Ap 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

FIRST QUARTER

ASSESSMENT TEST in ARALIN PANLIPUNAN 5

Name:______________________________________________________________ Score:_______

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.

1. Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?

A. Silangang Asya

B. Hilagang Asya

C. Kanlurang Asya

D. Timog Silangang Asya

2. Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?

A. 4°23’ at 21°25’ hilagang latitud at 116°00 at 127°00 silangang longhitud

B. 2°43’ at 25°31’ hilagang latitud at 161°00 at 172°12 silangang longhitud

C. 1°32’ at 15°21’ hilagang latitud at 131°00 at 151°10 silangang longhitud

D. 3°23’ at 20°29’ hilagang latitud at 121°14 at 148°25silangang longhitud

3. Bakit tinawag na arkipelago ang bansang Pilipinas?

A. Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.

B. Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.

C. Ito ay napapalibutan ng mga mayayamang bansa.

D. Ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng tubig o dagat

4. Anong karagatan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?

A. Karagatang Indian

B. Karagatang Atlantiko

C. Karagatang Pasipiko

D. Karagatang Arktiko

5. Ang mga sumusunod ay mga bansang nakipagkalakalan sa bansa MALIBAN sa isa. Alin dito?

A. India

B. Indonesia

C. Saudi Arabia

D. Tsina
6. Anong islang hinahanap ng mga Europeo na naging daan para matuklasan ang Pilipinas?

A. Kiribati

B. Micronesia

C. Moluccas

D. Palau

7. Mga istrukturang itinayo ng mga Amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o
arsenal ng mga kagamitang pandigma nila.

A. base militar

B. opisina

C. paaralan

D. palaruan

8. Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana ang kanilang
iniwan sa Pilipinas?

A. edukasyon

B. ekonomiya

C. relihiyon

D. sandatahang lakas

9. Ang mga sumusunod ay ang tuwirang epekto ng lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng kasaysayan
MALIBAN sa isa. Ano ito?

A. nagkaroon ng kalakalan sa mga karatig bansa

B. napadali ang paglipat o migrasyon ng mga katutbo

C. naging kalaban ng Pilipinas ang lahat na mga karatig bansa nito.

D. nadiskubre ng mga mananakop ang estratehikong lugar ng Pilipinas

10. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa?

A. para maging sikat ang isang bansa

B. para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa

C. para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao sa bansa

D. para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura, ekonomiya, pamahalaan at
relihiyon ng isang bansa.
Isalin ang mga nagkahalong letra upang mabuo ang tamang salita. (Arrange the Jumbled Letters) sa
pamamagitan ng “hint/clue” na nasa kabila. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

11. YAORET– itinuturing bilang tama o tumpak, na maaaring gamitin bilang mga prinsipyo ng paliwanag
at prediksiyon

A. AREOTA

B. TEORYA

C. TOERYA

D. THEORYA

12. IMOTOLIHAY- sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay maipaliwanag ang sagisag ng


mahahalagang balangkas ng buhay

A. IMOLOHIYA

B. IMOTOLOHIYA

C. MITOLOHIYA

D. MITO

13. NICTOCET ATEPL – malalaki at makakapal na tipak ng lupa

A. TECTONIC PLATE

B. PLATONIC PLATE

C. COASTAL PLATE

D. ARIAL PLATE

14. OBOGAB- mga katutubong naniniwala na si Melu, ang kanilang diyos ang gumawa ng Pilipinas.

A. BOGABO

B. BAGOBO

C. ABOGADO

D. GOBOGA

15. SOYID- pinaniniwalaan ng relihiyon na siya ang gumawa ng daigdig kasama ang Pilipinas.

A. YIDSO

B. DIYSO

C. DIYOS

D. SOYDI
Basahing mabuti ang bawat pahayag ukol sa pinagmulan ng sinunang tao sa Pilipinas. Isulat ang T
kung ito ay batay sa Tectonic plate; M kung ito ay batay sa Mitolohiya at R kung itoy batay sa
Relihiyon.

