Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

Filipino

Unang Markahan-Modyul 6:
Pagsasalaysay Muli ng Kuwentong Nabasa
o Napakinggan Gamit ang mga Larawan,
Signal Words at Pangungusap
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa dulo ng modyul na ito ay makikita mo rin ang:

Mga Sanggunian Ito ay talaan ng lahat ng mga


mapagkukunan ng
impormasyong ginamit sa
pagbuo ng modyul.

Ang mga sumusunod ay mga paalala sa paggamit ng modyul


na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lagyan ng kahit anong marka ang iba’t ibang bahagi
nito. Gumamit ng ibang papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay dito.
2. Huwag kalimutang sagutin muna ang mga tanong sa
“Subukin” bago magpatuloy sa iba pang mga gawain na
makikita sa modyul na ito.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang mga
gawain.
4. Maging matapat at may integridad sa paggawa ng mga
gawain at pagsusuri ng iyong mga sagot.
5. Tapusin ang isang gawain bago magpatuloy sa susunod
na gawain.
6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro pagkatapos
masagutan ito.
Kung ikaw ay nahihirapan o may hindi naiintindihan sa
modyul na ito, huwag mag-aatubiling magtanong sa iyong
guro o magulang upang ikaw ay matulungan. Laging isaisip
na hindi ka nag-iisa.
Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito ay iyong
maiintindihan ang mga kaalamang nakapaloob dito at
nawa’y lubos kang masiyahan sa paggawa ng mga gawain.
Kayang-kaya mo iyan!

vii
Alamin

Magandang umaga aking mag-aaral! Ako ay natutuwa sa


iyong ipinamamalas na interes sa ating leksyon.
Nagagalak akong tulungan ka upang mapalawak ang
iyong kaalaman sa pagsusunod-sunod ng mga kaganapan sa
isang kuwento. Sigurado akong matututo at masasayahan
ka sa iyong aralin. Handa ka na ba?
Ang kuwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay
maiksing salaysay na naglalaman ng mahahalagang
pangyayari.
Sa kabila ng pagiging maiksi nito, maaari nitong taglayin
ang lahat ng elemento ng kuwento. Kadalasan, ito ay
mapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan ng
panibagong karunungan sa isip ng mga bata.
Ang nabasang kuwento ay maaaring isalaysay muli sa
pamamagitan ng paggamit ng mga larawan, hudyat na salita
(signal words) at pangungusap.
Ano- ano nga ba ang mga hudyat na ito?
Ang mga hudyat na salita ay maaaring gamitin upang
matukoy ang pagkasunod- sunod ng mga pangyayari sa
kuwentong binasa o narinig.
Halimbawa ng mga hudyat na salita ay una, ikalawa,
ikatlo, kasunod, pagkatapos, sa hulihan, sa wakas o
katapusan.

Mahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Naisasalaysay muli


nang may wastong pagkakasunod- sunod ang napakinggan/
nabasang teksto gamit ang mga larawan, signal words at
pangungusap. F4PS-Ib-h-91
Layunin:
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-
aaral ay inaasahang: naisasalaysay muli nang may wastong
pagkakasunod- sunod ang napakinggan/ nabasang teksto
gamit ang mga larawan, signal words at pangungusap.

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba.
Si Ipong at Si Goya
Isinulat ni: Lesel P. Acera

Isang gabi, naglalakad si Ipong, ang butihing alitaptap,


patungo sa bahay ng kaibigan niyang si Goya, ang gorilya.
Nang dumating siya doon, tinanong siya nito, “Kaibigang
Ipong, bakit lagi kang may dala- dalang ilaw?” “Dahil
natatakot ako sa mga lamok,” sagot nito kay gorilya.
“Ah, duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya.
“Hindi ako duwag!” ang galit na sagot ng alitaptap.
“Kung hindi ka duwag, bakit lagi kang may dala-dalang
ilaw?” ang pang-aasar ni Goya.
“Nagdadala ako ng ilaw para madali kong makikita ang
mga lamok na papalapit sa akin. At nang sa gayun ay
maipagtanggol ko ang aking sarili”, ang tugon ni Ipong.
Tumawa nang malakas si Goya at agad niyang
ipinamalita sa lahat ng kapitbahay ang tungkol kay
alitaptap. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.
Nabalitaan ito ng alitaptap at siya ay nagalit nang husto.
Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay ni Goya ngunit
nadatnan niya itong tulog- na tulog at humihilik pa. Kaya
ang ginawa niya ay itinapat nito ang kanyang ilaw sa mukha
ni Goya hanggang sa ito ay magising.
“Hoy, Goya, bakit ipinamamalita mong duwag ako?
Upang mapatunayan ko sa’yong mali ka, hinahamon kita sa
isang labanan. Magkita tayo sa plasa bukas sa ikaanim ng
hapon.”
“Mayroon ka bang mga kasama?” Pupungas-pungas na
tanong ng gorilya.
“Wala! Pupunta akong mag-isa.”ang sigaw ni Ipong.
Lihim na napangiti si Goya sa tinuran ng kausap at
sinabing, “Magsama ka ng mga kakampi mo dahil
magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas malalaki pa sa
akin.”
“Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-
isa! Paalam!” ang sagot ni Ipong sabay lipad papalayo.
Pagkaalis ng alitaptap, tinipon ng gorilya ang kanyang
mga kasamahan at sinabi nito ang nakatakdang pagtutuos.

