Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

BAGUIO CITY

Ang Lungsod ng Baguio ay isang First Class Highly urbanized na lungsod sa Hilagang Luzon sa Pilipinas at ang
punong-lungsod ng Cordillera Administrative Region o CAR. Ito ay ginawang “ Summer Capital” noong ika-isa ng Hulyo,
1903 ng “Philippine Commision” at idineklarang lungsod ng “Philippine Assembly” noong ika-isa ng Setyembre 1909.
Ang salitang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na “bagiw” na ang ibig sabihin ay “lumot”. Mas kilala rin ito bilang
“The City of Pines”.

AWITING BAYAN
Ayon kay Jose Maceda, walang isang natatanging tawag sa awit ng mga taga Baguio sa Cordillera. Ngunit ang
mga ito ay may mga natatanging pangalan sa iba’t ibang klase ng awit. Pinakasikat na awiting bayan sa Cordillera Region
ang SALIDOMMAY, isang awit sa panliligaw, kasalan, pista, pagdiriwang ng kapayapaan, masaganang ani at iba pang
kasiyahan.
Bukod sa Tatak na awiting Bayan na Salidommay, narito ang iba pang mga Awiting Bayan sa Lungsod ng Baguio na
inaawit ng iba’ibang pangkat etniko na naghahatid ng mga iba’t ibang mensahe: Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. CHUA-AY – isang awit na pangkasal ng mga Igorot
2. PAPURI – awit ng mga Kalinga
3. BATI – awit ng mga Tinggiyan
4. SA BUNDOK – awit ng mga Ifugao
5. DUJUNG –awit ng mga Ibaloi para sa libing ng mga namatay
6. BAJUN AT CHAJANG –awit ng mga Ifugao para sa pakikidigmang ritwal
7. TUBAG –awit ng mga Kalinga para sa pagkakasundo ng kapayapaan
8. IBI – awit ng mga Kalinga para sa pag-aala-ala sa namatay.
9. DIWAS – awit ng mga Tinguian kapag mayroong maysakit
10. SANG-SANGIT – para sa pagtatapos ng libing
11. DAWAK – awit upang tawagin ang mga kaluluwa upang masapian
12. NAWAY – awit sa pagtatapos ng pagluluksa sa namatay
13. AYOWENG AT CHARNGEK – awit ng mga Bontok tuwing nagtatrabaho ang mga tao sa palayan
14. ANNAKO – awit ng mga Bontok para sap ag-aalaala sa mga namatay

SINING
1. Kung sining at kultura ang pag-uusapan, tiyak na mayaman dito ang ilang lugar sa Baguio City. Kilala
sila sa kanilang mga hand woven products gaya na lamang ng pitaka, souvenirs, decorations, at maging
kasuotan gaya ng jacket at damit.
2. Ang mga Ifugao ay kilala sa paggamit ng mga lumang kahoy ng molave, narra, at kamagong bilang pangunahing
panimula sa paggawa ng mga souvenirs gaya ng keychain, mga dekorasyon sa bahay, at mga kagamitang
magagamit sa pangaraw-araw na pamumuhay ng tao.
3. Ang Tam-awan Village na pinupuntahan ng mga tao para masilayan ang kagandahan ng kapaligiran
at lalo na ang maranasan ang yaman ng kulturang Cordillera.
4. Kilala din sila sa paggawa ng Banga na may iba’t ibang disenyo.
5. Gayundin ang Body Tattoo Art na kanilang likhang sining ay tanyag na tanyag.

TRANSPORTASYON
Ang Loakan Airport ang nag-iisang paliparan na nagsisilbi sa pangkalahatang lugar ng Baguio. Ngunit
dahil sa limitadong haba ng runway ng paliparan, hindi gaanong ginagamit ito sa mga pampublikong serbisyo at
tanging mga Helicopters lamang ang pinapayagang makapasok dito at ilang maliliit na panghimpapawid na
sasakyan. Maaari ring marating ang lugar ng Baguio sa pamamagitan ng mga pampublikong sasakyan tulad ng
mga bus, jeepney, at mga pribadong sasakyan.
BAKIT KAILANGANG IPAGMALAKI ANG LALAWIGAN NG BAGUIO?

Dahil bawat lugar dito sa Baguio ay may mga kwento ng kasaysayan na nananatili hanggang sa
kasalukuyang panahon. Dahil sa mga makasaysayang pook, mga iba’t ibang kultura at tradisyon na iniwan ng
mga dayuhang nanakop sa lugar, napanatili pa rin ng mga taga Baguio ang kagandahang taglay ng kalikasan, na
tumatak sa kaisipan ng bawat Pilipino na ang ating bansa ay mayaman sa kultura na talagang maipagmamalaki
natin at sariling atin. Kung kaya’t kinagigiliwan ng bawat turistang namamasyal dito, na ang Baguio City ay
kahanga-hangang talaga.

You might also like