Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

FILIPINO 9

Ikalawang Markahan

Aralin 2.2 Pabula(Pagklino ng salita/Paraan ng Pagpapahayag ng Damdamin)


Alamin

Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto:
a. Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o damdamin.
(F9PT-IIc-46)
b. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.
(F9WG-IIc-48)

Subukin

Panuto: Tukuyin alin sa mga grupo ng salita ang naiiba ayon sa


pagpapasidhi ng damdamin. Isulat ang bilang ng tamang sagot sa
notebook.

________1. a. hinagpis b. lungkot c. galak d. lumbay


________2. a. galit b. pighati c. suklam d. inis
________3. a. pagkawala b. pagkaubos c. pagkasaid d. pagkasagad
________4. a. nanginginig b. ninerbiyos c. natatakot d. nauutal
________5. a. magulo b. makulit c. maingay d. magala

Balikan

Ang pabula ay kwento na may mga tauhang ginagampanan ng hayop na


kumikilos, nagsasalita at nag
-iisip na tulad ng tao. Habang lumilibang sa mga
mambabasa.

Sa iyong palagay paano nasasalamin sa pabula


g kulturang
n pinapakita ng
bansang pinagmulan nito? Ipaliwanag ang sagot sa inyong sagutang papel.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang maikling diskusyon sa pabula. Sagutan ang nakalaang


tanong sa ibaba.
“Halika, Peles Dilis, maglaro tayo at magbilad tayo sa araw upang pumula
at kuminis ang ating kutis, “yaya ni Mon Hipon.
“Maganda nga ang sikat ng araw. Mabuti naman at makapagpahinga tayo.” Dahil
sa tindi ng sikat ng araw ay madaling namula si Mon Hipon, gaya ng kanyang
sinabi ay gumanda ang kanyang kutis.
“Nakita mo na, Peles, kay ganda ng aking kutis!”
Subalit hindi ganoon ang nangyari kay Peles. Natuyo at napaso ang
kanyang balat sapagkat hindi siya sanay magbilad sa araw.
“Aray! Ang hapdi ng balat ko,” daing ni Peles. Tuwang-tuwa si Mon sa
nakita sa kalaro. Alam ni Mon na ganito ang mangyayari sapagkat lubhang
manipis ang balat ng dilis.
“Kandungan ka ba naman, alam mo namang sa kabilugan lang ng buwan
kayo lumulutang ay bakit naniwala ka na sa araw ay makikinabang ka.”

Tanong:

1. Anong aral ang naibigay ni Peles Dilis sa inyo?


2. Makakatulong kaya ang paggamit ng mga salita ayon sa tindi ng pagpapahayag
upang lubusang mahikayat ang isang tao sa isang argumento?

Suriin

Basahin at unawain. Kopyahin sa inyong notebook.

Ang Klino ay ang pagkakasunod-sunod o kaayusan ng mga salita ukol sa


tindi ng emosyon na ipinahihiwatig ng bawat salita.

Halimbawa: Hindi maaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi


ka lamang.

Kung iaantas natin ang mga sumusunod na salitang magkakatulad sa kahulugan


na magkaiba naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging
maayos nila.

Hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

1. Mga Pangungusap na Padamdam- pangungusap na nagpapahayag ng matinding


damdamin o emosyon at ginagamitan ng bantas na tandang padamdam

Halimbawa: Ay, nandyan na ang mabangis na tigre!

2. Maiikling Sambitla- iisahan o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng


matinding damdamin.
Halimbawa: Yehey! Naku! Huwag! Lagot!

3. Pangungusap na Nagsasad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao


- nagpapahayag ito ng damdamin gaya ng galit, tuwa, lungkot, inis o gigil

4. Pangungusap na Pagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan

Halimbawa: Isa kang anghel sa langit (Kahulugan: Mabait at mabuti ang tao)

Pagyamanin
Panuto: Tukuyin kung anong paraan ng pagpapahayag ng emosyon o
damdamin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

A- Mga pangungusap na padamdam


B- Maikling Sambitla
C- Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o saloobin ng isang
tao
D- Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diretsahang
paraan

______1. Naku!
______2. Mukhang may damit pang mas bagay sayo kaysa sa suot mo.
______3. Masya ako sa aking narinig.
______4. Wow! Ang ganda ng tanawin.
______5. Labis akong nagulat sa mga pangyayari.

