Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang istorya na pinamagatang Si Nemo, ang batang papel sa papel, ay tungkol sa isang

batang papel mula sa pinunit, ginupit, at panagdikit-dikit na diyaryo na naghangad


na maging totoong bata. Hiniling niya sa malayong bituin nang mataimtim na sana ay
maging totoong bata siya. Natupad ang kaniyang hiling sa isang iglap. Napadpad siya
sa piling ng kaniyang totoong mga magulang at mga kapatid.

Ngunit, ang kaniyang buhay ng pamilyang napadparan niya ay hindi masagana at


maginhawa. Siya at ang kaniyang mga kapatid ay dapat na magtrabaho at magsikap araw
araw para sa kanilang ikabubuhay. Araw-araw na pagod ang katawan ni Nemo, at naisip
niya na sumilip sa dati niyang pinanggalingan.

Nang mapunta siya sa eskwelahan ay pinandirihan lamang siya ng mga libro, at nang
mapunta siya sa dagat upang magmuni-muni ay pinagtakpan lamang siya ng alon ng
ilong dahil sa kanyang hindi kaaya-ayang amoy.

Naglalakad-lakad muli si Nemo at nakakita siya ng iba pang mga bata na nasa kalye.
Ang mga batang ito ay nakararanas ng parehos pighati katulad niya. Kinausap niya
ang mga ito at sinabing upang makamit nila ang kanilang mga hiling ay dapat na
taimtim silang manalangin sa pinakamalayong bituin.

Pinikit ng mga bata ang kanilang mga mata at sabay-sabay na humiling na sila ay
maging maligaya. Sa isang iglap, ang lahat ng mga bata ay naging batang papel. Sila
ay naging masaya sapagkat hindi na nila kailangan pang makibaka at mamuhay sa
kalsada.

You might also like