Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino


Ikalawang Markahan –Modyul 1.1:
Sitwasyong Pangwika:
Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon,
Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Dyaryo
( Unang Bahagi )
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1.1: Sitwasyong Pangwika: Sitwasyong Pangwika sa
Telebisyon, Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Dyaryo (Unang Bahagi)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA SENIOR HS

Awtor : Grace B. Almario


Ko-Awtor - Editor : Jennifer S. Dominguez
Ko-Awtor - Tagasuri : Jennifer S. Dominguez
Ko-Awtor - Tagaguhit : Grace B. Almario
Ko-Awtor - Tagalapat : Grace B. Almario

Team Leaders:
School Head : Marijoy B. Mendoza, EdD
LRMDS Coordinator : Karl Angelo R. Tabernero

MGA TAGAPAMAHALA:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
IkalawangMarkahan– Modyul 1.1:
Sitwasyong Pangwika:
Sitwasyong Pangwika sa
Telebisyon, Sitwasyong Pangwika
sa Radyo at Dyaryo
( Unang Bahagi )
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino sa Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Sitwasyong Pangwika: Sitwasyong Pangwika sa
Telebisyon, Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Dyaryo!

Ang pangunahing layunin sa paglikha ng modyul na ito ay itawid ang


edukasyon ng mga mag-aaral maging sa ganitong panahon ng pandemya.
Pinagsumikapang buoin, suriin, at idisenyo ang modyul na ito upang maging
epektibo at kahika-hikayat sa mga mag-aaral na basahin at pag-aralan tungo sa
patuloy na pagdaloy ng pagkatuto ng mga kasanayan at kompetensi na batay sa
itinakdang pamatayan ng K to 12 na kurikulum.

Ang modyul ding ito ay nilikha upang makaagapay ang mga mag-aaral sa
kanilang angking kakayahan, bilis, oras, at kalagayan sa buhay habang
nagsusumikap na makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo na tutugon sa
pagharap sa bagong kagawian ng buhay.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Para sa guro, ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin na sugon
sa itinakdang konpetensi sa MELC- 2020. Matutunghayan sa modyul na ito ang
mga paunang kasanayan sa pag-unawa sa wika at kulturang Pilipino na
layuning ihanda ang mga mag-aaral sa paglikha ng kanilang sariling
pananaliksik sa nabanggit na kasanayan.
Ito ay may anim na bahagi mula sa bahagi ng Alamin kung saan
matutunghayan ang mga layunin ng modyul na ito hanggang sa tayain na
susukat sa kanilang mga natutuhan.
Gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa paglinang ng mga gawain para sa
mga mag-aaral ang manunulat upang mapanatili ang kapanabikan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Masayang pagtangap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino sa Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa Sitwasyong Pangwika: Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon, Sitwasyong Pangwika
sa Radyo at Dyaryo!

“Kapag may tiyaga ay may nilaga.” Isang kawikaang gabay ng lahat sa


pagkamit ng inaasam na katagumpayan mula sa pag-aaral, paghahanap-buhay, at
sa anomang hangaring ating pinapangarap. Ang sipag at tiyaga ng bawat mag-aaral
ang pangunahing sandata upang matutong magbasa, umunawa, mag-analisa, at
magtaya ng mga kaisipang natutuhan. Ang mga katangiang ito ang humuhubog sa
iyong isipan na lalo pang magsikhay na matutuhan ang mga kompetensi at
kasanayang akademiko na magpapayaman ng iyong kaalaman at buong pagkatao.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang ikaw ay wala sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
iyong pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Pinagyamang Pluma ….
Sanggunian Sining at Komunikasyon……
Komunikasyong Global

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

iv
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutan ang lahat ng mga pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro numerong ibinigay niya sa
iyo. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong
kapatid, o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Aralin SITWASYONG PANGWIKA:
SITWASYONG PANGWIKA SA
1 TELEBISYON, SITWASYONG PANGWIKA
SA RADYO AT DYARYO

Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maunawaan ang
mga aralin sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino kaya’t
matutunghayan mo sa modyul na ito ang mga paunang kasanayan tulad ng malalim
na pag-unawa sa iyong wika at kultura bilang kabataang Pilipino bilang paghahanda
sa pagbuo mo ng iyong ninanais na Pananaliksik sa Wika at Kultura.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag


mula sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon (F11PN– IIa– 88)

1
Subukin
Piliin sa loob ng kahon ang titik ng wastong sagot kung saan angkop na sitwasyong
pangwika ang mga sumusunod na salita. Isulat ang kasagutan sa iyong kwaderno.