Isaisip
Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin.
Hindi maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang malawak na
kahulugan, magkakaiba naman ang tindi ng ipinapahayag nito, lalo na kapag
ginamit na sa pangungusap. Pagkiklino ang tawag sa pagsasaayos ng mga salita
ayon sa pagpapakahulugan ng mga ito.

Maraming emosyon o damdamin tayong nararamdaman habang binabasa


ang pabula. Maaaring hindi pare-pareho sapagkat iba-iba naman ang pananaw
ng tao. Mayroon ding iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon upang
epektibo nating maipahayag ang ating nararamdaman at ito ay ang sumusunod:
Mga pangungusap na Padamdam, Maikling Sambitla, Mga Pangungusap na
nagsasaad ng tiyak na damdamin at Mga pangungusap na pagpapahiwatug ng
damdamin sa hindi tuwirang paraan.
Isagawa
Panuto: Iantas ang mga salita batay sa tindi ng emosyon. kopyahin at ilagay
ang salita sa bawat baitang.

Halimbawa: Hagulgol
Iyak
Nguyngoy
Hikbi

1. Nangingibabaw, Namayagpag, Naghari, Namayani


2. Paghanga, Pagliyag, Pagsinta, Pagmamahal
3. Gahaman, Ganid, Damot, Sakim
4. Paghamak, Pag-apiI, Pagkutya, Pag-alimura
5. Daplis, Hiwa, Saksak, Galo

Tayahin
Panuto: Sumulat ng isang diyalogo sa pagitan ng dalawang hayop na nag-
uusap tungkol sa kanilang kalagayan, pagmamalupit, pagkakaubos sa panahong
ito.
Gagamit ang mga hayop ng mga pahayag na nagpapakita ng iba’t ibang
emosyon o damdamin. Ano-ano kayang damdamin ang ihahayag nila? Ilalahad
sa diyalogo.
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng isang hayop na nagustuhan mo, at ipahayag ang iyong


damdamin gamit ang paraan sa pagpapahayag ng damdamin kung ikaw sa
katayuan ng hayop na ito tungkol sa kapabayaan,pag-aabuso sa lipunan ngayon.
Iguhit ito sa isang buong papel.

FILIPINO 9 Ikalawang Markahan

Sanaysay
“Kababaihan”
Aralin 3.1 Sanaysay at Uri ng Sanaysay
Mga Salitang Di Lantad ang Kahulugan

Alamin
Pamantayan sa Pagkatuto:
a. Naipapaliwanag ang mga pananaw ng may-akda tungkol sa paksa
batay sa napakinggan. (F9PN-IId-47)
b. Naipapaliwanag ang mga: kaisipan, layunin, paksa; at paraan ng
pagkakabuo ng sanaysay. (F9PB-IId-47)
c. Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa
konteksto ng pangungusap. (F9PT-IId-47)
d. Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa
kanyang mga saloobin o opinyon sa isang talumpati. (F9PD-IId-47)

Magandang araw! Nagagalak kaming mabalitaang napagtagumpayan


ninyo ang mga nauanang aralin. Halina’t dagdagan naman natin ng panibagong
kaalaman sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong oras sa pagbasa at
pagsagot ng modyul na ito tungkol sa sanaysay. Gawing makabuluhan at kapaki-
pakinabang ang bawat araw ng buhay.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Tukuyin at


piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Isang uri ng akdang pampanitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na


maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook,
pangyayari, bagay at guni-guni.
a. Maikling Kuwento b. Dula c. Pabula d. Sanaysay

2. Tawag sa manunulat ng sanaysay.


a. editor b. mananaysay c. kwentista d. nobelista

3. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga topikong karaniwan, personal at


pangaraw-araw na kasiya-siya o mapang-aliw para sa mga mambabasa.
a. pormal b. di-pormal c. karaniwan d. di-karaniwan

Balikan

Panuto: Upang tiyakin ang paunang kaalaman mo sa aralin noong nakaraang


linggo, sagutan ang mahalagang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Mga Mahalagang
Tanong 1. Ano ang
pabula?
2. Magtala ng dalawang aral na nakuha mula sa pabulang binasa.