2
Inutusan niya ang bawat isa na kumuha ng pamalo na may
habang apat na dangkal at pumunta sa plasa nang ikaanim
ng hapon. Ikinabigla ito ng kanyang mga kasamahan, ngunit
nasanay na silang sundin ang kanilang pinuno kaya
ipinangako nilang pupunta sila sa itinakdang oras at lugar.
Dumating ang araw ng pagtutuos. Bago pa man ang
itinakdang oras ay inip na inip na si Ipong sa paghihintay
kay Goya hanggang sa ito ay dumating na may maraming
kasama. Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan
bilang hudyat ng oras ng orasyon o pagdarasal. Iminungkahi
ng
alitaptap sa mga gorilya na magdasal muna sila. Pagkatapos
magdasal, agad sinabi ni Ipong na siya ay handa na.
Inutusan ni Goya ang mga kasama na humanay at
pumuwesto siya sa unahan bilang pinuno ng mga ito.
Dagling lumipad si Ipong sa ilong ng gorilya at inilawan
niya ito. Hinampas ng kasunod na gorilya si Ipong ngunit
kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ay ang
ilong ni Goya na halos ikamatay nito.
Dumapo si Ipong sa ilong ng pangalawang gorilya.
Hinampas ng pangatlong gorilya si Ipong ngunit kaagad
itong nakalipad, kaya ang nahampas niya ay ang ilong ng
pangalawa na ikinamatay nito. Nagpatuloy ang ganitong
pangyayari sa pangatlo at pang-apat na gorilya hanggang si
Goya na lamang ang natirang buhay na halos mamatay sa
tinamong sakit. Nagmakaawa ito kay Ipong na patawarin
na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya ni Ipong.
ngunit simula ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking
takot ang mga gorilya sa mga alitaptap.

A. Panuto: Isalaysay muli ang kwento sa pamamagitan ng


pag-aayos ng mga larawan ayon sa wastong

3
pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari.
Lagyan ng bilang 1-5 sa loob ng bilog.Sagutin ang
nasa worksheet na ibinigay sa iyo.

B. Panuto: Isalaysay muli ang kuwento ayon sa wastong


pagkakasunod- sunod ng mga pangyayayri gamit
ang signal words na una, pangalawa, pangatlo,
pagkatapos at panghuli. Isulat sa patlang ang sagot.
Sagutan ang nasa iyong worksheet.
________ Agad na kumalat sa buong bayan ang balitang
duwag si Ipong dahil palagi siyang may dala-
dalang ilaw.
________ Dali- daling lumipad patungo sa bahay ni Goya si
Ipong at itinapat niya ang kaniyang ilaw sa mukha
nito hanggang sa ito ay magising bilang tanda ng
kaniyang pagkayamot at galit sa kaniyang
kaibigan.
________ Naglalakad si Ipong (ang alitaptap) patungo sa
bahay ng kaniyang kaibigang si Goya(ang gorilya)
at tinukso ng gorilya ang kawawang alitaptap.
________ Nagpatuloy ang paglalaban hanggang si Goya na
lamang ang natirang buhay na gorilya at halos
hindi makagulapay dahil sa tinamong sakit ngunit
kalaunan ay pinatawad naman siya ni Ipong.
________ Itinakda ang pagtutuos ng dalawang grupo.
Nagtipon- tipon ang mga dambuhalang gorilya sa
plasa habang naghihintay ang mga alitaptap.

