Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

1

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NAVOTAS CITY
Bagumbayan Elementary School Compound
M. Naval St., Sipac-Almacen, NavotasCity
Email add.: navotas.city@deped.gov.ph
Tel. No. 351-57-97, 332-77-64

DIAGNOSTIC ASSESSMENT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
UNA AT IKALAWANG MARKAHAN

PAALALA:
Para sa Mga Magulang/Tagapag-alaga/Tagapagsubaybay:
1. Ang layunin ng pagsusulit na ito ay masukat ang kakayahan at kaalaman ng mag-aaral
tungkol sa mga aralin o konsepto ng asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao na sakop
ng Una at Ikalawang Markahan.
2. Ang marka na makukuha ng mag-aaral sa pagsusulit na ito ay HINDI
MAKAKAAPEKTO sa kabuuang grado ng mag-aaral sa nasabing asignatura.
3. Basahin ang mga tanong at mga pagpipiliian sa mag-aaral ng 2-3 beses bago ipasulat ang
sagot sa mag-aaral.
4. Hayaang manggaling sa mag-aaral ang bawat sagot.
5. Iwasan ang pagsasabi ng sagot sa mag-aaral. Gamitin ang pagkakataong ito upang mas
maisabuhay ng inyong anak ang pagiging MATAPAT. Ang pagiging matapat ay isang
mabuting pag-uugali na lubos na mapapayaman sa panahon at paraan ng pag-aaral
ngayon.
6. Marami pong salamat sa pagiging mabuting modelo o ehemplo sa inyong anak.

Para sa Mag-aaral:
1. Makinig mabuti sa inyong magulang/tagapag-alaga/tagapagsubaybay habang binabasa
ang bawat tanong at mga pagpipilian.
2. Kung makakaya ng basahin ang mga tanong at pagpipilian, maaring magsagot ng mag-
isa.
3. Buong katapatang sagutan ang bawat tanong, iwasan ang pagtanong ng tamang sagot sa
iba.
4. Magtiwala sa iyong sariling kakayahan at kaalaman sa pagsagot ng pagusulit na ito.
5. Ang marka mo sa pagsusulit na ito ay hindi makakaapekto sa iyong kabuuang grado sa
Edukasyon sa Pagpapakatao
6. Kung may hindi masagot nang tama, huwag mag-alala. Ang pagsusulit na ito ay
naglalayon na malaman ang mga aralin na dapat pagtuunan ng pansin upang mas
mapaunlad pa ang iyong galing
7. Maging tapat sa lahat ng pagkakataon

Note: Ang Baitang at pangkat, pangalan ng paaralan at guro ay maaring ilagay na bago ibigay sa mag-aaral ang pagsusulit upang masigurado na
kumpleto ang inpormasyong at kaunti nalang ang mga inpormasyon na isusulat o mangaggaling sa mag-aaral.

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NAVOTAS CITY
Bagumbayan Elementary School Compound
M. Naval St., Sipac-Almacen, NavotasCity
Email add.: navotas.city@deped.gov.ph
Tel. No. 351-57-97, 332-77-64
2

DIAGNOSTIC ASSESSMENT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
UNA AT IKALAWANG MARKAHAN

Pangalan:__________________________________________Petsa:____________________
Baitang at Pangkat:________________________________ Marka:___________________
Paaralan:__________________________________________ Guro: ____________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat sa


ang letra ng tamang sagot sa patlang bago dumating ang bawat bilang.

__________ 1. “Bawat bata ay may sariling gusto, interes at kakayahan”.


Ang pahayag na ito ay __________. Buuin ang pahayag.

A. mali C. may pagdududa


B. tama D. walang kasiguraduhan

__________ 2. Si Eman ay magaling maglaro ng basketball. Si Mara ay mahusay


kumanta. Si Ada ay magaling gumuhit. Ano ang nais sabihin ng
mga pahayag?

A. Bawat isa ay may kakayahan


B. Pinakamagaling si Ada sa ibang mga bata
C. Pareho lamang ang kakayahan ng bawat bata
D. Mas nakaaangat ang batang marunong sumayaw kaysa sa
marunong gumuhit

__________ 3. Si Ema ay mahilig kumanta. Siya ay kumakanta araw-araw sa harap


ng kaniyang pamilya. Tuwang-tuwa rin nakikinig ang kanilang pamilya sa
kaniyang pag-awit. Ano ang angking talento ni Ema?

