinagawang pananaliksik at hawak na nila ang pinal at maayos na papel.

SINOPSIS

Sa proseso ng pagka-Pilipino ng pamantasan


saksi ang huling hati ng dekada na tumaas ang
kamalayang makabayan Isang intellectual ferment”
kasabay ng aktibismo sa lansangan ang maghahawan
ng ng landas sa tahasang pagkikritika sa mga
disisplina lalo sa agham panlipunan at humanidades.
Nagsilbing palabinhian ang 2 larang para sa muling
pagkiklos para muling pagpopook
(recontextualization) at
pagdadalumat(reconceptualization) Araling Pilipino at
Pilipinolohiya
Ipinakilala ni Enriquez ang 2 tunguhin sa
pagdadalumat 1. Indihenisasyon mula sa loob,”
paggamit ng sariling kultura bilang bakal ng
kaalamanat mga konseptong katutubo na matapat na
anglalarawan ng pananaw sa daigdig ng mga Pilipino
2. Indehinisasyon mula sa labas pag-angkin ng mga
konsepto mula sa mga banyaga sa pamamagitan ng
pagsasalin, pag-aandukha, at kultural na asimilasyon
ng mga ito sa karanasan ng mga Pilipino.

68
Kevin Kim Inocencio
MAEd-Filipino

Philippine Studies/Araling Pilipino/ Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at


Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino (Philippine Studies/Araling Pilipino/
Pilipinolohiya in Filipino: Redefining Context and
Concept within the Filipino Scholarly Tradition)

I. TUKLASIN

a. Nasusuri ng mag-aaral ang kalagayan ng wika, konteksto at konsepto nito sa


proseso ng komunikasyon
b. Nagagamit ang wika sa paraang pasulat at pasalita

 KOGNITBONG HAMONG GAWAIN

- Manonood ang mga mag-aaral ng isang bidyo tungkol sa suliranin ng wika.


(Investigative Documentaries Ang estado ng wikang Filipino)
https://www.youtube.com/watch?v=WSsEaBA06-0
- Sasagutin ng mag-aaral ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang mensahe ng bidyong napanood?
2. Bakit nagkakaroon ng suliranin ang wika?
3. Paano masosolusyonan ang suliranin ng wika?
4. Sa iyong palagay, ano na ang kalagayan ng intelektwalisasyon ng wika sa
 SUSING SALITA

 Araling Filipino
 Pilipinisasyon

69
 Wika at Kultura
 Indigenization

II. TALAKAYAN

- Ang mga mag-aaral bubuo ng limang pangkat para sa pangkatang gawain.


Manonood ang mga mag-aaral ng isang bidyo klip na tungkol sa wika (Sulong
Wikang Filipino ni Bienvenido Lumbera). Matapos mapanood ng mga mag-aaral
ang bidyo ay isasakatuparan ang sumusunod:

Gamitin ang P.E.S.S Chart

Problema Epekto Sanhi Solusyon


1.
2.
3.
4.
5.

Tutukuyin ng bawat pangkat ang nakitang problema sa bidyo klip na napanood at ibibigay ang
epekto, sanhi at solusyon. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng sapat na oras para isakatuparan
ang gawain. Pipili ang bawat pangkat ng kinatawan para ipaliwanag ang kanilang output.
Bibigyan ng tig-limang minuto ang bawat kinatawan para ipaliwanag ang output sa bawat
pangkat.

 Papel Pananaliksik

May kasabihan ang mga Pilipino na: “Madali ang maging tao; mahirap magpakatao.”
Ang pagiging tao ay isang prosesong bayolohikal. Ang pagpapakatao ay naaayon naman sa
prosesong kultural. (Prospero Covar, 1993)
Kasama sa pagpapakatao ang pagkakaroon ng pagkakaroon ng kamalayan sa lipunan,
pakikisangkot sa mga suliraning panlipunan, at pakikiisa sa mga usaping makapagpapaunlad sa
bansa. Ang una ay tangkilikin ang sariling atin upang maging progresibo ang bayan. Pangalagaan
ang mga wikang katutubo sa Pilipinas dahil yaman ito ng isang bansa. Makisangkot at makilahok
sa mga programa na magpapabuti sa lipunan. Ang wika nga sa kanta sa simbahan ay walang
nabubuhay para sa sarili lamang. Magsikap hindi lamang para sa sarili kundi para sa bayan.

III. TASAHIN

 TALAS-DIWA
Magsagawa ng Think-Pair-Share sa Klase

70
Think: Bukod sa mga nabanggit sa itaas, sa iyong palagay, ano-ano pang gawain at
sitwasyon ang dapat isagawa para sa wikang Filipino?

Pair: Pumili ng kapareha mula sa mga kaklase. Ibahagi sa isa’t isa ang inyong mga
sagot. Huwag mahiyang magtanong at magbigay komento at puna sa isa’t isa.
Makatutulong ito upang mapaunlad ang inyong ginawa. Gumawa ng buod ng inyong
napag-usapan at napagkasunduan.

Share: Humandang ibahagi sa klase ang inyong buod.

 ALAB-KAMALAYAN

Sagutin ang sumusunod na tanong:


- Ano ang ibig sabihin ni Rizal ng sinabi niyang “Ang pag-aaral sa Pilipinas ay
dapat maging “isang pag-aaral…ng kaniyang mga anak sa konteksto ng
kaniyang kaisahan at identidad” (“a study of Filipinas by her sons in view of her
unity and identity”) (Rizal sa Salazar 306).”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

- Paano matitiyak na ang mga Pilipino ay tatangkilikin ang sariling atin?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

 SANGKOT-DANAS
Pangkatang Gawain. Humanap ng 5 na kaklase na mgiging kagrupo. Ikaw ay isang
mananaliksik ng wika at nagkataon na sa iyong bansa nagkakaroon ng krisis
pangwika dahil sa pamamayagpag ng wikang banyaga. Inatasan ka na gumawa ng
pananaliksik tungkol sa pangmatagalan na solusyon sa pagkakaroon ng
intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa bansa. Tatayain ito ng iyong boss sa tulong
ng mga tiyak na pamantayan na ibibigay sa iyo.

SINOPSIS

Ang pananaliksik na isinagawa ng Unibersidad


ng Pilipinas ay sumailalim sa radikal na pagbabago.
Mula sa pagsunod sa programa ng Estados Unidos na
nagbigay sa atin ng Edukasyon, nagging kasangkapan
ito ng bansa para magkaroon ng sariling pag-aaral
hinggil sa wika at bansa. Binubuhay ang pagiging
Pilipino sa pamamagitan ng pagsasakonteksto ng
araling Filipino. 71
Mga Hamon sa Indibidwal na Iskolar
sa Larangan ng Araling Pilipino

72
Ma. Christina C. Ignacio
MAEd Filipino

Mga Hamon sa Indibidwal na Iskolar


sa Larangan ng Araling Pilipino

I. TUKLASIN

Pagkatapos ng aralin, usapan at talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral ng Araling Pilipino
b. Mapaigting muli at mapanumbalik ang interes ng iba upang mapabilang sa mga mag-
aaral sa larangan ng Araling Pilipino
c. Makapagsagawa ng panayam, sarbey hinggil sa mga suliranin at makapagsaliksik ng
mga mungkahing solusyon sa mga suliranin sa larangan ng Araling Pilipino

 KOGNITIBONG HAMONG GAWAIN

1. Ipababasa sa mga mag-aaral ang isang balita tungkol sa ilang mga kurso na hindi
nabibigyang pansin ng mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo sa Unibersidad
ng Pilipinas.
2. Magbibigay ng kuro-kuro ang mga mag-aaral kung bakit napabilang ang Araling
Pilipino sa mga kursong hindi pinapansin ng mga mag-aaral sa unang taon sa
kolehiyo.
3. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung “Bakit karamihan sa mga kursong hindi
kinuha ng mga bagong mag-aaral sa kolehiyo ay may kaugnayan sa Filipino?”

73
“Dapat pa ba itong ipagpatuloy na ialok sa mga bagong mag-aaral sa kolehiyo o
dapat nang alisin?”

Narito ang link ng balita:


https://www.rappler.com/nation/143523-up-
diliman-courses-no-freshmen

 SUSING SALITA
 Araling Pilipino
 Hamon
 Suliranin
 monolingguwal

II. Talakayan

Mga Hamon sa Indibidwal na Iskolar

sa Larangan ng Araling Pilipino

Ang pagiging monolingguwal sa wikang Ingles kaysa wikang Filipino ng mga


iskolar ng Araling Pilipino ang isa sa mga mabigat na suliraning kanilang kinakaharap.
Dahil sa pagtangkilik sa mga dayuhang manunulat at pilosopo, mas naimpluwensyahan
ang mga iskolar sa makakanluraning paraan ng pagsulat at pagpapahayag o
pakikipagtalastasan. Mas bihasa silang makipagdisskurso gamit ang wikang Ingles. Mas
interesado rin silang basahin ang mga isinulat ng mga kilalang manunulat na dayuhan.
Kaya nagresulta ito sa kakulangan ng mga libro, artikulo at pananaliksik na may
kaugnayan sa Araling Pilipino. Aminado ang ilang iskolar na hindi sila bihasa sa
pagsasalita nang diretso gamit ang wikang Filipino. Ang kakulangan din sa mga palihan,
forum at akademikong talakayan ang nagpahina sa kakayahang makipagtalastasan ng
mga iskolar.

