Professional Documents
Culture Documents
Panitikang Rehiyonal LM FILIPINO 7
Panitikang Rehiyonal LM FILIPINO 7
Panitikang
Rehiyonal
Kagamitan ng Mag-aaral
a publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng ed
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Panitikang Rehiyonal – Ikapitong Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2017
Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito.
Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at
yaong nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa
Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung
ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at sa mga
may-akda.
Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email
sa filcols@gmail.com ang mga may-akda at tagapaglathala.
PAHINA
MODYUL 1 – Mga Akdang Pampanitikan:
Salamin ng Mindanao 1
Panimula 2
Panimulang Pagtataya 4
Gramatika:
Aralin 1.4 Panitikan:
Gramatika:
Gramatika:
261
MODYUL 1
Mga Akdang Pampanitikan:
SALAMIN NG MINDANAO
I.PANIMULA PARA SA MODYUL 1
Bago nabuo ang ARMM, ang Mindanao ay nahahati sa apat na rehiyon. Ito
ay ang Rehiyon IX ( Kanlurang Mindanao) na kinabibilangan ng Sulu,Basilan at
Tawi- Tawi sa unang sub-rehiyon. Sa ikalawang sub-rehiyon naman ay nabibilang
ang Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte. Sa Rehiyon X (Hilagang
Mindanao), ang mga kabilang dito ay ang Misamis Occidental, Misamis Oriental,
Agusan del Norte, Agusan del Sur, Bukidnon at Surigao del Norte. Sa Rehiyon XI,
kabilang dito ang Surigao del Sur, Davao del Norte, Davao del Sur at South
Cotabato. Sa Rehiyon 12 (Gitnang Mindanao) kabilang dito ang North Cotabato,
Maguindanao, Sultan Kudarat, Lanao del Norte at Lanao del Sur.
2
magagandang kultura ng mga taga-Mindanao, b) pagkamasining ng flyer / may
orihinalidad, c) kaangkupan ng layunin, d) pagkamakatotohanan.
Sa pagtalakay ng mga aralin, gagabayan ang mag-aaral na masagot ang
mga pokus na tanong na:
1) Masasalamin ba sa panitikan ng mga taga-Mindanao ang kanilang
kultura? Ipaliwanag.
2) Paano nakatutulong ang tamang paggamit ng gramatika at retorika
upang maunawaan at mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan at
kultura ng Mindanao?
GRAPIKONG PRESENTASYON NG MODYUL
Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao
Aralin 1.1
Panitikan:Nakalbo ang Datu
(Kuwentong-bayan ng Maranao)
Gramatika:Mga Pahayag at Salita na Nagbibigay-Patunay
Aralin 1.2
Panitikan: Ang Aso at Ang Leon
(Pabula ng Maranao)
Gramatika: Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Posibilidad
Aralin 1.3
Panitikan: Prinsipe Bantugan
(Epiko ng Maranao)
Gramatika: Mga Pang-ugnayna Ginagamit sa Pagtukoy ng
Sanhi at Bunga ng Pangyayari sa
Pagpapasiya
Aralin 1.4
Panitikan: Reynang Matapat
(Maikling Kuwento ng
Cotabato) Gramatika: Mga Retorikal na
Pang-ugnay
Aralin 1.5
Panitikan: Datu Matu
(Dula mula sa Sulu at Lanao)
Gramatika: Mga Pangungusap na Walang
Paksa
Aralin 1.6
PANGWAKAS NA GAWAIN:
Paggawa ng Proyektong Panturismo
II. PANIMULANG PAGTATAYA PARA SA MODYUL 1
6. Mahigpit na ipinatupad ng reyna ang mga batas at ang sinumang lumabag dito
ay pinarurusahan. Ano ang ipinahihiwatig ng salitang sinalungguhitan?
A. mabagsik C. mapusok
B. malupit D. masungit
7. Namangha ang magulang ng dalaga kaya’t itinakda nila ang kasal ng dalawa.
Masaya ang naging buhay ng mag-asawa. Ano ang kahulugan ng salitang
sinalungguhitan?
A. nagulat C. nabighani
B. namatanda D. nabigla
Para sa tanong bilang 8-9
May sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang sa pagiging dugong bughaw
niya, kundi dahil din sa kaniyang mga katangian. Siya si Sultan Gutang na
mayaman, matapang, magandang lalaki, at may matipunong pangangatawan.
8. Mula sa binasa, ano ang maaaring maging bunga o epekto sa tao ng mga
katangiang taglay ng sultan?
A. paggalang C. pagkatuwa
B. paghanga D. pagmamalaki
12. Ano ang akdang pampanitikang may supernatural na katangian ang mga
tauhan?
A. sanaysay C. anekdota
B. epiko D. pabula
17. “Bagamat maraming nanliligaw kay Ines, nakaisip pa rin ng paraan si Lam-ang
upang manguna siya sa puso ng dalaga.” Anong katangian ni Lam-ang ang ibig
tukuyin sa pahayag?
A. tapat sa sinasabi C. maalalahanin
B. may determinasyon D. matapang
24. “Binata na ang iyong anak, lubos ka nang nasisiyahan ngunit ika’y
nangangamba sa panahong nagbabadya, panganib ay huwag dumalo sana.”
Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. malayo sana sa panganib ang binata
B. may panganib sa binata
C. nagdadalawang-isip ang kausap
D. nagbababalang panganib sa nagsasaya
1) Marahil ay
2) mabagsik ang matandang asong iyon at
3) marami nang napatay”
4) bulong niya sa sarili.
28. Alin sa mga salitang may salungguhit sa loob ng kahon ang nagpapahayag ng
posibilidad?
A. bilang 1 C. bilang 4
B. bilang 3 D. bilang 2
29. Anong uri ng pangungusap ang, “Aray!”
A. walang paksa
B. payak
C. tambalan
D. paturol
30. Aling pangungusap ang tama ang pagpapakahulugan sa nilalaman batay sa
ginamit na salitang may salungguhit?
A. Malalaki ang punong nakapaligid sa gusali.
B. Matataas ang punong nakapaligid sa gusali.
C. Matatayog ang punong nakapaligid sa gusali.
D. Matatangkad ang punong nakapaligid sa gusali.
31. “Isabuhay natin ang mahahalagang kaisipan mula sa mga panitikan upang
maipakita ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.” Anong pang-ugnay mula
sa pangungusap ang nagpapakita ng bunga?
A. mula C. upang
B. sa D. sa mga
32. , ikaw ang naging kabuuan ng aking pagkabata. Ano ang maaaring
ipuno sa patlang upang ito ay mapatotohanan?
A. Talagang C. Sa totoo lang
B. Tunay na D. Sa tingin ko
33. Isang araw, nakiusap ang Inang Pusa sa Inang Daga para bantayan ang anak
niyang kuting dahil ito ay may sakit. Ano ang tawag sa salitang may
salungguhit?
A. ekspresiyon ng posibilidad
B. pang-ugnay sa pagbibigay ng bunga
C. retorikal na pang-ugnay
D. pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi
38. Nakuha ni Lam-ang ang loob ng ama ni Ines . Ano ang angkop
na karugtong ng pangungusap na nagpapahayag ng bunga?
A. kaya naging malapit sila sa isa’t isa.
B. kasi lagi na silang namamasyal ni Ines.
C. dahil dito magpapakasal na sila ni Ines.
D. sapagkat lagi niyang pinatutuloy sa kanilang tahanan.
40. Sakaling hindi ako makadalo sa pagpupulong, maaari bang iulat mo sa akin
ang mga kaganapan doon? Ang salitang sinalungguhitan ay retorikal na
pangungusap. Ano ang ipinahahayag nito?
A. walang katiyakan C. tiyak na kondisyon
B. pag-aalinlangan D. di-tiyak na kondisyon
42. Kung ang layunin ay makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal, ano ang
angkop na tekstong susulatin?
A. naglalahad C. nangangatuwiran
B. naglalarawan D. nagsasalaysay
43. Kung nais mong makasulat ng isang tekstong naglalarawan sa kultura ng iyong
bayan, anong uri ng teksto ang iyong isusulat?
A. nangangatuwiran C. naglalahad
B. naglalarawan D. nagsasalaysay
44. Anong uri ng pagtatanghal ang ginagamitan ng mga tauhang gawa sa manika?
A. role playing C. reader’s theater
B. puppet show D. informance
45. Anong gawain ang maaari mong gawin kapag nais mong lumikha ng larawan
sa pamamagitan ng pagguhit, kung paano nasasalamin ang kultura mula sa
mga kuwentong-bayan?
A. slogan C. poster
B. jingle D. role playing
49. Kung nais mong ipakita ang elemento ng maikling kuwento sa akdang binasa,
alin sa sumusunod ang iyong gagamitin?
A. Character Mirror C. Venn Diagram
B. Plot Diagram D. Compare and Contrast Diagram
50. Kung ikaw ay susulat ng pabula, alin sa sumusunod na elemento ang hindi nito
dapat na taglayin?
A. isantabi ang aral na nakapaloob dito
B. magtataglay ng mga pahayag na nagbibigay ng pananaw
C. maaaring gumamit ng tao at hayop bilang mga tauhan
D. pawang diyalogo na lamang at wala nang bahaging nagsasalaysay
III. YUGTO NG PAGKATUTO PARA SA MODYUL 1
TUKLASIN
GAWAIN 1. Natuklasan Ko
Sa tulong ng kasunod na picture collage, bumuo ng photo essay na
naglalahad ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kultura ng mga taga-
Mindanao. Isulat ito sa sagutang papel.
Huwag kang mag-alala kung mali man ang iyong sagot. Sinukat lamang natin
kung ano ang “alam mo na” tungkol sa paksang tatalakayin natin sa modyul na ito.
LINANGIN
Sa yugtong ito, sisimulan mong tuklasin kung masasalamin ba sa panitikan ng
Mindanao ang kanilang kultura at kung paano nakatulong ang wastong gamit ng
gramatika at retorika upang maunawaan at mapahalagahan ang kanilang panitikan
at kultura sa tulong ng mga aralin.
ARALIN 1.1
I. Panimula
Tuklasin
Alam mo ba na…
y na likhang-isip lamang. Lumaganap at nagpasalin-salin ang mga ito sa iba't ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalindila (paraan
Linangin
Basahin at unawain ang isa sa mga kuwentong-bayan ng Maranao. Alamin
kung masasalamin ba dito ang mga paniniwala at katangian ng mga Maranao.
Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and
other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81.
Hasmin
Farida
Kultura- Pag-aasawa
3. Magsaliksik ng iba pang akdang pampanitikan ng mga Maranao. Bumuo ng
isang balita tungkol sa kalagayan ng lugar na pinagmulan ng akda gamit ang
kasunod na pormat. Iulat ito sa klase.
Pamagat ng Kuwentong- bayan o
akdang pampanitikan
Bayan/Lungsod
Uri
Lalawigan/Rehiyon
Populasyon
Pangunahing Produkto
Gobernador/Mayor
ga pahayag/salitang nagbibigay ng patunay. Karaniwang ang mga ito ay sinasamahan ng ebidensiya o batayan. Maaaring gamitin ang
5
Natitiyak kong naunawaan mo na ang mahahalagang konsepto tungkol sa
kuwentong-bayan at ilang paniniwala at tradisyon ng ilang taga-Mindanao tulad ng
mga Maranao, gayundin kung paano ginagamit ang mga pahayag / salitang
nagbibigay ng patunay. Sukatin kung tama ito at sagutin ang kasunod na mga
tanong sa susunod na yugto.
Pagnilayan at Unawain
Ilipat
or ng Advertising Company na magdisenyo ng poster para sa isasagawang Cultural Summit na dadaluhan ng mga kinatawan mula sa Lu
yan:
A. Panitikan: Ang Aso at ang Leon (The Dog and the Lion)
(Pabula ng Maranao)
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles
ni Ernesto U. Natividad Jr.
Tuklasin
Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin kung may alam ka na kung bakit
hayop na nagsasalita at kumikilos na parang tao ang karaniwang ginagamit na
tauhan sa pabula.
GAWAIN 1. Paghahambing
Suriin ang kasunod na mga larawan. Isulat kung anong pag-uugali ng tao ang
maihahambing sa mga ito. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
a. b. c. d.
GAWAIN 2. Paghihinuha
Alamin natin ang alam mo na kung bakit mga hayop na nagsasalita at
nagsisikilos na parang mga tao ang karaniwang ginagamit na mga tauhan sa pabula.
Gamitin ang sumusunod na ekspresiyon sa pangungusap. Gawin sa sagutang-
papel.
1. Maaaring
2. Baka
3. Siguro
4. Marahil
5. Sa aking palagay
Matapos mataya ang dati mo nang alam tungkol sa aralin, babasahin mo ang
isang pabula pero bago iyan, basahin mo muna ang ilang impormasyon tungkol dito.
an ng 620-564 BC sa Greece. Isa siyang alipin na nagtataglay ng mga kapansanan subalit pinalaya dahil sa angking husay sa pagkukuwe
Linangin
Basahin at unawain ang isang halimbawa ng pabulang Maranao upang
malaman mo ang mahalagang kaisipan kung bakit mga hayop ang nagsasalita at
nagsisikilos na parang mga tao ang ginagamit na mga tauhan sa pabula.
Isang araw, naligaw ang isang matandang aso habang hinahabol ang
kuneho. Mayamaya ay napansin niya buhat sa malayo ang isang leon na
tumatakbo papalapit sa kaniya na may tinging nagugutom. “Palagay ko’y
lalapain ako ng nilalang na ito,” sabi ng aso sa sarili.
Nakakita ang matandang aso ng mga butong nakakalat malapit sa
kaniya. Umayos siya na animo’y kakainin ang mga ito nang nakatalikod sa
paparating na leon. Nang dadambahin na ng leon, sumigaw ang matandang
aso, “isang napakasarap na leon! Mayroon pa kayang iba rito?
Nang marinig ng batang leon ang sigaw ng matandang aso ay bigla
itong tumigil, at mabilis na nagtago sa puno. “Marahil ay mabagsik ang
matandang asong iyon at marami nang napatay,” bulong niya sa sarili.
Ang ardilya (squirrel) naman na kanina pa pala nanonood sa malapit
na punongkahoy ay alam ang pandarayang ginawa ng aso at nag-isip na
gamitin ang kaniyang nalalaman para sa kaniyang sariling proteksiyon mula
sa leon. “Siguro naman ay makukuha ko ang loob ng leon,” nakangiting sabi
nito sa sarili.
Nang makausap ang leon, ipinaliwanag ng ardilya ang nangyari at
gumawa ng kasunduan. “Baka pinagtatawanan ka ng asong iyon ngayon,”
pangising tinuran ng ardilya.
Napoot ang leon dahil sa pagkakalinlang sa kaniya at nagwika,
“sumakay ka sa likod ko at nang makita mo ang mangyayari sa manlilinlang
na iyon!”
Natiktikan ng matandang aso ang pagdating ng leon na may
nakasakay na ardilya sa likod. Sa halip na tumakbo, naupo siya at
nagkunwaring hindi pa niya sila nakikita. Nang malapit na ang dalawa at alam
niyang siya’y maririnig, ang matandang aso ay nagsabi, “nasaan ang
ardilyang iyan? Inutusan ko siya, isang oras na ang nakakaraan na dalhin sa
akin ang isa pang leon!”
Biglang kinabahan ang leon at bumaling sa ardilya. “Akala ko ba’y
kakampi kita?” “Nilinlang mo lang pala ako at nais mo akong ipakain sa
asong iyan?” Akala ng leon ay talaga ngang inutusan ng matandang aso ang
ardilya upang siya ay dalhin sa harap nito. Lingid sa kaniyang kaalaman, sa
laki niya ay kaya niyang patayin at lapain ang matandang aso. Kumaripas ng
takbo ang leon, at ni hindi na nagawang lumingon.
Ang ardilya ay naiwan. Hinarap siya ng matandang aso at galit na
nagwika, “akala mo siguro ay mapapatay mo ako sa pamamagitan ng leong
iyon!” Matanda na ako at marami ng karanasan. Hindi ninyo ako
mapaglalalangan. Nanginginig na humingi ng tawad ang ardilya.
nabuo mong ideya o aral na napulot mula sa binasang akda. Maaaring maging batayan mo sa pagbuo ng mahalagang kaisipan ang pan
Pagnilayan at Unawain
sagutang-papel.
1. Stick Puppet. Pinagagalaw ang kamay sa pamamagitan ng nakadugtong na patpat o alambreng matigas. Ha
2. Shadow Puppet. A
3. Pupp
Ilipat
Isa kang puppeteer. Inanyayahan kang magtanghal ng isang pabula
sa pamamagitan ng puppet show sa bahay-ampunan upang magpasaya ng
mga bata at magturo ng kagandahang-asal sa pamamagitan ng iyong show.
Itataya ang iyong pagganap batay sa sumusunod na pamantayan:
a) Nagtuturo ng kagandahang-asal 8
b) Orihinal 3
c) malikhain 4
d) Kawili-wili 7
e) Masining 8
KABUUAN 30
Binabati kita sa matiyaga mong pag-aaral. Natitiyak kong nasagot mo na kung bakit
hayop na nagsisikilos at nagsasalitang parang tao ang karaniwang ginagamit sa
pabula at kung paano nasasalamin ang kultura at kalagayan ng mga tao sa lipunan
sa pamamagitan nito. Gayundin ang kahalagahan ng paggamit ng mga ekpresiyong
nagpapahayag ng posibilidad sa pagbuo ng mga pangungusap na naglalahad ng
pagpapahalaga sa kultura ng ilang lugar sa Mindanao. Marahil ay nakahanda ka
nang alamin ang iba pang tungkol sa kultura sa iba pang lugar sa Mindanao pa rin
na nakapaloob naman sa kanilang epiko.
ARALIN 1.3
I. Panimula
Tuklasin
Paano nagkakaroon ng
epekto ang paniniwala, Bakit mahalaga ang
pananaw at paninindigan wastong paggamit ng mga
sa pagpapasiya ng mga pang-ugnay na sanhi at
tauhan sa epiko? bunga sa pagpapahayag ng
pagpapasiya?
Alam mo ba na…
ang Darangan ng mga Muslim ay tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan
ng mga taga-Maguindanao, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat
mapaniwalaang kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang Muslim?
Maituturing itong pinakamahabang epiko sa Pilipinas. Binubuo ito ng apat na
bolyum na naglalaman ng labintatlong awit o epiko na kapupulutan ng
katutubong pananaw ng mga Muslim. Kabilang na rito ang Prinsipe
Bantugan.
