Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Prepared by:

CRISTOPHER B. BATARA
Teacher I
IKATLONG MAHABANG PAGSUSULIT SA ESP 5
IKALAWANG MARKAHAN

Panuto: Basahing mabuti ang katanungan sa bawat bilang. Piliin ang titik ng wastong
sagot.

1. Ito ay kagamitang nagpapaunlad ng kaalaman at susi ng pg-unlad ng bansa.


A. Radyo C. Computer
B. Teknolohiya D.Telebisyon

2. Ito ay uri ng virus na nakakasira sa anumang uri ng kagamitang


pangteknolohiya.
A. Horse C. Trojan Horse
B. Trojan War D. Websites

3. Ito ang puntahan sa iyong computer upang makakuha ng impormasyon.


A. Cell Site C. Websites
B. Address D. Browser

4. Ano ang Cyber Bullying?


A. Pananakit/Pagpapahiya sa isang tao gamit ang social media.
B. Pang-aaway sa isang tao ng harap-harapan.
C. Pagpost ng magagandang larawan.
D. Pagbati sa isang kaibigan sa facebook.

5. Ito ay epekto ng cyberbullying.


A. Pagtaas ng marka sa klase. C. Pagkamasayahin
B. Mababang pagpapahalaga sa sarili. D. Palakaibigan

6. Isang larong elektroniko na may interaksyon.


A. Powerpoint C. Videogame
B. Tablet D. Cellphone

7. Kilala sa tawag na electronic mail.


A. email B. Text C. Youtube D. Word

8. Ang pinakamatanyag at pinakamadalas na ginagamit na word processor.


A. Spread Sheet B. Powerpoint C. Microsoft Word D. Excel

9. Ang batas na ito ay magbibigay proteksyon sa mga bata laban sa pang-


aabuso sa social media.
A. Republic Act 10672 C.Republic Act 10175
B. Republic Act 10627 D. Republic Act 9995

10. Ito ang tawag sa pagpapakita ng paggalang at respeto sa online


communication.
A. Etiquette C. Internet
B. Netiquette D. Teknolohiya
11.Ito ay uri ng makabagong media at teknolohiya maliban sa isa.
A. Internet B. Social Networking C. Cellphone D. Aklat

12. Ito ay wastong gawi sa paggamit ng media at teknolohiya maliban sa isa.


A. Maging alerto sa mga hindi mapagkakatiwalaang mga mensahe.
B. Maging mapanuri sa mga balita at impormasyon.
C. Paniwalaan ang lahat na nasa social media.
D. Piliin ang ligtas na site sap ag-aaral at pananaliksik.

13. Nais mong ipadala sa iyong guro ang isang file na naglalaman ng iyong
requirements para sa isang pagsusulit.Anong media at teknolohiya ang maari
mong gamitin?
A. email C. Television
B. Radio D. Cellphone

14.Si Ben ay nagpost sa facebook ng paninira sa kanyang kaklase. Paano niya


ginamit ang media at teknolohiya?
A. Ginamit ang media at teknolohiya upang siraan ang kanyang kaklase.
B. Ginamit ang media at teknolohiya upang magbigay ng tamang impormasyon
tungkol sa kanyang kaklase.
C. Ginamit ang media at teknolohiya para purihin ang kanyang kaklase
D. Ginamit ang media at teknolohiya para sa kanilang pag-aaral

15. Si Cecil ay nagpapatulong sa kanyang ate sa mga takdang araling di niya


kayang sagutin mag-isa,kung kayat tinuruan siya kung paano ang paggamit ng
websites upang mapadali at masagot ng wasto ang kanyang takdang
aralin.Anong magandang saloobin ang ipinakita ng magkapatid sa paggamit ng
media at teknolohiya.
A. Inuna ang panonood sa youtube bago ang takdang aralin.
B. Naglaro ng online games magdamag at natulog maghapon
C. Ginamit ang internet sa mabuting bagay tulad ng pananaliksik sa takdang
aralin.
D. Ginamit ang anumang websites para sa pananaliksik.

16. Ito ay epekto sa kalusugan sa iresponsableng paggamit ng media at


teknolohiya.
A. Pagiging matalino. C. Paglabo ng paningin.
B. Maging masayahin. D.Maaga ang gising.

