Professional Documents
Culture Documents
Alay Kapwa 2021
Alay Kapwa 2021
Alay Kapwa 2021
Kuwaresma 2021
Sa ating sama-samang pagninilay sa pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesus sa panahong ito ng Kwaresma,
hinihimok tayo na gunitain ang mga yugto sa buhay ng ating Panginoon sa pamamagitan ng Daan ng Krus. Ito ay
naglalapit sa atin sa daan ng kabanalang tinahak ng ating Panginoon. Ang bawat tagpong ating pagninilayan ay
sumasalamin rin sa mga tagpo ng ating buhay. Sa puntong ito, hindi lamang natin pinapalalim ang ating pananampalataya
at buhay panalangin, kundi lalo tayong inilalapit kay Hesus sa mas personal na ugnayan. At bilang Simbahan, tayo ay
pinagbubuklod ng natatanging biyayang ito ng pag-ibig at kaligtasan. Sa katunayan, sa bawat pagninilay natin sa daan
ng kabanalang ito, tayo bilang isang pamilya, ay natitipon bilang mga anak ng Diyos.
Ang pagiging isa natin bilang Simbahan ay magbubunsod sa atin na alalahanin at kalingain ang bawat isa lalo’t
higit ang mga nangangailangan. Inaanyayahan tayo na sama-samang magpunyagi sa ating panalangin at pamumuhay
araw-araw. Hindi lamang nito pinapatatag ang ating ugnayan bilang isang Simbahan, ngunit higit sa lahat ay pinagtitibay
rin nito ang ating pakikipag-kapwa tao na isang mahalagang bahagi ng ating buhay-pananampalataya. Kaya nga, tayo ay
hinihikayat ng ating simbahan, sa pamamagitan ng pagtulong at pagkakawanggawa na abutin ang ating mga kapatid na
nalilimutan at nangangailangan. Kaya’t sa pangaral sa atin ng Simbahan ng mga pamamaraang ito ng pagtulong at
pagkalinga (7 Corporal Words of Mercy), nabibigyang buhay ang pananampalatayang ating ipinapahayag. Sa pagtulong
natin sa mga taong kapos sa mga pangunahing pangangailangan upang mabuhay tulad ng damit, pagkain, inumin at
matitirhan, tayo ay nagpapaabot ng tulong sa kanilang kakulangan. Sa atin naming pagdalaw sa mga may sakit, pagbisita
sa mga nasa bilangguan, at paglilibing sa mga yumao o pakikiramay samga naiwang mahal sa buhay, tayo ay dumadamay
sa mga hirap at pagpapakasakit na pinagdaraanan ng ating kapwa. Kung paano nakikiisa tayo sa ating Panginoon sa ating
pagninilay ng mga yugto sa Daan ng Krus, tayo rin ay inaasahang makiisa sa pagpapakasakit ng ating kapwa.
Nabibigyang pagpapahalaga nito ang nais ng ating Panginoon na tayo ay pagbuklurin at akayin patungo sa Ama.
Ito rin ang prinsipyong pinanghahawakan ng Simbahang Katoliko sa ating bansa na binibigyang halaga ang
tema ng Ekumenismo at pakikipag-usap sa ibang paniniwala o relihiyon. Ang pagkilos na ito ay naglalayon na sa
pamamagitan ng panalangin at pakikipag-usap ay mapanumbalik ang pagkakaisang ninais ni Hesus para sa kanyang mga
alagad. Tayo’y inaanyayahang iwasan ang mga di kaaya-ayang panghuhusga at hayaang mamayani ang diwa ng bukas
na pakikipag–usap. Sa pamamagitan nito tayo ay umaasang lahat ay maakay ng ating Panginoon pabalik sa Ama.
Kaya pong lahat ay aking inaanyayahan na sama-samang magnilay sa mga hapis at pagpapakasakit ng ating
Panginoon. Upang bilang isang Simbahang binubuklod ng pagmamalasakit at pagtutulungan, tayo ay patuloy na tumanaw
sa pag-asa ng muling pagkabuhay.