Sa paglipas ng panahon, bumaba ang bahagdan o bilang ng mga mag-aaral na


nagpakita ng interes sa pag-aaral ng Araling Pilipino kaya nagdulot ito sa saglit na 74

kakulangan ng mga nalimbag na babasahin na sinabayan din ng pagpasok at pag-


impluwensya sa atin ng mga dayuhan dala ang kanilang kultura, paniniwala, panitikan at
 Panayam
Dahil sa pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Araling
Pilipino, magsasagawa ang mga iskolar ng panayam sa mga mag-aaral sa unang taon sa
kolehiyo kung ano ang mga bagay na isinaalang-alang nila sa pagpili ng kanilang kurso sa
kolehiyo.

 Pagtalakay sa mga hakbang sa pagsasagawa ng panayam


Ngunit bago isagawa ang nasabing panayam, bibigyang-kaalaman muna ang mga
iskolar sa tamang proseso at mga bagay na dapat ihanda sa pagsasagawa ng panayam.

 Sarbey
Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng sarbey sa mga guro tungkol sa nakikita
nilang kakulangan at kahinaan ng mga iskolar sa Araling Pilipino.

 Pagbuo ng sarbey form


Maaaring komunsulta ang mga tagapanayam sa guro kung ang mga tanong na
nabuo ay may kaugnayan sa gawaing ibinigay

III. TASAHIN

 TALAS-DIWA
 Palitang kuro
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataong isa-isahin at suriin ang mga
suliraning kanilang nalikom mula sa isinagawang sarbey at panayam. Susukatin ang
kakayahan ng mga mag-aaral na tukuyin ang mga mabigat na suliranin.

 ALAB-KAMALAYAN
 Paglalapat ng mga mungkahing solusyon
Ang mga mag-aaral ay hahayaang lapatan ng angkop na solusyon ang mga
suliraning kanilang napiling pagtuunan ng pansin. Magbibigay ang lahat ng mungkahing
solusyon sa mga balakid na ito. sa pamamagitan nito, lilinangin ang kakayahan ng mga
mag-aaral na pangatwiranan ang kanilang mungkahing solusyon.

 SANGKOT-DANAS
 Pagsasagawa ng inilapat na solusyon sa mga suliranin

75
Ang mga mag-aaral ay ilalahad ang mga mungkahing solusyon na kanilang napili
sa bawat balakid na kanilang natukoy. Tatayain ang pagiging epektibo ng mga
mungkahing solusyon na ito.

SINOPSIS
Ang kabuuan ng pag-aaral na ito tungkol sa Araling Pilipino
ay naglalahad ng mga suliranin at mungkahing paraan
upang mabigyang solusyon ang mga balakid sa larang na
ito. Layunin nitong linangin pa ang kakayahan ng mga
iskolar upang ang mga hamon sa kanila ay malampasan at
maiwasan ang magkaroon ng mga suliranin.
Sa oras na malinang ang kasanayan ng mga
iskolar, sila mismo ang makapagpapaunlad sa larang na
kanilang napili at mabibigyan pagpapahalaga ang pag-aaral
ng Araling Pilipino.

Antas Gradwado:
Ang Karanasan ng Master (M.A.)
at Doktorado (Ph. D.) sa
AralingPilipino/ Pilipinolohiya/
Philippine Studies

76
Larah D. Liwanag
MaEd-Filipino

Antas Gradwado: Ang Karanasan ng Master (M.A.) at Doktorado (Ph. D.) sa Araling
Pilipino/Pilipinolohiya/Philippine Studies

I. TUKLASIN
Mababanaag sa paksang, Ang Karanasan ng Master at Doktorado sa Sariling
Pilipino/Pilipinolohiya/Philippine Studies ang dinamikong tagisan, tunggalian, at pagsasanib ay
isang mayamang tugon ng mga kolehiyo at/o akademikong institusyong kumukupkop sa
programang ito sa agos ng panahon, ngunit sa kabuuan ng pag-aaral na ito, kapansin-pansin
ang masalimuot na kasaysayan ng pag-unlad nito.
Pagkatapos ng aralin, usapin, at talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) makilala ang pagkatatag ng programa sa gradwado; antas master at doktorado
b) maipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pananaliksik na tungkol sa wika
c) makabuo ng isang sulating tumatalakay sa wikang Filipino bilang wika sa
pananaliksik

 KOGNITIBONG HAMONG GAWAIN

Pagkakaroon ng isang gawain/laro na tatalakay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa


pagbuo o pagkakaroon ng programang gradwado. Makikita rito ang timeline ng mga
pangyayaring kinasangkutan ng nasabing paksa. Sa pamamagitan ng mga susing salita sa
bawat papel, mabibigyang-ideya ang mga mag-aaral sa madaling pagkakasunod-sunod ng
mga tala tungkol sa paksa.

77
Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga programang panggradwado na itinatag sa bansa?
2. Magbigay ng mga pangunahing suliraning kinahaharap ng mga iskolar sa kanilang pag-
aaral sa antas gradwado.
3. Gaano kahalaga ang pagbuo ng mga pananaliksik na nakasulat sa Filipino sa
pagpapaunlad ng ating sariling wika?
4. Ano-anong mga solusyon ang nararapat gawin upang maparami pa ang pananaliksik
na nakasulat sa wikang Filipino? Maglahad ng konkretong sagot.
5. Bilang isang mag-aaral, ano ang pinakamainam na maiaambag mo sa ngayon upang
mapahalagahan ang ating kaalamang pangwika?

 SUSING SALITA
 Araling Pilipino
 Araling Filipino
 Aralin sa Pilipinas
 Pilipinolohiya
 Filipinolohiya
 Philippine Studies

II. TALAKAYAN

Ang pagkakatatag ng programang gradwado sa kasaysayan ay wala pang tiyak na


petsang pagkakatala tungkol dito. Ngunit, dahil sa mga dokumentong maaaring pagbatayan,
makikita ang pag-iral ng antas na ito. Una rito ay ang patunay mula sa course description ng
kursong Philippine Studies 300 bilang Master’s Thesis. Ikalawa, ang kauna-unahang nagtapos ng
master sa Department of Pilipino and Philippine Literature ng CAS. Nagkaroon din ng panukala
para sa mga kukuha ng Ph. D in Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas.
Itinampok ang programang doktorado sa tatlong pangunahng larangan na maaaring
pagdalubhasaan ng mga mag-aaral. Pinangalanan bilang, Philippine Bureaucracy, Philippine
External Relations, at Philippine Society and Culture. Ito ay nagsilbing malaking hamon sa
gobyerno ang makahikayat na makabuo ng mga programang gradwado sa loob mismo ng
akdemikong Pilipino. Dahil hinigpitan ng gobyerno ang mga mag-aaral na iskolar para mag-aral
sa labas ng bansa, napilitan ang mga mag-aaral na kunin ang gradwadong pag-aaral sa lobb ng
bansa.
Isinilang ng CAS ang Kolehiyo ng Arte at Literatura, Dalubhasaan ng ng Agham
Panlipunan at Pilosopiya, at ang Kolehiyo ng Agham. Ngunit, makalipas ang sampung taon,
nagkaroon ng “one program concept” pagkatapos ng maraming konsultasyon naaprubahan ang
“Single Ph. D Philippine Studies Program” na may iisang hanay ng “core courses”.
Nababakas ang bunga ng pagpupunyagi para sa Pilipinisasyon ng akademya ng
produksyon ng antas gradwado ng Philippine Studies mula 1974 hanggang 2007. Ngunit, ayon
sa natalang bilang ng dami ng nabuong tesis, 157 ang tesis na isinulat ng mga Pilipino at may 3
Hapones ang sa iba. Ngunit, mula sa naisulat na tesis, mas marami ang tesis na naisulat sa
wikang Ingles kaysa sa Filipino. May 36.30% lamang ang sa Filipino, samantalang may 63.70%
78
ang nasa wikang Ingles. Sa talang ito, masasabi na makabuluhan pa rin naman ang bilang ng
naitalang sumulat ng nasa wikang Filipino.
Kahit pa lumipas ang panahon, kapansin-pansin na mas marami pa rin ang naitalang
nasa wikang Ingles. Kapansin-pansin din ang paggamit ng banyagang metodolohiya o teorya. Sa
tala ng kasaysayan, ang tesis pangmaster naman ni Leonilo Doloricon noong 1994 ang naitalang
kauna-unahang tesis sa Wikang Filipino AC.

