AP LESSON 7 and 8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

ARALING PANLIPUNAN 8

LESSON 7
LAYUNIN:
Nasusuri ang mga kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo

Ang Rebolusyong Siyentipiko

Hindi naimbento ang agham sa panahon lamang ng Rebolusyong Siyentipiko. Sa halip, malaon na itong
ginagamit ng mga Greek bilang scientia na nangangahulugang “kaalaman”. Subalit wala pang konsepto ng
agham bilang isang disiplina at hindi pa nila tinatawag ang sarili bilang siyentista. Noong ika-15 siglo, ang pag-
unawa ng mga Europeo tungkol sa mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni
Aristotle. Masasabing napakaliit na grupo lamang ang nagtatanong sa tradisyunal na kahiwagaan ng
sansinukob. Ang ika-16 at ika-17 siglo ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito ang simula ng
panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga
ng kanilang pagmamasid sa sansinukob. Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng
panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensiya ng
Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina dahil sa mga paglalathala ng mga
bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng “bagong siyensiya”. Naging tulong ang panahon ng katuwiran
(age of reason) upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyunal na ideya at bigyan ng bagong
paglalarawan at redepinisyon ng lipunan.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p. 189

Ang Polish na si Nicolaus Copernicus ay nagpasimula ng kaniyang propesyong siyentipiko sa Pamantasan ng


Krakow, Poland noong 1492. Kaalinsabay nito ang panahon ng pagkakatuklas ni Christopher Columbus sa
Amerika. Batay sa kaniyang mga ginawang pananaliksik nalaman niya na ang mga ideyang itinuturo at
pinaniniwalaan ng mga tao noong panahon na iyon ukol sa Sansinukuban ay may mga pagkakamali.
Idinagdag pa niya na ang araw ang nasa sentro ng Sansinukuban na taliwas sa itinuturo ng Simbahan na ang
mundo ang sentro ng Sansinukuban. Ang teoryang ito ay nakilala sa katawagang Teoryang
Heliocentric.

Ang Panahon ng Enlightenment

Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraan upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng
pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan
(Enlightenment). Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo. Bagama’t ang
Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-18 siglo, maaari ring sabihing ito
ay isang kilusang intelektuwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga
Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na
paniniwala noong Middle Ages. Ang ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng mga
modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon, demokrasya, at maging sa sining. Ang mga
intelektuwal na ito ay nakilala bilang mga philosopher o pangkat ng mga intelektuwal na humikayat sa
paggamit ng katuwiran, kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang
kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng katarungan sa lipunan.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’al p. 254

Ang Makabagong Ideyang Pampolitika


Naging daan ang mga pagbabago sa siyensya upang mapag-iisipan ng mga pilosopo at marurunong
na kung ang mga sistematikong batas ay maaaring maging kasagutan sa paglikha ng sansinukob
(universe) at kapaligiran, maaari ring maging gabay ang mga ito sa mga ugnayang political,
pangkabuhayan at panlipunan. Inaakala nilang maipaliliwanag ang mga bagay-bagay sa tulong ng
analitikong pangangatwiran. Tunay na malaki ang impluwensya ng siyentipikong pag-iisip sa
teoryang pampulitika.

Ang Pagpapaliwanag ni Hobbes tukol sa Pamahalaan

Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na ang absolutong
monarkiya ang na uri ng pamahalaan. Pinaniniwalaan niya na ang
pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao kaya dahil dito ay kailangan ng isang absolutong pinuno upang
supilin ang ganitong mga pangyayari. Sa kaniyang pagpapalimbag ng isinulat niyang aklat na Leviathan noong
1651 ay inilarawan niya ang isang lipunan na walang pinuno at ang posibleng maging direksiyon nito tungo sa
magulong lipunan. Binigyan niya ng pagdidiin na ang tao ay kinakailangang pumasok sa isang kasunduan sa
pamahalaan na kailangang iwanan niya ang lahat ng kaniyang kalayaan at maging masunurin sa puno ng
pamahalaan. Dahil sa kasunduang ito, pangangalagaan at poprotektahan ng pinuno ang kanyang
nasasakupan. Di na bibigyan pa ng karapatang magrebelde ang mga tao, kahit pa hindi makatwiran ang
pamamalakad. Halaw mula sa: Ease Modyul 13

Pagpapahayag ng Bagong Pananaw ni Locke

Isa pa sa kinilalang pilosopo sa England ay si John Locke na may parehong paniniwala gaya ni Hobbes na
kinakailangang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng kanilang pinuno. Nguni’t naiiba siya sa
paniniwala na ang tao sa kaniyang
natural na kalikasan ay may karapatang mangatuwiran, may mataas na moral at mayroong mga natural na
karapatan ukol sabuhay, kalayaan at pag-aari.Sinasabi niya na ang tao ay maaaring sumira sa kaniyang
kasunduan sa pinuno kung ang pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at ibigay ang kaniyang mga natural
na karapatan. Binigyang-diin din niya na kung ang tao ay gumamit ng pangangatuwiran ay makararating siya
sa pagbubuo ng isang pamahalaang mabisang makikipag-ugnayan at tutulong sa kaniya. Ang kaniyang mga
ideya ay isinulat niya noong 1689 sa pamamagitan ng lathalaing Two Treatises of Government. Ang kaniyang
sulatin ay naging popular at nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Europe at maging sa kolonya ng England, ang
Kolonyang Amerikano. Ang ideya niya ang naging basehan ng mga Amerikano na lumaya sa pamumuno ng
Great Britain. Ang Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat ni Thomas Jefferson ay naging mahalagang sulatin sa
paglaya ng Amerika sa mga Ingles ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa kasunduan sa pagitan ng mga tao
at ng pamahalaan.

