Elective Suliraning NG Wikang Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ELECTIVE 2

Mansor Norjannah B Petsa: Enero 27 2021

III-BSEd Prof: Cruz Carol Sylvia S.

Magsaliksik tungkol sa ugnayan ng mga gamit ng wikang Filipino bilang wika ng


pananaliksik sa pangangailangan ng sambayanan.

Ang wikang Pilipino ay umusbong at patuloy na umuunlad, masasabing umuunlad ito


sapagkat nagagamit ito sa pagpapalimbag ng mga aklat gayundin sa pagsusulat ng
mga pamanahunang papel o pananaliksik. Nararapat na patuloy na pagyamanin ang
ating wika upang mas maging maunlad ang ekonomiya at tumatatag ang
pagkakakilanlan ng ating lahi.

Ayon sa riserts na aking nakalap na pinamagatang “INTERNASYONALISASYONG


AKADEMIKO AT PANANALIKSIK”

Ang unang layunin ng paksang ito ay tungkol sa reputasyon ng isang pamantasan


sa pananaw ng mga akademiko, ay talaga namang nakabase sa kalidad ng
naturang pamantasan. Ngunit sa totoong buhay, nakikilala lamang ng mga
akademiko sa ibang bansa ang isang Pilipinong pamantasan sa pamamagitan ng
publikasyon ng mga kaguruan nito, o sa pamamagitan ng aktuwal na interaksiyon ng
mga guro sa ilang internasyonal na kumperensiya, o sa pamamagitan ng mas
masinsinang aktuwal na interaksiyon ng ilang guro sa ilang kolaboratibong
pananaliksik. Ang pagkakaroon ng publikasyon ng isang pamantasan, ang
pagpapadala nito ng mga kalahok sa mga internasyonal na kumperensiya, at
pagkakaroon nito ng mga kolaborador na mananaliksik mula sa ibang bansa ay
nakabase sa dimensiyon ng pananaliksik. Ibig sabihin, mas mapapansin ng mga
akademiko sa ibang bansa ang isang Pilipinong pamantasan kapag ang
pamantasang ito ay nananaliksik hindi natatapos sa pananaliksik. Dapat makarating
sa ibang bansa at sa buong mundo ang mga kaalamang nalikha ng pananaliksik. Sa
modelong Humboldtiyano, ang kaguruan, ang mga magaaral at ang buong
pamantasang pansaliksik ay may obligasyong ialay pabalik sa estado ang lahat ng
kaalamang nasaliksik para sa ikauunlad ng nasabing estado. Subalit paano natin
maibalik sa bayan ang kaalamang malilikha natin kung
ELECTIVE 2

hindi tayo lubusang maiintindihan ng bayan dahil sa pagpupumilit nating magsulat sa


wikang Ingles?

Tunay na malaki ang kinalaman ng wika sa pananaliksik. Una, mataas na antas ng


pag-iisip ang kailangan sa pananaliksik. Kapag sinayang ng isang bansa ang
edukasyong elementarya at sekondarya sa paglustay ng panahon para matutuhan
ang wikang Ingles, sa halip na turuan ang mga mag-aaral na mag-isip at mag-isip
gamit ang mga paksa ng siyensiya, matematika, agham panlipunan at humanidades,
mahihirapang sumabak sa pananaliksik ang mga mag-aaral na ito pagtuntong nila
sa kolehiyo at gradwadong antas.

2. Magtala ng mga pinakamatinding suliraning lokal at nasyonal ng ating bansa na


may kaugnayan ang gamit ng wikang Filipino. 

Pagtanggal ng Korte Suprema sa Panitikan at Filipino sa kolehiyo, isa ito sa mabigat


na suliraning hahaharapin hindi lang pang local kundi pang nasyonal. Sinasabing
ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa. Kung sakali mang
matanggal ang asignaturang Filipino sa kolehiyo masasabing pinatay na nating tayo
mismong Pilipino ang pumapatay sa ating sariling kultura. Ngayon bilang pa rin ang
mga kolehiyong hirap sa pag-unawa sa wikang Filipino at hindi alam ang kuong
nilalaman ng Noli me tangere isa lang ito sa mga dahilan na mahalaga pa ring
bigyan oras na matutuhan ang Panitikan at Wikang Filipino ng mga mag-aaral ng
kolehiyo.

