Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

GIYA

(Guided, Integrated, Yearning Activities)


Para sa mga Mag-aaral
Filipino 3
Unang Markahan, Ikatlong Linggo, 1-4 Araw
Layunin:
Nakikilala ang iba’t-ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon.
Nagagamit ang iba’t – ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon.
MELC at Code: F3EP-Ib-h-5

Isinulat nina:
Magandang araw sa’yo!
Basahin at Cunawaing
Jennifer Tragico mabuti Stephanie
ang iba’t-L. Aliwanag
Mababang Paaralan ng Magsaysay Mababang Paaaralan ng
ibang bahagi ng aklat. Pagkatapos
basahin,
Unang sagutin
Araw ang mga gawaing inilaan
sa iyo.
1
I. MAIKLING ARALIN

Magandang araw sa iyo! Basahin at kilalaning


mabuti ang mga bahagi ng aklat.

Ang Mga Bahagi ng Aklat

1. Pabalat - Ito ay ang nasa harapan at hulihan ng isang aklat at


nagbibigay ng proteksyon sa aklat. Naglalaman ito ng larawan at titulo
ng isinulat na aklat.

2. Pahina ng Karapatang Sipi – ito naman ay isang pahina na kung saan


makikita ang taon na kung kailan inilathala ang aklat . kabilang rin dito
ang pagpapahayag ng karapatan ng awtor at kung saan ito inilimbag
para Makita ng mambabasa kung saan nanggaling ang aklat.

3. Pahina ng Pamagat – sa bahaging ito nababasa ang pangalan ng may


akda, ang pamagat ng aklat, at ang ngalan ng palimbagan.

Talaan ng Nilalaman – Naglalahad ito ng pagkakasunod-sunod ng mga


aralin at mga pahinang katatagpuan ng bawat aralin.

4. Teksto o katawan ng aklat – ito ay bahaging nagtataglay ng


kabuuang nilalaman ng aklat na kababasahan ng mga seleksyon o iba
pang impormasyon.

5. Talahulugan (Glosaryo) – dito nakatala ang mahihirap na salitang


ginamit sa aklat at ang kahulugan ng mga ito. Nakaayos ang mga ito
ng paalpabeto.

6. Talatuntunan (Indeks) – ito ay listahan o talaan ng lahat ng


mahahalagang paksang matatagpuan
2
sa aklat at pahinang kinauukulan.
Ang mga salita ay nakaayos nang paalpabeto.
II. PINATNUBAYANG GAWAIN
Gawain: “SAGUTIN MO!”
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay listahan o talaan ng lahat ng mahahalagang paksang


matatagpuan sa aklat at pahinang kinauukulan.
A. Talatuntunan C.Paunang salita
B. B. Indeks
2. Ito ay ang nasa harapan at hulihan ng isang aklat at nagbibigay ng
proteksyon sa aklat.
A. Indeks C. Pabalat
B. Glosaryo
3. Ito ay isang pahina na kung saan makikita ang taon na kung kailan
inilathala ang aklat.
A. Pahina ng Pamagat
B. Paunang salita
C. Pahina ng karapatang sipi
4. Dito nakatala ang mahihirap na salitang ginamiT sa aklat at ang
kahulugan ng mga ito.
A. Talahulugan
B. Paunang Salita
C. Indeks
5. Naglalahad ito ng pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mga
pahinang katatagpuan ng bawat aralin.
A. Talaan ng Nilalaman
B. Pahina ng Pamagat
C. Talahulugan

3
III. DI- PINATNUBAYANG GAWAIN

Gawain: “PANGALANAN MO!”


Anong bahagi ng aklat ito? Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1.

_______________________

2.

_______________________

3.

_______________________

4.

_______________________

5.