Ang moralidad ng pagtitiwala sa sariling lakas na nagmumula sa mga paninindigang,


pakikipagkapwa, pagkakatao, karangalan, kalayaan, at katrungang taglay ng mga Pilipino.
Binigyang-halaga rin ang relihiyosong katagalugan sa pamamagitan ng pagtula. Tugon ito sa
sinabi ni Almario na lumikha ng “bahaghari ng wika” para sa ibayong nasyonalisasyon ng
Filipino.
Isa si Virgilio Enriquez sa mga nanguna sa paggamit ng sariling wika bilang midyum ng
pagtuturo sa pamantasan noong 1965. Matapos ang doktorado sa Social Psychology sa
Northwestern University, Illinois sa Amerika, napagtanto niya ang pangangailangang
magsagawa ng sikolohiyang nakaugat sa lipunan, kultura, at wika ng mga Pilipino. Sa
pamamagitan ng paggamit ng mga sarili nating konseptong “diwa,” “kalooban,” “kamalayan,”
“ulirat,” “isip,” at “kaluluwa,” napalalalim at napalalawak, aniya, ang pagpapakahulugan sa
sikolohiya lampas pa sa karaniwang depinisyon nito bilang “agham ng pagkilos ng mga
organism. Mula sa realisasyong ito sumilang ang Sikolohiyang Pilipino (SP) bilang “sikolohiyang
bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino” (6) at “sikolohiyang malaya”/
”mapagpalaya” (Liberation Psychology). Kapwa isang kilusan at proyektong teoretikal (S. L.
Mendoza 66-67), pinabulaanan nito ang malaon nang alegasyon ng mga dayuhang iskolar na
wala diumanong sikolohiya ang mga Pilipino, na imperyor ang mga sikolohista sa Pilipinas sa
kanilang mga katapat sa ibang bansa. Bagaman nilinaw niyang hindi dapat kumiling sa
pagkapartikular o sa pagkaunibersal ang pag-unlad ng SP, kinikilala pa rin niyang may mga
paksang nag-uugat sa pagkapartikular gaya ng mga nasa larang ng sikolohiyang panlipunan,
sikolohiyang kognitibo, kultura at pagkatao. At wika ang siyang susi sa pag-unawa rito.
Gayundin naman, mahalagang lunsaran ang sikolohiya sa paglinang ng wikang pambansa–giit
niya sa “Pilipino in Psychology (Development of Scientif ic Terminology as Part of the
Elaboration and Intellectualization of Pilipino)”. Kung kaya, hindi lamang mabisang kasangkapan
ng komunikasyon ang wika, higit lalo na, isa itong mayamang bukal ng mahahalagang aspekto
ng pag-iisip ng tao. Bagaman tinitingnang hindi partikular lamang sa Pilipinas ang mga
katutubong konsepto, naniniwala pa rin si Enriquez na may mga tangi itong
kahulugang mas malapit sa karanasang Pilipino. Matutunghayan ito sa paglilinang niya ng
konseptong “kapuwa” bilang “pinakaubod (core) ng mga halagahang Pilipino.” Ibang-iba aniya,
ito sa “others” sa Ingles dahil higit itong nakatuon sa idea ng pagkakaisa ng sarili at ibang tao–
isang “ibinahaging sarili” (shared self/identity) na higit na mauunawaan sa iba’t ibang antas at
moda ng pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa’t isa gaya ng pakikitungo, pakikisalamuha,
pakikilahok, pakikibagay, pakikisama, pakikipagpalagayang-loob, pakikisangakot, at pakikiisa.
Pakikipagkapwa rin ang prinsipyong ipinambalangkas sa paglilinang ng mga katutubo/maka-
Pilipinong pamamaraan ng pananaliksik na labis na nagsasaalang-alang o sensitibo sa kultura at
sensibilidad ng mga sinasaliksik, e.g., pakikiramdam, pagtatanung-tanong, paali-aligid,
pakikisalamuha, pagdalaw-dalaw, pakapa-kapa, pakikiramdam at pagpapahiwatig; pakikiugaling

79
pagmamasid, pakikipanuluyan, pakikipagkuwentuhan (de Vera; Aquino), pagpapakuwento at
ginabayang talakayan (Enriquez, “Developing” 48-51; C. Santiago; Nicdao-Henson; Nery; L.
Gonzales; A. Torres; Gepigon at Francisco; Aquino; Aguiling- Dalisay). Nilinang ang mga ito mula
sa pamaya’t mayang pakikipag-usap ng mananaliksik sa mga tao sa komunidad.
Nagkaroon ng iba’t ibang paksa ang tesis at disertasyon na tumatalakay sa iba’t ibang
paksa. Mula sa nasabing mga gawain, piangtagni-tagni ang kasaysayang pampook, kasaysayang
panlipunan, ta kasaysayan ng kababaihan upag masuri ang kalagayang demograpiko ng isang
bayan. May mga bumuo rin ng mga paksang lilinang sa mga katutubong tradisyon at konsepto
ng “pagmamalasakit” at “pagdamay” bilang bahagi ng diskurso ng pagiging Pilipino.
Bilang paglalahat, malaki ang kinalaman ng wika tungkol sa pagpapalawig ng kaalaman
sa gradwadong antas. Ang iba’t ibang tesis at disertasyon ay naglalayong mapalawak at
mapaunlad ang ating wikang sinasalita. Kaya naman, nilalayon ng paksang ito na makapag-
ambag sa pag-aaral sa teknika at sining ng pagsasalin. Upang magkaroon ng kakanyahan o
identidad ng Tagalog/P/Filipino bilang wika at kalinangan na siyang “matatag na batayan” ng
pag-unawa sa ating pagkakaiba. Kung kaya’t ibalik natin ang wika sa kaibuturan ng ating
kamalayan at hindi lamang sa sanga-sangang dila ng mga gahum.

III.TASAHIN

 TALAS-DIWA
Sagutin ang mga tanong:
1. Sa kasalukuyan, nalilinang pa rin ba ang wika mula sa pinagbatayang Tagalog mula sa
paglinang sa mga katuwang na wika sa bansa?
2. Sa iyong palagay, bakit mabilis ang paglaganap ng TagLish sa iba’t ibang domain ng
kaalaman at praktika?
3. Ano-ano ang mga programa sa antas gradwado ang inihain sa atin ng gobyerno?
4. Ano-anong suliranin ang kinaharap ng mga mag-aaral sa pag-aaral nila sa antas
gradwado?
5. Paano palalawakin ang paggamit ng wikang Filipino sa mga tesis at disertasyon?

 ALAB-KAALAMAN
Ipaliwanag: “Ang limitasyon ng ating wika ay siyang limitasyon ng ating mundo.” –
Ludwig Wittgenstein, 1922

Argumento: Naniniwala ako na may kakayahan ang wikang Filipino na magamit ito sa
pagdadalumat upang higit na mapayabong ang karunungang Filipino at Araling Filipino
nang sa gayon ay makasabay sa panloob at panlabas na pananaliksik.
*Magsagawa ng isang debate ukol sa paksang ito. Ang panig ng sang-ayon at hindi
sang-ayon.

 SANGKOT-DANAS

80
Nakabubuo ang mag-aaral ng isang pamanahong papel na masusing tatalakay sa
kulturang popular bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipang
popular.
o Ipahayag na ito ay hindi payak lamang sa paglilipat ng nilalaman ng isang isipan
sa isipan ng iba.
o May radikal na intension ang komunikasyon sapagkat ito ay kasangkapan ng
kapangyarihan, dahil bukal ang wika sa pagnanasa ng taong abutin at
manipulahin ang kaniyang lugar.

SINOPSIS

PiliFilipino – ito aking nakitang inihahaing panimulang teorya


upang suriin ang paimbabaw, malaliman at kaibuturan ng wika. Ang
tatlong bahagdang ito ng wika ang magiging puntong analisis at
pagdadalumat. Hango ito sa sinabi ni N. Chomsky (sa Searle 1971) na
mayroong surface structure (paimbabaw) at deep structure (ubod) ang
wika. Ang sa akin naman, may pumapagitna sa dalawang lebel na ito,
ang middle structure na tatawaging lalim ng wika. Ito ang nawawala sa
kayarian ng wikang Filipino (WF). Sa madaling salita, walang lalim ang
wika dahil walang gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng
ating kamalayan. Tanging ang malakas at dominanteng paimbabaw na
puwersa na mula sa iba’t ibang direksyon, ideolohiya, adbokasi ang
kasalukuyang nagiging sandigan at batayan sa pagbabagong pangwika.
Sa ngayon hangga’t hindi matutugunan ang kakulangan sa lalim at
ubod ng WF, ang paimbabaw na lebel ng wika ang tumatayong
istratehiya sa pagpili, pagpilipit, at pagpipilit na lumabas ang
kakanyahan ng wika.