A. pagguhit C. pagsayaw
B. pagkanta D. pagtula

__________ 4. Gusto ni Ema na humusay pa sa pagguhit at pagkulay. Kung ikaw si


Ema, paano mo pa mapapahusay ang iyong kakayahan sa pagguhit at pagkulay?

A. Magsasanay ako isang beses sa isang buwan


B. Araw-araw akong magsasanay gumuhit at magkulay
C. Manood ng video sa YouTube na nagpapakita kung paano
ko pa mapapaganda ang aking mga sining
D. B at C
3

__________ 5. Dahil sa COVID-19, pinagbabawalan ang paglabas ng mga batang


tulad mo upang maproteksyunan at malayo sa malaking posibilidad na magkasakit
o mahawa. Bilang isang mabuting bata, ano ang dapat mong gawin?

A. Tumakas sa bahay upang makapaglaro sa labas


B. Lumabas ng bahay kapag tulog na si nanay at tatay
C. Sumunod sa paalala dahil ito ay para sa aking ikabubuti
D. Umiyak nang umiyak upang payagan ni lolo na lumabas ng
bahay

__________ 6. Sino sa mga sumusunod na bata ang nagpapakita ng


pangangalaga sa kalusugan?

A. Si Lea na kumakain ng gulay at prutas araw-araw


B. Si Ben na buong maghapong naglalaro sa cellphone
C. Si Mel na ang kinakain na ulam ay hotdog at tocino lamang
D. Si Sita na gabing-gabi na matulog dahil sa panonood ng mga
programa sa telebisyon

__________ 7. Ano ang salitang bubuo sa pangungusap. “Ang ______________ ay


itinuturing na pinakamaliit na yunit ng pamayanan”.

A. baranggay C. paaralan
B. lungsod D. pamilya

__________ 8. Nakita mong pagod na pagod ang iyong tatay dahil sa


magdamag na pangingisda. Nais mo siyang pasayahin upang
mabawasan ang kaniyang pagod. Ano ang iyong gagawin?

A. Wala akong gagawin


B. Hindi ko siya papansinin at maglalaro nalang
C. Kukulitin ko si tatay na pahiramin niya ako ng cellpone
D. Kukwentuhan ko siya ng masasayang pangyayari sa araw na
ito
__________ 9. Kaarawan ng iyong lolo na nasa malayong lugar. Dahil sa
pandemya mahirap para sa inyong pamilya ang pagdalo at iniiwasan ang
pagtitipon. Sa kabila ng mga ito, nais mo pa ring maipapakita ang pagmamahal
mo sa iyong lolo. Bilang mabuting apo, ano ang iyong gagawin?

A. Umiyak nalang ng umiyak


B. Pilipitin ang nanay at tatay na pumunta sa iyong lolo
C. Tumawag o gumamit ng videocall upang mabati ang iyong
lolo sa kaniyang kaarawan
D. Huwag nalang bumati at magkunwaring nakalimutan mo ang
kaarawan ng iyong lolo

__________ 10. Aalis ang iyong nanay para mamalengke. Ibinilin niya sa iyo na
tulungan mo ang iyong kuya sa pag-aalaga sa sanggol ninyong
4

kapatid. Bilang isang mabuting anak, ano ang dapat mong


gawain?

A. Tutulungan ko si kuya sa pag-aalaga ng aming kapatid


B. Matutulog ako para hindi ko alagaan ang aming kapatid
C. Hindi ko aalagaan ang sanggol naming kapatid dahil
nandiyan naman si kuya
D. Magkukunwari akong hindi ko narinig ang bilin ni nanay upang
makapaglaro ako ng cellphone

__________ 11. Alin sa mga sumusunod na ugali ang dapat taglayin ng batang
tulad mo?

A. magagalitin C. palaaway
B. magalang D. pasaway

__________ 12. Paano mo maipapakita ang iyong pagiging mapagmahal at


magalang sa iyong mga magulang?

