Professional Documents
Culture Documents
Ang Wikang Filipino Notes
Ang Wikang Filipino Notes
(Detailed Notes)
Mahalagang maunawaan sa puntong ito ang ilang batayang kaalaman tungkol sa wikang Filipino.
Ano ang wikang Filipino at tungkulin nito bilang pambansang wika ng Pilipinas?
Filipino ang wikang ginagamit ng dalawa o higit pang tao na magkaiba ang katutubong wika at
kabilang sa magkaibang etnolinggwistikong grupo. Sa Pilipinas, sinasabing pambansang linggwa frangka
ang Filipino dahil ito ang ginagamit ng mga tao mula sa iba't ibang grupong etnolinggwistiko upang
magkaunawaan at makipag ugnayan. Halimbawa, ito ang ginagamit ng isang Sebuwano kapag nakikipag-
usap siya sa isang Maranao.
Bilang isang realidad, Filipino ang nasyonal na linggwa frangka, ang wikang nabuo sa
interaksyon ng mga Pilipinong gumagamit ng ibang katutubong wika sa Pilipinas. Repleksyon ito ng
ating magkakaibang katutubong kultura at mayamang historikal na karanasan bilang isang lahi.
Bilang isang ideyal, dinamikong nabubuo ang Filipino bilang ekspresyon ng pambansang
kaluluwa. Isang proseso ang evolusyong ito ng pagpapayaman mula sa mga wika ng Pilipinas at mga
dayuhang wika. Bunga nito'y nagiging tunay na ekspresyon ng ating isip at damdamin bilang isang
nasyonal na komunidad na may respeto sa mga pagkakaiba at may pagmamahal sa pagkakaisa ang
wikang Filipino.
Nakasaad sa 1987 Konstitusyon ang tatlong bahagi ang pambansang patakaran tungkol sa
wikang pambansa.
Una, kinikilala ng Konstitusyon ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ayon sa Art.
XIV, Sek. 6, " Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino."
Ikalawa, itinadhana ang Filipino bilang opisyal na wika ng komunikasyon at ng pagtuturo. Batay
sa Art. XIV, Sek 7, " Para sa komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika sa Pilipinas ay Filipino,
at hangga't walang ibang itinakda ang batas, Ingles.”
"Habang ito'y (Filipino) nabubuo, patuloy itong pauunlarin at payayamanin batay sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika." (Art XIV, Sek. 8)
Ayon nga sa Resolusyon Blg. 1-92 na pinagtibay noong Mayo 13, 1992 ng naitatag na komisyon
sa Wikang Filipino.
Filipino ang pasalita at pasulat na katutubong wika sa Metro Manila na pambansang punong
rehiyon at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika, at sa
evolusyon ng iba't ibang varayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalita nito
na may iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag.
Dahil pambansang wika ang Filipino, ginagamit ito at nararapat gamitin ng mga sangay at ahensiya ng
gobyerno sa lahat ng opisyal na komunikasyon sa-
deliberasyon sa lehislatura at pagsulat ng mga batas;
pag-isyu ng mga dekrito at kautusang ehekutibo;
pormulasyon ng mga pambansang patakaran;
paghahanda ng mga impormasyong pampubliko kaugnay ng mga opisyal na programa ng
gobyerno;
pagdaraos ng mga paglilitis at pagpapasiya ng hukuman;
pagsulat ng memorandum at iba pang komunikasyon; mga opisyal na porma at/ o dokumento
(lisensya, sertipiko, pasaporte, at iba pa); at
mga tungkulin at gawain ng estado
Kinikilala ang Filipino bilang mabisang wika ng pagtuturo at pagkatuto. Bilang opisyal na
wikang panturo, ginagamit na ang Filipino sa pagtuturo at pag-aaral sa iba't ibang disiplina ng
kaalaman at sa lahat ng antas ng edukasyon. Layunin nitong mapabilis ang pagkatuto ng mga
estudyante, maiangat ang antas ng literasi ng taong bayan, at malinang ang kaisipang siyentipiko
at pagpapahalagang Pilipino.
KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
Isa na marahil ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa sa buong daigdig kung sa dami ng
wikang ginagamit ang pag-uusapan. Ang mahigit sa 400 umiiral na wika at wikain sa Pilipinas
(Constantino, 1990) ay bunga ng sitwasyong heyograpikal ng bansa kung saan binubuo ito ng mahigit
7,000 isla at napapalibutan din ng mga bundok, burol, at iba pang matataas na anyong lupa, gayon din
ng mga dagat, ilog, at iba pang malalaki at malalalim na anyong tubig. Masasabing ang Pilipinas ay may
kumplikadong sitwasyong linggwistikal bagamat ayon sa ilang mga pag-aaral ng mga wika ng bansa, may
pagkakatulad at pagkakaugnay ang mga wika sa Pilipinas. Bukod sa heyograpikong katangian, malaki rin
ang naidulot ng kolonyal na karanasan ng bansa sa sitwasyong pangwika ng Pilipinas. Narito ang ilang
mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng pambansang wika.
Panahon ng Kastila
Hindi itinuro sa mga katutubo ang wikang Kastila, bagkus ang mga prayleng Kastila mismo ang
nag-aral ng katutubong wika ng iba't ibang etnolinggwistikong grupo.
Mga wika ng katutubo ang naging midyum ng komunikasyon at ang mga ito rin ang ginamit ng
mga prayleng Kastila sa pagtuturo ng relihiyon sa iba't ibang rehiyon.
Panahon ng Himagsikan
Hindi naging laging tahimik na lamang ang mga Pilipino. Dumating ang panahon ng himagsikan
at sa Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899 isinaad na ang wikang opisyal ay Tagalog
bagama't walang sinabing ito ang wikang pambansa ng Pilipinas.
Nawala ang pagpapatibay ng Tagalog bilang wikang opisyal nang itatag naman ang Unang
Republika sa pamumuno ni Aguinaldo. Ito marahil ang unang masaklap na karanasan na ang
wika ay maging biktima ng politika.
Panahon ng Amerikano
Ingles ang wikang ginamit na midyum ng instruksyon sa mga paaralang pampubliko.
Kasaysayan, kultura, literatura, ekonomiya, at politika ng Amerika ang mga paksang pinag-aralan
sa loob ng klase.
Nilimita ang pag-aaral ng maraming paksang nauukol sa Pilipinas at pagka Pilipino dahilan upang
maging salát sa impormasyon ang mga estudyanteng Pilipino sa mga bagay na may relasyon sa
sariling bansa at kultura.
Sa pamamagitan ng Monroe Survey Commission noong 1925, napatunayang maraming bata ang
huminto sa pag-aaral sa loob lamang ng limang taon. Ipinahayag nila na masasayang lamang ang
ginagastos sa edukasyong primarya kung hindi rin lamang tatagal ang mga estudyante sa
paaralan o papalitan ng mabisang pagdulog ang sistema ng edukasyon. Ayon kay Almario sa
isang panayam niya na ang ibig tukuyin ng ikalawang opsyon ng komisyon ay ang wikang
panturo.
Noong 1931, nagmungkahi si Butte, ang bise gobernador-heneral na siya ring kalihim ng
pampublikong edukasyon, na gamiting midyum panturo sa primarya ang bernakular ng iba't
ibang lugar.
May panahong pinagtalunan ang problema sa wika. Ilan ang nagtangka na ipakitang mayaman
ang wikang Tagalog at naghayag na magagamit ito bilang wikang panturo at pambansang wika
na rin.
Panahon ng Komonwelt
Nagsimula ang pormal na kasaysayan ng wikang pambansa.
Pinagtibay ng Asembleya ng Komonwelt ng Pilipinas ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag
ng Surian ng Wikang Pambansa. Natatanging gawain ng Surian ang pag-aaral ng mga wikang
pangunahing ginagamit sa Pilipinas upang makapili ng isang panlahat na wikang pambansa na
nakabatay sa pinakamaunlad na umiiral na katutubong wika ayon sa balangkas, mekanismo at
panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.
Nobyembre 9, 1939, isinumite ng mga miyembro ng Surian kay Pangulong Manuel L. Quezon
ang kanilang rekomendasyong Tagalog ang gagamiting batayan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1939, inilabas ang Kautusang Ehekutibo Big. 134 upang magkabisa ang
rekomendasyon.