81
Rojielena E. Mejia
MAEd-Filipino

Antas Gradwado: Ang Karanasan ng Master (M.A.) at Doktorado (Ph. D.) sa Araling
Pilipino/Pilipinolohiya/Philippine Studies

I. TUKLASIN
Layunin ng paksang ito na mabigyang tugon ang mga sumusunod:
a. Pagpapakita ng mga layunin ng isang disertasyon sa pagpapalawig ng
historiograpiyang Pilipino
b. Pagsisiwat ng isang kalagayang pangwika’t kultura batay sa isinasagaang pag-aaral ng
mga kilalang iskoar
c. pagpapaliwanag sa pagkabuo ng isang panibagong teoretikong balangkas na umiikot
sa pagiging nasyonalismo ng isang manunulat
d. pagpapakilala ng kasaysayang lipunang Pilipino sa tulong ng mga akdang
pampanitikan

 KOGNITIBONG HAMONG GAWAIN


Pagpapakita ng ilang larawan ng mga piling pamagat ng akdang Pilipino at pag susuri sa pabalat
nito

82
Tanong:
Ano-ano ang pinahihiwatig ng mga larawan, kulay, at mga disenyo ng pabalat ng ginamit ng
mga piling may akda

 SUSING SALITA
 Igting bilang
 Dugo
 Sanghiyang
 Hiyang
 Kapalibutan
II. TALAKAYAN

Sa pagbabago ng panahon kaalinsabay nito ang kamalayan ng mga tao sa


pangangailangan ng isang lipunan.dito’y nagsisimulang makipagtunggalian ang isang tao sa
hamon ng buhay partikular ang dinamikong pakikipagtagisan ng mga iskolar sa pagtataguyod ng
isang programang pang-akademiko.
Masasabing nakasusunod tayo sa agos ng panahon kapag ang ating produkto ay
naaayon sa pangangailangan at kapakinabangan sa panahong kinabibilangan at kung
nakasasabay sa istandardisasyon sa programang nakaangkla sa pagbabago ng panahon. Isang
malawakang pagsasani ang naganap sa sourcrv language at secong language mula nang
makisabay sa bagong istandard ang mga produktong Pilipino na pinasimulan ng mga kilalang
iskolar sa pilipinas.
at ang isang paraan upang mapaunlad ang sarili, at ang bansa ay ang pagtatayo ng programang
doktorado na isa na nasisilip na maging daan upang mapaunlad ang wika’t kultura ng isang
bansa. Kayat itinatag ang programang gradwado partikular ang Masters ( M.A) at ( Ph. D). Ayon
kay Covar,isang Ph. D “ anupa’t nagsisilbing hamon ang mga udyok ng gobyerno sa panahong
ito para makabuo ng mga programang gradwado sa loob mismo ng akademiyang
Pililpino”.dito’y binibigyang diin ni Cover nag awing daan ang panukala ng gobyerno na
makapagtatag ng Masters at Doktoral upang buhayin at palaguin ang bansa sa pamamagitan ng
pag-aaral na lilinangin sa sariling bansa. Isang magandang pahiwatig upang magkaroon ng

83
kalayaan ang mga dalubhasa na maibahagi at tuklasin na natatagong ganda at yaman ng bansa
sa larangan ng wika’t panitikan.
Ang programang ito na binuksan ng gobyern ang nagtulak sa mga iskolar na makapag-aral ng
Masteral at Doktoral sa labas ng bansa sa paniniwalang posible pang reporma sa ilalim ng
liberato ni Pangulong Marcos. Batid nating higit na maganda na palaguin ang karunungin sa
labas ng bansa hindi dahil sa umiiwas o nababagot na ang mga iskolar sa paulit-ulit na pinag-
iikotan ng kanilang ginagawang pag-aaral kundi dahil upang ng karunungan makapupuno at
makasasagot sa kanilang mga tanong at pangangailangan. Tulad ni Rizal nilibot ang maraming
karatig bansa hindi upang mamasyal .
Ngunit dahil sa paghihigpit ng gobyerno sa mga iskolar na makapag-aral sa labas ng
bansa ay napilitan silang ipagpatuloy ang pag-aaral sa loob ng bansa. Karadgdagan dito
ipinatupad ng rehimen na ang lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno sa ilalim ng Philippine
center for Advanced Studies ay sasailalim sa mga pagsasanay bilang bahagi ng pagpapatupag ng
patakarang pananaliksik at estratehikong pangangailangan na magsisilbing bahagi ng mas
malawak na programa ng cultutra liberation program, ang pinagsanib na katutubo at
makabayang perspektiba, sa kabilang banda isa rin ito sa mga paraang ng pangulo upang
mapangalaagan at mappanatili siya sa kanyang termino. Ngunit ayon kay Covar na isa sa naging
consultant at myembro ng kaguruan ng PCHS, ang dahilan kaya nais ng gobyerno na sumailalim
ang sinumang kasapi ng gobyerno sa pagsasanay sa PCSH ay upang mapag-ugnay ang kapaki-
pakinabang na usapin sa labas ng bansa kaysa sa pag-usapan ang mga walang kwentang usapin
tungkol sa sariling buhay.
Upang di matuldukan ang patuloy na paglago ng mga kaguruan sa kolehiyo itinatag ang
programang Doktorado sa ilaim ng administrasyon ni dekano Domingo Salita noong 1974.
Nakilala ito bilang Graduate Studies na pinangasiwaan ni Armando Bonifacio ng Department of
Philosophy. Ang GS ay nagbibigay tuon sa humanidades,mga disiplinang pang-akademiko na
nag-aaral tungkol sa kondisong humano.at agham-panlipunan na nagbibigay ng tuon sa aspekto
ng tao sa mundo.na multidisiplinaryo ang lapit sapagkat ang programa ay nakakabaangkas sa
isang departamento sa kolehiyo.
Sa kabuuang resulta ng matagal na pamamayagpag ng pilipinisasyon ay nagkaroon gang
akademiya ng produksiyon ng antas gradwado mula 1974 hanggang 2007.sa 160 tesis ( masters
at doctoral) 36.30% ay nakasulat as Filipino at 63.70 sa Ingles sa bansang Pilipinas kaysa sa
Filipino ngunit di maitatangging malaki ang naging ambag ng banyagang wika para mapanatili
ang istandard ng programang gradwado. Di maiiwasan ang panghihiram pa rin ng mga
Pilipinong manunulat sa mga banyagang konsepto at teoretiko. Ang mga banyagang kaisipan
ang magsisilbing gabay ng mga Pilipino sa paglinang ng sariling pormulasyon.
Bagaman ang pamamaraan ay nasa banyaga ngunit ang nilalaman ay makapilipino. Ilan sa
magpapatotoo ay ang ilang pag-aaral ng mga manunulat:
1. ang Hermeneutika ng igtingan ng talinghaga sa relihiyosong panulaang tagalog ni
Herminio Dagohoy
2. ang mga tradisyunal na musikang pantinig sa lumang Bauan Batangas ni Elena Mirano
3. Banga ng pagkataong Pilipino ni Obien Covar
Samantala si Florentino Iñigo Jr. naman ay gumamit ng metodo at pilipinolohiyang
pagsasaling nakaugat at nagtatanghal sa niloloob ng buhay, kultura at wikang Filipino. Gayundin
sa pagsusuri ni Lucille Roxas sa semantikong larangan ng saitang “Dugo” na saltang nilapian at

84
tinambalan ng mga tainghagang bukambibig, kawikaan at pariralang tungko sa sariling dugo na
ginamit sa nobela, maikling kwento at tula.

Maituturing na ikutan pangyayari sa kasysayan ng programang gradwado sa PS ang


unang hati ng dekada 1980. Mula sa CAS isinilang ang mga sumusunod:
CAL COLLEGE OF ARTS AND LETTERS
KAL KLEHIYO NG ARTE AT LITERATURA
CSSP COLLEGE OF SOCIAL SCIENCES AND
PHILOSOPHY
DAPP DALUBHASAAN NG AGHAM PANLIPUNAN AT
PILOSOPIYA
KAPP KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
PILOSOPIYA
CS COLLEGE OF SCIENCE
KA KOLEHIYO NG AGHAM
PSC PHILIPPINE STUDIES COUNCIL

Mapapansin sng pamaamyani ng produkiyong ingles mula sa dekada 70 hanggang unang


hati ng dekada 80.Sa panahong ito dalawa ang magpapasimula ng programang gwadrado na
pumihit ng oryentasyon tungo sa pagdadalumat sa loob.Una, si consolacion Alaras ( Ph.D.,
1987) Ikalawa si Nenita,Pambid ( M.A., 1989). Sa Taong 1991 naitalang unang ginamit ang salin
sa Filipino “ Araling Pilipino” sa programang master ng KAL.
Ginabayan itong disertasyon ni Jaime Veneracion at tesis pangmaster ni Bernadette
Abrera upang mapalawig ang bagong kasaysayan/ bagong historiograpiyang Pilipino.

