Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

3

Filipino

Unang Markahan – Modyul 5:


Samot-saring mga Salitang Filipino
Filipino – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 5: Samot-saring mga Salitang Filipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyulna ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eyen A. Gasco
Editor: Grace C. Sapini
Tagasuri: Janette B. Najarro
Tagalapat: Eyen A. Gasco
Tagapamahala: Nelson C. Lopez
Marilyn V. Deduyo
Cheerylyn A. Cometa
Christopher P. Felipe
Rita L. Rellanos

Inilimbag sa Pilipinas ng Learning Resource Management Section

Department of Education – Davao del Sur Division

Office Address: Corner Lapu-Lapu & Plaridel Streets, Digos City, Davao del Sur

Telefax: ____________________________________________

E-mail Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph


3

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 5:

Samot-saring mga Salitang Filipino


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 3 na Modyul para sa
araling Samot-saring mga Salitang Filipino.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino Batang 3 na Modyul ukol sa Samot-saring
mga Salitang Filipino.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

iv
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo at isinulat para mapayaman ang iyong

kaalaman. Ito ay makakatulong sa iyo para masasanay pa ang iyong kaalaman

tungkol sa wastong pagbigkas o pagbabasa ng mga salitang Filipino at mga

salitang hiram. Ang kabuuan ng modyul na ito ay nagbibigay sayo ng

pagkakataon na magagamit ang iba’t ibang pamamaraan sa pagkatuto. Ang

lingguwaheng ginagamit sa modyul na ito ay naayon sa kakayahan ng

pagkaintindi ng mag-aaral.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

- Nababasa ang mga salitang may tatlong pantig pataas, klaster, salitang

iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas at salitang hiram F3AL-If-

1.3

Subukin

1
Basahin ang sumusunod na pangungusap. Sipiin ang salitang may tatlong

pantig pataas, klaster at salitang hiram.

1. Mahilig maglaro ng basketbol si Jerry.

2. Pangarap kong makasakay ng eroplano.

3. Sasakay kami ng traysikel papuntqng paaralan.

4. May dalang bulaklak si Rolly para kay titser.

5. Nabasag ni Joy ang bagong biling plorera ni Nanay.

Tagumpay! Nasagot mo ang paunang pagsubok. Isangguni ang iyong sagot sa

Susi sa Pagwawasto.

Kung 4 o 5 ang iskor mo, magaling ka!

Kung 3 o mas mababa pa ang nakuha mo, huwag mag-alala dahil ang modyul

na ito ay tutulungan ka. Gawin mo lang ang mga gawaing nakahanda para sa

iyo upang matutunan mo ang araling ito.

Mga Salitang May Tatlong


Aralin Pantig Pataas, Klaster,
Salitang Iisa ang Baybay at
Salitang Hiram

2
Sa araling ito, matutunan mo ang wastong pagbasa o pagbigkas at

pagpapantig ng mga salitang Filipino pati na ang mga salitang hiram.

Matutunan mo din ang wastong baybay ng mga salitang hiram.

Balikan
Basahin nang pabulong ang mga maliliit na pagkasulat na mga salita

at basahin nang malakas ang mga malalaki ang pagkasulat na mga

salita.

basa pobre baso

luma sobre

Wow, nagawa mo! Ihanda mo na ang iyong sarili upang tuklasin ang

bagong aralin sa modyul na ito.

3
Mga Tala para sa Guro

Ang pagbabasa ng salita ay madali lang kung pinapantig natin

ito hanggang sa pagsasanay ng sarili sa mabilisang pagbabasa

ng mga pantig. Makakatulong din ang pagtuklas ng tamang

diin at pagbigkas ng mga salita.

Tuklasin

Kailan ang kaarawan mo? Ano ang nais mong ihanda sa iyong kaarawan?

Tulad mo si Darwin ay may inihanda rin sa kanyang kaarawan. Halina’t alamin

mo ang kuwento kung anong paghahada ang ginawa ni Darwin. Pero bago mo

ito basahin alamin mo muna ang kahulugan ng mga salitang makikita mo sa

kuwento.

bisita - tumutukoy sa panauhin o dalaw

matalik na kaibigan – espesyal na kaibigan

Simulan mo ng basahin ito.

Ang Kaarawan ni Darwin


4
Happy Birthday, sigaw ng mga bata. Birtdey ni Darwin ngayon.
Marami ring inihanda ang kaniyang mga magulang para sa kaniya.

May mga lobo, keyk, juice at spaghetti.

Sobrang saya ang nadarama ni Darwin sa kaniyang kaarawan.

Basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwento. Isulat sa papel ang

iyong mga sagot. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Sino ang may kaarawan sa kuwento?

