Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Mito mula sa Iceland
(Panitikang South Amerika at ng
mga Bansang Kanluranin)
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Mito mula sa Iceland (Panitikang South Amerika at ng
mga Bansang KAnluranin)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon XI, Pilipinas

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ian Rey Z. Rosillo
Editor: Marlyn A. Publico/ Amparo May E. Lontok
Tagasuri: Gloria C. Sabanal, Penie O. Vasquez, Ana Lorma A. Dahiroc
Tagaguhit: Ian Rey Z. Rosillo/Clark Brylle R. Tan
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Technical Support: Nancy A. Sarmiento
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Dee D. Silva
Mary Jeanne B. Aldeguer Eduard C. Amoguis
Analiza C. Almazan Ernie M. Aguan
Ma.Cielo D. Estrada Lourdes A. Navarro
Mary Jane M. Mejorada Marlyn A. Publico

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Davao del Norte
Office Address: DepEd Building, Provincial Government Center
Mankilam, Tagum City, Davao del Norte, Region XI 8100
Telefax: (084) 216 0188
E-mail Address: depeddavnor.lrms@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Mito mula sa Iceland
(Panitikang South Amerika at ng
mga Bansang Kanluranin)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.

Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang


gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin
Isang mapagpalang araw sa iyo kaibigan! Matapos
ang unang markahan, ngayon naman ay tatahakin
natin ang panibagong aralin na isang mitolohiya na
galing Iceland.

Nagsasaad and Edda ng mga pinaniniwalaan ng mga sinaunang ato sa


hilagang Europa kabilang dito ang kanilang paniniwalang ang mga diyos at
diyosa na matutunghayan sa kanilang mitolohiya. Tinatawag na mitolohiyang
Norse o Mitolohiyang Eskandinaba ang mitolohiyang mula sa hilagang
Europa kung saan ang mga tao ay nagsasalita ng Germanic Languages.
Kabilang dito ang Svandinavia, Sweden, Norway, Denmark, at Iceland.
Sa modyul na ito, mababasa mo ang mitolohiya ng Iceland na
pinamagatang Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante. Matutunghayan
ninyo ang katapangan at kakisigan ng ating pangunahing tauhan kung paano
niya napagtagumpayan ang pagsubok sa kanyang paglalakbay. Matutukoy
mo rin ang pangunahing ideya ng usapan ng mga tauhan batay sa iyong
nabasa o napakinggang mitolohiya. Upang matumbasan din natin ang
kabayanihan ng mga Diyos at Diyosa ng Iceland maihahambing natin ito sa
Mitolohiya ng bansang Pilipinas. Para lubos nating mapalawak ang ating
kaalaman sa tambalang salita, gamit ang collocation.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga
sumusunod:

 nailalahad ng mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang


usapan ng mga tauhan.
 naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang
kahulugan (collocation).
 nakabubuo ang sistemang panunuri sa mitolohiyang napanood.
 naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa
mitolohiyang Pilipino.

Ihanda ang sarili kaibigan, dahil sisimulan mo na ang mga


gawain at araling kapupulutan ng aral.

1
Subukin Natin

Bago tayo tutungo sa naturang aralin kaibigan, subukin


at sukatin muna natin ang iyong kaalaman sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa baba.

PAUNANG PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang buod ng mitong “Ang


Diwata ng Karagatan” at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Ang Diwata ng Karagatan


Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay.
Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nila ay
ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagatan. May isang
diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito’y nalalaman ng mga
taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng
maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit
sila ng dinamita kaya’t labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay
namatay.
Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya’t mula noon ay wala
nang mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao
at naging pangit na rin ang karagatan na dati’y sakdal ganda. Nagpulong
ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang
nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda
ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit
ng anumang makasira sa kalikasan.
Mula nang sila’y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na nga ganda
ng karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang
1.
kabuhayan ng mga tao.
2.