Linangin
Basahin ang kasunod na epiko. Alamin kung paano nagkaroon ng epekto
ang pananaw, paniniwala at panindigan ng pangunahing tauhan sa epiko sa
kaniyang pagpapasiya.
Prinsipe Bantugan
(Ikatlong salaysay ng Darangan)
LORO
KAMATAYAN
KAHARIAN
KONSEHO
KALULUWA
1. Bakit galit si Haring Madali kay Prinsipe Bantugan? Ipaliwanag ang sagot sa
pamamagitan ng paglalahad mga pangyayari.
2. Ano ang naging bunga ng pangingibang-bayan ni Prinsipe Bantugan?
Isalaysay ang mga pangyayari.
3. Ano ang ginawa ni Haring Madali nang malaman niyang namatay
si Prinsipe Bantugan? Ano ang ipinahihiwatig nito?
4. Ano ang naging sanhi at bunga ng mga pangyayari mula sa epikong binasa?
Sagutin sa sagutang-papel gamit ang kasunod na talahanayan.
pagsusulit dahil nag-aral kang mabuti. Unang binanggit ang bunga at sumunod naman ang sanhi. Tandaan na hindi lahat ng pagkakata
angyayari ay may dahilang nauna pa kaysa rito. Sa gawaing ito, kailangan nating pag- aralang mabuti ang isang pangyayari. Dito’y kaila
aya, resulta, sanhi, epekto, bunga nito, tuloy, atbp.
Santos, Bernie C. et.al. Kawil II. 2002 Rex Book Store, Inc. Claro M. Recto, Manila
Kapitan Idol
ni Geraldine V. Nones
Cybercrime: Sugpuin
(Editoryal)
ni Teresa Padolina Barcelo
Paano ba matitigil ang cybercrime kung wala ng ibang paraan ang mga tao
upang kumita ng pera? Sana ay matagal nang ipinatupad ang batas na ito upang
matigil na ang ganitong krimen.
SANHI BUNGA
PAGSASANAY 2
Pagmasdang mabuti ang kasunod na larawan. Bumuo ng mga pangungusap na
nagsasaad ng sanhi at bunga batay dito. Gumamit ng mga pang-ugnay na
ginagamit sa sanhi at bunga. Batay sa mga ito, ibahagi ang nabuo mong
pagpapasiya.
PAGSASANAY 3
Pumili ng kakapanayamin sa inyong paaralan na may malawak na kaalaman
kaugnay ng kasunod na sitwasyon. Pagkatapos, ipasagot ang kasunod na tanong.
Sitwasyon: Nalalapit na ang eleksiyon ng classroom officers sa inyong klase. Bilang
mag-aaral na nagmamalasakit sa inyong paaralan, kailangan mong mamili ng mga
karapat-dapat na pinuno.
Tanong: Ano ang iyong isasaalang-alang sa iyong pagpili? Anong paniniwala,
pananaw at paninindigan ang isinasaalang-alang mo sa pagbibigay ng iyong sariling
pasiya?
Pagkatapos makakalap ng mga impormasyong kinakailangan, gumawa ng
FAS (form a sentence) o pagbuo ng pangungusap mula sa salitang pinuno gamit
ang bawat letra nito. Tiyaking magkakaugnay ang mga pangungusap na binuo.
Isaalang- alang ang gamit ng pang-ugnay na nagpapahayag ng mga magiging sanhi
at bunga ng pagiging mahusay na pinuno.
n. Tampok sa informance ang pagbabahagi ng malinaw na impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanghal. Ito’y magaan at madaling m
ARALIN 1.4
I. Panimula
Tuklasin
Wakas
Kakalasan
Kasukdulan
Suliranin/Tunggalian
Saglit na Kasiglahan
Panimula
GAWAIN 2. Pokus na Tanong Mo… Sagutin Ko
Sagutin ang tanong sa iyong kuwaderno.
Dagli– Tinatawag sa Ingles na sketches. Ito ay naglalahad ng mga sitwasyong may mga tauhan ngunit walang aksi
Pasingaw – Nag-aanyo ring maikling kuwento ngunit hindi rin ganap ang banghay. Ito ay naglalayong maihandog
Kuwentong Bitbit (salaysay) – Dito nag-ugat ang maikling kuwento o maiikling salaysay na pumapaksa sa tungko
Kuwentong Komersyal (pangaral) – Sumulpot sa paglaganap ng Liwayway. Ito ang pinag-ugatan ng maikling kath
Kakana (kasaysayang pampatawa) – Naglalaman ng mga alamat at engkanto, panlibang sa mga bata.
Linangin
Basahin at suriin mo ang maikling kuwentong Ang Reynang Matapat mula
sa Cotabato upang iyong malaman kung masasalamin ba sa kuwento ang
pagpapahalagang panlipunan at pagpapahalaga sa batas ng mga taga-Cotabato sa
Mindanao.
REYNA SIMA
4. Ano ang mga ginawa ng reyna at nakilala at umunlad ang kanilang kaharian?
5. Bakit sinusunod ng mga tao si Reyna Sima bagamat siya ay isang babae?
6. Bakit pinamagatang Reynang Matapat ang kuwento?
Suliranin o Tunggalian
Reynang Matapat
Tauhan
Kasukdulan
Wakas Kakalasan
Alam mo ba na…
may mga elemento ang maikling kuwento. Simulan mo nang basahin ito upang mas maunawaan ang anum
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
Tauhan – Likha ng manunulat ang kaniyang mga tauhan. May pangunahing tauhan na sa kaniya nakasentr
Tagpuan/Panahon – Dinadala ng may akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon ku
Saglit na Kasiglahan – Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na d
Suliranin o Tunggalian – Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kaniy
Kasukdulan – Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyay
Kakalasan – Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
Wakas – Dito nalalaman ang kinahinatnan ng mga pangyayari kung malungkot o masaya ang nangyari sa t
Pagtatagumpay
5.3 Unawain at Pagyamanin Mo
Suriin mo ang katangian ng pinuno sa kuwentong binasa. Pagkatapos, isulat
mo ang mahahalagang panlipunang ipinakita at kaugnay ng pagpapahalaga sa
batas ng tao?
Tanong:
1. Paano ipinakita sa kuwento ang pagpapahalagang panlipunan at
pagpapahalaga ng mga tao sa batas batay sa ipinakitang pamamalakad ng
Reyna?
2. Ano ang mga kaugalian at paniniwala ng mga taga- Cotabato sa Mindanao
sa inilahad sa kuwento?
PAGSASANAY 1
Basahin at kopyahin ang sumusunod na pangungusap sa iyong kuwaderno.
Pagkatapos, salungguhitan ang retorikal na pang-ugnay na ginamit at ipaliwanag
kung paano ito ginamit sa pangungusap.
1. “Kung gusto mong kaawaan kita dapat magkaroon ka rin ng habag sa mga
kasamahan mo,” ang sabi ng amo sa katulong.
2. Baka mabigyan pa siya ng pagkakataon na makabayad sa kaniyang
pagkakautang.
3. Sakaling makita ng ibang katulong ang nangyari ay pupuntahan nila ang amo
para makapagsumbong.
4. Kapag hindi nagbago ang katulong ay parurusahan siya ng kaniyang amo.
5. Kung alam lang ng amo na magiging buktot ang katulong disin sana ay hindi
na niya ito kinaawaan.
PAGSASANAY 2
Basahin at unawain ang kasunod na talata. Suriin ang mga retorikal na pang-
ugnay na ginamit sa pangungusap ng nasabing talata. Piliin sa kasunod na kahon
ang angkop na pang-ugnay at isulat ito sa sagutang papel.
Laging nauuna ang mga estudyante sa balita walang pasok.
Abala sila sa pagte-text sa kanilang mga kaklase at mga kaibigan
ano ang puwede nilang gawin habang walang pasok. _ may
takdang-aralin na ibinigay ang guro ay pinag-uusapan nila ano
ang kanilang gagawin upang wala na silang maging problema. Marami ang
masaya walang klase pero para sa iba mas nais nilang pumasok
para may matutuhan silang bago. Nag-aalala ang iba magkaroon
ng pasok ng ilang Sabado upang gawing pamalit sa mga araw na walang
klase. ay pumasok na lamang sila kaysa mapalitan pa ito sa mga
araw na itinuturing nilang pahinga.
PAGSASANAY 3
Isulat ang buod ng kuwentong “Ang Reynang Matapat,” nang maayos at may
kaisahan ang mga pangungusap. Gumamit ng mga retorikal na pang-ugnay.
Pagnilayan at Unawain
ARALIN 1.5
I. Panimula
Isa pang uri ng panitikan ng Mindanao ang ating tutuklasin, ang dula na
pinamagatang Datu Matu. Upang higit mo itong maunawaan at mapahalagahan ay
pag-aaralan din natin ang tungkol sa Mga Pangungusap na Walang Paksa.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang makabubuo ka ng patalastas na
ginagamitan ng mga pangungusap na walang paksa batay sa sumusunod na
pamantayan: a) nakatatawag ng pansin ang paksa, b) wasto at angkop ang
nilalaman,
c) masining ang pagkakagawa ng mga larawan, d) makabuluhan ang inilahad na mga
impormasyon, e) malinis at maayos ang pagkakagawa, at f) wasto at angkop ang
ginamit na mga salita sa pagbuo ng pangungusap.
Tuklasin
Sa susunod na gawain, tutuklasin kung may alam ka sa mga tradisyon at
kaugalian ng mga kapatid nating Muslim.
nikilala nilang Diyos. Ikalawa, ang penggunting o pegubad, ginagawa ito pitong araw pagkapanganak ng sanggol. Dito ay naghahanda a
GAWAIN 2. Salamin Ko…Hinuha Mo!
Basahin ang sumusunod na tanong. Subuking sagutin ang mga ito. Isulat sa
kuwaderno ang mga sagot.
la. Ang ilan sa mga ito ay ang dulang panradyo at dulang pantanghalan. Sa dulang panradyo ay hindi nakikita ang mga gumaganap. Sila
Linangin
Taumbayan:
Tayo’y mag-aliw sa kalilang
Khalid, lilinisin sa Pag-Islam
Magsayawan, magtugtugan
Onor, ritmo’y panhuluhan
Ipatulod nangangahulugan
Ganap na Muslim, alagad ng Islam.
Datu Manu:
Assalamo. Allaikum.
Taumbayan:
Allaikum Assalam
Abu:
Datu. Si Datu Awalo ng Biwang.
Datu Matu:
Lubos ang kasiyahan ko sa pagdalo ninyo. Isang malaking karangalan.Nawa’y
maging simula ito ng pagbibigkis ng ating lakas.
Awalo:
Datu Matu, pagare aken. Wala akong ibang sadya rito kundi makiisa sa
pagdaraop ng ating mga palad at damdamin.
Datu Matu:
Noon pa man, ang ating mga bayan ay dati nang magkaibigan. Hindi maiwasang
nagkaalitan nang kaunti at nagkasugatan. Ngunit walang dahilan upang di
maghilom ang naiwang sugat at muling maging magkaibigan.
Taumbayan:
Datu Matu, Datu Matu
Tuldok sa gitna ng bilog
Taluktok ng aming bundok
Buhay sa iyo’y umiikot
Datu Manu, Datu Manu
Sinusunod, tinitingala
Iginagalang na pangulo
Mapalad ang aming bansa.
Datu Matu:
Wala akong pagsidlan ng kasiyahan sa Pag-Islam ng aking binatang si Khalid.
Ngayon nama’y marangal kong ibabalita sa inyo ang pagdaraop ng palad ng
aking anak na si Tarintang at ng anak ni Datu Awalo na si Maduk. Magsisilbi
itong tatak, mahigpit na pagkakaisa ng ating dalawang bansa.
Awalo:
Magkapatid tayo mula pa man. Lubos akong naliligayahan.
Datu Matu:
Ituloy ang kalilang.
Bapa Salilang:
Assalamo Allaikum
Taumbayan:
Allaikum Assalam. Magkuwentuhan.
Abu:
Ang pakikipagsapalaran ni Pilandok upang makapon ang mga walang tuli na
dayuhang unggoy. (Magtawanan.) Da a orak.
Taumbayan:
Swer. Swer, swer. Swer….(Tawanan)
Bapa Salilang:
Unggoy, unggoy, puting unggoy sa ranao lalangoy matapos itaboy ni Pilandok,
isubok. (Mga reaksiyon, tawanan, sigawan.) Ahhh..(titig sa buwan. May sinasabi
ang buwan. (Katahimikan) O sige na, tumahimik ang lahat, walang bibig na
bubuka, walang matang kukurap, mga tenga’y iinat.
Aaaoomm..(Reaksiyon.)
(Bayok, awit.)
Makinig sa kuwentong ito isang bantog na namuno, isang mandirigma may
tapang ng agila Datu Malik ang pangalan niya. (Reaksiyon) Isang gabi, gaya ng
gabing ito, iniluwal ang isang sanggol. Lahat ng palatandaan ng langit ang
nagsabing dakila ang batang ito. Lumaki na malapit na malapit siya sa puso ng
kaniyang ina, minahal siya nang lubos. Kinilala siya na mahusay na mangangaso
noon pa man. Ininat niya ang kaniyang tirador at pinakawalan ang bato. Sa isang
bato, tatlong ibon ang bumagsak. (Mga reaksiyon.)
Isang umaga, (Isasayaw ang bahaging ito, maindayog na tunog ng plauta) hindi
huni ng ibon ang sumalubong sa kaniya, dagundong ng kanyon, sumalakay ang
mga Kastila sa kuta. Sa unang putok lamang, tumimbuwang ang kaniyang ina.
Nasugatan ang kaniyang ama, bago yumao ang kaniyang ama, ibinigay ang kris
sa kaniya. Sinasabing ang kris na minana niya ay lumilipad ng kusa at nanalasa
ng mga kaaway, parang may sariling bait. Lumaki siyang may bait. Lumaki
siyang matipuno at saksakan ng tapang. Isang umaga, muling tumapak sa ating
lupa ang mga puting banyaga. Matibay na kuta at magigiting na mandirigma ang
kanilang nagisnan, si Datu Malik at ang kaniyang makapangyarihang kris. At
kaagad ay isa ang napatay. Sa kaliwa, dalawa ang napatay sa kanan, tatlo ang
napatay sa harap. (Katahimikan.) Ipinamana ang kaniyang kris sa kaniyang
anak, kay Datu Matu.
(Huhugutin ni Datu Matu ang kris, iaabot kay Khalid. Sasayaw si Khalid.
Sasama si Hassan, isang kunyaring paglalaban, ang sagayan. May
pakiramdam ng pagmamatyag. Karangyaan sa bansa, magtatawanan.)
Datu Matu:
Bapa! Handa na si Khalid sa ipa-tulod. Inaasahan na magiging isang matapang
na mandirigmang magtatanggol ng bansa. At lalong inaasahan ang pagiging
tapat bilang isang ganap na Muslim, Allahu Akbar!
(Ipatulod) Papasok si Khalid, tutuliin. Habang ginaganap ang ritwal mayroong mga
mandirigma sa kilos ng sagayan sa paligid.
Bapa Salilang:
O, tohan Ami. O, marina. Pangalagaan si Khalid, anak ni Datu Matu. Naririto ang
isang agimat upang madaling mahilom ang sugat, upang walang masamang
espiritu sa iyo sisilong, upang bantayan ka na tonong. Allahu Akbar!
Taumbayan:
Tayo’y mag-aliw sa kalilang Khalid lilinisin sa Pag-Islam
Magsayawan, magtugtugan. Onor ritmo’y pgsasaluhan
Ipatulod nangangahulugang ganap.
(Mga tunog ng riple. Tunog ng tambol)
Mula sa: Filipinos: Writing Philippine From the Regions,p. 532-532
GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan
Ipaliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram. Gawing gabay ang
kahulugang nasa kasunod na parihaba. Pagkatapos ay gamitin sa sariling
pangunguap ang mga salitang binigyang-kahulugan. Isulat sa sagutang papel ang
paliwanag.
1. Datu
2. Rajah
3. Assalamo Allaikum
4. Allaikum Assalam
5. Allahu Akbar
b) Ihambing ang Pag-Islam sa pagbibinyag ng mga Katoliko gamit ang venn diagram.
PAGISLAM
BINYAG
PAGKAKATULAD
Paraan ng Pagsasagawa
Alam mo ba na…
nayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian. Hindi ito nagbabago at maaaring alamin ang pagkamakatotohanan nito s
gahan ang katotohanan kaysa kagandahan. Ang manunulat ay obhetibo. Nagpapakita ang tauhan ng pagbabago o ugnayan ng tauhan
GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika
Ang kasunod na akda ay larawan ng mga kaganapan sa ilang bahagi ng
Mindanao. Ang ilang dulang Pilipino na isinapelikula ay hinango sa mga
pangyayaring ito. Basahin mo ito at suriin ang mga pangungusap na may
salungguhit.
PAGSASANAY 1
Isulat ang tsek () kung ang pangungusap ay walang paksa. Isulat naman ng
ekis (x) kung mayroon. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Tayo’y magsaya sa kalilang.
2. Tugtugin ang kulintang.
3. Assalam Allaikum
4. Si Datu Awalo ng Biwang.
5. Lubos ang kasiyahan ko sa pagdalo ninyo.
6. Allahu Akbar!
7. Mapalad ang aming bansa.
8. Swer! Swer! Swer!
9. Magsayawan! Magtugtugan!
10. Datu
PAGSASANAY 2
Pangungusap Temporal Sambitla Pautos Pahanga Pormulasyong Eksistensiyal Penominal Pagtawag Pakiusap Paggamit
Panlipunan ng Modal
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
komunikasyon. Ito ay ginagamit upang hikayatin ang sa mga tao na tangkilikin ang anumang serbisyo o produktong ipagbibili.
detalyeng nais ipabatid sa mga tao. Ito ay nakalimbag na lathala o patalastas na tinatawag na advertisement sa Ingles. Makikita ito sa p
i sila ng mga produkto o serbisyong kanilang tatangkilikin. Ayon kay Sharpio (2006), ang anunsiyo ay nakapagpapabago sa pag-uugali n
g anunsiyo o patalastas:
g: at
Pagnilayan at Unawain
Ilipat
alastas para sa kanilang ilalabas na pelikula na may pamagat na “Dakilang Bayani”. Bumuo ka ng patalastas gamit ang mga pangungusa
Isa kang koordineytor ng travel agency na nais ipakilala ang isang lugar
sa Mindanao. Ang inyong kompanya ay nag-alok ng magandang insentibo sa
sinumang makabubuo ng flyer para maipakilala ang isang lugar sa Mindanao.
