Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.4
Panitikan : Tula
Teksto : “Hele ng Ina sa Kanyang Panganay” (Tula mula sa
Uganda) Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
mula sa Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng A Song of
a Mother to her Firstborn
Wika : Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinhagang
Pananalita
Bilang ng Araw : 5 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIc-78)


 Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIc-82)


 Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at
matatalinhagang pahayag sa tula.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIc-78)


 Naiiantas ang mga salita ayon sa antas ng damdaming ipinahahayag
sa bawat isa.

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIc-76)


 Nasusuri ang napanood na sabayang pagbigkas o kauri nito batay
sa: kasiningan ng akdang binigkas, kahusayan sa pagbigkas at iba
pa.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIc-80)


 Masigasig at matalinong nakikilahok sa mga talakayan.

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIc-80)


 Naisusulat ang sariling tula na lalapatan din ng himig.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIc-73)


 Nauuri ang iba’t ibang tula at ang elemento nito.

Ikatlong Markahan| 63
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIc-76)


 Nasusuri ang napanood na sabayang pagbigkas o kauri nito batay sa:
kasiningan ng akdang binigkas, kahusayan sa pagbigkas at iba pa.

II. PAKSA
Panitikan : “Hele ng Ina sa Kanyang Panganay” (Tula mula
sa Uganda) Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A.
Tabora mula sa Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
ng A Song of a Mother to her Firstborn
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapanood ng isang videoclip ng sabayang pagbigkas
https://www.youtube.com/watch?v=SX_lyRAemkc

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE BALL
a. Ano ang paksa ng tula?
b. Paano pinalutang ng mga mag-aaral ang kanilang interpretasyon
sa tula?

Ikatlong Markahan| 64
2. Pokus na Tanong

a. Paano naiiba ang tulang Malaya sa tulang tradisyunal? Paano


nasasalamin sa tulang Malaya o tradisyunal ang kultura ng bansang
pinagmulan nito?
b. Paano nakakatulong ang paggamit ng simbolismo at
matatalinghagang pananalita sa pagiging masining ng pagbuo ng isang tula?

3. Presentasyon

Pagpapanuod ng isa pang halimbawa ng tula..


Balagtasan..SIPAG AT TALINO.
https://www.youtube.com/watch?v=KwfT2gZhOxO

GAWAIN: Paghambingin ang dalawang halimbawa ng tula.Ilahad ang


kasiningang taglay nito.

Balagtasan Sabayang pagbigkas

ANALISIS

1. Paano naipakita sa dalawang akda ang kasiningan nito.Patunayan?


2. Ano anong damdamin ang masasalamin sa mga halimbawa ng tula?
3. Anong kaugalian at kultura ang lumutang sa akda?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod. Bawat


saknong ay binubuo ng taludtod at ang bawat taludtod ay nahahati sa
mga pantig. Ang paraan ng pagbuo ng mga pahayag ay piling pili,may
mga tayutay o mayaman sa matatalinhagang pananalita at simbolismo,at
masining bukod sa madamdamin at maindayog kung bigkasin.

Ikatlong Markahan| 65
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: ROUND ROBIN


Paano mas napapalutang ang kariktan ng isang akdang
pampanitikan gaya ng tula?

APLIKASYON

(SABAYANG PAGBIGKAS)
Bibigkasin sa paraang masining ang bahagi ng tula.

Pagdarapithapon kata’y magbabalik sa pinanggalingan


Sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw
Talagang ganoon sa dagat man Irog ng kaligayahan,
Lahat, pati puso ay naagnas ding marahang-marahan
(hango sa huling saknong)

Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos

IV. KASUNDUAN

1. Bumasa ng isang halimbawa ng tula. Ilahad kung paano naipakita ng


awtor ang kariktan nito.
2. Basahin at unawain ang akdang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”.
Paano ipinadama sa tula ang pagmamahal ng isang ina?

Ikatlong Markahan| 66
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIc-78)


 Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIc-82)


 Nabibigyang kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at
matatalinhagang pahayag sa tula.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIc-78)


 Naiiantas ang mga salita ayon sa antas ng damdaming ipinahahayag
sa bawat isa.
II. PAKSA

Panitikan : “Hele ng Ina sa Kanyang Panganay” (Tula mula


sa Uganda) Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A.
Tabora mula sa Salin sa Ingles ni Jack H.
Driberg ng A Song of a Mother to her Firstborn
Kagamitan : laptop, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpaparinig ng isang awiting patungkol sa ating Ina.


https://www.youtube.com/watch?v=pc9GNezzENA&spfreload=10

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: STOP THE MUSIC
a. Ano ang naramdaman mo pagkatapos marinig ang awitin?
b. Ibigay ang mensahe ng awit.