2
1. Batay sa nabasa, ano ang pinaparating ng diwata sa mga tao?
A. Maglinis ng kapaligiran upang ito ay gumanda.
B. Huwag maging sakim sa kapwa at sa kapaligiran
C. Mapagbigay sa kapwa upang may biyayang matanggap.
D. Pahalagahan ang mga biyayang natatanggap.
2. Ano ang pinapaksa ng akdang binasa, basi sa pinapakita ng mga
tauhan?
A. Bawat kasamaang pinapakita’y may kaakibat na kaparusahan
B. Ginagamit ng diwata ang kanyang kapangyarihan
C. Ang humingi ng kapatawaran ay pagbibigyan ng biyaya
D. Ang kasakiman ay nagdadala ng hindi magandang relasyon sa
kapaligiran.
3. Ang akdang binasa ay napapabilang sa akdang pampanitikang
_________ sapagkat ito ay masusuri dahil sa kakayahan ng isang
tauhan ng akda.
A. Alamat, dahil ito ay kuwento ng pinagmulan ng isang bagay o ng
tauhan.
B. Maikling Kuwento, dahil kakikitaan ito ng suliraning umiikot sa
pangunahing tauhan.
C. Mitolohiya, sapagkat ang akda ay nagpapakita ng pangyayaring di
maipapaliwanag na kakayahan ng mundo.
D. Epiko, sapagkat ang pangunahing tauhan ay nagtataglay ng
supernatural na kapangyarihan.
4. Ang salitang hanap at buhay kapag pinagsama ay nagkakaroon ba ng
ibang kahulugan?
A. Oo, sapagkat mananatili ang kahulugan ng dalawang salita kahit
na pinagsama.
B. Oo, sapagkat and dalawang salitang magkaiba ay nagkakaroon ng
pangatlong kahulugan kapag pinagsama.
C. Hindi, sapagkat walang epekto ang dalawang salita kapag ito ay
pinagsama.
D. Hindi, sapagkat mananatili ang kahulugan ng dalawang salita
kahit na pinagsama.

3
5. Ang lahat ng pagpipilian sa baba ay ilan sa tema ng akdang
mitolohiya. Alin ang hindi kasali sa pagpipilian ng tema?
A. Pag-uugali ng tao na binibigyang panunuligsa
B. Mga aral sa buhay ng tao na makukuha sa akda
C. Mga paniniwalang panrelihiyon ng sinaunang mga tao
D. Pagpapaliwanag sa pangyayari sa mundo gamit ang agham

Napakagaling kaibigan! Nasagutan mo nang buong husay


ang mga katanungan. Ipagpatuloy mo pa ang iyong
paglalakbay sa araling ito.

Aralin Natin
Basahin at unawain ang isang mitolohiyang Iceland na pinamagatang
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante at ang elemento ng isang
mitolohiyang akda upang matuklasan mo kung paano nakatutulomg amg
mitolohiya sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino.

Mitolohiya
Ang mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang
madalas na tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang
makapangyarihang nilalang.

Elemento ng Mitolohiya
1. Tauhan

mga diyos o diyosa


mga taong may taglay na kapangyarihan
makulay at puno ng imahinasyon ang pagganap ng mga tauhan

2. Banghay

Pagsunod-sunod sa kaganapan at pangyayari.


Dapat masuri ang pagiging makatotohanan o di-makatotohanan ng akda
Naglalahad ng pakikipagsapalaran ng isang tao upang ipagtanggol ang
kanyang bansa. Nagpapaliwanag ng mga pangyayari at kalagayan ng mga tao
sa bansang inilalarawan sa mitolohiya noon at sa kasalukuyan. Naglalahad
ng mga mahahalagang pangyayari sa kuwento.