Balikan

4
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Pagsunud- sunurin ang mga gawaing ginagawa mo
bago pumasok sa paaralan. Lagyan ng panandang
salita na una, pangalawa, pangatlo, pang- apat,
panlima at panghuli sa loob ng kahon. Ang unang
bilang ay ginawa para sa iyo. Sagutin ito sa iyong
worksheet.

B. Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga gabay


na larawan ng tamang paghuhugas ng kamay.
Isulat ang sagot sa iyong worksheet.

Una, _______________________________________________

Pangalawa, _________________________________________

Pangatlo, ___________________________________________

Panghuli, __________________________________________

C. Panuto: Pagsunod- sunurin ang mga antas ng


pagbabago sa buhay ng isang paru- paro.
Lagyan ng bilang 1- 4 ang bilog na nasa ibaba.
Isulat ang sagot sa iyong worksheet.

Tuklasin

5
A. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang kuwento.

Ang Magkaibigang Bao at Moymoy


Isinulat ni: Ana Marie H. Garcia

Sina Bao at Moymoy ay matalik na magkaibigan. Mabait


at matulungin si Bao. Tuso at palabiro naman si Moymoy.
Isang araw, binigyan sila ni Aling Muning ng isang supot ng
pansit. Nagyaya si Bao na kakainin na nila ang pansit ngunit
sinabi ni Moymoy na nangangamoy panis na ito. Ilang
sandali pa, naubos na ni Moymoy ang pansit at walang
natira para kay Bao. Humingi ng tawad si Moymoy dahil
naubos niya ang pagkain. Dahil sa likas na mabait at
pasensyoso si Bao, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.
Pagkalipas ng ilang sandali, naisipang maglibot- libot ng
magkaibigan sa kagubatan. Nakakita si Bao ng isang puno
ng saging. Napagpasyahan nilang hatiin ito sa dalawang
bahagi. Kinuha ni Moymoy ang parteng itaas dahil ayaw na
niyang magpatubo ng mga dahon kaya’t ang bandang ibaba
ang napunta kay Bao. Umuwing malungkot si Bao dala
ang kalahating bahagi na may ugat. Samantalang si Moymoy
ay masayang umuwi dala ang madahong bahagi ng puno.
Inalagaan ni Bao ang kanyang halaman araw- araw.
Ganoon din ang ginawa ni Moymoy. Subalit makalipas ang
isang linggo, nalanta ang tanim ni Moymoy. Si Bao naman
ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa
kaniyang halaman. Lalo nitong inalagaan ang tanim
hanggang sa mamunga ito.

Nainggit si Moymoy nang makita ang


bunga ng saging sa halaman ni Bao. Di
naglaon nagyaya na si Moymoy na kainin
na ang bunga ng saging at pumayag
naman si Bao. Ngunit hindi makakaakyat
si Bao kung kaya nangako si Moymoy na
siya na lamang ang aakyat sa puno at
lalaglagan na lamang niya ng saging si
Bao. Pumayag si Bao sa alok ni Moymoy.
Subalit nang makarating na si
Moymoy sa itaas ng puno, kinain niya
ang lahat ng bunga nito. Wala itong itinira para kay Bao.

6
Nanatili sa itaas ng puno si Moymoy at nakatulog ito sa
sobrang kabusugan. Galit na galit si Bao kay Moymoy sa
ginawa nito sa kanya. Kaya habang natutulog ito, naglagay
ng mga tinik sa bandang ilalim ng puno si Bao. Nang
magising si Moymoy ay nakita niya ang mga tinik. Hindi siya
makababa sa puno. Humingi siya ng tulong kay Bao. Ngunit
tumangging tumulong si Bao at iniwan na lamang doon si
Moymoy. Makalipas ang ilang sandali nagsimulang
bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Moymoy
kundi bumaba sa puno ng saging. Nasaktan ito sa mga tinik
na nakatusok sa puno ng saging sa kanyang pagbaba. Kaya
nangako siya sa sarili na gaganti siya kay Bao.
Kinabukasan, hinanap ni Moymoy si Bao. Nakita niya
itong naglalakad sa may kakahuyan. Dinampot ni Moymoy
si Bao na takot na takot. “Ano ang gagawin mo sa akin?” ang
tanong ni Bao. “ Tatadtarin kita ng pinung- pino”,sagot ni
Moymoy. “ Kung ganoon, dadami ako at susugurin ka
namin”, ang pagbabanta ni Bao. Nag-isip nang malalim si
Moymoy at naisip nito na sunugin na lamang si Bao, ngunit
nangatwiran na naman si Bao na hindi naman tinatablan ng
apoy ang kanyang makapal at matibay na bahay. Kaya
muling nag-isip si Moymoy hanggang sa naisipan niyang
pumunta sa dalampasigan at doon na lamang itapon si Bao.
Lihim na natuwa si Bao. Nagpanggap itong takot sa
dalampasigan.

