Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan –
Modyul 3:
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan
at sa Edukasyon
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

SENIOR HS MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Rosie L. Basilio

Co-Author - Content Editor : Rowena A. Abrique
Co-Author - Language Reviewer : Rowena A. Abrique
Co-Author - Illustrator : Rosie L. Basilio
Co-Author - Layout Artist : Rhenn B. Songco

Team Leaders:
School Head : Loreta Michelle W. Bamba, EdD
LRMDS Coordinator : Rosie L. Basilio

DIVISION MANAGEMENT TEAM:

Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rhenn B. Songco

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of

Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan –
Modyul 3:
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan
at sa Edukasyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino at Ikalabing-isang Grado ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Sitwasyon ng Wika sa Pamahalaan at sa Edukasyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino at Ikalabing-isang Grado ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol
sa Sitwasyon ng Wika sa Pamahalaan at sa Edukasyon!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang makabuo ng mga
sulatin gamit ang wika na nagpapakita sa sitwasyon ng wika sa pamahalaan at sa
edukasyon.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa
kulturang Pilipino (F11PU – IIc – 87)

1
Subukin

Isulat ang T sa patlang kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap at H

naman kung hindi.

_______ 1. Ingles ang pangunahing wikang panturo sa hayskul.

_______ 2. Filipino, wikang panturo sa asignaturang Filipino at Araling
Panlipunan.
_______ 3. Ayon sa Executive Order 210, Filipino ang wikang gagamitin bilang
wikang panturo sa asignaturang English, Matematika at Siyensiya.
_______ 4. Isa sa layunin ng K to 12 ay pataasin ang kalidad ng edukasyon at
paunlarin pa ang ekonomiya ng ating bansa.
_______ 5. Ang mother tongue base ay gagamitin sa pagtuturo sa kinder
hanggang ikaanim na baitang.
_______ 6.Wikang Panturo, ito ay ang opisyal na wika na ginagamit sa pormal
na edukasyon.

_______ 7. Ayon sa Batas Tagapagpaganap Blg. 335 ng 1988, sa utos ng dating

Pangulong Corazon Aquino, Filipino ang magiging opisyal na wika sa
mga transaksiyon at komunikasyon sa iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan.
_______ 8.Ginamit ng dating pangulong si Benigno Aquino III ang Filipino sa
kanyang talumpati, tulad ng SONA.
_______ 9. Ingles ang mainam na wikang gamitin sa mga usaping pulitika gaya
ng pangangampanya.
_______ 10. Nang dahil sa wikang ginagamit ng mga namumuno, nagkakaroon
ng kamalayan ang mga mamamayan sa mga nagaganap at nangyayari
sa pamahalaan.
_______ 11. Ang Filipino at Ingles ay itinuturo bilang magkahiwalay na
asignatura.
_______ 12. Sa pangkahalatan ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at
wikang panturo sa mga paaralan.
_______ 13. Wika rin ang ginagamit ng mga tao upang maipabatid ang mga
opinyon, saloobin at hinaing ukol sa pamahalaan.
_______ 14. Naririnig sa iba't ibang panig ng bansa ang mga mahahalagang
isyu tungkol sa pamahalaan gayundin sa mga namumuno, sa radyo at
telebisyon na may kinalaman sa pulitika.
_______ 15. Nakatutulong ang wika sa mamamayan upang lubos na makilala
ang tamang mamumuno na kanilang ihahalal upang mamamahala at
mamumuno sa bansa at sa bayan.

2
Aralin Sitwasyong Pangwika sa
Pamahalaan at sa
1 Edukasyon

Balikan

Hanapin sa Hanay B ang salita o pahayag na tinutuloy sa Hanay A. Titik

lamang ang isulat sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

________ 1. Tumutukoy sa sistema ng pakikipa-

ugnayan sa mga tao kung saan sila ay A. Texting Capital of the
lumilikha nagbabahagi at World
nakikipagpalitan ng impormasyon at
mga ideya aa isang virtual na
komunidad at mga network.

________ 2. Pangunahing wika sa internet. B. SMS Short Message

Service o Text
________ 3. Isang paraan ng wika na nagagamit C. Ingles
din sa social media at internet,
________ 4.Ang turing sa social media at internet D. Code switching
dahil pinadali ang komunikasyon.
5. Sa dami ng natatanggap at E. Biyaya
ipinapadalang text sa ating bansa kaya
tinagurian ang Pilipinas bilang _____
________ 6. Katawagan na tumutukoy sa mga F. Social Media
salitang balbal na ginagamit para sa
kailangang kaiksian ng mobile phone
text messaging lalo na sa sms
communication protocol.

________ 7. Ito ay isang uri ng social media o G. Blog

social networking site na kung saan ang
mga magkakilala ay maaring mag post

3
ng mga larawan, damdamin,
magkomento at iba pang uri ng
pakikipag komunikasyon.

________
8. Isang paraan ng pag-anunsyo ng H. Internet
produkto o serbisyo sa pamamagitan ng
iba't ibang anyo ng komunikasyong
pang madla.
________
9. Ang modernong pamamaraan ng I. Patalastas
pagsusulat kung saan nagbibigay ng
impormasyon sa pamamagitan ng
internet sa mukha ng mga artikulo na
may iba't-ibang mga partikular na
paksa.
________
10. Isang sistema na ginagamit ng J. Facebook
buong mundo upang mapagkonekta ang
mga kompyuter o grupo ng mga
kompyuter na dumadaan sa iba’t ibang
klase ng telekomunikasyon katulad ng
linya o kable ng telepono, satellites, at
ibang komunikasyon na hindi
gumagamit ng kable(wireless) na kung
saan ang mga iba’t-ibang impormasyon
ay mapaparating at mababasa ng
publiko.

