Professional Documents
Culture Documents
Travel Song Medley
Travel Song Medley
Im the map
N.V.M. Gonzalez
Si Nestor Vicente Madali Gonzalez (1915-1999), kilala bilang N.V.M. Gonzalez, ay isang makata, guro,
at Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan. Isa siya sa mga pinakakilala na Pilipinong manunulat
sa Pilipinas. Makikita sa kanyang mga akda ang buhay ng mga Pilipino, hindi lamang sa bansa, ngunit maging
sa buong mundo.
Mga nilalaman
[itago]
1 Buhay
2 Mga Akda
3 Mga
Parangal
4 Sangguni
an
5 Pagkilala
[baguhin]Buhay
Nag-aral siya sa Mindoro High School mula 1927 hanggang 1930 at bagaman na pumasok siya sa National
University sa Maynila, hindi siya nagtamo nang anumang titulo. Habang nasa Maynila, nagsulat si Gonzalez sa
Philippine Graphic at kinalaunan ay sa Evening News Magazine at Manila Chronicle. Ang una niyang naisulat
na sanaysay ay nailathala sa Philippine Graphic at ang kanyang unang tula ay lumabas naman sa Poetry
noong 1934.
Dahil sa nagawaran siya ng Rockefeller Foundation grant noong 1948, nakapunta si Gonzalez sa Standford
University sa Palo Alto at sa California and Columbia University sa New York. Habang nasa Stanford, dumalo
siya sa ilang leksyon at klase ng ilang mga prominenteng manunulat, tulad nina Wallace Stegner at Katherine
Anne Porter.
Pagbalik ni Gonzalez sa Pilipinas, naging propesor siya sa Unibersidad ng Santo Tomas, Philippine Women's
University at sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan namalagi siya ng 18 na taon. Naging kasapi siya ng Board
of Advisers ng Likhaan at naging unang presidente ng Philippine Writer's Association.
Nagpatuloy siya ng pagtuturo nang bumalik siya sa California noong 1960 at naging propesor sa University of
California sa Santa Barbara at professor emeritus ng California State University, Hayward.
[baguhin]Mga Akda