Professional Documents
Culture Documents
Module
Module
Subukin!
Sa iyong pag-aaral sa K to 12, paano mo napag-iiba ang mga Gawain sa bahay, eskwelahan, at komunidad?
Maglista ng mga ginagawa mo sa bawat isa sa loob ng talahanayan.
Pagpapatibay!
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
1
Bb. ROSE ANN S. RODRIGUEZ
Guro sa Pananaliksik 11
PRMICI Senior High School -
Unawain mo!
Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang
mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang
impormasyon sa halip na manlibang lamang.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigit
na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na
inihanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at
paliwanag ang mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang kademikong sulatin ay may simula na karaniwang
nilalaman ng introduksyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag at wakas na nilalaman ng resolusyon, konklusyon,
at rekomendasyon. Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang
proyekto, replekktibong sanysay, sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis at iba pa.
Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal (Arrogante
et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap
ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga
sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-
akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa
paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.
1. Pormal- Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na
pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.
2. Obhetibo- Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin ditto ang impormasyong gusting
ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et al. 2005).
3. May Paninindigan- Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman
nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinedepensahan, ipinaliliwanag at
binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin
ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende
sa isinasaad ng paninindigan ng manunulat.
4. May Pananagutan- Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghahanguan ng mga
impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang
kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
5. May Kalinawan- Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya
dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay
direktibo at sistematiko.
2
Bb. ROSE ANN S. RODRIGUEZ
Guro sa Pananaliksik 11
PRMICI Senior High School -
Akademiko vs. Di-Akademiko
Pagpapalalim!
3
Bb. ROSE ANN S. RODRIGUEZ
Guro sa Pananaliksik 11
PRMICI Senior High School -
Ano ang pinagkaiba ng akademikong sulatin sa iba pang uri ng sulatin? Ipaliwanag.
Rubrik
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Nilalaman Makatotohanan ang nilalaman 5
4
Bb. ROSE ANN S. RODRIGUEZ
Guro sa Pananaliksik 11