Ikatlong Markahan| 67
2. Presentasyon
Pagbigkas ng tula sa paraang Sabayang Pagbigkas.

“Hele ng Ina sa Kanyang Panganay”


(Tula mula sa Uganda) Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula
sa Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng A Song of a Mother to her
Firstborn
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
pahina 279-280

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: MYSTERY BOX
a. Ano ang paksa ng tula?
b. Paano naipakita sa tula ang pagmamalaki ng ina sa kanyang anak?

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Esttratehiya: RAP

Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita s Sidhi ng


Damdamin
Kagalakan 1
Katuwaan 2
Kaluwalhatian 3
Kaligayahan 4
Kasiyahan 5
Paliwanag sa Pag-aantas

Batayang mga Salita Ayos ng mga Sidhi ng damdamin


Lungkot 1
Lumbay 2
Dalamhati 3
Pighati 4
Pagdurusa 5
Paliwanag sa Pag-aantas

Pangkat II: Mungkahing Estratehiya: TALK SHOW


Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kanyang pangarap?
2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan mo?

Pangkat III: Mungkahing Estratehiya: GAMESHOW


Paramihan ng mga maibibigay na matatalinghagang pananalita at
simbolismo mula sa tula.

Ikatlong Markahan| 68
Pangkat IV: Mungkahing Estratehiya: PATUNAYAN MO
Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mitolohiyang mula sa Africa at
Persia.
pangkaisipan

Ano ang
pandamdamin pangkaasalan
naging
bisa ng
tula

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
Lahat ng
Ang mga May mga datos inilahad ay
datos/gawain ay Angkop ang /gawain na hindi higit na
Kaangkupan sa
inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin
nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ng ngan ng
kaangkupan . kaangkupan. kaangkupan
sa gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Halos lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
Ang lahat ng walang
Dalawa sa
miyembro ng disiplina. Hindi
May pagkakaisa miyembro ng
pangkat ay maayos ang
at pangkat ay hindi
nagkakaisa at may presentasyon.
pagtutulungan maayos na
respeto sa isa’t isa. Nangangaila-
ang bawat nakikilahok sa
Napakaayos ng ngan ng
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayos
kanilang ipinakitang disiplina at
Maayos ang ang ipinakita
presentasyon dahil respeto sa
ipinakitang nilang
lahat ng miyembro bawat
presentasyon ng presentasyon at
ay kumikilos sa isa.Kailangan
bawat isa. may respesto
gawaing nakaatang lahat ng
sa bawat isa.
sa bawat isa. miyembro ay
nakikipagtulu-
ngan sa
gawain.

Ikatlong Markahan| 69
Napakamalikhain at Malikhain at
Walang buhay
napakahusay ng mahusay ang Maayos na
ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa pagpapalutang napalutang ang
pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na sa nais ipabatid ideya na nais
ng mensahe /
mensahe/ na mensahe/ ipabatid.
ideya.
impormasyon impormasyon.

 Pagtatanghal ng pangkatang gawain


 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Sino ang persona sa tula ?Ano ang kaniyang pangarap?


2. Masining ba ang tulang tinalakay?
3. Anong kaugalian at kultura ng mga taga Uganda ang lumutang sa
tula.Ibigay ang iyong pananaw ukol dito.
4. Anong bisang pangkaisipan at bisang pangdamdamin ang natutuhan
sa akda.Ipaliwanag.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Istratehiya: CONCEPT ORGANIZER


Buuin ang konsepto sa pamamagitan ng mga salita sa cue card.

Paano masasalamin ang kultura ng bansang pinagmulan ng isang akda?

kultura naglalarawan pananalita


salita kilos ginamit akda

APLIKASYON
Mungkahing Istratehiya: ISA-ISAHIN MO!
Itala ang matatalinhagang pananalita at simbolismo mula sa
salitang nasa puso.

INA

Ikatlong Markahan| 70
4. Ebalwasyon

Tukuyin ang angkop na kasagutan.