Tuklasin
Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong halaw kay
Daniel Yam mula sa bansang Singapore.
“Kababaihan”
nina Maria Monica Nofuente at Regie Faith Malaca

Ayon sa Bibliya partikular sa aklat ng Genesis, ang babae ay nilikha mula


sa tadyang ng lalaki. Sila raw ay may katangiang mahihina, lampa at laging
sunudsunuran sa mga lalaki. Sa ngayong panahon, ano-ano nga ba ang
katayuan ng mga kababaihan sa ating lipunan? Sino nga ba sila sa buhay ng
bawat tao?
Sa isang pamilya, iba-iba ang gampanin na binibigyang buhay ng bawat babae.
Ate, Tita, Nanay at Lola. Sila ang bumubuo ng pamilya na sa tingin ng iba ay may
mababang katungkulan bilang tagapag-alaga, tagapagturo, tagapag-asikaso, at
iba pa.
Pero hindi alam ng lahat na ang mga babae ay kayang gawin ang
anumang gawaing na ginagawa ng mga lalaki katulad ng pagkakarpentero,
pagiging magsasaka, tubero, pulis, direktor ng pelikula at arkitektor.
Masasabi natin na ang mga babae ay hindi mahihina, lampa o walang
magagawa sa ating lipunan. Sa kasalukuyang panahon, napatunayan na ng mga
kababaihan na kaya nilang pantayan o mahihigitan pa ang mga gampanin ng
mga kalalakihan. Isang halimbawa ay ang ilaw ng tahanan na noo’y simpleng
maybahay lamang at taga-asikaso ng mga anak ngunit ngayon sila na ang
naghahanap buhay para sa pamilya.
Ginagalang pa ba ang karapatan ng mga kababaihan? Kung karapatan
ang pag-uusapan lingid sa kaalaman ng lahat ang mga pang-aabuso at
diskriminasyong nararanasan ng mga kababaihan. Kung kaya, may ginawang
mga batas ang pamahalaan para matigil ang mga pang-aabuso.
Ayon sa batas na RA 9262 o Anti-violence Act Against Women and Their
Children, tumutugon ito sa pang-aabuso sa mga kababaihan at mga kabataan o
ang kanilang mga anak. Ang RA 6725 ito naman ay para maiwasan ang
diskriminasyon sa mga babae. Ang mga batas na ito ay isang paraan para ma
protektahan ang mga kababaihan sa mga karanasang kagaya nito.
Kung gayon, tunay ngang nagbago na ang kalagayan ng mga kababaihan
sa ating lipunan. Hindi sila basta-basta lang sapagkat marami ang kanilang
naiaambag sa lipunan. Laging tandaan na lahat ng tao sa mundo ay may pantay-
pantay na karapatan.

Suriin
Basahin at kopyahin sa iyong notebook.

Ang sanaysay ay isang uri ng akdang pampanitikan na nasusulat sa anyong


tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao,
hayop, pook, pangyayari, bagay at guni-guni. Ito ay mula sa dalawang salitang
“sanay” at “pagsasalaysay”. Sa pagsulat ng sanaysay, nararapat na magpokus sa
isang paksa lamang at maghanda ng balangkas upang magkaroon ng kaisahan
ang daloy ng mga kaisipan. Tinatawag na mananaysay ang manunulat ng
sanaysay.
Mayroong dalawang uri ang sanaysay, ito ay ang pormal at di-pormal. Ang
pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at
nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunwa sa paksa.
Samantala ang di-pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga paksang magaan,
karaniwan, pang-araw-araw at personal. Karaniwang nagtataglay ng opinyon,
kuro-kuro at paglalarawan ng isang may-akda.

