Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Paaralan Dela Paz Norte Elementary School Baitang/Antas 6

Guro Ricca Lhynne G. Magpayo Asignatura Filipino


Linggo 2 Araw 1–2 Markahan Ikaapat na Markahan

Banghay Aralin sa FILIPINO 6

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayang Pagganap Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang pagbigkas,
reader’s theatre o dula-dulaan
C. Kasanayang sa Pagkatuto Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay (F6PT-IVb-j-14)
II. PAKSA Pagpapangkat ng mga salitang magkakaugnay
A. Sanggunian Landas sa Pagbasa 6 p. 47
B. Kagamitang Instruksyunal kuwento
III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
Ano-ano ang iyong napag-aralan noong nakaraang linggo?
Ano-ano ang mga bahagi ng pananalita ang iyong nagamit sa pagbuo mo ng usapan at patalastas?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Basahin ang mga salita at pagsama-samahin ang mga salitang sa iyong palagay ay magkakaugnay gamit ang isang
talaan.

Pako, bintana, rosas, martilyo, pintuan, santan, lagari, bubong, gumamela

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ngayong araw, mapapangkat mo ang mga salitang magkakaugnay.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1


Pinapangkat ang mga salitang magkakaugnay sa pamamagitan ng pagkakapareho ng katangian, hugis, kulay, anyo,
damdamin, gamit at iba pa.

Tignan mo ang halimbawa.

mansanas parihaba sala


pakwan tatsulok kusina
dalandan parisukat palikuran

Sa unang hanay ang mga salita ay magkakaugnay dahil ang mga ito ay magkakapareho na prutas.
Sa ikalawang hanay naman inugnay ang mga ito ayon sa hugis.
Sa ikatlong hanay ang mga salita ay magkakaugnay dahil ito ay mga lugar sa tahanan.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2


Piliin sa kahon ang mga salitang maaaring kasama sa pangkat.
tuwa: _________, ________, ___________
dusa:_________, ________, ____________
matikas _________, _________, _________
sayaw: ________,__________,__________
damihan: ______, __________, _________
magsigkab: _________, ________, ________
lipon: _________, _________, __________

galak ligaya magilas


mag-apoy lungkot pulutong
palabisan makisig lupon
dagdagan paso doble pangkat
pandango magliyab hirap
hinagpis mag-init tinikling
saya gawing marami magara

F. Paglinang sa Kabihasnan
Ibigay ang mga salitang kaugnay ng salita sa gitna.

pananim

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng Aralin
Paano ipinapangkat ang mga salitang magkakaugnay?
I. Pagtataya ng Aralin
Ibigay ang mga salitang kaugnay ng dalawang salitang nasa unahan.
1. dagat, lambat, ______, ______, _____
2. sapa, ilog, ______, ______, _____
3. bundok, burol, _______, ______, _____
4. lapis, aklat, ______, ______, ______
5. doctor, guro, ________, ______, ______

J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation


Ibigay ang mga salitang kaugnay ng salita sa gitna.

kalabaw
Paaralan Dela Paz Norte Elementary School Baitang/Antas 6
Guro Ricca Lhynne G. Magpayo Asignatura Filipino
Linggo 2 Araw 3–5 Markahan Ikaapat na Markahan

Banghay Aralin sa FILIPINO 6

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayang Pagganap Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang pagbigkas,
reader’s theatre o dula-dulaan
C. Kasanayang sa Pagkatuto Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita
isyu o usapan (F6PS-IVc-1)
II. PAKSA Pagpahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita
isyu o usapan
A. Sanggunian Alab Filipino 6
https://www.youtube.com/watch?v=i9JM2SvQqEg
https://smartbuildingsmagazine.com/features/iot-and-pollution-a-
breath-of-fresh-air
https://www.britannica.com/explore/savingearth/pollution-overview
http://flracaza10.blogspot.com/2018/03/kahirapan.html
https://dailylife.com/article/planting-trees-to-feed-your-soul
B. Kagamitang Instruksyunal
III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
Tignan mo ang mga larawan, isulat ang iyong saloobin tungkol dito.
1. 3.

___________ ____________

2. 4.

__________ ___________

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Mahilig ba kayong makinig ng mga balita o isyu?
Tuwing nakaririnig ka ng balita o isyu tungkol sa pagkalat ng sakit na COVID-19 sa ating bansa ano ang iyong nagiging
saloobin? _______________________
Ano naman ang iyong nagiging pahayag tungkol dito? ______________________

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ngayong araw, iyong malalaman ang tungkol sa pagbibigay ng reaksiyon at opinion tungkol sa napakinggan mong
balita, isyu o usapan.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1


Basahin mo ang mga sumusunod.
Reaksyon-damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat, pagkatuwa, o pagkadismaya sa mga balita, isyu o
usapan.

Opinyon-sariling palagay, pananaw, o saloobin sa isang napakinggang balita, isyu o usapan.


*Sa pagbibigay ng reaksiyon ay isang mabuting kasanayan dahil naipahahayag natin ang ating mga saloobin, opinyon, o
pananaw tungkol sa mga kaisipan inilalahad.

*Sikapin lamang na maging magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng ating kapwa.

Mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon o reaksiyon


Sapalagay ko …
Satingin ko…
Para sa akin...
Kung ako ang tatanungin …
Naniniwala ako …

Halimbawa:
Paghinto sa pag-aaral ng maraming estudyante dahil sa pandemya

Opinyon:
Para sa akin, hindi po dapat huminto sapag-aaral dahil sa pandemya sapagkat napakaraming paraan upang maituloy
ang edukasyon, sa tahanan gaya ng paggamit ng modules, online class, TV-Based Program at iba pa.