_______________________

4
IV. EBALWASYON

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Hawak mo ang isang aklat. Gusto mo agad malaman kung ang paksang
kailangan mo ay matatagpuan dito. Anong bahagi ang gagamitin mo?
A. Glosaryo o talahulugan C. Talaan ng Nilalaman
B. Pabalat
2. Nakita mong nasa aklat na ito ang iyong hinahanap. Gusto mo nang
basahin ang tungkol sa paksang ito. Anong bahagi ang gagamitin mo?
A. teksto o katawan ng aklat
B. Pabalat
C. Indeks o talatuntunan
3. Muli kang naghanap ng iba pang aklat. Gusto mong kunin lahat ng aklat
sa cabinet na kaugnay ng panitikang Pilipino. Anong bahagi ang dapat
mong tingnan upang agad makuha ang mga aklat na kailangan mo?
A. Glosaryo o talahulugan C.Pabalat
B. Indeks o talatuntunan
4. May mahirap na salita kang hindi maunawaan ang kahulugan. Anong
bahagi ang gagamitin mo upang matulungan ka sa kahulugan ng mga
salitang ito?
A. Indeks o talatuntunan
B. Glosaryo o talahulugan
C. Talaan ng Nilalaman
5. Gusto mong malaman kung kailan naisulat ang aklat upang
makita kung ang mga impormasyong taglay ay bago pa o
matagal na. Anong bahagi ang gagamitin mo?
A. Pahina ng karapatang sipi
B. Talaan ng Nilalaman
C. Glosaryo o talahulugan

5
Ikalawang Araw

I. MAIKLING ARALIN
Magandang araw sa iyo! Kahapon ay napag-aralan at
nakilala mo ang iba’t – ibang bahagi ng aklat sa
pagkalap ng impormasyon.

Ang aklat ay may iba’t – ibang bahagi. Bawat bahagi ay may


sadyang kinalalagyan at naglalaman ito ng iba’t – ibang impormasyon.

II. PINATNUBAYANG GAWAIN


A B

Karapatang Pagmamay-ari
Ang Pilipinas JENNIFER C. TRAGICO
at
ang mga Pilipino Hindi maaaring ipalimbag ang
anumang bahagi ng aklat na ito nang
walang pasulat na pahintulot ng may
karapatang pagmamay-ari. Ang mga
sanaysay sa aklat na ito ay unang lumabas
sa kolum ng KASAYSAYAN NGAYON sa
pahayagang SIBUGAY EXPRESS
Jennifer C. Tragico Inilimbag ng JMC Enterprises
Magsaysay,R.t.lim,Sibugay

Gawain: “TUKUYIN MO!”


Panuto:1 Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Anong bahagi ng aklat ang ipinakikita sa kolum A?


A. Pahina ng Pamagat
B. Pahina ng Karapatang sipi
C. Talaan ng Nilalaman
2. Anong bahagi ng aklat ang ipinakikita sa kolum B?

6
A. Pahina ng Pamagat
B. Pahina ng Karapatang sipi
C. Talaan ng Nilalaman

3. Ano ang pamagat ng aklat?


A. Ang Pilipinas at ang mga Pilipino
B. Simbol
C. Daan Patungo sa Pag-unlad
4. Sino ang may karapatan sa Pagmamay-ari ng aklat?
A. Stephanie L. Aliwanag
B. Jennifer C. Tragico
C. Jane Ariane G. Sanogal

5. Anong Uri ng Seleksyon ang nasa aklat?


A. Alamat
B. Sanaysay
C. Talambuhay

III. DI- PINATNUBAYANG GAWAIN


Gawain: “PAGYAMANIN MO!”
Panuto: Isulat ang TAMA kung ito ay nagsasabi ng katotohanan at
MALI kung hindi.

_____1. Sa Pahina ng karapatang Sipi makikita ang


taon na kung kailan inilathala ang aklat .
_____2. Binabanggit sa Pabalat ang Pangalan ng
may akda.
_____3. Gamitin ang Talaan ng Nilalaman sa
paghanap ng pahina ng isang kuwento.
_____4. Binabanggit sa Talaan ng Nilalaman ang
pamagat ng aklat.
_____5. Ang mga pamagat sa Talaan ng Nilalaman
ay nakaayos nang paalpabeto.

7
IV. Ebalwasyon

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.Piliin


ang letra ng tamang sagot.

