Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARALIN 7: Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik

Ano nga ba ang Agham Panlipunan?

Ito ay binubuo ng iba’t ibang pangkat ng disiplinang akademiko na kung saan pinag-
aaralan ang aspeto o kalagayan ng tao at ng kapaligiran

Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan

Ito ay nakabatay sa pag-aaral mula sa sosyolohiya, lingguwistika, sikolohiya, agham

pampolitika, kasaysayan, heoograpiya, antroplohiya, at ekonomiks.

Sosyolohiya- pag-aaral ng tao sa lipunan, pinag-aaralan dito ang pangkat ng tao sa lipunan: ang
pamilya bilang pangunahing institusyon at ang mga suliraning kinakaharap ng mga tao.

Lingguwistika- agham na nakatuon sa pagbabago at pag-unlad ng wika, sapagkat bawat tao o

pangkat ng tao ay may sariling kultura na nagbabago sa paglipas ng panahon.

Sikolohiya- pag-aaral ng isip, diwa at asal.

Agham Pampolitika- agham na nakatuon sa pananaliksik at pag-aaral ng mga tao sa kanilang

pamamahala, pamahalaan at impluwensya nito sa kanilang pamumuhay.

Kasaysayan- pag-aaral ng nakaraan, partikular kung paano ito nakaaapekto sa mga tao sa
kasalukuyan.

Heograpiya- pag-aaral at pagsusuri ng pisikal na katangian ng mundo at ugnayan nito sa gawain

ng tao.

Antropolohiya- pag-aaral sa mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga labi (artifact) at mga
kaugnay na gawi ng pamumuhay ng tao.

(https://nacierbesa.wordpress.com/2011/06/16/mga-sangay-ng-agham-panlipunan/)
Pagsulat ng Agham Panlipunan

Ang mga sulatin sa Agham Panlipunan ay gumagamit ng siyentipiko pamamaraan na

naglalahad ng mga ebidensiya sa mga patunay sa pananaliksik, nangangatuwiran sa mga
nakalap na impormasyon gamit ang sarbey at obserbasyon , naglalarawan gamit ang grapikong
representasyon tulad ng larawan, tsart at istatistikal na pagkuha ng datos. Ito ay di-piksyon ang
anyo ng sulatin dito.

Mga Anyo ng Sulatin

Ang anyo ng sulatin ng Agham Panlipunan ay maaaring balita,sanaysay, artikulo, editorial, mga
papel na pananaliksik at iba pa.

Proseso ng Pagsulat ng Agham mga Panlipunan

a. Anyo ng sulatin na ginamit.

b. Pagpili ng paksa.
c. Paggamit ng mga tiyak ng pangungusap na may kaugnayan sa paksa.
d. Pamamaraan ng pagkalap ng datos.
e. Paggamit ng prosesong siyentipiko.
f. Istatistikal na pagkuha ng datos.
g. Pagbuo ng Balangkas.
h. Pagkakaroon ng organisadong sanggunian at talibaba.

I . Panuto: Ibigay ang mga hinihingi ng bawat sumusunod.

_____________1. agham na nakatuon sa pagbabago at pag-unlad ng wika, sapagkat bawat

tao o pangkat ng tao ay may sariling kultura na nagbabago sa paglipas ng panahon.

_____________2. agham na nakatuon sa pananaliksik at pag-aaral ng mga tao sa kanilang

pamamahala, pamahalaan at impluwensya nito sa kanilang pamumuhay.

_____________3. pag-aaral sa mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga labi (artifact) at mga
kaugnay na gawi ng pamumuhay ng tao.

_____________4. pag-aaral ng isip, diwa at asal.

_____________5. pag-aaral ng tao sa lipunan, pinag-aaralan dito ang pangkat ng tao sa
lipunan: ang pamilya bilang pangunahing institusyon at ang mga suliraning kinakaharap ng mga
tao.

II. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral ng Agham Panlipunan.

GAWAIN 7: Pagsulat ng sanaysay pangkritik.

Paksa: Pagdedeklara ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City noong
Hunyo 2, 2017.

____________________________________________________________________________

You might also like