Hindi lamang ito magdudulot ng malawakang pagbabago pagdating sa sistema ng


edukasyon, kundi maapektuhan din nito ang iba’t-ibang aspekto ng buhay ng tao.
Ang asignaturang Filipino ay mahalaga para maghulma ng kaalaman ng mga
estudyante at mapagtibay ito. Hindi lamang ito sumisimbolo sa ating wika, kundi
sumisimbolo din ito sa lahi ng ating pinanggalingan. Sana isipin ng mga nakakataas
sa gobeyerno ang malaking papel ng wika sa pagunlad ng isang bansa. Ito ay
sumasalamin sa ugali at buhay ng tao at ito rin ang nagsisilbing puso ng ating
ELECTIVE 2

kultura. Kung ating tatanggalin


ang Filipino, parang sinasabi natin na hayaan na makalimutan ang lahat ng itinuro
ng mga guro, at ang pagod na hinarap ng ating mga bayani upang maipaglaban ang

kalayaang tinatamasa natin sa kasalukuyan. At iyon ay ang wikang ating


kinasanayan na hinulma ng panahon. Hindi dapat natin itapon o ibaliwala ang isang
bagay na nakapagbigay ng sapat upang mapagbuti ang ating pagkatao. Hindi natin
kailangan tanggalin ang Filipino upang makaakma sa estado ng edukasyon ng ibang
bansa, ang kailangan ay mapagtibay ito upang sa susunod na henerasyon ang ating
wika ay mananatiling buhay sa ating lahi. Gawin nating maka pangyarihan ang ating
wika. Ating pag ibayuhin at palaganapin pa ang wikang Filipino.

3. Ipaliwanag ang mensaheng ito" Wika ang kasangkapan para sa materyal na pag-
unlad. Maging sa pagsulong ng kultura, edukasyon, agham, sining, at
humanidades."

Wika ang kasangkapan para sa materyal na pag-unlad. Maging sa pagsulong ng


kultura, edukasyon, agham, sining, at humanidades, kinakailangan ng isang wikang
ginagamit at nauunawaan ng sambayanan.

Wika ang pangunahing kasangkapan sa pag-uugnayan sa pagitan ng namamahala


(ang pamahalaan) at ng pinamamahalaan (ang mga mamamayan). Dahil dito, dapat
gamitin ang wika sa komunikasyon ng bayan para magkaunawaan. Sa larangang ito,
ang daloy o proseso ng komunikasyon ay dalawa: paghahatid ng mensahe o atas
(ayon sa nasa batas) at ang tugon o sagot ng bayan.

Kung gayon, dapat gamitin ang wikang Filipino sa batas at politika. Dapat ding
maging lengguwahe ng hukuman ang wikang ito. Tandaan nating habang
mangmang ang bayan sa batas, hindi mangingimi ang mga tao sa paggawa ng
kabuktutan at katiwalian—mga bagay na hadlang sa ninanais nating kaunlaran.
ELECTIVE 2

Samakatwid, susi ang wikang


Filipino sa politika ng batas, sa pagpapalaganap ng katarungan, at pagsugpo sa
krimen na lumalaganap sa administrasyon ng batas at politika. Ang layuning
magkaisa ang ating lahi sa ilalim ng katarungan at karangalang mahango ang mga
nabubuhay sa karalitaan, kawalang-muwang, at kawalan ng

pagkakataon upang sila man ay maging sangkap ng isang pamayanang pampolitika


ay magaganap lamang kung ang ating mga batas ay maisasalin sa wikang Filipino at
ang wikang ito ay gagamiting wika sa mga hukuman at sa mga batasan kung saan
ginagawa ang batas.

Ang humanidades ay tumutugon sa isang pangkat ng mga palagay at saloobin na


nakatuon sa pagpapahalaga sa buhay.

Kung susuriing mabuti, wika ang may pinakamalakirrg papel na ginagampanan sa


larangang ito—ang Humanidades. Sa ngayon, higit nang malawak ang saklaw nito
sapagkat maaari nang talakayin ang kultura, pagpipinta, musika, estruktura, at iba
pang makataong sining at ang mabuti at wastong pagtugon dito.

Sa tulong ng wika, higit nating mapalalawak ang larangang ito, pati na ang ating
sarili at higit tayong nagiging maingat at magalang sa paniniwalang likha ito at gawi
ng ibang tao.

You might also like