Sinimulang ituro sa mga paaralang pampubliko at pribado ang pambansang wikang nakabatay sa
Tagalog noong Hunyo 19, 1940.
Panahon ng Hapon
Lubos na naisulong ang paggamit at pagpapalaganap ng pambansang wika dahil ipinagbawal ang
paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Wikang Pambansang batay sa Tagalog ang ginamit na midyum ng pagtuturo sa mga paaralang
pampubliko bagamat itinuro rin ang wikang Niponggo sa lahat ng antas.
Ginawang wikang opisyal ng bansa ang Tagalog at Niponggo sa bisa ng Ordinansa Blg. 13.
Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 186 ay inilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa sa
Agosto 13 hanggang 19 bilang parangal sa dating Presidente Manuel L. Quezon na itinuturing na
Ama ng Pambansang Wika.
Agosto 13, 1959, tinawag na Pilipino ang pambansang wika. Ito ay sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni G. Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon ng
panahong iyon.
Naganap ang Kumbensyong Konstitusyonal ng 1972 kung saan higit na nadama ang maraming
pagtatalo tungkol sa isyu ng wikang pambansa.
Itinadhana rin ng Konstitusyon na dapat magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaan para
puspusang maitaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon. Ayon sa Art. XIV, Sek 7:
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik.
Mayo 21, 1987, nagpalabas si Dr. Lourdes Quisumbing ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 32,
serye 1987 na pinamagatang " Patakarang Bilingguwal ng 1987 " na nagsaad ng pagpapalaganap
ng Filipino bilang wika ng literasi at ang paggamit ng Ingles bilang di-ekslusibong wika ng agham
at teknolohiya.
Taong 2001 naman nang ipalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang" 2001 Revisyon ng
Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino " na naglalaman ng revisyon sa paggamit ng
walong dagdag na letra (c, f, j, ñ, q, v, x, z) mula sa 1987 Patnubay sa Ispeling.
Mahaba-haba na rin ang listahan ng pag-urong at pagsulong ng pag-unlad ng Filipino. Patuloy ang
mga isyung kinakaharap nito habang masigasig na inaabot ang kaganapan ng kanyang pagiging
pambansang wika. Hanggang sa kasalukuyan, may malalaking katanungan pa rin ang nangangailangan
ng kasagutan. Kabilang dito ang tanong na "Saan nakasalalay ang tagumpay ng lehislasyon ng Filipino
bilang pambansang wika at opisyal na wika ng komunikasyon at ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon?"
Ayon kay Constantino (1990), may pagkakaiba-iba sa tunog, salita, pangungusap at maging sa
ispeling ang mga wika sa Pilipinas. May mga tunog sa isang wika na maaaring hindi matatagpuan sa
ibang wika tulad halimbawa ng tunog na/ j/ na maririnig mo sa Ibanag samantala wala sa Tagalog. Sa
estruktura naman ng pangungusap, may ibang wika na gumagamit ng " ay" sa pagitan ng simuno at
panaguri samantala wala naman ang iba tulad ng wikang Sebuwano. Marami pang makikitang
pagkakaiba-iba ang mga wika sa Pilipinas.
Sa kabila nito, marami rin ang pagkakatulad o pagkakahawig ng mga wikang katutubo. Ayon pa
rin kay Constantino, may ilang katangiang morpolohikal at sintaktikal ang taglay ng halos lahat ng wika
sa Pilipinas, ang mga ito ay ang sumusunod:
May tatlong paraan ng pagbubuo ng salita, una ang paglalapi, pangalawa ang pag-uulit
at pangatlo ang pagtatambal.
Bukod sa mga tinukoy ni Constantino, narito pa ang ilang pagkakatulad at pagkakahawig ng mga
wika sa Pilipinas:
Maraming salita ang ginagamit sa halos lahat ng mga wika ng Pilipinas tulad ng mata,
dila, langit, hangin, tubig, at asin.
o dalawa
adwa Kapampangan
duwa Bikol, Ibanag, llokano, Maranao, Tausug, Maguindanao
duwe Yakan
chuwa Bontok
dadwa Ivatan
duara Pangasinan
duha Hiligaynon, Sebuano, Waray
daywa Aklanon
Ang mga ito ay bahagi ng umuunlad na pambansang wika at mga inisyal na kontribusyon sa
wikang Filipino ng mga wika sa Pilipinas.
