Filipino4 Week1 Q4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Paaralan Dela Paz Norte Elementary School Baitang/Antas 4

Guro Ricca Lhynne G. Magpayo Asignatura Filipino


Linggo 1 Araw 1 Markahan Ikaapat na Markahan

Banghay Aralin sa FILIPINO 4

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa
napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayang Pagganap Nakapagtatala ng impormasyong napakinggan upang makabuo ng balangkas
at makasulat ng buod o lagom
Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo
C. Kasanayang sa Pagkatuto Nakapagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon (F4PS-Iva-8.7)
II. PAKSA Pagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang
pangunahin at pangalawang direksyon
A. Sanggunian Yaman ng Lahi sa Filipino TG pahina 255-256, LM pahina 154-161
B. Kagamitang Instruksyunal Larawan
III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
Matutukoy mo ba kung saang dako ang iyong simbahan, tindahan, paaralan at barangay hall sa larawang ito?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Sa araling ito, ikaw ay inaasahang gagawa ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang pangunahin at
pangalawang direksyon.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ang mga pangunahing at pangalawang direksyon ay mahalagag kaalaman upang malaman ang kinalalagyan ng mga
bagay-bagay at ng mga lugar.
Alam mo ba na ang kaalaman sa mga direksyon ay nakapagbibigay ng wastong panuto?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1


Alamin natin!
Mga Pangunahin at Pangalawang Direksyon
Mga Pangunahing Direksyon. Mayroong apat na pangunahing direksyon. Ang mga ito’y ang HILAGA, TIMOG,
KANLURAN at SILANGAN. Makatutulong ng malaki sa pagtukoy ng mga pangunahing direksiyon ang pag-alam kung
saan sumisikat ang araw. Ang direksiyong ito kasi ang Silangan. Mula rito'y madali nang malalaman ang iba pang
direksiyon dahil ang direksiyong katapat nito kung saan naman lumulubog ang araw ay ang Kanluran. Ang nása gawing
kaliwa ay ang Hilaga at ang nása kanan ay ang Timog. Tingnan ang mga pangunahing direksiyon sa ibaba:

Sa pagitan ng mga pangunahing direksiyon ay makikita naman ang mga pangalawang direksiyon tulad ng sumusunod:
Hilagang-Kanluran, Hilagang-Silangan, Timog-Kanluran at Timog-Silangan. Makikita sa ibaba ang kinalalagyan ng mga
ito:

Sa panahong ito ng makabagong teknolohiya ay mahalaga pa rin


namang maláman ang mga pangunahin at mga pangalawang
direksiyon subalit mahalaga ring matutuhan ang paggamit ng
maka- bagong application na makatu- tulong upang mapuntahan
ang direksiyon ng mga lugar na hindi kabisado. Madalas
ginagamit ang GPS o Global Positioning System at Google Map
na maaaring ma- download para sa mga smart phone at iba pang
handheld devices tulad ng mga tablet.

Ang parihaba sa ibaba ay plano para sa isang palaruan. Ikaw ang magdidisenyo nito kaya’t magbigay ka ng panutong
susundin ng mga gagawa para maging magandang palaruan ito. Gumamit ka ng mga pangunahin at pangalawang
direksyon sa mga panutong ibibigay mo. Sundan ang halimbawang panuto sa ibaba.
1. Maglagay ng seesaw sa timog na bahagi ng puno
2. Maglagay ng slide sa Timog-Silaangan na bahagi ng swing at seesaw.
3. Maglagay ng upuan sa Kanluran ng puno.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2


Alamin natin!
Ano ang gamit ng panuto?
Paano ang pagbibigay ng tamang panuto?

Ang panuto ay mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain. Maaaring pabigkas o nakasulat ang mga panuto.
Makatutulong sa maayos, mabilis, at wastong pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa ibinigay na panuto. Ginagamit
din ang mga salita tulad ng: sa kanan, sa kaliwa, sa itaas, o sa ibaba sa pagbibigay ng panuto.
Halimbawa:
Ilagay ang kanang kamay sa kaliwang bahagi ng dibdib habang inaawit ang “Lupang Hinirang.”

Pagbibigay ng Panuto
Ang isang tao ay hindi lang dapat marunong sumunod sa panuto kundi dapat ay mahusay ring magbigay ng panuto.
Sa maraming pagkakataon kasi ay nagagamit ang kasanayang ito lalo na kapag may mga bagay na dapat gawin ng iba at
ikaw ang lider na dapat magbigay ng panutong susundin nila o kapag may nagtanong kung nasaan ang isang lugar at
kailangan mong sabihin nang maayos at tama ang panuto para makarating silá sa pupuntahan.
Mababasa sa ibaba ang ilang paalala sa pagbibigay ng isang mabuting panuto. Ito ay dapat...
 maikli pero madaling maintindihan. Madaling masusundan ang panuto kung ito'y maikli at diretsyo sa punto na
nais ipabatid.
 gumagamit ng mga simpleng salitang mauunawaan ng lahat maging ng mga batà man. Iwasan ang paggamit ng
malalalim na salitang hindi nauunawaan ng iba.
 maayos ang pagkakasunod-sunod. Dapat maging sequential o maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga panuto
para hindi makalito sa mga magsasagawa nito.