A. Sisigawan ko sila at hindi ako makikinig sa kanilang mga payo


B. Yayakapin ko sila ngunit hindi ako susunod sa kanilang mga
utos
C. Ipipilit ko ang mga gusto kong gawin at hindi ko gagawin ang
kanilang mga bilin
D. Lagi akong gagamit ng po at opo tuwing kakausapin ko sila at
susundin ko ang kanilang mga bilin sa akin

__________ 13. Si Lito ay isang batang kasing-edad mo. Lagi siyang gumagamit
ng po at opo tuwing kinakausap niya ang kaniyang mga
magulang. Gumagawa siya ng mga card at sinusulatan niya ito
ng kaniyang mga pasasalamat sa kaniyang mga magulang.
Sinusunod din niya ang mga utos at bilin sa kaniya dahil naniniwala
si Lito na ang pagsunod sa magulang ay isang paraan upang
maipakita niya ang kaniyang paggalang at pagmamahal. Si Lito
ay dapat tularan. Bakit dapat tularan si Lito?

A. Dahil siya ay matalino


B. Dahil siya ay kasing-edad mo
C. Dahil masipag siyang gumawa ng card
D. Dahil siya ay isang batang magalang at mapagmahal

__________ 14. Nalaman mo na walang ulam ang iyong kapitbahay dahil walang
huling isda ang niyang tatay. Bilang isang mabuting bata, ano ang
dapat mong gawin?
5

A. Bigyan ng ulam ang kapitbahay


B. Huwag pansinin ang sitwasyon ng iyong kapitbahay
C. Pagtawanan ang kapitbahay dahil wala silang ulam
D. Inggitin ang kapitbahay sa ulam na niluto ng iyong nanay

__________ 15. Napanood mo sa telebisyon na marami pa rin ang mga taong


nagkakasakit ng COVID-19. Isa na rito ang inyong kapitbahay.
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kanila?

A. Ipamamalita sa iba ang kanilang sitwasyon


B. Iwasan sila at huwag pakitunguhan nang maayos
C. Huwag silang alalahanin dahil hindi ko naman sila kilala
D. Ipagdasal ang kanilang pamilya at ang kanilang mabilis na
paggaling

__________ 16. Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang tanong.

Tuwang-tuwa si Kara ng makita niyang puno na ang kaniyang alkansiya. Kinuha


niya ang kaniyang mga ipon at binilang niya ang mga ito. Sapat na ang kaniyang
naipon upang bilhin ang gusto niyang laruan. Maya-maya narinig niya sa balita na
napapagod na rin ang mga doktor at nars sa pag-aalaga ng mga taong may sakit
dahil sa pandemiya. Nahahawa na rin sila dahil kulang ang mga kagamitan para sila
ay maprotektahan. Agad niyang kinausap ang kaniyang tatay at sinabi na gusto
nalang niyang ibigay ang kaniyang naipon upang ipambili ng kagamitan upang
maprotektahan ang mga doktor at nars. Tuwang-tuwa ang kanilyang tatay sa
kabutihan ipinakita ni Kara. Dapat bang tularan si Kara?

A. Hindi po, dahil inipon niya iyon para sa laruan


B. Opo, para maging masaya rin ang aking tatay
C. Hindi po, dahil mas magiging masaya siya kung bibilin niya ang
laruan
D. Opo, dahil mas pinili niyang tumulong sa mga doktor at nars
kaysa bilin ang gusto niyang laruan

__________ 17. Sino o sino-sino ang dapat mong igalang?


6

A. guro C. pamilya
B. kapuwa D. lahat ng nabanggit

__________ 18. Nais mong hiramin ang cellphone ng iyong kapatid dahil tatawag
ang iyong guro upang kumustahin ka. Paano mo ito sasabihin sa
kaniya?

A. Hoy! Pahiram nga ng cellphone


B. Pahiram nga ate ng cellphone kahit saglit lang
C. Maaari po bang mahiram saglit ang iyong cellphone?
D. Dapat mo akong pahiramin ng cellphone kundi isusumbong
kita kay nanay

__________ 19. May kinuha ang iyong kuya sa kaniyang kuwarto. Sa iyong
paglalaro, hindi mo sinasadyang matabig ang baso na may
lamang tubig. Dahil dito, nabasa ang kaniyang mga aklat at
modyul. Ano ang iyong gagawin?