Ang Panghihiram
Natural ang panghihiram ng isang wika sa ibang wika. Ginagawa ito ng lahat ng buhay na wika.
Nangyayari ito dahil sa pakikipag-ugnayan ng iba't ibang kultura sa isa't isa lalo na sa mga banyagang
wikang nagkaroon na ng impluwensya, o naging bahagi ng kasaysayang ng isang bayan.
Halimbawa, maraming salitang Espanyol na nakapasok na sa ating wika tulad ng sabi mula sa
saber, bintana (ventana), sabon (jabon) at iba pa, o mga salitang hindi natin alam na galing sa Espanyol
tulad ng kilatis (quelates) at silahis (celajes). Marami na ring salitang Ingles na nakapasok na sa ating
bokabularyo gaya ng balota (ballot), kompyuter (computer), istambay (standby), disk (disc), disket
(diskette), rali (rally), at iba pa. Gayon din, may mga salitang katutubo naman na nakapasok na sa lngles
tulad ng boondock (bundok), balut, at tao.
Lexical borrowing are needed technical nomenclature, ayon kay Fishman (1989).
Nangangahulugan na kailangang manghiram ng isang wika, lalo na ng gaya ng Filipino na nasa proseso
ng patuloy na pagpapaunlad nito, upang maging ganap ang kakayahan nitong maipahaya8 ang mga
modernong konseptong hindi taal sa bansa. Ang mga konseptong siyentipiko at teknikal ay mga
kaisipang kanluranin sa pangkalahatan. Upang maging 8anap ang integrasyon ng mga konseptong ito sa
Filipino, kailangang hiramin ang mga simbolong nagrerepresenta rito- simbolong leksikal o semantikal.
Sa simula ay dayuhang-dayuhan ang pagpasok ng mga salitang it0, ngunit sa katagalan ng paggamit,
naasimila ito, naaadap at nagiging bahagi na ito ng wikang Filipino. Sa katunayan, inari na nga ring
salitang Filipino ang mga hiram na salitang ito.
PAG-AARAL NG GRAMATIKA
Linggwistika ang sangay ng siyensya na umaaral sa wika ng tao. Ang isang linggwista (taong nag-
aaral ng linggwistika) ay nagbubuhos ng malaking oras upang magkaroon ng sapat na kabatiran tungkol
sa iba't ibang katangian ng wika ng tao maging ang paraan ng paggamit nito, impluwensya ng paggamit o
resulta ng paggamit. Maaaring utang natin sa mga naunang linggwista ang karunungang nalalaman ng
tao sa kasalukuyan tungkol sa wika. May kabatiran nang nakikilala ngayon tulad ng mga teoryang
nagpapaliwanag sa iba't ibang katangian o kalikasan ng wikang ginagamit ng tao araw-araw.
Isa sa mga mahahalagang pag-aaral sa linggwistika ay ang tinatawag na gramatika o gramar. Ito
an6 pag-aaral na tumutukoy sa mga tuntunin sa paggamit ng wika. Ang set ng mga tuntunin sa isang
partikular na wika ay tinatawag na gramar ng wikang iyon. Bagamat hindi nagiging mainit ang patanggap
ng tao sa gramar ng kanyang sariling wika, nagiging mahalaga naman ang isang gramar upang
maunawaan at matutunan ang paggamit ng ibang wika. Hindi ibig sabihin dito na walang halaga sa tao
ang gramar ng kanyang sariling wika. Lalong pinahuhusay ang paggamit ng wika ng kaalaman sa gramar
nito kahit pa nga matatas na siyang magsalita sa wikang ito.
Ang Filipino bilang isang buháy at dinamikong wika ay kailangang may gramar. Bunga ng
linguistic convergence ang linggwa franka at pambansang wika ng Pilipinas. Pagsasama-sama ito ng
wikang batay sa Tagalog (lalo na sa Tagalog ng Kamaynilaan), mga pangunahing wika, mga etnikong
wika, at dayuhang wika na umiiral sa bansa. Dahil dito, nangangailangan ng mapagbabatayang gramar
ang ang wikang ito bilang sanggunian ng mga kaalaman tungkol sa Filipino at tuntunin sa pageamit nito.