Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nagpokus lamang sa persepsyon at interpretasyon ng

mga mag-aaral ng Pamantasan ng Mindanao- Lungsod ng Heneral Santos

Departamento ng Senior High School hinggil sa mga Political Internet Memes na siyang

naging laganap sa bansa sa kasalukuyan kung saan maglalahad ng sampung (10)

Political Internet memes ang mga mananaliksik sa mga respondente.

Saklaw ng pag-aaral na ito ay ang kabuuang dalawampung (20) respondante

mula sa mga mag-aaral ng Departamento ng Senior High School na nasa ika-11 at ika-

12 na baitang sa nasabing paaralan na gamit ang convenience sampling. Sa bawat

istrand ng STEM, sampung (10) respondante, lima (5) mula sa ABM, at lima (5) mula sa

HUMMS ang pipiling makilahok bilang respondante nang walang pagsasalaang alang

sa mga impormasyonhg hindi kinakailangan. Isasagawa rin ng mga mananaliksik ang

mga etikal na patakaran at regulasyon sa pakikipagpanayam sa mga respondante.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa (1) pagtukoy sa interpretasyon ng mga mag-

aaral sa mga piling Political Internet Memes, (2) pagtuklas sa mga salik na

nakaimpluwensiya sa pagbibigay ng mga interpretasyon ng mga estudyante, at (3)

pagtalakay sa sosyolohikal na implikasyon ng mga interpretasyon ng mga mag-aaral

ukol sa mga piling Political Internet Memes.

You might also like