Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

5

PaunangSalita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon
sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-
21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Ang modyul naito ay ginawa bilang tugon saiyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nito na madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul naito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mgagawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawainbago pumunta saiba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaarikarin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mgakasamasabahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan
ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuhaka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

1
Alamin Natin Subukin Natin

Layunin ng modyul na ito na malinang ang Bilugan (O)ang larawan ng lugar sa


kakayahan at kasanayan sa ibat-ibang learning pamayanan at mga bagay na makikita rito.
domains ang mga mag-aaral sa Kindergarten.
Ang bawat Quarter ay may sampung modyul na
may iba’t ibang aralin sa bawat lingo na
kapapalooban ng mga kawili-wiling gawain at
mga pagsasanay.

Ang modyul na ito ay may isang aralin,


Pagkatapos ng modyul na ito inaasahan na ang
mag-aaral ay:

Nakikilala at natutukoy ang mga ibat ibang


lugar at bagay sa silid-aralan/paaralan at
komunidad.

Panuorin ang Video

https://www.youtube.com/watch?v=AteDcdqbzJ8
https://www.youtube.com/watch?v=VY5qbLrWddk

https://www.youtube.com/watch?v=unDc7z-Wl1A

2
Ang Dami ng isang hanay ng mga
Balikan Natin Aralin bagay ay hindi nagbabago kahit
na magbago ang pagkaka-ayos
5
nito.
Itanong sa bata ang mga sumusunod:

Tuklasin Natin
1. Sino-sino ang mga miyembro ng ating
pamilya?
1. Sasabayan ng magulang ang bata sa
2. Anu-ano ang mga uri ng pamilya?
Pagbabasa ng mensahe.
3. Saang lugar pumupunta ang buong
“May mga lugar at bagay na makikita sa
pamilya upang magsimba? silid-aralan, paaralan at komunidad ”.
4. Saan naman kaya pumupunta ang ibang 2. Ipapaliwanag ng magulang na dahil sa
miyembro ng pamilya upang mag-aral ? pandemya na ating kinakaharap ,
5. Anu-ano ang mga bagay na nakikita mo sa pansamantala ang bahay muna ang
kanilang paaralan at ang magulang
paaralan?
muna ang guro. (Maaring tingnan ang link
para sa routine)
https://www.youtube.com/watch?v=u08eJPMvhKc
https://www.youtube.com/watch?v=MOCUDBW4Rjc&t=27s
https://www.youtube.com/watch?v=vE1U5PrwqZs
https://www.youtube.com/watch?v=mtlnm-YzQs0

3
3. Aawitin ng tagadaloy at bata ang awit na Talakayin Natin
Ako,Ikaw, Tayo’y Isang Komunidad(Roll
over the ocean) Basahin ang mga sumusunod na kwento sa
Ako, ako ako’y isang komunidad bata gayundin ang mga tanong pagkatapos ng
bawat kwento.
Ako, ako ako’y isang komunidad
Ako, ako ako’y isang komunidad.
Ako’y isang komunidad Mga Tala para
sa Tagadaloy
Hayaang sagutin
La la la.
ng bata ang
Sumayaw sayaw at umindak- indak bawat tanong at
hayaan din siyang
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat ipahayag ang
kanyang
Sumayaw sayaw at umindak- indak damdamin.
Magbigay ng
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat panuntunan sa
pakikinig ng
kwento.
*Palitan ang Ako nang:
Si Miray at Monette ay matalik na magkaibigan.
*Ikaw *Tayo *Ako, Ikaw, Tayo Silang dalawa rin ay magkaklase kaya lagi Silang
magkasama. Isang araw sila ay namasyal kasama ng
kanilang mga kaklase at ang kanilang guro sa loob ng
paaralan. sila ay pumunta sa Silid-aklatan. Dito
nakakita sila ng maraming mga libro at iba pang mga

4
babasahin. Ngunit hindi pwede ang mag-ingay.
Pagyamanin Natin
Pumunta din sila sa Kantina. Dito nakakabili ng mga
pagkain at inumin. Maging ang Principal’s Office at
Guidance Office ay napuntahan din nila. Mayroon Panuto: Babasahin ng magulang ang mga
ding Parke sa loob ng paaralan kung saan makikita salita na nasa kaliwa. Pagdugtungin ng guhit
ang mga magagandang mga halaman. Ngunit ang pangalan sa tamang larawan nito.
biglang umiyak ang isa sa kanilang mga kaklase. Siya
ay nadapa at nasugatan sa kanyang tuhod kaya
dinala nila ito sa Klinika at doon siya ay ginamot. Silid –aklatan
Bumalik na sila sa loob ng kanilang silid aralan at sila
ay nagpahinga. Ang ganda pala ng ating paaralan!
Yan ang sambit ng bawat isa. Silid-aralan
Tanong:

1. Sino ang matalik na magkaibigan sa kwento?

2. Saan namasyal ang mga magkakaklase? Kantina

3. Anu-anong mga lugar sa paaralan ang


napuntahan nila?

4. Ano ang naramdaman nila pagkatapos nilang Klinika


mamasyal sa loob ng paaralan ?

5. Ano ang nasabi nila tungkol sa paaralan?


Tanggapan ng
Punong- guro

5
Isaisip Natin Isagawa Natin
Panuto: Bilugan at kulayan ang mga larawan na
Ang Aking Pangalan
makikita sa loob ng silid –aralan, ikahon naman ang
Kagamitan:
hindi.
Luwad o clay, worksheet, lapis
Paraan:
1. Gumawa ng larawan ng paaralan sa loob
ng kahon.
2. Ilagay sa loob ng paaralan ang mga
bagay na maaari nating makita dito.

6
Tayahin Natin Gawin Natin

Bag Raid Panuto: Lagyan ng ( )ang mga bagay na


Panuto: Iguhit ang mga bagay na makikita sa loob makikita sa paaralan. Kulayan ang mga ito.
ng iyong bag.

7
Sanggunian
KCEP 2014
NKTG 2017
Website: https://www.youtube.com/watch?v=BlmbQjYtj-
s&feature=youtu.be&fbclid=IwAR1xZkK0Hyn2Ntm-272zjKD4YgG0ms4DChjKUjFNJx4oCgnbLSVaQSJd8rc

Development Team of the Module


Writers: MONETTE R. MAURICIO
Editors:
Content Evaluator: LUNAGAY C. CATUNCAN/ LORRANE JOY DASALLA
Language Evaluator: SHIELA R. BELDAD / RAPHEL P. MACATANGAY
Reviewers:
Illustrator: MARIA DINAH D. MACALMA/ JOELYNNE T. NORBERTE
Layout Artists: JOHN DENNIS S. MENA & EUJAN RUFLYN ALICE A. GAZZINGAN-ABRACIA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, Schools Division Superintendent
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD-Education Chief Supervisor
DR. ELLERY G. QUINTIA, Chief CID
VIRGINIA L. EBOÑA, EPS - Kindergarten
DR. DAISY L. MATAAC, EPS - LRMDS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like