F. Paglinang sa Kabihasnan
Kung ikaw ang kapitan ng inyong barangay, paano ka magbibigay ng panutong susundin ng iyong mga kababayan
lalo na kapag may bagyong paparating at daraan sa inyong lugar? Sumulat ng panutong may apat na hakbang para sa
mga dapat gawin ng mga mamamayan upang maging ligtas at magkaroon ng zero casualty sa inyong barangay.
Mga Kababayan, ganito po ang dapat nating gawin para sa kaligtasan ng lahat:
1.
2.
3.
4.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Bilang isang mag-aaral, paano mo mabibigyan ng halaga ang mga panuto na inaatas saiyo ng iyong mga magulang?
H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang panuto? Kailan ginagamit ang panuto?
Paano ang pagbibigay ng wastong panuto?
Bakit kailangan sundin ang ibinibigay na panuto?
I. Pagtataya ng Aralin
Isulat sa patlang ang iyong dapat gawin upang sumunod sa panuto. Sagutin ito sa loob ng isa o higit pang
pangungusap.
1. Inutusan ka ng iyong Ina na maglinis ng bahay pagkaalis nila papuntang palengke.

2. Ang iyong guro ay sinabing bawal maglaro sa tabi ng pinto dahil sira ito. Ngunit nagkatuwaan kayo ng iyong
mga kaibigan at nagtakbuhan kayo malapit sa pintuan.

3. Sinabi ng iyong nanay na wag ka tatawid sa highway dahil delikado, dapat ay gumamit ka ng overpass.

4. Binilin sayo ng iyong kapatid na gisingin mo siya kapag nagising ka sa umaga dahil mayroon siyang
importanteng lakad.

5. May nakalagay sa sign board na bawal pumitas ng mga bulaklak sa parke, pero kailangan mo ito para sa inyong
proyekto.

J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation


Gumawa ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang tungkol sa COVID-19.

Paaralan Dela Paz Norte Elementary School Baitang/Antas 4


Guro Ricca Lhynne G. Magpayo Asignatura Filipino
Linggo 1 Araw 2-3 Markahan Ikaapat na Markahan

Banghay Aralin sa FILIPINO 4

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa
napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayang Pagganap Nakapagtatala ng impormasyong napakinggan upang makabuo ng balangkas
at makasulat ng buod o lagom
Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo
C. Kasanayang sa Pagkatuto Nasasagot ang mga tanong sa napanood na patalastas (F4PD-IVf-89)
Nakapaghahambing ng iba’t ibang patalastas na napanood (F4PD-IV-g-i-9)
II. PAKSA Pagsasagot ang mga tanong sa napanood na patalastas
Paghahambing ng iba’t ibang patalastas na napanood
A. Sanggunian https://www.slideshare.net/romilynh13/ikalimang-bahagi
Pinagyaman Pluma 4 sa Filipino pahina 352-353
B. Kagamitang Instruksyunal Larawan
III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
Tukuyin ang iba’t ibang larawan. Ano ang ipinapakita ng mga ito?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Sa araling ito, ikaw ay inaasahang sasagot sa mga tanong sa mga napanood na patalastas at paghahambingin ang mga
ito batay sa iyong mga napanood na patalastas.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Manood at makinig ka ng mabuti sa isang patalastas sa telebisyon. Isulat muli sa isang malinis na papel ang
patalastas o anunsiyong napanood at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Tungkol saan ang iyong napanood na patalastas?
2. Ito ba ay nakatutulong sa ating pang-araw-araw na buhay?
3. Nakabubuti ba ito sa ating katawan?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1