17. Ito ay maging epekto sa pag-aaral kung maging iresponsable sa paggamit ng


media at teknolohiya.
A. Mangunguna sa klase C. Magkaroon ng mataas na marka.
B. Walang liban sa klase. D. Magkakroon ng mababang marka.
18. Upang mapangalagaan ang kalusugan sa masamang epekto ng media at
teknolohiya,ano ang gagawin mo?
A. Matulog maghapon at maglaro ng online game sa gabi.
B. Manood sa youtube maghapon at matulog sa gabi.
C. Limitahan ang paggamit ng cellphone upang makapagpahinga.
D. Agahan ang pagtulog sa gabi at gigising ng madaling araw mas malakas ang
internet.
19. Sumali ka sa isang paligsahan tungkol sa pagrerecycle sa mga patapong
bagay. Ano ang gagawin mo para ikaw ay manalo?
A. Magpatulong sa tatay.
B. Magpatulong sa nakatatandang kapatid na magsaliksik sa internet.
C. Gumawa na lang ng kahit na anong bagay para sa kontes.
D. Bumili na lang para Manalo.

20. Lahat ay wastong saloobin sa online communication maliban sa isa.


A. Maging magalang sa pakikipag-usap.
B. Huwag gamitin ang media sa pagsira sa kapwa.
C. Gumamit ng malaking letra para madaling mabasa ang mensahe.
D. Maging alerto sa mga hindi mapagkakatiwalaang mensahe o impormasyon.

3rd LONG QUIZ IN SCIENCE 5 (Q2)

I. Read each statements carefully. Write the letter of the best answer before the
number.

1. What are the reproductive parts of a plant?


A. petals and sepals C. flowers and roots
B. pollen and nectar D. stamen and pistil

2. How do moss and ferns reproduce?


A. through roots B. through spores C. through branches D. through leaves

3. Which type of plant has a flower that have both the male and female reproductive parts? A.
orange B. squash C. cucumber D. corn

4. What plant can be reproduced by budding?


A. ferns B. coconut C. roses D. papaya

5. Which plants do not use flowers to reproduce?


A. okra B. ferns C. rose D. beans

6. Which plant does not reproduce though flowers?


A. ginger B. guava C. mango D. tomato

7. What are the reproductive cells of plants?


A. roots and trunk C. stamen and pistil
B. sepal and petal D. ovary and pollen

8. What are the two main categories of plants on how they reproduce their offspring? A.
flowering and non-flowering plants C. big and small plants
B. water and land plants D. rooting and budding plants

9. What is the male part of a flower?


A. pistil B. stamen C. ovary D. pollen

10. Which statement is correct?


A. A spore is a single reproductive cell that is protected by a water light covering that
prevents from drying out.
B. A spore is a dust like seed in small size which can be carried by wind, animals
and man that thrives in cold places.
C. A spore is a small part of a plant found underneath the leaves which grow when
there is enough moisture from the surroundings.
D. A spore is a seed like shape that is attached to the flowers of a plant but does not
require water to survive for a long period of time.

11. What do we call the nurseries of the seas?


A. ecosystem B. estuaries C. salinity D. waves

12. It is the relationship between biotic (living) and abiotic (non-living) factors in a
certain place. What do we call this relationship?
A. delta B. ecosystem C. mangrove D. temperature

13. When is intertidal zone covered with waters?


A. at high tide C. during daylight hours
B. at low tide D. during nighttime hours

14. _________ are areas in estuaries where solid rocks are found.
A. coral reefs B. high tides C. mangrove trees D. rocky shores

15. What do we call the organisms that feed on dead animals and wastes?
A. consumers B. decomposers C. producers D. scavengers

16. This kind of organisms are organisms that can make their own food. What organism
is this?
A. consumers B. decomposers C. producers D. scavengers

17. Why are estuaries important to our environment?


A. They provide homes for many species of wildlife.
B. They are important nursery areas for a variety of marine life.
C. They help to filter pollutants from the water.
D. All of the above

For numbers 18-20, refer to the food chain below.

18. Which of the following receives the most energy?


A. eagle B. grass C. snake D. grass hopper

19 Which of the following is known as the second-order consumer?


A. grass hopper B. frog C. snake D. eagle

20 What biotic (living) relationship exists between the frog and the grass hopper?
A. competition B. mutualism C. parasitism D. predation

IKATLONG MAHABANG PAGSUSULIT SA


FILIPINO 5 (IKALAWANG MARKAHAN)

I. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang talata. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Huwarang Pamilya
Kinikilala ng ating pamahalaan ang pamilyang Pilipino bilang batayang yunit ng komunidad.
Kapag ang isang pamilya ay maayos at maunlad, higit na magiging kapakipakinabang ang bawat miyembro
nito bilang mamamayan. Mahalagang salik ang pamilya upang umunlad ang buong bansa. Ngunit sa
katotohanan, maraming pamilyang Pilipino pa rin ang kapos sa mga batayang tulad ng pagkain, malinis na
tubig, maayos na tirahan, serbisyong pangkalusugan, edukasyon at iba pa. kung kaya, sa halip na sila ay
makatulong sa pagpapaunlad ng komunidad nagiging problema at pasanin pa sila ng pamahalaan.
Maraming pamilyang Pilipino pa rin ang naghihirap. Bilang solusyon sa problemang ito at maalalayan ang
mahihirap na pamilyang Pilipino, inilunsad ng pamahalaan ang Pantawid Pamilya Pamilyang Pilipino (4Ps)
noong 2008. Ito ang itinituring na pinakamalaking programa ng pamahalaan upang labanan ang kahirapan
at maisulong ang kaunlarang panlipunan. Ang bilang ng pamilyang kasama sa programa ay nadaragdagan
ng 54 porsiyento taon-taon. Noong Setyembre 2012, umabot na sa 3.04 milyong pamilya ang benepisyado
o tumatanggap ng pakinabang nito. Ang 4Ps ay local na bersiyon ng programang conditional cash transfer
na unang inilunsad sa Mexico na tinawag na Opportunidades. Sa bansang Brazil, kilala naman ito sa tawag
na Bolsa Familia. Sa ilalim ng 4Ps, ang bawat miyembro ng napiling pamilya ay binibigyan ng Php 500
bawat buwan bilang panustos sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan at nutrisyon. Ang bawat anak
naman, na hanggang tatlong anak lamang, ay tumatanggap ng Php 3,000 bawat taon sa paaralan. Bilang
kapalit ng tulong pinansyal na ito, ang mga babaeng nagdadalangtao ay kailanganang regular na
magpatingin sa manggagamot hanggang makapanganak. Kinikilala rin taon-taon ang pamilyang
matagumpay na nakasunod sa alituntunin ng 4Ps. Isa sa mga pamilyang kinilala ng programa ay ang
Pamilya Cuevas ng San Roque, Navotas. Ang pamilya ay naging benipisyado ng programa mula noong
Disyembre 2008. Maitutring na huwaran ang Pamilya Cuevas dahil sa kabila ng kakarampot na kita ng
mag-asawa, nagawa nilang masuportahan ang mahahalagang pangangailangan ng kanilang pamilya. Aktibo
rin silang mamamayan sa mga gawain sa komunidad at sa pagtupad sa mga alituntunin ng programa.
Naitatanim din nila sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng edukasyon. Ipinamalas pa rin ng mag-
asawang Cuevas ang kasipagan sa kabila ng kanilang pagiging benepisyado ng 4Ps. Kung ang bawat
mamamayan ay masipag, di malayong makamit ng bansa ang tunay na pag-unlad.