1
ALAY KAPWA 2021
Maaaring magtipon sa isang lugar ang mga makikibahagi sa Daan ng Krus bago magsimula sa Unang
Estasyon.
Sasama Tatapatan
Krus Krus
Kandila Larawan ng Estasyong nakatalaga
Misal ng Alay Kapwa Kandila
Lamesang may mantel na puti
Payak na halaman o bulaklak na makukuha sa bakuran
Pagkakataon din natin ang panahong ito ng programa ng Estasyon ng Krus ng Alay Kapwa upang
madalaw natin ang ating mga kapatid na nasa mahirap na lugar ng ating pamayanan. Anyayahan silang
matapatan at makibahagi sa pag-eestasyon at makasama sa pananalangin upang maranasan nila
na sila’y bahagi ng ating pamayanang Kristiyano.
Lahat: Amen
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Lahat: Panginoong Jesukristo, sa mapagmahal na sulyap ng Iyong Ina at amin ding Inang si Maria,
inihahanda namin ang aming sarili upang ikaw ay aming samahan sa Iyong paglalakbay sa landas ng Iyong
pamimighati, bilang pagtubos Mo para sa aming kaligtasan.
2
ALAY KAPWA 2021
Nais naming maging bahagi ng Iyong paghihirap, na ialay ang aming salat at nagsisising kalooban
sapagkat kami ang nagkasala ngunit Ikaw ang namatay sa ngalan ng pag-ibig Mo sa amin.
Mahal naming Ina, Birheng nagdadalamhati, tulungan kaming alalahanin ang mga mapapait
na sandali ng paghihirap ng iyong Anak, na kusang-loob Niyang binata para sa buong sangnilikha.
Nang kami, bilang mga luwad lamang, ay makapamuhay ng ganap sa kalayaan at dangal bilang mga anak
ng Diyos. Hinihiling namin ito sa Iyong pangalan, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
UNANG ESTASYON:
ANG HULING HAPUNAN
I. Kahilingan
III. Namumuno: + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Jn 13: 4-7, 14-16)
“Kung akong Panginoon ninyo at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din
kayong maghugasan ng paa. Binigyan ko kayo ng halimbawa at ito ay dapat ninyong tularan.
Sinasabi ko sa inyo: ang alipin ay hindi dakila kaysa sa kanyang panginoon, ni ang sinugo
kaysa nagsugo sa kanya.”
3
ALAY KAPWA 2021
Itinuturo ng ating Inang Simbahang Katolika na ang buhay ng tao ay banal sapagkat ang
Diyos ang lumikha nito, at ito ang palagiang pamantayan kung paano natin tinatasa ang
mga institusyon, pamamaraan at pamamahala -- kung sila ba’y mapagyabong o mapaminsala
sa buhay at dangal ng tao.
(Sandaling Katahimikan)
V. Panalangin
Lahat: Panginoong Jesukristo, nilikha ang tao para sa kaganapan at kaligayahan ng buhay nito
ngunit malimit na mali ang aming pagpili ng kung ano ang nakapagpapaligaya at
nakapagpapabusog sa amin. Inuuna namin ang aming sariling layaw kaysa ikabubuti ng iba.
Turuan mo kaming tanggapin Ka sa Eukaristiya bilang aming pagkain at inumin na
nagbibigay-buhay. Maisabuhay nawa namin ang diwa ng Eukaristiya, na ang paglilingkod sa
kapwa at paggawa para sa kanyang kaayusan ng pamumuhay ay ang pagpapatotoo namin na
kami ay inanak ng Eukaristiya upang magpahayag ng Iyong kabutihan at magpakain sa aming
kapwa. Sa pamamagitan ng aming makatarungan at mapagmahal na pagtupad sa aming
tungkulin, mapatingkad nawa namin sa aming buhay na kami ay nilikhang kalarawan ng Diyos,
anak ng Iyong Ama at kapatid mo at templo ng Espiritu Santo. Amen.
VI. Ang Unang Misteryo sa Tuwa: Ang Pagpapahayag ng Anghel sa Birheng Maria
Sa mga susunod na araw ng pag-eestasyon ng Krus maaaring isalit naman ang Misteryo ng
Liwanag dito.