ANG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL


Ang Great Britain ang nagpasimula dahil sa pagkakaroon nito ng maraming uling at iron na naging
pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika. Lumaganap ang kaniyang
pakikipagkalakalan at ito ay naging dahilan ng pagiging matatag ng kaniyang kalakalan. Sinuportahang mabuti
ng pamahalaan ang kalakalang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng malakas na hukbong pandagat upang
protektahan ang kanilang imperyo kalakal.

Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng tela sa Great Britain. Dati sa ilalim ng
sistemang domestiko (domestic system) ang trabaho sa pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan.
Ang namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar hanggang
sa makabuo ng isang tapos na produkto na kaniya namang pinagbibili at pinatutubuan. Nguni’t ang halaga ng
tela ay mahal dahil sa ganitong sistema nga ng pagbubuo na matagal. Ang mayayaman lamang ang may
oportunidad na magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina at ilan pang gamit sa tahanan na
gawa sa tela ay itinuturing na luho lamang ng panahong iyon. Dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya
ay naging madali ang pagprodyus ng mga tela at mura na itong bilhin ng mga tao. Halimbawa ang makinang
spinning jenny ay nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya nang mabilis at sa maraming sisidlan.
Ang dating ginagawa ng walong manggagawa ay maaari nang gawin ng
isang manggagawa sa tulong ng nabanggit na makinarya. Taong 1793 nang maimbento ng isang
Amerikanong nagngangalang Eli Whitney ang cotton gin. Ito ay nakatulong para maging madali ang
paghihiwalay ng buto at iba pang mga materyal sa bulak na dati ay halos ginagawa ng 50 manggagawa bago
maimbento ang cotton gin. Dahil dito naging mabilis na ang nasabing proseso at nakatulong ito sa malaking
produksiyon para sa paggawa ng tela sa United States.

Ang Paglago at Paglaki ng Rebolusyong Industriyal

EPEKTO NG INDUSTRIYALISMO

Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo. Dumagsa sa lungsod ang mga taong taga-
probinsya. Nagdulot ito ng pagdami ng tao sa lungsod at naging squatter. Sa kawalan ng
hanapbuhay marami ang naging palaboy. Maging ang mga bata ay napilitang magtrabaho. Isa ito sa
naging napakabigat na suliraning panlipunan at pangekonomiya. Nagdulot din ito ng hidwaang
pampolitika. Gayundin ang pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o middle class
society. Nagbunga ito ng pagtatatag ng mga unyon ng mga manggagawa hanggang noong
kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Sa pag-unlad ng industriyalisasyon, higit pang nagsikap ang mga
Kanluranin sa pananakop ng mga kolonya. Ito ay dahil sa pangangailangan nila ng mga hilaw na
sangkap na maibibigay ng mga kolonya. Ito rin ang mga nagsisilbing pamilihan ng kanilang
mga produkto.
Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista
L. Vivar et’al p.189

WORKSHEETS SA ARALING PANLIPUNAN 8


LESSON 7

Pangalan:____________________________________ Seksyon:___________

Gawain 1-Ibigay ang naitulong ng sumusunod na imbensyon. (4 puntos)

1. Steam engine-________________________________________________________________________
2. Telepono-___________________________________________________________________________

3. Telegrapo-__________________________________________________________________________

4. Bombilya-___________________________________________________________________________

Gawain 2.-

1. Paano binago ng Rebulusyong Industriyal ang agrikultra at industriya sa Europe.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang naging epekto ng Rebolusyong Industriyal

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

3. Nakatutulong baa ng mga imbensyon ng Rebolusyong Industriyal sa pang-araw-araw mong pamumuhay?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

GAWAIN 3: Punan ng mahahalagang impormasyon ang talahanayan na maglalaman ng mga naging


kontribusyon sa iba’t ibang larangan ng mga personalidad. Sundan ang halimbawa upang malinaw
na maisagawa ito.

PERSONALIDAD LARAWAN LARANGAN KONTRIBUSYON


Halimbawa: Astronomiya Teleskopyo
Galileo Galilei

GAWAIN 4. PERFORMANCE TASK. Maraming naiwang pamana ang mga naganap na Rebolusyon
sa ating kabihasnan ngayon. Upang maipakita ang pagbibigay-halaga lilikha kayo ng isang collage na
maglalaman ng mga naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na Rebolusyon (Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal). Gawin ito nang pangkatan. Maging malikhain
sa inyong gawain.Ilagay ito sa isang malinis na BOND PAPER. MAARI KANG MAGSALIKISIK SA
INTERNET.

KRITERYA NAPAKAGALING MAGALING MAY

You might also like