Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARALIN 2:

FILIPINO SA PILING LARANG

(Tech-Voc):
MODYUL 9 Kahulugan, konsiderasyon at gabay ng isang Menu
sa Pagkain sa sulating Teknikal

I. LAYUNIN:
a. Natutukoy ang kahulugan ng menu sa pagkain
b. Naisasabuhay ang gabay sa pagbuo ng menu sa pagkain
c. Nakabubuo ng sariling menu sa pagkain na may mga kaangkupang impormasyon

II. Panimulang Pagsusulit

Panuto: Sagutin ang mga bugtong. Isulat ang sagot sa mga patlang.
___________1. Maputing parang kanin siya, Dahon ng saging idinamit sa kanya.
___________2. Pagbali-baliktarin man din, may butas pa rin.
___________3. Maputing-maputing parang Chinita, Pag pinakuluan sa mantika ay namumula.
______________4. Sa mantika ay nagpuputukan, Balat ay naglulutungan.
___________5. Isang pamalo, punung- puno ng ginto
___________6. Nanganak ang aswang, sa tuktok dumaan.
___________7. Nakabaluktot na daliri sa sanga ay mauuri.
___________8. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa
___________9. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
__________ 10.  Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin

III. Talakayan
Ang menu ay isang mahalagang kagamitan sa restwaran at nagsisilbi itong pangunahing
pinagkukuhanan ng impormasyon ng mga tao kung nais nilang kumain sa isang napiling
restawran.
Ang pagsulat ng menu o paglalarawan sa pagkain ay itinuturing na isa rin sa mga anyo
ng komunikasyong teknikal.
Higit na nakasanayan sa pagsulat ang inaasahan ditto lalo na’t sinusukat hindi lamang
ang kahusayang teknikal, bagkus ang pagiging malikhain.
Sa mabilis na pag-unlad ng turismo, hindi maikaila na kakambal nito ang masasarap na
mga kainan lalo na’t ang mga Pilipino ay mahilig talaganf kumain. Sa katunayan para sa mga
Pilipino, ang oras ng pagkain ay sagradong oras na nangangahulugan lamang na panahon
ito upang magkasama-sama ang magkakapamilya o magkakaibigan.

 Nakaayos ang mga ito batay sa uri ng pagkain, kung ito ba ay pampagana, sabaw, kanin,
panghimagas, ulam na gawa sa karne, isda, gulay o kung ito’y mga inumin.
 Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat isa upang makapili ang mga mamimili ng
kanilang gusto o kaya’y ng abot-kaya para sa kanila.
 Kung minsa’y mayroon ding kaunting paglalarawan sa mga pagkaing nakalagay sa isang
menu upang magka-ideya ang mga mambabasa tungkol sa mga ito.
 May ibang menu rin naming nagtataglay ng larawan ng mga pagkain o inumin.

May ilang konsiderasyon sa paggawa ng menu

 Mahalagang mayroong maayos na pagkakalatag ng impormasyon sa menu. Hindi ito
magulo at patalon-talon. Nagugrupo dapat ng gumagawa ng menu ang iba’t ibang uri ng
pagkain, gaya ng appetizer, ulam na karne, ulam na isda, ulam na manok, kanin,
panghimagas, inumin.
 Mahalaga ring mayroong larawan ang ilang pagkain. Makakaakit ito sa mamimili at
maiiwasan din ang maraming tanong. Kung masyado namang maraming larawan ang
isang menu, magmumukha na itong isang album. Maaaring pumili lamang ng mga
pagkain o inuming ibig lagyan ng larawan.
 Mahalagang daanan ang proseso ng pagbuo ng menu. Magsisimula ito sa paghahanay
ng pagkain na isasama sa menu. Matapos nito, kinakailangang maplano na ang layout at
mga salitang maglalarawan sa mga pagkain. Sunod naman ang unang paglalathala ng
menu upang makita kung mayroong pagbabago pang gagawin at kung may mali sa
pagbaybay. Kapag natiyak na wala na itong mali, maaari na itong ilathala.

3 Gabay sa pagsulat ng menu

1.Hitsura - Layunin nitong paglawayin ang tumitingin sa litrato upang masigurong pipiliin n
tagatangkilik ang pagkain na kaniyang nakita. Inaasahan dito ang paggiging kakaiba ng kulay
o presentasyon ng pagkain at salitang gagamitin upang mailarawan ito.
Halimbawa
Upang mas maging kapani-paniwala na masarap ang isang pritong manok, maaari
itong lagyan ng paglalarawan sa hitsura nito na golden brown.
2. Tekstura – Ito ay tumutukoy sa pagkakahain ng pagkain na makikita sa menu at kung
gaano ka ang pagkakahain upang mas maging kapana-panabik ito sa mga tatangkilik.
Halimbawa
Kung ito ay malambot, matigas at iba pang tekstura nito
3. Lasa – Ang lasa ng pagkain ay ang dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga tagatangkilik
ang produkto. Sa menu inaasahang mailalarawan jung ano ang lasa ng pagkaing makikita nila
bago pa man bumili ang mga tao.
Halimbawa
Matamis, maalata, maasim-asim, maanghang at iba pang uri ng maglalarawan

Gawain

Panuto: Kung ikaw ay magtatayo ng isang restawrant. Ano ang iyong ipapangalan dito at ano-
anong mga pagkain at mga inumin ang iyong ihahanda sa iyong mga tagapagtangkilik. Bumuo
ng isang menu na may lima pataas na iba’t- ibang uri ng produkto at ilagay ang mga
kaangkupang halaga ng mga ito.
Pamantayan sa pagmamarka
Kategorya Deskripsyon Puntos
Pag-oorganisa Pagkakasunod-sunod ng mga bahagi 10
Nilalaman Isinaalang-alang ang mga katangiang dapat taglayin ng isang 30
menu sa pagkain
Presentasyon Malinis at maganda ang disenyo. 10
Kabuuan 50

IV. PAGLALAHAT
Maglahad ng iyong natutunan sa ginawang pag-aaral tungkol sa menu ng pagkain?
_______________________________________________________________________________________________

V. EBALWASYON
Paano makakatulong ang menu ng pagkain sa iyong buhay?
__________________________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto.IDENTIPIKASYON.Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_______________________1. Ang nagsisilbing pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon
ng mga tao hinggil sa nais kainin sa isang restawran
_______________________2. Bahagi ng proseso sa pagbuo ng menu kung saan tinutukoy ang
lalamaning impormasyon
______________________3. Tanong na sinasagot sa proseso ng pagbuo ng menu kung saan
tinatakda ang halaga ng bilihin
______________________4. Huling bahagi ng proseso sa pagbuo ng menu
______________________5. Ano ang katangian ng isang magandang menu?

You might also like