Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Name of Teacher: Marichan P.

Looc
Grade Level: 5
Subject Area: Filipino

COMPETENCY CODE TEST ITEM ANSWER KEY


Naibibigay ang F5PB-IIg-11 EASY 1. C
mahahalagang F5PD-IIi-14 2. D
pangyayari sa 1. Ano ang kahulugan ng talambuhay? 3. C
nabasang talaarawan,
talambuhay at sa A. Ito ay talaan ng mga pangyayari, mga pakikipagtransaksyon, o obserbasyon na
napanood na arawan o paminsan-minsang ginagawa.
dokumentaryo.
B. Ito ay isang uri ng pelikula kung saan ang kwento ay tungkol sa mga totoong tao at
nakabase sa totoong pangyayari. Ito ay madalas na ginagamit upang magpakita ng
katotohanan at realidad sa ating mundo.  

C. Ito ay isang anyo ng panitikan kung saan nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng


isang tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon.

D. titik B at C

AVERAGE

Basahin ang Talambuhay ni Manny Pacquiao.

MANNY “Pacman” PACQUIAO


(Talambuhay)

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala bilang Manny Pacquiao ay


ipinanganak noong December 17, 1978 mula sa Kibawe, Bukidnon. Ang kanyang mga
magulang ay sina Rosalio Pacquiao at Dionesia Dapidran-Pacquiao. Ang kanyang mga
magulang ay naghiwalay noong siya ay nasa ika-anim na baitang pa lamang dahil
nalaman ng kanyang ina na may ibang babae ang kanyang ama. Si Manny ay pang-
apat sa anim na magkakapatid na binubuo nina: Liza Silvestre-Onding and Domingo
Silvestre (mula sa unang asawa ng kanyang ina) and Isidra Pacquiao-Paglinawan,
Alberto "Bobby" Pacquiao and Rogelio Pacquiao.
Nakumpleto niya ang kanyang edukasyong pang-elementarya sa Saavedra
Saway Elementary School sa General Santos City, pero iniwan niya ang high school
dahil sa matinding kahirapan. Iniwan ang kanyang tahanan sa edad na 14 dahil sa ina
na hindi magawang sapat ang pera para suportahan ang kanyang pamilya. Noong
1995, ang pagkamatay ng kanyang minimithi at malapit na kaibigan na si Eugene
Barutag ay ang nag-udyok sa kanya, noong binatilyo, para ipagpatuloy ang kanyang
propesyonal na karerang boksing.
Ikinasal si Manny Pacquaio kay Maria Geraldine Jamora o mas kilala bilang
“Jinkee” noong Enero 10, 2000 at biniyayaan ng limang supling: sina Jimuel, Michael,
Princess, Queen Elizabeth at Israel. Si Manny at ang kanyang pamilya ay nakatira sa
kanilang probinsya sa General Santos City, South Cotabato, Philippines. Ngunit dahil si
Pacquiao ay naging kongresman ng kanilang distrito sa Sarangani, tumutuloy siya
ngayon sa Kiamba, Sarangani, na bayan ng kanyang asawang si Jinkee.
Si Pacquiao ay kilala sa buong mundo sa larangan ng boksing at may titulong
Kampeon ng IBO World Junior Welterweight, Kampeon ng WBC World Lightweight,
Kampeon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampeon ng WBC World Super
Featherweight, Kampeon ng The Ring World Featherweight, Kampeon ng IBF World
Junior Featherweight at Kampepn ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC
Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super Champion.
Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the Decade" noong dekada 2000 ng
Boxing Writers Association of America (BWAA), World Boxing Council (WBC) at World
Boxing Organization (WBO). Siya rin ay tatlong beses naging "Fighter of the Year" sa
mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAAA. Best Fighter ESPY Award rin
sya noong 2009 at 2011.

2. Ano ang napakahalagang pangyayari sa buhay ni Manny Pacquaio noong 1995?

A. Ikinasal siya kay Maria Geraldine Jamora o mas kilala bilang “Jinkee”.

B. Siya ay binansagan ng "Fighter of the Decade".

C. Siya ay nakilala sa buong mundo sa larangan ng boksing.


D. Namatay ang kanyang malapit na kaibigan at ito ang nag-udyok sa kanya na
ipagpatuloy ang kanyang propesyonal na karerang boksing.

DIFFICULT

Basahin ang Talambuhay ni Jose Corazon De Jesus.

Jose Corazon De Jesus


(Talambuhay)

Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre 22,


1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan
ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan
siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon (puso
sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.
Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral
siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang
tula na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang
Mithi noong siya ay 17 taong gulang.
Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang
Academia de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil
abala na siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog
na Taliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma
na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan
sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang mithiin ng
kasarinlan ng Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados
Unidas.
May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat
din siya ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang
pangalang-pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga
pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong
Kusa, Paruparong Alitaptap,Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang at Tubig Lily'.
3. Alin ang nagsasaad ng mahalagang pangyayari sa buhay ni Jose Corazon De Jesus?