Tuwang-tuwa si Moymoy sa pag-aakalang magagantihan


na niya si Bao. Todo lakas niya itong itinapon sa
dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong
lumangoy si Bao. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Bao sa tubig.
Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng
katawan nito sa tubig. “Naisahan din kita Moymoy dahil
gustung-gusto ko na lumangoy sa dalampasigan”,
pahalakhak na sabi ni Bao kay Moymoy. Malungkot na
umuwi si Moymoy. Naisip niya na napakasakit pala na
maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano
masaktan kapag naloloko. Mula noon nagbago na si
Moymoy. Hindi na sila muling nagkita ni Bao.

Suriin

7
A. Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa kuwentong
binasa sa Tuklasin. Sagutin ang nasa iyong
worksheet.
1. Ano ang pamagat ng kuwento? Lagyan ng Tsek (/) ang
kahon ng iyong magiging sagot.
Ang Magkaibigang Bao at Moymoy
Si Pagong at Aling Muning
2. Sinu- sino ang mga tauhan sa kuwento? Lagyan ng tsek
(/) ang kahon ng iyong napiling sagot.
Bao at Moymoy Pagong at Saging
3. Saan ang tagpuan ng kuwento? Bilugan ang larawan ng
iyong sagot.

4. Kung ikukuwento mong muli ang iyong binasang kuwento


gamit ang mga larawan, paano mo ito gagawin? Lagyan
ng bilang 1-5 ang bilog. Sagutin ang nasa iyong
worksheet.

5. Kung ikukuwento mong muli ang iyong binasang kuwento


gamit ang mga signal words, alin dito ang tama?

8
Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng iyong napiling sagot.
Sagutin ito sa iyong worksheet.

Una, naglibot sa kagubatan ang magkaibigang


Moymoy at Bao.
Pangalawa, nakakita sila ng puno ng saging at hinati
nila ito sa dalawa.
Pangatlo, itinanim ni Bao ang parteng ibaba na may
ugat at itinanim naman ni Moymoy ang parteng may
dahon.
Pagkatapos, inalagaan nila at namunga ang tanim ni
Bao samantalang nalanta naman ang kay Moymoy.
Panghuli, inakyat ni Moymoy ang saging ni Bao at
hindi niya ito binigyan kaya nagalit si Bao. Sa kanilang
pag-aaway hinagis ni Moymoy si Bao sa ilog at siya’y
tuwang - tuwa

Una, itinanim ni Bao ang parteng ibaba na may apat at


itinanim naman ni Moymoy ang parteng may dahon.
Pangalawa, naglibot sa kagubatan ang magkaibigang
Moymoy at Bao.
Pangatlo, inalagaan nila at namunga ang tanim ni Bao
samantalang nalanta naman ang kay Moymoy.
Pagkatapos, nakakita sila ng puno ng saging at hinati nila
ito sa dalawa.
Panghuli, inakyat ni Moymoy ang saging ni Bao at hindi
niya ito binigyan kaya nagalit si Bao. Sa kanilang pag-
aaway hinagis ni Moymoy si Bao sa ilog at siya’y tuwang
- tuwa

6. Bakit madali mong naisalaysay ang kuwento? Piliin ang


titik ng iyong sagot. Isulat ang sagot sa iyong worksheet.
A. dahil sa signal words B. dahil sa tauhan

Tandaan:
Ang nabasang kuwento ay maaaring isalaysay muli sa
pamamagitan ng paggamit ng mga larawan, hudyat na
salita (signal words) at pangungusap.