Sibika at Kultura 2
Manwal ng Guro para sa Ikalawang Baitang
Binagong Edisyon, 1989

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 9 ng


Pangulo Bilang 49: “Walang karapatang-sipi ang anumang akda ng
Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas. Gayunman, kung kakalakalin ito,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya ng pamahalaang gumawa nito.

Ang edisyong ito ay inilathala ng Instructional Materials Corporation ng


Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports bilang bahagi ng Program for
Decentralized Educational Development (PRODED) na tinutustusan ng
International Bank of Reconstruction and Development mula sa Kasunduan ng
Pag-utang para sa Sektor ng Edukasyong Pang-elementarya Bilang 2030-PH.

Lupong Pambatayang Aklat.Lourdes R. Quisumbing, Tagapangulo;


Dolores F. Hernandez, Juanita S. Guerrero, Edith B. Carpio, at Martha A.
Mogol, mga kasapi.

Instructional Materials Corporation.Caridad A. Miranda, Pangkalahatang


Tagapamahala; Pacifico N. Aprieto, Katulong sa Pangkalahatang
Tagapamahala; Minerva K. de Jesus, Tagapamahala sa Editoryal; Dante R.
Crisologo, Kumakatawang Puno sa Produksiyon; Melchor H. Tipace,
Kumakatawang Puno sa Pangangasiwa at Pananalapi; Daisy Ochoa-Santos at
Naidene O. Anales, mga Editor, Ma. Angeli F. Menez, Nagdisenyo ng Aklat,
Noel H. Rinoza, Gumuhit ng Larawan.Mga Manunulat:Kawanihan ng
Edukasyon Pang-elementarya, Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports,
Dr. Lidinila M. Luis-Santos, Tagapag-ugnay; Estelita B. Capina, Aurea S.
Duran, Elizabeth J. Escaño, Merlita A. Nolido, Irene C. de Robles,

8
Mga Manunulat; Dr. Romeo Cruz, Dr. Telesforo Luna, Dr. Delilah T. Villa,
Dr. Marcelina M. Miguel, at Dr. Florentino Hornedo, mga Kasangguni

Office Address:
Ma. Regidor Street, Area XIUniversity of the Philippines Campus Diliman
1101, Quezon City, Metro Manila

Mailing Address:
U.P. Post Office Box 211, Diliman 1101Quezon City, Metro Manila,
Philippines

1. Ano ang Pamagat ng Aklat?


A. Sibika at Kultura
B. Manwal ng Guro Para sa Ikalawang Baitang
C. Binagong Edisyon

2. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tama?


A. Kung kakalakalin ang anumang aklat na ipinagawa ng pamahalaan,
kailangang humingi ng pahintulot sa ahensiya ng gumawa nito.
B. Ang paggawa ng aklat ay tinustusan ng pamahalaan ng Pilipinas.
C. Ang aklat ay inilimbag sa labas ng bansa
.
3. Alin sa sumusunod ang naglimbag ng aklat?
A. Unibersidad ng Pilipinas
B. Instructional Materials Corporation
C. Guaranteed Enterprises

4. Sino ang dapat gumamit ng aklat na ito?


A. Mga mag-aaral sa ikalawang baitang
B. Mga guro na nagtuturo ng Sibika at Kultura sa ikalawang baiting
C. Lahat ng guro sa mababang paaralan
5. Kailandapat humingi ng pahintulot sa paggamit ng aklat na ito?
A. Kung gagamitin ng mag-aaral
B. Kung gagamitin ng mga guro
C. Kung ipalilimbag ng ibang ahensiya upang ipagbili.
Ikatlong Araw

I. MAIKLING ARALIN

Pag-aralan ang mga bahagi ng diksyunaryo.

9
Ang diksyunaryo ay talaan ng mga salita na nakaayos nang sunod-
sunod ayon sa mga titik ng alpabeto. Dito makikita ang wastong bigkas ng
salita, kung anong bahagi ng pananalita, at ang kahulugan ng salita.

