Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Tula para sa kaarawan ng aking Ina

Disyrembre 10 ito yung araw kung kailan naisilang ang


aking ina
Na kaysaya ng kanyang mga magulang dahil sa sila ay
nabiyayaan—
Nabigyan ng anak na babae at Maria Doleres Guadez
Maridol ang ipinangalan
Sadyang pangalan niya ay napakahaba subalit ito ay
napakaganda rin sa tenga
Ngayon ay dumating na ang ika apat naput isang
anibersaryo ng kapanganakan
Na kahit simpleng pagdiriwang lamang ay nais namin
ipadama sa kanya ang kanyang kaarawan

O aking ina,
una sa lahat ako ay humingi ng paumanhin
dahil itong tanging tula lamang ang aking maialay, maibigay
at sana bawat mensahe nito ay damhin
Wala man akong perang pambili ng mga materyales
ngunit mayroon akong malaking puso na nagmamahal sayo
ng labis-labis
Mahal naming ina maligayang kaarawan
Sa araw na ito ikaw ang aming reyna
kasama ang mumunti mong mga prinsesa
Kasama ang ating hari na iyong asawa
Salamat sa pagiging ilaw ng aming daan
Sa pagbibigay kulay sa ating kaharian
Maaasahan mong ang lahat ng iyong mga turo at mga payo
Ay hindi masasayang
sapagkat ito ay dadalhin namin saan man kami makarating
sa lupalop ng mundo
Salamat dahil gaano man kalakas ang alon ay mas malakas
ang iyong tapang
Na hindi mo kami hahayaang malunod sa gitna ng aming
kahinaan
Patawad kung minsan ako ay pasaway
na minsan kami ang dahilan ng away
Alam naman namin ang lahat ng ito ay iyong ginagawa
Upang maituwid ang aming mga mali at gawin itong tama
Tangi kong hiling
na sana bigyan pa tayo ng mahabang panahon upang ikaw
ay aming makapiling
At maaari ba ina na hindi na lalabas ang mga luha sa iyong
mga mata?
Dahil mas masakit ang hagulhol na walang pinapalabas na
salita
Na alam kong kahit ako ay walang magagawa
Kundi ay awa
Huwag kang mag-aalala
Kapag ako ay may trabaho na
Lahat ng paghihirap na iyong dinanas
Ay mabigyan din natin ng wakas
Tandaan ninyo po,
Kung papipiliin man kami kung sino ang aming nais na
maging ina
wala kaming ibang pipiliin kundi ikaw
kahit paulit-ulit ang tanong
paulit-ulit din ang aming sagot
dahil mahal ka namin
kagaya ng pagmamahal mo sa amin
-Nagmamahal Ate Nicole

You might also like