Ang iyong binigay na halimbawa ay isang uri ng patalastas. Ano nga ba ang patalastas?
Ang patalastas ay isang paraan ng pag-anunsyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t-ibang anyo ng
komunikasyong pang madla.
Kasaysayan ng Patalastas
Ayon kay Nofuente (1976), ito ay maaaring ugatin sa pag-akit ng ahas kina Adan at Eba. Ayon sa mga
antropolohista, patalastas nang matatawag ang mga natagpuang nakaukit sa loob ng mga kuweba.
Mga Anyo ng Patalastas
1. Ang pinaka-unang anyo ng patalastas ay sa pamamagitan ng bibig. Ang tagasigaw sa daan ay naghihikayat na
bilhin ang kaniyang paninda, tulad ng hayop, pagkain, kasangkapan, at kahit na alipin. Ginagamit pa rin ang
anyong ito sa kasalukuyan ng mga nagtitinda sa gabi, na sumisigaw ng “Balut Penoy!” (Santos 1979)
2. Ang ikalawang anyo ay nakalimbag na patalastas na lumalaganap sa anyo ng poster at karleton matapos
maimbento ang imprenta noong siglo 15. Nagpatuloy ang paglaganap nito kasabay ng pag-unlad ng makabagong
teknolohiya. Tuluyan nang nahasa ang telebisyon. Higit nang malawak ang naabot ng mga patalastas
(Nofeunte 1976)
Ano ang katangian ng patalastas?
1. Maiksi ang patalastas
2. Malinaw ang mensaheng nais ipahatid.
3. Gumagamit ng mga simpleng pananalita.
4. Kumakatok sa mga isip at damdamin ng mga mambabasa o manonood
5. May kakayahang humimok sa mambabasa o manonood na gumawa ng aksyon.
Ano-ano ang dapat tandaan sa Paglikha ng Patalastas?
Mayroon Apat na hakbang sa pagbuo ng isang patalastas ayon kay Morris
1. Alamin kung sino ang bibili ng produkto. Mayaman ba siya o mahirap? Gaano siya katanda? Ano kanyang
trabaho o hanapbuhay? Saan siya nakatira? Ano ang mga suliranin at motibasyon niya sa buhay?
2. Alamin ang pangangailangan ng mamimili na maaaring tugunan ng produkto.
3. Suriin kung anong katangian ng produkto ang dapat bigyan ng kahalagahan o diin.
4. Gawin ang patalastas- Anong kulay ang gagamitin? Gaano ito kahalaga? Anong migdyum ang pipiliin? Anong
ideya ang nilalaman nito?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2
Panoorin ang patalastas na ito sa youtube https://www.youtube.com/watch?v=NRgPp-jiHxo at sagutin ang mga
tanong.
1. Tungkol saan ang patalastas na iyong napanood?
2. Ano ang iyong natutunan sa patalastas ng safeguard?
3. Kung ikaw si Norman King sa patalastas, gagawin mo rin ban g kanyang ginawa? Bakit?

F. Paglinang sa Kabihasnan
Magbigay ng isang patalastas sa telebisyon na pupumukaw sa iyong pansin. Ito ay ilahad sa isang malinis na papel
at ipaliwanag ito.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Bilang isang manonood, mahalaga bang maging mausisa sa mga produktong iyong nakikita sa patalastas? Bakit?
H. Paglalahat ng Aralin
Tandaan!
Ang patalastas ay isang paraan ng pag-anunsyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t-ibang anyo ng
komunikasyong pang madla.
Kapag nanonood ng patalastas, kailangang maging mapanuri dahil maaaring hindi lahat ng sinasabi ng mga
patalastas ay totoo.
I. Pagtataya ng Aralin
Isulat sa patlang kung anong produkto ang tinutukoy na tagline ng patalastas.
______________1. Batang may laban.
______________2. Tibay araw-araw.
______________3. Wag mahihiyang magtanong.
______________4. Asim kilig.
______________5. Love ko to.

J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation


Paghambingin ang tatlong patalas na iyong napanood sa telebisyon. Sagutin ang mga tanong sa isang malinis na
papel.
1. Ano-ano ang pagkakapare-pareho ng mensahe ng tatlong patalastas?
2. Sa iyong palagay, totoo nga kaya ang ipinahahayag ng mga patalastas na ito? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang maging mapanuri sa mga napanonood na patalastas at huwag isiping tama o totoo lahat ng
sinasabi ng mga ito?

Paaralan Dela Paz Norte Elementary School Baitang/Antas 4


Guro Ricca Lhynne G. Magpayo Asignatura Filipino
Linggo 1 Araw 4-5 Markahan Ikaapat na Markahan
Banghay Aralin sa FILIPINO 4