4
ALAY KAPWA 2021
IKALAWANG ESTASYON:
ANG PANANALANGIN NI HESUS SA GETSEMANI
I. Kahilingan
III. Namumuno: + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (Mt. 26: 36-39)
Namumuno: At isinama sila si Hesus sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi Niya
sa Kanyang mga alagad, “Dito muna kayo; mananalangin ako sa dako roon.” Ngunit isinama
Niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. At nagsimulang mabagabag at maghirap ang
kanyang kalooban. Sinabi niya sa kanila, “Ang puso ko’y tigib ng hapis na halos
ikamatay ko! Maghintay kayo rito at makipagpuyat sa akin!” Pagkalayo nang kaunti,
nagpatirapa siya at nanalangin: “Ama ko, kung maari’y ilayo mo sa akin ang saro ng
paghihirap na ito. Gayunman, huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang
mangyari.”
IV. Pagninilay: Tawag sa Pamilya, Makiisa kay Hesus bilang Sambayanan ng Diyos
5
ALAY KAPWA 2021
May buhay bang ugnayan sa loob ng aming pamilya -- sa aming pagmamahalan,
pagpapatawaran, pagkakaisa, at pagtutulungan? Kami ba bilang pamilya ay sama-sama
pang nagdarasal at nagsisimba? Iminumulat din ba namin ang aming pamilya sa mas
malawak naming ugnayan sa pamayanan? Nakikiiisa ba kami sa mga gawaing
pampamayanan at panlipunan? Naniniwala ba kaming mayroon kaming tungkuling gumawa
para sa kapakanan ng lahat lalo na sa aming pagdamay sa mga dukha at mahihina?
(Sandaling katahimikan)
V. Panalangin
VI. Ang Ikalawang Misteryo sa Tuwa: Ang Pagdalaw ng Birheng Maria kay Elisabet
O kaya:
III. Namumuno: + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos (Mc.
14:60- 64;15:1)
6
ALAY KAPWA 2021
Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong pari, mga pinuno ng bayan, mga
tagapagturo ng Kautusan, at iba pang bumubuo sa kataas-taasang kapulungan ng mga
Judio. Ipinagapos nila si Hesus at dinala kay Pilato.
Namumuno:
(Sandaling katahimikan)
V. Panalangin
Turuan po Ninyo kaming nagninilay ngayon sa Daan ng Krus na ito na talikuran namin ang
aming pagkamakasarili at harapin namin ang pagpapakabuti sa pamamagitan ng aming pag-
asang may mas maaabot kami kung kami ay marunong magparaya at mag-alay ng
7
ALAY KAPWA 2021
aming buhay para sa iba. Hinihiling namin ito sa Iyongpangalan, ngayon at magpasawalang
hanggan. Amen.
O kaya:
I. Kahilingan
III. Namumuno: + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Jn. 19:1-6a)
Namumuno: Kaya’t ipinakuha ni Pilato si Hesus at ipinahagupit. Ang mga kawal ay kumuha
ng halamang matinik, ginawa itong korona at ipinutong kay Hesus. Siya rin ay sinuotan nila
ng balabal na kulay ube. Lumapit sila sa kanya at sinabi, “Mabuhay ang Hari ng mga Hudyo!”
At kanilang pinagsasampal si Hesus. Lumabas muli si Pilato at sinabi sa mga tao, “Ihaharap
ko siya sa inyo upang malaman ninyo na wala akong nakikitang dahilan upang hatulan siya!”
At lumabas si Hesus na may koronang tinik at balabal na kulay ube. Sinabi sa kanila
ni Pilato, “Pagmasdan ninyo ang taong ito!” Pagkakita sa kanya ng mga punong pari at ng
mga bantay, sila’y nagsigawan “Ipako siya sa krus! Ipako sa krus!” Sinabi ni Pilato
“Kayo ang bahala sa kanya at magpako sa kanya sa krus, dahil wala akong nakikitang
dahilan upang hatulan siya.”