Kaya naman naisipan mong magkaroon ng paligsahan sa pagbuo nito upang
ito ay tangkilikin ng mga turista. Sa pagbuo ng nasabing flyer kailangan mo ng
layout artist, editor, photographer,at researcher.
Upang matiyak mo na matagumpay ang kalalabasan ng iyong layunin,
naririto ang pamantayan na kailangang masunod ng mga kalahok.
a) Pagpapakilala ng magandang kultura ng mga
taga-Mindanao 8 puntos
b) Pagkamasining ng flyer/ may orihinalidad 7 puntos
c) Kaangkupan ng layunin 5 puntos
d) Pagkamakatotohanan 5 puntos
Kabuuan 25 puntos
SINTESIS
72
I. PANIMULA PARA SA MODYUL 2
Pangunahing mga pulo sa Visayas ang Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte
at Samar, at nahahati ito sa Rehiyon VI, NIR, VII at VIII na binubuo ng labing anim
na lalawigan. Ang Kanlurang Visayas ay binubuo ng isla ng Panay at ang kalahati
ay ang Negros Occidental na ang mga lalawigang sakop nito ay ang Aklan, Antique,
Capiz, Guimaras at Iloilo. Sa Gitnang Visayas, ang mga lalawigang sakop nito ay
Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor. Ang ikatlo naman ay ang Silangang
Visayas na binubuo ng mga pulo ng Leyte at Samar na ang mga lalawigang sakop
ay Biliran, Leyte, Timog Leyte, Silangang Samar, Hilagang Samar, Kanlurang
Samar at Samar.
73
Isang Ina.” Malilinang din ang iba’t ibang kasanayan mo sa pag-aaral ng gramatika
at retorika. Masusi mong mapag-aaralan ang Mga Antas ng Wika Batay sa
Pormalidad, Mga Pahayag sa Paghahambing, Mga Pahayag na Ginagamit sa
Panghihikayat/Pagpapatunay, Mga Pang-ugnay sa Paglalahad at Pagsasalaysay,
Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari at Mga Panghalip na
Anaporik at Kataporik.
Panitikang Visayas:
Repleksiyon ng Buhay at Kultura ng Kabisayaan
ARALIN 2.1
Panitikan : Mga Awiting-bayan at Bulong
Gramatika : Antas ng Wika Batay sa Pormalidad
ARALIN 2.2
Panitikan : Alamat ng Bundok Kanlaon
sa Negros Occidental
Gramatika : Mga Pahayag sa Paghahambing
ARALIN 2.3
Panitikan : Patria Amanda (1916)
(Dula mula sa Cebu)
Gramatika : Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa
Panghihikayat
ARALIN 2.4
Panitikan : Labaw Donggon
(Epiko mula sa Iloilo)
Gramatika : Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
ARALIN 2.5
Panitikan : Ang Habilin ng Ina
(Maikling Kuwento mula sa Iloilo)
Gramatika : Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod
ng mga Pangyayari
ARALIN 2.6
PANGWAKAS NA GAWAIN:
Pagtatanghal ng Orihinal na Awiting-bayan
Gamit ang Wika ng Kabataan
II. PANIMULANG PAGTATAYA PARA SA MODYUL 2
5. Ang pamimilit ni Alunsina kay Tungkung Langit na siya’y makalikha rin ng mga
bagay na nalilikha ng kaniyang asawa ay nagdulot sa kanila ng di
pagkakaunawaan. Ano ang sinisimbolo ng paglikha na nais gawin ni Alunsina?
A. pagtakas C. pakikipaghiwalay
B. paghahanapbuhay D. pakikipagtunggali
10. Ano ang taglay na katangian ng ilang tauhan sa isang epiko na ikinaiiba nito sa
iba pang akdang pampanitikan?
A. naiibang pagkilos at pagsasalita
B. nakikipaglaban hanggang sa mamatay
C. nagtataglay ng kapangyarihan
D. naglalakbay sa malayong lugar
16. Ano ang katangiang nangibabaw sa tauhang si Fel sa dulang Patria Amanda?
A. pagiging matiyaga C. pagiging mabait
B. pagiging matalino D. pagiging masipag
19. Alin sa mga katangian ng tauhan ng epiko ang dapat tularan ng isang
kabataang tulad mo?
A. pagkakaroon ng kapangyarihang di kapani-paniwala
B. pagiging malakas sa pakikipaglaban
C. pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa pagharap sa mga pagsubok
D. paggamit ng dahas upang makuha ang gusto o naisin
24. Anong bahagi ng akda ang makikita sa pangungusap na: ‘‘Mula noon, ang
bundok ay pinangalanang Kanlaon bilang pag-alaala sa katapangan ni Kan at
kabaitan ni Haring Laon’’?
A. wakas C. kasukdulan
B. resolusyon D. simula
27. Anong antas ng wika ang pinakagamitin sa kabataan na nasa paaralan o wala
sa paaralan?
A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. masining
34. Alin ang angkop na kahulugan sa pahayag na, “maraming bata ang iniwan ng
magulang.”
A. bubukod ng tirahan
B. dahil sa hirap ng buhay
C. dahil akala iyon ay pawang pang-aapi
D. dahil iisa lamang sila sa mundo
38. Sa pahayag na: “Bilmoko ng bagong gamit.” Anong antas ng wika ang salitang
may salungguhit?
A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. pampanitikan
39. Aling pang-ugnay ang maaaring iangkop sa pangungusap na: “Takot na takot si
Lucy nang sumakay sa taksing nakaparada sa harap ng bahay.
tinatambol ang dibdib niya.”
A. anupat C. kundi lang
B. datapuwat D. palibhasa
40. Magandang tamnan ng mangga ang lupain ng Guimaras dahil sa mas mataba
ang lupa dito. Anong pang-uri sa paghahambing ang ginamit sa pangungusap?
A. maganda C. mas mataba
B. lupa D. tamnan
Para sa Bilang 41-42
Dugtungan ng salita o parirala ang taludtod sa bawat bilang upang mabuo ang
halimbawang bulong.
45. Ang sumusunod ay mga gabay sa pagsulat ng alamat. Alin ang HINDI dapat
gawin?
A. paggamit ng mayamang imahinasyon
B. limitahan sa isang pangunahing tauhan lamang
C. pagtalakay sa pinagmulan
D. pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
46. Kung ikaw ay susulat ng sariling alamat tungkol sa isang produkto na ang
pamagat ay “Ang Alamat ng Mangga”, alin ang panimulang maaaring gamitin?
A. Ang mangga sa Visayas ay tinatawag na pahutan.
B. May isang magsasaka na ang pangalan ay Mang Isko.
C. Ang tagpuan ay sa isang malawak na bukirin.
D. Sa isang malayong lugar sa Visayas sa Negros Occidental.
47. Tinugunan at tinulungan nila ang mga taong ang mga bahay ay malapit sa
dalampasigan ng Bacjawan Sur at nailigtas nila mula sa mapaminsalang bagyo
ang mga tagaroon, bata man o matanda. Ngunit sa kanilang pagbabalik sa
evacuation area, isang malaking sanga ng punongkahoy ang tumama kay
Rogelio na naging dahilan ng kaniyang pagkalaglag mula sa trak. Anong uri ng
teksto ang binasa?
A. naglalahad C. nangangatuwiran
B. nagsasalaysay D. naglalarawan
Para sa Bilang 48-49
Basahin at unawain ang kasunod na teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong kaugnay nito.
Naalala niyang nagnakaw siya noong nakaraang araw ngunit hindi siya
natatakot sa paggawa ng kasalanang ito sa Diyos na lumikha sa kaniya.
Nanginginig ang buong katawan ni Crispin sa malaking takot sa Diyos na
nagmamay-ari ng kaniyang buhay. Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng mga
luha sa mata.
48. Kung ikaw ay aatasang dugtungan ang sumusunod na pangyayari, anong uri
ng teksto ang iyong mabubuo?
A. naglalahad C. nangangatuwiran
B. nagsasalaysay D. naglalarawan
49. Buhat sa binasang teksto, ano ang ipinahihiwatig ng pagdaloy ng luha sa mata
ni Crispin nang mapatingin siya sa imahe ng Diyos?
A. may takot siya sa Diyos
B. nakakaramdam siya ng takot habang nagdadasal
C. matibay ang pananampalataya sa Diyos
D. may naaalaala siya habang nakatingin sa larawan ng Diyos
Pinagbili, pinagbili
Sa isang munting palengke
Ang kaniyang pinagbilhan
Pinambili ng tuba.
A. umiinom ng tuba para mawala ang pagod
B. umiinom ng tuba para makalimot
C. umiinom ng tuba para makatakas sa asawa
D. umiinom ng tuba para masunod ang bisyo
III.YUGTO NG PAGKATUTO
TUKLASIN
Natutuwa ako at nasa Modyul 2 ka na. Lalakbayin mo ang mga lugar sa isa
sa tatlong pulo ng ating bansa, ang Visayas sa pamamagitan ng kanilang ilang
akdang pampanitikan. Palalawakin at pagyayamanin ng Modyul na ito ang iyong
kaalaman at kakayahan sa tulong ng mga araling nakapaloob dito upang lubos mong
maunawaan at mapahalagahan ang panitikan at kultura ng Visayas. Halika, simulan
mo na.
Paano makatutulong ang gramatika sa wastong pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Visayas?
Paano maiuugnay sa retorika ang mga natutuhan sa gramatika na gagamitin sa pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Vis
LINANGIN
I. Panimula
Tuklasin
Alam mo ba na…
ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at
tugma. Subalit kalauna’y nilapatan ito ng himig upang maihayag nang
paawit at mas madaling matandaan o masaulo, at ang bulong ay
ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o
pook tulad ng punong balite, sapa at ilog, punso at iba pang
pinaniniwalang tirahan ng mga lamang-lupa, maligno at ibang
makapangyarihang espiritu nang hindi sila magalit at manakit. Ang
karaniwang paksa nito ay ang pang-araw-araw na pamumuhay,
paniniwala at pamahiin ng mga tao sa isang lugar, kaya naman may
iba’t ibang uri ito para sa iba’t ibang pagkakataon o okasyon gaya ng
sumusunod:
Tungkol pa rin sa awiting-bayan o kantahing bayan –
Pasalitang pagpapahayag ito ng damdamin ng mga katutubo.
Naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng
matatanda sa pagpapaalala sa kabataan kaugnay ng mga dapat ikilos
at gawin. May iba’t ibang uri ito batay sa sitwasyon o layunin ng
pagkakabuo nito.
Kundiman ang panlahat na katawagan sa awit ng pag-ibig.
Nagsasaad ito ng kabuuang mga damdamin at mga saloobing
ipinangangako ng pag-ibig.
Halimbawa ng kundiman sa Visayas ay ang Balitaw. Ang
dalaga ay di agad sumasagot kaya idadaan sa awit ang panliligaw sa
kaniya ng binata.
Diona o ihiman naman ang awiting-bayan sa kasal.
Hinango : Panganiban, Jose Villa, et.al. Panitikan ng Pilipinas. 1995. Rex Book
Store, 1977 CM. Recto, Manila
Linangin
Dandansoy Dandansoy
(Hiligaynon) (Salin sa Tagalog)
y, bayaan ta ikaw Pauli ako sa Payao Dandansoy, iiwan na kita Babalik ako sa Payao Sakaling ika’y mangulila
ng ikaw hidlawon Ang Payao imo langSa lantawon.
Payao ikaw ay tumanaw.
y, kung imo apason Bisan tubig di ka magbalon
DandansoyUgaling
kung ako’y
kong ikaw
iyonguhawon
susundan
Sa Kahit
dalantubig
magbubon-bubon.
huwag ka nang magbaon Kung sakaling ikaw a
Sa daan, gumawa ka ng munting balon.
Mga Halimbawa ng Bulong sa Visayas
2. Pinagbili, pinagbili
Sa isang munting palengke
Ang kaniyang pinagbilhan
Ang kaniyang pinagbilhan
Pinambili ng tuba.
3.Batang munti,
Matulog na
Wala rito
ang iyong nanay,
Siya’y bumili ng tinapay
Batang munti,
matulog na.
4. Tabi, tabi
Nuno, makikiraan lang
Patawarin mo kami
Kung kayo’y matapakan
5. Dagang malaki,
dagang maliit
heto ang ngipin
kong sira na’t pangit.
sana ay bigyan mo
ng bagong kapalit.
3) Dandansoy
B. Bulong Paksa
Tabi, tabi
Nuno, makikiraan lang
Patawarin mo kami
Kung kayo’y matapakan
Dagang malaki,
dagang maliit,
heto ang ngipin
kong sira na’t pangit,
sana ay bigyan mo
ng bagong kapalit.
Alam mo ba na..
Awiting-bayan
Bulong
Kabataan ako na
Sana po ay pagbigyan …
handang makiisa……
Paniniwala, Pamahiin
PAGSASANAY 1
Suriin ang mga salitang sinalungguhitan sa tekstong “Biskuwit” batay sa
antas ng wika at isulat sa talahanayang nakalaan. Gayahin ang kasunod na pormat
sa sagutang papel.
Balbal Kolokyal Lalawiganin Teknikal Pampanitikan
1. 1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4. 4.
PAGSASANAY 2
Piliin at isulat ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilis na ginamit
sa pangungusap na nasa A. Piliin sa B ang letra ng tamang sagot. Gawin sa
kuwaderno.
A B
1. Alaws siyang tigil sa pagbabasa ng a. ina
wattpad, kaya’t hindi niya namamalayan
b. buhay
ang pagtabi ng pulis sa kaniya.
2. Ang kapatid ko ay madalas na sabihin c. wala
ang bilmoko. d. bili mo ako
3. Napagkamalan kong ang lespu ang
kumuha ng aking biskuwit. e. kotse
4. Nagmamadali kaming sumakay ng tsekot f. pulis
matapos ang panonood ng sine.
5. Madalas na kasama ng aking ina ang
katulad niyang ilaw ng tahanan.
PAGSASANAY 3
Basahin ang kasunod na usapang naganap sa isang handaan. Suriin kung
ang nakasulat nang pahilis ay nasa antas balbal, kolokyal, lalawiganin, teknikal o
pampanitikan. Isulat sa kuwaderno ang mga sagot.
FB o Pakbet?
ni Bennedick T. Viola
Tita Beth: Muntik na akong tubuan ng pakpak sa tagal ninyong dumating.
Milet: Nay ‘wag ka namang killjoy, talagang napagod kami ang layo ng
pinuntahan namin, eh.
Robert: Tita Beth, wala pa bang tsibog diyan? Kanina pa kasi ako nagugutom eh.
Tita Beth: Para naman kayong may bulate sa tiyan niyan.
Joy: Hay, naku! Tita beth kanina pa kasi fb ng fb ‘yang mga yan.
Robert: Eh, ikaw naman nakababad sa google.
Tito Alex: Ano ba kayo mga anak? Lagi na lang kayong nag-aaway, para kayong
mga aso’t pusa niyan.
Tita Beth: Oh siya sige kumain na kayo ngarud, nagluto ako ng masarap na
pinakbet.
Milet: OMG, paborito ko ‘yan!
Pamagat
Pagnilayan at Unawain
Ilipat
la, pamahiin at uri ng pamumuhay sa pamamagitan ng bulong. Bilang pangulo ng Samahan ng Kabataang Panliterasi sa inyong lugar, h
naglalarawan nga)
mga paniniwala, pamahiin o uri ng pamumuhay ng isa sa mga lugar sa Visayas ……………
maayos ang diwang binuo ……………………………….. 5
b) 5
pagsasaalang-alang sa antas ng wika (bibigyang-pansin ang gamit ng wika ng kabataan) …………………………..
c) (interpretasyon) ………………………
pagpapakahulugan
KABUUAN 5
d) 5
20
Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Natitiyak kong napatunayan mong nasasalamin ang paniniwala, pamahiin at
katangian ng taga-Visayas sa kanilang mga awiting-bayan at bulong. Gayundin,
kung paano nakatutulong ang antas ng wika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga awiting-bayan at bulong. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang
magpatuloy sa pagsasagawa ng susunod na aralin ang tungkol sa alamat.
ARALIN 2.2
I. Panimula
Yugto ng Pagkatuto
Tuklasin
GAWAIN 2. Picto-Match
A. Pumili at gumuhit o magdikit ng isang larawan ng isa sa mga lugar-panturismo
na isinulat mo sa ikalawang kolum sa Gawain 1. Ilagay ito sa coupon bond na
ipalalagay na ito ang kahong katabi ng larawan.Sagutin ang mga tanong sa
kasunod na talahayanan. Pagkatapos, ihambing ang iginuhit o idinikit na
larawan sa larawan ng Negros Occidental.
_
Bago basahin ang kasunod na alamat, narito ang ilang impormasyon.
Alam mo ba na…
mayaman ang Visayas sa mga alamat. Maraming lugar dito ang
nagkaroon ng pangalan batay sa alamat noong panahon ng mga
Espanyol. Isa na rito ang pinagmulan ng Negros na dating tinatawag
na “buglas”, na ang ibig sabihin ay humiwalay. Pinaniniwalaang ang
Negros noon ay dating bahagi ng isang malaking pulo na dahil sa
paglaki at pagtaas ng tubig ay naputol at humiwalay sa malaking
bahagi ng lupa.
Samantala, ang Iloilo na dating bundok ay tinatawag daw na
Ilong-ilong dahil sa hugis nitong “parang ilong na nasa tabi ng ilog”.
Ayon sa alamat nito, minsan daw namamasyal ang alkalde mayor
kasama ang kaniyang asawa. Pinag-uusapan nila kung anong
pangalan ang ibibigay sa bundok na nasasakupan niya. Hanggang sa
mapuna nilang ang hugis ng bundok ay parang isang ilong sa tabi ng
ilog kaya tinawag nila itong “Ilong sa Ilog”. Dahil mahirap itong
bigkasin, sa paglipas ng panahon ay tinawag itong Ilong-Ilong
hanggang sa maging Iloilo.
