Edukasyonatrelihiyonsapanahonngmgaamerikano 150906015804 Lva1 App6892

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

Edukasyon at Relihiyong

Ipinakilala ng mga Amerikano


Pagsasanay : Like sign kung tama, dislike sign kung mali.
1. Unang Alpabetong Pilipino ay tinawag na
English Alphabet.
2. Ang sistema ng edukasyon ng mga unang
Pilipino ay pormal.
3. Pagano o paganismo ang relihiyon ng mga
unang Pilipino.
4. Ballpen ang tawag sa ginamit ng mga unang
Pilipino sa pagsusulat
5. Guro ang nagtuturo sa mga mag-aaral noon.
Balik-aral

Transportasyon at Komunikasyon…
Pagganyak

1. Alam ba niyo kung kanino nagmula


ang inyong mga relihiyon?
2. Kung kayo ang papipiliin, anong
relihiyon ang nais nyo?
3. Bakit?
4. Nais mo bang ang magturo sa iyo
ang taga-ibang bansa? Bakit?
Pagbuo ng tanong

Ano ang patakarang pang-edukasyon


ang ipinatupad ng mga Ameriko?

Ano ang relihiyong ipinakilala ng mga


Amerikano sa mga Pilipino?
Paglalahad
Kung ang pagiging isang Kristiyano ang
binigyang-diin sa edukasyon ng mga Kastila, itinuro
naman ng mga Amerikano ang demokratikong
paraan ng pamumuhay.
Kung ang simbahan ang sagisag ng Espanya, ang
paaralan naman ang sagisag ng sibilisasyong
Amerikano…
Naniwala ang mga Amerikano na ang
demokratikong paraan ng pamumuhay ay maituturo
sa pamamagitan ng edukasyon
Layunin ng mga Amerikano na sa
kanilang patakarang pang-edukasyon na:
-turuan ang lahat na maging
isang mabuting mamamayan ng isang
demokratikong bansa.
-bigyan ng ganap na edukasyong
pang-elementarya ang lahat ng may
wastong gulang.
-ituro ang wikang Ingles at ang
kulturang Amerikano.
turuan ang mga Pilipino na paunlarin
ang kanilang pamumuhay
malinang sa bawat Pilipino ang
damdaming makabayan.

magkaroon ng sariling lupang


sakahan ang mahihirap na magsasaka
Mga sundalong Amerikano at
dating gurong Pilipino ang naging
unang mga guro. Maraming bata ang
nag-aral. Binigyan ng mga kendi,
tsokolate , at libreng gamit sa
paaralan ang mga mag-aaral.
Ang Komisyong Taft ang
nagpanukala sa pagtatatag ng
paaralang bayan. Nagpalabas ito
ng Batas Blg. 74 na nagtatakda
ng libreng pag-aaral sa mga
paaralang bayan…
Noong…1901,
dumating ang 600
tunay na mga
gurong Amerikano.
Sila ang mga
Thomasites.
Sila ang pumalit sa
mga gurong
May mga Pilipino ring sinanay na
maging guro. Sila ang mga Pilipinong
matatalino at may sapat nang edukasyon.
Batay sa sistema ng edukasyon ng
Amerika ang ating paaralang pambayan.
Ito ay binubuo ng elementarya,
sekundarya, unibersidad at kolehiyo.
Naging matagumpay ang
edukasyon sa panahon ng
mga Amerikano. Nakita ng
mga Pilipino ang
kahalagahan ng edukasyon
kaya’t maraming magulang
at anak ang nagsakripisyo at
nagkahilig sa pag-aaral…
Ito rin ang naging mabuting
katulong ng mga Amerikano upang
mapaamo at mapasunod ang mga
Pilipino, higit na binigyang halaga ng
mga Pilipino ang kulturang Amerikano
kaysa sa sariling bansa at kultura.
Nahubog ang kaisipang kolonyal sa mga
Pilipinong taglay pa rin ng marami
Dala ng mga Amerikano ang relihiyong
Protestantismo sa bansa na may iba’t-ibang
sekta.
Nanatili rin ang Islam sa mga pook na
pinaglaganapan nito…
Ipinatupad din mga Amerikano
ang demokratikong simulain sa
paghihiwalay ng simbahan at
estado na isinasaad ng
Konstitusyon ng Malolos noong
1899…
Paglalahat

May mga programang pang-


edukasyon ang mga Amerikano para
sa mga Pilipino, gayundin
ipinakilala ng mga Amerikano sa
mga Pilipino ang relihiyong
Protestantismo.
Paglalapat

Kung ikaw ang tatanungin,


anong relihiyon ang iyong pipiliin
at bakit?
Pagtataya: Isulat ang letra ng tamang agot..

1.Kung ang simbahan ang sagisag ng mga mga Espanyol ang


sa mga Amerikano ay________
a. paaralan b. bandila c. krus d. panahanan
2. Ang mga sundalong Amerikano ang naging unang guro ng
mga Pilipino, Noong 1901 dumating ang mga gurong
Amerikano. Sila ay ang mga ___________
a. Pari b. Thomasites c. misyonero d. INC
Pagtataya: Isulat ang letra ng tamang agot..

3. Ang pagtuturo sa relihiyon ay hindi gaanong binigyan ng


pansin ng mga Amerikano, subalit may ipinakilala rin silang
relihiyon, ito ay ang________
a. katolisismo b. Aglipayano c. Protestantismo d. INC
4. Sa panahon ng mga Amerikano, nagkaroon ng kalayaan sa
pagsamba, naitatag din ang iba’t-ibang relihiyon. Dahil
dito___________
a.Marami ang naging Protestantismo
b. Marami ang sumaba sa mga Amerikano
c.Malaya ang pagpili ng relihiyong aaniban
Pagtataya: Isulat ang letra ng tamang agot..

5. Sa panahon ng mga Amerikano, nabigyan ng pagkakataon


na makapag-aral ang lahat. Nalinang din ang kaisipang
kolonyal kaya ikinahiya ng mga Pilipino ang sariling
kultura., Samakatuwid, ang edukasyong itinuro ng mga
Amerikano ay________
a.Maganda ang layunin para sa bansa
b.Pinahahalagahan ng mga Pilipino
c.May mabuti at di mabuting epekto sa ating kultura
d.May mabuting ibinunga

You might also like