Professional Documents
Culture Documents
Talumpati Draft
Talumpati Draft
Gawain: Talumpati
Alinsunod sa kinapapalooban sa isang awitin ang katagang “ Hindi na masama ang pag-unlad at
malayo-layo na rin ang ating narating” Tunay nga namang tayo ay patuloy na umuusad sa buhay, hindi
maikakaila na ibang-iba ang buhay natin ngayon kumpara noong unang panahon. Mapapansin ng lahat ang
pagyabong ng ating pamumuhay, palatandaaan dito ang mga naglalakihang paktorya at establishyimento,
ang pag-usbong ng mga panibagong teknolohiya, ang patuloy na pagyabong, pagdali at pagtaas ng kalidad
ng ating pang-araw araw na pamumuhay. Ang sarap managarap ng kaunlaran.Ngunit pagmasdan mo ang
magagarang sasakyan? Sa likod ng moderno at inaasam asam nating panibagong buhay? Ano ang
napagmasdan mo? Ano ang pinagtuunan mo ng pansin? Isang mayabong na araw sa ating lahat, nawa’y sa
maikling sandali ay hayaang ninyong haramin ko ang inyong mga tainga’t atensyon.
Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang unti-unting pagsira ng ating
kalikasan dahil sa polusyon, sa basura. Bakit tayo nagdurusa rito? Sa likod ng pangarap nating kaunlaran
ang hindi nating maitatagong pagwasak ng kalikasan, Sa pagdaan ng panahon, mas naituon natin ang pansin
sa pagtugon ng ating pangangailangan kaysa sa pangangalaga sa ating likas na yaman. Dahil sa mga
nagkalat na basura - tapon dito, tapon doon, tapon sa kung saan saan, naiulat ngang halos dalawang libong
trak ng basura ang nahahakot ng ating bansa kada araw; pagpuputol ng kahoy, mga usok na galing paktorya
- ay nasira ang kinaiingatan nating kapaligiran at kaakibat nito ang epekto sa buong sangkatauhan. Hindi ba
tayo nakakaramdam? Ang kabi-kabilang ulat at balita sa mga telebisyon at radyo gaya ng patuloy na
pagbabago ng klima, ang patuloy na pagbaha, at ang tumataas na bilang ng mga nagkakasakit dahil sa banta
nito sa kalusugan ng sinuman. Ang mga ito ay siyang maituturing kong balik sa atin ni inang kalikasan dahil
siya ay ating inabuso’t pinapabayaan. Kung ating susumain, ang pagbabago ay tila sumpa ng isang
HANNAH MAE G. BAUTISTA GRADE - 12 ZEUS, ABM
Filipino
makapangyarihang mangkukulam nang walang sinuman ang makakapigil dahil permanente na ito sa
mundong ibabaw. Hindi naman masama ang pag-asam na tayo’y ay umunlad. Ngunit sana’y sa kasabay ng
pangangarap ng kaunlaran ay ang kalikasa’y huwag pabayaan. Hindi nga ba’t tayo rin ang nakikinabang?
Kaya naman kahit sa simpleng paraan, tayo ay magsumikap, maging disiplinado at responsable bilang tanaw
na pasasalamat. Sumunod sa alituntunin at ito’y pagyamanin. Huwag ipagpalit ang natatangi nating tahanan
Sabay-sabay nating lutasin ang suliranin na ito. Hindi lamang ako, kundi ikaw, tayo, tayong lahat ay
kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran na hindi mitsa upang masira ang kalikasan. Sa huli, ako,
bilang kabataan ay may responsibilidad na palaguuin, protektahan, at pangalagaan ang isang natatanging
yaman sa katauhan ni inang kalikasan. Lagi nating tatandaan na may matang hindi na lubos makakita, may
mga tengang hindi na lubos makarinig ngunit hindi pa tapos ang laban: tayo ay may magagawa pa para sa
maipagmamalaki, at higit sa lahat maipapamana sa susunod na henerasyon dahil tayo ngayon ay ang
kahapon ng bukas.