Ang bawat alamat ay may mga elemento tulad ng sumusunod:
Ang banghay na payak lamang subalit magkakaugnay ang
mga pangyayari na may layuning masagot ang pinagmulan ng mga
bagay, lugar, pangyayari o katawagan. Ito ay nahahati sa mga bahagi:
Panimula - Dito nagaganap ang pagpapakilala at suliranin ng
pangunahing tauhan
Papataas na pangyayari - Nagtatangkang malutas ang
suliraning magpapasidhi sa interes ng mga mambabasa
Kasukdulan - Dito haharapin ng pangunahing tauhan ang
kaniyang suliranin
Pababang pangyayari - Nalulutas ang suliranin patungo sa
wakas
Wakas – Nagtatapos ang akda
Ang mga tauhan na gumaganap sa alamat na maaaring
pangunahin, pantulong at iba pang tauhan. Ang bawat isa ay may
mahalagang papel na ginagampanan sa kabuuan nito.
Mayroon ding tagpuan na naglalarawan ng lugar na
pinagganapan ng mahahalagang pangyayari sa isang alamat.
Linangin
2. kasal
Subalit hindi pa natatapos ang
seremonya ng kasal ay
biglang narinig ang malakas
na tinig ng isang kawal.
“Humanda kayo at idaraos
natin ang inyong kasal sa
kabilugan ng buwan."
3. burol
Di nagtagal ay may lumitaw
na munting burol sa
kinamatayan ng
magkasintahan.
Mula noon ang dating maliit na
burol ay naging isang
malaking bundok.
4. kawal
Subalit hindi pa natatapos ang
seremonya ng kasal ay
biglang narinig ang malakas
na tinig ng isang kawal.
Mabilis na iniutos ni Datu
Ramilon na harapin ng
kaniyang mga kawal ang
kalaban
Tagpuan
Tauhan
Panimula Kasukdulan
Wakas
Alamat
ng
Bundok
Kanlaon
kamatayan
Paliwanag:
Binabati kita dahil nasagot mo ang mga gawaing inihanda para sa binasa
mong alamat. Alam kong may sarili kang pananaw kung paano nakatutulong ang
mga alamat sa pagpapakilala o pagpapalaganap ng magaganda at makasaysayang
lugar gayundin ang kanilang natatanging produkto sa kabila ng pagkakaroon nito ng
mga di-makatotohanang pangyayari.
A
Tekstong Naglalarawan
AB
B
Tekstong
Naglalahad
ORDINARYO
- ang ipinahahayag ng nagsasalita ay sa paraang
ordinaryo o karaniwang pagsasalita.
PABULONG
- ang pahayag na ito ay ibinubulong lamang ng
nagsasalita.
SA SARILI
- ang pahayag o diyalogo ay kumakausap sa sarili
Alam mo ba na…
tinatawag na pang-uring pahambing ang pang-uring naglalarawan o
nagbibigay-katangian sa dalawang tao, bagay, lugar o pangyayari. May mga
pahayag na ginagamit sa paghahambing gaya ng sumusunod:
1. hambingang magkatulad – Ang dalawang tao, bagay, lunan o
pangyayaring pinaghahambing ay magkatulad, pareho o timbang.
Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng:
a) salitang kapwa at pareho
Mga Halimbawa: kapwa maganda, parehong matalino
b) mga panlaping sing-, kasing-, magsing-, magkasing-, at ga-, gangga-.
Mga Halimbawa: singhusay, kasingganda, magsintaas,
magkasingyaman, gamunggo
2. hambingang di-magkatulad – Ang dalawang tao, bagay, lunan o
pangyayaring pinaghahambing ay di-magkatulad, di- pareho o di-patas.
Ang hambingang di-magkatulad ay maaaring palamang o pasahol.
a) Hambingang palamang – Malaki, mataas ang uri o nakahihigit ang
itinutulad sa pinagtutularan, nakikilala ito sa pamamagitan ng:
Mga Halimbawa: matalino kaysa, mas listo kaysa, malaki-laki kaysa
b) Hambingang pasahol – Maliit, alangan, mababa ang uri ng
inihahambing sa pinaghahambingan. Naipakikita ito sa pamamagitan
ng paggamit ng sumusunod: di-gasino, di-gaano, di-totoo, di-lubha at
alinman sa mga katuwang na ito: gaya, tulad, paris, para.
Mga Halimbawa: di-gaanong malaki gaya, di-lubhang palakibo tulad,
di-totoong tanyag paris, di-gasinong makisig gaya.
Nakpil, Lolita et.al. Gintong Pamana Wika at Panitikan II,2000.
SD Publications, Inc. Quezon City. p 81
PAGSASANAY 1: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang mga
pahayag na naghahambing. Pagkatapos, suriin kung anong uri ito ng pahayag na
naghahambing. Gayahin ang kasunod na talahanayan sa kuwaderno.
1. Katulad ng palay, naging mainam na hanapbuhay ang pagtatanim ng mangga
sa Guimaras.
2. Sariwa ang simoy ng hangin sa bukid, di-tulad ng hangin sa lungsod.
3. Ang mangga sa aming lugar ay higit na matamis kaysa sa Iloilo.
4. Mabuting di-hamak sa kalusugan ang karne ng baka kaysa sa karne ng kalabaw.
5. Kasinsipag ng magsasaka ang mga manggagawa.
6. Di-gaanong mainam sa kalusugan ang pagpupuyat.
7. Mas mainam ang pagiging maagap kaysa sa pakikipag-unahan.
8. Di-hamak na matamis ang manggang galing sa Guimaras kaysa sa ibang lugar
sa Pilipinas.
9. Mas malayo ang Negros Oriental kaysa sa Antique.
10. Kasingkinis ng mansanas ang bunga ng manggang Guimaras.
Ilipat
Sa lahat ng mga konseptong natutuhan mo tungkol sa alamat, paggawa ng
komiks at paggamit ng mga pahayag sa paghahambing, tiyak kong kaya mo nang
sumulat ng alamat. Iyo lamang tandaan na ang pagsulat ng isang alamat ay simple
lamang. Halika at humanda ka sa paglipat ng iyong mga natutuhan sa araling ito.
Basahin ang nasa loob ng kahon.
I. Panimula
Tuklasin
Alam mo ba na...
o at Filomena Navarrete. Nag-aral siya sa Cebu High School at sa School of Arts and Trades kung saan nakuha niya ang sertipiko ng kas
nanabikan ng mga manonood kaya muling itinanghal nang sumunod na taon nang magdiwang ng pista ang nasabing bayan. Ang dulan
Prologo
UNANG YUGTO
(Bahagi lamang)
MUSIKA:
Sabi nila’y nakahihiya ang magtapon ng basura
Magwalis at maglinis ng sahig;
Ngunit, gaano man kababa ang trabahong-bahay
Ang paggawa ng mga ito ay malaking karangalan.
Itinuturing ng iba ito ay kahiya-hiya,
ang mababa sa tinging-gawa;
dito sila namamali,
sa harap ng Diyos tanan ay pantay-pantay.
Hindi mabibigat ang mga gawain.
Silang nagpapakumbabang gumagawa,
Ay nagkakadangal at dinadakila
Dahil mula sa kanilang pawis na nabubuhay sila.
May ilang kabataang ganito ang haka...
Bilang mag-aaral, ang paggawa’y
mababasa kanilang pagkatimawa.
Ngunit bakit ganito ang iniisip nila?
Mga prinsipe ma’t prinsesa sa nadudumhang kusina.
Tagpo 1
SI PATRIA AY MAKIKITANG NAKAUPO
AT NAGBABASA NG PAHAYAGAN
MUSIKA:
Ano ang nangyari sa mga langit
Na kahit minsa’y di dinggin ang ating pakiusap!
Silang nabubuhay sa panganib
Ay di-bigyan ng kaligayahan
Ako’y natatakot sa kamatayan
Habang iniisip ko ang ating hinaharap na mga araw.
Kaawaan kaya tayo ng Diyos
At pigilin ang naaantalang digmaan?
Ano ang kahihinatnan ng ating Pilipinas
Mapait tayong mangag-iiyakan!
Isang ilog ng dugo ang aagos
Sa mga lambak ng labanan.
Ngunit bakit ang ating mga nasa
Sa atin ay di-ibigay
Ito ba ang tinatawag nilang katarungan
Dito, dito sa kapatagan ng mga luha?
Anong dilim ng gabi!
Maulap ang kalangitan,
Nagsasaad ng isang mapanglaw na bukas
Sa ating bayang pinakahihiyas,
Kay panglaw din ng palad ng sinta
Na nabubuwal sa larangan ng digma
Tayo’y magwawalay kapagdaka
Sa wakas ng panahon hangga.
Tagpo 2:
SA DATING SILID
Fel: Aking pinakamamahal,
Aking pinakasisinta, may dinaramdam ka ba?
Bakit ka nagpapakahapis
Magsaya ka, magsaya ka,
Ako’y kapiling mo na.
Tahan na
Huwag mabalisa.
Aking kabiyak, hiyas ng aking kaluluwa
Sa iyo’y may nangyayari ba?
May nangyayari ba?
Pat: Sa digmaan...
Pat: Bakit?
Fel: Oo!
Pat: Huwag!
Fel: Patria ng aking puso, sino ang nagsabi sa iyong ako ay aakyat sa
bundok para umanib sa manghihimagsik?
Pat: Felipe, hindi ko ibig ang isip mong pumabundok para sumanib sa mga
manghihimagsik sapagkat lagi kitang ikababalisa. Isipin mo na lamang
ang mga kahirapan ng kanilang buhay at kalagayan doon, kahabag-
habag sila; nakikita mo, para silang mga labuyo sa gubat. Saan man
sila datnan ng gabi, doon sila magkakanlong matapos galugarin ang
kabundukan. Ngunit kung sadyang pasya mo na, hindi kita pipigilin!
( Magmumuni-muni sila.) Paalala lamang kung iyong mamarapatin.
Pat: Ito, gawa nang ika’y tinutugis ng mga Kastilang opisyal ng bayan, sa
halip na magtiis sa init ng araw at sa ulan sa kabundukan, lihim kang
magtungo sa Maynila na makukuhanan mo ng barko patungong Hong
Kong at doon ligtas kang makapagtatago. At kapag napayapa nang
muli ang Pilipinas, ikaw ay magbalik para tuparin ang ating mga
pangako. Ngayon, Felipe, ano sa tanto mo? Mas magaling kayang
ikaw ay tumakas sa malayo sa ating katutubong bayan nang
makaligtas ka sa mga panganib?
Fel: Iyan ay magaling na plano, Patria, gawang iyan ang iyong ibig. Ngunit
pakaisipin mo: Ang Pilipinas ay handa akong isuplong at sa aking noo
matatak ang kahihiyan, ang walang pagkakaburang tanda ng aking
kataksilan sa katutubong bayan sa pagtalikod ko sa kaniya sa
panahon ng kagipitan, bukod pa riyan, handa akong isumpa ng aking
kababayan sapagkat sa bawat pahina ng pahayagan ako ang
pumukaw sa kanilang maghimagsik, at...kanilang iisiping bakit ngayon
pa, ako, sa lahat ng tao, ang una pang uurong. Hindi ba ito’y kahiya-
hiyang bagay kong gawin? Subalit Ah! Patria, ako’y nasa mahirap na
kalagayan. Nararamdaman ko ang mga paghihirap saanman ako
bumaling. Ako’y naliligalig.
Fel: Sapagkat kung ako’y mananatili lamang, dito, bagay na ikabubuti ko,
dahil palagi kong mamamasdan ang malugod mong mukha, ngunit
walang pag-aalinlangan, sa huli madarakip ako at mahuhulog sa mga
kamay ng ating mga kaaway. Kung mamundok ako, maaaring hindi
nila ako mahuli, ngunit ang buhay ko’y manganganib. Kung tatakas
ako patungong Hong Kong, totoong ligtas ang aking buhay at malaya
ako sa mga panganib ng digmaan; ngunit doon, ang puso ko’y hindi
liligaya at ang tulog ko’y hindi matitiwasay sapagkat ang nasa diwa
ko’y laging ikaw at mag-aalala ako sa maaaring sumapit sa iyo. Hindi
ko alam ang susulingan ko, Patria, aking mutya. Ang mga iyan kaya
ang mabulagtang patay sa akin sa iyong paanan!
Pat: Kung ikaw ay mamamatay, wawakasan ko na rin ang aking buhay.
(Magbubulay-bulay si Patria at mukhang alalang-alala.)
IKALAWANG YUGTO
(Bahagi lamang)
Tagpo 1:
PAPASOK SI FELIPE
Fel : Uhoy! Pagod na pagod na ako! (Ilalapag ang kaniyang maleta at ang
kaniyang sandata, sisipatin ang pook.) Ano ang mangyayari sa akin?
Nabubuhay lamang ako sa mga bungangkahoy. Tatlong araw ko
nang naliligid ang buong kabundukan ngunit wala pa akong nakikitang
sinuman. Nasaan ang mga rebolusyonaryo? Saan ko sila
matatagpuan? Pag hindi ko sila nakita kagipitan ang aabutin ko.
Mamamatay ako sa gutom. Maglalaho ako rito sa gubat. O, Diyos ko!
Tagpo 2:
PAPASOK SI DAMON
Dam: Tuntunin mo ang daan patungo kina Mang Sorio. Iyon ang malapit na
daanan.
Fel: Kaya, heto ako, pagod at pata. Ngunit sa palagay ko, kailangang bathin
ang mga pagsubok sa atin nang maluwag sa puso, sa daan ng ating
tinubuang lupa.
Dam: Ano pa ang magagawa ko? Kailangang lumaban tayo. Ano man ang
mangyari!
Dam: Doon, sa likod ng kakahuyang ito. Dito tayo daraan. (Ituturo ang lugar)
Halika na, aalis na tayo. Ihayag mo ang iyong sarili sa aming heneral
para bigyan ka niya ng baril.
Dam: Siyempre. Ako ang bantay sa mga taguang-hukay. Halika na. Aalis na
tayo.
Fel: Hintay, kumusta si Patria? Mabuti ba ang kalusugan niya nang iwan
mo siya?
Dam: Kahapon, nakita kong magaling siya. Ngunit ninakawan sila ng mga
kabayo at baboy kagabi. Naglipana ang mga magnanakaw sa bayan.
Tagpo 3:
PAPASOK ANG HENERAL
Tagpo 4:
ANG HENERAL AT SI FELIPE
Heneral: O... naalala ko siya, Kapitan Miguel Libre; kilala ko siya. Dati akong
pumupunta sa inyong bahay nang ako’y kawani pa sa pamahalaang
panlalawigan. Hindi kita napansin doon.
Heneral: Hintay sandali. Ikaw ba’y sumasapi sa amin ayon sa sarili mong
kagustuhan?
Fel: Opo, Sir. Walang nag-utos sa aking gawin ito. Katunayan, tatlong
araw na ang nagugol ko sa paghahanap sa inyo rito sa bundok.
Tagpo 5:
PAPASOK SI DAMON AT ILANG SANDALI
Fel: Oho, Sir, company, Tention! Right face! Left face! About face! Parade
rest! Company Attention! Forward, march! To the rear, march!
Company, halt.
MUSIKA
IKATLONG YUGTO
(Bahagi lamang)
Fel: Mga sandata. Marahil wala pa tayong sapat na mga sandata at mga
munisyon.
Fel: Ngunit ano ang mabuting magagawa ng mga itak laban sa libo-libong
riple mayroon ang ating mga kaaway.
Heneral: Hindi bale. Mamamatay tayong lahat, may mga sandata man o
wala. Ang kailangan lamang ng ating Inang-bayan ay ang ating
kagitingan, anumang klase ng sandata ang gamitin natin.
Tagpo 2:
PAPASOK SI DAMON
Dam: Heneral! (Sasaludo)
Dam: Si Kaloy, ang nakababatang kapatid ni Lolay. Sabi pa nga niya sa akin
papunta siya rito para sumapi sa atin.
Dam: Sabi niya pupunta raw muna siya kina Tenyente Binoy para tingnan si
Lolay.
Dam: Oo.
Heneral: Sino ang Patriang itong tinutukoy mo?
Fel: Kaibigan ko, Sir.
Dam: (sa manonood) Sabi niya “kaibigan ko”...kahit na siya ay nobya niya.
Heneral: Mabuti! (Tatayo). Hayaan mong pumarito silang may ibig...At ikaw,
Damon, bumalik ka sa gilid ng gubat. Magbantay ka doon...
Dam: Oho, Sir! ( sasaludo at lalabas.)
Tagpo 5:
SI FELIPE AT ANG HENERAL
Fel: Ito’y tunay na nakaaaliw, Sir, marahil sa dahilang ito ang katutubong
awit at sayaw ng mga Pilipino.
Tagpo 25:
PAPASOK SI PATRIA
Pat: Damon, nasaan si Felipe?
Tagpo 40:
PAPASOK SI DAMON
Dam: Sino ang hindi matatakot, Sir, makakita ng tagaan, saksakan dito at
pagdanak ng dugo doon?
Heneral: Sadyang gayon lagi ang larawang nakikita sa digmaan. ( Maririnig
muli ang putukan.)
Dam: Pumunta siya rito para makinig ng balitaw. Naghahapunan kayo noon.
Pero napasama sila sa kaguluhan dito sa kampo.
Dam: Dapat ba akong gumitna sa putukan? Paano kung tamaan ako ng mga
bala, Sir?
Heneral: (maiinis) Anong magagawa natin? Ngayon, humayo ka! (ipapadyak
ang paa)
Dam: Sige na nga gagawin ko na. Susubukin ko ang mga balang ito.
Mangyari, maaari ding mabait sila... (Lalabas)
Tagpo 43:
PAPASOK SI DAMON
Heneral: Ano ngayon, Damon? Nasaan si Patria!
Heneral: Damon, talaga bang nakita mo ng iyong sariling mga mata ang
bangkay ni Patria?
Dam: Sir, hindi ko nakita ang bangkay niya; pero hindi ko rin siya nakitang
buhay.
Tagpo 44:
PAPASOK SI PATRIA, LOLAY AT INE
Heneral: Ngayon, mga ginoo, awitin natin ang “Awit sa Yutang Natauhan.”
Patria matapang
VS
Ngayon pa lang ay binabati na kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita.
Handa ka na bang basahin ang isang tekstong naglalahad ng opinyon o kuro-kuro
tungkol sa nangyayaring modernisasyon sa ating kapaligiran at kung paano ito
nakaaapekto sa kinagisnang tradisyon. Inaasahang masasagot mo na ang tanong
na paano maibibigay ang sariling interpretasyon sa mga tradisyonal na pagdiriwang
ng Kabisayaan at paano magagamit nang wasto ang angkop na mga pang-ugnay sa
pagbuo ng editorial na nanghihikayat?
