Professional Documents
Culture Documents
Si Efren Abueg Ang Isa Sa Mga Iginagalang Na Nobelista
Si Efren Abueg Ang Isa Sa Mga Iginagalang Na Nobelista
panahon. Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa
kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa
kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang
awtor. At isa sa mga akdang kanyang mga naisulat ay ang Mabangis na Lungsod.
Uri ng Panitikan:
Ang akdang ito ay isang maikling kwento. Ang Maikling Kwento ay isang akdang pampanitikan na
binubuo ng mga elemento katulad ng tauhan, tagpuan at banghay. Ito ay maaring piksyon o di-piksyon
na nagmumula sa mga kwento ng totoong buhay o likha lamang ng mambabasa.
Layunin ng may-akda:
Ang may-akda ay naglalayong ipaalala sa atin na hindi lahat ng tao ay pantay pantay. Sa ating lipunan,
mayroong mga mahirap na patuloy na humihirap at may mga mayayaman na patuloy na yumayaman.
Dahil ditto, maraming mga tao ang gumagamit na lamang ng dahas upang makuha at makamit ang mga
ninanais.
Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon. Lahat ng tao, ay may kanyang contribusyon sa ating
komunidad. At tayo ay may mapagpiliian kung ano gusto natin. Hindi tayo pinipilit ng Diyos na gawin ang
gusto niya. Binibigyan tayo ng ang pagkakataon na gawin ang kung anuman gusto natin gawin. Ngunit,
sinasabi lang niya na may kahihinatnan ang lahat ng ginagawa natin.
Hindi naging isang gasgas ng pangyayari ang inilahad sa akda sapagkat may kaisahanan ang pagkakakapit
ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas. Dati na ang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo,
anggulo, at pananaw. Walang kakaiba sa nilalaman ng akda, sapagkat ipinapakita lang nito ang mga
totoong pangyayari sa lipunang ating ginagalawan ngayon. Naging dominante na naganap ang mga
pangyayari sa tapat ng Simbahan ng Quiapo.
Ang mga kaisipan ay sumalungat din. Ito ay may katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan. Ang
akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at
pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon at maging sariling karanasan may akda.
Para sa akin mabisa ang istilo na ginamit sa pagkakasulat sa nilalaman ng akda. Maayos naman maganda
ang pagkakasulat parang batay sa mga totoong ngyayari. Angkop lamang sa antas ng pang-unawa ng
mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda. Kung kaya masasabi kong epektibo ang paraan ng paggamit
ng mga salita sa akda.
Buod