Pagyamanin

9
“Si Pepe at Ang Bato ni Lola Pacing”
Nasa ikaapat na baitang si Pepe noong lumipat sila ng lola
niya sa probinsya ng Cotabato. Ito’y pagkatapos kinuha na
ng may-ari ang lupain kung saan dati silang nakatira ng
kanyang Lola Pacing.
Ulila na sa ama at ina si Pepe. Bata pa lamang siya noong
namatay ang kanyang ina. Sinundan naman ito ng
pagkamatay ng kanyang ama pagkalipas ng isang taon kung
kaya’t laking lola talaga ang batang ito. Subalit, hindi
maikakaila na sabik sa pagmamahal ng ibang tao si Pepe.
Tanging si Lola Pacing lang kasi ang nagpakita ng
pagmamahal sa kaniya. Yung iba, kinukutya pa yung itsura
niya at ang malaking nunal sa kanyang ilong. “Pepe pangit,
labas ka diyan laro kayo ng mga kalabaw sa sapa,” sigaw ni
Fredo, isa sa mga pangunahing nangungutya sa apo ni Lola
Pacing.
Halatang nagagalit na si Pepe minsan. Parang akmang
iiyak siya o lalabas at papatikimin si Fredo sa mukha.
“Huwag kang lumabas, batuhin mo siya mula rito sa
loob,” payo ni Lola Pacing kay Pepe. Nagulat si Pepe sa sinabi
ng lola niya. Tinanong niya ulit ito kung pwede lang ba na
batuhin si Fredo at ang mga kaibigan nito. “Pwede mo silang
batuhin basta pandesal lang iyong ibato mo,” pagdudugtong
ng kanyang lola sabay ngiti.
Sinunod ni Pepe ang payo ng
lola niya. Kinuha niya ang tatlong
pandesal sa mesa nila at ibinato
kina Fredo at mga kaibigan niya.
“Aray! Ba’t mo kami binat…
Pandesal pala ‘kala ko bato. Sabi
ko na nga ba hindi ka lang pangit,
duwag ka pa,” sigaw ni Fredo
habang nginunguya ang
pandesal.
Araw-araw bumabalik sina
Fredo at mga kaibigan niya sa

10
bahay nina Pepe at Lola Pacing. Araw-araw din silang
binabato ng pandesal na siyang nagiging agahan nila. “Lola
mukha naman pong ayaw talaga nina Fredo at ng mga
kaibigan niya na tumigil sa pangungutya sa akin,” sabi ni
Pepe sa lola niya isang gabi. “Huwag kang mag-alala apo,
matatauhan rin ang mga iyan at titigil rin o kakaibiganin ka.
Basta pangako mo sa akin, kahit anong mangyari, hindi ka
mananakit ng kapwa,” paalala ni Lola Pacing sa apo niya.
Isang araw, habang sumisigaw ang grupo nina Fredo sa
labas ng bahay nina Pepe, nakita ng isang grupo rin ng
kabataan na binato sila ng pandesal. Ang grupo na iyon ay
siya ring kinakatakutan ng grupo nina Fredo. “Hoy Fredo,
ang sama niyo talaga. Kayo na nga ‘tong binibigyan ng
pagkain, inaaway niyo pa siya. Kung ganyan rin lang ang
gagawin sa taong walang kasalanan sa inyo, huwag na
kayong pumunta rito,” pagalit na sabi ni Kulas kay Fredo.
Nakaramdan ng takot at hiya si Fredo at ang mga
kaibigan niya. Naalala nila ang mga panahong ipinagtanggol
rin sila ng grupo ni Kulas mula sa ibang mga tao. “Patawad
Kulas, simula ngayon, hindi na namin aawayin si
Pepe,” sambit ni Fredo.
Isang araw, nagulat na lang si Pepe na lumipas ang
umaga ng walang sumisigaw at nangungutya sa kanya sa
labas ng bahay nila. Sa ‘di inaasahan, may kumatok sa
pintuan nila. Nang buksan ito, si Fredo pala at mga kaibigan
niya. “Patawad Pepe sa mga kasalanan namin sa ‘yo. Ngayon
kami naman ang bumili ng pandesal para sa inyo ng lola mo.
Tanggapin mo sana ito,” sabi ni Fredo.
Nagulat si Pepe sa ginawa ni Fredo at ng mga kaibigan
niya ngunit masayang-masaya siya. Tinanggap niya ito at
niyaya silang sumabay sa kanila sa pagkain. “Iba talaga ang
bato ni Lola,” napa-isip ang batang walang mapagsidlan ng
tuwa niya sa pagkakaroon ng mga kaibigan.

11
Gawain 1: Panuto: Ikuwentong muli ang kuwentong iyong
binasa ayon sa wastong pagkakasunod- sunod
ng mga pangyayari gamit ang mga larawan sa
ibaba. Lagyan ng bilang 1-5 sa loob ng bilog ang
nasa iyong worksheet.