16. Nilikha ng Diyos ang sanlibutan kasama ang bansang Pilipinas.

17. Ang continental shelf ay mga tipak na lupa sa ilalim ng karagatan

18. Nilikha ni Melu ang daigdig ayon sa paniniwala ng mga Badjao.

19. Dahil sa tatlong higanteng naglabanan gamit ang bato at dakot ng lupa nabuo ang bansang Pilipinas.
20. Pinaniniwalaan ng mga Manobo na ang daigdig ay nilikha ng kanilang diyos mulas sa mga kuko nito.
Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

31. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na batong
magaspang?

A. Panahong Neolitiko

B. Panahong Paleolitiko

C. Maagang Panahon ng Metal

D. Maunlad na Panahon ng Metal

32. Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng Bagong Bato?

A. tumira sa mga yungib

B. magsaka at mag-alaga nga hayop

C. mangaso at mangangalap ng pagkain

D. gumamit ng mga tinapyas na bato na magaspang

33. Ang mga sumusunod na kasangkapang metal ang mas higit na napaghusay ng sa pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino maliban sa isa. Ano ito?

A. sibat

B. kampit

C. kutsilyo

D. pinggan

34. Ang tawag sa sistemang panlipunan, pampulitika at pang ekonomiya ng mga Pilipino noong pre-
kolonyal.

A. siyudad

B. barangay

C. pamilya

D. lalawigan

35. Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?

A. aliping

B. timawa

C. maginoo o datu

D. manggagawa

36. Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga maharlika?
A. bagani

B. bayani

C. pulis

D. sundalo

37. Ang mga sumusunod ay mga natatamasang karapatan ng mga kababaihan sa Ifugao maliban sa isa.

A. bomoto o pumili ng lider

B. magkaroon ng kayamanan

C. pagiging kapalit ng datu

D. pumili ng mapangangasawa

38. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa batas na nakasulat noong panahong prekolonyal?

A. ari-arian

B. diborsyo

C. krimen

D. pag-aaral

39. Ito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan ng bawat barangay?

A. pananakop

B. pagbili o pagbabayad

C. sanduguan

D. pag eespiya

40. Siya ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang barangay lalo na kung may
mga pagtitipon.

A. bagani

B. gat

C. lakan

D. umalohokan

Lagyan ng mukhang nakangiti (😊) ang ginagawa o hanapbuhay ng mga Pilipino noon at malungkot na
mukha (☹) naman kung hindi. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

______41. Pagpapanday

______42. Panghuhuli ng mga isda


______43. Pagtatanim o pagsasaka

______44. Paninisid ng perlas o kabibe

______45. Pangangalakal ng mga kagamitang di-kuryente

Lagyan ng tsek (✔) ang ginagawa o hanapbuhay ng mga Pilipino noon at ekis (✖) naman kung hindi.
Isulat ito sa inyong sagutang papel.

_________ 46. Paghahabi ng tela.

_________ 47. Pagbebenta ng mga kalakal o produkto.

_________ 48. Pagkukumpuni ng sirang kable ng koryente.

_________ 49. Pagmimina ng ginto, pilak, at iba pang mineral.

_________ 50. Paggawa ng kagamitang pinatakbo ng elektrisidad.

Suriin ang mga pahayag. Isulat ang SK kung ito ay tungkol sa sosyo-kultural na pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino. Isulat PM kung ito ay tungkol sa pampolitikang pamumuhay ng mga sinaunang
Pilipino. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