4
3. Tagpuan

Salamin ng sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito


umusbong.
May kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan, palayan, kabundukan at iba
pa nasusuri ang kalagayan ng mga bansa noon at sa kasalukuyan.
Nalalaman kung anong uri ng komunidad mayroon ang kanilang ninuno at
maiuugnay sa paraan ng kanilang pamumuhay ngayon at pagpapahalaga sa
kapaligiran sa kasalukuyan. Ang mitolohiya ay kadalasang naka-kabit sa
kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon o bansa. Madalas,
ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay kababalaghan. Ngunit, kahit na
nababalot ito ng kababalaghan at madalas ay kathang-isip lamang, mayroong
pa rin itong mga nai-aambag sa kasaysayan at pati na rin sa mga modernong
pag aaral.

Paano gumawa ng sariling mitolohiya?

Sa paggawa ng sariling mitolohiya, kailangan paganahin ang mayaman


at malawak na imahinasyon dahil ang tinatalakay dito ay mga taong may mga
kapangyarihan na hindi naman nangyayari sa tunay na buhay at pawang
mga kathang-isip lamang na dapat kapulutan ng aral. Higit sa lahat ito dapat
ay naglalaman ng bawat elemento ng mitolohiya.

Tunghayan ang isang mitolohiya mula sa bansang


Iceland at pansinin ang elemento nio.

5
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Mga Tauhan:
Diyos: Thor- diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki – kasama ni Thor sa paglalakbay, may kapilyuhan
Higante: Skymir – naninirahan sa kakahuyan
Utgaro-Loki - hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli - kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
Mga tao: Thjalfti at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka

Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro,


lupain ng mga higante, ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan, sila ay
naglakbay sakay ng karuwahe na hinihila ng dalawang kambing.

Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang


magsasaka. Kinatay ni Thor ang dalang kambing at inilagay sa malaking
kaldero. Iniluto at inihain ito sa hapunan. Inanyayahan ni Thor na sumalo
sa kanila sa pagkain ang mag-anak na magsasaka. Ang anak na lalaki ng
magsasaka ay nagngangalang Thjalfi at Roskva naman ang anak na babae.
Inutos ni Thor sa magsasaka na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat
nito. Ngunit hindi sumunod ang anak na lalaki na si Thjalfi sa halip ay
kinuha ang bahaging pige at hinati ito gamit ang kutsilyo. Kinabukasan,
nagbihis si Thor, kinuha ang kaniyang maso, itinaas ito at binentidahan ang
kambing. Tumayo ang mga kambing ngunit ang isa ay bali ang paa sa likod.
Napansin ito ni Thor.

Nagalit ito nang husto at nanlilisik ang kaniyang mga mata. Gayon na
lamang ang takot ng buong pamilya. Halos magmakaawa sila kay Thor at
sinabing handa nilang ibigay ang lahat. Nang makita ni Thor kung gaano
natakot sa kaniya ang mag-anak, naglubag din ang kaniyang kalooban at

6
hininging kapalit ang mga anak nito. Kaya’t sina Thjalfi at Roskva ay naging
alipin niya pagkatapos.

Ang kanilang paglalakbay ay nagpatuloy patungo sa silangang bahagi


sa lupain ng mga higante. Naglakbay sila buong araw at nang abutan ng dilim
humanap sila ng matutuluyan. Doon nila nakita ang malaking pasilyo at
nagpasyang manatili roon.

Hatinggabi na nang gulatin sila ng malakas na lindol, umuuga ang


buong paligid at pakiramdam nila ay nagiba ang kanilang kinatatayuan. Nang
siyasatin nila ang paligid ay nakakita sila ng isang silid. Natakot ang mga
kasama ni Thor kaya’t binunot niya ang kaniyang maso at humanda sa
pakikipaglaban. Maya-maya pa ay nakarinig sila nang malakas na ungol.
Kinaumagahan, nakita ni Thor sa labas ang isang higante.

Natutulog ito at umuungol nang malakas. Akmang pupukpukin ni Thor


ng kaniyang maso ang higante nang bigla itong magising. Tinanong ni Thor
ang pangalan ng higante.