Gawain 2: Panuto: Bilugan ang mga hudyat na salita sa


palaisipang nasa ibaba. Gawin ito sa iyong worksheet.
I B N U N A M C V P
K Q W E R T Y U I A
A A S D F G H J K G
L K A S U N O D F K
A F G H J K L L A A
W Z X C B N M Y E T
A Q W E R H J K D A
L K J F S S C E W P
P A G K A R F J D O
P A N G H U L I S S
Gawain 3: Panuto: Punan ang patlang ng mga hudyat na
salita mula sa palaisipan upang mabuo ang kuwento.
Sagutin ito sa iyong worksheet.
____________, Ulila na sa ama at ina si Pepe kung kaya’t
laking lola talaga ang batang ito.
____________, Si Pepe ay laging kinukutya nina Fredo at ng
mga kaibigan nito dahil sa malaking nunal sa
ilong niya.
____________, Araw- araw bumabalik sina Fredo at mga
kaibigan niya sa bahay nina Pepe at Lola Pacing
at araw- araw din silang binabato ni Pepe ng
pandesal.
____________, Isang araw, nagulat na lamang si Pepe dahil
lumipas ang umaga na walang sumisigaw at
nangungutya sa kaniya sa labas ng bahay nila.

12
Isaisip

Panuto: Sagutin ang tanong nang pasalita, pagkatapos


punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo
ang pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Isulat ang sagot sa iyong worksheet.

Paano mo maisasalaysay muli nang may wastong


pagkakasunod- sunod ang mga pangyayari sa kuwento o
tekstong nabasa/ napakinggan?

larawan una pangatlo panghuli


salita pangungusap dahil

Naisasalaysay muli nang may wastong pagkakasunud-


sunod ang mga pangyayari sa kuwento o tekstong nabasa/
napakinggan gamit ang mga (1) ________________,signal
words tulad ng (2) ______________________, pangalawa,
(3)______________,kasunod, panglima at
(4)___________________. Naisasalaysay ding muli ang kuwento
nang may wastong pagkakasunod- sunod gamit ang (5)
_______________________.

13
Isagawa

Panuto: Basahin ang maikling kuwento. Pagkatapos,


isagawa ang mga gawain.

“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase”


Si Juan Franciso ay anak
ng mayamang mag-asawa.
Pagmamay-ari ng ama niya
ang pinakamalaking hacienda
sa baryo nila. Isa namang
simpleng maybahay ang ina
niya, hindi na nito kailangang
magtrabaho sa dami ng pera
nila.
Dahil nag-iisa siyang anak ng mayamang mag-asawa,
kampante si Juan na hinding-hindi na siya mamumulubi
hanggang sa pagtanda niya. Ito ang dahilan kung bakit
tamad siyang mag-aral.
“Hindi ko naman kailangang gumradweyt, e, hindi ko na
nga kailangan mag-aral sa dami ng pera ninyo ni
daddy,” palaging katwiran ni Juan tuwing pinapagalitan ng
ina dahil sa hindi pagpasok sa klase niya.
Nagpatuloy ang hindi kaaya-ayang gawain ni Juan. Kahit
guro niya ay pinupuntahan na siya sa bahay nila upang
kamustahin kung bakit wala siya sa klase.
“Anak, kailangan mong mag-aral. Ang pinag-aralan ang
tanging bagay na hinding-hindi makukuha sa iyo
ninuman,” sabi ng ina ni Juan pagkaalis ng guro niya.
Hindi na mabilang-bilang ang mga pagkakataong
pinuntahan siya ng guro niya sa bahay nila. Ngunit, talagang
tamad si Juan. Mas gugustuhin pa niyang lumiban sa klase
at maglaro sa kompyuter, mamasyal kasama ang barkada.

14
Isang araw, habang naglalaro ng kompyuter si Juan at
kaibigan niyang si Pedro sa kwarto niya, may narinig siyang
isang malakas na sigaw ng ina niya.
“Juan! Juan! Ang daddy mo,” sabi ng ina ng batang tamad
mag-aral.
Inatake sa puso ang ama ni Juan. Sinundan ito ng iba’t
ibang komplikasyon. Halos dalawang buwang nakaratay ang
daddy niya sa ospital bago ito pumanaw. Pati ang hacienda
na pagmamay-ari nila ay naibenta upang may pambayad sa
gastusin sa ospital.
“Anak, sa darating na pasukan, kailangan mong lumipat
ng eskwelahan. Hindi na natin kakayanin ang bayarin sa
pribadong paaralan diyan sa baryo,” malungkot na sabi ng
ina ni Juan sa kanya.
Naghirap silang mag-ina. Maraming pagkakataon na
kinailangan ni Juan na pumunta sa paaralan na walang
laman ang tiyan o ang bulsa niya. Doon niya napagtanto na
kung sana ay nag-aral siya nang mabuti, gradweyt na siya
sa kolehiyo at makakatulong na sa ina niya.
Mas bata sa kanya ang mga kaklase niya at ang mga
kasing-edad niya naman ay nagtatrabaho na. Labis ang
panghihinayang ni Juan sa mga nasayang na panahon
ngunit wala na siyang magagawa.
“Kung sana pinahalagahan ko na noon pa ang pag-aaral
ko, ‘di sana ay hindi na nahihirapan si Mama
maglabada,” ang pagsisisi na laging bumubungad sa kanya
sa tuwing makikita ang ina na hirap na hirap makakain lang
sila.