2. Sino-sino ang dumalo sa kanyang kaarawan?

3. Ano ang iniregalo sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan?

4. Ano-ano ang mga inihanda sa kanyang kaarawan?

5. Masaya ba si Darwin sa naging selebrasyon? Bakit?

5
Nasagotan mo na ba ang lahat ng tanong? Ang galing naman! Sige, tara! Suriin

natin ang mga salitang nakasulat nang madiin sa kuwento.

Suriin
Ang mga salitang nasa loob ng kahon ay ang mga salitang nakasulat nang

madiin sa kuwento.

A B C D
kaarawan Mars lobo birtdey

matalik trak sala keyk

kaibigan tsokolate saya juice

magulang pito spaghetti

Ano-ano ang tawag sa mga salitang ito?

- Ang mga salitang nasa loob ng kahon ay:

A. Mga salitang may tatlong pantig pataas.

Pantig ang tawag sa bawat bigkas ng bibig sa pagsasabi ng isang salita.

Binubuo ito ng isang patinig o kambal patinig at isa o mahigit pang

katinig.

Halimbawa:

kaarawan - ka- a – ra- wan

(1) (2) (3) (4) may apat na pantig

6
matalik - ma-ta-lik

(1) (2) (3) may tatlong pantig

kaibigan - ka – i – bi -gan

(1) (2) (3) (4) may apat na pantig

magulang - ma-gu-lang

(1) (2) (3) may tatlong pantig

B. Mga salitang klaster- tinatawag na kambal-katinig o klaster ang mga

salitang may magkasunod na katinig. Ito ay maaaring makikita sa una,

gitna o hulihang pantig ng salita.

Halimbawa:

trak

Mars

tsokolate

C. May mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan.

Makukuha ang kahulugan nito ayon sa gamit nito sa pangungusap.

Halimbawa:

lobo- isang hayop

7
lobo- isang laruan

salá-kasalanan

sala-bahagi ng bahay na tanggapan ng bisita

sáya -tuwa,

saya-palda

pitó -bilang

píto -gamit pang sipol

D. Mga salitang hiram ang tawag sa mga salitang banyaga na karaniwan na

ring ginagamit sa wikang Filipino. Karaniwang ginagamit ang mga

klaster sa mga hiram na salita.

Halimbawa:

birtdey

keyk

juice

spaghetti

8
Ngayong nakuha mo na ang mga konsepto ng araling ito, bibigyan kita ng

panibagong pagsubok upang pagyamanin ang iyong mga natutunan. Kaya mo

‘yan!

Pagyamanin

Gawain 1
Basahin ang mga salita sa bawat kahon. Sipiin sa sagutang papel ang mga

salitang may tatlo pataas na pantig. Isulat sa tabi ng salita ang bilang ng pantig

nito.

guro
plato

Ayos, nagawa mo! Isangsuni mo ang iyong sagot sa Susi sa Pagwawasto.


Kayang-kaya mo rin ang susunod na gawain.
Gawain 2
Bigkasin nang tahimik ang mga salita. Piliin at isulat sa sagutang papel ang

salitang may kambal-katinig o klaster sa bawat bilang.

9
1. lapis dyanitor patola

2. klinika aparador pisara

3. tsinelas kamiseta sapatos

4. kaserola krayola Nenita

5. relo kawali timbre

Madali lang, diba? Isangguni mo ang iyong sagot sa Susi sa Pagwawasto.

Tingnan pa natin ang galing mo sa kasunod na gawain.

Gawain 3
Basahin at piliin ang salitang hiram sa sumusunod na pangungusap. Isulat sa

sagutang papel ang iyong sagot.

1. Gusto niyang maging titser paglaki niya.

2. Ang lider ng grupo ang siyang nag-ulat sa klase.

3. Magkakaroon ng miting ang lahat ng mga kababaihan sa aming lugar.

4. Mahalagang makamit ng bawat kabataan ang magandang edukasyon.

5. Binigyan ng tseke ang manggagawa bilang kabayaran sa kaniyang

serbisyo.

Binabati kita sa pagsisikap mo! Isangguni mo ang iyong sagot sa Susi sa

Pagwawasto. Isang hakbang nalang at matatapos mo na ang mga gawain.

Gawain 4

10
Basahin ang sumusunod na salita. Piliin ang wastong salita na tinutukoy sa

ipinakitang larawan. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1.

a. pasô - lapnos sa balat

b. pasó –lalagyan ng halaman

2.
a. upo –uri ng gulay

b. upô –hindi nakatayo

3.
a. bangkô -upuan

b. bangko –lagakan ng pera

4.
a. punó- malaking halaman

b. punô-umaapaw

5.

a. talá - bituin sa langit

b. talâ - listahan
11
Saludo ako sa iyo! Isangguni mo ang iyong sagot sa Susi sa Pagwawasto.

Nakayanan mong sagutin ang lahat ng mga gawain.

