Professional Documents
Culture Documents
Module 1-2
Module 1-2
Araw ng lunes, siya ay naroon sa karinderya ni Aling Nena. Iyon ang kanyang
paboritong tambayan sapagkat masaya siya kapag nakakatanggap siya ng mga
baryang ibinibigay ng mga taong napapasaya niya. Siya ay nagsasabi ng mga
katatawanan o nagkwekwento ng mga nakakatawang bagay, kaya’t naaaliw ang mga
taong kumakain sa karinderya, minsan binibigyan din siya ng pagkain roon at iyon ang
kanyang ipinapakain sa mga kapatid. Iniipon niya rin ang mga baryang natatanggap
dahil gustong gusto niya ring makapag-aral.
“Kahit ano gagawin ko para makapag-aral lang, para sa mga kapatid ko” iyan
ang laging sinasabi ni Maria sa kanyang sarili. Hindi siya sumusuko, kahit pagod na
pagod na siya nagpapatuloy parin siya sa pag-aalaga at pagpapakin sa kanyang mga
kapatid. Isang araw, may isang mayamang negosyante ang kumain sa karinderya ni
Aling Nena, napansin niya ang batang sa Maria, naawa ang babae at nakitaan niya ng
potensyal si Maria. Agad niyang nilapitan ang batang babae at tinanong “Ano ang iyong
pangalan ineng?” “magandang araw po! Ako po si Maria” ani Maria, “Nasaan ang iyong
mga pagulang?” tanong ng babae na ikinalungkot agad ni Maria. “Wala napo sila
ma’am, pumanaw napo. Ako at ang aking dalawang kapatid nalang ang magkaramay
sa buhay” tugon ni Maria. Agad naawa ang babae at gusto niyang tulungan si Maria.
“Gusto mo bang mag-aral?” wika ng babae. Nagliwanag bigla ang mukha ni Maria,
“Aba’y opo ma’am, matagal ko na pong gustong mag-aral, ngunit hindi pa po sapat ang
aking mga naipon” nakangusog sabi ni Maria. Agad naming napangiti ang babae,
“tutulungan kitang mag-aral, iha”, “Talaga po?!” masayang tanong ni Maria, at
tinanguhan lamang siya ng babae. Masayang-masaya si Maria sa araw na iyon at agad
niyang niyakap ang mga kapatid sabay wika ng “mabibigyan ko na rin kayo na
maginhawang buhay”.
Sampong taon ang lumipas, naging isang guro na si Maria. Malayo na ang
kanyang narating. At siya narin ang nagpapa-aral sa kanyang dalawang kapatid.
Masayang iniisip ni Maria ang mga salitang “lubos ang aking kasiyahan sapagkat
nanggaling ako sa kahirapan. Marami akong natutunan sa buhay, isa na rito ang huwag
sumuko, mangarap lang ng mangarap, dahil balang araw lahat ng iyong mga pangarap
ay iyo ring makakamtan basta’t magtiwala kalang, dahil lahat ng bagay ay posible
kapag ginamitan mo ng sipag, tiyaga, determinasyon at lakas ng loob sa pagharap ng
mga hamon sa buhay”. At doon naputol ang iniisip ni Maria dahil tinawag na siya ng
kanyang kapatid upang kumain ng haponan.
Assignment
Pormalistiko o pang-anyo
Ang Teoryang Formalistiko o Formalismo ay isinilang noong 1910 at
yumabong noong dekada 50 at 60, ang teoryang ito ay may pananaw na ang
akda o teksto ay dapat suriin at pahalagahan kung ibig talagang masukat ang
kagandahan ng akda.
Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat
sa moralidad ng isang tao - ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din
nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian
ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling
sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang
moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda
Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng
mga salik (factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala,
pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na
ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may
nag-udyok na mabago o mabuo ito. Ang Sikolohiya ng Wikang Filipino ay ang
pag-aaral sa karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino, ito ang
Sikolohiyang Pilipino. Binibigyang diin ang pagtatalakay sa kapiligirang
panlipunan na nagpapalalim at nagpapatingkad sa paksa. Ito ay ekstinsyon
ng historikal na pananaw. Nagbibigay diin din sa usapin tungkol sa
kahalagahan at pananagutang panlipunan.
Sosyolohikal-panlipunan
Inibigyang diin ang pagtatalakay sa kapiligirang panlipunan na nagpapalalim
at nagpapatingkad sa paksa. Ito ay ekstinsyon ng historikal na pananaw.
Nagbibigay diin din sa usapin tungkol sa kahalagahan at pananagutang
panlipunan. Sa pag-aanalisa ng isang akdang pampanitkan, ang mga kritiko
ay gumagamit ng mga kategorya mula sa sosyolohiya tulad ng uri ng
kinabibilangan, sekswalidad, istrukturang panlipunan, sosyalisasyon, at iba
pa. Maisasangkot niya ang buong lipunan – politika, etika, kultura,
ekonomiya, pilosopiya, at iba pa upang lubos na maunawaan ang akda, dahil
ang mga ito rin naman ang nagbibigay hugis sa kabuuan ng akda. Ang
teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng
tauhan sa kwento. ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na
nangyayari sa lipunan.