Gamit ang mga kaisipan at metodo ng SP, PtP at Pilipinolohiya, nakabuo si Florentino
Inigo Jr. ng isang modelo ng pagsasaling nakaugat at nagtatanghal as buod at niloloob ng buhay,
kultura, at wikang Filipino sa kaniyang pag-aaral tungkol sa pagsasaling kultural batay sa
“sarsaritang pangkanayunan”ng manunulat na siManuel E. Arguilla.
Iminapa at sinuri ni Lucille Roxas ang semantikong larangan ng salitang Dugo batay sa mga
kaisipang Salazar at Covar sa disertasyong” pagdalumat sa Dugo bilang Metapora at
artikulasyon ng pagkatao at lipunang Pilipino sa panitikan. Sa mga salitang Dugo na nilapian at
tinambalan ay isang katutubong kahuugan inilalaan sadugo katulad ng buhay, pag-aalay at pag-
aalay ng buhay upang magkaroon ng katarungan at mahugasan ang kasalanan.
Tatlong dalumat ang nilinang ni Francis Gealogo- ang kabayanan, kabahayan at kababaihan sa
kaniyang disertasyon tungkol sa kasysayan at demograpiya ng san Jose de malaquing
tubig( 1765- 1903) nakabuo siya ng isang holistikong kasaysayang demograpikong bayan na
sensitibo sa usapin ng kasarian.
Samantala matutunghayan naman sa “ tradisyon ng luwa sa kapistahan ng taal,
batangas, 1954-2004 ni goria Gamo ang isa pang hallimbawa ng sariling pagdadalumat sa
tradisyon” . ang “ alingawngaw ng lupa” na dinevelop ni Leocito Gabo sac kaniyang pag-aaral
tungko lsa pagbabago ng kalagayan ng kababaihan “ mula sa ibaba”. Pinalitaw ni Gabo ang
kanilang pagpapakahulugan sacamamagitan g pakikipamuhay ( sa oo ng 8 taon)

85
Mula naman sa tesis ni Eduardo Lapiz, ang Sotu tutul tud bulul” ( isang kwento ni tud bulul)
ibinahagi ang hlolok,isang mataas na antas ng tradisyong pang-awit ng mga t’boli, bilang
integral sa ating pambansang kamalayan.
Gamit sa ipinook ng pagsusuring moda ang produksyon sa kontekstong Pilipino.
Nadalumat ni Michael Andrada ang “ tulansangan” isa itong pagsusuri sa mga tula sa panahon
ng kolonyalismo, neokolonyalismo, monopoly-kapitaismo, at higit sa lahat konteksto ng
kilusang mapagpalaya.
Gamit ang pinag-ugnay na teorya nina Cesare Segrev( semiotics and literary criticism) at Eric
Louw ( the media and cultural production) tinuunan ni Elyrah Salanga ang buhay ng tinaguriang
“ muhon” ng peryodismong Pilipino sa “si alfredo Navarro Salanga at ang kanyang ginintuang
mata: pagsusuri sa mga akda sa post- prandial reflections ( 1982- 1986)
Bilang kabuuan ang ingles ay isa ng bahagi n gating kahingian sa larangan ng
globalisasyon ng isang bansa.Kakawing na ito ng ating prinsipyo, kultura at buhay.

III.Tahasin

 TALAS-DIWA
(Magbigay ng limang dahilan sa kagandahang idinulot ng pagkaudlot ng pag-aral ng mga iskolar
sa ibang bansa).

 ALAB-KAMALAYAN
Pangkalahatang panuto:
1.ang sagot ay di maaaring ibatay sa sariling opinyon lamang
2. ang sagot sa bawat bilang ay di bababa sa limang pangungusap
3.isaalang-alang ang wikang gagamitin maging ang paraan ng pagbaybay ng mga salita
Ano-ano ang mga posibleng dahilan na iyong nakikita sa paghina ng kapangyarihang paunlarin
at pagyamamin ang FILIPINO sa mga sumusunod.
1.bilang midyum ng pagtuturo
2. bilang prayoridad sa akademikong pampagkatuto
3. sa paghahanap ng trabaho
4. sa pakikipagkomunikasyon

 SANGKOT-DANAS
Magsagawa ng iang book review hinggil sa mga aklat na isinalin ng mga kilalang manunulat ng
Pilipinas.
Mga bagay na dapat isaalang-alang sa book review
1. kahulugan ng pamagat mula sa pag-uugnay-ugnayng mga sumusunod:
 Kulay
 Larawan
 Disenyo
 Pamagat
2. wika
 Standard ng wika

86
 Uri ng wika
 Estilo ng paggamit ng wika puro ba o ma code switching sa ginamit na wika
3. I-S-B-N
4. Genre ng panitikan
5. Paksa

SINOPSIS

Ang paksang ito na Antas Gradrado: ANG


KARANASAN NG MASTER ( M.A) AT DOKTORAdo
( PH.D.) SA ARALING PILIPINO /PILIPINOLOHIYA
/PHILIPPINE STUDIES ay nagbibigay tuon sa
pagsulong ng kalagayang pangwika at panitikan
kaugnay ang kasaysayan ng kalagayang panlipunan
ng isang bansa kaugnay at pagkakaiba-iba ng
kalagayang indibidwal sa aspeto ng buhay,
moralidad,wika at kultura.

Zeus Salazar: Pakikipagtalastasan sa


Pantayong Pananaw

87
Rowena S. Gagante
MAEd-Filipino

Zeus Salazar: Pakikipagtalastasan sa Pantayong Pananaw


I. Tuklasin
Pagkatapos ng aralin,usapin at talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyan diin ang pag-aaral na isinagawa ni Zeus Salazar hinggil sa Pantayong
Pananaw
b. Nakapagbabahagi ng sariling pananaw ukol sa kalagayan ng wika at kultura sa
ating bansa
c. Nakalilikha ng sariling papel pananaliksik mula sa iba pang nabasang pag-aaral

 KOGNITIBONG
 Magpapanood ng video hinggil sa buhay ni Zeus Salazar. Gamitin ang link na nasa ibaba

88
https://www.youtube.com/watch?v=OcVnZmqU5_s&t=34s

Mga Tanong:

 Tungkol saan ang videong pinanood?


 Magbigay ng mga ambag ni Salazar sa kasaysayang Filipino?
 Kung makakausap mo si Salazar , ano ang nais mong sabihin sa kanya?

 SUSING SALITA
 Araling Pilipino
 Pantayong Pananaw
 Intelektuwalisasyon ng wikang Filipino
 Komunidad na pangkomunikasyon
 Kasaysayan
 Histograpiya
 Pangkabihasnan
 Historiko
 Balangkas

II.Talakayan
Pagtalakay sa talambuhay ni Dr. Zeus Salazar

Si Dr. Zeus Atayza Salazar

ay itinuturing “Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino”.


Ipinanganak siya na panganay mula sa pitong magkakapatid sa
Tiwi, Albay noong Abril 29, 1934 mula kayla Ireneo Salazar at Luz
Salazar. Mula sa kanyang pag-aaral, at samakatuwid na
pagtuturo sa Europa siya ay natuto na makapagsalita ang 10 na
wika, at nakakapagsulat sa wikang Filipino, Bicolano, Ingles,
Espanol, Pranses, Aleman, Italyano, Ruso, at Malayo.
Itinatag niya ang ADHIKA, Inc. at ang Sangguni ng BAKAS, Inc. Mas kilala siya sa kanyang pag-aaral ukol
sa Pantayong Pananaw
Si Salazar ay nagtapos ng kolehiyo bilang summa cum laude sa Unibersidad ng Pilipinas sa ilalim ng B.A.
Kasaysayan. Nakamit niya ang kanyang Ph.D. sa Etnolohiya o Antropolohiyang Kultural sa Sorboone
Unibersidad ng Paris at nakatanggap ng pinakamataas na karangalan (Tres Bien) sa panahon ng
89
kanyang pag-aaral.

Siya rin ay naging tagapangulo sa Departamento ng Kasaysayan (U.P. Diliman, 1989-1991) at naging
Mga Aklat Nailathala
 Der Untergang ni Walter Jens (ipinalis sa Filipino, Ang Pagguho ng Troya), 1989)
 Manifest der Kommunistischen Partei ni Mark asin Engels, ipinalis sa Filipino (Manifesto ng
Komunista, 2000)
 Ang P/Filipino sa Agham Panlipunan at Pilosopiya, 1991.
 Kasaysayan ng Pilipinas. Isang Balangkas, 1993.
 Mga Tula ng Pag-iral at Pakikibaka, 2001.
 Sikolohiyang Panglipunan-at-Kalinangan, 2004.
 Talaarawan 1997: Handog Sa Sentenaryo Himagsikang Pilipino Digma Ng Mga Anak Ng Bayan,
189

Pagbubuod ni Salazar (1997) sa balangkas at ideya ng Pantayong Pananaw:


Ang buod ng pantayong pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga
katangian,halagahin, kaalaman, karunungan,, nhangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng isang kabuoang
pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamgitan ng wika: ibig sabihin sa loob ng
isang nagsasariling talastasan/ diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan. Isang realidad ito sa loob ng alin
mang grupong etnolingguwistikong may kabuoan at kakanyahan, sa atin at sa ibang dako ng mundo.
Sa lahat ng wikang Pilipino, matatagpuan ang mga konseptong katumbas ng sa Tagalog/Filipinong
kayo”, “kami’’,’’ sila”, at “tayo’’. Tinutukoy nitong huli ang nagsasalita at ang lahat ng kausap, kasama 90
kahit na
iyong wala subalit ipinapalagay na kabahagi sa kabuuang kinabibilangan ng nagsasalita at mga kausap.
Halimbawa, ang ekspresyong ‘’tayong mga Pilipino, sa pagkakaiba nito sa ‘kaming mga Pilipino”,’ ay implisitong
nagpapahiwatig na ang magkakausap-usap ay mga Pilipino lamang. Ibig sabihin, hindi kasali ang mga banyaga,
Pantayong Pananaw at Kasaysayan ng Lipunang Pilipino