8
ALAY KAPWA 2021
Namumuno:
Sino ang mas binibigyan kong pabor sa aking buhay, ang mga tao bang may isusukli sa
aking ginawa o ang mga taong nasa gipit na pangangailangan? Nanatili na lamang ba ako sa
antas ng damdamin ng awa para sa mga mahihirap at mahihina at wala naman akong
konkretong ginagawa para sila ay tulungan? Ano ang ginagawa ko upang maibsan ko ang
kahirapan ng aking kapwa?
(Sandaling katahimikan)
V. Panalangin
Lahat: Panginoong Jesukristo, pag-ibig ang nagtulak sa Iyo upang ikaw ay magdusa para sa
kaligtasan ng sangkatauhan. Hinagupit ka, pinutungan ng koronang tinik, at dinusta sa iyong
pagal na katawan at nanghihinang kalooban, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, pinili
Mong magpakumbaba at pasanin ang lahat ng pagpapahirap sa Iyo alang-alang sa
Iyong pagmamahal. Bigyan Mo kami ng pagkakataon na kami rin ay matutong tumikis sa
aming sariling hilig upang bigyang-kaluwagan ang aming mga kapatid na naghihirap.
Makita Ka nawa namin sa mukha ng mga dukha at gumawa kami nang makatarungan upang
mabali namin ang mapagpahirap na panghampas ng pagkaganid. Hinihiling namin ito sa
Iyong pangalan, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
O Kaya:
9
ALAY KAPWA 2021
IKALIMANG ESTASYON:
ANG PAGPAPASAN NI HESUS NG KRUS
I. Kahilingan
III. Namumuno: + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Jn. 19: 16b-17)
Namumuno: Kaya’t ibinigay sa kanila ni Pilato si Hesus upang Siya’y ipako sa krus. Kinuha
nga nila si Hesus. Inilabas Siyang pasan ang Kanyang krus papunta sa lugar na kung
tawagi’y “Dako ng Bungo”, Golgotha sa wikang Hebreo.
Namumuno:
Ang lakas paggawa ay di lamang para sa ikabubuhay ng isang tao ngunit lalo’t higit ay
isang anyo ng pakikiisa ng tao sa Diyos sa patuloy Niyang paglikha sa sanlibutan.
Itinuturo ng Simbahan na ang ekonomiya ay dapat na maglingkod sa kapakanan ng tao. Sa
kasamaang-palad, ang kalagayan ng maraming manggagawa ay kahabag-habag dahilan sa
mas inuuna ng mga kapitalista ang kanilang pakinabang, at kinalilimutan naman ang
makatarungang sahod para sa mga manggagawa. Inuuna ang interes ng mga
namumuhunan kaysa karapatan sa isang disenteng sahod para sa mga manggagawa.
10
ALAY KAPWA 2021
(Sandaling katahimikan)
V. Panalangin
O kaya:
IKAANIM NA ESTASYON:
ANG PAGKADAPA NI HESUS
I. Kahilingan
Namumuno: Tunay ngang inalis Niya ang ating mga kahinaan, pinagaling Niya ang
ating mga karamdaman. Ngunit inakala nating iyo’y parusa ng Diyos sa Kanya. Ngunit
dahil sa ating mga kasalanan kaya Siya nasugatan; Siya ay binugbog dahil sa ating
kasamaan. Tayo’y gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang
tinanggap. Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng
lakad. Ngunit ipinataw ni Yahweh sa Kanya ang kaparusahang tayo dapat ang
tumanggap. “Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit hindi kumibo kahit isang salita; tulad ay
tupang nakatakdang patayin, parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan at hindi umiimik
kahit kaunti man.
Namumuno:
Tayo ay iisang pamilya ng Diyos anuman ang pagkakaiba ng ating lahi, bansa,
paniniwala, at ideolohiya. Ang pagkakaisa ay ang pagmamahal at pagmamalasakit natin
sa ating kapwa na nasa ating ginagalawang pamayanan, bansa, athesu mundo. Tayong
lahat ay magkakapatid. Si Hesus ay nadapa sa bigat ng krus. Tayo naman ay nadarapa
dahil sa ating mga kasalanan. Si Hesus ay muling tumayo upang turuan tayong tumayo
matapos madapa. Si Hesus ay kaisa natin sa pagsisikap na bumangong muli.