A. Magkukunawari akong hindi ko alam ang nangyari


B. Sasabihin ko na ang alaga naming aso ang nakatabig ng basong
may tubig
C. Sasabihin ko ang totoo na ako ang nakatabig ng basong may
tubig at hihingi ako sa kaniya ng paumanhin
D. Sisisihin ko ang aking kuya dahil naglalagay siya ng basong may
tubig na malapit sa kaniyang mga aklat at modyul

__________ 20. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matapat?

A. Hindi inamin ni Dan na siya ang nakasira ng laruan ng kaniyang


kapatid
B. Nagkukunwaring natutulog sa hapon si Lino para hindi siya
pagalitan ng kaniyang nanay
C. Agad na pinagtanong ni Eba kung sino ang may-ari ng perang
nakita niya sa ilalim ng mesa at ibinigay niya ito
D. Isinisi ni Hana sa kaniyang alagang pusa ang pagkakabasag ng
tasa sa mesa kahit alam niya na siya ang may kasalanan
7

Prepared by:
ROSE ANN N. SAOI
TES1: ESP School Coordinator

Verified:
LUDIE L. VEGA
Principal

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NAVOTAS CITY
Bagumbayan Elementary School Compound
M. Naval St., Sipac-Almacen, NavotasCity
Email add.: navotas.city@deped.gov.ph
Tel. No. 351-57-97, 332-77-64

Template No. 1: Learning Competencies

Kasanayan: : Based on MELC of DepED-NCR

DIAGNOSTIC ASSESSMENT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
UNA AT IKALAWANG MARKAHAN

Code Unang Markahan: Kasanayan


EsP1PKP-Ia-b-1 1. Nakikilala ang sariling:
1.1 gusto
1.2 interes
1.3 potensyal
1.4 kahinaan
1.5 damdamin
EsP1PKP-Ib-c-2 2. Naisasakilos ang sariling kakayahan sa iba’t-ibang
pamamaraan
2.1 pag-awit
2.2 pagsayaw
2.3 pakikipagtalastasan
2.4 at iba pa
EsP1PKP-Id-3 3. Nakapaglalarawan ng iba’t-ibang gawain na maaaring
8

makasama o makabuti sa kalusugan


EsP1PKP-Ie-4 3.1 nakikilala ang iba’t-ibang gawain/paraan na maaaring
makasama o makabuti sa kalusugan
3.2 nasasabi na nakatutulong sa paglinang ng sariling
kakayahan ang wastong pangangalaga sa sarili
EsP1PKP-Ig-6 4. Nakakikilala ng mga gawaing nagpapakita ng pagbubuklod
ng pamilya tulad ng
4.1 pagsasama-sama sa pagkain
4.2 pagdarasal
4.3 pamamasyal
4.4 pagkukuwentuhan ng masasayang pangyayari
EsP1PKP-Ii-8 5. Nakatutukoy ng mga kilos at gawain na nagpapakita ng
pagmamahal at pagmamalasakit sa mga kasapi ng pamilya
Hal.
1. pag-aalala sa mga kasambahay
2. pag-aalaga sa nakababatang kapatid at kapamilyang
maysakit

Code Ikalawang Markahan: Kasanayan


EsP1P-IIa-b-1 6. Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga
magulang

EsP1P-IIc-d-3 7. Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at kapwa sa


lahat ng pagkakataon lalo na sa oras ng pangangailangan

EsP1P-IIe-f-4 8. Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapwa sa


pamamagitan ng:
a. Pagmamano/paghalik sa nakatatanda
b. Bilang pagbati
c. Pakikinig habang mag nagsasalita
d. Pagsagot ng “po” at “opo”
e. Paggamit ng salitang “pakiusap” at “salamat”

EsP1P-IIg-i-5 9. Nakapagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang


kasapi ng mag-anak
9.1 kung saan papunta/nanggaling
9.2 kung kumuha ng hindi kaniya
9.3 mga pangyayari sa paaralan na nagbunga ng hindi
pagkakaintindihan
9.4 kung gumamit ng computer sa paglalaro imbis na sa
pag-aaral
9