A. Siya ay binansagan ng Huseng Sisiw.

B. Nakuha niya ang kanyang batsilyer ng doctor mula sa nasirang Academia de Vera.

C. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng


mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng
Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados Unidas.

D. May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Maynila.
Name of Teacher: Marichan P. Looc
Grade Level: 5
Subject Area: Filipino

COMPETENCY CODE TEST ITEM ANSWER KEY


Nakapag-uulat F5PD-IIIb- EASY 1. B
tungkol sa napanood. g-15 2. A
1. Sino ang gumanap na Pilipinong aktor bilang si Jose Rizal sa isang pelikula? 3. C

A. Christopher de Leon

B. Cesar Montano

C. Coco Martin

D. Philip Salvador

AVERAGE

2. Alin sa mga sumusunod ang kaganapan na nangyari sa pelikulang “Jose Rizal”?

A. Pinakita sa pelikula na humiling siya na harapin niya ang mga babaril sa kaniya
ngunit hindi siya pinayagan at mas gusto ng mga kastila na barilin siya sa likod tulad ng
isang traydor.

B. Pinakita sa pelikula na hindi natuloy ang paglilitis sa kanya at napawalang bisa ang
kaso.

C. Sa pagkamatay ni Jose Rizal ay natakot na ang mga Pilipinong makipaglaban sa mga


Kastila na baka sila din ay patayin.

D. Pinakita sa pelikula na nagkaroon ng anak si Jose Rizal kay Josephine Bracken at


pinalaki nila ito.
DIFFICULT

3. Mula sa sikat na teleseryeng pinamagatang “Probinsyano”, paano nakaligtas si Cardo


Dalisay sa pagkakadukot sa kanya sa Isla Muerte?

A. Tinawagan ni Alyana ang mga pulis para mailigtas si Cardo mula sa pagkakadukot sa
kanya.

B. Tinulungan siya ni Dumaguit at ng mga kasamahan nito.

C. Pinuntahan siya ng kanyang mga kakampi sa bilangguan noon at tinulungan siyang


makatakas mula sa Isla Muerte.

D. Nakahanap ng paraan si Cardo na makatas mag-isa mula sa mga kalaban.


Name of Teacher: Marichan P. Looc
Grade Level: 5
Subject Area: Filipino

COMPETENCY CODE TEST ITEM ANSWER KEY


Naibibigay ang datos F5EP-IIIj-16 1. B
na hinihingi ng isang 1. Ano ang tawag sa form na ipinakita sa larawan? 2. A
form. 3. D

A. Birth Certificate

B. Sedula

C. Barangay Clearance

D. Withdrawal Slip
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Laguna
Purok ng Luisiana
PAARALANG ELEMENTARYA NG LUISIANA SENTRAL

LRN____________
2. Base sa pormularyo, alin ang angkop na datos ang isusulat sa isinasaad ng pulang
SY_____________ bilog?

Pangalan ng Mag-aaral

Baitang at Seksyon

Guro

Punongguro

A. Ann Rose G. Balagtas

B. Ikaanim na baitang

C. Gng. Magdalena S. Reyes

D. Lungsod ng Pasay, Maynila

3. Sa inilaang pormularyo sa ibaba, ano ang isusulat momg impormasyon na hiningi sa


‘Ang iyong Libangan’?
A. Ika-18 ng Agosto, 1996

B. Araling Panlipunan

C. Ako ay magsasaka

D. Paglalaro ng Chess at Basketbol

Name of Teacher: Marichan P. Looc


Grade Level: 5
Subject Area: Filipino

COMPETENCY CODE TEST ITEM ANSWER KEY


Nagagamit ang iba’t F5WG-IVd- EASY 1. A
ibang uri ng 13.3 2. A
pangungusap sa 1. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng pagtatanong? 3. B
pagkilatis ng isang
produkto. A. Ano-ano kaya ang mga gulay na ito?

B. Ang paborito kong prutas ay mangga.

C. Ay! Sadyang malalaki at matatamis ang mga ito.

D. Isang huwarang magsasaka si Mang Pedro.

AVERAGE

2. Namalengke si Aling Juana at bumili siya ng mangga. Habang iniisa-isang inilagay ng


tindera sa supot ang prutas ay napansin niyang may naisali itong sira na at inuuod pa
ng di sinasadya. Paano sasabihin ni Aling Juana sa tindera?

A. Naku! May naisali po kayong sirang mangga.

B. Naku. May sira ang mangga.

C. Bakit niyo naman isinali ang sira na at may uod pa?

D. Di na ako bibili sa inyo.


DIFFICULT

3. Paano mo ilalarawan ang puno ng mansanas na nasa larawan gamit ang pasalaysay
na pangungusap?

A. Ilan lahat ang bunga ng mansanas?

B. Madaming bunga ang puno ng mansanas.

C. Sungkitin mo nga ang bunga ng mansanas para sa akin.

D. Masasarap ang mga bunga ng mansanas at mangga.

You might also like