Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MGA TUNTUNIN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

1. Panimula/Introduksyon
-Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula
upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.

Paraan ng pagsulat ng Panimula


 Pasaklaw na Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na detalye.
 Tanong na Retorikal – isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.
 Paglalarawan – pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa
 Sipi – isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo at iba pang sanaysay.
 Makatawag Pansing Pangungusap – isang pangungusap na makakuha ng atensyon ng nagbabasa.
 Kasabihan – isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling ekplenasyon ng iyong sanaysay
 Salaysay – isang ekplenasyon ng iyong sanaysay

2. Katawan
- Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng
sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.

Paraan ng pagsulat ng Katawan


 Pakronolohikal – Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari
 Paanggulo – Pinapakita ang bawat anggulo o “side” ng paksa.
 Paghahambing – Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo atbp ng isang paksa
 Papayak o Pasalimuot – Nakaayos sa paraang simple hanggang komplikado at vice versa

3. Wakas/Konklusyon
- Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga
tinalakay ng sanaysay

Paraan ng pagsulat ng Wakas


 Tuwirang Pagsabi – Mensahe ng sanaysay
 Panlahat na Pahayag – pinakaimportanteng detalye ng sanaysay
 Pagtatanong – winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong
 Pagbubuod – Ang summary ng iyong sanaysay

You might also like