Professional Documents
Culture Documents
Nobelista Sa Panahon NG Europa 1
Nobelista Sa Panahon NG Europa 1
Francesco Petrarca
Si Francesco Petrarca o Petrarca lamang, kilala sa
Ingles bilang Petrarch na ipinanganak taong 1304 at namatay
taong 1374 ay isang Italyanong dalubhasa o iskolar at makata.
Nagbigay siya ng malaking impluwensya sa panulaang
Europeo mula ika-14 daantaon.
Dante Alighieri
Si Durante degli Alighieri, mas kilala bilang Dante, na
ipinanganak noong ika-1 ng Hunyo taong 1265 at namatay
noong ika-13/14 ng Setyembre taong 1321 ay isang Italyanong
manunulat ng Firenze. Tinuturing ang kanyang pinakadakilang
gawa ang Divina Commedia (Banal na Komedya), na kalaunang
tinawag na Divina ni Boccaccio, bilang ang pinakadakilang
akdang pampanitikan sa Europa ng Gitnang Panahon, at ang
batayan ng makabagong wikang Italyano. Itinuturing din itong
pinakadakilang akdang pampanitikan na isinulat sa Wikang
Italyano at isang obra maestra ng panitikang pandaigdig.
Patuloy na isinusulong ng Samahang Dante Alighieri
(Italyano:Societa Dante Alighieri), tinatag sa Italya noong
1889, ang kultura at wikang Italyano sa buong mundo sa
ngalan niya.
Voltaire
Si Francois-Marie Aroute na ipnanganak noong ika-21
ng Nobyembre taong 1694 at namatay noong ika-30 ng Mayo
taong 1778, na mas kilala sa kanyang pangalang pampanitikan
na Voltaire, ay iasang manunulat, tagapagsanaysay, at
pilosong namuhay noong Panahon ng Pagkamulat sa Pransiya.
Kilala siya sa kanyang katalinuhang may bahid ng
pagpapatawaat sa pagtatanggol ng mga kalayaang sibil, na
kapwa kinabibilangan ng kalayaan sa pananampalataya at
malayang kalakalan.
Isa si Voltaire sa ilang mga tao ng Panahon ng Pagkamulat (kasama nina Montesquieu, John Locke, Thomas
Hobbes, at Jean-Jacques Rousseau) na nakaimpuwensiya ang mga gawa at mga ideya sa mahahalagang mga tagapag-isip
ng Himagsikang Amerikano at ng Himagsikang Pranse.