(Sandaling katahimikan)
V. Panalangin
Lahat: Panginoong Jesukristo, makintal nawa sa aming puso ang diwa ng pagkakaisa,
at ituring namin na ang bawat isa ay aming kapatid katulad ng Iyong pakikipag-kapatid sa amin.
Patawarin Mo po kami sa aming paulit-ulit na pagkadapa sanhi ng aming kahinaan at
kasalanan. Bigyan Mo kami ng kapakumbabaan, nang kami ay pagabay sa mabubuting
12
ALAY KAPWA 2021
payo ng Iyong Salita, ng Simbahan, at ng mga taong Iyong ginagamit upang kami ay
mapanuto sa aming buhay. At ng biyaya ng alab ng pagkakaisa upang sama-sama naming
itaguyod ang iyong mapagmahal na Kaharian dito sa lupa. Hinihiling namin ito sa Iyong
pangalan, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
III. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos (Mc. 15:21)
Namumuno: Nasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon na taga-Cirene, ama
nina Alejandro at Rufo. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus. Kanilang dinala si
Hesus sa lugar na tinatawag na Golgotha, na ang ibig sabihin’y “Pook ng Bungo”.
Namumuno:
Iminulat at hinubog tayo ng ating Simbahang Katoliko na ang Diyos ang may likha ng
lahat ng bagay sa mundo; sa lahat ng nakikita at di nakikita, ang Diyos ang lumikha -- sa
makabagong panahon kung saan ang matuling pagkasira ng kalikasan ay isang malaking
hamong moral at etikal ng ating pananampalataya.
13
ALAY KAPWA 2021
(Sandaling katahimikan)
V. Panalangin
Lahat: Panginoong Jesukristo, may kanya-kanya rin kaming mga pasanin sa buhay, ngunit
huwag sana naming malimutang mayroon kaming kapwa na handang tumulong sa amin,
tulad ni Simon ng Cirene. Bigyan po Ninyo kami ng mabubuting kaibigan na tutulong
sa aming pagaanin ang aming mga tiisin sa buhay. Makita nawa namin na sa sandali ng aming
kagipitan, hindi lamang ang aming kapakanan, kundi lalo’t higit ang kapakanan ng iba.
Turuan Ninyo kami, na kung paanong ang iyong Katawang Mistiko ay umiiral sa ugnayan ng
bawat bahagi nito, gayun din naman sa likas na ugnayan ng kalikasan, kami ay matutong
igalang ang hangin, tubig, lupa at lahat ng bagay na nilkha Mo upang kami ay sama-samang
makatugon sa pangangailangan ng iba lalo na ng mahihirap. Hinihiling namin ito sa Iyong
pangalan, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
VI. Ang Ikalawang Misteryo sa Hapis: Ang Paghahampas kay Hesus sa Haliging Bato
III. + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas (Lk. 23: 27-28;31)
Ang mga babae sa Jerusalem ay sinabihan ni Hesus upang hindi lang Siya
kundi ang iba rin ay damayan. Madali tayong maiyak o maawa lalo na sa mga nagugutom
subali’t madali rin ba tayong dumamay sa kanila?
15
ALAY KAPWA 2021
habang ang marami ay subsob sa kanilang kalam na sikmura? Madalas ba akong bumili ng
mamahaling pagkain at inumin ngunit madamot naman sa pagbibigay sa nangangailangan?
(Sandaling katahimikan)
V. Panalangin
Lahat: Panginoong Jesukristo, sa Iyong pagiging Diyos, niyakap Mo ang lahat sa aming
pagkatao liban sa kasalanan. Sa pagpasan Mo ng krus dinanas Mo ang lahat ng paghihirap
bilang isang tunay na tao. Naglalakbay Ka pa rin sa aming kapanahunan ngayon sa
pamamagitan ng aming kapwang naghihirap, na walang anumang pangunahing
pangagailangan. Turuan Mo kaming mamighati sa Iyong pagdurusa at kumilos upang ibsan
ang paghihirap Mo sa pamamagitan ng aming sama-samang pagbabahagi at pagtalikod sa
aming pansariling layaw, tulungan ang mga nagugutom hindi lamang sa pagkain kundi
maging sa pagmamahal at katarungan. Hinihiling namin ito sa Iyong pangalan, ngayon
at magpasawalang hanggan. Amen.