MODERNISASYON AT TRADISYON
ni Ma. Teresa Padolina Barcelo
PAGSASANAY 1
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Iguhit sa sagutang-papel ang
emoticon na 😊 kung may ginamit na pang-ugnay sa bawat pangungusap, ☹ kung
walang pang- ugnay.
PAGSASANAY 2
Basahin ang sumusunod na editoryal tungkol sa isang pagdiriwang sa Iloilo, isang
lalawigan sa Visayas. Piliin ang ginamit na mga pang-ugnay. Isulat ito sa sagutang-
papel.
PAGDIRIWANG TIMU-OM
PAGSASANAY 3
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Gawan ito ng pangungusap na
nagpapahayag ng opinyon. Isaalang-alang ang gamit ng mga pang-ugnay. Isulat sa
sagutang papel ang mabubuong pangungusap.
Pagnilayan at Unawain
Sagutin ang sumusunod na tanong. Gawin sa sagutang papel.
Ilipat
Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Kung hindi mo pa lubos na nauunawaan ang araling pinag-aralan ay maaari mo
itong balikan. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa
susunod na aralin sa Modyul na ito.
ARALIN 2.4
I. Panimula
Tuklasin
Sa sumusunod na gawain aalamin mo kung paano nakatutulong ang mga
pangyayari sa epiko na makapaglarawan ng aspetong pangkultura ng Visayas.
Handa ka na ba? Susubukin mo ngayon ang kasunod na mga gawain. Tiyak kong
mag-eenjoy ka.
GAWAIN 1. Kabayaniha’y Tuklasin, Epiko’y Unawain
Bago paunlarin ang iyong kaalaman, basahin ang kasunod na epiko.
Pagkatapos, itala ang mahahalagang detalye tungkol dito. Gamitin ang kasunod na
river flow chart sa pagsagot. Gayahin ang pormat sa sagutang-papel.
HINILAWOD:PAKIKIPAGSAPALARAN NI HUMADAPNON
(Epiko Mula sa Panay)
Natutulog si Buyong Humadapnon sa kaniyang duyan nang nagpakita
sa kaniyang panaginip sina Taghuy at Duwindi, ang mga kaibigan niyang
espiritu. Sinabi ng dalawa na marapat nang hanapin ng datu ang babaeng
kaniyang mapapangasawa, na kapantay niya ang uri. Ibig sabihin, anak-
maharlika rin, may kapangyarihan, bulawan ang buhok, may alam sa
panggagamot. Ang babae’y si Nagmalitong Yawa, anak nina Buyong Labaw
Donggon at Uwa Matan-ayon.
Humiling si Humadapnon ng pahintulot sa kaniyang magulang na
maglakbay para hanapin ang kaniyang mapapangasawa. Sa tulong ng mag-
anak, pinagsama-sama nila ang kanilang mga dugo mula sa daliri at
nakalikha sila ng isang datung kapamilya, si Buyong Dumalapdap. Siya ang
makakasama ni Humadapnon sa kaniyang paglalakbay, sakay ng ginintuang
biday o barangay na pamana pa ng magulang kay Buyong Humadapnon.
Bilang paghahanda sa gagawing paglalakbay, dumaan muna si
Buyong Dumalapdap sa pagsasanay. Anim na ulit siyang sinibat ng kaniyang
kapatid at namatay. Muli naman siyang nabuhay hanggang sa sumapit ang
ikapitong pagsibat at nakayanan ni Dumalapdap na iwasan ang
rumaragasang patalim na kasimbilis ng kidlat.
Sumulong na ang ginintuang biday (balangay o barangay na
ginagamit ng mga datu sa paglalakbay) ni Humadapnon. May ritwal muna
bago ito
isulong sa dagat: pinausukan ng kamanyang at dinasalan para sa maayos na
paglalakbay. Pinaalalahanan ang binata ng kaniyang magulang na mag-ingat
sa engkantadong isla ng Tarangban. May puwersa itong bumubura sa
konsepto ng pinagmulan. Hindi naman natinag si Humadapnon hanggang sa
narating nila ito at kaniyang narinig ang paanyaya ng binukot (well-kept
maidens). Napakaganda ng mga tinig at nahalina ang binata. Pinigil naman
siya ni Dumalapdap at laging pinapaalala sa marapat nilang puntahan.
Ang Tarangban ay isla ng mga binukot. Sa una, ayaw pagbigyan ni
Humadapnon ang paanyaya ngunit nang lumitaw ang pinakabunso,
pinakabatang binukot na si Malubay Hanginon, naakit ang binata at umibis ng
kaniyang sinasakyan. Tinanggap niya ang inaalok na nganga ng binukot.
Doon, siya’y namalagi kasama ang mga dalaga. Itinuring ng binata na kalaro
at laruan lamang ang mga binukot. Inabot ng pitong taon ang pamamalagi
niya sa isla kasama ang mga binukot.
Nang natauhan si Humadapnon at nagtangkang umalis, nagsara ang
yungib ng Tarangban. Naging bihag ang binata. Nagluksa naman si
Dumalapdap sa kapalaran nilang magkapatid. Hindi sila nagtagumpay sa
paghahanap ng tamang binibini at sa pagpapatnubay sa isa’t isa.
Bumalik sa kanilang tahanan si Dumalapdap. Ipinaalam niya ito sa
kaniyang magulang. Nangako naman ang magulang na gagawin ang
kanilang makakaya. Hindi nagtagumpay ang mag-anak. Nangako sila ng
pabuyang kayamanan (para sa lalaking tagapagligtas) at kasal (para sa
babae). Hindi nagtagumpay ang kalalakihan, gayundin ang mga dalagang
Babaylan. Nanangis sa harap ng Tarangban si Dumalapdap hanggang sa
makaisip ang kaniyang mga kaibigang espiritung sina Duwindi, Taghuy, at
Hangin na pakiusapan ang binibining talaga naman nilang pakay sa
paglalakbay. Mangyari, siya lamang ang maaaring makapagligtas sa
nakulong na binata dahil magkasinlakas sila. Sa paanyaya, pang-uudyok, at
pananakot ng mga espiritu, napapayag na rin si Nagmalitong Yawa. Una,
sinabi nilang kapatid ang nakulong. Ngunit ipinagtapat nilang iyon ang
binatang ang diwata ang pakay. Nagbalatkayo si Nagmalitong Yawa bilang
lalaki (buyong, datu). Ang hindi lamang niya maitago ay ang kaniyang
matamis na amoy ng isang binukot. Pagdating nila sa Tarangban, naakit muli
ang mga binukot. Binuksan nila ang Tarangban sa galak na makakitang muli
ng makisig na binata.
Bilang nagbabalatkayong lalaki, nagsamandirigma si Buyong
Sunmasakay. Pinaslang niyang lahat ang mga binukot sa isla, maging ang
pinakapinunong si Lubay Hanginon ay kaniyang sinaksak. Lumabas naman
si Humadapnon na naengkanto. Wala na ito sa kaniyang sarili. Sa tulong ni
Buyong Sunmasakay at ng mga kaibigang espiritu, ibinalik nila ang buhay
(tubig buhat sa ikapitong antas ng langit) at katinuan ng nabihag na bayani.
Hindi naman nagpakilala si Nagmalitong Yawa bilang tagapagligtas ng lalaki.
Jocano F. Lano, et.al. Epic of Labaw Donggon. University of the Philippines 1965
Itala ang mahahalagang pangyayari sa binasang epiko na naglalarawan ng
alinman sa kaugalian, kalagayang panlipunan, paniniwala o prinsipyo ng mga taga-
Visayas. Gamitin ang river flow chart sa pagsagot. Gayahin ang kasunod na pormat
sa sagutang papel.
GAWAIN 2. Kayang-kaya Mo
Maglahad ng ilang impormasyon na nagpapakita ng aspetong pangkultura
tulad ng kaugalian, kalagayang panlipunan at paniniwala o prinsipyong masasalamin
sa epikong Hinilawod. Subuking gamitin ang alinman sa mga pang-ugnay sa
paglalahad tulad ng una, pagkatapos, samantala, gayundin, sumunod, sa wakas,
at samakatuwid sa pagbibigay ng impormasyon. Gawin sa sagutang papel.
Alam mo ba na….
sa pagbabasa ng epiko, agad na makikita ang kakaibang katangian ng
pangunahing tauhan. Mauuri sa alinman sa sumusunod ang kaniyang
katangian: pisikal, sosyal, supernatural, gayundin ang intelektuwal at moral na
katangian. Katulad ng alamat at ibang uri ng akdang pasalaysay, binubuo ng
tauhan, tagpuan at banghay ang elemento ng epiko.
Ang isang tauhan ng epiko ay maaaring magtaglay ng kapangyarihang
supernatural o di pangkaraniwang katangian. Kadalasan ang paksa ng epiko
ay umiikot sa tauhan kasama ang kaniyang pakikipaglaban sa mahihiwagang
nilalang, anting-anting, at ang kaniyang paghahanap sa magulang o sa
kaniyang minamahal.
Mahalagang elemento ng epiko ang tagpuan sapagkat dito pinakikilos
at pinag-iisip ang mga tauhan. Inilalarawan din sa tagpuan ang suliraning
kakaharapin ng tauhan sa daloy ng mga pangyayari lalo na kung di-
pangkaraniwang mga tauhan ang ginagampanan nila. Isang magandang
simula ng epiko ang paglalarawan sa tagpuan.
Ang banghay ay ang bahaging tumutukoy sa pangyayari. Maingat na
inilalahad ang magkakasunod na pangyayari. Ang mga bahagi ng banghay ay
simula, gitna at wakas. Sa proseso ng paglalahad ng mga pangyayari ay
pumapasok din ang ibang elemento tulad ng tunggalian, suliranin,
kasukdulan at kakalasan.
Itinuturing din na ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na
nagsasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong.
Ang Labaw Donggon ay inaawit na parang pasyon sapagkat itinuturing
ito na isa sa pinakamatandang akdang pampanitikan ng mga Pilipino.
Pasaknong ang paraan ng pagkakasulat. At kapag ibinubuod ito, maaaring
patalata na ang paraan ng pagkakasulat.
Hango sa aklat na Tudla I, nina Jamine Obrero, et al;
Sta. Teresa Publications, Inc. Quezon
City;2010
Linangin
Nagustuhan mo ba ang epikong iyong binasa? Bago natin ito talakayin ang
kuwento, sukatin mo muna ang iyong kaalaman kung paano ito nabuo ang ilang
salitang ginamit dito.
Pamagat ng Epiko
Pangyayari sa Pangyayari sa
Pagkakatulad o
Epikong Isang Lugar na
Pagkakaiba
Labaw Maaaring
Donggon Paghambingan
6.2. Salamin ng Kultura, Ilahad Mo
a. Batay sa ilang kasunod na pangyayari sa binasang epiko, ibigay at
ipaliwanag ang mga aspetong pangkultura tulad ng: kaugalian, kalagayang
panlipunan, paniniwala o prinsipyo ng mga taga-Visayas. Gawin sa
sagutang papel.
Pagtatanggol ni Buyong sa
pag-angkin ni Labaw Donggon sa kaniyang asawa
PAGSASANAY 2
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Suriin kung may ginamit na pang-
ugnay, isulat ang tsek () kung may pang-ugnay at ekis (X) kung wala. Gawin sa
sagutang papel.
PAGSASANAY 3
Dugtungan ang sumusunod na pahayag gamit ang mga pang-ugnay upang makabuo
ng makabuluhang pangungusap. Gawin sa sagutang papel.
3. Makukulay na tradisyon
.
6. Bago pa dumating ang mga Espanyol may sarili ng panitikan ang Visayas
Ilipat
luyan, imahe, paawit, teatro, o pasayaw. Isang hanay ng magkakasunod na pangyayari na maaaring gawa-gawa lamang o nakabatay sa
sariling karanasan
pangyayaring nakita o nasaksihan
pangyayaring narinig
pangyayaring nabasa
bungang-isip
Naririto ang ilang hakbang na maaaring pagbatayan sa pagsulat ng
pagsasalaysay.
1. Linawin kung anong paksa ang tatalakayin.
2. Gumawa ng isang balangkas. Ito ay isang iskeleton ng iyong gagawing
pagtalakay sa paksa.
3. Alamin kung paano isasalaysay ang kuwento. Nararapat na nakaayon ito
sa tamang estruktura:
a. Introduksiyon – Sa bahaging ito inilalahad ang paksang tatalakayin.
b. Eksplorasiyon – Sa bahaging ito naman iniisa-isa ang mga
kaalamang may kinalaman sa paksa.
c. Kongklusyon – Tinatawag din itong wakas at sa bahaging ito
maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa kung paano
magkakaroon ng implikasyon ang mga pangyayaring isinasalaysay
sa aktuwal na buhay.
4. Bigyang-pansin ang wastong mekaniks sa pagsulat tulad ng wastong
baybay, bantas at pamimili ng angkop na salita.
Ang Masining na Pagsasalaysay
Ang Pagsisimula
Ang panimula ay kailangang makaakit agad sa mambabasa sa tunay
na daigdig na ginagalawan ng mga tauhan at ng maging bahagi siya ng
daigdig sa iyong kuwento.
Mga Uri ng Panimula
1. Panimulang nagbibigay-tuon sa kalagitnaan o sa pagwawakas na halos
ng mga pangyayari.
2. Paglalarawan ng tagpuan at panahon
3. Paglalarawan ng pangunahing tauhan
4. Panimulang pagbibigay-komentaryo sa kahulugan ng karanasan.
Kaugnay ng ganitong panimula, dapat namang iwasan ang sumusunod:
a. Iwasan ang pangangaral o pagsesermon.
Halimbawa: Kung hindi uukol ay hindi bubukol. Ito’y napatunayan ko
na noon pa mang ako’y nasa haiskul pa lamang.
b. Iwasan ang panimulang nagpapahiwatig ng mga detalye tungkol sa
magiging wakas ng kuwento.
5. Paggamit ng karaniwang pahayag
6. Paggamit ng Usapan o Diyalogo
Pangkalahatang panahon– Ang tinutukoy ay ang mga panahon sa
kasaysayan.
Tiyak na panahon – Kung ang uri ng araw ay tutukuyin sa isusulat na
kuwento.
Paglikha ng mga tauhan
Ang mga tauhan, lalo na ang pangunahing tauhan, ay
mailalarawang buhay na tauhan kung matutukoy ang paraan ng pagkilos at
pagsasalita.
Ilan Pang Mungkahi sa Paglalarawan ng Tauhan
1. Pumili ng ilang pangunahing katangian ng pangunahing tauhan na
madaling makatulong upang siya’y matandaan.
2. Ipakita ang gawi (mannerism) na magpapakita ng kaniyang
personalidad at magpapakita rin ng kaniyang nadarama.
3. Gawing malinaw ang paglalarawan.
4. Maaaring makalikha ng paglalarawan ng tauhan kilos, pagsasalita,
anyo na kailangan sa pagsasalaysay.
Ang Diyalogo o Usapan
Dalawang Bahagi ng Diyalogo
1. Tuwirang Pahayag-Eksaktong sinasabi ng tauhan.
2. Tag na Diyalogo-Hindi na ginagamit lalo na kung ang mga tagpo ay
kababakasan ng mabilisang pangyayari o mabilisang pag-uusap.
Ang Wakas ng Pagsasalaysay
Karaniwang isinalaysay ang isang bahagi ng aksiyon o pag-uulit sa
ginawang panimula na magbibigay-diin sa pangunahing layunin ng
pagsasalaysay.
Pagpili ng Makatawag-pansing Pamagat
May mga katangiang dapat taglayin ang isang kaakit-akit at
mabuting pamagat tulad ng:
1. may orihinalidad
2. di-pangkaraniwan
3. makahulugan
4. kapansin-pansin; at
5. kapana-panabik
Ang Gitnang Bahagi
Ang pinakamahalaga at mahirap sulatin ang gitnang bahagi ng
isang pagsasalaysay.Karaniwan itong nagtataglay ng sumusunod na
sangkap: pananaw, aksiyon, tagpuan, tauhan at diyalogo. Tunghayan ang
kasunod na mungkahi sa pagsasalaysay.
1. Pumili ng punto de vista o pananaw na gagamitin sa pagsasalaysay.
2. Sikaping magkaroon ng pagkakaugnay-ugnay ang mga suliranin sa
kuwento; kailangang ang mga ito ay di- pangkaraniwang suliranin.
3. Isalaysay ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
ito. Inaasahan na ang mga ito’y maliwanag na masusundan ng
mambabasa sapagkat umaayon sa pananaw o punto de vista ng
tauhang nagsasalaysay.
4. Panatilihin ang detalye ng aksiyon.
5. Pangunahing elemento ng kuwento ang pandama at isipan.
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay labis na nagpapasalamat sa tulong na
ibinibigay ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa. Bilang POEA Chairman, ikaw ay naglunsad ng
paligsahan ng pagsulat ng pagsasalaysay tungkol sa isang pangyayari saan
mang lugar sa Visayas. Ang magwawagi sa paligsahan ay itatanghal sa
programang inihanda ng ahensiyang OWWA na dadaluhan ng ating Pangulo,
ilang Senador, Embahador sa iba’t ibang bansa. Itataya ang isinulat na
pagsasalaysay batay sa sumusunod na pamantayan:
a) nagsasalaysay ng isa sa mga pangyayari sa
Visayas na kasasalaminan ng alinman sa kaugalian,
kalagayang panlipunan, paniniwala.....................................4
b) may magandang pamagat...................................................2
c) may kawili-wiling simula.......................................................2
d) maayos ang pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari gamit ang pang-ugnay
sa pagsasalaysay................................................................3
e) may kawili-wiling wakas.......................................................2
f) makatotohanan....................................................................2
KABUUAN 15
Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Ipagpatuloy mo pa ang paglalakbay sa Visayas at simulan mo nang tunghayan ang
maikling kuwento sa susunod na aralin.
ARALIN 2.5
I. Panimula
Tuklasin
Sa kasunod na mga gawain, tutuklasin muna kung may alam ka na tungkol
sa maikling kuwento mula sa Iloilo at kung aalamin sa pamamagitan ng pagsusuri
ang mga elemento ng maikling kuwento ng Visayas
Repleksiyon ba ng mga
katangian ng mga taga-
Visayas ang kanilang mga
maikling kuwento? Bakit mahalaga ang mga
Patunayan. pang-ugnay sa
pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari?