Siya raw si Skrymir at nakikilala niya si Asa-Thor. Tinanong nito kung


inalis ba ni Thor ang kaniyang guwantes. Noon nalaman ni Thor na higante
na pala ang kanilang tinulugan at ang hintuturo nito ang inaakalang silid.

Tinanong ni Skrymir si Thor kung maaari siyang sumama sa kanilang


paglalakbay at ito ay pumayag naman. Nang buksan na ni Skrymir ang baon
niyang bag at humandang kumain ng almusal wala ang baon nina Thor at ito
ay nasa ibang lugar. Napagkasunduan nila na pagsamahin ang kanilang mga
baon. Pumayag si Thor, kaya’t pinagsama ni Skrymir ang kanilang mga baon
sa isang bag at ibinuhol ito. Sa kanilang paglalakad nauuna ang higante
dahil sa malalaki nitong hakbang, sila ay nagpahinga sa isang malabay na
puno. Napagod ang higante kaya’t ito’y nakatulog agad at napakalakas
humilik. Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at inalis ang buhol nito ngunit
hindi niya maalis kaya’t uminit ang kaniyang ulo at agad kinuha ang
kaniyang maso at pinukpok sa ulo ang higante. Nagising si Skrymir at
inaakalang may nalaglag na dahon sa kaniyang ulo, tinanong si Thor kung
sila ay kumain na. Sinabi nitong tapos na. Nang handa nang matulog lumipat
sila ng ibang puno. Hatinggabi na nang marinig na naman ni Thor ang
malakas na hilik ng higante. Nagising si Thor, kinuha ang kaniyang maso at
muling pinukpok ang higante.

Nagising ang higante at tinanong kung may acorn ba na nahulog sa


kaniyang ulo. “Ano ang nangyayari sa iyo Thor?” sabi ng higante. Sinabi
nitong siya ay naalimpungatan lamang at mahaba pa ang oras para matulog.
Naisip niya na kapag pinukpok niya sa pangatlong beses si Skrymir ay

7
maaaring hindi na nito kayanin kaya’t hinintay niyang muling matulog ang
higante.

Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang


maso sa ulo nito. Napatayo si Skrymir, kinamot ang kaniyang pisngi at
nagwika kung may mga ibon ba sa itaas ng puno. Nang siya ay magising tila
may mga nahuhulog na dahon sa kaniyang ulo. “Gising ka na ba Thor?” wika
niya. Oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na kayo sa kaharian
ni Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kuwentang
higante. Kung makararating kayo kay Utgaro makikita
ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag
kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki.” sabi pa nito.

Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni Thor hanggang makita nila ang


matibay na tanggulan. Sinubok na buksan ni Thor ang tarangkahan ngunit
hindi niya mabuksan. Nakakita sila ng mataas na pader, pinanhik iyon at
doon ay may daanan.

Nakita nila ang malalaking tao na nakaupo sa dalawang bangko.


Sumunod na araw ay kaharap na nila ang hari na si Utgaro-Loki. Nakilala
niya si Thor ang mahusay na mandirigma. “Ikaw ay malakas kaysa tingin ko
lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong mga kasama? Hindi
namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki.” wika
nito.

Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin.


Walang sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” Tinawag ni
Utgaro-Loki ang nakaupo sa dulong upuan na nagngangalang Logi. Inilagay
sa gitna ng mesa ang mga hiniwang karne. Magkatapat sa dulo ng mesa,
naupo ang dalawang magkatunggali.

Kinain nila nang sobrang bilis ang karne, buto na lamang ang naiwan
sa parte ni Loki ngunit ni walang butong natira sa parte ni Logi. Kaya’t
malinaw na natalo si Loki sa nasabing labanan.

Sumunod na paligsahan naman ang pabilisan sa pagtakbo na


nilahukan ng batang si Thjalfi laban sa bata rin na si Hugi. Sa unang
paglalaban, masyadong malayo ang agwat ni Hugi. Inulit ito nang tatlong
beses ngunit hindi talaga maabutan ni Thjalfi si Hugi.

Tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung anong kakayahan naman ang


ipakikita nito. Sinabi nitong gusto niyang subukin ang labanan sa pabilisan
ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang
tambuli na madalas inuman ng mga panauhin.

8
“Isang mahusay na manginginom ang makauubos nito sa isang
lagukan, ang iba ay kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito nang
tatlong lagukan,” sabi ng pinuno ng mga higante.

Hindi pinansin ni Thor ang sukat ng tambuli dahil siya ay uhaw na


uhaw. Nilagok niya nang malaki ang lalagyan ngunit hindi na siya
makahinga kaya’t nang tingnan ang lalagyan ay parang wala pa ring
nabawas. Ganito rin ang nangyari sa ikalawang lagok.

Sinabi ni Utgaro-Loki “Kailangan mong lagukin itong lahat sa


pangatlong pagkakataon. Tingin ko ay hindi ka kasinlakas ng inaasahan ko.”
Nagalit si Thor kaya’t ininom ang alak gamit ang lahat ng lakas ngunit tila
wala pa ring nabawas sa laman ng tambuli kaya’t binitiwan ito hanggang sa
matapon lahat ng laman.

“Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi tulad


ng aming iniisip. Gusto mo pa bang subukin ang iba pang uri ng
pakikipaglaban?” tanong ni Utgaro-Loki. “Anong labanan ang
maimumungkahi mo?” sagot ni Thor.

“Isang laro na paborito ng kabataan dito buhatin ang aking pusa mula
sa lupa.” Isang abuhing pusa ang lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit
hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang
lahat ng lakas. Ngunit paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor.

“Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si


Thor sa aking malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?” wika ni
Utgaro-Loki. “Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka
ng sinumang makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon,” sabi ni Thor.

“Wala akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan


mong tawagin ko ang aking kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya
ang labanan mo ng wrestling, marami na siyang pinatumbang mga lalaki na
tulad mong malakas.”

Hindi na dapat pahabain pa ang kuwento, habang gamit ni Thor ang


kaniyang buong lakas lalo lamang matatag ang matandang babae hanggang
mawalan ng balanse si Thor. Pumagitna si Utgaro-Loki at sinabing itigil na
ang labanan. Hindi na kailangang makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa
tagapaglingkod. Malalim na noon ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-
Loki kung saan sila makapagpapahinga at inasikaso nang maayos.

Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis


at humanda na sa paglalakbay. Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang
masaganang agahan. Sa kanilang paghihiwalay tinanong ni Utgaro-Loki si

9
Thor kung ano ang naiisip nito sa kinalabasan ng kanilang paglalakbay at
kung may nakilala ba itong lalaki na higit na malakas kaysa kaniya (Utgaro-
Loki). Sumagot si Thor na hindi niya maikakaila na nalagay siya sa kahihiyan
sa kanilang pagtatagpo at marahil iniiisip nito na siya ay walang halaga at
hindi niya ito gusto.

Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay


ipagtatapat ko sa iyo ang katotohanan, kung ako ay mabuhay at may kontrol
sa mga mangyayari, hindi mo na kailangang bumalik pa ritong muli. Sa aking
salita, ni hindi ka makakapasok dito kung alam ko lang kung gaano ka
kalakas, muntik ka nang magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit
nilinlang kita gamit ang aking mahika. Noong una tayong magkita sa
kakahuyan agad kitang nilapitan at nang tangkain mong alisin ang
pagkakatali ng bag hindi mo ito nagawa dahil binuhol ko ito ng alambre.
Pagkatapos noon hinampas mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit. Ang una
ay mahina pero kung umabot ito sa akin ay patay na ako. Nang makita mo
ang burol na tila upuan ng kabayo malapit sa aking kuta kung saan naroon
ang tatlong kuwadradong lambak, ang isa ay napakalalim, ito ang marka ng
iyong maso. Inilagay ko talaga ang burol na hugis kabayo sa harap ng iyong
mga hampas pero hindi mo ito nakita. Gayun din ang nangyari nang
magkaroon ng paligsahan laban sa aking mga tagapaglingkod. Ang una, nang
kainin nang mabilis ni Loki ang mga hiniwang karne sa sobrang kagutuman
pero ano ang laban niya kay Logi na tulad ng mapaminsalang apoy na kayang
sunugin ang kakahuyan. At si Thjalfi na lumaban ng takbuhan sa tinatawag
naming Hugi, siya ay lumaban sa aking kaisipan. Walang makatatalo sa
bilis ng aking kaisipan. At noong ikaw naman ay uminom mula sa tambuli
inakala mo na ikaw ay mabagal. Sa aking salita, anong himala na ang dulo
ng tambuli ay nakakabit sa dagat pero hindi mo ito nakita pero tingnan mo
ang dagat halos masaid ang tubig nito. Hindi rin kamangha-mangha sa akin
nang maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa, pero para sabihin ko sa iyo ang
totoo ang lahat ng nakasaksi nito ay nahintakutan. Ang pusang iyon ay hindi
totoong pusa kundi isang Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat na upang
yakapin ang daigdig ng kaniyang ulo at buntot. Iniangat mo ito nang mataas
halos abot hanggang langit. Kamangha-mangha rin nang makipagbuno ka
nang matagal at napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong pakikipaglaban
kay Elli na wala kahit sino mang makagagawa niyon. At ngayon tayo ay
maghihiwalay mas makabubuti para sa ating dalawa na tayo’y di na muling
magkita. Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking
mahika o anumang paraan upang hindi manaig ang iyong kapangyarihan sa
akin.

Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol
ngunit wala na si Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon wala na rin ang kuta
kundi isang malawak lamang na kapatagan. Muli siyang lumisan at

10
ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa makabalik sa
Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.

Holt et. al. Elements of Literature: Texas, USA, 2008

Sagutin Natin!
Gawain 1: Talasalitaan
Panuto: Magbigay ng mga salitang maisasama sa punong salita upang
makabuo ng iba pang kahulugan. Isulat ang naisip na mga salita sa inyong
sagutang papel.
Halimbawa: tubig= tubig ulan, tubig pampaligo

bahay
kapit
kapit

11
Gawain 2: Unawain
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa inyog sagutang papel.

1. Bakit ginawang alipin ni Thor and dalawang anak ng magsasaka?

2. Ano-anong paligsahan ang sinalihan ng mga tauhan sa akda? Ilahad ito


sa kahon sa baba at ang resulta.

Mga tauhan Paligsahan Resulta


A. Loki laban kay
Logi
B. Thjalfi laban kay
Hugi
C. Thor laban kay
Cupbearer

3. Ano ang ipinagtapat ni Utgaro-loki kay Thor sa huling bahagi ng akda?

4. Kung ikaw ay nasa sa kalagayan ni Thor at nalaman mo sa dulo na


niloloko ka lang, ano ang iyong mararamdaman at gagawin sa tao?

5. Paano mo iuugnay ang mga pangyayari sa mitolohiyang nabasa sa


pamumuhay ng tao sa ngayon?

12
Gawin Natin
Panuto: Basahin, unawain at bigyang paksa ang usapan ng mga
tauhan sa akdang Si Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante. Isulat
ang mga sagot sa sagutang papel.