VI. Ang Ikatlong Misteryo sa Hapis: Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik Sa Panginoong
Jesukristo
III. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos (Mc. 15:24-27) at kay
San
Juan (Jn.19: 28-29)
16
ALAY KAPWA 2021
ng krus ang paratang laban sa kanya, “Ang Hari ng mga Judio.” May dalawang tulisang
kasama niyang ipinako sa krus, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
Pagkatapos nito, alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng
Kasulatan ay sinabi Niya, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na
alak. Inilubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idinikit sa kanyang
bibig.
Namumuno:
Sa taglay na kalikasan ng tubig, ito ay hindi dapat na ituring bilang isang bagay lamang at
ito’y kailangang gamitin ng wasto para sa kapakinabangan ng lahat. Isa sa mga tungkulin ng
nasa pamahalaan ay pangalagaan at tingnan kung ang tubig ba ay naibabahagi ng wasto sa
lahat. At kung sakali na ito ay ipagkatiwala sa isang pribadong pangangasiwa, ang tubig ay
ituturing pa rin bilang isang yaman na para sa pampublikong kapakanan. Ang karapatan sa
tubig, tulad ng kaparapatang pantao, ay nakasandig sa dangal ng tao, at hindi lamang
bilang isang bagay na sinusukat bilang isang kapakanang pang-ekonomiya. Walang tubig,
ang buhay ay manganganib. Kaya, ang karapatan sa malinis na maiinom na tubig ay
pandaigdigan at di maiaalis na karapatan. (Compendium of the Social Doctrine of the
Church, 485)
Anong mga bagay ang naiiambag ko sa aking pamayanan upang makiisa sa mga
gawaing pangkalikasan? Si Hesus man ay nauhaw, at katulad Niya, maraming nauuhaw.
Ginagamit ko lang ba iyong sapat sa aking pangangailangan sa tubig? Ano ang aking
nararamdaman sa tuwing may naaaksayang tubig sa aming bahay o sa ibang lugar, at sa
nakikita kong patuloy na pagkamatay ng mga sapa, ilog at karagatan?
(Sandaling katahimikan)
V. Panalangin
17
ALAY KAPWA 2021
I. Kahilingan
III. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos (Mc. 15:24-25) at San Lukas
(Lk. 23: 39-43)
Namumuno: Ipinako Siya sa krus at nagsapalaran sila upang malaman kung alin sa
Kanyang damit ang mapupunta sa bawat isa. Ika-siyam ng umaga nang ipako nila sa krus si
Hesus.
Tinuya rin si Hesus ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang
Kristo?” Iligtas mo ang iyong sarili pati na rin kami.” Ngunit pinagsabihan naman ito ng
kanyang kasama. “Wala ka bang takot sa Diyos?” Ikaw di’y pinarurusahang tulad niya! Tama
lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y
walang ginawang masama,” At sinabi pa nito “Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka
na.” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”
Namumuno:
18
ALAY KAPWA 2021
daw sa ilang batas na nagbabawal ipamagigay ito -- na baka raw may mga sakit o
mikrobyong taglay ang mga ito galing ibang bansa at bawal din namang ibenta para
maiwasan ang smuggling.” (GMA-News Online, September 14, 2014)
Isang mahalagang utos na damtan ang mga walang maisuot at ito ay matatagpuan
mula sa Matandang Tipan at Bagong tipan. “Bigyan mo ng damit ang walang maisuot.” (Is.
