Dahil bukas ang Eksistensyalismo sa mga posibilidad,
posibleng maraming magkakatunggaling direkyon ang puntahan ng pananaw na ito. Isang direksyon ay ang theistic o paniniwalang may Diyos o isang makapangyarihang nilalang na nag-uugnay sa lahat ng nilalang. Maaari rin naming ang puntahan ng Eksistensyalismo ay ang atheistic o ang paniniwalang ang tao ay may walang hanggang kalayaan. Kung kaya, hindi na niya kailangan pa ang tulong mula sa anumang Diyos o sa isang makapangyarihang nilalang. Kaya niyang mabuhay sa kanyang sarili lamang.