Fil4Q2 Modyul 3 Pagbibigay NG Kalalabasan NG Mga Pangyayari Sa NapakingganNabasang Teksto Rosario S. Agbuya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

4

FILIPINO 4
Ikalawang Markahan- Modyul 3:
Pagbibigay Hinuha sa Kalalabasan
ng mga Pangyayari sa
Napakinggan/Nabasang Teksto
Filipino – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagbibigay Hinuha sa Kalalabasan ng mga
Pangyayari sa Napakinggan/Nabasang Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rosario S. Agbuya
Editor: Ryan C. Atezora, Gerry F. Isip, Jocelyn A. Lopez, Maria Fe V. Robles
Tagasuri: Rodolfo F. De Jesus, Brian Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo
Tagalapat: Brian Spencer Reyes,
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
EBENEZER A. BELOY, OIC-CID Chief
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
4

Filipino
Ikalawang Markahan- Modyul 3:
Pagbibigay Hinuha sa Kalalabasan
ng mga Pangyayari sa
Napakinggan/Nabasang Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 4 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Pagbibigay Hinuha sa Kalalabasan ng mga
Pangyayari sa Napakinggan/Nabasang Teksto
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay yunit ng instruksyon na
kadalasang makapag- iisa.
➢ Malayang pakikilahok ng mag- aaral sa
klase upang ang mga layunin ay madaling
maipapaunawa ng gurong tagapagsanay.
➢ Ang mga nilalaman ay maikli at tiyak na
nakatuon sa pagtamo ng layunin.
➢ Nagtataglay ito ng mga tiyak na takdang
gawain sa pagkatuto, ang panuto sa gawain
at pagsusulit ay malinaw at maayos. Ang
susi sa pagwawasto ay maayos na rin.

ii
Para sa mag- aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) ukol sa
Pagbibigay Hinuha ng Kalalabasan ng mga Pangyayari sa Napakinggan/Nabasang
Teksto
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag- aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

iii
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong karagdagang


kaalaman. Ito ay isang kagamitan sa pagtuturo- pagkatuto na buo at ganap na
nagbibigay ng mga tiyak na takdang gawain sa isang kaparaanang sistematiko.

Ang mga nilalaman ay maikli at nakatuon sa pagtamo ng layunin.


Nagtataglay ito ng iba’t ibang pitak ng gawain upang malinang ang iyong pagkatuto
sa paksang aralin. Pialalaya ka at ang iyong guro mula sa mahigpit na takdang
panahon. Marami kang matutuhan na bagong kaalaman na nakapaloob sa
magkakaugnay na mga gawain sa pamamagitan ng instruksyong modyular.

Aralin 3 - Pagbibigay Hinuha ng Kalalabasan ng mga Pangyayari sa


Napakinggan/Nabasang Teksto

Ang pagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng pangyayari sa


napakinggan/nabasang teksto na mababanggit ay sadyang ginawa upang lubos na
maunawaan ang mga tekstong nais ipabatid sa mambabasa o tagapakinig at
marapat lamang na iyong matamo sa mga sumusunod na layunin.
A. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
napakinggan/nabasang teksto. F4-PN-IIb-12
B. Nakasusulat ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
napakinggan/nabasang teksto.
C. Nakadarama ng kasiyahan sa pagbibigay ng hinuha sa mga pangyayari.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin ang letra ng pangungusap
na nagbibigay hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