1. Paano kinikilala ng pamahalaan ang pamilyang Pilipino?


A. Kinikilala ng ating pamahalaan ang pamilyang Pilipino bilang batayang yunit ng komunidad.
B. Hind kinikilala ng ating pamahalaan ang pamilyang Pilipino bilang batayang yunit ng komunidad.
C. A at B
D. Wala sa mga nabanggit
2. Ano ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)? Kailan ito nagsimula?
A. Ang 4Ps ang itinuturing na pinakamaliit na programa ng pamahalaan upang labanan at
maisulong ang kaunlarang panlipunan. Ito ay nagsimula noong 2008
B. Ang 4Ps ang itinuturing na pinakamalaking programa ng pamahalaan upang labanan at maisulong
ang kaunlarang panlipunan. Ito ay nagsimula noong 2005
C. Ang 4Ps ang itinuturing na pinakamalaking programa ng pamahalaan upang labanan at maisulong
ang kaunlarang panlipunan. Ito ay nagsimula noong 2008
D. Lahat ng mga nabanggit
3. Anu-ano ang natatanggap ng mga pamilyang kabilang sa 4Ps?
A. Ang bawat miyembro ng pamilya ay binibigyan ng Php 600 bawat buwan. Ang bawat anak, na
hanggang apat lamang ay tumatanggap ng Php 4000 bawat taon sa paaralan.
B. Ang bawat miyembro ng pamilya ay binibigyan ng Php 500 bawat buwan. Ang bawat anak, na
hanggang tatlo lamang ay tumatanggap ng Php 3000 bawat dalawang taon sa paaralan.
C. A at B
D. Ang bawat miyembro ng pamilya ay binibigyan ng Php 500 bawat buwan. Ang bawat anak, na
hanggang tatlo lamang ay tumatanggap ng Php 3000 bawat taon sa paaralan.
4. Ano ang mga dapat gawin ng pamilyang nabiyayaan ng 4Ps?
A. Bilang kapalit ng tulong pinansyal na ito, ang mga babaeng nagdadalantao ay kailangang
regular na magpatingin hanggang mag-asawa.
B. Bilang kapalit ng tulong pinansyal na ito, ang mga babaeng nagdadalantao ay kailangang
regular na magpatingin hanggang makapanganak.
C. A at B
D. Wala sa mga nabanggit
5. Bakit kinilalang huwarang pamilya ang Pamilya Cuevas?
A. Kinilalang huwarang pamilya ng Pamilya Santos dahil nagagawa nilang suportahan ang
mahahalagang pangangailangan ng kanilang pamilya.
B. Kinilalang huwarang pamilya ng Pamilya Cuevas dahil hindi nila nagagawang suportahan ang
mahahalagang pangangailangan ng kanilang pamilya.
C. A at B
D. Kinilalang huwarang pamilya ng Pamilya Cuevas dahil nagagawang nilang hahalagang
pangangailangan ng kanilang pamilya. masuportahan ang mahalagang pangangailangan ng
kanilang pamilya
6. Naniniwala ka bang ang 4Ps ay solusyon sa kahirapan ng pamilyang Pilipino? Bakit?
A. Hindi po, dahil maraming pamilya ang benepisyado ng 4Ps na hindi pa rin nagkakaroon ng
pagbabago ng katayuan sa buhay.
B. Naniniwala po, dahil sa programang ito ng pamahalaan maraming mga benepisyado ang
nagkaroon ng magandang pagbabago sa kanilang katayuan sa buhay.
C. A at D
D. Wala sa mga nabanggit.
7. Kailan naging benepisyado sa programang 4Ps ang pamilya Cuevas?
A. Noong Disyembre 2006
B. Noong Disyembre 2007
C. Noong Disyembre 2008
D. Wala sa mga nabanggit.
8. Ano ang iginawad sa pamilya Cuevas?
A. Huwarang Mag-asawa
B. Huwarang Pamilya
C. Huwarang Mag-aaral
D. Wala sa mga nabaggit
9. Ano ang pinakamagandang itinanim sa isipan ng mag-asawa sa kanilang mga anak?
A. Kahahagahan ng Edukasyon
B. Kahalagahan ng Kagandahan
C. A at B
D. Wala sa mga nabaggit.
10. Anong aral ang natutunan sa seleksiyon?
A. Kailangan pa rin magtarabaho at pagyamanin kung anong tulong ang naibigay sa iyo
para sa iyong kapakanan.
B. Matutong magsumikap para sa ikakaunlad ng pamilya kahit na may tulong o biyayang
natatanggap sa pamahalaan.
C. A at B
D. Wala sa mga nabaggit.

II. A. Basahin at unawain ang tula sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

"RESPETO"
Ni: Antonio M. Beso

Hindi mahirap rumespeto


Kung meron ka nito,
Iba-iba ang ugali ng tao
Makibagay nang wasto.
Respetuhin ang sarili
Hwag kang magmalaki,
Ituwid ang iyong ugali
Nang igalang ka ng marami.
Paano ka nga igagalang
Kung ikaw mismo wala man lang,
Hwag kang maging magulang
Sarili mo'y isaalang-alang.
Magpakababa ka hwag magpakamataas
Tumapak sa patag at di sa bundok na madulas,
Upang di dumausdos buhay na nilalandas
Sayong karangyaan baka ito na ang wakas.
Kawalan ng respeto-bansa sa bansa'y nagkakagulo
Kapwa tao'y binubura sa mundo,
Aanhin ang maling pagbabago
Kung sa ating sarili'y walang pagrespeto
11. Ano ang mahalagang bagay ang kailangang lagi nating isinasapuso at laging gawin
A. Ang mahalagang bagay na kailangang lagi nating isinapuso at laging gawin ay respeto.
B. Ang mahalagang bagay na kailangang lagi nating isinapuso at laging gawin ay saya.
C. Ang mahalagang bagay na kailangang lagi nating isinapuso at laging gawin ay pagkain.
D. Ang mahalagang bagay na kailangang lagi nating isinapuso at laging gawin ay wala.
12. Ano ang kailangang ituwid upang igalang ka ng marami?
A. Ang kailangang ituwid upang igalang ka ng marami ay kagandahan.
B. Ang kailangang ituwid upang igalang ka ng marami ay ugali.
C. A at B
D. Wala sa mga nabanggit
13. Ano ang kahalagahan ng respeto sa sarili?
A. Hindi mahalaga ang may respeto sa sarili.
B. Dahil ito ay nakakadagdag ng kayamanan.
C. Mahalaga ang may respeto sa sarili upang igalang ka rin ng iba.
D. Lahat ng mga nabaggit.
14. Base sa tula, Tumapak sa patag at di sa bundok na madulas upang________.
A. Di dumausdos sa buhay na linalandas
B. Gagalangin at rerespetuhin
C. Mamahalin
D. Lahat ng mga nabanggit
15. Anong aral ang natutunan sa tula?
A. Magpakababa ka huwag magpakamataas
B. Huwag kang maging magulang
C. Ang kahalagahan ng pagrespeto sa sarili at sa kapwa.
D. Lahat ng mga nabanggit.

B. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin ang magalang na pagtanggi sa bawat pahayag. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

16. Mali ka, hindi ganiyan ang paggawa nito.


A. Kung ganito na para mas maganda.
B. Kung ganito po kaya ang gawin natin para mas maganda.
C. Kung ganito na lang kaya ang gawin natin para mas maganda.
D. Wala sa mga nabaggit.
17. Nabasa ko sa libro na hindi iyan totoo.
A. Nabasa ko sa libro na hindi totoo iyan.
B. Hindi po ako sumasang-ayon dahil nabasa ko sa libro na hindi totoo iyan.
C. Nabasa ko sa libro na hindi totoo iyan kaya di ako nainiwala.
D. Lahat ng mga nabaggit.
18. May naisip ako na mas maganda.
A. May naisip akong mas maganda kaya ito ang gagawin natin.
B. Hindi maganda ang mungkahi ninyo may naisip akong mas maganda.
C. May naisip akong mas maganda hindi maganda yan.
D. Salamat po sa inyong mungkahi ngunit may naisip akong mas maganda.
19. Hindi ako naniniwala sa iyo.
A. Hindi naman totoo yan.
B. Walang katuturan ang mga sinasabi mo.
C. Hindi po ako naniniwala sa inyo.
D. Lahat ng mga nabaggit.
20. Hindi ko ito kailangan
A. Hindi ko ito kailangan di maganda.
B. Pangit hindi ko ito kailanga.
C. Salamat po pero hindi ko po ito kailangan
D. Wala sa mga nabanggit.

IKATLONG MAHABANG PAGSUSULIT SA HEALTH 5 (Q2)

