Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan
(Home Economics)

i
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Naisasagawa ang Wastong Paghihiwalay ng Basura sa Bahay
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumubuo ng Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marina R. Cabacaba


Editor: Joan G. Camasura
Tagasuri: Roger S. Tamondong
Rodolfo F. De Jesus PhD
Rebecca C. Kalaw
Tagaguhit: Mike Armentia
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Ebenezer A. Beloy, OIC-CID Chief
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Roger S. Tamondong, EPS - AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlunsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambangsang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
4
Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan

Modyul 5:
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP) 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling. Naisasagawa ang Wastong Paghihiwalay ng Basura sa
Bahay!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo


ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy,inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
4 (Home Economics) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Naisasagawa ang Wastong Paghihiwalay ng Basura sa Bahay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan o tahanan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o

iv
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.Huwag lalagyan ng
anomang marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul


na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa

v
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Matututuhan sa modyul na ito ang mga panuntunang pangkalusugan at


pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng bahay at bakuran, at ang wastong
paghihiwalay ng basura. Ito ay makakatulong sa iyo at sa iba pang kasapi
ng pamilya upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang tahanan.
Ang sakuna at ibang simpleng sakit o karamdaman ay maiiwasan kung
lahat ay sama-samang gagawa at susunod sa mga pangkaligtasan at
pangkalusugang gawi pati na rin sa tamang paghihiwalay ng basura.

Mauunawaan din sa modyul na ito ang kahalagahan ng isang maayos,


malinis, at ligtas na bahay.
1. Nakasusunod sa mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan
sa paglilinis ng bahay at bakuran.
2. Naisasagawa ang wastong paghihiwalay ng basura sa bahay.
3. Nasasabi ang kahalagahan ng paghihiwalay ng basura sa bahay.

Subukin

Panuto: Tukoyin ang pangalan ng mga sumusunod na kasangkapan sa


paglilinis ng bahay at bakuran?

a. b. c. d. e.

f. g. h. i. j.

0
Aralin Naisasagawa ang Wastong
5 Paghihiwalay ng Basura sa
Bahay
Habang dumarami ang tao at lumalaki ang pangangailangan ng pagkain
dumarami rin ang basura at dumi na itinatapon ng bawat pamilya. Dahil
sa may kakulangan sa pondo, pananalapi o di mabisang pamamaraan,
hindi lahat ng basura at dumi ay nakokolekta at nadadala sa hantungang
tambakan nito. Nagiging sanhi ito ng mga problema sa kalusugan at
kapaligiran. Ang mga basurang pinababayaang nakatiwangwang ay
umaakit sa langaw, lamok, ipis, mga daga at iba pang mga hayop na
nagkakalat ng mga sakit.

Balikan

Ano-ano ang mga angkop/wastong kagamitan sa paglilinis ng bahay at


bakuran? Ayusin ang JUMBLED WORD at sabihin kung ano ang gamit ng
mga ito.

1. OMP ___________________________
2. SABHAAN ___________________________
3. NUBOT ___________________________
4. DAPNATOK ___________________________
5. BATMO ___________________________
6. NGITNGIT ___________________________
7. CUMUVA LEANCER ___________________________
8. OLOB ___________________________
9. KAYLAYKA ___________________________
10. KOBASE ___________________________

1
Mga Tala para sa Magulang

Inaasahan po ang masusing paggabay sa inyong mga anak sa


pagsagot sa modyul na ito. Hangad po namin ang inyong pakikiisa
upang lalong matuto ang iyong mga anak.

Tuklasin

Sa araling ito ay higit na mauunawaan ang mga dapat gawin upang


magkaroon ng isang maayos at malinis na kapaligiran.

Ang reduce ay ang pagbabawas sa


mga basura sa ating paligid. Ang
paghihiwalay ng mga nabubulok at di-
nabubulok na basura ay
makatutulong upang mabawasan ang
mga basura at mapakinabangan ang
mga ito.
Reuse naman ang maaaring gawin sa
mga bagay na patapon na ngunit
maaari pang magamit, kumpunihin, ibigay sa nangangailangan, o ipagbili.
Recycle naman ang pagbubuo ng mga bagong bagay mula sa mga
lumang bagay.