Pagyamanin

Panuto: Upang lubos na maunawaan ang kuwento. Tukuyin ang kaisipan,


layunin, at paksa ng binasang sanaysay. Ipaliwanag ang pananaw ng may-akda
tungkol sa kababaihan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Gayahin ang
pormat at isulat sa loob ng kahon.

Deskripsyon Paliwanag
Layunin
Kaisipan
Paksa

Isaisip

Ang sanaysay ay isang uri ng akdang pampanitikan na nasusulat sa anyong


tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao,
hayop, pook, pangyayari, bagay at guni-guni.

Isang halimbawa nito ay ang binasang akdang pinamagatang “Kababaihan”


tungkol sa pananaw ng may-akda na tumatalakay sa mga gampanin,
katungkulan, at estado nila sa lipunan. Ginamitan ito ng mga salitang di lantad
ang kahulagan batay sa konteksto ng pangungusap.

Isagawa
Panuto: Batay sa sanaysay, bigyang puna ang paraan ng pagsasalita ng may
akda. Pagkatapos, isulat ang iyong paninindigan na maaaring saloobin o opinion
tungkol sa sanaysay sa loob ng isang talata. Isulat ang sagot sa iyong notebook
gamit ang pormat sa ibaba. Sundan ang rubrik sa ibaba.
Rubrik sa Pagwawasto

Puntos Pamantayan
10 Mahusay na nabigyang puna at malinaw na naipahayag ang
paninindigan sa sanaysay.
8 May kaunting kakulangan sa pagbibigay ng puna at katamtaman lamang
ang naipahayag na paninindigan sa sanaysay.
6 Hindi gaanong malinaw ang punang naibigay at hindi gaanong
napanindigan ang saloobin o opinyon sa sanaysay.
4 Hindi nabigyang puna ang at hindi nagbahagi ng saloobin o opinyon sa
sanaysay.

Tayahin

Panuto: Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang di lantad,


ipaliwanag ito batay sa konteksto ng pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel..

1. Iba-iba ang gampanin na binibigyang buhay ng bawat babae.


2. Pinagtutuonang pansin pa ba ang karapatan ng mga kababaihan?
3. Mahihina ang kalooban ng mga kababaihan.
4. Ang mga kababaihan ay sinasabing may mababang katungkulan sa lipunan.
5. Nagbabago ang kalagayan ng mga kababaihan sa kasalukuyang panahon.

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik ng isa pang halimbawa ng sanaysay tungkol sa


napapanahong iysu at ipaliwanag ang pananaw ng may akda tungkol sa paksa.
Gayahin ang pormat sa ibaba.

Pamagat ng Sanaysay Pananaw ng May-akda


FILIPINO 9 Ikalawang Markahan

Sanaysay
Aralin 3.2 “Covid 2019”
Sanaysay at Pangatnig

Alamin
Pamantayan sa Pagkatuto:

a. Naipahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa


talumpating nagpapahayag ng matibay na paninidigan. (F9PS-IId-49)
b. Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa lipunang
Asya. (F9PU-IId-49)
c. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay
na paninindigan at mungkahi. (F9WG-IId-49)

Magandang araw mga bata! Kumusta na? Batid naming matagumpay mong
naisagawa ang mga naunang modyul. Halina’t dagdagan naman natin ng
panibagong kaalaman sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong oras sa
pagbasa at pagsagot ng mga aralin tungkol sa sanaysay. Gawing makabuluhan
at kapakipakinabang ang bawat araw ng buhay.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Tukuyin at


piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay.


a. Pangatnig b. Pang-ugnay c. Panghalip d. Pang-angkop

2. Si Leni ay matulungin sa bahay _____ sa paaralan.


a. kahit b. kung c. at d. dahil
sa
3. Si Ben ay makulit _____ matalinong bata.
a. ngunit b. o c. kaya d.
maging

Balikan

Panuto: Upang tiyakin ang paunang kaalaman mo sa aralin noong nakaraang


linggo, sagutan ang mahalagang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Mga Mahalagang Tanong:

1. Ano ang sanaysay?


2. Ano ang pinapaksa ng binasang sanaysay sa nagdaang modyul?

Tuklasin
Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong halaw kay Daniel Yam
mula sa bansang Singapore.