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot,
isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang pagpapanatiling malinis ng katawan ay mahalaga para sa isang nagdadalaga
at nagbibinata. Isang paraan ng pagsasagawa nito ay sa pamamagitan
ng___________.
A. pagsisipilyo ng ngipin minsan sa isang araw
B. hindi paglilinis ng mga kuko sa kamay at paa
C. paliligo kung kailan lang nagugustuhan
D. paliligo araw-araw
2. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng wastong pangangasiwa
sa kalusugan ng nagdadalaga at nagbibinata?
A. palaging naliligo at naglilinis ng katawan
B. pinuputulan at nililinis ng mga kuko sa kamay at paa
C. kumain ng masusustansiyang pagkain
D. lahat ay tama
3. Upang magkaroon ng malusog na kaisipan,kailangan ng isang nagdadalaga at
nagbibinata ang__________________________.
A. kumain ng karne lamang
B. personal na kalinisan
C. sapat na tulog at pahinga
D. pag-inom ng alak at paninigarilyo
4. Ang bullying at harassment o pang-aabuso ay ilan sa mga nagiging isyu sa
kalusugan ng isang
nagdadalaga at nagbibinata. Upang maiwasan ang pagiging biktima sa mga ito
nararapat
na_______________.
A. umiwas sa pakikipag-usap sa mga taong hindi kakilala lalo na sa social
media
B. ipakilala sa magulang ang mga kaibigan
C. magsumbong sa magulang o sa mga kinauukulan kung may masamang
binabalak sa
iyo ang isang tao
D. lahat ay tama
5. Ang tamang pangangalaga sa sarili ay nakapag-aambag sa pagkakaroon ng
mabuting kalusugan. Ang isa sa mga ito ay___________.
A. pag-inom ng anim hanggang walong basong tubig araw-araw
B. pag-eehersisyo kung may panahon lamang
C. hindi pagpunta sa doctor
D. palaging pagpupuyat
6. Maliban sa maayos na pagdumi at maayos na tindig, nakakatulong din sa
pagpapalakas at pagpatibay ng katawan ang___________.
A. pagsigaw B. pag-eehersisyo C. pagtulog D. pagligo
7. Ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon ay nangangahulugan ng_____________.
A. pagkain ng tamang uri at dami ng pagkain
B. pagkain lamang ng mga pagkaing gusto natin
C. pagkain ng junkfoods
D. hindi pagkain ng mga gulay at prutas
8. Ang iba’t-ibang uri ng sakit ay maaaring maiwasan kung____________________.
A. magpapahaba ng kuko at mag-aaply ng nail polish upang maitago ang dumi
kung mayroon
B. regular na paiikliin at at lilinisin ang mga kuko sa kamay at paa
C. ibabad ang paa sa maligamgam na tubig
D. maglalagay ng cream sa kamay
9. Para maiwasan ang pagkasira o pagkabulok ng ngipin,dapat sipilyuhin
ito matapos kumain. Maliban sa paghagod pababa at pataas ng sipilyo sa
ngipin, dapat rin isagawa ang__________?
A. paglinis sa mga sulok ng ngipin gamit ang toothpick
B. marahang paglalagay ng toothpaste sa gilagid ng ngipin
C. marahang pagsipilyo sa dila at ngalangala
D. pagmumog ng asin
10. Mahalaga ang paghingi ng payo sa mga eksperto tungkol sa mga usaping
pangkalusugan sapagkat_________________.
A. makatutulong upang matugunan ang pangangalaga sa iyong kalusugan
B. makapagbibigay sila sa atin ng mga mungkahi kung paano pahalagahan ang
sarili
C. masasabi nila sa atin kung ano ang dapat nating gawin upang mapanatili ang
kalinisan ng ating sarili
D. Lahat nang nabanggit

11. Ito ay tumutukoy sa mga kaugalian, kaisipan, responsibilidad at gawain ng


mga babae batay sa idinidikta ng kultura, tradisyon at paniniwala ng isang
lipunan.
A. Gender Identity B. Gender Roles C. Gender D. Relihiyon
12. Tumutukoy sa katayuang biyolohikal o kasarian ng tao katulad ng lalaki,
babae , at intersex.
A. Gender Identity B. Gender Roles C. Gender D. Sex
13. Ang _____ ay tumutukoy sa kasarian ng tao batay sa saloobin, damdamin at
kaugalian batay sa isang kultura at paniniwala na iniuugnay sa kasariang
biyolohikal ng tao.
A. Gender B. Gender Identity C. homoseksuwal D. Gender Roles
14. Ang sumusunod ay mga indikasyon ng magiging biyolohikal na kasarian ng tao
MALIBAN sa ____
A. Gonads C. Sex Chromosomes
B. Reproductive organ D. Wala sa nabanggit
15. Nagtuturo na dalawa lamang ang kasarian at gender, ito ay babae at lalaki.
A. Media B. Lipunan C. Paaralan D. Relihiyon
16. Ang _____ ay napakalakas ng impluwensiya sa kaalaman at pagpapahalaga ng
mga tao.
A. Lipunan B. Paaralan C. Media D. Pamilya
17. Alin sa sumusunod ang nakakaapekto sa gender identity ng isang tao?
A. Magulang at kapatid C. Palabas sa telebisyon
B. Mga kaibigan o kabarkada D. Lahat ng nabanggit
18. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng gender
identity MALIBAN sa _______________.
A. Pamilya B. Paaralan C. Gonad D. Media
19. Alin sa mga sumusunod ang minsan ay hindi naiintindihan ng mga magulang
at matatanda na pagbabago sa kabataan?
A. Pag-eehersisyo C. Pagbabasa ng aklat
B. Paliligo araw-araw D. Madalas na pagsama sa kaibigan
20. Alin ang halimbawa ng gender-normative sa kulturang Pilipino?
A. Ang ama ang dapat magtrabaho para sa pamilya.
B. Ang ina ay maaring magtrabaho upang makatulong.
C. Ang lalaki ay mabilis na masasabing bakla siya.
D. Pabor ang lipunan sa pagsusuot ng lalaki ng kasuotang babae.

You might also like