Substitution Letter

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pebrero 26, 2021

Dear Ma’am Rocelle:

Ang mga nakatala sa ibaba ay ang mga inaasahang mangyayari sa loob ng klase :

a. Panalangin at Paghahanda ng Sarili para sa Sesyon

b. Pagbibigay ng gawain sa mga mag-aaral

Note: Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng 25-30 minuto para sagutan ang nasabing gawain. Ang
kanilang mga sagot na isusulat nila sa isang pirasong papel ay aming tatalakayin sa susunod na
sesyon.

PAGKILALA SA NILALAMAN NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO:

Panuto: Matapos makilala ang mga pangangailangan, problema o suliranin, sumulat ka na ng


Panimula sa Panukalang Proyekto –Tinatawag ito ng sulatin na “Pagpapahayag ng Suliranin”.
Tunghayan ang halimbawang nakatala sa ibaba.

Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite.
Ito ay nananatiling pamayanang agrikultural bagamat unti-unti na ring nagsusulputan ang mga
pabrika sa lugar na ito.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha
tuwing panahon ng tag-ualn Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng
pagkasira ng kanilang mga bahay ,kagamitan,at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng
pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.

Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na
pagapaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang
mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng
mga lupa sa tabing ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon
para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Gawain: Kilalanin ang nilalaman ng panukalang proyekto sa ibinibigay ng halimbawa sa


itaas. Isulat ito sa sagutang papel.
A.Maikling paglalarawan ng pamayanan:
B.Suliraning naranasan nito
C.Pangangailangan upang masolusyunan ang nabanggit na suliranin:
D. Benepisyo o mga kabutihang dulot

Karagdagan dito, nawa’y huwag pong kalimutan ang pag download ng kanilang
attendance. Maraming salamat po sa pagtanggap ng special arrangement na ito.

Lubos na nagagalak,

BB. JADE MARIE G. SORILLA


Guro sa Fil Akad

You might also like