2
Suriin

SAKUNA Isang pangyayaring hindi inaasahan.


MALANGHAP Maamoy. (inhale)
RECYCLE Tumutukoy sa paggamit muli sa ibang
paraan ng mga bagay na itinuturing na
basura na.

Ang sakuna at iba pang simpleng sakit o karamdaman ay maiiwasan kung


lahat ay sama-samang gagawa at susunod sa mga pangkaligtasan at
pangkalusugang gawi pati na rin ang tamang paghihiwalay ng basura.

Ang maayos na pagtapon at paghihiwalay ng basura ay maaaring


makatulong para malaman kung ano pa ang maaaring magamit.
.
Mga Paraan Upang Mapanatili ang Kalinisan at Kaayusan sa ating
Kapaligiran
1. Itapon ang basura sa tamang lalagyan.
2. Paghiwalayin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok.
3. Gumawa ng compost pit upang ibaon ang nabubulok na basura.
4. Gamitin muli o i-recycle ang mga gamit na pwede pa.

Mga Panuntunang Pangkaligtasan at Pangkalusugang gawain sa


Tahanan

1. Alamin ang mga gawaing gagampanan upang malaman kung


alin ang dapat unahin.
2. Mag-umpisa sa simple o payak na gawain bago dumako sa
medyo mahirap at gawin ang “work simplification technique”.
3. Simulang linisin ang bahaging itaas ng bahay bago linisin ang
sahig upang maiwasan ang pagkalat muli ng alikabok.

3
Sa mga sumusunod na gawain gamitin ang iyong sagutang papel
para sa iyong mga kasagutan.

Unang Gawain
Isulat ang letrang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung
hindi.
1. Takpan ang ilong upang hindi malanghap ang alikabok habang
naglilinis.
2. Paghalo-haloin ang mga basura at sunugin.
3. Takpan ang mga pagkain at tiyaking hindi malalagyan ng alikabok
habang naglilinis ng bahay.
4. Itapon nang maayos ang mga basura at i-recycle ang mga bagay
na maaaring magamit pa o maaaring ipagbili.
5. Iwanan kahit saan ang mga ginamit na kagamitan sa paglilinis ng
bahay.

Ikalawang Gawain
Ayusin ang mga salita sa loob ng kahon ayon sa klasipikasyon.

Dextrose Medical Gloves


Dumi ng hayop Balat ng prutas at gulay
Bote Diyaryo
Pintura Plastik
Tuyong Damo Herengilya
Baterya Tirang Pagkain
Styropor

ESPESYAL NA
NABUBULOK DI-NABUBULOK NARERESIKLO
BASURA

4
Isaisip

Ang buhay ay isa sa mga napakaganda at napakahalagang regalo sa atin


ng Panginoon. Ito ay mapapangalagaan sa pamamagitan ng masusing
pag-iingat at pagsunod sa mga tuntuning pangkaligtasan at
pangkalusugan gawi.

Isagawa

Pagrerecycle gamit ang mga patapong bagay. (Picture Mounting)


Mga Kagamitan sa Paggawa ng “Picture Mounting”
recycled cardboard gunting
mosaic picture glue o pandikit
colored paper o papel na galing sa lumang magasin
Pamamaraan sa Paggawa
1. Idikit ang mosaic picture sa recycled cardboard, lagyan nang isang
pulgadang sobra ang bawat paligid nito.
2. Gumupit nang isang pulgadang lapad na recycled cardboard,
balutan ng colored paper o papel na galing sa lumang magazine at
idikit sa paligid ng mosaic.
3. Maaaring balutan ng plastic upang hindi agad marumihan ang
larawan.
4. Gamitin ang tseklist para sa pagsusuri ng iyong ginawa.

Tseklist sa Paggawa
KRITERYA ANTAS NG KAHUSAYAN
1 2 3 4
1.Angkop ba ang paggawa ng
disenyo o larawan.