“Covid 2019”
nina Maria Monica Nofuente at Regie Faith Malaca

Buwan ng Marso nang mabalitaan nating ang masamang dulot ng


Coronavirus Disease 2019 o mas kilala sa tawag na Covid-19 Pandemic. Halong
takot, pangamba at pighati ang nadarama nating mga mamamayan dito sa
Pilipinas maging sa ibang bansa. Libo-libo ang nakaramdam ng iba’t ibang
sintomas nito ngunit karamihan ay pinagpalang malampasan at makaligtas
samantala ang iba naman ay kamatayan ang kinahantungan. Nakakalungkot
isipin bagaman wala ni isa ang nakapaghanda kahit ang pamahalaan sa
pandemya. Biglaang pagsara ng samu’t saring negosyo, walang pasok, agarang
pagtaas ng mga bilihing dati’y hindi naman binibigyanhg pansin, at higit sa lahat
katahimikan sa bawat daang dati ay nagiging lugar ng pagkakakitaan ng mga
kapos at mahihirap.
Sa pagtuloy na pagtaas-baba ng kaso, itinaguriang namumuhay na tayo
sa bagong normal. Ngunit, ano-ano nga ba ang maaari nating gawin sa gitna ng
pandemyang kinakaharap natin? Una, pagkakaroon ng bagong pananaw. Ang
pandemyang nararanasan ng mundo’y isang napakalaking hamon para sa lahat.
Ito ay isang kaparaanan ng Poong Maykapal para balikan ang uri ng pamumuhay
na mayroon tayo noon. Pinaranas sa atin ang biglaang pagnakaw ng masaganag
buhay na kinagisnan natin. Ngayon, nanatili tayong kuntento sa anumang
nakahain sa hapag dahil sa limitadong labas-masok ng kapamilya para bilhin ang
pangunahing pangangailagan natin. Nabigyan natin ng pagpapahalaga ang
kaniya-kaniyang buhay, pamumuhay at pamilya. Bakit hindi nating subukang
anyayahan ang Panginoon na maging sandalan natin ngayong ang lahat sa
paligid natin ay walang wala? Pangalawa, oportunidad. Mukhang naging abala na
tayo sa mga iba’t ibang gawaing patok sa gusto natin. Sa gitna ng pandemya,
hindi natin namamalayan na napapalayo na pala tayo sa Panginoon. Sa
pagsubok na ito, natuto tayong magbalik loob sa Maykapal sa pamamagitan ng
mataimtim na panalangin at umaasang malampasan natin ang hamong ito.
Nagiging bukas tayo sa pagbabahagi ng katapatan ng Panginoon sa loob ng
halos pitong buwan sa mga buhay natin. Karapat-dapat Siyang bigyang puri sa
lahat ng ginawa niya sa atin. Panghuli, pahinga. Noon pa ma’y, kaliwa’t kanan
ang pagrereklamo sa pag-aaral at trabaho na tayo ay pagod. Napapagal tayo sa
mga gawaing hindi matapos-tapos dahil sa kakulangan ng oras at panahon.
Ngayon, marami tayong oras na bigyang pansin ang mga bagay na mahalaga at
nasimulan na gaya ng pagsisimba.
Napapabayaan na natin ang ating mga sarili, kalusugan, mga mahal sa
buhay at relasyon sa Poong Maykapal. Nakukuha na lamang ang lahat nang
madalian. Tila ang bawat pagkakataon ay ipinagkait na rin.
Anumang ang nararanasan natin ngayon huwag tayong mawalan ng pag-
asa. Tandaan lamang nating nariyan ang Poong Maykapal na kaagapay natin at
mapaghuhugutan ng lakas sa anumang hamon at laban. Patuloy nating
pangalagaan ang kalusugan at manalangin. Sama-sama nating lampasan ang
banta ng Covid-19.