1. Sabado ng umaga. Maagang gumising si Minda. Iniligpit ang higaan at


pagkatapos
ay nag-almusal. Dala ang mga maruming damit, batya, at sabon. Ano kaya ang
kaniyang gagawin?
A. Itatabi niya ang mga gamit C. Maglalaba ng mga maruming damit
B. Manonood ng telebisyon D. Maglilinis ng bahay
2. Nagwalis ng silid-aralan si Airam at Shane. Nilagyan nila ito ng floorwax. Inayos
din ang mga upuan. Maya-maya, dumating ang kanilang guro. Napangiti siya at
nilapitan sina Airam at Shane.
A. Nasiyahan ang guro sa ginawa nila Airam at Shane.
B. Naawa ang guro sa mga pinaggagawa nila Airam at Shane.
C. Nalungkot ang guro sa ginawa nila Airam at Shane.
D. Nainis ang guro sa ginawa nila Airam at Shane.
3. Isang hapon, nakasandal sa puno si Lito. Napansin niyang may mga ibong
nagliliparan sa paligid. Napatingala siya at laking gulat ng Makita ang ilang
kumpol
ng mga mangga. Nagpalinga-linga siya at napangiti nang makita ang isang
mahabang kahoy.
A. Aakyatin niya ang puno ng mangga.
B. Babatuhin niya ang kumpol ng mga mangga.
C. Susungkitin niya ang kumpol ng mga mangga.
D. Lulundagin niya ang kumpol ng mga mangga.
4. Nagpaalam si Juan na pupunta sa kaniyang kaibigan. Gabi na ay wala pa siya.
Nag-alala ang kaniyang Nanay kaya siya’y sinundo nito, ngunit wala siya sa
bahay
ng kaibigan. Nang dumating siya, hindi siya kinibo ng ina. Bakit kaya?
A. Nagagalit ang Nanay ni Juan. C. Nasisiyahan ang Nanay ni Juan
B. Natutuwa ang Nanay ni Juan D. Pinagalitan ni Juan ang ina.
5. Magkakaroon ng pagsusulit sina Brian kinabukasan. Nag-aaral na siya nang
dumating ang kaniyang mga kalaro. Sumama siya sa mga ito at pagod na pagod
siyang dumating ng gabing iyon. Kinabukasan, kakamut-kamot sa ulo si Brian
habang sumasagot sa pagsusulit.
A. Nakapasa siya sa pagsusulit.
B. Kumopya siya sa kaniyang katabi.

2
C. Wala halos siyang nasagutan sa pagsusulit.
D. Marami siyang nasagot sa mga tanong sa pagsusulit.

Aralin Pagbibigay ng Hinuha sa Kalalabasan


ng mga Pangyayari sa
3 Napakinggan/Nabasang Teksto
Mahalaga na maunawaan ang mga tekstong napapakinggan/nababasa
upang masagot natin ang mga tanong. Mahalaga ito sapagkat mabibigyan mo ng
linaw ang mga bagay-bagay.

Balikan
Panuto: Piliin ang wastong baybay ng mga sumusunod na salita. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.
1. futbol fotbol football
2. toothpaste tutpaste toothface
3. taxi takse takxi
4. siomay shomay siomai
5. kumersiyal komersiyal komirsiyal

Tuklasin
Pagmasdan at suriin ang larawan.

3
Suriin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang makikita sa larawan?


2. Sa palagay mo, saang lugar ito nangyayari?
3. Ano ang ginagawa ng mga magtotroso sa puno sa kagubatan?
4. Sa palagay mo, ano ang maaaring kalalabasan ng pamumutol ng mga puno sa
kagubatan?
5. Tama ba ang patuloy na pagputol ng mga puno sa kagubatan? Bakit?

Ang nabubuo sa isip ng sinuman tungkol sa anumang bagay batay sa sariling


palagay ay tinatawag na hinuha.
Ang hinuha o hula ay isang prediksyon sa mangyayari gamit ang mga
impormasyon at mga pangyayari.
Sa hinuha, makabubuo ng prediksyon o hula. Kadalasan, magaganap ang
hinuha o hula sa kalalabasan ng pangyayari kung ang naging wakas ng akdang
binabasa ay nakabitin.

Pagyamanin

Panuto: Sumulat ng hinuha sa kalalabasan ng pangyayari ayon sa ibinigay na


sitwasyon. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

1. Kung hindi naging matiyaga ang mga magulang natin sa paghahanapbuhay,


marahil_____________________________________________________________
___________________________________________________________________.

2. Kung hindi nagkaroon ng pandemya sa ating bansa, marahil ang mga mag-aaral
ay_________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

3. Kung walang bakuna na mailalabas para sa Corona virus,


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

4
4. Kung hindi agad naitakbo at nagamot ng doktor si Lota, marahil
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

5. Kung tinamad si Maya sa kaniyang pag-aaral, marahil


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Isaisip

• Ang pagbibigay nang wastong hinuha sa kalalabasan ng mga


pangyayari ay saloobing pamdamdamin sa binasa o pagbubuo ng
sariling palagay, pasiya o kalalabasan ng pangyayari ay nababatay
sa mga detalyeng inilalahad sa kuwento o seleksyong binasa upang
maibibigay ng tamang paglilinang o pagpapahayag mg pasiya o
desisyon.