1. Alin sa mga salitang ginamit sa akda ang may masidhing damdamin.


a. lumbay b. dalamhati c. pighati d. pagdurusa
2. Tinutukoy na persona sa akda?
a. ina b. kapatid c. asawa d. pinsan
3. Ang munting supling sa tula ay inilaan ng ina upang maging isang:
a.manananggol b.mandirigma c.mangingisda d. mangangaso
4. Putol na tinapay at santabong sabaw
Sa nabuksang pintoy iniwan ng bantay
Halos ay sinaklot ng maruming kamay
Ang ____________ ang kahulugan ng talinhagang ipinapahayag sa
tula.
a.kawalan ng katarungan b.kaapihan ng bilanggo
c.kakulangan sa pagkain d.nararanasang gutom ng mahirap
5. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat mong tula, Anong
matatalinhagang pananalita ang iyong ilalapat kung ang nais mong
ipahiwatig ang salitang pighati
a. Kalungkutan ang nadarama c. di-maunawaang damdamin
b. Lungkot sa mukha d. maasim na mukha

Susi sa Pagwawasto

1. D 2. A 3.B 4.D 5. A

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Magbigay ng iba pang halimbawa ng matatalinhagang pahayag at


kahulugan nito.
2. Basahin at suriin ang akdang “ Ang Bata at ang Batang Paruparo”.
Panitikang Pandaigdig, pahina 282 – 283.
3. Alamin ang ibat ibang elemento ng tula.

Ikatlong Markahan| 71
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIc-73)


 Nauuri ang iba’t ibang tula at ang mga elemento nito.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIc-80)


 Masigasig at matalinong nakikilahok sa mga talakayan.

II. PAKSA
Wika : Wastong Gamit ng Simbolismo at
Matatalinhagang Pananalita
Kagamitan : laptop, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpaparinig ng isang pagbigkas ng tula mula sa piling mag-aaral

2. Presentasyon

Ang Matanda at ang Batang Paruparo


ni Rafael Palma
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
pahina 282-283

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE BALL
a. Ano ang layunin ng tulang binasa?
b. Paano naiiba ang unang tulang binasa sa ikalawang tula?
c. Magkatulad ba ng pagiging masining ng dalawang tula?Patunayan.

Ikatlong Markahan| 72
3. Pangkatang Gawain

Pangkat I – Mungkahing Istratehiya: PUPPET SHOW


Suriin ang matatalinhagang pananalita at simbolismo mula sa tula
at ibigay ang kahulugan nito.

Pangkat II – Mungkahing Istratehiya: PAINT A PICTURE

Basahin ang mga piling saknong o talutod ng tula. Hanapin ang


matalinhagang pananalita at simbolismo na ginamit at ibigay ang
kahulugan nito.

1. Mata’y napapapikit sa aking namasdan,


Apat na kandila ang nangagbabantay.
( Ang Pagbabalik ni Jose Corazon De Jesus)

2. Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


Na walang paupa sa hirap at pagod,
Minsan sa anyaya, minsan sa kusang-loob,
Pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos,
(Kabayanihan ni Lope K. Santos)

3. May tanging laruan isang bolang apoy


Aywan ba kung sino ang dito napukol,
At sino rin kaya ang tagapagsindi,
Ng parol ng buwang pananglaw kung gabi
( Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos )

4. Sandaling lisanin ang nakasanayan


Unatin yaring kaluluwa’t katawan.
Kawangis ang paghalik ng Maylalang
Sa burol, dalampasiga’t kaparangan.
( Salin sa tulang “ ALL THE HEMISPHERES ni Daniel
Landinsky mula sa tula ni HaFiz

Pangkat III – Mungkahing Istratehiya: GAMESHOW

Kompletuhin ang tula sa pamamagitan ng paglalagay ng


matatalinhagang pananalita at simbolismo , lapatan ng pamagat.

Ikatlong Markahan| 73
______________________________

Sa ami’y……..
Isa kang ___________ na may dalang ligaya
Ika’y tuwinang bukas-palad sa iba
Ang iyong gawi’y hindi ___________________
Kaya’t kami”y humahalik sa ;yong mga paa

Sa ami’y ………..
Isa kang ____________na laging sandata
Di _____________sa hampas ng pala,
Dito’y nasisilip, maningning na _________
Kaya’t kami’y humahalik sa ‘yong mga paa

Pangkat IV – Mungkahing Istratehiya: PAGHAHAMBING


Paghambingin ang tulang “Hele ng Ina sa kanyang
Panganay”.Ihambing ito sa tulang “Ang Matanda at ang Paruparo.

TULANG MALAYA TULANG TRADISYUNAL

SUKAT:

TUGMA:

KARIKTAN:

TALINHAGA:

ANALISIS

1. Bakit kailangang gumamit ng mga tayutay, kariktan, simbolismo at


matatalinhagang salita ang isang tula?
2. Isa-isahin ang mga kahalagahan ng mga ito

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi


karaniwang paggamit ng salita. Ang tula ay mayaman sa mga tayutay na
nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa
tayutay nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga
simbolismo at matalinhagang pananalita.