Ipinapalagay ng Pantayong Pananaw na ang ating kasaysayan (at ang pagbubuo nito) ay lagi na lamang batbat
ng mga diskursong maka-Kanluranin ang oryentasyon(Eurocentric). Ang ibig sabihin, ang lahat ng
pagpapaliwanag ukol sa pinagmulan at pag-unlad ng ating kabihasnan ay nakatali sa impluwensya ng mga
Kanluranin (lalo ng mga mananakop na Kastila at Amerikano) na nagdala sa Pilipinas ng mga
teorya,metodolohiya o pamamaraan sa pag-aaral ng kasaysayan, kultura at kabihasnang Pilipino(halimbawa:
ang “Positivism”, “Structural-Functionalism” at “Conflict/Marxism” bilang m g a p a n a n a w s a p a g s u s u r i
n g k u l t u r a a t l i p u n a n [ m a g i n g n g k a m a l a y a n g ] P i l i p i n o ) .  Ngunit hindi lamang mga pananaw at
pamamaraan ng pag-aaral ang naimpluwensiyahan ng mga dayuhang mananakop.
Higit nitong naimpluwensiyahan ang kamalayan at diwang mga Pilipino na nagresulta sa pagkakahati
ng ating lipunan sa dalawang magkaibang kultura--- ang “akulturadong grupo ng mga tao” (Salazar 1988: 51) o
elit, at ang “bayan”.Habang tangan- tangan ng mga elit ang impluwensiya ng kulturang banyaga o ng
mgam a n a n a k o p ; yakap-yakap naman ng bayan ang taal na kalinangang Pilipino (Salazar 2004: 31).
Ito ang lumikha ng “Dambuhalang Pagkakahating P a n g k a l i n a n g a n s a Pilipinas” (iisang bansa---
dalawang magkaibang kultura at kamalayan) (Salazar 1988:60) na naging dahilan kung bakit nananatiling hati
ang Kapilipinuhan.

91
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. Salazar

Kultura - kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan na nagtatakda ng


maaangking kakanyahan ng isang tao

Wika- hindi lamang daluyan kundi higit pa rito, tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng


alinmang kultura.

Ang wika ang kaluluwa at saligan na bumubuo at humuhubog at nagbibigay diwa sa kultura.
( Salazar 1996)

Ang kulturang Pilipino ay dapat taglayin ng isang wikang nagpapaloob at nagpapahayag dito.
( Salazar 1996)

WIKA BILANG EKSPREYON

“Paano nauunawaan ng isang indibidwal ang ibang grupong etniko kahit hindi nila alam ang
wika at lalo na ang kultura ng mga ito?”

 Madalas nilang nakakausap ang ibang grupong etniko sa pamamagitan ng Dagliang guro
Sine at telebisyon

Ang sinuman ay mananatiling walang muwang sa alinmang kulturang hindi niya kinabibilangan
hangga’t hindi niya naangkin ang wikang ito at hindi tinataglay maging ang kasapatan at
kaangkupan ng kanyang pakikipag- unawaan at pakikiugali sa mga taong lumaki sa wikang ito.

Ang wika ay may katumbas na kilos o galaw ng katawan, asal at damdamin.

Ang pinakaubod ng damdamin ng bawat isa ay maipapahayag lamang sa wikang kinagisnan o


kaya’y sa wikang humubog sa kanyang katauhan

Ethnos saGriyego oVolk saAleman isang bayan o pamayanan (komunidad) na may


pagkakabukod dahil sa sariling wika at kultura.

“nasyon" o "bansa" pagkakabuo sa kasaysayan ng isang kulturang ipinapahiwatig ng iisang wika


sa loob at sa bisa ng isang estado

WIKA BILANG IMPUKAN- KUHANAN

 Imbakan at kuhanan ng mga konseptong wala sa ibang pagkakultura.


 Imbakan at kuhanan ng damdaming mahirap ihiwalay sa wika.
 Ang wika rin ay imbakan-kuhanan ng nakaraan kaalaman ng isang kultura.

92
Ang kulturang nakapag-aangkin ng kaalaman mula sa lahat ng dako sa pamamagitan ng
kanyang wika bilang impukan-kuhanan ay siyang nabubuhay, namamalagi at nakapagpapanatili
ng kanyang kabuuan.

WIKA BILANG DALUYAN NG KULTURA

1. Natatanging paraan upang matutuhan ng isang tao ang kulturang kinabibilangan niya.
2. Ang wika ang pangunahing hakbang upang mapasakultura ang isang indibidwal bago pa man
kailanganing makisalamuha, makiugali at pumaloob sa isang kultura.

TATLONG IMPLIKASYON NG GAMIT NG WIKA BILANG DALUYAN NG PAGSASAKULTURA,


SARILI MAN O HINDI
1. Ang tao’y maaaring matuto ng maraming wika at maaaring mapasama sa iba’t
ibang kultura. Hal. Polyglot
2. Problema ng “PARTISIPASYON” “Imposible ang isang tao ay makapag-ukol ng
buong panahon sa lahat ng kulturang alam niya”

PEARLS. BUCK
PUSHKINAT TOLSTOY -Sa kabila ng
• -pagkawika at kulturang kapanganakan sa
Pranses. • -ang kinabilangan Tsina at pagkaalam
nilang wika at kultura ay ngTsino -bahagi ng
Ruso pa rin. pagkawika at
kulturang Amerikano

3. Hindi maangkin ng isang kultura ang isa pang buong kultura liban kung ito ay
PATAY o NILULON na ng NAKALALAKING SIBILISASYON bilang isang sub – kultura
bago lubusang matunaw.

93
 HINDI DAPAT ITAKWIL ang sariling wika sa pagpapayaman ng kultura. Walang
makapagpapakilala sa isang kultura kundi ang nalikha nito sa sariling wika.

PROBLEMANG KULTURAL NA NARANASAN NG PILIPINO:

 Pagmaliit at pagdusta ng mga saTagalog.


 Pagsulong ng kulturang Amerikano-Pilipino sa pamamagitan ngWIKANG INGLES.

Ayon kay Salazar, hindi kailanman maaaring tagapagpahayag na wika ang Ingles sa
nabubuong
Kulturang pilipino.

Ano na lang ang gamit ng Ingles?

 Wikang tulay tungo at mula sa ibang pagkakultura, kasama na ang iba

DALAWANG ASPETO NG PATULOY NA PAGIGING IMPUKAN-HANGUAN NG PILIPINAS

A. Patuloy na pagtitipon ng kulturang Pilipino sa paraang dulot ng kasaysayan ng lipunang


Pilipino Paano ito magagawa?

-Hayaang mamalagi ang kulturang Pilipino -Umangkin ng iba at kailanma’y huwag


magpapaangkin sa iba

B. Mapanlikhang pagpapalago at kusang pagpapayaman sa kultura ng isang lipunan upang


mabuo ang pambansang kabuuang kultural

- Ang mga likha at kathang Pilipino sa ibang wika ay hindi magiging pambansang kultura
hanggat hindi naisasalin sa wikang pambansa.

-Dapat ay magsalin sa Pilipino ng mga nagawa ng mga Pilipino sa Ingles

ANO ANG HAKBANG NA MARAPAT NA ISULONG?

Pamahalaan at debelopin ang Pilipino bilang wika ng mga Pilipino, kasama ang Ingles, sa lahat
ng antas ng edukasyon

94
 Papel Pananaliksik
Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Bayan at ang Realidad ng Neokolonyalismo at
Globalisasyon: Isang Pagsusuri
Isinulat ni G. Marius Carlos Jr. ang papel na ito noong Marso 6, 2008. Sa papel niyang
ito, nagawa niyang teoritikal at akademikong punahin ang Pantayong Pananaw, na hindi
magawa ng maraming nais pumuna dito.
Ano ang F/Pilipino? Mula sa mga kasulat ni Dr. Salazar,nagiging malinaw na mayroong
ispesipikang tinutukoy ang signifier na ito at nakamapa ito sa wika:
a. Ang P/Filipino ay nakakulong sa pormulasyon na tayong mga Pilipino,
bilang isang modality na pumapatungkol sa mga tunay na F/Pilipino, kung
saan ang kanluranin o maka-kanluran na mga element ay
tinatanggal,upang asapitin ang eksaktong punto kung saan nagkaroon ng
maeryal na realidad ang signifier, bilang isang di-temporaryong signified
b. Pantayo, bilang isang neologism na pumapatungkol sa aktwal na ag-iisip
at pamumuhay ng mga P/Filipino at pagbuo ng mga nasabing subject sa
kategorya ng wika.kultura at kasaysayan.
c. Bansa, bilang isang terminong binibigyan ng pribilehiyo kaysa sa mga
terminong tulad ng nation o nation-state