Matapos mataya ang dating alam mo, tungkol sa aralin, magbabasa tayo ng
isang maikling kuwento ngunit bago simulan ito, unawain ang kasunod na mga
impormasyon tungkol dito.
Alam mo ba na…
ang maikling kuwento ay anyo ng panitikang nagsasalaysay sa maikli at
masining na paraan na natatapos ang pagbasa sa isang upuan lamang. Ito
ay nagdudulot ng aliw at nag-iiwan ng isang kakintalan na magagamit sa
pang- araw-araw na pamumuhay. Ayon naman kay Genoveva Edroza
Matute, ang maikling kuwento ay isang maikling kathang pampanitikan na
nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may
isang pangyayari at may isang kakintalan.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
1. Tauhan – Ito ay likha ng manunulat na siyang kumikilos upang
magkabuhay ang isang kuwento na nagtataglay ng mga katangiang
pisikal, espirituwal, intelektuwal at pisyolohikal. Ang tauhan ay may
damdamin na maaaring makadama ng kasiyahan, kalungkutan,
kalumbayan, kapighatian, kapanabikan at iba pa,
2. Tagpuan – Tumutukoy ito sa lugar kung saan nangyari ang kuwento.
Sinisikap ng mga manunulat na maging makatotohanan ang tagpuan ng
kuwentong kanilang lilikhain. Ito ay magsisilbing daigdig na gagalawan
ng mga tauhan para sa kanilang pakikipagsapalaran.
3. Panahon – Ito ay kalagayan ng klima o atmospera ng lugar na
ginagalawan ng mga tauhan sa kuwento. Ang ilang halimbawa ng
panahon sa kuwento ay tag-ulan, tag-araw, taglamig, panahon ng
pananakop, panahon ng himagsikan, panahon ng paglaya at iba pa.
4. Paksa o Tema – Ito ay maaaring naglalaman ng mensahe ng may akda
o layunin ng pagkakasulat ng kuwento.
Banghay – Ito ay ang sunod-sunod na magkakaugnay na pangyayari at papataas na aksiyon sa kuwento.
Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang ipinakikilala ang iba sa m
Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa suliranin.
Tunggalian- Ito ang suliranin ng kuwento. May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban. Ka
Kakalasan - Tulay sa wakas. Resolusyon o kalutasan ng suliranin sa kuwento.
Wakas- Ito ang kahihinatnan ng kuwento.
Padolina, M
LINANGIN
Alam kong handa ka nang basahin ang maikling kuwentong nasa wikang
Hiligaynon na isinalin sa Filipino. Alamin kung ano ang mga katangian ng mga taga-
Visayas.
o ginamit sa pangungusap, gayundin kung paano nagkaroon ng ugnayan ang bawat salitang ginamit sa pangungusap?
ulugan. Karaniwang makukuha ito sa diksyunaryo. Salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
pag ito ay hindi tuwiran? Nagkakaroon ng ikalawang kahulugan ang salita o pahayag. May mga paniniwala sa dimensiyong ito ng pagp
GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan
A. Ibigay ang kahulugan batay sa kontekstuwal na pagkagamit sa pangungusap ng
salitang may salungguhit. Susuriin din kung denotasyon o konotasyon ang
dimensiyon ng pagpapakahulugan. Pagkatapos, gamitin ang kahulugan nito sa
makabuluhang pangungusap. Gawin sa sagutang papel.
1. Napabuntung-hininga siya at saka dumaloy ang ilang patak ng luha mula sa
kaniyang mga mata.
2. Nilingon niya ang anak na parang may mahalagang habilin.
3. Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali’y nagwika
“Inay, igagalang ko ang gusto mo.
4. Hindi niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa mata.
5. Nagkatotoo ang pangako ng amo dahil pinag-aral nito si Crispin.
kilos gawi
6. Punan ng mahahalagang pangyayari ang story frame ,batay sa maikling
kuwentong ‘’Ang Habilin ng Ina’’. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
KUWADRO 1
Panimula
KUWADRO 2
Saglit na kasiglahan
KUWADRO 3
Tunggalian
KUWADRO 4
Kasukdulan
KUWADRO 5
Kakalasan
KUWADRO 6
Wakas
7. Anong mensahe ang nais iparating ng binasang kuwento?
7.3. Pagsunod-sunurin Mo
Itala ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng pagpuno sa
timeline na magpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
may pagtiyak sa mga nangyari dito. Gamitin ang kasunod na pormat sa
pagsagot sa iyong sagutang papel.
PANGYAYARI PAGTIYAK
Alam mo ba na…
ang wastong paggamit ng mga pang-ugnay ay nakatutulong sa pagkakaroon
ng pagkakaugnay ng mga pangyayari. Nagiging malinaw ang daloy ng mga
pahayag dahil sa mga pang-ugnay na dapat gamitin para sa pagsasalaysay
at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
Naririto ang Uri ng pang-ugnay
1. Pandagdag o adisyon - Nagsasaad ito ng diwa ng pagpupuno o
pagdaragdag ng impormasyon. Halimbawa: at, pati, saka
Sa isang kubong kinatatanglawan lamang ng lampara ay
nakahiga sa isang payak na higaan ang isang payat at maputlang
babae na halos hindi makakilos dahil sa malubhang sakit.
2. Pagbibigay-eksepsiyon - Nagsasad ng pagbubukod o paghihiwalay.
Halimbawa: maliban sa, bukod sa, bukod kay, puwera, huwag lang,
kundi lang
Bukod sa pagputol ng kahoy na gagamitin sa pagluto, si Crispin ay
nag-iigib ng tubig.
3. Pagbibigay - sanhi o dahilan- Pinag-uugnay ang mga lipon ng salita
upang magbigay-katuwiran at magsabi ng kadahilanan.
Halimbawa: dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, mangyari,kundangan
Nagtagumpay siya dahil sa pagtitiyaga sa paggamit ng isang
gaserang gaas.
4. Paglalahad ng resulta at bunga - Nagsasaad ng kinalabasan o
kinahinatnan.Halimbawa: kaya, tuloy, bunga nito,kaya naman
Sa pagdating niya sa kanilang tahanan, kaya umangat ang
kabuhayan, kapuna-puna ang magandang pagtanggap ng bawat
panauhin lalo sa mga bagong mukha at siya na anak na matagal na
nalayo.
5. Pagbibigay-layunin - Nagsasaad ng hangarin o naisin.
Halimbawa: upang, nang sa ganon, nang sa gayon, nang, para sa
Dala ng naranasang hirap upang maging matagumpay.
Pagbibigay-kondisyon- Nagsasaad ng kondisyon o pasubali. Halimbawa: kapag, kung, sakali, sandali, bast
Ang pagtatagumpay ay makakamit basta may pagtitiis, .
Kontrast/pagsalungat - Nagsasaad ng pag-iiba, pagkontra o pagtutol. Halimbawa: pero, ngunit, sa halip, d
Sa halip na sumuko sa hirap, magpatuloy sa pangarap.
Pagbibigay-kongklusyon- Nagsasaad ng panghuling pananaw o opinyon.
Halimbawa: samakatuwid, kung kaya, kaya, kung gayon, anupa’t, sa wakas
Sa wakas, may pagmalasakit din ang pamahalaang lungsod.
PAGSASANAY 1
Piliin sa bahagi ng kuwento ang ginamit na pang-ugnay at suriin kung anong
uri ito. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
KOLUM A KOLUM B
1. Maraming kabataan ang naliligaw sa impluwensiya hindi
ng landas mabubuting kaibigan.
2. Iniisip lamang ng bawat magulang dapat itong pahalagahan ng
ang kapakanan ng mga anak mga anak.
3. Magiging maganda ang buhay ng susunod siya palagi sa
sinumang anak kaniyang magulang.
4. Bawat pagsisikap may katumbas magandang buhay ang
na tagumpay pupuntahan ng isang kabataan.
5. Mahalin natin ang ating wala silang katulad sa
magulang mundong ibabaw.
PAGSASANAY 3
Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay gamit ang mga elemento ng isang
maikling kuwento. Isaalang-alang sa pagsasalaysay ang pang-ugnay. Gawin sa
papel.
Pagnilayan at Unawain
Sa tulong ng kasunod na grapikong representasyon, sagutin ang mga tanong.
Gawin sa sagutang papel.
Mga Tanong
na hindi pa naisusulat. Ikaw ang naatasan ng inyong samahan na sumulat ng kuwento na batayan ang ginawa ninyong pananaliksik. M
ARALIN 2.6
PANGWAKAS NA GAWAIN
Pagtatanghal ng Orihinal na Awiting-bayan Gamit ang Wika ng Kabataan
Ang mga unang awit ay mga anyong tula rin, na may mga tugtugin at indayog
na ayon sa damdamin, kaugalian at himig ng pag-awit noong unang panahon.
Marami sa mga awit noon ay naririnig pa ngayon, subalit marami na rin ang
nakalimutan.
Sa kabila nito, nagpapatunay pa rin na mayaman ang Visayas sa mga
awiting- bayan. Sa ngayon, karaniwang nasusulat pa rin sa orihinal na liriko ang ilan
sa mga
ito. Marahil ay natuwa ang iba sa inyo sa mga nakaalam at gumamit o inawit ang mga
ito.
Sa pagkakataong ito, ikaw ay inaasahang makasusulat at makapagtatanghal
ng awiting-bayan. Bago mo isagawa ang pagsulat ng orihinal na liriko ng awiting-
bayan gamit ang wika ng kabataan, sagutin mo muna ang mga gawaing inihanda ko
upang masukat kung ano ang antas ng iyong pagkatuto sa mga natalakay natin sa
buong Modyul 2.
SINTESIS
Nalaman ko
Naramdaman ko
Nabigyang-halaga ko
Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang mga gawain sa Modyul na ito.
Sa gawaing ito ay naisakatuparan mo na ang nararapat na kaalaman tungkol sa
kultura at panitikan ng Visayas.
Napatunayan mong ang Panitikang Visayas ay Repleksiyon ng Buhay at
Kultura ng Kabisayaan.
Tunay kang masipag na mag-aaral na handang isakatuparan ang lahat ng
gawain sa Modyul na ito. Paghandaan ang susunod na Modyul. Pagbutihin mo.
MODYUL 3
Panitikan ng Luzon:
LARAWAN NG
PAGKAKAKILANLAN
179
I. PANIMULA PARA SA MODYUL 3
Ang Luzon ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Binubuo ito ng Rehiyon I, II,
III, IV-A (CALABARZON), IV-B (MIMAROPA), V, Cordillera Administrative Region
(CAR), at National Capital Region (NCR).
Ang Luzon ay binubuo ng iba’t ibang etnolingguwistikong pangkat.
Karamihan ng Ilocano ay naninirahan sa hilagang bahagi ng Ilocos at Cagayan, sa
Pangasinan, ang mga Pangasinense, sa Pampanga, Tarlac at sa iba pang bahagi ng
Gitnang Luzon ay ang mga Kapampangan, at mga Tagalog sa Bulacan,
CALABARZON at Kalakhang Maynila. Mayroon mga pangkat-etnikong matatagpuan
sa Luzon gaya ng mga Ita sa Zambales, Ibanag ng Cagayan at Isabela, at Igorot,
Ibaloi, Kankanaey at iba pa sa CAR.
Ang Modyul 3 ay naglalaman ng ilang akdang pampanitikan ng Luzon tulad
ng tulang panudyo, tugmang de gulong, bulong, awiting-bayan, mito, sanaysay, at
maikling kuwento. Tatalakayin ang iba’t ibang gramatika at retorika tulad ng
ponemang suprasegmental, iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o
damdamin, mga salitang hudyat ng panimula, gitna at wakas, mga pahayag na
ginagamit sa paghihinuha ng mga pangyayari at mga panandang anaporik at
kataporik ng pangngalan. Inaasahang ang mga aralin sa Modyul na ito ay
makatutulong sa iyo upang maunawaan at mapahalagahan ang kultura ng mga taga-
Luzon sa tulong ng kanilang mga akdang pampanitikan.
Sa pagpapatuloy ng talakayan iyong aalamin kung paano nakatutulong ang
panitikan sa pagpapalaganap ng kultura ng mga taga-Luzon. Gayundin, kung bakit
mahalaga ang paggamit ng wastong gramatika at retorika upang higit nating
maunawaan at mapahalagahan ang kanilang panitikan at kultura.
Sa pagtatapos ng Modyul 3, ang mga mag-aaral ay inaasahang
makapagsasagawa ng komprehensibong pagbabalita ( radio broadcasting) batay sa
sumusunod na pamantayan: a) magtatampok ng isa sa mga natatanging produkto
ng alinmang lugar sa Luzon, b) nagtataglay ng mga elemento ng komprehensibong
pagbabalita, c) ganda at linaw ng tinig, d) paraan o estilo, at e) kahali-halina ang
tinig.
180
GRAPIKONG PRESENTASYON NG MODYUL 3
Aralin 3.1
Aralin 3.2
Aralin 3.4
Panitikan: Nang Maging Mendiola Ko ang Internet
Dahil Kay Mama ni Abegail Joy Yuzon Lee
(Sanaysay mula sa Maynila)
Gramatika: Pahayag na Ginagamit sa Paghihinuha ng
mga Pangyayari
Aralin 3.5
Aralin 3.6
PANGWAKAS NA GAWAIN:
Pagtatanghal ng Komprehensibong Pagbabalita
(Radio Broadcasting)
II. PANIMULANG PAGTATAYA PARA SA MODYUL 3
16. May mga paalaala kang nababasa sa loob ng sasakyan. Ano sa kasunod na
mga tula ang halimbawa nito?
A. Ang di magbayad walang C. Pungpung kasile
problema Ipinanganak sa kabibe
Sa karma pa lang bayad ka na. D. Putak, putak
B. Kotseng kakalog-kalog Batang duwag!
Sindihan ng posporo Matapang ka’t nasa pugad!
Itapon sa ilog.
20. Ano ang isa sa matandang uri ng panitikan sa Pilipinas na ang karaniwang
tauhan ay higante, duwende, ada, hari, reyna, diwata, at prinsesa at iba pang
kakaibang nilikha?
A. alamat C. kuwentong- bayan
B. epiko D. mito
21. Anong uri ng panitikang tuluyan ang isinusulat nang patalata na nagpapahayag
ng sariling pananaw, kuro-kuro, opinyon, at damdamin tungkol sa isang
mahalagang isyu o paksa?
A. dula C. maikling kuwento
B. sanaysay D. nobela
22. Ano ang bahaging dapat pumukaw sa interes ng mga mambabasa upang
maging epektibo ang isang akda?
A. katawan C. panimula
B. pamagat D. wakas
28. “Hindi siya namimili ng tao.” Ano ang ibig ipakahulugan ng pangungusap?
A. Magaling siyang makisama.
B. Lahat ng tao ay kaibigan niya.
C. Wala siyang kinikilingang tao.
D. Mahusay siyang makipagkapuwa-tao.
31. “Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-
isip.” Ano ang mensahe ng pahayag?
A. Lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos.
B. Ang tao ang pinakamahalagang elemento ng daigdig.
C. Malaya ang taong magpahayag ng kaniyang mga pananaw at opinyon.
D. Pananagutan ng tao anuman ang kaniyang maging desisyon.
35. Ano ang tinatawag na sine totoo na matapat na inilalahad ang mga pangyayari
sa ating lipunan?
A. balita C. investigative journalism
B. dokumentaryo D. pelikula
36. “Mabuting tao ang pamilyang Quintana. Tinutulungan nila ang kanilang mga
kapitbahay.” Ano ang tawag sa salitang sinalungguhitan?
A. pananda C. pang-ugnay
B. panghalip D. pantukoy
38. Binigyan niya ito ng isang mabilis na halik sa mabilog nitong pisngi at
kumaripas nang palabas ng gate upang sundin ang utos ng kaniyang ina.
Anong angkop na paglalarawan ang maibibigay kay Alvin sa bahaging ito ng
teksto?
A. tapat na bata C. masayahing bata
B. masunuring bata D. masipag na bata
39. Ano ang maaaring gawin ni Andrew matapos na makitang bukas ang kanilang
gate?
A. Pupunta siya sa gate at isasara ito.
B. Pupunta siya sa gate at lalabas upang sundan ang kapatid.
C. Pupunta siya sa loob ng bahay at isusumbong ang kaniyang kuya.
D. Pupunta siya sa loob ng bahay at iiyak dahil iniwan ng siya ng kaniyang
kuya.
40. Ano ang tawag sa kasanayang nagbibigay ng prediksiyon sa susunod na
pangyayari sa isang akda?
A. paghihinuha
B. pagtukoy sa pahiwatig
C. pagkuha ng pangunahing kaisipan
D. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
41. “Lagi siyang nakadikit sa isang sulok. Nakaupo na’y tila ipinagkit.” Ano ang
kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. idinidikit ang upuan C. hindi tumitigil sa kinauupuan
B. hindi inaalis ang upuan D. hindi umaalis sa kinauupuan
43. Nahuli ang anunsiyo ng suspensiyon ng klase ngunit nakaalis na ako ng bahay
kaya naipit sa matinding baha. Ano ang angkop na panghalip na
dapat gamitin sa pangungusap?
A. ako C. sila
B. kami D. siya
44. Ano ang panghalip na nasa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan
ang binanggit sa hulihan ng pangungusap?
A. anaporik C. modal
B. kataporik D. pamatlig
45. Ano ang panghalip na nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan
ang binanggit sa unahan ng pangungusap?
A. anaporik C. modal
B. kataporik D. pasaklaw
49. Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang nang halos
pabulong kapag tinatawag ng guro, halos paanas pa kung magsalita. Ano ang
kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. pahimig C. papahina/pawala na
B. paimpit D. pasigaw
50. Sila’y mga binatilyong kagaya ko, datapwa't may hawak na bote ng alak at sa
mga bulang silang nilalagok ay unti-unting silang nangawala sa kanilang mga
sarili. Anong panghalip ang dapat gamitin bilang pamalit sa salitang
sinalungguhitan?
A. akong C. kanilang
B. kaming D. siyang
III. YUGTO NG PAGKATUTO PARA SA MODYUL 3
TUKLASIN
Magsisimula ka na sa iyong paglalakbay sa pinakamalaking pulo ng Pilipinas,
ang Luzon. Palalawakin at pagyayamanin mo ang iyong kaalaman at kakayahan
tungkol dito. Ngunit bago iyan subuking sagutin ang kasunod na mga gawain upang
masukat ang “alam mo na” kung paano nakatutulong ang mga panitikan sa
pagpapalaganap ng kultura ng mga taga-Luzon? At bakit mahalaga ang paggamit ng
wastong gramatika at retorika para sa malalim na pagsusuri ng akdang pampanitikan
ng Luzon?