15
A. Panuto: Ikuwentong muli ang iyong binasa sa
pamamagitan ng pagguhit ng mga nawawalang
pangyayari sa kuwento. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

A B C

D E

B. Panuto: Pagkatapos mong maisagawa ang Gawain A,


isalaysay mo itong muli gamit ang mga hudyat
na salita. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
____________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
___________________________________.

16
Tayahin
Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba. Pagkatapos isagawa
ang susunod na gawain.

Si Abay at Si Apan
Isinalin ni: Ana Marie H. Garcia

Maganda ang panahon, maaliwalas ang sikat ng araw.


Maaga pa lamang ay pagod na pagod na si Abay sa
paghahanap ng pagkain. Pabalik- balik siya sa paglalakad at
paghahakot ng mga butil.
Sa kabilang banda, masayang-
masaya sa pagtutugtog ang kaniyang
kaibigang si Apan. Sumasayaw pa ito
at palukso- lukso habang
kumakanta.
"Magandang umaga kaibigang
Abay," bati ni Apan. "Kay bigat ng
iyong dala. Bakit ba wala kanang
ginawa kundi maghanap at mag-ipon
ng pagkain?"
"Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain
habang maganda ang panahon,"
sagot ni Abay.
"Tumulad ka sa akin, kaibigang Abay," wika ni Apan.
"Habang maganda ang panahon, tayo ay magsaya. Halika,
tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta."
"Ikaw na lang kaibigang Apan. Gaya ng sinabi ko sa iyo,
habang maganda ang panahon ako ay naghahanap ng
pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pag
sumama ang panahon." malumanay na sagot ni Abay.
Lumipas pa ang maraming mga araw. Dumating na ang
tag-ulan. Kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin.
Bumuhos ang malakas na ulan. Tahimik at payapa si Abay
habang kumakain sa loob ng kaniyang bahay. Ligtas at
panatag ang kaniyang kalooban. Samantala, ginaw na ginaw
at gutom na gutom si Apan. Nanghihina na siya sa
paglalakad ngunit sinikap niyang makarating sa bahay ni
Abay. Kumatok siya. Binuksan ni Abay ang pinto at nagulat
siya sa kaniyang nakita. Bumulagta, sa kaniyang harapan
ang kawawang kaibigan. Basang basa at ginaw na ginaw si

17
Apan. Buong lakas na hinila ni Abay papasok ng bahay ang
kaniyang kaibigan. Binigyan niya ito ng tuyong damit at
mabilis na naghanda ng pagkain. Ilang sandali pa, naging
mabuti na ang pakiramdam ng kawawang kaibigan.
"Salamat, kaibigang Abay," wika ni Apan. "Ngayon ako
naniniwala sa iyo. Kailangan nga palang mag-ipon habang
maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng
tag-gutom."
Mula noon, nagbago si Apan. Pagdating ng tag-init,
magkasama na sila ni Abay sa paghahanap ng kanilang
pagkain. Sabay silang nag-iimpok habang maganda ang
panahon. Lumipas ang mga araw, lalo pang yumabong ang
kanilang pagiging magkaibigan.

A. Panuto: Isalaysay muli ang kuwento sa pamamagitan ng


pag-aayos ng mga larawan ayon sa wastong
pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari.
Lagyan ng bilang 1-5 sa loob ng bilog sa iyong
worksheet.

18
B. Isalaysay muli ang kuwento ayon sa wastong
pagkakasunod- sunod ng mga pangyayayri gamit
ang signal words na una, pangalawa, pangatlo,
pagkatapos at panghuli. Isulat sa patlang na nasa
iyong worksheet ang iyong sagot.

