Professional Documents
Culture Documents
2nd Grading Arpa 7 2016
2nd Grading Arpa 7 2016
2nd Grading Arpa 7 2016
IKALAWANG MARKAHAN
ARALING PANLIPUNAN 7
PANGALAN:_________________________________TAON/SEKSYON:_____________________PETSA_____________
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
a. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao.
b. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain.
c. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
d. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan sa ng mamamayan.
2. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?
a. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura, at pagsusulat
b. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at pagsusulat.
c. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat.
d. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon, at estado.
3. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuturing pinakamatada at
pinaka-unang kabihasnan sa buong daigdig.
a. Matatagpuan ito sa Mesopotamia sa lambak Tigris at Euphrates noong 3500-300 BC na siyang unang
nahubog na pamayanan.
b. Sa Mesopotamia natatagpuan ang pinaka unang kabihasnan sa daigdig.
c. Dahil dito unang naitatag ang mga pamayanan at imperyo.
d. Ito ang naging tagpuan ng iba’t ibang pangkat ng tao.
4. Pagsunod-sunurin ang mga kaganapan ng sinaunang kabihasnanng Asyano.
1. Nalikha ng mga Sumerian ang cuneiform writing
2. Lumitaw ang Neolitikong pamayanan sa Ilog Indus
3. Ang pamayanang Yangshao at Lungshan sa China ay namayagpag
4. Ang kabihasnanng Indo-Aryan ay nabuo noong 1500 BCE.
a. 1234 b. 1243 c.1423 d. 4123
5. Paano naiiba ang sistemang panrelihiyon ng kabihisnang Shang sa Kabihasnang Indus at Sumer?
a. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon.
b. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa itinatadhana ng simbahan.
c. Naniniwala ang Shang sa pag-oorakulo o paghuhula.
d. Bata yang pananampalataya ng Shang sa maraming diyos.
6. Sa China ang footbinding ang ginagawa sa mga batang babae na kung saan ay tinatanggal ang mga kuko,
binabalian ng buto ang mga daliri, at binabalutan ng bondage at metal ang mga paa. Ano ang implikasyon
nito sa kanilang kultura?
a. Naging pamantayan na ang kagandahan sa lipunan ang ganitong kultura.
b. Naging batas nan g lipunan ang ganitong Gawain.
c. Nakakabuti sa tingin ng kalalakihan ang ganitong tradisyon.
d. Tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito.
7. Bakit naging mahalaga ang calligraphy o Sistema ng pagsulat sa mga Tsino?
a. Dahil ito ang mahalagang ambag ng kabihasnang Shang
b. Dahil ito ang pinagbatayan ng kanilang pamumuhay
c. Dahil ito ang nagsilbing tagapag-isa sa mga Tsino sa kabila ng iba-iba nilang wika
d. Dahil ito ang nagsilbing simbulo ng karakter ng mga Tsino.