Isagawa

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.
Sumunod si Marvin
Sa loob ng isang linggong halos walang tigil na pag-ulan, sumikat din ang araw.
“Marvin, Marvin” tawag ni Raine, Gerald, at Loyd. “Halika, tayo ng maligo sa dagat.”
“Sandali lang, magsasabi muna ako kay Nanay,” wika ni Marvin sabay takbo sa ina.
“Huwag anak, high tide ngayon. Mataas at malakas ang agos ng tubig sa dagat,
baka kayo malunod”, ang sagot ng ina ni Marvin. Hindi na nagpilit si Marvin.
Mabuti na lang at sumunod siya sa kaniyang ina. Nagkagulo ang mga tao sa
kanilang lugar nang mabalitaan ang nangyari sa tatlong kaibigan ni Marvin na naligo sa
dagat. Nag-iyakan ang ina ng mga kaibigan niya.
Hango sa aklat na Sining ng Komunikasyon sa Filipino 3
Ni: Josefina M. Mariano, et.al

5
1. Ano kaya ang nangyari sa tatlong kaibigan ni Marvin?
A. nadapa B. nalunod C. nagkagalit D. nagkatuwaan
2. Ano kaya ang nadama ni Marvin nang malaman niya ang nangyari sa kaniyang
tatlong kaibigan?
A. nalungkot B. natuwa C. nagalit D. nainis
3. Kung hindi sumunod si Marvin sa kaniyang ina. Ano ang maaaring mangyari sa
kaniya?
A. nakaligtas B. nalunod C. nadapa D. nabalian
4. Ano kaya ang nadama ng nanay ni Marvin sa pagsunod niya sa kaniya?
A. natuwa B. nalungkot C. nagalit D. nagdabog
5. Ano sa palagay mo ang aral na natutuhan ni Marvin sa kaniyang ina?
A. pagkamagalitin C. pagkamasunurin
B. pagkamasayahin D. pagkamatulungin

Tayahin

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang
sagot
sa sagutang papel

1. Ibinilad ni Rona ang mga basing damit sa sampayang alambre. Nakita mon a ang
isang dulo ng alambre ay unti-unting nakakalas. Ano ang maaaring mangyari?
A. Natuyo ang mga sinampay. C. Bumagsak sa lupa ang mga sinampay.
B. Nabuwal ang tukod. D. Naalis ni Rona ang sinampay.

2. Nag-aalis ng maraming damo sa halaman si Sofia. Nilagyan niya ng pataba ang


halaman. Noong isang taon hindi siya naglagay ng pataba, kaunti lamang ang
nakuha niyang bunga. Ano ang maaaring mangyari?
A. Namatay ang mga halaman niya. C. Natuyo ang mga halaman niya.
B. Dadami ang mga damo sa halaman. D. Dadami ang makukuha niyang
bunga.

3. Maraming uod sa puno ng bayabas. Ang uod ay ayaw ng usok. Pinapausukan ni


Mang Tonyo ang punong bayabas. Ano ang maaaring mangyari?
A. Dadami ang uod sa puno ng bayabas.
B. Mabubuhay na muli ang mga uod.
C. Mamamatay ang puno ng bayabas.
D. Maaalis ang mga uod sa puno ng bayabas.

6
4. Tumakbong pababa sa gulod si Ken. Habang pababa ay pabilis nang pabilis ang
pagtakbo niya at hindi niya mapigil ang kaniyang katawan. Ano ang maaaring
mangyari?
A. Napasubsob si Ken. C. Napigil ni Ken ang sarili.
B. Humintong bigla si Ken. D. Tumakbong pabalik si Ken.
5. Araw-araw ay dinidilig ni Reanne ang mga halaman sa paso. Umalis si Reanne
sa
bahay nila nang isang lingo, upang magbaksyon sa lola sa probinsya. Nalimutan
niyang ipagbilin ang halaman. Ano ang maaaring mangyari?
A. Malulunod ang halaman sa dami ng tubig.
B. Mawawala ang paso ng halaman.
C. Magkakaroon ng bulaklak ang halaman.
D. Malalanta ang mga halaman.

B. Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Ibigay ang hinuha na kalalabasan ng


pangyayari. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Si Lino

Dala-dala ang lata ng basura, tinungo ni Lino ang ilog na malapit sa kanilang
bahay. Nakita niya ang mga isdang nabubuhay sa ilog. Siya ay natigilan at nag-isip.