_______ Lumipas ang maraming araw, umulan nang malakas


sa buong maghapon hanggang sa ginaw na ginaw at
gutom na gutom na ang kawawang si Apan.
_______ Mula noon, nagbago si Apan. Natuto siyang gumawa
at higit sa lahat, natuto siyang mag- impok.
_______ Paglipas ng bagyo, pinilit ni Apan na marating ang
bahay ni Abay. Kumatok siya sa pinto.
_______ Maaga pa lamang ay gising na gising na si Abay
upang maghanap ng pagkain habang si Apan ay
nagsasaya at lumulukso-lukso pa.
_______ Binigyan ni Abay ng tuyong damit si Apan at agad na
naghanda ng pagkain.

19
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin nang mabuti ang kuwento. Pagkatapos,
gawin ang kasunod na gawain.

Ang Alimango ni Juan

Isang araw si Juan ay inutusan ng


kanyang inang si Aling Maria. “Juan,
pumunta ka sa palengke at bumili ng
mga alimangong maiuulam natin sa
pananghalian.”
Binigyan ng ina si Juan ng pera at
pinagsabihang lumakad na nang hindi
tanghaliin.
Nang makarating si Juan sa palengke
ay lumapit siya sa isang tinderang may
tindang mga alimango at nakiusap na
ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan
ang tindera ng alimango at nagpasalamat siya.
Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw
at may kalayuan din ang bahay nila sa palengke ay naisipan
ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na
may malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa
kanya ang ina kaya’t naipasya niyang paunahin nang
pauwiin ang mga alimango.
“Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako.
Ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at
pagdating sa ikapitong kanto
ay lumiko kayo sa kanan.
Ang unang bahay sa gawing
kaliwa ang bahay namin.
Sige, lakad na kayo,” lakas
loob na sinabi ni Juan.
Kinalagan ni Juan ang
mga tali ng mga alimango at
pinabayaan nang magsilakad
ang mga iyon. Pagkatapos ay
humilig siya sa puno. Dahil sa
malakas ang hangin ay
nakatulog si Juan. Bandang

20
hapon na nang magising siya. Naramdaman niyang
kumakalam ang kanyang sikmura kaya’t dali-dali siyang
umuwi sa kanila.
Malayu-layo pa si Juan ay natanaw na niya ang kanyang
ina na kanina pa naghihintay sa kaniya. Agad na sinalubong
ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan.
“Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga
alimango?”
“Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?” Nagulat ang ina sa sagot
ni Juan. “Juan, ano ang ibig mong sabihin?” nagtatakang
tanong ng kaniyang ina. “Nanay, kaninang umaga ko pa po
pinauwi ang mga alimango. Akala
ko po ay narito na.” paliwanag ni
Juan.
“Juan, paanong makauuwi rito
ang mga alimango? Walang isip
ang mga iyon.” sabi ng kaniyang
ina.
Hindi naunawaan agad ni
Juan ang paliwanag ng ina.
Takang-taka siya kung bakit hindi
nakauwi ang mga alimango. Sa
patuloy na pagpapaliwanag ng
kaniyang ina, naliwanagan din si
Juan. Napagtanto niyang mali
nga ang kaniyang ginawa.

21
A. Panuto: Pagtapat- tapatin ang mga hudyat na salita sa
hanay A sa mga pangyayari sa kuwento sa hanay B sa
pamamagitan ng linya. Pagkatapos, ikuwentong muli sa
pamamagitan ng pagsulat nito sa anyong patalata.
Isulat ang iyong sagot sa linyang nakalaan sa ibaba.
Isulat ang sagot sa iyong worksheet.

A. B.
1. Una  Umuwi na siya ngunit dahil sa pagod
nagpasya siyang magpahinga sa
ilalim ng punong kahoy at nakatulog.
2. Ikalawa  Nagising siya bandang hapon at dali-
daling umuwi.
 Kinalagan ni Juan ang alimango at
3. Ikatlo pinaunang umuwi sa kanila sa pag-
aakalang makakarating ang mga ito
sa naghihintay niyang ina.
4. Pagkatapos  Pagdating sa bahay ay hinanap ng
kaniyang ina ang alimango at doon ni
Juan ipinaliwanag ang kaniyang
5. Sa hulihan ginawa. At siya ay naliwanagan sa
kaniyang pagkakamali.
 Inutusan ng ina si Juan isang araw
upang bumili ng alimango sa
palengke.
 Masayang nakipaglaro si Juan sa
kaniyang mga matatalik na kaibigan.

_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

22
Susi sa Pagwawasto

23

You might also like