AP 9 4th GRDG Competency 19

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DETAILED LESSON PLAN

DLP Blg. : 19 Asignatura: Araling Panlipunan Baitang: 9 Markahan: 4 Oras: 2 oras


Nasusuri ang ugnayan ng Pilipinas para sa kalakalang panlabas nito sa mga
samahan tulad ng World Trade Organization at Asia – Pacific Economic Code :
Mga Kasanayan Cooperation tungo sa patas na kapakinabangan ng mga mamamayan ng daigdig AP9MSP-IVi-19
Susi ng Pag-unawa Ang pagsali ng Pilipinas sa ilang mga samahang pandaigdig o international organization ay isang
ng Lilinangin napakagandang desisyon o hakbang upang mas mapalawak pa ang pakikipag-ugnayan nito sa
larangan ng kalakalang panlabas.
1. Mga Layunin
Kaalaman Nailalahad ang layunin ng mga samahang pang-ekonomiko na kinabibilangan ng Pilipinas
Nakapagsusulat ng isang sanaysay ukol sa kahalagan ng mga samahang pang-ekonomiko bilang
Kasanayan kabahagi sa pagpapatakbo ng pambansang ekonomiya
Kaasalan Naisapuso ang mga tuntunin ng ASEAN Summit 2017
Nabibigyang-halaga ang bahaging ginagampanan ng mga samahang pang-ekonomiko sa pag-
Kahalagahan unlad ng ekonomiya ng bansa

2. Nilalaman Ang Ugnayan ng Pilipinas sa mga Samahang Pandaigdig : WTO, APEC, ASEAN
3. Mga Kagamitang LM pahina 464-468
Pampagtuturo Projector or LED TV, laptop, manila paper, pentel pen, bond paper
4. Pamamaraan (tukuyin ang mga paraan ng pagtuturo sa aralin at isulat kung ilang minuto mayroon ang bawat
hakbang na nakalaan dito)
4.1 Panimulang Pakinggan ang balita. (Please refer to attached video – ASEAN Summit 2017)
Gawain
5 minuto Tungkol saan ang balita? (Tungkol sa ASEAN Summit na ginanap sa Pilipinas noong nakaraang
taon)
Ano kaya ang pangunahing layunin nito?
Paano kaya ito makatutulong sa kalakalang panlabas ng Pilipinas?
4.2 Mga Humanap ng kapareha at tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod.
Gawain/Estratehiya 1. WTO
2. APEC
45 minuto 3. ASEAN

Pangkatang Gawain : Hatiin ang klase sa tatlong pangkat at ipatalakay sa bawat pangkat ang
pangunahing gampanin at mga layunin o misyon ng World Trade Organization (WTO), Asia Pacific
Economic Cooperation (APEC), at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Alamin rin
kung kailan naitatag ang samahan at kung anu-anong bansa ang miyembro ng mga nabanggit na
samahan.
Bigyan ang bawat pangkat ng sapat na oras para makapaghanda para sa pangkatang pag-uulat.

4.3 Pagsusuri Pamprosesong Tanong:


1. Bakit itinatag ang mga samahang pandaigdig?
10 minuto 2. Paano nakatulong ang mga samahang ito sa ekonomiya ng Pilipinas?
3. Paano kaya mapanatiling matatag ang mga samahang ito?
4.4 Pagtatalakay
20 minuto Magkaroon ng karagdagang talakayan ukol sa ugnayan ng Pilipinas sa mga Samahang Pandaigdig
o Samahang Pang-ekonomiko

4.5 Paglalapat Sumulat ng isang sanaysay na naglalahad ng kahalagahan ng mga samahang pang-ekonomiko sa
18 minuto pagkakaroon ng maayos, matahimik at maunlad na kalakalang panlabas. Bigyang-diin din ang
naging ugnayan ng Pilipinas sa mga samahang ito.
5. Pagtataya (sabihin kung ito ay paraan ng Pagmamasid o Pakikipag-usap sa mga Mag-aaral/Kumperensiya/
Pagsusuri sa mga Produkto ng mga Mag-aaral/Pasulit __________minuto
Punan ng mahahalagang impormasyon ang talahanayan sa ibaba.
15 minuto Mga Samahang Pang- Layunin ng Pagkatatag ng Pangunahing Tulong na Naidulot
ekonomiko Samahan sa Ekonomiya ng Pilipinas
1.
2.
3.

6. Takdang - Aralin (sabihin kung ito ay paraan ng Pagpapatibay/ Pagpapatatag sa Kasalukuyang Aralin/
Pagpapayaman / Pagpapasigla sa Kasalukuyang Aralin/ Pagpapalinang / Pagpapa-unlad sa
Kasalukuyang Aralin/ Paghahanda para sa bagong aralin__________minuto
Gumupit o magsaliksik ng isang artikulo o balita tungkol sa naganap na ASEAN Summit sa Pilipinas
2 minuto noong nakaraang taon. Idikit sa long size bond paper. Sa ibabang bahagi, isulat ang mga isyung
tinalakay at pinag-usapan o ang mga programang binigyang-diin para sa pagkaroon ng mas
matibay at maunlad na ekonomiya.
7.Paglalagom/ Panoorin ang video. (Please refer to attached video – Phillipines to host ASEAN 2017)
Panapos na Gawain
5 minuto Pumili ng ilang mag-aaral para ibahagi ang nilalaman ng napanood na video.

Inihanda ni:

Pangalan: Paaralan:
ANSELMA L. LAURITO UBALDO IWAY MEMORIAL NATIONAL HIGH
SCHOOL
Posisyon/Designasyon: Sangay:
TEACHER - III DANAO CITY
Contact Number: Email address:
09774171238 anselmalaurito@yahoo. com

You might also like