Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Paaralan Dela Paz Norte Elementary School Baitang/Antas 6

Guro Ricca Lhynne G. Magpayo Asignatura Filipino


Linggo 3 Araw 1–2 Markahan Ikaapat na Markahan

Banghay Aralin sa FILIPINO 6

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayang Pagganap Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang pagbigkas,
reader’s theatre o dula-dulaan
C. Kasanayang sa Pagkatuto Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang-isip na teksto
(fiction at non-fiction) (F6PB-IVc—e-22)
II. PAKSA Pagsusuri sa Pagkakaiba ng Kathang-Isip at Di-Kathang-Isip sa Teksto
A. Sanggunian Filipino 6 Para sa mga Batang Pilipino
B. Kagamitang Instruksyunal Kuwento, larawan
III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
Naalala mo pa ba ang naging aralin mo tungkol sa pagkakaiba ng piksyon at di-piksyon? Ang tungkol sa katotohanan at
pantasya?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Ngayon, ang pag-aaralan mo ay tungkol sa pagsusuri sa pagkakaiba ng kathang-isip at di-kathang-isip.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Basahin at unawaiin ang kwento.
ANG PINAGMULAN NG IBA'T IBANG LAHI
Ayon sa matatanda, matagal ding namuhay nang mag-isa sa daigdig si Bathala. Mag-isa niyang nilibot ang
daigdig. Habang tumatagal ay nakadarama siya ng lungkot at kabagutan.
"Napakalungkot nang nag-iisa! Kailangan kong lumikha ng makakasama!" malakas na sabi ni Bathala sa sarili.
Kinabukasan ay nagpasya si Bathala na lumikha ng tao. Kumuha si bathala ng maganda, malambot at malagkit na lupa.
Masaya niya itong hinubog sa anyong tao. Pagkatapos ay maingat niya itong inilagay sa hurnuhan upang lutuin.
Habang naghihintay na maluto, inaliw niya ang kanyang sarili sa pag-iisip kung ano pa ang maaari niyang magawa sa
mabubuo niyang tao. Hindi nagtagal, nakaamoy siya ng nasusunog.
"Ang aking nilikha!" sigaw ni Bathala nang maalala ang kanyang niluluto. Dali-dali niya itong kinuha sa hurnuhan,
"Nasunog, umitim ang nilikha!"
Ang maitim na taong nagawa ni Bathala ay sinasabing ninuno ng lahi ng mga Negro.
Ipinasya ni Bathala na gumawa ng panibagong tao. Kumuha siyang muli ng putik at hinubog ito sa anyo ng tao.
Pagkatapos ay inilagay muli sa hurnuhan at naghintay. Sa takot na masunog muli ay hinango niya ito kaagad sa
hurnuhan.
"Hilaw!" bigong sigaw ni Bathala nang makita ang hinangong tao. "Napakaputi ng aking nilikha!" Ang maputing
tao ang pinaniniwalaang ninuno ng mga lahing puti tulad ng mga Amerikano at mga taga-Europa.
"Kailangan kong gumawa ng isa pa!" sabi ni Bathala sa sarili. "Sa pagkakataong ito, titiyakin kong tamang tama
na ang pagkakaluto."
Muling humugis ng tao si Bathala mula sa malagkit na putik at niluto upang masigurong hindi ito masusunog o
kaya'y mahihilaw. Nang inaakala niyang husto na ang pagkakaluto ng kanyang nilikha, inilabas niya ito sa hurnuhan.
"Tamang-tama ang pagkakaluto! Napakaganda ng kulay! Hindi maitim at hindi rin maputi. Tamang-tama lamang sa
aking inaasahan!" bulalas ni Bathala. Ang nilikhang ito ay sinasabing pinagmulan ng lahing kayumanggi na siyang
lahing kinabibilangan ng mga Pilipino.

Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.


1. Tungkol saan ang kuwento?
2. Ano ang nangyayari ni Bathala?
3. Bakit niya nangyari ang mga ito?
4. Anong lahi ang una niyang nangyari? Ang pangalawa? Ang pangatlo?
5. Paano niya nilikha ang mga ito?
6. Ano ang lahing pinagmulan ng Pilipino?
7. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa kuwento?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1


Ang kuwentong iyong binasa ay isang halimbawa lamang ng kathang-isip o piksyon dahil ito ay likhang isip
lamang. May mga pangyayari na hindi nababatay sa katotohanan, ngunit sa halip, haka-haka at imbento lamang ng
may-akda.

Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang.
Umiimbento sila ng mga kathang-isip ng mga tauhan, pangyayari, sakuna at pook ng pinangyarihan ng kuwento para sa
kanilang mga akda.

Mga halimbawa:
1. Kuwentong bayan
2. Alamat
3. Pabula
4. Kababalaghan

Basahin mo ang lathalain na kinuha sa isang pahayagan.

Ito ba ay Piksyon? Bakit?


Kung ang iyong sagot ay hindi tama ka. Hindi ito Piksyon dahil hindi ito kathang isip.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2


Ang lathalaing iyong binasa mula sa isang pahayagan ay isang halimbawa ng di-likhang-isip o di- piksyon dahil ito
ay kinapapalooban ng mga pangayayaring tunay na naganap, makatotohanan, mahalaga at makasaysayan .

Mga halimbawa:
1. Isang istorya na gawa sa totoong buhay o maikling kuwento
2. Isang pangyayari na isinalaysay ng isang tao
3. Isang “sariling talambuhay” na kung sa ingles ay “autobiography”
4. Talambuhay ng isang tao o “biography”

Mayroon dalawang uri ng teksto.


1. Kathang-isip o Piksyon
2. Di-kathang-isip o Di-Piksyon

Ang dalawang uri ng tekstong ito ay ginagamit sa pagbubuo ng mga kwento, pahayagan at iba pa.

