Professional Documents
Culture Documents
Filipino6 Week1 Q4
Filipino6 Week1 Q4
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayang Pagganap Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang pagbigkas,
reader’s theatre o dula-dulaan
C. Kasanayang sa Pagkatuto Nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng
pananalita (F6WG-IVb-i-10)
II. PAKSA Paggawa ng Patalastas at Usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita
A. Sanggunian Pinagyamang Pluma 6 (ni Emily V. Marasigan at Louie C. Tesalona) pahina
374-406
B. Kagamitang Instruksyunal kuwento
III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
Ikaw ay mahigit nang anim na taong nag-aaral. May iba’t iba ka nang pamamaraan upang gawin ang iyong tungkulin
bilang isang mag-aaral. Ibahagi mo ito sa upang makahikayat ka pa ng iba tungkol sa pagpapabuti ng pag-aaral.
Monching
Kilalang-kilala ng lahat ang kababata kong si Monching hindi lamang dahil sa naging pangulo siya ng ating bansa
kundi dahil sa uri ng kanyang pamumuno. Bata pa’y kinakitaan ko na siya ng pagmamalasakit sa kapwa, lalo na sa oras
ng kagipitan.
Mga paslit pa lamang kami ni Monching ay alam ko nang darating ang araw na magiging isa siyang mahusay na
pinuno.
Magkababata kami at magkaklase sa ikaanim na Baitang. Hindi ko malilimutan ang ginawa niyang pagtatanggol sa
mahihina. Di miminsang kinakitaan ko siya ng kababaang-loob at pagtutol sa pagsasamantala sa kahinaan ng mga bata.
Ilang araw na noong liban sa klase si Eugenio. Siya ay aming kaklase at kaibigan. Kung nag-aalala ang aming guro sa
maaaring nangyari sa kanya ay higit ang nakikita kong pagkabalisa ni Monching. Si Eugenio kasi ay napalapit na sa
kanyang puso dahilmsa mabuti nitong ugali- tapat, masipag, matulungin, at marunong umunawa sa nangyayari sa
kanyang buhay.
“Iyan ang pag-uugali ng tunay na lalaki,” wika ni Monching patungkol kay Eugenio na minsa’y nabanggit niya sa akin.
“Wala siyang katiting na hinanakit sa kanyang kapalaran. Marunong din siyang tumanggap ng kabiguan sa buhay,”
dugtong pa niya. Ulila na kasi si Eugenio sa ina. Kawaksi siya ng ama sa trabahong bukid sa murang edad na
labindalawa.
KInabukasa’y wala pa rin si Eugenio. Ang ipinagtataka ko’y di rin pumasok si Monching. Lumakas ang aking kutob.
Ipinasiya kong kalahating araw lamang pumasok upang puntahan ang dalawa kong kaibigan. Malakas ang hinala kong
pinuntahan ni Monching si Eugenio.
Di nga ako nagkamali. Dinantnan ko si Monching sa bahay ng aming kaibigan. Kausap niya ang mag-ama nang ako’y
pumasok. May halong pakiusap na sinabi ni Monching sa matanda; “Higit pa po sa inyong aanihin ngayong anihan ang
magiging bunga ng kinabukasan ni Eugenio kung ipagpapatuloy niya ang pag-aaral…”
Mahaba pa ang kanilang pinag-usapan habang kami ni Eugenio ay nagkasya na lamang sa pakikinig.
Nakita naming tumango-tango ang ama ni Eugenio saw akas. Marahil ay napagtatantong di dapat patigilin sa pag-
aaral ang anak.
“Dito na kayo maghapunan. Naghanda ng masarap na ulam si Tatay,” sa mahininang tinig na alok ni Eugenio nang
kami’y magpasiyang tumayo upang mamaalam. Marahang tapik sa balikat ang naging tugon ni Monching kay Eugenio.
“Hinihintay na ako sa bahay nina Itay at Inay. Mag-oorasyon na. Salamat na lamang,” tugon ni Monching.
Mangiyak-ngiyak na hinatid kami palabas ng bahay ni Eugenio. Bakas sa kanyang mukha ang pasasalamat.
Hanay A Hanay B
Tama ang sagot mo kung simuno ang isinulat mo sa inang tanong. Ang Monching ay isang pangngalan. Ang siya
naman ay isang panghalip. Ang may salungguhit sa hanay B ay panaguri. Pang-uri ang maalalahanin at pandiwa naman
ang tumutulong.
Himayin naman natin ngayon kung anong bahagi ng pananalita ang maaaring gamiting simuno at panaguri sa
pangungusap.
Ang simuno ay bahaging nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ang payak na simuno ay
nag-iisang pangngalan o panghalip lamang. Ang buong simuno ay binubuo ng pangngalan o panghalip at iba pang
salitang kasama nito. Ang pangngalan o panghalip ang pinakamahalagang simuno.
Halimbawa:
Kapeon ng masa si Ramon. (Pangngalan ang simuno)
Siya ay minahal ng mga Pilipino. (Panghalip ang simuno)
Ang panaguri naman ay nagsasabi tungkol sa simuno. Ang payak na panaguri ay maaaring pangngalan, pandiwa,
pang-uri, pang-abay, o panghalip. Ang buong panaguri ay binubuo ng pangngalan, pandiwa, pang-uri, o
panghalip at iba pang salitang kasama nito.
Halimbawa:
Si Monching ay bata. (Ngalan ang panaguri)
Mabuti at maalalahanin si Monching. (Pang-uri ang panaguri)
Siya ay tumutulong sa nangangailangn. (Pandiwa ang panaguri)
Ang mabuting kaibigan ay siya. (Panghalip ang panaguri)
F. Paglinang sa Kabihasnan
Bilugan ang payak na simuno sa pangungusap. Isulat sa patlang kung anong bahagi ng pananalita ang iyong binilugan.
H. Paglalahat ng Aralin
Ano-ano ang mga bahagi ng pananalita na iyong napag-aralan sa ating aralin?
Anong mga bahagi ng pananalita ang maaring gamitin bilang simuno?
An-anong bahagi ng pananalita ang maaari namang gamitin bilang panaguri?
I. Pagtataya ng Aralin
Bumuo ng isang patalastas o usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita na nanghihikayat na mapabuti ang pag-
aaral. (10 puntos)