A. Telebisyon B. Radyo C. Dyaryo

1. noontime show

2. anawnser

3. kalyeserye

4. FM at AM

5. teleserye

6. network

7. feedbacking

8. copywriting

9. ulo ng balita

10. frequency

11. taboid

12. broadsheet

13. reality show

14. news and public affairs

15. channel

2
Pagganyak
Panuto: Ilahad ang pagkakaparehas at pagkakaiba ng mga sumusunod na larawan.
Magbigay din ng iyong perspektibong dahilan bakit nagkaroon ito ng pagbabago.
Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.

# THROWBACK, LUNES, MARTES, MIYERKULES, HUWEBES, BIYERNES!

“NOON, NGAYON”

VS

VS

OLD NEWSPAPER
ULO NG BALITA

BLENDED LEARNING INILUNSAD

VS

3
Tuklasin

Mga Tala para sa mag-aaral


Sa bahaging ito ng modyul iyong mababatid ang pag-unlad
ng wikang pambansa. Basahin at unawaing mabuti.

Isang katangiang dapat taglayin ng wika ay ang pagiging malikhain. Sa patuloy na


pag-unlad ng wika ay umuusbong ang iba’t ibang pamamaraan ng malikhaing
paggamit dito dulot na rin ng impluwensiya sa mga pagbabagong pinapalaganap ng
social media.

Alam mo ba?

Ayon kay Jomar I. Empaynado (walang petsa) na isang manunulat at propesor ang
sitwasyong pangwika ay tumutukoy sa anumang panlipunang phenomenal sa
paghulma at paggamit ng wika.

Ayon naman kay Ryan Ateroza (walang petsa) na isang akademiko sa wikang
Filipino, ito naman ay tumutukoy sa kung anong wika ang ginagamit sa iba’t ibang
sektor ng lipunan at ang status ng pagkakagamit nito.

Samakatuwid ang sitwasyong pangwika ay ang mga pangyayaring nagaganap sa


lipunan na may kaugnayan sa patakaran sa wika at kultura.Isinasaalang-alang din
dito ang mga pag-aaral sa mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa
lipunang Pilipino at mga sitwasyon sa paggamit ng wika dito.

4
Suriin

Sa dakong ito, iyong basahin at unawain ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga
napapakinggang pahayag mula sa mga panayam at balita sa telebisyon, radyo,
dyaryo, at iba pang anyo ng kulturang popular.

Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon

Isang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga larawang


gumagalaw at tunog sa kalayuan. Subalit patungkol sa lahat ng aspeto ng programa
at pagpapadalang pang-telebisyon ang katagang ito.

Ang pag-unlad ng bokabularyong Pilipino ay mayroong malaking gampanin sapagkat


ang mga salitang nauuso mula sa iba’t ibang palabas ay higit na nakadaragdag o
itinuturing na bahagi ng bokabularyong Pilipino. Sa madaling salita ang mga wikang
pantelebisyon ay may malawak na gampanin sa bokabularyong Pilipino.

Lingua franca o pinaghahalong Tagalog at Ingles ang karamihang ginagamit na wika


sa telebisyon upang mas madaling maintindihan ng mga tagapanood ang mga
impormasyon at mensahe na kanilang ninanais na maipahatid o maiparating.

Kasaysayan ng Telebisyon

Si Paul Gotlieb Nipkow ang nagmungkahi at ipinalente niya ang unang sistema na
ang telebisyon na elektromekanikal noong 1884. Sumulat si A. A. Campbell Swinton
sa Nature noong 18 ng Hunyo 1908 at tinalakay ang kanyang konsepto tungkol sa
elektroniko na ginagamit ang tubo ng sinag ng cathode na inimbento ni Karln
Ferdinand Braun. Nagbigay sia ng interbyu hinggil dito noong 1911 at nagpresenta
ng mga diyagrama ng si kristo.