Naniniwala rin si Dr. Salazar na buhat sakupin ang bansang Pilipinas ng kolonisador tulad ng
Espanya at Amerika, unti-unti nang nawala ang taal na kulturang Pilipino. Nilalayon ng pagkilos
na ito sa histograpiya na bawiin ang nawala at simulant muling buuin ang tunay na
kalinanagang Pilipino
Alinsunod kay Epifanio San Juan Jr. sa kanyang Complimentary sa Diliman Review noong 1989
ay naisuri nito, sa kanyang akdang From Class to People ang Nation: On the December Coup,
Hegemonic Crisis ad the Stategy for National Liberation,at malinaw ang naging artikulasyon ng
problematikong ito sa Marxistang konseptwalisasyon. Ipinagpatuloy ni San Juan na ang
malawakang proyekto ng pamumuno o hegemony sa nasyon ay hindi nakatali sa mga
alterasyon o modipikasyon,ngunit sa pagbabago ng buong kategorya ng paniniwala, praktis at
pag-iisip.Mula sa artikulasyong ito makikita nab ago makabuo ng taal na F/Pilipino ay kailangan
munang magkaroon ng isang malawakang politisasyon ng gma tinuring na Filipino at ang
politisasong ito ay hindi lamang mangyayari sa antas ng edukasyon. Mas mahalaga ang tunay na
politisasyon, tulad ng nangyayari sa mga lugar naindi natin ankikita at madalas hindi naririnig sa
mga ordinaryong pamamaraan. Ang mga ilipinong nasa mga lugar na ito ay kasama rin sa dapat
na binubuong bansa sa nagsasariling diskursong Filipinist.
Sa huli, ang omogenisasyon ay nawawalan ng pwersa at tayoy muling bumalik sa kung ano ba
ang kulturang at kasaysayang F/Pilipino talaga ngayon- isang matrix ng pluralism at

95
nagbabagong mga subject position, na hindi mauunawaan hanggang hindi binibigyan ng pansin
ang likas na mayroon na rito.
Ayon kay Syed Farid Alatas (2006)
May pagkakahawig ang nosyon ng iskolar na Malaysian sa isinusulong ni Salazar mula sa
awtonomong agham sa nagsasariling talastasan/diskurso. Ibinalangkas ni Alatas ang
mungkahi bilang isa samga tunguhin ng pagsasakatutubo ( indigenization) ng agham panliunang
may kabuluhan ( relevance ) para sa sariling bansa at kultura.
Ayon kay Syed Farid Alatas (2006), bahagi ito ng pagbubuo ng alternatibong diskurso na
tatapat at tutugon sa mga diskursong dominante ng kanluraning agham panlipunan.
Nakikita ni Alatas ang tradisyong natibista ( sa kabila ng paghahanay din niya ritobilang isang uri
ng alternatibong diskurso) bilang isang reaktibong pagbabaligtad lamang ng Eurosentrikong
pag-iisip at hadlang sa isang ganap na nagsasariling agham panlipunan. Taliwas sa sinasabi ng
natibista ,hindi nanawagan si Alatas na itakwil ang lahat ng konsepto at teorya mula sa
Kanluran at ang magiging panukat at batayan ng pagtanggi sa mga particular na bahagi nito ay
ang kabuluhan.
Gumamit si Alatas ng balangkas na Neo-Marxista upang magagap at maunawaan ang
phenomenon ng dominasyon ng Kanluran sa pandaigdig agham panlipunan. Inilarawan niya ang
kasalukuyang kalagayan nito sa pamamagitan ng mga terminong global division of labour in
the social sciences, academic imperialism at dependency.
Mabubuod sa gayon ang nagsasariling agham panlipunan batay sa sumusunod na katangian:
1. Lumilikha ito ng sariling mga teorya, konsepto at metodo sa pananaliksik
2. Lumilikha ito ng sariling mga problema at adyenda ng pananaliksik
3. Kritikal itong humahalaw ng mga konsepto, metodo at mga problema mula sa
tradisyon ng agham panlipunan ng Kanluranin

Natukoy ni Lili Mendoza (2007) nang binansagan niya ang PP bilang communication-based
framework. Sa pagdalas, pagtindi, at paglalim ng nagsasariling talastasan sa wikang pambansa
ng isang nagsasariling komunidad na pangkomunikasyon ng mga iskolar sa AP ay maaaring
kusang lumitaw ang mga orihinal na teorya,konsepto,metodo, suliranin at adyenda ng
pananaliksik.
Hindi ang nilalaman o mensahe ng mga talastasan ang lumilikha ng panloob na
integrasyon ng mga elementong nasasangkot sa isang komunidad pangkomunikasyon kundi ang
dalas, o masasabing intensidad,ng mga ugnayan nito sa isat isa.
Gayunpaman, hindi talaga ganun kasimple ang usapin ng PP ang pinag-uusapan. Hindi lang
pagkakaisa sa paggamit ng wika ang iginiit ni Salazar. Hindi sapat ang magkaroon ng wikang
magsisilbing daluyan at batayan ng di umanong nagsasariling talastasan. Ang wikang

96
nauunawaan ng bawat isa ay may iisa ring nakapaloob na mentalidad. Ang mentalidad na ito ay
naglalaman ng kodigo ( code) ng pag-unawa at pagkakaunawaan sa loob ng nagsasariling
talastasan.
Tinukoy ni Paluga (2009) sa isang sulatin ang mga sangkap na ipinapalagay niyang hard kernel
ng PP:
a. Pagbubukas-usapin sa panloob na pag-uusap at sa istatus ng ating wika
b. Preferensyal na lapit ng kategoryang kalinangan
c. Pagbibigay-diin( sa pananaliksik) sa mga kaisipang elemento ng
pamumuhay (kung kayat may pokus sa mga pakahulugan)

Tapat ang mga obserbasyon ni Paluga hinggil sa PP kung kayat dapat pag ibahin sa ganitong
pormlasyong mababanaag kay Salazar ang ilang mas maluwag o minimal sa bersiyon ng PP
tulad ng isinusulong ng histoyador na si Rhommel Hernandez (2009). Ayon sa kanya, nagiging
bahagi ng Pantayo ang mga gumagamt ng Filipino yamang pasok ito ng layuning palawigin
ang paggamit ng wika.
Hard-coded - Isang terminong tumutukoy sa pagburn ssa mismong chips ngkompyuter ng mga
nstruksyon para sa
operasyon nito.
Laging may pundamental na usapin at debate na kailangang pag-usapan at panindigan sa
epistomolohiya, etika, metodolohiya at iba pa na hindi mareresolba ng simpleng pag-aaral sa
loob ng nagsasariling talastasang may kabuuan.
May mga pintuan pang kailangang buksan upang lumawak pa ang talastasan.
III. TASAHIN
 TALAS-DIWA

Panuto: Isulat ang salitang kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap at kung mali naman
ay ikahon ang salita o pariralang nagpamali at punan ng wastong salita sa patlang.
___________1. Hindi dapat itakwil ang sariling wika sa pagpapayaman ng kultura. Walang
makapagpapakilala sa isang kultura kundi ang nalikha nito sa sariling wika.
___________2. Nakatuon ang pag-aaral ni Salazar sa pagsakop ng mga dayuhan sa ating bansa.
___________3. Si Dr. Zeus Salazar ay “Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino”.
___________4. Ang kultura ay hindi lamang daluyan kundi higit pa rito, tagapagpahayag at may
katumbas na kilos o galaw ng katawan, asal at damdamin.
___________5. Ang Araling Pilipino ay isang konsepto at hinuha ng histoyador na si Dr. Zeus
Salazar na nag-aadhika ng isang nagsasariling diskurso ng mga Pilipino sa
wikang pambansa sa kasaysayan ata agham panlipunan.
___________6. Ang Kasaysayan ay ginagamit bilang pangkalahatang kataga sa nakaraaan o
nakalipas.Ito ang sumasalamin sa nakaraan.

97
___________7. Ang Histograpiya ay ang pagtatala o pagsusulat ng makabuluhang pangyayari sa
nakaraan.
___________8. Ayon kay Salazar, nagiging bahagi ng pantayo ang mga gumgagamit ng Filipino
yamang pasok ito sa layuning palawigin ang paggamit ng wika.
____________9. Ang balangkas ay naglalaman ng kodigo ng pag-unawa at pagkakaunawaan sa
loob ng nagsasariling talastasan.
____________10. Si Dr. Zeus Salazar ay isang historyan at tinawag din ng ilan ng Bathala.