51. Pagsamba sa kalikasan, katulad ng kahoy, ilog, araw, bato, at iba

52. Barangay at sultanato ang uri ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas.

53. Ruma Bichara ang tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas.

54. Pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay na yumao na

55. Nagsusuot ng mga palamuti sa katawan

56. Naglagay ng mga tato sa katawan bilang simbolo ng kagitingan at kagandahan.

57. Pakikipagkasundo ng mga barangay sa isa’t-isa para sa kapayapaan at kalakalan

58. Pagkatatag ng pamahalaang sultanato sa Sulu

59. Pagsasagawa ng iba’t- ibang ritwal at pagdiriwang

60. Ang batas ng Sultanato ay batay sa tatlong sistema.

Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

61. Isang relihiyong naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah.

A. Islam

B. Animismo

C. Hudaismo

D. Kristiyanismo
62. Saan unang lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas?
A. Luzon

B. Mindanao

C. Samar

D. Visayas

63. Nagpunta ang mga mangangalakal na Muslim sa Pilipinas upang _______.

A. bumisita

B. makipaglaban

C. makipagkalakalan

D. manakop

64. Sino ang sinasamba o Diyos ng mga Muslim?

A. Allah

B. Hesus

C. Maria

D. Mohammad

65. Siya ang nagtatag at naging unang sultan ng pamahalaang itinatag niya sa Mindanao.

A. Janjalani Abdulah

B. Rajah Baginda

C. Sharif Kabungsuan

D. Tuan Masha’ika

Gawain B. Panuto: Gamit ang ibinigay na kahulugan, ayusin ang mga titik upang makabuo ng bagong
salita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

66.Ito ay tawag sa mga taong naniniwala kay Allah.

SMULIM

67. Ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim.

RAKON

68. Ito ang relihiyon ng mga Muslim.

SIMAL

69. Siya ang nagtatag ng Relihiyong Islam.

HAMMUMAD
70. Ang nag-iisang Diyos na pinaniniwalaan ng mga Muslim.

HALLA

Kumuha ng isang pirasong papel at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

71. Ang mga sinaunang Pilipino ay sagana sa ibat-ibang _____.

A. espirito

B. kaugalian

C. sulat

D. wika

72. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang
_________ na maipagmamalaki natin ngayon.

A. Katapangan

B. Paraan ng pagsulat

C. Awit at sayaw

D. Kultura

73. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino?

A. Abakada

B. Alibata

C. Baybayin

D. Latin

74. Ilan sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon ay ang pag-alala at pagbibigay halaga sa mga yumaong
pamilya, ito ay isa sa mga _______ ng ating mga ninuno o sinaunang kabihasnan sa ating lipunan.

A. Ala-ala

B. Kaalaman

C. Kontribusyon

D. Simbolo

75. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng ating mga ninuno sa
ating lipunan ngayon?

A. Uri ng pananamit

B. Sistema ng pagsulat

C. Paraan ng makikipagdigma
D. Malalim na pagtitiwala sa Manlilikha

76. Ito ay katawagan ng isang tao na naniniwala sa relihiyong Islam.

A. Kristiyano B. Muslim C. Budista D. Hudyo

77. May kaalaman na ang mga sinaunang Pilipino sa paggamit ng mga instrument at sa paglikha ng
musika. Sila ay may sariling ____________.

A. Awit at Sayaw

B. Pasalita at Pasulat

C. Panitikan at Sining

D. Paniniwala

78. Ano ang magandang naidulot ng mga ibat-ibang sining at panitikan sa ating mga ninuno?

A. Naipahayag ang kanilang damdamin, paniniwala, at mga karanasan ng ating mga ninuno.

B. Naisalin nila sa mga sumunod na henerasyon ang mayaman nilang kultura

C. Naging makulay at kaaya-aya ang pamumuhay ng ating mga ninuno

D. Lahat ng nabanggit

79. Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga sumunod na henerasyon?

A. Sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw, at panitikan

B. Sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga ibat-ibang barangay

C. Sa pamamagitan ng patuloy na paniniwala sa mga anito

D. Lahat ng nabanggit

80. Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling kultura,
paniniwala, wika at pagsulat.

A. Tama

B. Mali

C. Hindi ako sigurado

D. Hindi ako naniniwala

You might also like