Prepared by:
ROSE ANN N. SAOI
TES I: ESP School Coordinator

Verified:
LUDIE L. VEGA
Principal

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NAVOTAS CITY
Bagumbayan Elementary School Compound
M. Naval St., Sipac-Almacen, NavotasCity
Email add.: navotas.city@deped.gov.ph
Tel. No. 351-57-97, 332-77-64

Template 2: Talahanayan ng Ispesipikasyon

Key Stage 1-3 : 20 Aytem

DIAGNOSTIC ASSESSMENT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
UNA AT IKALAWANG MARKAHAN

Code Unang Markahan: Bilang Distribusyon Madali Katamtaman Mahirap Kabuuan


ng ng mga
Kasanayan Aytem tanong
EsP1PK 1. Nakikilala ang sariling: 2 1, 2 1 2 2
Ebalwasyon
P-Ia-b-1 1.6 gusto Pag- (10%)
1.7 interes alala
1.8 potensyal
1.9 kahinaan
1.10 damdamin

EsP1PK 2. Naisasakilos ang sariling 2 3, 4 4 3 2


Ebalwasyon
P-Ib-c-2 kakayahan sa iba’t-ibang Aplikasyon (10%)
pamamaraan
2.1 pag-awit
2.2 pagsayaw
2.3 pakikipagtalastas
an
2.4 at iba pa
10

Code Unang Markahan: Bilang Distribusyon Madali Katamtaman Mahirap Kabuuan


ng ng mga
Kasanayan Aytem tanong
EsP1PK 3. Nakapaglalarawan ng 2 5, 6 6 5 2
P-Id-3 iba’t-ibang gawain na Pagsusuri Sintesis (10%)
maaaring makasama o
EsP1PK makabuti sa kalusugan
P-Ie-4 3.1 nakikilala ang
iba’t-ibang
gawain/paraan na
maaaring
makasama o
makabuti sa
kalusugan
3.2 nasasabi na
nakatutulong sa
paglinang ng
sariling
kakayahan ang
wastong
pangangalaga sa
sarili

EsP1PK 4. Nakakikilala ng mga 2 7, 8 7 8 2


P-g-6 gawaing nagpapakita ng Pag- Aplikasyon (10%)
pagkakabuklod ng alala
pamilya tulad ng:
4.1 pagsasama-sama
sa pagkain
4.2 pagdarasal
4.3 pamamasyal
4.4 pagkukuwentuha
n ng masasayang
pangyayari

EsP1PK 5. Nakatutukoy ng mga 2 9, 10 9, 10 2


P-Ii-8 kilos at gawain na Sintesis (10%)
nagpapakita ng
pagmamahal at
pagmamalasakit sa mga
kasapi ng pamilya
Hal.
11

3. pag-aalala sa mga
kasambahay
4. pag-aalaga sa
nakababatang kapatid
at kapamilyang
maysakit

Code Ikalawang Markahan: Bilang Distribusyon Madali Katamtaman Mahirap Kabuuan


ng ng mga
Kasanayan Aytem tanong
EsP1P- Nakapagpapakita ng 3 11, 12, 13 11 12 13 3
IIa-b-1 pagmamahal at paggalang sa Pag- Aplikasyon Sintesis (15%)
mga magulang alala
EsP1P- Nakapagpapakita ng 3 14, 15, 16 14, 15, 3
IIc-d-3 pagmamahal sa pamilya at 16 (15%)
kapwa sa lahat ng Sintesis
pagkakataon lalo na sa oras
ng pangangailangan
EsP1P- Nakapagpapakita ng paggalang 2 17 18 2
IIe-f-4 sa pamilya at sa kapwa sa Pag- Sintesis (10%)
pamamagitan ng: alala
f. Pagmamano/paghalik sa
nakatatanda
g. Bilang pagbati
h. Pakikinig habang mag
nagsasalita
i. Pagsagot ng “po” at
“opo”
j. Paggamit ng salitang
“pakiusap” at “salamat”
EsP1P- Nakapagsasabi ng totoo sa 2 19, 20 2
IIg-i-5 magulang/nakatatanda at iba Analisis (10%)
pang kasapi ng mag-anak
KABUUAN 20 20 4 6 10 100%

