Pandemya Nga Ba Ang Kalaban

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANDEMYA: HAMON SA EDUKASYON

Sabi nga ng nakararami, Walang permanente sa mundo, maliban sa


pagbabago, tama iyon. Tayong lahat ay nakakaranas na nito at masasabi
natin na ito’y hindi madali, lalo na kung tayo ay hindi handa. Isang
halimbawa nito ay ang “Online Classes” na kung saan madami itong
naapektuhan lalo na ang ating mga kabataan. Tayo nga ba ay naging
handa para dito? O ginawa lamang ito upang hindi mapag iwanan ang
mga mag-aaral ng kasalukuyan? Kung gayon Halina’t ating makinig sa
aking talumpati.
Masasabi natin na isa sa talagang naapektuhan ng pandemyang ito
ay ang nasa sektor ng Edukasyon, Bakit nga ba? Yan ang tanong ng
nakakarami sa atin ngayon. Tayo’y magsimula sa antas ng elementarya
at sekondarya. Alam kong hindi lang ako, kundi marami sa atin ditto lalo
na ang ating mga magulang ay nakita ang pagkakamali sa mga nilalaman
ng mga materyales na pam-pagkatuto na ginawa ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito’y nakapagtataka sapagkat bihasa ang mga gurong
gumawa nito. Marahil ito ay dulot ng pagmamadali na nagbunga ng
maraming pagkakamali sa mga nasabing materyal pang-edukasyon.
Ngunit hindi naman natin sila masisisi sapagkat sila din ay hindi handa
sa pangyayaring kinakaharap ng ating mundo.
Dumako naman tayo sa antas kolehiyo, sa pagkakaroon ng Online
Classes marami satin ang, nalugmok, nahirapan, nalungkot at yung iba
nga’y inatake pa ng depresyon, dahil lingid sa kaalaman ng lahat na
karaniwan sa ating mga kababayan ay mahihirap lamang o isang kahid
isang tuka, at hindi kayang makisabay sa pagbabagong nagaganap lalo
sa usapang pang edukasyon. Dugo at pawis ang binubuhos ng ating mga
magulang maitaguyod lamang ang ating pamilya sa panahon ng
kalamidad na ito, dagdag pasanin pa sa kanilang mga butas na bulsa ang
mga pangangailangan nating pang teknolohikal para lang makasabay sa
pagbabagong nagaganap.
Kung pagsama-samahin natin lahat, masasabi nating maraming
pamilyang Pilipino ang tila bang tinakluban ng langit at lupa dahil sa
hirap ng buhay sa kasalukuyang panahon. Maraming mga kabataang
tinapos ang kanilang buhay, sa pag-aakalang makagagaan ito sa dalahing
pampinansyal ng kanilang pamilya at sa pag aakalang makatatakas sila
sa kanilang mga suliranin. Ang iba nama’y hindi kinakaya ang bagong
sistema ng edukasyon kung kaya’t sila’y hindi na nagpatuloy sakanilang
pag-aaral, sapagkat ito ay ibang-iba sa ating nakasanayan. Dito makikita
na hindi handa ang Pilipinas sa ganitong pagbabago, dahil hindi pantay
ang pinansyal na kapasidad ng bawat pamilya sa ating bansa. .
Nakalulungkot ngunit yan ang totoo, yan ang realidad ng ating buhay sa
kasalukuyan.
Hindi man pantay ang antas ng ating pamumuhay, marapat lamang
na manatili paring pantay ang ating mga Karapatan, isa na dito ang
Karapatan nating mga kabataan para sa maayos na edukasyon.
Pagbibigay ng tulong pinansyal, at ang pag-organisa ng “mental health
assistance centers”, ay ilan lamang sa maaaring gawin ng gobyerno
upang maitawid ang mga Pilipino sa gitna ng delubyong ating
kinahaharap.
Sa pagtatapos ng aking talumpati, nais kong ikintal sa isip at puso
ng bawat isa na naririto, na ang paghihirap na ating dinaranas ngayon, ay
hindi sala ng administrasyon, hindi rin ng mga mamamayan nito. Isa
lang naman ang kailangan nating gawin upang magkaroon ng
pagkakaisa ang lahat ng mamamayan, RESPETO at
PAGMAMAHALAN yan ang ating pairalan sa ating mga sarili. Sana’y
atin ng itigil ang pagtuturo at pag-baling ng galit sa isa’t isa. Pagkat
hindi pandemya ang sisira sa ating ating lahat, kundi ang galit, inggit, at
paninira sa ating kapwa yan ang tatapos sa ating lahat. Kung kaya’t sa
pagtatapos ng aking talumpati nais ko lamang mag iwan ng katanungan
para sa inyong lahat, upang ito’y maging daan sa lalong pagbukas ng
ating isipan at puso sa panahong ito, tama bang PANDEMYA NGA BA
ANG ATING KALABAN? Yan ang katanungang ating pag nilaynilayan
sa araw na ito.

You might also like