GAWAIN 1. Natuklasan Ko
Itapat ang mga larawang nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat rehiyon
sa Luzon. Lagyan ng guhit na mag-uugnay sa rehiyon at sa larawan. Pagkatapos,
sagutin ang kasunod na mga tanong.
NCR
CAR
1. 5.
Rehiyon I
Rehiyon II
2. Rehiyon III 6.
MIMAROPA
CALABARZON
3. 7.
Rehiyon V
4. 8.
GAWAIN 2. Tanong Ko… Sagutin Mo!
Sagutin ang kasunod na mga tanong. Gayahin ang grapikong
representasyon sa sagutang papel sa pagsusulatan ng mga sagot.
2) Paano nakatutulong ang gramatika at retorika para sa malalim na pagsusuri ng akdang pampanitik
LINANGIN
I. Panimula
Tuklasin
Sa sumusunod na gawain, aalamin mo kung ano na ang iyong nalalaman
tungkol sa tulang panudyo at tugmang de gulong.
GAWAIN 1. Paalala Lang Po
Hindi lamang traffic signs o mga simbolo ang nakikita kapag tayo ay
sumasakay sa iba’t ibang uri ng transportasyon. Nakababasa rin tayo ng mga
paalaala o pahayag. Magtala ng mga paalalang madalas na mabasa o makita sa
loob ng sasakyang pampasahero. Isulat sa kasunod na paskilan ang iyong sagot.
Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel .
1.
2. 3.
4.
2. Bakit mahalaga ang mga ponemang suprasegmental sa pag- buo ng mga tulang panudyo at tugmang de gulong?
Linangin
Ang Matandang Panitikan
Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan, ang panitikan ng Pilipinas ay
nagmula sa magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkakaagwat na
dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o
Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil dito, ang
sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng panitikang pagsulat at
panitikang pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang
pagsulat ang mga Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran.
Tinawag itong Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at labing-apat na katinig.
Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga
punongkahoy na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang matutulis na bato at
kahoy rin. Mayroon na ring panitikang pasalita ang mga sinaunang tao. Ang
panitikang pasalita ay may anyong panulaan, tuluyan, at dula.
Nahahati sa dalawang kategorya ang tradisyong patula: panugmaang-
bayan at kantahing-bayan.
Ang anyong panugmaang-bayan ay taludturan o dadalawahing
taludtod lamang, dili kaya’y apaludturan o aapating taludtod lamang ang
bumubuo sa isang saknong. Bawat taludtod ay may sukat (may bilang ang
pantig) at tugma (ang hulihan ay magkakasintunog).
Nahahati ang kategoryang ito sa tugmaang walang diwa o tugmaang
pambata, tugmaang matatalinghaga at tugmaang ganap na tula.
Sinasabing ang Tugmaang Walang Diwa o Tugmaang Pambata ang
pinagmulan o pinag-ugatan ng tula. Ang mga salita ay tila larong-bibig na
pangkasanayan ng mga bata sa pagsasalita. Maririkit ang pananalitang
ginagamit sa payak nitong kaanyuang sukat at tugma. Tila kulang sa
kahulugan. Walang talinghaga. Bukambibig magpahanggang ngayon. Kung
hindi naman, nagtataglay ng kahulugan kaya lang mababaw. Maririninig natin
ito kapag ang isang ina ay naaaliw sa kaniyang paslit at palagian sa mga
batang naglalaro sa bakuran o sa daan. Layunin marahil sa bagay na ito ang
sumusunod: pampatuwid ng dila nang ang bata ay di-mautal pag nagsasalita;
panunudyo ng mga nagkakapikunang bata sa laro; pang-alo sa nagmamaktol
na paslit; at pansabi-sabi sa mga nagmamasid sa kapaligiran.
Ang Tulang Pambata ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan
ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapaalala sa maliligayang
karanasan noong sila'y bata pa.
Tunghayan ang mga kasunod na halimbawa ng tulang panudyo na
tinatawag ding tulang pambata. Alamin din kung anong kamalayang panlipunan
ang nakapaloob.
Arrogante, Jose A. et.al 2004.Panitikang Filipino Antolohiya.
National Bookstore. Mandaluyong City
Mga pare, please lang kayo’y tumabi sapagkat dala ko’y sandatang walang
kinikilala. Ang aking manibela.
DAMDAMIN
Tulang Pambata/Panudyo Tugmang de Gulong
GAWAIN 5. Paghambingin Mo
Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tulang pambata o panudyo at
tugmang de gulong. Gawin sa sagutang papel na kokopyahin ang pormat.
A. Tulang Panudyo/Pambata
AB
B. Tugmang de Gulong
TULANG
PANUDYO
A. “ Umuulan na naman”
PAGSASANAY 1. Bigkasin nang may wastong tono, diin, at hinto ang sumusunod
na taludtod ng tulang “Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayan” ni Amado V.
Hernandez.
A. Basahin nang may damdamin ang sumusunod na saknong:
Lumuha ka habang sila ay palalong
nagdiriwang sa libingan ng maliit ang malaki’y
may libangan katulad mo ay si Huli na aliping
bayad-utang katulad mo ay si Sisa binaliw ng
kahirapan walang lakas na magtanggol
walang tapang na lumaban
tumataghoy kung paslangin
tumatangis kung nakawan.
B. Sa pamamagitan ng mga bantas na ginamit basahin nang may damdamin
ang bawat taludtod ng tula.
Lumuha ka; habang sila ay palalong nagdiriwang;
sa libingan ng maliit; ang malaki’y may libangan;
katulad mo ay si Huli; na aliping bayad-utang;
katulad mo ay si Sisa; binaliw ng kahirapan;
walang lakas na magtanggol;
walang tapang na lumaban;
tumataghoy; kung paslangin;
tumatangis kung nakawan.”
C. Sa pamamagitan ng mga pananda at sesurang ginamit, basahin nang may
damdamin ang bawat taludtod.
3
2 1
“Lumuha ka habang sila ay palalong nagdiriwang/
3
2 1
sa libingan ng maliit/
2
3 1
ang malaki’y may libangan//
2 3 1
katulad mo ay si na aliping bayad-utang/
Huli/
walang lakas/ na magtanggol/ walang tapang na lumaban//
2 3
katulad mo ay si Sisa binaliw ng kahirapan
tumataghoy kung paslangin/ tumatangis kung nakawan
Mula sa Lektsyur ni M.O. Jocson, Kasugufil 2013
Pagnilayan at Unawain
1. Magbigay ng hinuha tungkol sa Mga Pokus na Tanong para sa aralin.
Gamitin ang Linear Chart. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
nudyo at tugmang de gulong sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan (social awareness) para sa kabutihan ng mga taga-Luzon?
Bakit mahalaga ang mga ponemang suprasegmental sa pag-buo ng mga tulang panudyo at tugmang de
ARALIN 3.2
Tuklasin
3. Tabi-tabi po apo
Baka po kayo ay mabunggo. (Deveza & Guamen,1979)
5. Dagang malaki,
Dagang maliit
Heto na ang ngipin kong sira at pangit
Bigyan ng bagong kapalit.
o makatutulong ang paggamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa paglikha ng bulong at awiting-baya
alang talang naisulat ang ating mga ninuno tungkol sa mga halimbawa nito, sapagkat nagpasalin-salin lamang ang mga ito sa bibig ng m
Linangin
BULONG
Ang bulong ay ginagamit bilang pagbibigay- galang o pagpapasintabi sa
mga bagay o pook tulad ng punong balite, sapa at ilog, punso at iba pang
makapangyarihang espiritu upang hindi sila magalit at manakit kapag
natapakan, nabunggo, pinutol at iba pa, na makasasakit sa kanila.
Sa Maynila, ang bulong ay bukambibig ng matatanda. Itinuturo nila sa
kanilang mga anak ang paniniwalang hindi sila maparurusahan o bibigyan ng
sakit o paglalaruan ng maligno, tulad ng:
"Tabi-tabi po Apo baka po kayo mabunggo."
Isang halimbawa naman ng bulong mula sa Ilocos kung nangangahoy
sa gubat, upang hindi mamatanda ay bumibigkas bilang paghingi ng
paumanhin gaya ng:
“Aming pinuputol lamang
Ang sa ami' y napag-
utusan."
Sa Bicol may mga bulong din ang matatanda kung nabubungian ng
ngipin at humihingi ng panibagong ngipin. Haharap sila sa posteng kawayan na
may butas na maaaring paghulugan ng nabunging ngipin at ito' y ihuhulog doon
sabay ang "bulong" na:
“Dagang malaki, dagang maliit
Heto na ang ngipin kong sira at
pangit
Bigyan mo ng bagong kapalit."
Bisa, Simplicia at Paulina Bisa. Lahing Kayumanggi. National Book Store. Mandaluyong City p.7
Awiting-bayan
Ang ating mga ninuno, upang mapayaman sa lalong masining na
paraan ang kanilang magagandang kaisipan at damdamin, ay tinutumbasan
nila ng awit para sa lahat ng pagkakataon: pagsilang, pagsakop, pag-ibig,
panunuyo, pakikidigma, pakikipagtaling-puso at iba pa. Ang mga awiting–bayan
ay mga tulang may sukat at tugma na nabibilang sa iisang uri lamang. Naririto
ang ilang halimbawa mula sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon.
A. Rehiyon I (Ilocano) Salin sa Filipino (Awit ng Pagliligawan)
Dungdungwen Dungdungwen kanto unay-unay
Itinatangi
Indayonen
kita sa lahat
kanto
Iduduyan
iti sinamay
kita nang malumanay Ipaghehele kitang p
Tultuloden kanto’t naalumanay Pagammuanen
Walang inka
ano-ano’y
mailibay.
ika’y maiidlip
Apaman nga inkanto makaturog Iyabbong
At konto
kung ikaw
ta rupam
ay tulog
daytoy
na Kukumutan
paniok Tapnokitadinakanto
ng panyolito
kagaten
Upang
ti lamok
hindi ka kag
Ket maimas monto’t maturog. Aray! Puso! Aray! Aray!
Annay!Pusok! Annay! Annay! Nasaem naut-ut
Mahapdila unay
makirot
Itdem
talagang-talaga
kaniac tu pannaranay
KailanganTakokaasiak
ang kalinga
a maidasay.
mo Upang hind
(Jose Villa Panganiban)
F. Rehiyon 4
Sa Talon ng Pagsanjan
(Laguna)
Handa na ang lunday
Umupo ng husay
At titingnan natin
Ang talong Pagsanjan.
Matulin ang agos
Kidlat ang kawangis
Pagbagsak ng tubig
Bomba ang tinig.
Lorenzo,Carmelita S.et.al.2004.Literatura ng Iba’t Ibang Rehiyon sa Pilipinas,
National Bookstore, Mandaluyong City.
GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan
Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang tsek sa kolum ng mapipiling
sagot. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.
Tanong Oo Hindi
1. Ibig bang sabihin ng makikiraan ay uunahan?
2. Nangangahulugan ba ang mabangga ng mabunggo?
3. Kapag sinabing makirot, may nararamdaman bang masakit?
4. Pababayaan ba ang ibig sabihin ng kalinga?
5. Gulapay na ba ang isang tao kapag hirap na hirap na ?
6. Ibig bang sabihin ng pumapantay ay nakahihigit?
GAWAIN 4. Pag-unawa sa Nilalaman
Sagutin ang sumusunod na tanong.
Bulong Awiting-bayan
Pagkakatulad Pagkakaiba
Hambingan at Kontrast
3. Sa iyong palagay, ano ang naging dahilan upang makalikha ng mga bulong at
awiting-bayan ang mga ninuno ng mga taga-Luzon? Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
SI MALAKAS AT SI MAGANDA
(Kuwentong-bayan mula sa Maynila)
ggamit ng padamdam na pangungusap na nagsasaad ng masidhing damdamin, gayundin ang mga pahayag na nagtatanong.
g tandang pananong ay ginagamit ding signal sa pagpapahayag ng ilang masidhing damdamin. Maging ang gamit ng bantas na tuldok a
1. Pagtataka -
2. Pagkagulat -
3. Pagkatakot-
4. Pagtataka-
5. Pag-asa-
Pagnilayan at Unawain
Sagutin.
Masasalamin ba sa bulong at awiting-bayan ang paniniwala at kaugalian ng mga taga-Luzon?
Paano makatutulong ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa paglikha ng
Ilipat
ipino. Kasama ang bokalista at gitarista bubuo kayo ng awiting-bayan. Plano ninyong i-upload ito sa alinmang social media upang mapa
I. Panimula
Tuklasin
GAWAIN 3. Salamin…Salamin!
Gamit ang kasunod na gawain, maghinuha sa Pokus na Tanong kung
paano nakatutulong ang mito sa paghubog ng pagkatao.Gayundin, sumulat ng
maikling talata gamit ang salitang hudyat sa panimula, gitna, at wakas gamit ang
reflective mirror. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.
Alam mo ba na...
Ang mito o mulamat ay isa sa pitong uri ng matatandang kuwentong-bayan tulad ng: alamat, pabu
Linangin
Lilinangin ang iyong kaalaman sa pagbabasa ng mito. Susubukin ang iyong
galing sa pamamagitan ng mga gawaing kaugnay nito. Alam ko na kayang-kaya mo
ito sapagkat naniniwala ako sa iyong kakayahan. Sasagutin mo rin kung paano
makatutulong ang mga mito sa paghubog ng pagkatao. Maaari mo itong sagutin
matapos basahin ang kasunod na mito.
Ang Hukuman Ni Mariang Sinukuan
(Mito mula sa Pampanga)
Sinasabing sa isang maganda at mataas
na bundok sa Gitnang Luzon, naninirahan ang
isang magandang diwata sa Bundok Arayat. Ang
diwata ay si Mariang Sinukuan, isang mabait at
makatuwirang diwata. Mayroon siyang hukuman
na naging sagisag ng katarungan at pag-ibig. Sa
kaniyang hukuman nagtutungo ang mga tao at
hayop na nakatira sa Bundok Arayat upang
magsumbong at humingi ng payo.
Isang araw, narinig ni Mariang Sinukuan ang taghoy ng Ibong
Martines. Ipinatawag niya ang Martines sa kaniyang hukuman. Halos
madurog ang puso niya sa lungkot nang ipakita ng Martines ang sirang
pugad at basag na mga itlog.
"Ano ang nangyari sa iyong pugad, mahal kong ibon"? tanong ni
Maria kay Martines.
"Kasi po kagabi", humihikbing huni ni Martines, "biglang dumamba
nang dumamba si Kabayo at natapakan ang aking pugad."
Madaling nagsiyasat ang magandang diwata at ipinatawag si Kabayo.
"Bakit ka dumamba nang dumamba kagabi na ikinabasag ng mga itlog ni
Martines?" tanong ni Maria nang dumating si Kabayo sa kaniyang hukuman.
"Kasi po", mahinay na halinghing ni Kabayo, "nagulat ako nang
biglang kumokak nang malakas si Palaka."
Ipinatawag ni Mariang Sinukuan si Palaka at tinanong. "Bakit ka
biglang kumokak nang malakas kagabi na ikinagulat ni Kabayo kaya nabasag
ang mga itlog ni Martines?"
"Kasi po", paos na kokak ni Palaka, "Humingi lamang po ako ng
saklolo dahil nakita kong dala ni Pagong ang kaniyang bahay."
Agad namang ipinatawag ni Maria si Pagong. "Bakit dala mo ang
bahay mo kagabi kaya natakot at kumokak si Palaka at dumamba si Kabayo
kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?"
"Kasi po", humihingal na paliwanag ni Pagong, "natakot akong
masunog ang aking bahay dahil nakita kong palipad-lipad si Alitaptap at may
dalang apoy."
Ipinatawag naman ni Maria si Alitaptap at tinanong. "Bakit may dala
kang apoy kagabi kaya nagbuhat ng bahay si Pagong at natakot si Palaka
kaya dumamba nang dumamba si Kabayo na naging dahilan ng pagkabasag
ng mga itlog ng Martines.”
"Kasi po", kutitap ni Alitaptap, "kailangan kong magdala ng apoy para
pananggalang laban kay Lamok na palipad-lipad at may dalang itak."
Lalong nahiwagaan si Maria sa pangyayari. Kaya agad niyang
ipinatawag si Lamok, "Bakit may dala kang itak kagabi kaya nagdala ng apoy
si Alitaptap at nagbuhat ng bahay si Pagong kaya natakot si Palaka
dumamba nang dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni
Martines?"
Hindi agad nakasagot si Lamok. Tumingin siya sa paligid at nakita
niyang naghihintay ng kaniyang sagot ang mga hayop sa hukuman.
"Kasi po”, paputol-putol na ugong ni Lamok, "hinahanap ko si
Alimango."
"At bakit naman may dala ka pang itak sa paghahanap kay
Alimango?", nahihiwagaang usisa ng diwata.
"Kasi po, gusto ko pong gumanti sa ginawa niya sa akin", paliwanag
ni Lamok. "Noong isang linggo bigla na lamang niya akong sinipit. Mabuti at
hindi niya nasipit ang aking leeg. Pero nasugatan ang aking isang paa."
Nawala ang pagtitimpi ni Lamok at galit na galit na umugong-ugong.
"Ngayong magaling na ang aking paa, isinumpa kong hahanapin ko
siya habang ako'y nabubuhay! Alam kong nagtago siya pero susuutin ko ang
lahat ng butas at bitak hanggang makita ko ang taksil na si Alimango!"
Masyadong nadala si Lamok ng sama ng loob at wala sa loob na
iwinasiwas ang kaniyang itak. Hindi sinasadya, dumulas ang itak sa kaniyang
kamay at muntik nang tamaan sa ulo si Palaka.
Sa takot, napalundag at kumokak nang malakas si Palaka. Dahil
nagulat, dumamba nang dumamba si Kabayo. Dala-dala ang kaniyang bahay
na nagtago si Pagong. Nagningas ang apoy ni Alitaptap at lumipad na dala
ang pugad ni Martines.
Itinaas ng magandang diwata ng Arayat ang kaniyang kamay para
payapain ang lahat. Pagkatapos, itinuro niya si Lamok at nagwika, "masyado
kang marahas, Lamok. Nagulo ang aking kaharian ng dahil lamang sa sama
ng iyong loob kay Alimango."