Bahagi ng Diksyunaryo

1. Pabalat- makapal na papel na panakip upang


hindi agad masira. Ito ay kaaya-aya upang mahikayat
ang mga tao na basahin ang diksyunaryo.
2. Pamagat- nakasulat dito ang pamagat, ngalan
ng awtor, editor, at tagasalin, at tagapaglimbag.
3. Pahina ng paglimbag- nakatala dito ang
karapatan ng pag-aari o ilang edisyon rebisyon, kailan
inilimbag, pangalan ng tagalimbag.
4. Tangki ng payo- dito nakasaad ang mga salita
bilang gabay at tamang paggamit ng
diksyunaryo.
5. Pambungad
a. Pagbaybay (hal. interes,modyul, pangako)
b. Pagpapantigan (hal. La-yas, a-mi-han)
c. Simbolo (hal. atbp-at iba pa. hal. halimbawa)
d. Lagyan ng Etika (hal. bata-Png -takbo-Pd.)
e. Pagbigkas ( bakla-bak/la, babae-ba/ba/e)

10
f. Mga Daglat na ginagamit-
Halimbawa:
Bahagi ng Pananalita Mga Daglat

Pangngalan Png.

Pangatnig Ptg.

Panghalip Ph.

Padamdam Pdm.

Pantukoy Pt

II. PINATNUBAYANG GAWAIN

Gawain: “PAGYAMANIN MO!”


Panuto: Pillin ang daglat ng bawat bahagi ng pananalita at isulat ito
sa patlang bago ang bilang.

Png. Ptg. Ph.

Pdm. Pt. Pgl.

________1. Pangalan

________2. Pangatnig

________3. Pantukoy

________4. Panghalip

________5. Pandamdam

11
DI-PINATNUBAYANG GAWAIN

Gawain: “PILIIN MO”


Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang sagot at isulat ito sa nakalaang
bilog.

Pahina ng Paglimbag Pambungad

Pamagat Tangki ng Payo

Pabalat

Bahagi ng Diksyunaro

III. EBALWASYON
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang na nakalaan
bago ang bilang.
_____1. Bahagi ng diksyunaryo kung saan nakasaad ang mga salita bilang
gabay at tamang paggamit nito.
A. Pamagat
B. Pambungad
C. Tangki ng payo
D. Pahina ng paglimbag
_____2. Ang tawag sa makapal na papel na panakip upang hindi agad
masira.
A. Pamagat
B. Pabalat
C. Tangki ng payo
D. Pahina ng paglimbag
_____3. Dito nakasulat ang pamagat, ngalan ng awtor,
editor, at tagasalin,at tagapaglimbag?
12
A. Pamagat
B. Pabalat
C. Tangki ng payo
D. Pahina ng paglimbag

_____4. Nakatala dito ang karapatan ng pag-aari o


ilang edisyon o rebisyon, kalian inilimbag, at
pangalan ng tagalimbag.
A. Pamagat
B. Pabalat
C. Tangki ng payo
D. Pahina ng paglimbag

_____5. Talaan ng mga salita na nakaayos ng nakapa-alpabeto . Makikita


ang wastong bigkas ng salita, kung anong bahagi ng pananalita, at
ang kahulugan ng salita.
A. Pabalat
B. Tangki ng payo
C. Diksyunaryo
D. Pahina ng paglimbag

Ikaapat na Araw

I. MAIKLING ARALIN

Pag-aralan ang mga kahulugan


at gamit ng diksyunaryo.

Paano ginagamit ang diksyunaryo?

1. Ang diksyunaryo, o talatinigan ay isang aklat ng mga nakatalang


mga salita ng isang partikular na wika.
2. Ang ayos nito ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng titik ng alpabeto
3. Nakatala rin dito ang mga kahulugan ng salita.
4. May pamatnubay na salita na matatagpuan sa itaas ng bawat pahina.

13
II. PINATNUBAYANG GAWAIN:

Gawain: “HANAPIN MO!”


Panuto: Hanapin sa hanay B ang salitang kahulugan ng salitang nasa
hanay A. Isulat sa patlang ang sagot.