F. Paglinang sa Kabihasnan
Suriin mo ang mga sumusunod na teksto. Isulat kung ito ay Kathang-isip o Di-kathang-isip.
_______________1. Si Cinderella
_______________2. Ang Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
_______________3. Ang Alamat ng Makahiya
_______________4. Si Maria Makiling
_______________5. Ang Unang Sigaw sa Balintawak
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Bilang isang mag-aaral, naniniwala ka bas a mga kwentong piksyon at di-piksyon? Bakit?

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang pagkakaiba ng piksyon at di-piksyon?
I. Pagtataya ng Aralin
Sundan ang Yapak ni Pope John Paul II
Habemus Papam! May bago nang Papa! Kumalembang ang mga kampana kasabay ng paglabas ng puting usok sa
tsimineya ng Sistine Chapel. May kapalit na ang namayapang si Pope John Paul II. Namatay si Pope John Paul noong
Abril 4, 2005. Ang bagong Papa ay inihalal ng may 115 cardinal sa tinatawag sa conclave. Napili ang German cardinal
na si Joseph Ratzinger, 78, bilang ika-465 na papa at pinangalanang Pope Benedict XVI. Ipinanganak siya noong Abril
16, 1927 sa Bavaria, Germany. Naglilingkod siya kay Pope John Paul II bilang puno ng Congregation for the Doctrine
of the Faith sa loob ng 20 taon.
Ang mahalagang dapat sundan ng bagong Papa ay ang pagiging makatao at makamahirap ng yumaong Pope John
Paul II. Sa dalawang beses na pagtungo sa Pilipinas ng yumaong Papa, naging malapit siya sa masang Pinoy at
ipinadama ang pakikiisa sa nararanasang kahirapan. Unang namutawi sa kanyang labi nang unang dumalaw sa bansa
noong February 1981 ay "ipagdasal natin ang mga mahihirap at mga maysakit". Nasa puso niya ang pagkalinga sa mga
kapos palad at ipinakita niya ito sa pagdalaw sa mga squatters area ganoon din sa mga trabahador sa tubuhan. Sa
lahat ng Papa, si John Paul II ang pinakamasipag maglakbay. Ginagawa niya ito na makasalamuha ang mga ordinaryong
tao sa mundo. Kaya hindi nakapagtataka na mapamahal siya sa sangkatauhan.
Sundan sana ni Pope Benedict XVI ang yapak ni Pope John Paul II at higitan pa ang ginawa sa sangkatauhan.

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Tungkol saan ang kwento?
2. Sino ang bagong napiling Papa?
3. Bakit siya ang napiling bagong Papa?
4. Ano ang dapat tularan ni Pope Benedict XVI sa yumaong Pope John Paul II?
5. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation
Sa isang malinis na papel, pumili ng isa sa dalawang uri ng teksto at lumikha ng isang maikling-kwento.

Paaralan Dela Paz Norte Elementary School Baitang/Antas 6


Guro Ricca Lhynne G. Magpayo Asignatura Filipino
Linggo 3 Araw 3–5 Markahan Ikaapat na Markahan

Banghay Aralin sa FILIPINO 6

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayang Pagganap Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang pagbigkas,
reader’s theatre o dula-dulaan
C. Kasanayang sa Pagkatuto Napaghahambing-hambing ang iba’t ibang uri ng pelikula (F6PD-IVe-i-21)
II. PAKSA Paghahambing-hambing ng Iba’t-Ibang uri ng Pelikula
A. Sanggunian Filipino 6 Para sa mga Batang Pilipino
B. Kagamitang Instruksyunal Larawan
III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
Ano ang dalawang uri ng teksto? Magbigay ng mga halimbawa ng piksyon at di-piksyon.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Mahilig ba kayong manood ng mga pelikula?
Tuwing nakakapanood ka ng pelikula, ano ang iyong naramdaman o saloobin tungkol dito?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ngayong araw, iyong malalaman ang paghahambing-hambing ng iba’t ibang uri ng pelikula.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1
Nakapanood ka na ba ng mga pelikula sa sinehan, sa telebisyon o kaya sa youtube? Anong uri ng pelikula ang iyong
gustong panoorin?

Tingnan at suriin mo ang iba’t ibang uri ng mga pelikulang nasa ibaba.

Saiyong palagay, ano ano ang mga uri ng mga pelikula?


Ano ang pinakagusto mong uri ng pelikulang iyong napanood?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2

Pag-aralang mabuti.

May iba’t ibang uri ng mga pelikula


1. Animasyon 6. Musikal
2. Aksyon 7. Drama
3. Pantasya 8. Katatakutan
4. Epiko 9. Historikal
5. Pag-ibig o Romansa 10. Komedya
F. Paglinang sa Kabihasnan

Paghambingin mo ang mga sumusunod na pelikula sa pamamagitan ng pagtukoy sa uri nito.

1. 2.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ang buhay ay parang isang pelikula. Ikaw anong uri ng pelikula ang iyong buhay? Nanaisin mo bang ito ay maging
likhang-isip na lamang o di-likhang-isip?

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang iba’t ibang uri ng pelikula?
I. Pagtataya ng Aralin
Paghambingin ang mga uri ng pelikula. Isullat kung ito ay Pantasya, Komedya, Animasyon, Drama, Musikal,
Historikal, Aksyon, Pag-ibig/Romansa, Katatakutan o Epiko.
2.
1.

1. 4.

5.

J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation

Sa mga napanood mo ng mga pelikula, magbigay ka ng dalawa at uriin mo ang mga ito. Pagkatapos, magsulat ng 5-
10 pangungusap, paghambingin mo sa pamamagitan ng paggawa ng maikling kuwento. (10 puntos)

You might also like