5
Sa simula pa lamang, ang mga signal pantelebisyon ay ipinapamahagi bilang
telebisyong panlupa, gamit ang malalakas na frequency upang magpasahimpapawid
ang signal sa mga indibidwal na tagatanggap telebisyon. Bilang kahalili, ang mga
signal pantelebisyon ay ipinapamahagi gamit ang kableng co-axial o optical fibre, ang
sistema ng satellite, at ng internet. Bago pa noong unang bahagi ng 2000, ang mga
ito ay ipinapahatid bilang mga signal na analog, ngunit ang mga bansa ay sinimulan
gumamit ng digital, ang pagbabagong ito ay inaasahang nakumpleto para sa buong
mundo sa huling bahagi ng ika-21 dekada. Ang isang pamantayang set ng telebisyon
ay kinabibilangan ng maraming panloob na electronic circuit, kasama rito ang
apinador upang makatanggap at makabasa ng inihatid na signal. Ang isang
aparatong nagpapahayag pangmata na walang apinador ay nararapat na tawaging
monitor na bidyo lamang at hindi telebisyon.

Ang pagdating ng telebisyong digital ay nagpahintulot ng mga likha tulad ng mga


Smart TV. Ang Smart TV,kung minsang tinatawag ding kunektadong TV o hybrid
TV,ay set ng telebisyon na isinama ang internet at ang mga katangian ng Web 2,0.
at isa itong halimbawa ng tagpong teknolohiya sa pagitan ng mga kompyuter at mga
set ng telebisyon bukod sa mga tradisyunal na naggagawa ng mga set ng telebisyon
na itinakda sa pamamagitan ng tradisyunal na panghatid, pangmasa, ang mga
aparatong ito ay kaya ring maghandog ng internet sa TV, interactive na paghahatid
online, maganda kaysa sa inaasahang nilalaman, pati na rin paagos na paghahatid
impormasyon kinakailangan at saka daan upang makapaghatid impormasyon sa
tahanan. Ang isang aparatong nagpapahayag pangmata na walang apinador ay
nararapat na tawaging bidyo monitor lamang at hindi telebisyon.

Narito ang mga Piling Salita / Pahayag sa Larang ng Telebisyon

teleserye noon time show channel madlang-pipol

kalyeserye primetime show network talk show

https://tl.wikipedia.org/wiki/Telebisyon

6
BALITA

Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo

Ang radyo bilang isang midyum ng komunikasyon ay naglalayong maibahagi ang


mga kaganapan o pangyayari sa mundo sa isang mas malawak na sakop nito. Higit
na nauunawaan ang gampanin nito bilang gabay sa kamalayang panlipunan.

Wikang Filipino ang madalas na gamitin sa mga estasyong FM at AM sa mga radyo


sa ating bansa. Kung ang pag-uusapan ay ang mga estasyong pangrehiyunal
gumgamit sila ng mga dayalektong kabilang sa kanilang lugar. Subalit kung may
kakapanayamin wikang Filipino ang ginagamit na midyum ng pag-uusap.

Ang layunin ng paggamit ng radyo ay ang mga sumusunod:

1. Nakapaghahatid ng mga napapanahong balita.

2. Nakapaghahatid ng mga musika napapanahon man o hindi.

3. Nakapaghahatid ng mga talakayan o pulso ng bayan.

4. Nakapagbabahagi ng opinyon hinggil sa isang paksa.

Komentaryong Panradyo

Ayon kay Elena Botkin-Levy Koordineytor, ZUMIX Radio ay ang pagbibigay ng


oportunidad o pagkakataon sa mga kabataan sa pagpapahayag ng kanilang mga
saloobin at opinyon na may kaugnayan sa mga napapanahong isyu o sa isang isyung
kanilang napiling talakayin o pag-usapan.

Ang pagbibigay ng opinyon ayon naman kay Levy ay malaki ang maitutulong sa mga
kabataan upang higit na maging epektibo ang kanilang pagsasalita. Ayon na rin sa

7
kaniya ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong
komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat
ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

Mga dapat tandaan bago sumulat ng isang dokumentaryong panradyo.

1. Magsaliksik ng mga impormasyon.

2. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga detalye


upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat.

3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa.

Sa mga dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino
naman sa mga tabloid.

Ang tabloid ay mas binibili at tinatangkilik ng karamihang pagkaraniwang tao


sapagkat mas madaling unawain at intindihin ang wikang ginagamit dito.

Ang katangian ng isang tabloid ay ang mga sumusunod:

1. Nagtataglay ng mga malalaki at nagsusumigaw na mga headlines na naglalayong


maakit agad ang mambabasa.

2. Karaniwang senseysonal ang nilalaman na naglalabas ng impormalidad.

3. Ang gamit ng mga salita ay hindi pormal.

Narito ang mga Piling Salita / Pahayag sa Larang ng Radyo

airwaves amplifier interference clutter


anawnser feedback open mic FM
backtiming frequency mixing AM

https://quizlet.com/246496132/mahahalagang-termino-sa-radio-
broadcasting-flash-cards/

8
Pagyamanin

Gawain 1.