Suriin

Basahin at kopyahin sa iyong notebook.

Pangatnig ay tawag sa mga katagang o salitang nag-uugnay ng dalawang salita,


parirala o sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap. Ilan sa mga halimbawa
nito ay ang saka, samantala (pantuwang) kaya, dahil sa (pananhi) o, at
(pamukod) habang, ngunit (manalungat). Karagdagang halimbawa nito ay
maging, subalit, sa lahat ng ito, kung gayon, datapwat, kahit, bagaman.

Pagyamanin
Panuto: Upang lubos na maunawaan ang kuwento. Basahin at pumili ng isa sa
mga sumusunod na paksa kaugnay sa Covid-19 na susulatan mo ng argumento.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat at isulat sa loob
ng kahon.

Mga Paksa:

1. Pagbibigay ayuda ng Gobyerno sa mga naapekuhan ng pandemya


2. Pagpapatupad ng lockdown sa mga lugar na may positibong kaso
3. Edukasyon sa New Normal

Paksa Argumento

Isaisip

Pangatnig ay tawag sa mga katagang o salitang nag-uugnay ng dalawang


salita, parirala o sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap. Sa pagsulat ng
sanaysay, gumagamit ng mga pangatnig sa pagbibigay ng opinyon, matibay
paninindigan at mungkahi upang malinaw na mailahad ang mga kaisipan.

Isagawa

Panuto: Batay sa pagpipiliang paksa, ipahayag ang inyong sariling pananaw


sa pamamagitan ng pagbuo ng isa hanggang dalawang talatang nagpapahayag
ng matibay na paninindigan. Isulat ang sagot sa iyong notebook. Sundan ang
rubrik sa ibaba.

Mga Paksa:

1. Pagbibigay ayuda ng Gobyerno sa mga naapekuhan ng pandemya


2. Pagpapatupad ng lockdown sa mga lugar na may positibong kaso
3. Edukasyon sa New Normal

Rubrik sa Pagwawasto

Puntos Pamantayan
10 Mahusay na nabigyang pananaw at malinaw na naipahayag ang
paninindigan sa sanaysay.
8 May kaunting kakulangan sa pagbibigay ng pananaw at katamtaman
lamang ang naipahayag na paninindigan sa sanaysay.
6 Hindi gaanong malinaw ang pananaw na naibigay at hindi gaanong
napanindigan ang saloobin o opinyon sa sanaysay.
4 Hindi nabigyang pananaw ang at hindi nagbahagi ng saloobin o opinyon
sa sanaysay.

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang angkop na pangatnig sa bawat pangungusap. Kopyahin


at salungguhitan ang tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Maraming mamamayan ang naapektuhan (dahil sa, maging) banta ng Covid-19.


2. Lahat ng mga gusali, palengke (o, at) paaralan ay isinara.
3. Nanatili sa loob ng bahay ang mga bata at matatanda (ngunit, upang) matigil ang
paglaganap ng virus.
4. Inaasahang magpa-konsulta sa doktor (kapag, sapagkat) may naramdamang
mga sintomas ng Covid.
5.Ginawa na ng pamahalaan ang lahat (subalit, habang) kailangan din ng
kooperasyon ng bawat mamamayan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay hinggil sa napapanahong isyu (maaaring


sariling karanasan) na ginagamitan ng pangatnig sa pagpapahayag ng inyong
sariling opinyon o pananaw. Bumuo ng isa hanggang dalawang talata na may
sampung pangatnig at salungguhitan ito. Sundan ang rubrik sa bahaging Isagawa at
isulat ito sa inyong sagutang papel.

Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang mga gawain. Puwede ka
nang magsimula sa susunod na aralin.

You might also like