HANAY A HANAY B

____1. publiko A. gisingin

____2. Pukawin B. pagsasabi sa madla

____3. Proyekto C. pinatuyong ubas

____4. Prunes D. binalak gawin

____5. Publisidad E. taong-bayan

III. DI- PINATNUBAYANG GAWAIN


Gawain: “AYUSIN MO”
Panuto: Ayusin nang sunod-sunod ang mga salitang
nasa kahon ayon sa alpabetong Filipino.

ngalan nangka nanghingi

nanginig ngalumata

1. ________________
2. ________________
3. ________________
4. ________________
5. ________________

IV. EBALWASYON:

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang tawag sa talaan ng mga salita na nakaayos nang sunod-sunod ayon


mga titik ng alpabeto. Dito makikita ang wastong bigkas ng salita, kung
anong bahagi ng pananlkita, at ang kahulugan ng salita..
14
A. aklat
B. almanake
C. diksyunaryo
D. atlas

2. Paano inaayos ang mga salita sa diksyunaryo?.


A. Inaayos ito ayon sa pagkakaksunod-sunod ng titik sa alpabeto

B. Inaayos ito ayon sa paggamit ng diksyunaryo.


C. Inaayos ito ayon sa sa mga salitang hindi nauunawaan.
D. Inaayos ito na may patnubay na salita na matatagpuan sa itaas ng
pahina.

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa paggamit ng panuto?.


SANGGUNIAN:
A. Ang diksyunaryo, o talatinigan ay isang aklat ng mga nakatalang mga
salita ng isang partikular na wika.
B. Ang ayos nito ay
sa ayon sa pagkakasunod-sunod ng titik
Filipino: Daan Tungo Pagbabago at Pag –unlad, pahina 4 ng alpabeto
C. Nakatala rin ang mga sumulat ng aklat.
D. May pamatnubay na salita na matatagpuan sa itaas ng bawat pahina.
https://www.slideshare.net/mobile/flamerock/mga-salitang-
4. Alin sa sumusunod ang hindi makikita sa diksyunaryo?
magkasingkahulugan
A. Bahagi ng pananalita
B. Kahulugan ng salita
https://www.slideshare.net/mobile/miconpastolero/mga-salitang-
C. Wastong bigkas ng salita
magkasalungat-161205403
D. Paggamit ng salita
https://www.slideshare.net/mobile/alicetejero9/filipino-6-dlp-4-
5. Ano ang kahulugan ng salitang pukawin?
magkasingkahulugan-o-magkasalungat
A. hindi tulog
https://brainly.ph/question/18698
B. gisingin
C. lalagyan ng prutas
https://www.slideshare.net/mobile/roseluvgabz/bahaging diksyunaryo
D. orihinal
http://hayzkul.blogspot.com/2015/06/mga-halimbawa-ng-bahagi ng
diksyunaryo-at.html?m=1

ttps://www.bing.com/search?
form=MOZLBR&pc=MOZD&q=bahagi+ng+aklat+exams
https://www.bing.com/images/search?
view=detailV2&ccid=bF1IzvXp&id=A47C721F1D86418A48D1AA73B1A
952EDD23B56F1&thid=OIP.bF1IzvXp359fSng4_J4t6QAAAA&mediaurl=
http%3A%2F%2Fimages.clipartpanda.com%2Fstack-of-books-images
ttps://www.tagaloglang.com/bahagi-ng-aklat
ttps://www.bing.com/search?
form=MOZLBR&pc=MOZD&q=title+page+clipart
15
16
Tiniyak ang Antas ng Kalidad nina:

Maria Fe S. Embate, MT-1


Karen D. Saromines, MT-1
Jane Ariane G. Sanogal, T-3
Sheremay M. Pabillo, T-1
Ann-Ann J. Santos, IT
Marc Ion Manlin, IT

Rosario V. Tagotilla
Education Program Supervisor

Reviewed By:

Evelyn F. Importante
OIC- CID Chief EPS

Raymond M. Salvador
OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito
OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC-Schools Division Superintendent

17

You might also like