Isaisip

Ang pantig ay binubuo ng isang patinig o kambal patinig at isa o mahigit


pang katinig.
May mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan.
Makukuha ang kahulugan nito ayon sa gamit nito sa pangungusap.
Salitang hiram naman ang tawag sa mga salitang nagmula sa ibang wika at
kalaunan ay ginamit na at naging bahagi na ng wikang Filipino.
Tinatawag na klaster o kambal katinig ang magkasunod na katinig sa loob
ng isang pantig.

Isagawa

Basahin ang talata sa loob ng kahon. Sipiin sa sagutang papel ang mga salitang

may tatlo pataas na pantig; salitang klaster at salitang hiram. Isulat ang sagot sa

sagutang papel.

12
Tuwing umaga nagmamadali si Johan para sumakay ng traysikel

papuntang paaralan. Dala-dala niya ang bulaklak na ilalagay niya sa

plorera. Nagpapasalamat ang kanyang titser sa kabutihang ginawa ni

Johan.

Nagagalak ako sa iyo at may natutunan ka! Hasain mo pa ang iyong sarili sa

susunod na gawain.

Tayahin
Basahin ang sumusunod na salita sa bawat bilang. Sipiin ang mga salita na may

tatlo pataas na pantig; salitang klaster; at salitang hiram. Gawin ito sa inyong

sagutang papel.

1. masunurin, mesa, telebisyon, ama

2. karanasan, kahoy, baso, kayumanggi

3. tsinelas, ilaw, dyanitor, mesa

4. nars, aso, groseri, tubig

5. drayber, mata, araw, dayari

13
Kahanga-hanga ka, bata! Sana ay naging produktibo ang iyong pag-aaral gamit

ang modyul na ito. Gawin mo ang Karagdagang Gawain upang mapaunlad mo

pa ang iyong bokabularyo.

Karagdagang Gawain

Sumulat ng talata sa inyong sagutang papel gamit ang mga salitang klaster,

salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas at salitang hiram.

Isangguni sa inyong guro ang nagawa mong talata.

Pamantayan sa Pagsasagawa:

Batayan Puntos
Pinakamalinaw at wasto ang pagkasulat ng talata. 5
Mas malinaw at wasto ang pagkasulat ng talata. 3
Malinaw at wasto ang pagkasulat ng talata. 1

Sa wakas at natapos mo na rin ang modyul na ito. Binabati kitang muli sa

iyong nagawa. Magpursige ka sa iyong pag-aaral upang makamit mo ang iyong

mga pangarap.

14
Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin Isagawa Subukin


Gawain 1.1 umaga 1. mahilig, maglaro,
basketbol
1. alipin -3 nagmamadali
2. malungkot-3 2. pangarap, makasakay,
sumakay
3. tumalikod-4 eroplano
4. nakalaan-4 traysikel
3. sasakay, traysikel,
5. pagkakataon-5
papuntang papunta, paaralan

paaralan 4. bulaklak, titser


Gawain 1.2
bulaklak 5. nabasag, plorera
1. dyanitor
2. klinika ilalagay Tuklasin
3. tsinelas
plorera 1.Ang may kaarawan ay si
4. krayola
5. timbre nagpapasalamat Darwin.

titser 2. Ang dumalo sa karawan


Gawain 1.3 ay ang kanyang kaklase,
kabutihang guro at matalik na kaibigan.
1. titser
2. lider ginawa 3. Niregaluhan siya ng trak,
3. miting tsokolate at pito.
4. edukasyon 4.Ang inihanda ay juice,
5. tseke spaghetti at lobo.
5.Oo, dahil mahal na mahal
Gawain 1.4 siya ng kanyang magulang.
1. a
2. b
3. a
4. b
5. b

15
Sanggunian
Cruz, Genaro G., Fajilan, Wennielyn, Mojica, May, Escoto, Mary Ann,
Baybayin: Paglalayag sa Wika at Pagbasa 2, Sampaloc, Manila, Rex Book
Store, Inc.

Oabel, Aaron John C., Ang Sulo, Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 2
(Unang Rebisyon 2018), Sta. Ana, Manila, Aklat @ Dunong Publishing, Inc.

Mangahis, Josefina C.; Alejo, Carmelita T., 2006, Sanghaya 4, Quezon City, C
& E Publishing, Inc.

Del Valle, Bartolome, Del Valle, Melanie J., 2009, Talatinigang Pilipino-
Pilipino, Mandaluyong City, Cacho Hermanos, Inc.

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section

(Office Address) Corner Lapu-lapu & Plaridel Streests


Zone 3, Digos City
8002

Telefax (802-553-4288)

Email Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph

17
Susi ng Pagwawasto sa:
Tayahin
1. Masunurin, telebisyon
2. Karanasan, kayumanggi
3. Tsinelas, dyanitor
4. Nars, groseri
5. Drayber, dayari

You might also like