58:7). Halimbawa: ang isang kapatid ay walang maisuot at walang makain. Kung sabihin ng
isa sa inyo, “Patnubayan ka nawa ng Diyos. Magbihis ka’t magpakabusog,” ngunit di naman
siya binigyan ng kanyang kailangan, may mabuti bang maidudulot sa kanya iyon? Gayon din
naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.” (Santiago 2:14-16)
(Sandaling katahimikan)
V. Panalangin
Lahat: Panginoong Jesukristo, hinubaran Ka rin ng mga nagparusa sa Iyo upang Ika’y
hamakin at hiyain. At sa iyong pagkabayubay sa krus, nilasap Mo rin ang init
ng nakapapasong araw at lamig ng pagkaduwag ng Iyong mga alagad. Sa lahat ng ito, nakuha
Mo pa ring magpatawad sa lahat ng aming pagkakasala tulad ng Iyong pagpapatawad sa isa
sa mga magnanakaw na nakapako sa krus upang siya ay bigyan Mo ng karangalan bilang
Iyong kapatid at anak ng Iyong Ama. Turuan Mo kaming magtanggol sa mga hinubaran sa
kanilang karapatan at magpadama ng init ng iyong kapanatilihan sa aming pagsusumikap na
igalang ang bawat tao anuman ang kanilang kalalagayan sa lipunan. Hesus, turuan kaming
magpatawad at bihisan kami ng Iyong pagpapala. Hinihiling namin ito sa Iyong pangalan,
ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
19
ALAY KAPWA 2021
20
ALAY KAPWA 2021
III. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Jn. 19:25-27)
Namumuno: Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae
nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang Makita
ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi,
“Ginang narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon,
pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay ang ina ni Hesus.
Namumuno:
Sa krus, inisip din ni Hesus ang titirhan ni Maria na maiiwan Niyang nag-iisa.
Sa alagad na minamahal, ang Mahal na Birhen ay ipinagkatiwala at mula noon pinatira
na si Maria ng alagad sa kanyang bahay.
Ayon sa isang manunulat at mang-aawit, marami raw nagsasabi na ang tawag sa isang
pinagtagni-tagning tabla at karton at binubungan ng makalawang at butas na mga yero at
dinaganan ng mga gulong ay bahay. Ngunit hindi tulad nito ang nais ng Diyos na bahay para sa
Kanyang mga anak. Isang maayos at disenteng bahay ay nararapat sa isang tao, dahil
ang layunin ay maging ligtas at buo silang pamilya sa silong nito. Sa isang bahay nagsisimula ang
pamilyang magbuo ng isang tahanang may kapayapaan at kaunlaran ng bawat isa.
(Sandaling katahimikan)
21
ALAY KAPWA 2021
V. Panalangin
Lahat: Panginoong Jesukristo, naranasan din ng Iyong mga magulang, Maria at Jose,
na matanggihan para sa isang matutuluyan, kung kaya’t ang sabsaban -- ang kainan ng mga
hayop -- ang unang lugar na tumanggap sa inyo. Sa kabila ng lahat ng ito, ang init
ng pagkakandili ng Iyong mga magulang ang naging panangga Mo sa lamig at panganib.
Bigyan Mo kami ng lakas ng loob na sundan Ka hanggang sa paanan ng krus upang kami ay
turuan Mong maging mapag-ampon at mapagmalasakit sa bawat isa tulad ng paghahabilin Mo
sa Iyong Ina sa Iyong minamahal na alagad. Hesus, turuan Mo kaming buksan ang
aming tahanan sa mga nangangailangan. Hinihiling namin ito sa Iyong pangalan, ngayon at
magpasawalang hanggan. Amen.
2. Para sa mga dumaraan sa dagok ng karamdaman upang lalo nilang makita si Jesukristo
bilang Dakilang Manggagamot. Isama natin sa ating panalangin ang mga nasa larangan
ng kalusugan, ang ating Panlalawigang Pagamutan at mga Pagamutang Bayan. At sa
lahat ng mga taong naglulunsad ng Medical Mission.
3. Para sa buong angkan ng na nakikibahagi ngayon sa ating panalangin.
III. Pagbasa mula sa Ebanghelyo ayon kay San Marcos (Mc. 15:33-39)
Namumuno:
Sa Kanyang paglagi rito sa lupa, si Hesus ay walang humpay na gumawa para palayain ang mga
tao sa kanilang karamdaman, kapighatian at kamatayan. (Compedium of the Social Doctrine of the
Church, 261) Si Hesus ay namatay upang pagalingin tayo sa ating kasalanan at bigyan ng buhay.
Nararamdaman ko ba ang hirap ng kawalang pag-asa ng mga maysakit lalo na ng mga walang
pampagamot? Paano ko natutulungan ang mga maysakit na kasapi ng aming pamilya? Anong mga
bagay ang maibabahagi ko sa mga maysakit na walang kumakalinga?
(Sandaling katahimikan)
V. Panalangin
23
ALAY KAPWA 2021
2. Para sa lahat ng Katoliko, upang ang bawat Sakramentong ipinagdiriwang, lalo na ang
Eukaristiya, ay magdulot sa kanila ng pag-asa.
III. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Jn. 19:38b-42)
Namumuno:
Laging kawawa ang mga mahihirap. Wika nga, “Mahal manganak at mahal ding
mamatay…” Kadalasan, ang bayad sa punerarya ay tinatayang P35,000 kasama ang
embalsamo, make-up, damit, at ataol. Di pa kasama ang nitso na nagkakahalaga ng P1,500
24
ALAY KAPWA 2021
– 7,000 sa loob ng limang taon.
Nagiging tinig ba ako ng mga biktima ng karahasan? Naninindigan ba ako na kahit na ang
isang taong masama o kriminal ay may karapatan pa rin sa buhay? Buhay pa rin ba sa ating
kaugalian bilang mga Katolikong Pilipino ang pakikiramay sa mga naulila? Ang pag-
aabuloy? Anong mga simpleng bagay ang naibabahagi ko sa mga naulila? Ipinagpapamisa at
ipinagdarasal ko ba ang mga mahal kong yumao, ang mga pinaslang, ang mga kaluluwa sa
purgatoryo?
(Sandaling katahimikan)
V. Panalangin
25
ALAY KAPWA 2021
II. Namumuno: Sinasamba at pinupuri Ka namin, Panginoong Jesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Banal na Krus, tinubos Mo ang sanlibutan.
III. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos (Mc. 16:1-6)
(Sandaling katahimikan)
V. Panalangin
Namumuno: Manalangin tayo (sandaling katahimikan)
Lahat: Panginoong Jesukristo, Ikaw ay muling nabuhay upang ihatid sa amin ang pag-asa at
buhay. Tulungan kaming maging tagapagdala ng pag-asa sa mga kapatid namin na nasa piitan.
Ang Iyong muling pagkabuhay ay magdulot sa amin ng pagnanasa na magbago at
magbangon kami mula sa pagkadapa sa kasalanan. Sa pagdalaw namin sa mga nakapiit
26
ALAY KAPWA 2021
maging bahagi nawa kami ng paghahatid ng pagpapatawad sa kanila. Hesus, tulungan
kaming maging saksi ng Iyong buhay at awang kaloob. Amen.
VI. Ang Ikaapat na Misteryo sa Luwalhati: Ang Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng
Maria
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Lahat: Amen.
Lahat: Amen.
27
ALAY KAPWA 2021
PANGWAKAS NA AWIT
NASA’N KA
(HIMIG: WERE YOU THERE)
ISANG BANSA
Sabay-sabay ngang mag-aawitan ang mga
O kay ganda ng ating buhay napuspos ng bansa
pagpapala Tayo'y itinuring ng Panginoon bilang mga anak
Ng sakramentong mahiwaga kaloob ni Hesus sa Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
`ti’y gabay Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
O kay tamis ng pagsasama nagmumula sa
pagkakaisa Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili
Bumubukal sa pagsasalo sa iisang hapag ay lamang
dumalo Walang sinuman ang namamatay para sa sarili
lamang
Purihin si Hesus sa sakramento; Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Purihin ng lahat ng tao Purihin Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Siya ng Pilipino Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Sa pagkakaisa lingapin mo
O lingapin mo. BUKSAN ANG AMING PUSO
28
ALAY KAPWA 2021
At kung tayo'y bigo, ay h'wag limutin
PANGINOON AKING PASTOL Na may Diyos tayong nagmamahal
KORO:
29
ALAY KAPWA 2021
30