6. Ano sa palagay mo ang nadama ni Lino nang makita ang mga isda sa ilog?
A. nabigla siya B. nainis siya C. natuwa siya D. natakot siya
7. Sa palagay mo, ano kaya ang gagawin ni Lino sa dalang basura pagkakita sa
mga
isda?
A. Ipapaanod ito sa tubig. C. Itatambak ito sa tubig.
B. Ipapakain ito sa mga isda. D. Itatapon ito sa tamang lugar.
8. Kung itatapon ni Lino ang basura sa ilog, ano kaya ang mangyayari?
A. Mabubusog ang mga isda ng basura.
B. Walang anumang mangyayari sa isda.
C. Dadami ang mga isda at iba pang naninirahan dito.
D. Magiging marumi ang ilog at mamamatay ang mga isda.
9. Bukod sa mga isdang nagbibigay sa atin ng pagkain, ano pa kaya ang
maidudulot
sa atin ng malinis na ilog?
A. Maaari tayong maligo dito. C. Mainam itong tapunan ng basura.
B. Makakapaglaro ang mga bata rito. D. Maaaring pagtayuan ng mga bahay.
10. Ano ang dapat gawin ng mga taong nakatira sa tabi ng ilog?
A. Ipagbawal ang paliligo rito.
B. Lagyan ng bakod ang palibot nito.
C. Hayaang mapuno ito ng mga basura.
D. Iwasan ang pagtatapon ng anumang uri ng.basura.

7
Karagdagang Gawain

Ibigay ang hinuha sa bawat sitwasyon. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

1. Ibinilad ng nanay ang basang damit sa sampayang lubid. Nakita mo na ang isang
dulo ng lubid ay unti-unting nakakalas.
A. Natuyo ang mga sinampay. C. Naalis ng nanay ang sinampay
B. Bumagsak sa lupa ang sinampay. D. Luminis ang kaniyang sampay.
2. Maraming uod sa puno ng mangga. Ang uod ay ayaw ng usok. Pinausukan ni
Tata Celo ang punong mangga.
A. Dadami ang uod sa puno ng mangga.
B. Maaalis ang mga uod sa puno ng mangga.
C. Mamamatay ang puno ng mangga.
D. Lalago ang kaniyang tanim.
3. Tumakbong mabilis pababa sa isang gulod si Paul. Habang pababa ay pabilis
nang pabilis ang pagtakbo niya at hindi niya mapigil ang kanyang katawan.
A. Humintong bigla si Paul. C. Napasubsob si Paul.
B. Napigil ni Paul ang sarili. D. Dumausdos si Paul.
4. Araw-araw ay dinidilig ni Luna ang mga halaman niya sa paso. Umalis si Luna sa
bahay ng isang linggo upang magbakasyon sa tiyahin. Nalimutan niyang ipagbilin
ang halaman.
A. Malalanta ang mga halaman.
B. Mawawala sa paso ang halaman.
C. Magkakaroon ng magandang bulaklak ang halaman.
D. Magiging sariwa ang kaniyang pananim.
5. Kain ng kain ng matatamis na pagkain si Tony. Isang beses lang siyang
nagsisipilyo at kung minsan ay nakakalimutan pa niya ito. Isang araw umiyak n
lamang ito.
A. Nadulas si Tony. C. Naipit si Tony
B. Sumakit ang ngipin ni Tony. D. Inaantok na si Tony.

8
9
Subukin Balikan Suriin
1. C 1. football Ang gawaing ito ay
nakabatay sa Output ng mga
2. A 2. toothpaste mag-aaral at nasa
3. C 3. taxi pagpapasya ng guro ang
pagwawasto nito.
4. A 4. siomai
5. C 5. komersiyal
Pagyamanin Isagawa Tayahin
Ang gawaing ito ay 1. B 1. C 6. C
nakabatay sa Output ng mga
mag-aaral at nasa 2. A 2. D 7. D
pagpapasya ng guro ang 3. B 3. D 8. D
pagwawasto nito.
4. A 4. A 9. A
5. C 5. D 10. D
Susi sa Pagwawasto
SANGGUNIAN
1. Dayag, Alma M. (2007). Pluma 4. Quezon City. PHOENIX Publishing House .
2. Garcia, Ofelia M. et.al (2006). Buklod 4. Queon City. Book Craft Publishing
Co., Inc.
3. Raflores, Ester V. (2006). Bagong Binhi 5. Valenzuel City. JO-ES Publishing
House, Inc.
4. Loyola, Irma (2015). Sulo 5. Cainta, Rizal. Glad Tidings Publishing House,
Inc.
5. https://hominibus.asia/research/global-civil-society/forest-activists-call-for-
seizure-of-assets-from-corrupt-officials/
6. Gabriel, Corazon C. et.al (2003). Filipino sa Bagong Kurikulum. Quezon City.
Cultural Publisher

10
11

You might also like