8. Sa Origin of the species ni Darwin, ipinaliwanag niya ang teorya ng
a. Ebolusyon b. rebolusyon c. yugto ng buhay d. yugto ng panahon
9. Alin sa mga sumusunod ang di katangian ikinaiba ng tao sa hayop?
a. Bilis ng pagtakbo b. pag-iisip c. pagsasalita d. paggawa ng kasangkapan
10. Siya ang haring lumikha sa tinatawag na HANGING GARDEN para sa kanyang asawa.
a. Hammurabi b. Enlil c. Sargon d. Nebuchadnezzar
11. Ang specie na pinakamalapit sa tao ay ang
a. Austrolopithecus b. Pongid c. Ramapithecus d. Dryopethecans
12. Ang unang yugto ng pang ekonomiya ay ang
a. Pangangaso at pangingisda c. pagtatanim
b. Pagmimina d. pangangahoy
13. Sinasalamin sa Batas Hammurabi ang ________pagturing sa mga babae.
a. Kahabag-habag b. mababa c. mataas d. kahanga-hanga
14. Si Amaterasu ay ang diyos ng araw ng mga
a. Tsino b. Koreano c. Muslim d. Hapones
15. Tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian.
a. Great Wall of China c. Taj Mahal
b. Hanging Garden d. Ziggurat
16. Pamumuno ng isang angkan sa isang imperyo o kaharian sa loob ng mahabang panahon.
a. Hari b. divine origin c. dinastiya d. Son of Heaven
17. Pamumuhay na kinagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao
a. Sibilisasyon b. Dinastiya c. Kabihasnan d. Imperyo
37. Si Trisha ay napili ng dibisyon para sa kumatawan sa gagawing Youth Meeting sa Singapore na dadaluhan ng
piling mag-aaral ng iba’t-ibang bansa sa Asya. Maglalahad siya ng mga kalutasan sa problemang kinakaharap
ng mga kabataan sa Pilipinas. Alin sa sumusunod ang dapat niyang ihanda at isaalang alang?
a. Datos na naglalaman ng mga suliranin ng kabataang Pilipino.
b. Mga sanaysay na naglalaman ng maraming kalutasan sa problema ng kabataang Pilipino.
c. Progress Report Chart ng bansa.
d. Datos na naglalaman ng suliranin at datos kung paano ito nalutas ng bansa.
38. Sa paanong paraan mo ipepreesenta ang kultura, tradisyon, at kagandahan ng Pilipinas sa isang
pagpupulong kung ikaw ay naatasan na kinatawan sa kabila ng iba’t ibang balita na nagbibigay ng masamang
impresyon sa ating bansa?
a. Powerpoint presentation ng mga magaganda at itinatanging kultura ng bansa
b. Paghahanda at pagbabasa ng progress report tungkol dito.
c. Video presentation ng mga ipinagmamalaking kultura, tradisyon, at mga taong nagpapahalaga rito
d. Pagbibigay ng pamphlet ng mga larawan ng katangi-tanging tanawin at kultura ng bansa.
39. Kakatawanin mo ang inyong paaralan para sa isang paligsahan ng debate tungkol sa pilosopiya at misyon ng
bawat paaralan sa inyong dibisyon. Anong paghahaanda ang gagawin mo bago ang paligsahan?
a. Magbasa at magsaliksik tungkol sa magiging punto ng debate
b. Magsaliksik at maghandang humarap sa karamihan
c. Gumawa ng outline ng isyu at magsaliksik at paghandaan ang mga posibleng magiging punto ng debate
d. Magbasa, manood ng balita, at maghanda
40. Ikaw ay pangulo ng History Club sa inyong paaralan, naatasan ka na gumawa ng mga proyekto sa
kahalagahan ng mga kontribusyon Asyano. Ano ang gagawin mo para makilala at Makita nang lahat ang mga
nasabing kontribusyon?
a. Magtakda ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay
b. Collage making contest
c. Open house exhibit
d. Quiz contest
41. Isang mananalakay buhat sa Akkad na nagtatag ng lungsod-estado para magkaisa ang mamamayan.
Pinalawak niya ang teritoryo ng Akkad bilang pinuno sa pamamagitan nang pagsakop sa mga didgmaan.
a. Hammurabi b. Sargon c. Nebuchadnezzar d.
Rehoboam
42. Ang kodigo ni Hammurabi ay binubuo ng ________ batas na nagsilbing pamantayan ng kabihasnang
Babylonia.
a. 300 b. 285 c. 282 d. 382
43. Sila ang tinaguriang “Tagapagdala ng Kabihasnan,” dahil lamang ang mga produkto ang kanilang naibahagi
kundi ang pamumuhay din ng mga tao sa kanilang mga lugar na napuntahan.
a. Phoenician c. Hebreo c. Sumerian d. Chaldean
44. Ang naging pundasyon ng pananampalatayang Judaism at kristyanismo.
a. Koran b. Bibliya c. Zodiac at Horoscope d. Bathala
45. Anong imperyo na Pagmimina ng iron core ang pinakamahalaga sa mga imbensyon. At ang paggawa ng
iba’t ibang kagamitang bakal, dahil ditto nagging madali at mabilis sa kanila ang pananakop ng iba’t ibang
imperyo.