Sumasang-ayon ka ba sa obserbasyong ito na nananaig na tono ng wika sa mass


media ay impormal at hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo?
Patunayan at palawakin ang iyong sagot sa pamamagitan ng isasagawang
obserbasyon mo sa kalagayan ng wika sa mga sumusunod:

1 Sa isang noon time show o pantanghaliang variety show

_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

(Pamagat ng noon time show o pantanghaliang variety show)

Obserbasyon mo sa ginamit na wika sa programang ito.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

2. Sa isang programang nagbabalita o news public affairs program.

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

(Pamagat ng news public affairs)

Obserbasyon mo sa ginamit na wika sa programang ito.

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

9
3. Sa isang teleserye o telenovela

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

(Pamagat ng teleserye o telenovela)

Obserbasyon mo sa ginamit na wika sa programang ito.

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

4. Sa isang diyaryo o tabloid

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

(Pamagat ng diyaryo o tabloid)

Obserbasyon mo sa ginamit na wika sa pahayagang ito.

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

5. Sa isang programa sa radyo

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

(Pamagat ng programang pangradyo)

Obserbasyon mo sa ginamit na wika sa programang ito.

__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

10
Gawain 2.

Magtala ng tig limang (5) programang pantelebisyon na tungkol sa educational


program, mga alam na istasyon ng radyo na madalas na naghahatid ng balitang
pambansa at mga titulo ng pahayagang tumatalakay sa mga balitang pandaigdig.

IT’S SHOWTIME!!! 1.________________________________________

2.________________________________________

3.________________________________________

4.________________________________________

5.________________________________________

1.________________________________________

2.________________________________________

3.________________________________________

4.________________________________________

5.________________________________________

1.________________________________________

2.________________________________________

NEWS 3.________________________________________

4.________________________________________

5.________________________________________

11
Gawain 3.

Magsilbing isang reporter sa telebisyon, radyo o pahayagan. Magpakita ng isang pag-


uulat hinggil sa napapanahong isyung pangkalusugan at pang-edukasyon. I-video
ang iyong sarili habang nagsasagawa ng isang pag-uulat at ipadala ito sa inyong
guro sa asignaturang Filipino gamit ang messenger. Kung walang internet
connection maaari na lamang isulat ang balita gamit ang angkop at pormal din na
wika.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Kung ito ay video

1. Kinakailangang alalahanin ang kaangkupan ng wikang gagamitin ayon sa balitang


iniuulat

2. Ito ay kinakilangang hindi lalagpas ng tatlong minuto lamang.

3. Magsuot ng naaangkop na pananamit maging ang pag-aayos ng sarili sa


isasagawang pag-uulat.

4. Ikonsidera ang kaangkupan ng lugar. Mas maigi kung ito ay isasagawa na lamang
sa loob ng inyong tahanan. Humanap lamang ng lugar sa inyong tahanan na
tahimik at maayos ang background. (Iwasan ang pag-uulat habang ikaw ay nasa
inyong kusina)

5. Kung lalagyan ito ng background na sound iugnay ito sa haba ng iyong ulat at
tema ng iyong iniuulat.

6. Iwasan ang paligoy-ligoy sa nilalaman ng iyong ulat.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Kahusayan --------------------------------------4 puntos


(Pagtatanghal sa video, sa pagsulat kahusayan naman sa nilalaman nito)

Kaangkupan ng paggamit ng wika----------4 puntos

Kalinawan ng pag-uulat ------------------------2 puntos

KABUUAN--------------------------------------------10 PUNTOS

12
Isaisip

Sagutin ang sumusunod na mga tanong kaugnay sa paggamit ng wika


1. Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo?

