Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MATH Excellence Academy of Binalonan, Inc.

Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan

ACADEMIC HANDOUTS
ARALING PANLIPUNAN 5
Quarter 2, Week 4

Most Essential Learning Competency:

1 Nasusuri ang mga epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa.
A. Patakarang pang ekonomiya(Halimbawa:Pagbubuwis,Sistemang Bandala,Kalakalang
Galyon,Monopolyo sa Tabako,Royal Company,Sapilitang paggawa at iba pa.
B. Patakarang pampolitika(Pamahalaang kolonyal)

Topic/Lesson: ANG KONSEPTO NG PATRONATO REAL AT ANG IMPLIKASYON NITO SA PANANAKOP


NG MGA ESPANYOL

ANG KONSEPTO NG PATRONATO REAL AT ANG IMPLIKASYON NITO SA PANANAKOP NG MGA


ESPANYOL

 Ang mga Piipino noong panahon bago pa man dumating ang mga Espanyol ay maituturing nang
mga pagano.Sila ay may porma ng relihiyon na tinatawag na animismo.
 Sa pagdating ng mga Espanyol noong ika-15 siglo,nakilala ng mga sinaunang Piipino ang
Katolisismo.
 Ito ay naniniwala sa kapangyarihan ng anak ng Diyos na si Hesukristo na nagkatawang-tao,
ipinako sa krus at nagging tagapagligtas ng sangkatauhan.
 Ang Katolisismo ay nakilala ng mga Pilipino sa tulong ni Ferdinand Magellan,sa misang idinaos
noon sa bansa sa pangunguna ni Padre Pedro Valderrama, at sa pagbibigay nito ng imahe ng
Sto.Nino kay Juana na asawa ni Raha Humabon.Sila ang mga unang Pilipinong nabinyagan bilang
mga Katoliko.
 Ang pagbibinyag ay pagpapatunay ng pagiging Kristiyano ng isang tao at paniniwalaang sa
pamamagitan nito ay naalis ang orihinal na kasalanan ayon sa Bibliya.
 Nang mamatay si Magellan, ang unang gobernador heneral sa Pilipinas na si Miguel Lopez de
Legazpi ay matagumpay n naipalaganap ang katolisismo sa hilagang bahagi ng bansa,ang Luzon
na noon ay naiimpluwensiyahan na rin ng relihiyong Islam.
 Dahil sa mga patakaran ng mga Espanyol,mga impraestruktura at simbahan na naitatayo at mga
paaralang pinamumunuan ng mga misyonerong Katoliko,lalong lumalalim ang paniniwala ng
mga Pilipino sa Katolisismo.
 Ang mga Espanyol ay nagtagumpay sa kanilang misyon na palaganapin ang Katolisismo sa
Pilipinas. Ang layunin ng ebanghelisasyon ay natupad dahil na rin sa kooperasyon sa Pilipino.
Patronatao Real

 Ay isang kapangyarihang panrelihiyon ng Espanya kung saan ay may kasunduan ang hari ng
Espanya at anf Santo Papa na magiging pangunahing layunin ng Espanya ay ang palaganapin ang
Katolisismo sa Pilipinas.
 Ilan sa mga misyonerong dumating sa Pilipinas na gumanap ng mahalagang papel sa bansa ay
ang mga Dominikano,Pransiskano,Heswita,Agustino at iba pang orden.
 Nakatulong sila hindi lamang sa espiritwal na pangangailangan ng mga tao kundi maging sa
edukasyon at pangangailangang pisikal ng mga sakop ng Espanya.
 Agustino. Sila andg mga unang misyonerong nakarating sa bansa. Sila rin ang kasama ni Miguel
Lopez de Legazpi noong 1565 na nagpalaganap ng Katolisismo sa malaking bahagi ng Visayas lalo
na sa mga pamayanang Espanyol na naitatag sa Cebu at Panay, maging sa Bohol at mga lugar sa
Luzon tulad ng Ilocos.
 Pransiskano. Sila ang mga misyonerong unang nakarating sa bansa noong 1577. Kung halos nasa
300 ang bayang kontrolado ng mga Agustino, nasa higit 200 namang bayan ang nasa ilalim ng
pamumuhay ng mga Pransiskano. Simple lamang ang paraan ng pamumuhay ng mga
misyonerong Pransiskano kaya marami ang naging tagasunod nila.
 Dominikano at Heswita. Napakahalaga ng papel na ginampanan ng mga ordeng ito dahil hindi
lamang pagpapalaganap ng Katolisismo ang kanilang ginawa s bansa. Nagtatag din sila ng mga
paaralan at unibersidad na nakatulong nang malaki sa kamalayan ng mga Pilipino.

Escuela Pia at Nuestra del Santisimo Rosario

 Ang Escuela Pia (ngayon ay Ataneo de Manila University) ay itinayo ng mga Heswita.
Samantalang ang Colegio de Nuestra del Santisimo Rosario (ngayon ay Unibersidad ng Santo
Tomas) at ang Colegio de San Juan de Letran ay naitatag naman ng mga Dominikano.
 Ang mga paaralang ito ay naging unang hakbang sa maraming Pilipinong may kakayahan na
mapaunlad pa ang kanilang sarili sa pamamagitan ng edukasyon.

You might also like