Ikatlong Markahan| 74
Mga Elemento ng Tula
1.Sukat-Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod
Hal.Mula sa Tanaga ni Ildefonso Santos
A/li/pa/tong/lu/ma/pag/
Sa/lu/pa/-nag/ka/bi/tak
Sukat-Pipituhing Pantig
2.Tugma-Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod
Hal. Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring dila’t puso
Sinta’y umiilag,tuwa’y lumalayo
Tugmang –ganap
3.Kariktan-ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula
at ang kabuuan nito.
Hal:Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S.Baylen
Ito ba ang mundo hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang kaunlaran?
Kariktan-lalabindalawahing Pantig,Tugmang Ganap at Tayutay
4.Talinhaga-ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng
tula o ang ipinapahiwatig ng may akda.
Hal:Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez
Putol na tinapay
At santabong sabaw
Sa nabuksang pinto’y iniwan ng bantay
Halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinhaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap

ABSTRAKSYON

Bumuo ng konsepto sa magkakahiwalay na kahon.

Tradisyunal sukat Malaya tugma tula

Tula kultura bansa pinagmulan isinasalaysay

Sapagkat simbolo kariktan pahayag matalinghaga

APLIKASYON

Sumulat ng tulang mayaman sa matatalinhagang pananalita at


simbolismo na tungkol sa kadakilaan ng isang ina na may tatlong saknong
o higit pa.

Ikatlong Markahan| 75
4. Ebalwasyon
Tukuyin ang angkop na kasagutan.
1. At ako ang ina ng kanyang panganay
Ikay mahimbing,supling ng Leon,nyongeza’t nyumba
Ikay mahimbing
Akoy wala ng mahihiling
Ang bahaging ito ng tula ay halimbawa ng tulang:
A.Tulang Malaya B. tulang tradisyunal
2. Palay siyang matino
Nang humangiy yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa:
a.taong mayaman c.taong mapusok
b.taong responsible d.taong dumaan sa pagsubok
3. Anak ko! magpigil magpakahinahon
Anumang pagsubok,kamay ay ituon
Ang bahagi ng tula ay may sukat na:
a.wawaluhin b.lalabindalawahin
c. lalabinaninmin d.lalabingwaluhin
4. Tunay ngang umid yaring dila at puso
Sintay umiilag,tuway lumalayo
Ang tugma sa taludtod na ito ay:
a.tugmaang ganap b. tugmaang di-ganap
5. Ito ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagpili at pagsasaayos ng
mga salitang ilalapat sa tula.
a. sukat b. tugma c. kariktan d. talinhaga

Susi sa Pagwawasto

1.A 2.D 3.B 4. A 5. C

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Isulat ang mga taglay na elemento ng tulang iyong nilikha ngayong


araw.
2. Humanda para sa paglikha ng awtput.

Ikatlong Markahan| 76
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIc-80)


 Naisusulat ang sariling tula na lalapatan din ng himig.
II. PAKSA
Pagsulat ng Awtput 3.4
Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng videoclip tungkol sa Pagmamahal ng Ina sa Anak.


https://www.youtube.com/watch?v=AJOYrtuPG2Q

Gabay na Tanong:
a. Anong mensahe ang nais iparating ng video na iyong napanood?
b. Paano naipakita sa video ang wagas na pagmamahal ng ina?

ANALISIS

1. Bakit sinasabing walang kasindakila ang pagmamahal ng ina sa Anak?


2. Paano natin matutumbasan ang ganitong pagmamahal?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: FREEDOM WALL

Bumuo ng konsepto tungkol sa pagmamahal ng ina sa anak?

Ikatlong Markahan| 77
APLIKASYON

GOAL - Nalalapatan ng himig ang isinulat na sariling tula.

ROLE - Isa kang mahusay na mag-aawit. Inanyayahan ka ng iyong kamag-


anak sa isang Reunion

Isa ka sa
AUDIENCE mgakamag-anak
- Mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong
paaralan.

SITUATION - Isang Reunion ng Pamilya

Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong


PRODUCT - Paglalapat ng himig sa isang likhang tula
paaralan.

STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:


Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong
A. Kahusayan ng Tula ( Kasiningan at Talinghaga )
paaralan.
B. Himig o melodiya ( tinig )
C. Kabuuang Pagtatanghal ( Presentasyon )

Isa ka saTayain ito ayon sa


mga mag-aaral na sumusunod:
manunulat ng pahayagan sa inyong
10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
paaralan.
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Basahin at pag-aralan ang maikling kuwento “Ang Alaga” mula sa East


Africa ni Barbara Kimenye.LM. pp: 289-299.
2. Paano nakatulong ang elemento ng maikling kuwento sa pagpapaigting
ng mga pangyayari sa akda.
3. Bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na nagbibigay
opinyon?

Ikatlong Markahan| 78

You might also like