__________________________________________________________________________________
Anong wika ang ginamit sa palabas na ito? _____________________________________

Mas madalas ka bang manood ng palabas pantelebisyong

nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles

2. Ano ang pinakapaborito mong istasyon sa radyo ang madalas mong pakinggan?

__________________________________________________________________________________

Anong wika ang ginagamit ng anawanser sa radyo? ____________________________

Mas madalas ka bang makinig ng musikang pangradyo


nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles

3. Kailan ka nagbasa ng dyaryo o magasin?

__________________________________________________________________________________

Ang binasa mo ba ay nakasulat sa


wikang Filipino wikang Ingles wikang Taglish

4. Batay sa mga isinagot mo sa mga tanong, ano sa palagay mo ang sitwasyon o


kalagayan ng wikang Filipino sa iyong sarili at sa inyong tahanan sa
kasalukuyangpanahon?________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Ano naman ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Ingles sa iyong sarili at sa


inyong tahanan? ______________________________________________________________

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

13
Isagawa

MINUTES TO DO!
Bumuo ng isang slogan tungkol sa kahalagahan ng pagtangkilik sa mga palabas sa
telebisyon, at pakikinig sa mga balita sa radyo maging ang pagbabasa ng balita sa
mga dyaryo na magpapataas ng paggamit ng Wikang Filipino.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman -------------------------------------- 4 puntos

Pagkamalikhain-----------------------------------2 puntos

Kaugnayan sa Paksa---- ------------------------2 puntos

Kalinisan---------------------------------------------2 puntos

KABUUAN--------------------------------------------10 PUNTOS

14
Tayain

Hanapin sa loob ng kahon ang mga salitang maaaring makapaglarawan sa mga


sitwasyong pangwika sa telebisyon, radyo at dyaryo. Ihighlight ang mga salitang
iyong nahanap. Binubuo ito ng labinlimang salita.

S A T E L L I T E C O N N E C T I O N

R Z E G H I O O L D S C U Y W H O I O

I F A H J C E E S U X L T R W S A L Y

A N A W N S E R E S C Y R E A A I L S

F E H D C I L E A S G S R S E L B A A

F Z E U F D I A L D E F E E D B A C K

A C N A R F A U G N I L S L E S L S I

C I E C H S A L W B N M E E A S I L N

I M F O R M A L K S E A W T D H T E U

L A S D I O S S L E W C B N K L A I M

B E O L S W I K A N G F I L I P I N O

U W S X E I G L K S A E I O L B M B K

P N E S U Y N E S A R H E A D L I N E

E W B L S X A I R W A V E S E R Y K L

S S T A B L O I D O R R T Y I A S E

C E R T I K V E I B R O A D S H E E T

15
Karagdagang Gawain

# Journal Mo To!

Sagutin ang mga sumusunod na tanong na nakalahad sa ibabang bahagi sa iyong


journal.

1. Kung kapwa palabas sa telebisyon ang paborito mong palabas na banyaga na


matagal mo ng pinakahihintay na maipalabas sa telebisyon at ang teleseryeng
iyong sinusubaybayan, alin sa dalawa ang iyong pipiliin na panoorin? Bakit?

2. Sa iyong palagay, sa paanong paraan maaari pang maitaas ang antas ng paggamit
ng wika lalo na sa mga balita sa radyo, sa telebisyon at sa diyaryong nasusulat sa
Filipino kung saan laganap ang sensasyonalismo?

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_______________________.

16
17
Isaisip
Gawain 1 Subukin
✓ Guro ang 1. a
magbibigay ng
2. b
pagpupuntos.
3. a
Pagyamanin 4. b
Gawain 1 5. a
✓ Guro ang 6. a
magbibigay ng 7. b
pagpupuntos.
8. c
Gawain 2
9. c
✓ Guro ang
magbibigay ng 10.a
pagpupuntos. 11.c
Gawain 3
12.c
✓ Guro ang
magbibigay ng 13.a
pagpupuntos.
14.b
15.a
Balikan /Pagganyak
✓ Guro ang
magbibigay ng
pagpupuntos.
Susi sa Pagwawasto
18
Tayain
Imformal
Lingua Franca
Broadsheet
Tabloid
Karagdagang Gawain
Satellite connection
Gawain 1
Wikang Filipino
✓ Guro ang
Anawnser magbibigay ng
pagpupuntos.
Airwaves
Headline
Public Affairs
Broadcasting
Isagawa
Signal
Gawain 1
Telekomunikasyon
✓ Guro ang
Teleserye
magbibigay ng
Feedback pagpupuntos.
Sanggunian

Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario. Pinagyamang Pluma (2017) Phoenix
Publishing House, INC.

Roberto DL. Ampil PhD., et al. Akademikong Filipino sa Komunikasyong Global


(2010) UST Publishing House. Manila, Philippines

Alcomtiser P. Tumangan et al., Sining ng Pakikipagtalastasan. (2000) Mutya


Publishing House Inc.

Jose A. Arrogante et al. Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. (2009)


National Book Store. Mandaluyong City 1550.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like