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa
napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayang Pagganap Nakapagtatala ng impormasyong napakinggan upang makabuo ng balangkas
at makasulat ng buod o lagom
Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo
C. Kasanayang sa Pagkatuto Nagagamit sa pagpapakilala ng produkto ang uri ng Pangungusap
Nagagamit ang iba’t ibang mga uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng
sariling karanasan (F4WG-IVa-13.1)
II. PAKSA Paggamit sa pagpapakilala ng produkto ang uri ng Pangungusap
Paggamit ang iba’t ibang mga uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng
sariling karanasan
A. Sanggunian https://www.slideshare.net/EmjhayDacallos/uri-ng-pangungusap-ayon-sa-
gamit-filipino-grade-4
B. Kagamitang Instruksyunal Larawan
III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
Isulat sa patlang kung anong produkto ang tinutukoy na tagline ng patalastas.
______________1. Wag mahihiyang magtanong.
______________2. Asim kilig.
______________3. Love ko to.
______________4. Batang may laban.
______________5. Tibay araw-araw.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Sa araling ito, ikaw ay inaasahang gagamit sa pagpapakilala ng produkto ang uri ng pangungusap at gagamit ng iba’t
ibang mga uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ang mga taong may kapansanan ay kailangan magparehistro sa pamahalaan.
Alam nyo ba kung bakit? Ang mga may kapansanan ay mayroong mga programa at serbisyo ang iba’t ibang sangay ng
pamahalaan kaya’t ito ay importante.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1


E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2
Pag-aralan natin.
Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Pilipinong may kapansanan?


2. Bukas lahat ng barangay hall, barangay heath center, at barangay school sa limang araw na ito.
3. Sino ang mga taong may kapansanan?
4. Suportahan ang National Registration Week for Persons with Disabilities.

Ano ang napansin mo sa mga pangungusap?


Ano ang gamit ng mga pangungusap na ito?

Ang pangungusap ay lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa at kaisipan. Ito ay nagsisimula sa malaking
titik at nagtatapos sa bantas.

May apat ng uri ng pangungusap ayon sa gamit.


1. Paturol o Pasalaysay – Ito ay pangungusap na nagsasaad o nagsasabi ukol sa isang paksa. Ito ay nagsasalaysay at
nagtatapos sa bantas na tuldok (.).
Halimbawa:
Si Ana ay tumatakbo sa kanilang bakuran.

2. Patanong – Ito ang pangungusap na naghahanap ng kasagutan. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Halimbawa:
Kaya mo bang buhatin ang mga upuan na iyan?

3. Pautos- Ito ang pangungusap na nagsasabi na gawin ang isang bagay, Nagtatapos sa tuldok (.).
Halimbawa:
Magsibak ka nga ng kahoy doon.

 Pakiusap – Ito ay isang uri ng pangungusap nap autos. Ito ay pangungusap na nakikiusap o nakikisuyo. Maaari
rin itong magtapos sa tuldok (.) o tandang pananong (?).
Halimbawa:
Pakilagyan mo nga ng tubig ang balde.
Maaari ba akong humiram ng lapis?

4. Padamdam – Ito ang pangungusap na nagsasaad ng matinding damdaming gaya galit, tuwa, lungkot, inis, o gigil.
Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
Halimbawa:
Naku! Ang daming insekto!
Bilisan mo umuulan na!

F. Paglinang sa Kabihasnan
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos o Pakiusap, Patanong o Padamdam.
Lagyan ng tamang bantas.
1. Si Lisa ay matalinong bata_
2. Hay_ Kayo na ang mag-usap_
3. Saan ka pupunta_
4. Dalhin mo sa akin ang lapis na ‘yan_
5. Paki abot po ng lapis ko_

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Bilang isang mag-aaral, paano mo maiuugnay ang iyong karanasan sa paggamit ng isang produkto gamit ang uri ng
pangungusap?
H. Paglalahat ng Aralin
Ano-ano ang iba’t ibang uri ng pangungusap at ang gamit ng mga ito?
I. Pagtataya ng Aralin
Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay pasalaysay, patanong, pautos, pakiusap, o padamdam. Isulat
sa patlang ang iyong sagot.

__________1. Napakaganda ng mundong nilikha ni Ápo para sa mga tao.


__________2. Ano ang ginagawa mo para maalagaan ito?
__________3. Magtanim ka ng mga punò sa inyong bakuran.
__________4. Puwede bang tumulong ka sa paglilinis?
__________5. Ang malinis na kapaligiran ay nagdadala ng kalusugan.
__________6. Sino ang makikinabang kung aalagaan natin ang kapaligiran?
__________7. Wow! Kaygandang pagmasdan ng magandang kapaligiran.
__________8. Naku! Tiyak na ikatutuwa iyan ni Ápo.
__________9. Ang isang mabuting Pilipino ay gumagawa ng nararapat.
__________10. Huwag kang magtapon ng basura kung saan-saan.

J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation

Gamitin ang iba't ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng isang pangyayari sa iyong búhay na nagpapakita
ng pagmamalaki mo sa iyong pagiging isang Pilipino. Sa unahan ng bawat pang ngusap ay isulat mo ang (PS) kung
pasalaysay, (PU) kung pautos o pakiusap, (PT) kung patanong, at (PD) kung padamdam.

You might also like