Prepared by:
ROSE ANN N. SAOI
TES I: School Coordinator

Verified:

LUDIE L. VEGA
Principal

Republic of the Philippines


Department of Education
12

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NAVOTAS CITY
Bagumbayan Elementary School Compound
M. Naval St., Sipac-Almacen, NavotasCity
Email add.: navotas.city@deped.gov.ph
Tel. No. 351-57-97, 332-77-64

Template 4: Susi sa Pagwawasto

DIAGNOSTIC ASSESSMENT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
UNA AT IKALAWANG MARKAHAN

Code Unang Markahan: Kasanayan Numero Tamang


Sagot
EsP1PKP-Ia-b-1 10. Nakikilala ang sariling: 1 B
1.11 gusto 2 A
1.12 interes
1.13 potensyal
1.14 kahinaan
1.15 damdamin

EsP1PKP-Ib-c-2 11. Naisasakilos ang sariling 3 B


kakayahan sa iba’t-ibang 4 D
pamamaraan
11.1 pag-awit
11.2 pagsayaw
11.3 pakikipagtalastasan
11.4 at iba pa

EsP1PKP-Id-3 12. Nakapaglalarawan ng iba’t-ibang 5 C


gawain na maaaring makasama o 6 A
EsP1PKP-Ie-4 makabuti sa kalusugan
12.1 nakikilala ang iba’t-ibang
gawain/paraan na
maaaring makasama o
makabuti sa kalusugan
12.2 nasasabi na nakatutulong
sa paglinang ng sariling
kakayahan ang wastong
pangangalaga sa sarili

Code Unang Markahan: Kasanayan Numero Tamang


Sagot
EsP1PKP-Ig-6 13. Nakakikilala ng mga gawaing 7 D
nagpapakita ng pagbubuklod ng 8 D
pamilya tulad ng
13.1 pagsasama-sama sa
pagkain
13.2 pagdarasal
13.3 pamamasyal
13.4 pagkukuwentuhan ng
masasayang pangyayari
13

EsP1PKP-Ii-8 14. Nakatutukoy ng mga kilos at 9 C


gawain na nagpapakita ng 10 A
pagmamahal at pagmamalasakit
sa mga kasapi ng pamilya
Hal.
5. pag-aalala sa mga
kasambahay
6. pag-aalaga sa nakababatang
kapatid at kapamilyang
maysakit

Code Ikalawang Markahan: Kasanayan Numero Tamang


Sagot
EsP1P-IIa-b-1 15. Nakapagpapakita ng 11 B
pagmamahal at paggalang sa 12 D
mga magulang 13 D

EsP1P-IIc-d-3 16. Nakapagpapakita ng 14 A


pagmamahal sa pamilya at 15 D
kapwa sa lahat ng pagkakataon 16 D
lalo na sa oras ng
pangangailangan

EsP1P-IIe-f-4 17. Nakapagpapakita ng paggalang 17 D


sa pamilya at sa kapwa sa 18 D
pamamagitan ng:
k. Pagmamano/paghalik sa
nakatatanda
l. Bilang pagbati
m. Pakikinig habang mag
nagsasalita
n. Pagsagot ng “po” at “opo”
o. Paggamit ng salitang “pakiusap”
at “salamat”

Code Ikalawang Markahan: Kasanayan Numero Tamang


Sagot
EsP1P-IIg-i-5 18. Nakapagsasabi ng totoo sa 19 C
magulang/nakatatanda at iba 20 C
pang kasapi ng mag-anak
18.1 kung saan
papunta/nanggaling
18.2 kung kumuha ng hindi
kaniya
18.3 mga pangyayari sa
paaralan na nagbunga ng
hindi pagkakaintindihan
18.4 kung gumamit ng
computer sa paglalaro
imbis na sa pag-aaral
14

Prepared by:
ROSE ANN N. SAOI
TES I: ESP School Coordinator

Verified:
LUDIE L. VEGA
Principal

You might also like