5
2. Maayos ba ang
pagkakadikit at pagkabalot ng
larawan
3.Nasusunod ba nang maayos
ang mga paraan sa paggawa
ng proyekto/gawain.

Batayan:
4- napakahusay 2- mahusay
3- mas mahusay 1- hindi mahusay

Tayahin

A. Isulat ang (√) tsek bago sa bilang kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng tamang paghihiwalay at pagtatapon ng basura at ekis (X)
kung hindi sa inyong sagutang papel.
1. Ang nabubulok na basura ay pampataba sa mga halaman.
2. Pagkatapos walisin ang mga tuyong dahon, sunugin ito.
3. Ibaon sa compost pit ang basurang nabubulok.
4. Paghalo-haloin ang mga basura at sunugin ito.
5. Balutin ng lumang diyaryo ang mga bubog at ilagay sa
basurahang may takip.

B. Piliin ang letra ng tamang sagot, isulat sa inyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang dapat na una mong gawin?


A. Paglilinis ng bakuran
B. Paglilinis ng dingding
C. Paglilinis ng kisame
D. Paglilinis ng sahig

2. Nagkalat ang basura sa iyong bahay, ano ang dapat mong gawin?
A. Ihiwalay ang nabubulok sa di nabubulok at ibaon sa compost pit ang
nabubulok.
B. Ilagay sa basurahan at hintayin ang trak na kukuha nito.
C. Ipunin lahat at ibalot sa plastic.
D. Paghalo-haloin ang mga basura at sunugin ang mga ito.

6
3. Bakit kailangang sundin ang mga pangkalusugan at pangkaligtasang
gawi sa paglilinis ng bahay at bakuran?
A. Upang maiwasang ang anomang sakuna.
B. Upang magawa ng mga nakatakdang gawain.
C. Upang makaiwas sa anumang gawain
D. Upang makapaglaro agad pagkatapos ng gawain.

4. Kung maglilinis ng kusina, ano ang una mong gagawin?


A. Ilagay ang mga upuan sa hapag kainan.
B. . Ipunin ang mga maruruming gamit at kasangkapan sa kusina.
C. Linisin ang lababo at mga kasangkapan sa pagluluto.
D. Takpan ang mga pagkain at tiyaking hindi malalagyan ng alikabok.

5. Ano ang iyong unang gagawin upang hindi malanghap ang alikabok
habang naglilinis?
A. Gumamit ng apron C. Talian ang buhok
B. Magdamit ng maluwang D. Takpan ang ilong

Karagdagang Gawain

Isulat sa inyong kuwaderno kung ano ang mga ginagawa mo sa inyong


tahanan upang mapanatili itong maayos at malinis. Isulat din kung paano
mo sinusunod ang mga pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa
paglilinis ng bahay at bakuran.
Maglaan sa bahay ng hiwalay na basurahan para sa nabubulok na mga
basura.

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

7
8
Most Essential Learning Competencies (MELCS) Code - EPP4HE-0g-10
Pangkabuhayan, Pasig City, Philippines: Vibal Group, Inc. ph. 291-296
Dolores M. Lavilla, et.al. 2015. Edukasyong Pantahanan at
Sanggunian
Pagyamanin: Ikalawang Gawain
Espesyal na Basura Nareresiklo Di-Nabubulok Nabubulok
Dextrose Diyaryo Plastik Dumi ng hayop
Pintura Bote Styropor Tuyong damo
Baterya Balat ng gulay at
Medical gloves prutas
Herengilya Tirang pagkain
Subukin:
a. Bunot
b. Basahan
Pagyamanin: Tayahin: c. Vacuum Cleaner
d. Pandakot
Unang Gawain A B e. Escoba
1. T 1. √ 1. C f. Walis Tambo
2. M 2. x 2. A g. Mop
3. T 3. √ 3. A h. Walis Tingting
4. T 4. x 4. B i. Kalaykay
5. M 5. √ 5. D j. Bolo
Susi sa Pagwawasto
9

You might also like