Usapan ng tauhan Pangunahing kaisipan o ideya


1. . “Ikaw ay malakas kaysa
tingin ko lamang. Anong
kakayahan na mahusay kayo
ng iyong mga kasama? Hindi
namin hinahayaan na
manatili rito ang taong walang
ipagmamalaki.”
2. “Mayroon akong kakayahan
na nais kong subukin.
Walang sinuman sa naririto
ang bibilis pa sa akin sa
pagkain.”
3. “Ipinakikita lamang na ang
lakas mong taglay ay hindi
kasintindi tulad ng aming
iniisip. Gusto mo pa bang
subukin ang iba pang uri ng
pakikipaglaban?”
4. “Ngayong palabas ka na sa
aking kuta ay ipagtatapat ko
sa iyo ang katotohanan, kung
ako ay mabuhay at may
kontrol sa mga mangyayari,
hindi mo na kailangang
bumalik pa ritong muli. Sa
aking salita, ni hindi ka
makakapasok dito kung alam
ko lang kung gaano ka
kalakas, muntik ka nang
magdulot ng kapahamakan sa
aming lahat.
5. At ngayon tayo ay
maghihiwalay mas
makabubuti para sa ating
dalawa na tayo’y di na muling
magkita. Ipagpapatuloy ko
ang pagtatanggol sa aking
kuta gamit ang aking mahika
o anumang paraan upang
hindi manaig ang iyong
kapangyarihan sa akin.

13
Sanayin Natin
Suriin ang elementong taglay ng binasang mitolohiya sa
pamamagitan ng pagsagot sa hinihingi ng dayagram.

Si Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante

Kasukdulan:

Uri ng Tunggalian:

Kakalasan:

Suliranin:

Pangunahing Tauhan:

Wakas:
Tagpuan:

Tema:

14
Tandaan Natin
Panuto: Dugtungan ang putol na pahayag batay sa iyong
naunawaan sa modyul na ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Masusuri ang isang


mitolohiya sa
Nakatuon ang mga pamamagitan ng
pangyayari sa mitolohiya sa _____________________
_______________________________
_
_______________

Isa sa Temang
pinapakita sa
mitolohiya
ay______________
____

15
Suriin Natin
Panuto: Basahin ang isang akdang mitolohiya na nanggaling sa
bansang Pilipinas at ihambing ito sa naunang mitolohiyang binasa.
Sagutan ang mga hinihingi sa baba. Isulat ang iyong kasagutan sa inyong
sagutang papel.

Rihawani
Sa isang kagubatan maraming bundok sa isang lugar ng Marulu, isang
liblib na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang
diyosa o diwata ng mga puting usa. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno
na unang nanirahan doon. Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani.
Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang isa ring puting usa. Ang
mga naninirahan sa liblib na pook na ito na takot na takot na magawi o
maglagalag sa kagubatang pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang
dito sila maraming makukuhang mga bagay-bagay na maari nilang magamit
o mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at
iba pa. Sang-ayon sa kanila, may nakasumpong na kay Rihawani. Isa sa mga
taong nanirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng
mga kahoy at prutas ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at
nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang
angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa ilang mga usang puti
na nasa kanyang paligid. Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa
kinaroroonan ng tao ay mabilis na humangos ito sa bahay ay hindi
magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo
nang naging katatakutan ang kagubatang iyon. Isang araw ay may mga
dayuhan na dumating doon na ang pakay ay mangaso o mamaril ng hayop-
gubat. Nagtanong ang mga ito kung saang gubat marami ang mga hayop o
ibon na maaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang
kasaysayan nito na pinananahan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag
pagnasaang puntahan ang pook na iyon. Para sa ikasisiguro ng lakad ay
ipinagsama ng mga ito ang isang tagapag-gabay. At lumisan ang mga ito
patungo sa gubat na pupuntahan. Pagdating sa paanan ng isang bundok ay
napagkasunduan ng mga itong maghiwa-hiwalay at magkita-kita na lamang
sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa
ay nagka-interes na dumako sa gubat na pinananahanan ni Rihawani. Hindi
nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang
makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglakad-lakad muna at
nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang maputing usa na
sinasabi ng matatanda. Nang mapadako ito sa gawing ilang, napansin niya
ang isang pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na
may tao, nabulabog ang mga ito at nagtakbuhan papalayo. Hinabol nito ang
isa at tinangkang barilin, ngunit walang natiyempuhan. Hanggang sa may
makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan

16
ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan na ng
mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa likuran na isang
puting-puting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo itong namangha
nang ang usa ay mag-iba ng anyo at naging isang napakagandang babae.
Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng
sumpa ang diwata at ang lalaki ay maging isang puting usa rin at mapabilang
na sa mga alagad ni Rihawani. Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga
kasamahan. Tinawag nang tinawag ang pangalan nito ngunit walang
sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamahang gabay
na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani.
Mula noon, naging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ang
bundok ay pinangilagan na ng mga mangangaso ang dakong iyon ng
kagubatan.

17
Si Thor at Loki sa Lupain
ng Higante

katangian ng tauhan

Uri ng tagpuan

Temang lantad sa
akda

18
Payabungin Natin
Panuto: Gumawa ng isang Banghay ng isang personal na mitolohiya.
Ikaw ngayon ay isang manunulat sa inyong lugar. Siguraduhing may
temang pag-uugali ng tao sa lipunan. Lagyan ito ng isang pamagat. Gawin ito
sa inyong sagutang papel gamit ang porma sa baba.

Hinihingi: Kasagutan
Pamagat
Pangunahing Tauhan:
Iba pang mga tauhan:
Tagpuan:
Tema:
Banghay ng iyong Mitolohiya
Problemang
kakaharapin ng
pangunahing tauhan:
Tunggalian ng
mitolohiyang gagawin:
Kasukdulan ng iyong
akda:
Kakalasan (Pababang
aksiyon ng sariling
akda):
Magiging wakas ng
akda:

19
Pagnilayan Natin
Ang mitolohiya ay isang akdang panitikan na tuluyan na naglalahat
ng isang pangyayari na mahirap maipaliwanag ng agham. Pinapakita
rito ang makapangyarihang kilos at gawi ng mga tauhan na pawing mga diyos
at diyosa. Malaki ang pagkakaiba ng isang mitolohya sa iba pang akdang
pampanitikan sapagkat ang mitolohiya ay isang akdang sumasalamin sa
tradisyunal na sanaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng
tradisyong oral.
Bagamat pareho sila ng elemento sa iba pang akda pero may malaking
kaibahan parin ang pagkakabuo nito.
Lagi nating tandaan na ang isang mitolohiyang akda ay isang
kuwentong nagpapaliwanag sa pagkalikha ng mundo at sa mg natural na
pangyayari. Dito rin natin mababasa ang mga sinaunang paniniwalang
panrelihiyon.

Binabati kita sa iyong kahusayang taglay dahil sa


matalinong pagsagot at paggawa sa mga gawain.
Kaibigan, huwag kalimutan ang aral na natutunan sa
araling ito.
Hanggang sa susunod na lingo kaibigan, Paalam!

20
21
GAWIN NATIN: (keyword lamang ang mga ito)
1. Pagmamayabang
2. Paghahamon
3. Pagmamaliit sa kakayahan
4. Pagtanggap ng pagkatalo
5. Paghihiwalay ng may kapayapaan.
GAWAIN 2
1. Dahil hindi ito sumunod sa bilin ni Thor
2. Pagkain- nanalo si Logi
Pagtakbo- nanalo si Hugi
Pag-inom- nanalo si Cupbearer
3. Ang lahat ng pangyayari ay likha lamang ng mahika
4. Magagalit at malulungkot
5. Halos lahat ng hanapbuhay ng tao ay may pandaraya.
GAWAIN 1 GAWAIN 1 Paunang
BAHAY: KAPIT: pagtataya
AMPUNAN BAHAY
BATA TUKO 1. B
ALIWAN KAMAY 2. D
KAPIT BISIG 3. C
(maaaring (maaaring 4. B
magdagdag) magdagdag) 5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Holt et. al. Elements of Literature: Texas, USA, 2008

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino


Grade 10. Department of Education, Curriculum and Instruction
Strand 2020.

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

23

You might also like