Reaksyon:
Nakalulungkot isipin na maraming ma-aaral ang hihinto dahil sa pandemya.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2


Basahin at unawain
Klima sa Bansa, Hindi na Tama?

Init-lamig, lamig-init, ulan sa tag-araw, at minsa’y tag-uhan. Lubhang malaki na nga ang ipinagbago ng klima sa ating
bansa simula nang pumasok ang ika-20 siglo.
Ayon sa siyentipikong pananaliksik, ito ay sanhi ng tinatawag na "climate change" at 'global warming" kung saan
hindi lamang ang ating bansa ang naapektuhan kundi maging ang iba pang bahagi ng mundo. Malaking hamon ang
hinaharap ngayon ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang makahanap ng solusyon para malabanan ang hindi tama o
pabago-bagong klimana na kaaapekto sa bansa.

Ibigay ang iyong opinyon at reaksiyon sa mga sumusunod.


1. Pabago-bagong klima sa ika-20 siglo.
a. Reaksiyon:____________________________________________
b. Opinyon:______________________________________________
2. Climate Change o Global Warming
a. Reaksiyon:____________________________________________
b. Opinyon:______________________________________________
3. Paghahanap ng solusyon ng pamahalaan upang malabanan ang problema.
a. Reaksiyon:____________________________________________
b. Opinyon:______________________________________________

F. Paglinang sa Kabihasnan
Ipabasa sa inyong mga magulang ang mga isyu, pakinggan ninyo ito ng mabuti at ibigay ang inyong opinyon o
reaksyon sa napakinggang isyu.

1. Maraming estudyante ang napapabayaan ang pag-aaral dahil sa pagkahilig sa paglalaro ng mobile games
a.Reaksiyon:____________________________________________
b.Opinyon:______________________________________________
2. Inulunsad ang programang Clean and Green sa bawat barangay.
a.Reaksiyon:____________________________________________
b.Opinyon:______________________________________________
3. Nabara ang mga kanal dahil sa mga basura.
a.Reaksiyon:____________________________________________
b.Opinyon:______________________________________________
4. Maraming nawalan ng trabaho noong panahon ng pandemya.
a.Reaksiyon:____________________________________________
b.Opinyon:______________________________________________
5. Nakatanggap ang bawat mamamayan ng mga pinansyal na tulong mula sa gobyerno.
a.Reaksiyon:____________________________________________
b.Opinyon:______________________________________________

Ipabasa sa iyong magulang ang isang usapan. Pakinggan ito ng maayos.

ALING ESTER: Nabalitaan ba ninyo na magbibigay ng daw ng libring mga pagkain ang ating barangay lalung
lalo na sa mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya.
MANG DONG: Napakagandang balita ester. Nawa’y maibigay na rin ang ayuda na hinihintay natin mula sa
ating pamahalaan.
ALING MARTHA: Napakahirap talaga ng buhay ngayong may pandemya. Bukod sa maraming nawalan ng
trabaho, nagmahal din ang mga presyo ng bilihin.
ALING ESTER: Magtanim nalamang tayo sa ating mga bakuran ng sa ganon ay mayroon tayong aanihin.
MANG DONG: Tama ka Ester, manalangin nalang tayo na mawala na ang pandemyang ito.

Ibigay ang iyong opinyon at reaksyon sa nabasa mong usapan


a.Reaksiyon:____________________________________________
b.Opinyon:______________________________________________

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Bakit itinuturing na magandang kasanayan ang pagbibigay ng opinyon o reaksyon sa ating mga napapakinggan balita,
isyu o usapan?

Mahalaga ba na dapat may paggalang sa pagbibigay ng reaksiyon o opinyon? Ipaliwanang ang iyong sagot.

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang opinyon?
Ano ang reaksyon?

Tandaan: Sapag bibigay ng opinyon o reaksiyon:


1. Unawaing mabuti ang balita, isyu, o usapan
2. Suriin ang dalawang panig
3. Maging magalang sa pagpapahayag ng iyong opinyon o reaksyon.

I. Pagtataya ng Aralin
Ipabasa sa inyong mga magulangang mga sumusunod at ibigay ang inyong opinyon o reaksyon sa mga napakinggan.

1. Marami lugar ang nabaha at nasirang kabahayan sa bagyong Rolly.


a.Reaksiyon:____________________________________________
b.Opinyon:______________________________________________

2. Pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya.


a.Reaksiyon:____________________________________________
b.Opinyon:______________________________________________

3. Pagbubukas ng ilang pasyalan sa mga lugar na mababa sa bilang ng positibo sa Covid-19.


a.Reaksiyon:____________________________________________
b.Opinyon:______________________________________________

4.Paglabas ng mga bata sa lansangan kahit na may Covid-19


a.Reaksiyon:____________________________________________
b.Opinyon:______________________________________________

5.Hindi nabigyan ang ilang mga mamamayan ng ayuda mula sa pamahalaan.


a.Reaksiyon:____________________________________________
b.Opinyon:______________________________________________

J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation


Makinig ng isang balita sa radyo, telebisyon o internet sa napapanahong isyu o usapin sa iyong pamayanan.

Pumililamang ng isa. At isulat ang iyong opinyon o reaksyon tungkol dito.

You might also like