 ALAB-KAMAKAYAN
Ipaliwag ang mga sumusunod:
1.Ano ang pantayong pananaw?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________
2. Bakit hindi simple ang usapin ukol sa pantayong pananaw
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Ano ang layunin ng Pantayong Pananaw at Araling Panlipunan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4.Ano ang nais pakahulugan ni Salazar sa panlabas at panloob na usapan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5.Batay sa mga kasulatan ni Dr. Salazar, ano ang F/Pilipino?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

 SANGKOT-DANAS

98
Isa kang dalubhasa sa edukasyon at wika. Nais mong magbalik-tanaw hinggil sa
kasaysayan ng Kapilipinuhan kaya naatasan kang magsagawa ng isang seminar workshop ukol
sa ibat ibang bahagi ng balangkas ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan. Nararapat lamang muling
buhayin at magbalik-aral sa kung ano ang pantayong pananaw at lalo na para sa mga bagong
henerasyon ng mga guro at estudyante ng kasaysayan. Bilang pagtataya ay pabubuoin ng
papel pananaliksik hinggil sa paksang ito.Ang gawain ay mamarkahan sa pamamagitan ng mga
sumusunod na pamantayan:

Pamantayan Puntos

Lohikal na inilahad ang


kasisipan at impormasyon ayon
sa nilalaman ng isang papel
pananaliksik
Kaangkupan ng
paksa/Nilalaman
Maayos na paggamit ng wika

SINOPSIS

Sa kabuoan ng pag-aaral, mahalaga ang wika


dahil ito ang kaluluwa ng isang bansa at saligan na
bumubuo at humuhubog at nagbibigay diwa sa kultura.
Hindi lamang ito daluyan kundi higit pa rito,
tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng alinmang
kultura. ( Salazar 1996).
Ang lahat ng pagpapaliwanag ukol sa
pinagmulan at pag-unlad ng ating kabihasnan ay
nakatali sa impluwensya ng mga Kanluranin (lalo ng
mga mananakop na Kastila at Amerikano) na nagdala sa
Pilipinas ng mga teorya,metodolohiya o pamamaraan
sa pag-aaral ng kasaysayan, kultura at kabihasnang
Pilipino. Naniniwala rin si Dr. Salazar na buhat sakupin
ang bansang Pilipinas ng kolonisador tulad ng Espanya
at Amerika, unti-unti nang nawala ang taal na kulturang
Pilipino.. Dagdag pa niya, hindi kailanman maaaring
tagapagpahayag na wika ang Ingles sa nabubuong99
Kulturang pilipino dahil ang gamit ng Ingles ay tulay
tungo at mula sa ibang pang kultura. Batay sa kanyang
pag-aaral hinggil sa Pantayong Pananaw, nilalayon ng
100
Talaan ng Sanggunian

Nagsasariling Talastasan: Ang Komunidad na Pangkomunikasyon sa Araling Pilipino


 https://web.facebook.com/Lahi.PH/photos/a.316565632297101/328201791133485/?
type=3&theater
 https://matangapoy.blogspot.com/2015/08/si-dian-masalanta.html
 https://www.researchgate.net/publication/305776558_Sariling_atin_Ang_nagsasariling
_komunidad_na_pangkomunikasyon_sa_disiplinang_Araling_Pilipino
 https://www.youtube.com/e4309203k

Paghahambing sa Bahasa Indonesia at Wikang Filipino Bilang mga Wikang Akademiko at


Intelektuwal
 https://www.varsitarian.net
filipino/20131118/ang_wikang_filipino_sa_araling_akademiko
 https://youtu.be/PGgMEfOZT04
 https://www.researchgate.net

101
 http://www.youtube.com/BahadorAlast
 Guillermo, Ramon. (2000). Ang ISI at ang alamat ng internasyunal na komunidad ng mga
siyentista. Asian Studies, 26(2), 133-53
 Potet, jean-Paul G. (2012). Baybayin: L’Alphabet Syllabique des Tagals. Raleigh, USA:
Lulu Press Inc.
 Ramly, Andi Muawiyah. (2004). Karl Marx: Materialisme Dialektis dan Materialisme
Historis Yogyakarta: LKiS.
 The Indonesian Language: Its history and role in modern society:2003
 Kozok,uli. (2009). Surat Batak

Kapantasang Pilipino: Talaban ng Wika at Kaalaman sa Programa ng Philippine Studies/


Araling Pilipino/ Pilipinolohiya
 https://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/pilipinolohiya/

 https://www.academia.edu/36431778/Philippine_Studies_Araling_Pilipino_Pilipinolohiy
a_sa_Wikang_Filipino_Pagpopook_at_Pagdadalumat_sa_Loob_ng_Kapantasang_Pilipin
o_Philippine_Studies_Araling_Pilipino_Pilipinolohiya_in_Filipino_Redefining_Context_a
nd_Concept_within_the_Filipino_Scholarly_Tradition_
 http://www.etymonline.com/index.php?term=theory
 http://www.journals.upd.edu.ph/index.php/humanitiesdiliman/article/view/4909

Antas Gwadrado: Ang Karanasan ng Master (M.A ) at Doktorado (PH.D) sa Araling


Pilipino/Pilipinolohiya/Philippine Studies
 kritiksatabitabi.wordpress.com
 www.academia.edu>Philippine_Studies
 Pamanahong Papel, ang mga bahagi nito.
 Philippine Studies/Araling Pilipino

Mga Hamon sa Indibidwal na Iskolar sa Larangan ng Araling Pilipino


 https://www.rappler.com/nation/143523-up-diliman-courses-no-freshmen
 https://www.researchgate.net/publication/305776558_Sariling_atin_Ang_nagsasariling
_komunidad_na_pangkomunikasyon_sa_disiplinang_Araling_Pilipino

Ugnayan ng Wika at Idelohiya: Ang Paglalarawan sa Rehistro ng mga Magsasaka sa Bulacan

102
 Agha, Asif 2007 Language and Social Relations. United Kingdom: Cambridge University
Press
 Instityut sa Panitikan at Sining sa Sambayan 1998. Muog. Ang Naratibo ng kanayunan sa
Matagalang Digmaang Bayan sa Pilipinas. Gelacio Guillermo, Quezon City: University of
the Philippines Press
 Morgan, Marcyliena 2006. “Speech Community” A companion to Linguistic
Anthropology, ed. By A. Duranti Wiley
 Maceda, Teresita G. 1996 . Mga tinig Mula sa Ibaba Kasanayan ng Partido Komunista ng
Pilipinas at Partido Sosialista ng Pilipinas sa Awit 1930-1955 Quezon City: University of
the Philippines Press
 Rehistro sa wika inakses mula sa internet
https://www.scribd.com/doc/130276115/Ang-Rehistro-ng-Wika-pptx
 Wikang Filipino sa iba’t ibang sitwasyon
https://umtcshsabm1.wordpress.com/2016/10/01/aralin-4-wikang-filipino-sa-ibat-
ibang-sitwasyon-at-rehistro-nito-2/
 https://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/araling-filipino/
 https://en.wikipedia.org/wiki/Bulacan

Gay Lingo: Pagsusuri sa ng “Lengguwahe” sa Dekada Nobenta


 https://vdocuments.site/bekimon-gay-lingo-at-ang-epekto-nito-sa-lipunan.html
 https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/kk/article/download/1503/1528
 https://www.academia.edu/9569024/GAY_LINGO
 https://www.slideshare.net/GrasyaHilario/sample-ng-pananaliksik
 Kritikal na Espasyo ng Kulturang Popular – Raul Casantusan Navarro

Produksiyon sa Antas Di-Gwadrado: Ang Karanasan ng B.A. Araling Pilipino


 Lacunio, Nevil.2002.. Ang pelikula bilang aklat pangkasaysayan sa panahon ng
globalisasyon sa kulturang popular
 https://www.scribd.com.ph.
 https : //www.kwentong pambata at pilipinongpampelikula.youtube.com.ph
 . https : //www.research gate.net

Philippine Studies/Araling Pilipino/ Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at


Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino (Philippine Studies/Araling
Pilipino/Pilipinolohiya in Filipino: Redifining Context and Concept within the Filipino Scholarly
Tradition)
 https://www.google.com/search?
source=hp&ei=bq8BXYqwG8Gf8QWi47uQAw&q=pilipinolohiya+ni+covar&oq=pilipinolo
&gs_l=psy-ab.1.1.0l10.243006.248189..250672...0.0..0.438.1488.7j1j0j1j1......0....1..gws-
wiz.....0..0i131j0i10.y5iKSUwrffs

103
 https://www.youtube.com/watch?v=WSsEaBA06-0
 Https://www.goole.com, https://Prezi.com>rlfkvkp8_efilipino,
https://www.coursehero.com>file, FILKOMU-Pilipinolohiya Prospero R. Covar,
 https://brainly.ph/quest

Zeus Salazar: Pakikipagtalastasan sa Pantayong Pananaw


 BAHAY DAGITAB NG BAHAY SALIKSIKAN NG KASAYSAYAN : BAGONG KASAYSAYAN
(BAKAS), INCORPORATED. "Mga Artikulo". UP Campus, Diliman, Lunsod Quezon,
Pilipinas
 Salazar, Zeus A.: Ukol saWika at Kulturang Pilipino http://www.germanlipa.de/text
/salazar_1996.htm
 San Juan, Epifanio Jr. Complementary to From Class to people and nation…(1989)
 Tlastasangbakas.blogspot.com.2008/03

104

You might also like