a. Hittite b. Chaldean c. Lydian d. Persian
46. Imperyong gumamit ng pilak at gintong barya sa pakikipagkalakalan. At nagpagawa ng isang mahabang
kalsada na nagdugtong sa mga lungsod ng Persia mula sa Susa hanggang Ephesus sa Asia Minor na
umabot sa 2.400 km.
a. Persian b. Phoenician c. Chaldean d. Lydian
47. Ano ang isa sa mga itinuturong dahilan ng mga Persian kung kaya bumagsak ang kanilang Imperyo?
a. Kawalan ng isang mahusay na pinuno at ang malawak na sakop ng teritoryo nito.
b. Dahil sa kalupitan ng pamumuno nagkaisa ang mga Chaldean, Medes, at Persian noong 612 BCE.
c. Hindi napagtuunan ang pagpapatatag ng pamahalaan at sandatahang lakas.
d. Kawalan ng pagkakaisa ng mga lungsod estado nito.
48. Ipinalagay ng mga tsino na sila at ang kanilang bansa ang sentro ng daigdig. Ang pananaw na ito ay
tinatawag na
a. Sinoismo b. Sinesismo c. Sinosentrismo d. ethnosentrismo
49. Isang pilosopiya na nakatuon sa pagpapakabuti ng ugali sa pamamagitann ng pagtataguyod sa mga birtiyu
ng kagandahang loob, tamang pag uugali, at pagkamagalang.
a. Taoism b. Confucianism c. Divine Origin d. Karma
50. Tawag sa relihiyon ng mga Persyano
a. Son of Heaven b. Legalismo c. Zoroastrianismo d. Taoism
Good Luck……..
SAN POLICARPO NATIONAL HIGH SCHOOL
IKALAWANG MARKAHAN
FILIPINO 9
PANGALAN:_________________________________TAON/SEKSYON:_____________________PETSA_____________
Hindi na kaila sa mga taga Tulikan ang pakikipagkasintahan ni Darang sa Inhinyerong namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa
kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, at patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nila’y likas na yaon sa
mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon si Derang ay walang pinag uukulan ng Sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang
Tiyago, sapagkat magmula nang mangibig ang inhinyero’y nawala na ang dating mairog na pakikisama sa kanyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si
Darang, sapagkat naniniwala ang mga taga Tulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging
dinaramdam nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang na si Tandang Tiyago.
Panuto: Basahin at unawain ang talataan. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.
1. Ang ibig sabihin ng pariralang ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang ay _____________.
a. Naging mayabang c. nagbago ang pakikitungo sa kapwa
b. Mahirap itong pakisamahan d. nagbago ang magandang pag-uugali
2. Ang ibig sabihin ng magkatugon ang damdamin ay ____________________
a. Pareho ang minahal c. iisa ang itinitibok ng puso
b. Pareho ang iniibig d. iisa ang isinisigaw
3. Ang higit na binibigyang-pansin ng may-akda sa kuwento ay ang ______________.
a. Tauhan b. lugar c. pangyayari d. aral
4. Ang kuwentong ito ay mauuri sa _____________.
a. Pangkatauhan b. pangkatutubong-kulay c. makabanghay d. pangkaisipan
5. Ang dahilan ng pagdaramdam ng mga taga-Tulikan ay ______________.
a. Pagbabago ng pakikitungo ni Mang Tiyago c. pagbabago ng kanilang lugar
b. Pagdating ng mga taga-Maynila d. pangingibig ni Derang sa iba kuwento
Paano ko ito ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit kung minsa’y kailangan kung umalis ng bahay at sa gabi na
bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag? Kung sa ngayon, anak, ako muna’y patawarin. Ngunit
baling-araw sana’y maunawaan mong ang pagmamahal na iyan ang siyang tunay na dahilan kung bakit kung minsan ay
mas hinaharap ko pa ang pagmamakinilya kaysa paghele sa iyo.
Halaw sa: Paano nagsusulat ang Isang Ina
Ni Ligaya G. Tiamaon Rubin