Tuklasin

Basahin at unawaing mabuti ang teksto pagkatapos ay sagutin ang tanong. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan

Wikang Filipino

Ang pambansang wika ng Pilipinas ang wikang Filipino, ito ay may taglay na
malalim, malawak at natatanging kaalaman at karunungan. Kung mahusay nating
magagamit ito sa ating buhay at iba’t iba pang mga aspeto nito ay masasabi ngang
magbubunga ito ng kaunlaran at karunungan. Ang wikang ito na mahiwaga na
nagpababatid ng mga kaalaman ay lalong mabisang maikakasangkapan sa ating

4
pambansang kaunlaran kung ito'y lubos at puspusang pinapairal sa iba't ibang
larangan at disiplina lalo na sa paggamit sa iba't ibang sitwasyong pangwika sa ating
pamahaalan.

Mga sitwasyong pangwika sa pamahalaan:

➢ Ginagamit ang wika sa mga usaping pulitika sa pamamagitan ng

pangangampanya tuwing sasapit ang halalan o eleksyon.
➢ Ginagamit ang wika ng mga namumuno lalo na ang Pangulo ng
Pilipinas sa mga mahahalagang okasyon.
➢ Nang dahil sa wikang gamit ng mga namumuno, nagkakaroon ng
kamalayan ang mga mamamayan sa mga nagaganap at nangyayari sa
pamahalaan o gobyerno.
➢ Nakatutulong ang wika sa mamamayan upang lubos na makilala ang
tamang mamumuno na kanilang ihahalal upang mamamahala at
mamumuno sa bansa at sa bayan.
➢ Naririnig sa iba't ibang panig ng bansa ang mga mahahalagang isyu
tungkol sa pamahalaan gayundin sa mga namumuno, sa radyo at
telebisyon na may kinalaman sa pulitika.
➢ Wika ang ginagamit ng mga namumuno upang mahusay na makipag-
ugnayan sa isa't isa tungo sa maayos na pamamahala at pagpapaunlad
ng bansa.
➢ Wika rin ang ginagamit ng mga tao upang maipabatid ang mga opinyon,
saloobin at hinaing ukol sa pamahalaan.

( Ang impormasyon ay kinuha sa https://brainly.ph/question/419105)

Karagdagang Kaalaman:

Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-aatas sa

lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya at instrumentaliti ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit
ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya,”
naging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng
pamahalaan. Ito ang malaking kontribusyon ni dating Pangulong Cory Aquino sa
paglaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan sahil hanggang sa kasalukuyan ay
nananatili ang mga pinasimulan niyang mga inisyatibo sa paggamit ng wika.

Tulad ng kanyang ina, si Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay rin ng

malaking suporta at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit
niya ng wikang ito sa mahahalagang panayam at sa mga talumpating ibinibigay niya
katulad ng SONA o State of the Nation Address. Sa buong panahon ng kanyang
panunungkulan ay sa Filipino niya ipinararating ang kanyang SONA. Makabubuti
ito para maintindihan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang mga sinasabi. Ito
rin ay nagbibigay ng impresyon sa mga nakikinig na pinahahalagahan niya ang
wikang ito. Maging sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan ay wikang Filipino rin
ang ginagamit subalit hindi rin naiiwasan and code switching lalo na sa mga salitang
teknikal na hindi agad naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino.

5
(Ang datos ay kinuha sa aklat ng Pinagyamang Pluma, Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino nina Alma M. Dayag and Mary Grace G.
del Rosario)

Ayon kay Virgilio Almario (2014) ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas
na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang
wikang maaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong
nakasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.

Gawain: Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:

Pamantayan sa pagmamarka:
5 puntos- napakahusay ng paliwanag (buo at malinaw)
3 puntos- mahusay ang paliwanag (malinaw)
1 punto- may paliwanag bagamat di malinaw

1. Sa paanong paraan nakatutulong ang pagpapalabas ng batas gaya ng kautusan

ng dating pangulong Cory Aquino na atas Tagapagpaganap Blg. 335? Ano ang
maaaring ibunga nito sa ating mga Pilipino?

2. Sa iyong karanasan, masasabi mo bang malawak ang paggamit ng wikang

Pilipino sa ating pamahalaan? Magbigay ng patunay.
3. Sa iyong palagay, bilang isang pangulo, paano niya maipapakita ang pagsuporta
sa wikang Pilipino?

Suriin

Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon

Ang wikang panturo naman ang opisyal sa wikang ginagamit sa pormal na

edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan
at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.

“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng

Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon” Saligang Batas ng 1987,
Art.XIV, Sek.7.

6
Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang
panturo sa mga paaralan. Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue
o unang wika ng mga mag- aaral ay naging opisyal na wika mula Kindergarten
hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinawag itong
MotherTongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).

Ayon sa dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Bro. Armin Luistro,

FCS, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng
pag- aaral ay makatutulong na mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral
at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo- kultural.” May 19 na wika
at dayalekto na itinadhana ng DepEd: Tagalog 2. Kapampangan 3. Pangasinense 4.
Chavacano 5. Ilokano 6. Bikol 7. Cebuano 8. Hiligaynon 9. Waray 10. Tausug n 11.
Maguindanaoan 12. Meranao 13. Ivatan 14. Sambal 15. Aklanon 16. Kinaray-a 17.
Yakan 18. Surigainon 19. