Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

I. Layunin:

Pagkatapos ng 45 minutong talakayan ang mga mag aaral ay inaasahang maiisagawa


ang mga sumusunod:

A. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang


batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon.
B. Naipapakita ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at
kagustuhan.
C. Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa
mga herarkiya ng pangangailangan.

II. Nilalaman:
A. Paksa: Pangangailangan at kagustuhan.

(Pangunahing konsepto ng Ekonomiks)

B. Balangkas ng Aralin:
A. Teorya ng pangangailan ni Maslow.
B. Mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan.

C. Sanggunian:

A. pahina 37, Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul sa Mag-aaral.

D. Kagamitan:

A. Marker, Cartolina, Laptop at Tape.

III. Pamamaraan

A.Pagbati ng Guro.

B. Pagdarasal.

C. Pagtatala ng liban.

D. Pagsasa ayos ng silid-aralan

E. Balik aral:

1. Mayroon bang nakakaalala ng ating tinalakay noong nakaraang araw?”


- NASUPAKAK/KAKAPUSAN

2. Sino ang makapag tutukoy kung ano ang mga pinagkukunang yaman ng bawat bansa?”
-ito po ay ang likas na yaman, yamang tao at yamang pisikal.”
3. May makapagsasabi rin ba sa akin kung ano ang ibig sabihin ng yamang tao?”
-ang yamang tao po ang isa sa pinakamahalagang pinagkukunang yaman ng isang
bansa, sapagkat dahil sa kanilang kasanayan at talino ay nakalilikha sila ng iba-ibang
produckto at serbisyo.”

IV. Paglinang ng Aralin.

A. Pagganyak

Panuto: Isulat ang salitang gusto ko/kong/ng o kailangan ko/kong/ng.

1.__________________ pumunta sa party

2__________________ kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang aking


katawan

3__________________ magbukas ng savings account sa isang matatag na bangko para


sa aking kinabukasan.

4__________________ lumipat sa bahay na may aircon.

5__________________ uminom ng tubig pagkatapos kumain.

6__________________ mamahaling relo.

7__________________ telebisyon

8__________________ kumain ng pizza.

9__________________ maglaro ng video game.

10_________________ magsuot ng maayos na damit.

B. Pagtalakay sa Aralin

PANGANGAILANGAN- Ang bawat tao ay may mga pangangailangan at


kagustuhan. Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat mayroon ang isang tao
sapagkat kailangan niya nito sa kanyang pang araw-araw na gawain.

Halimbawa:

KAGUSTUHAN- Samantala,
hindi sapat na may damit, tirahan, at pagkain lang
ang tao. Gusto niyang mabuhay nang marangal at maayos sa lipunan kaya siya ay
naghahangad ng mas mataas sa kaniyang mga batayang pangangailangan.

Halimbawa:

Ayon kina McConnel, Brue at Barbiero (2001) sa kanilang aklat na Microeconomics”


Ang kagustuhan ng isang tao ay nagbabago at maaring madagdagan dahilan sa paglabas ng mga
bagong produkto”. Ang kagustuhan ng tao sa isang bagay ay magdudulot ng mas mataas na antas
ng kagustuhan sa paglipas ng panahon.

TEORYA NG PANGANGAILANGAN NI MASLOW

Bawat tao ay magkakaiba ang pangangailangan at


kagustuhan. Sa theory of Human Motivation ni Abraham
Harold Maslow (1908-1970), ipinanukala niya ang tearya
ng “Herarkiya ng Pngangailangan”. Ayon sa kaniya,
habang patuloy na napupunan ng tao ang kanyang
batayang pangangailangan, umuusbong ang mas mataas
na antas ng pangangailangan.

HIRARKIYA NG MGA

PANGANGAILANGAN
1. PANGANGAILANGANG PISYOLOHIKAL

-Nakapaloob dito ang pangangailangan ng


tao na kapag nagkulang ang pangangailangan sa
antas na ito ay maaaring magdulot ng sakit o
humantong sa pagkamatay.

Halimbawa: pagkain, tubig

2. PANGANGAILANGAN NG SEGURIDAD AT KALIGTASAN

-Magkaroon ng pangangailangang ito kapag natugunan na ang naunang pangangailangan.


3.PANGANGAILANG PANLIPUNAN

-Kailangan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at makisalamuha sapagkat


mayroon siyang pangangailangan na hindi niya kayang tugunan mag-isa.

4. PAGKAMIT NG RESPETO SA SARILI AT RESPETO NG IBANG TAO

- Kailangan ng tao na maramdaman ang kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon. Ang


respeto ng ibang tao na tiwala sa sarili ay nagpapataas ng kanyang dignidad bilang tao.

5. KAGANAPAN NG PAGKATAO

-Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao. Sinabi ni Maslow na ang taong
nakarating sa antas na ito ay nagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa kasagutan sa halip na
katanungan.

Mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan.


1. EDAD- Ang produkto at serbisyo na binibili at ginagamit ay nagkakaiba ayon sa edad.

Halimbawa: para sa bay-S26 Gold


…………………..Para sa matanda- Anlene Gold

2. HANAPBUHAY- Uri nito ang nagtatakda ng kanyang


pangangailangan.

Halimbawa: karpentero-makabibili ng bigas

Doktor- makakabili ng higit pa sa bigas.

3. PANLASA-Ang pagkain ng bata ay iba sa mga may edad na.

Halimbawa: ang food trip ng mga teenager ay hindi


………………………gusto ng may edad na

4. EDUKASYON- Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay


sa antas ng pinag-aralan. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay
karaniwang mas malaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at
kagustuhan.

Halimbawa: studynate, Guro, Doktor, Inhenyero at iba pa.

5. KITA-Salaping tinatanggap ng tao kapalit ng ginawang produkto at


serbisyo.
Halimbawa: kung dati kontento ka sa pagkain, damit
…………………at bahay hindi tatagal gusto mo na ng ipod.

C. Pangkatang Gawain.

Panuto: Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan gamit


ang Venn Diagram.

V. Pagtataya

Panuto: Ipagpalagay na miyembro ka nang isang pamilyang binubuo ng limang


miyembro. Nasa ibaba ang listahan ng mga dapat pagkagastusan at maari ninyong ikonsumo sa
buwang ito. Ang iyong tatay lang ang may trabaho at may kabuuang kita na PHP 10,000 sa isang
buwan. Lagyan ng tsek ang inyong dapat pagkagastusan at ekis kung hindi. Isulat ang dahilan
kung bakit ekis ang iyong sagot.

Maaring pagkagastusan Halaga

1. Kuryente. 1,000

2. Tubig. 500

3. Pagbili nang paboritong junkfood. 150

4. Video Game. 100

5. Upa sa bahay. 2,500

6. Pamamasyal at pagbisita sa mga kaibigan. 500

7. Pagkain ng Pamilya. 5,000

8. Panood ng paborito mong palabas sa sinehan. 180


9. Pamasahe at baon mo, ni tatay, kuya at ate. 2,200

10. Cable/Internet 900

Mga dahilan kung bakit (x) ang sagot.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

Pamprosesong tanong:

1. Sa iyong ginawang pagdedesisyon, magkano ang kabuuang halaga na maari mong magastos o
matipid?

2. Ano ang mga nagging batayan mo sa pagdedesisyon? Bakit?

3. Bilang mag aaral, ano ang mas bibigyan mo nang pagpapahalaga? Ang personal mo bang
kagustuhan o ang iyong panganngailangan?

VI. Takdang Aralin:

Panuto: Buklatin ang libro at pag aralan ang pahina 50 ng libro, ibigay ang kahulugan
nang alokasyon.

You might also like