Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
Division of City Schools
District IV
BAGONG BUHAY F ELEMENTARY SCHOOL
City of San Jose Del Monte, Bulacan

Banghay Aralin sa Mother Tongue 1


on
CLASSROOM OBSERVATION TOOL
Quarter 1

I. Layunin:
A. Pamantayang Nilalaman:
The learner manifests beginning oral language skills to communicate in different contexts.

B. Pamantayan sa Pagganap:
The learner uses beginning oral language skills to communicate personal experiences, ideas,
and feelings in different contexts.

C. Kasanayan sa Pagkatuto:
MT1VCD- Ia-i-1.1
Use vocabulary referring to:
- People (Self, Family, Friends)
- Animals
- Objects
- Musical Instruments
- Environment

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pantukoy na ang at ang mga

B. Sanggunian
CG - MT1VCD- Ia-i-1.1
Kagamitan ng Mag-aaral pp. 72-73

C. Mga Kagamitan
Mga larawan, tsart, video clip, plaskard,

D. Pagpapahalaga: Pagtutulungan

E. Subject Integrated: Edukasyon sa Pagpapakatao

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga mga bata!

2. Drill
Pagbasa ng mga pantig gamit ang flashcard

3. Pampasiglang awit/sayaw
Pagsayaw ng”Funny Animals/Animal Movements”
4. Pagbabalik-aral
Tukuyin ang mga sumusunod na Pangngalan kung ito ay Pantangi o Pambalaba.
1. eroplano
2. Omar
3. ospital
4. Elmer
5. Olongapo

B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpakita sa mga bata ng larawan ng isang lugar.

Ilarawan nyo nga ang inyong nakikita sa larawan?


Ano ang tawag sa lugar na ito?
Sino-sino na ang nakapunta sa lugar na ito?

2. Paghahawan ng Balakid
Mangangaso - tumutukoy sa taong ang hanapbuhay ay panghuhuli
ng mga hayop.
  Akyat-panaog - taas at baba
  Imposible - hindi mangyayari
  Bitag - kagamitan panghuli ng hayop
3. Pagganyak na tanong
Ano ang iyong gagawin kung may nakita kang nangangailangan
ng tulong?

4. Paglalahad
Magpapanood sa mga bata ng isang maikling kwentong pambata
“Ang daga at ang Leon”

5. Pagtatalakay
Ano ang pamagat ng kwentong ating pinanood?
Sino ang mga tauhan sa kwento?
Saan ang tagpuan ng kwento?
Ano ang aral na ating napulot sa kwento?

Ipabasa ang mga sumusunod na pangungusap.


1. Natakot ang daga sa leon.
2. Ang leon ay ang hari ng kagubatan.
3. Mabilis na tumakbo ang mga mangangaso.

Tanong: (Isusulat ang mga tamang sagot sa pisara)


1. Sino ang natakot sa leon? – ang daga
2. Sino ang hari ng kagubatan? – ang leon
3. Sino ang mabilis na tumakbo? – ang mga mangangaso

Ipabasang muli ang mga parirala sa mga bata at ipakita ang


bawat larawan ng pangngalan.

Sa pariralang ang daga, ano ang pangngalang nabanggit?


– daga (guguhitan)
Ano ang salita bago ang salitang daga? – ang (bibilugan)
Sa pariralang ang leon, ano ang pangngalang nabanggit?
– leon (guguhitan)
Ano ang salita bago ang salitang leon? – ang (bibilugan)
Sa pariralang ang mga mangangaso, ano ang pangngalang nabanggit?
– mangangaso(guguhitan)
Ano ang salita bago ang salitang mangangaso? – ang mga (bibilugan)

Ipabasa sa mga bata ang mga salitang may bilog.


Ipaliwanag na ang mga salitang may bilog bago ang mga pangngalan ay
tinatawag na pantukoy.
Ang pantukoy na ang ay ginagamit kung ang pinapakilalang pangngalang
pambalana ay iisa lamang.
Ang pantukoy na ang mga ay ginagamit kung ang pinapakilalang
pangngalang pambalana ay marami o higit sa isa.

C. Pagsasagawa ng Gawain
6. Pangkatang Gawain
Pangkat 1: Idikit ang mga larawan sa tama nitong pantukoy
Pangkat 2: Isulat ang tamang pantukoy ayon sa larawan.
Pangkat 3: Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng
angkop na pantukoy sa patlang.

D. Pagpapatibay ng Konsepto at Kasanayan


7. Paglalapat
Bilugan ang mga pantukoy na ginamit sa talata.

Ang bakuran nila Kika

Ang bakuran nila Kika ay malaki. Sa loob nito ay matatagpuan ang mga bulaklak na
mababango at iba’t ibang kulay. Makikita rin dito ang mga hayop na kanilang alaga, katulad ng aso, manok,
bibe at pusa. Isa sa paborito niyang bulaklak ay ang rosas at ang aso naman ang kanyang paboritong alaga.

E. Pagpoproseso sa Resulta ng Gawain


8. Paglalahat
Ano ang mga pantukoy na ating tinalakay ngayong araw?
Kailan ginagamit ang pantukoy na ang?
Kailan ginagamit ang pantukoy na ang mga?

Tandaan:
Ang pantukoy ay ang mga salitang nagpapakilala sa mga pangngalan.
Ang pantukoy na ang ay ginagamit kung ang pinapakilalang pangngalang
pambalana ay iisa lamang.
Ang pantukoy na ang mga ay ginagamit kung ang pinapakilalang
pangngalang pambalana ay marami o higit sa isa.

IV. Pagtataya

Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng angkop na pantukoy sa patlang.


1. Natutulog ________ bata.

2.  Masustansya ________ prutas.

3.  Matulis ________ gunting.

4.  ________ bola ay bilog.


5.  Makulay ________ kwaderno.
 

V. Takdang Aralin

Sumulat ng 4 na pangungusap gamit ang pantukoy na ang at ang mga.


Bilugan ang pantukoy at salungguhitang ang pangngalan na kanyang
ipinakikilala.

Inihanda ni:

JONA ROSE P. NAVAL


Teacher I

Binigyang-pansin ni:

MARILEN Q. SIMBULAN
Mater Teacher I

You might also like