"Dapat mong malaman na ang karahasan ay nagdudulot ng
kapahamakan." Pinagbawalan niyang magdala uli ito ng itak. Pagkatapos,
pinayuhan niya si Martines na huwag nang gagawa ng pugad sa lupa.
Mula noon, sa ituktok ng punongkahoy na gumagawa ng pugad si
Martines. Pero matatakutin pa rin at malakas kumokak si Palaka.
Dumadamba pa rin nang dumadamba si Kabayo kapag natatakot at dala-
dala pa rin ni Pagong ang kaniyang bahay. Samantala, lagi pa ring may
dalang apoy si Alitaptap kapag gabi.
At ang Lamok? Matigas ang ulong hinahanap pa rin niya si Alimango
at lihim na nagdadala ng itak tuwing gabi. Kung may naririnig kayong kulisap
na paugong-ugong sa inyong tainga, ang Lamok iyon. Sapagkat hanggang
ngayon ay hinahanap pa rin niya sa butas ang Alimango na akala niya'y sa
butas ng tainga naninirahan.
**** *
Marahil ay makatutulong sa iyo ang binasang halimbawa ng mito upang
madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito. Unti-unti ay mapatutunayan mo na
makatutulong ang mito sa paghubog ng pagkatao kasabay ng pagtalakay sa iba
pang impormasyon kaugnay nito.
GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan
Isulat ang bilang sa patlang ayon sa antas ng pagpapakahulugan. Isulat sa
sagutang papel ang sagot.
Halimbawa: pagkawala 1
pagkasaid 3
pagkaubos 2
1. maganda 3. umiiyak
kaakit-akit lumuluha
kabigha-bighani nananaghoy
2. poot 4. pighati
galit lumbay
suklam lungkot
5. ngiti
tuwa
galak
Mga katangian:
Sa hilagang-silangang bahagi ng
Cagayan ay may dalawang batong hawig
ng babae at lalaki. Tinawag nila itong
Lakay-Lakay o matandang lalake at
Baket- Baket o matandang babae. Sa di
kalayuan ay may maliit na batang babae o
Ubing- Ubing.
Noong unang panahon, may mag-anak na naninirahan sa tabing-
dagat. Sila’y nabubuhay sa pangingisda. Sa tuwing maraming nahuhuling
isda ang lalaki ay nag-aalay sa kanilang Diyos bilang pasasalamat. Di
nagtagal, namuhay sila nang maginhawa. Isang umagang maraming nahuli
ang lalaki ay nakasalubong niya ang matandang humihingi ng tulong ngunit
ito’y kaniyang pinagtabuyan. Kinahapunan humingi ng tulong ang pulubi at
ang babae ang nakaharap nito, siya’y pinagtabuyan din.
Kinaumagahan ang lalaki ay nagtungo sa dagat upang mangisda.
Maghapon siyang hinintay ng kaniyang asawa ngunit gabi na ay wala pa rin
ito. Maagang-maaga’y tinungo ng mag-ina ang karagatan. Naghanap sila
kung saan-saan ngunit sa di-kalayuan sa dagat ay may pigura ng isang
taong yari sa bato. Nagmadali silang nilapitan ito sa pamamagitan ng
bangka. Namukhaan nila ito dahil sa dala-dala nitong lambat. Sila’y
nalumbay at nakadama ng galit ang babae at nakapagmura. Narinig ito ng
Diyos ng Dagat at ginawa rin silang taong-bato. Ngunit sa kabila nito
binigyan ang nasabing pamilya ng Diyos ng kapangyarihan upang bantayan
ang karagatan.
At pinaniniwalaang ligtas sa kapahamakan ang mga manlalakbay sa
dagat kapag di nila pinipintasan ang Lakay-Lakay. Dapat ding mag-alay para
sa pamilyang bato.
******
Ngayon naman ay babasahin mo ang isang halimbawa ng kuwentong-bayan
na mula sa Luzon. Paghambingin mo ang dalawang akda; kung paano nagkakaiba
ang mito sa alamat.
Si Mariang Mapangarapin
Alamat
Kuwentong-
bayan
Mito
6.2. Ibuod Mo!
Ibuod ang isa sa binasang mga akda. Maaaring pumili lamang sa mito, alamat,
at kuwentong-bayan. Gawin nang maayos at magkakaugnay ang banghay sa
pamamagitan ng kasunod na storyladder.Gawin sa sagutang papel.
Resolusyon/Wakas Pababang Pangyayari
Kasukdulan
Papataas na Pangyaya Panimulang Pangyayari
kinakailangang epektibo ito. Maaaring simulan ito sa noon, una, sa simula pa lamang, at iba pa.
a mga ideya. Maaaring gamitin ang samantala, saka, mayamaya, hanggang kasunod, walang ano-ano, at iba pa.
mahahalagang kaisipan. Dito nakapaloob ang isahan at panlahat na mensahe. Maaaring gumamit ng: pagkatapos, sa huli, sa wakas, o
mga katutubo.
.
PAGSASANAY 1. Punan ng angkop na pahayag / salita ang panimula, gitna at
wakas ng talata.
1) ay makikita na ang kaibahan ng magkapatid na sina Jerry
at Chris.2) nilang pagkakaiba ang kulay ng kanilang balat,
kayumanggi si Chris at maputi naman si Jerry. 3) nilang
pagkakaiba ay ang kanilang ugali. Si Jerry ay masipag mag-aral at masunurin sa
magulang, samantalang si Chris ay ubod nang tamad mag-aral at bulagsak sa mga
gamit. Magkaiba rin sila sa mga bagay na nais gawin. Si Jerry ay madalas tumulong
sa kaniyang ina sa gawaing-bahay samantalang si Chris ay mas gustong maglaro ng
computer. 4) ay nakita kung sino sa dalawa ang tunay na may
magandang ugali at karapat-dapat tumanggap ng parangal.
Pagnilayan at Unawain
2. Paano makatutulong ang mga salitang hudyat sa simula, gitna at wakas sa pagbuo ng isang akda?
Naniniwala akong nauunawaan mo na ang mito, alamat at kuwentong-bayan
kasama ang mga elemento nito. Ililipat mo naman sa isang kapaki-pakinabang na
gawain ang iyong mga natutuhan.
Ilipat
Alam mo ba na...
ang radyo ay isang midyum ng pagtatanghal. Noong araw
maraming nakikinig sa radyo habang sila ay gumagawa ng mga
gawaing- bahay. Ito ay ang pangunahing libangan ng mga Pilipino
hanggang lumabas na ang telebisyon. Pag-aaralan ang paggawa
ng iskrip ng dulang panradyo.
1. Lumikha ng malinaw na imahe sa iyong isusulat.
Halimbawa: bughaw na langit , malungkot na
mukha
2. Maghanap ng magaling na tagapagsalaysay. Siya ang
magpapahayag ng mga tagpuan, tauhan at ang buod,
at wakas ng pangyayari.
3. Lumikha ng maaksiyong diyalogo. Mahalaga ang
diyalogong ginagamit dahil ito ang nagbibigay-kulay at
aksiyon sa eksena o pangyayari.
4. Gawing marami, ang sound effects. Ito ang nagbibigay
ng emosyon, tunog sa mga bagay, at mga hudyat ng
mga pangyayari.
5. Maglagay ng background music. Ito ay makatutulong sa
tono, damdaming dapat naaayon sa eksena, ang
musika upang maganda ang kalabasan nito.
6. Lumikha ng mga kapani-paniwala ng karakter.
7. Maging wasto ang mga salitang gagamitin sa
dulang panradyo.
I. Panimula
Tuklasin
Pananaliksik
Paglalaro ng
On-line games
Pagpo-post ng mga
larawan
ta tulad ng salitang nasa anyong pampanitikan-makahulugan, matalinghaga at matayutay. Samantalang ang impormal o pamilyar na sa
Sa sanaysay maaaring mabasa ang pangunahing kaisipan
at pantulong na kaisipan kaugnay ng paksa.
Halimbawa:
Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng
internet. Iba’t ibang dahilan kung bakit sila na-eenganyo
sa paggamit nito. Maaari kang makipagkaibigan gamit
ang social media. Maaari ka ring maglaro online games.
Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobin
gamit ang iba’t ibang site.
Paliwanag:
Ang pangungusap na may salungguhit ay ang
pangunahing kaisipan samantalang ang mga
pangungusap na walang salungguhit ay ang mga
pantulong na kaisipan na nagpapahayag kung bakit
maraming kabataan ang nahuhumaling sa internet.
Banadera, Wilma B. et.al. 2011. Lunday III (Ikatlong Edisyon).
Sunshine Interlinks, Publishing House, Inc. Quezon City.
ay uri ng sanaysay na di-pormal? Mahalagang matukoy ang mahahalagang kaisipan at saloobin na inilahad ng may akda upang mabisa
Upang mas lalo mong maunawaan ang aralin, subukin mong gawin o sagutin ang
sumusunod na gawain. Makakatulong ito upang malaman mo kung paano
nakatutulong ang sanaysay sa pagpapahayag ng sariling karanasan, saloobin,
opinyon at damdamin ng isang tao.
Kabataan at Internet
ni Christopher G. Francisco
nag. May layunin din itong makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal tulad ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.
ulong ng mga pahiwatig at ng sariling kaalaman, lumilinang ito ng paghihinuha o pagpapalagay.
ng maipahahayag ito kung gagamitin ang mga panandang: ang tingin ko, di kaipala, yata, di malayo, siguro, marahil, baka, wari, tila, sa
1. Di malayo
2. Ang tingin ko
3. Di kaipala
4. Siguro
5. Marahil
Ilipat
Alam mo ba na...
I. Panimula
Tuklasin
Sa susunod na gawain, aalamin ang mga dati mo nang alam kung paano
nakatutulong ang maikling kuwento sa paghubog ng gawi, kilos at pag-uugali ng
isang tao sa anumang lugar tulad sa maraming lalawigang bumubuo sa Luzon.
Subukin mong sagutin ang mga gawaing inihanda para sa iyo.
GAWAIN 1. Subukin Mo
Basahin ang kuwentong “Sina Julius at Bogart” at sagutin ang kasunod na
mga tanong.
Sina Julius at Bogart
ni Kent Mike SA. San Juan
Marahil ay nakatulong sa iyo kung ano ang dapat na isipin at ikilos batay sa
mga katangian ng bawat tauhan sa kuwentong binasa. Isang uri ng kuwento ng
tauhan ang iyo namang babasahin. Subalit bago iyan, basahin ang ilang
impormasyon tungkol sa akda.
on sa pag-unawa sa kaugalian, kilos at gawi ng mga tauhan sa akda. Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tau
Linangin
g kahulugan sapagkat ginagamit sa pangungusap at naiuugnay sa iba pang salitang ginamit sa nasabing pangungusap. Madaling makuh
niwang nakaayon sa diwa o konteksto ng pangungusap ang gamit ng mga salita.
matiisin
MESSENGER*ACTIVE NOW
Angang
Sige nga. Patunayan mo. Anong magagandang katangian magagandang
ipinakita ng katangian ng batang
batang babae sa babae sa kuwento
kuwento? ay...
Nagustuhan
Alin sa magaganda niyang katangiang nabanggit mo ang iyong nagustuhan ko mong
at nais ang kaniyang pagiging
tularan? dahil...
Gamitin ang print screen function ng inyong computer at i-paste ito sa word
document. Matapos itong i-print ay ipasa sa iyong guro. Kung wala kang
kagamitan gaya ng computer o cellphone, isulat na lamang ang Gawain 1 na
nasa 5.1 sa sagutang papel.
5.2 Naranasan mo na ba ang ma-bully? Ihambing ang karanasan mo sa
karanasan ng bata sa kuwento gamit ang compare and contrast chart.
Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
5.4 Pagkatapos mong mabasa ang kuwento, may nabago ba sa iyong pag-uugali?
Patunayan.
Napatunayan mo na sa bahaging ito na maaaring makatulong ang binasang
kuwento ng tauhan sa paghubog ng kilos, gawi at pag-uugali ng isang tao. Panahon
na upang pag-aralan mo naman ang Gramatika at Retorika tungkol sa paggamit ng
mga panandang anaporik at kataporik.
Alam mo ba na...
ang talumpati ay buod ng o opinyon ng tao na ipinababatid sa
, mangatuwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri itong pampubliko na nagpapaliwa
ng tao na maaaring inuulit-ulit at hindi ninanais ng taong pinatutungkulan nito. Ito ay naisasagawa sa iba’t ibang anyo gaya ng panunu
ools. 2001 Acer Press Australian Council for Educational Research . Melbourne, Australia
PAGSASANAY 2. Isalaysay ang sarili mong karanasan o karanasan ng iba sa pam-
bubully ng dating kamag-aaral sa inyong klase gamit ang mga cohesive devices na
anaporik at kataporik. Gawin ito sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay.
Pagnilayan at Unawain
PANGWAKAS NA GAWAIN
Pagtatanghal ng Komprehensibong Pagbabalita
(Radio Broadcasting)
GAWAIN 1. Magbalik-tanaw
Dugtungan ang mga pahayag na nasa loob ng kasunod na graphic organizer.
Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Panitikan ng Luzon
GAWAIN 3. Subukin Mo
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
MUSIC FADE UP
: SA ULO NG MGA BAGONG HANGONG BALITA .
MUSIC FADE UP
: MISA NG SANTO PAPA SA TACLOBAN PINAKAAANTIG!
: UMULAN MAN O UMARAW MGA MAMAMAYAN NA
NANATILING NAKATINDIG
“PCV13”
1-Minute Infomercial
DXYZ 85.9
January 21, 2015
Page 4of 7
THEME MUSIC FADE UP…ESTAB…FADE UP UNDER
Panitikan ng Visayas
Biday – balangay o barangay na ginagamit ng mga datu sa paglalakbay
Binukot – dalagang prinsesang anak ng datu na hindi lumalabas ng bahay o
nakatagong lugar
Namasol – salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay nakahuli o nakakuha
Pahutan – isang uri ng mangga na matatagpuan dito sa pilipinas
Tabiki – salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay bubong
Panitikan ng Luzon
Apo – paggalang sa matatanda ng mga Ilokano
Baket – tawag sa matandang babae ng mga Ilokano
Dumamba– pumadyak
Kankanaey – isang tribo ng Ifugao
Lakay– matandang lalaki ng mga Ilokano
Mambunong – katutubong pari ng mga Kankanaey
Taghoy– pag-iyak
Tampipi– lalagyan ng pera
Tapa– pinatuyong karne ng usa
Sibsib– ritwal ng mga Kankanaey para sa pagpapagaling ng sugat
SANGGUNIAN
Abueg, Efren R. Ph.D. et. al. Muhon: Sining at Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas.
Malabon City: JIMCZYVILLE Publications , 2012.
Almario, V. et. al. Regional Profiles: People and Places. Adarna House, Inc., 2009.
Arrogante, J. et.al . Panitikang Filipino Antolohiya. National Book Store, 2010.
Baisa, A. et. al. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.,
2014
Belvez, Paz M. Pamana Katutubong Panitikan at Sining ng Pagkukuwento at Pagtula.
Manila: Rex Book Store,1983
Dr. Lydia Gonzales-Garcia. Makabagong Gramar ng Filipino. Rex Book Store, 1999.
Enrijo, W. Salamin: Panitikan ng Buhay. Modyul sa Filipino (Baitang 8) Unang
Markahan.
Jocson, M. O. at Tolosa, M. Hiyas ng Lahi 7. Vibal Publishing House, Inc., 2013.
Jocson, M. O. et.al Komunikasyon sa Akademikong Filipino Batayang Aklat sa
Filipino
I. Pasig City: Grandwater Publishing, 2014.
Lorenzo, Carmelita S. et.al. Literatura ng Iba’t Ibang Rehiyon sa Pilipinas. pah.140-
141.
Muego, Avelina D.et.al. Ibong Adarna. Quezon City: Vibal Publishing House,Inc.,2001.
Murillo, Lydia R. et.al. Alab ng Lahi Ibong Adarna. Quezon City: Vibal Publishing
House, Inc., 2011.
Nakpil, L. et. al. Gintong Pamana, Wika at Panitikan SD Publications, Inc., 2000.
Obrero, J. et. al. Tudla 1.Quezon City:Sta. Teresa Publications, Inc., 2010.
Philippine from the Regions. Filipinos:Writing
Regional Profiles: People and Places, Adarna House,Trademark of Adarna House Inc.
Copyright@2009,ISBN978-971-508-349-2
Resuma, Vilma M. Ph.D. Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Komunikatibo
Reyes, R. et. al. Sanayang Aklat sa Filipino 1.
Salum, Roselyn T.et.al. Ang Ibong Adarna at ang Tatlong Prinsipe (Isang
Pagpapakahulugan) Binagong Edisyon.Lipa City, Batangas:United Eferza
Academic Publications,Co.,2009.
Salum, Roselyn T.et.al. Ang Ibong Adarna at ang Tatlong Principe.Malabon
Santiago, A. et. al. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store, 2003.
United Eferza Academic Publications, Co. 2010.
Villanueva, Rene O. Tesis sa Masteral. Unibersidad ng Pilipinas.
INTERNET
http://www.clker.com/clipart-transistor-radio.html
http://dictionary.references.com/browse/newscasting
http://kanayon.blogspot.com/2012/02 ang-hukuman-ni-mariang-sinukuan.html
http://kanayon.blogspot.com/2012/02 si-mariang-mapangarapin.html
http://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-darangan-
epikong-maranao_935.html
http://kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-mga-kuwentong-
bayan-folktales.190)
http:/learn.org/articles/newscasting_Become_a_Newscaster_in_5_steps.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kuwentong-bayan
http://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-darangan-
epikong-maranao_935.html
http://panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html
http://www.philippine-islands.ph/en/luzon_islands-philippines.html
https://prezi.com/p_ufnaexbyzv/tauhan-at-karakterisasyon/
http://www.pinoyedition.com
http://www.slideshare.net/KiaSoneja/readers-theater-and-chamber-theater
http://208500232771798456.weebly.com/mga-elemento.html
www.brightonschool.com/wp.../judging forms_prelim_No Crops.pdf
www.youtube.com/watch?tv
https://www.translate.com/english/ang-maranao-tumira-lanao-del-norte-at-lanao-del-
sur-sa-mindanao-ang-pangalan-maranao-isinasalin-sa/34512961
http://www.seasite.niu.edu/trans/tagalog/modules_in_tagalog/mindanao.htm
http://muslim-academy.com/ang-mga-muslim-na-maranao/
MAGASIN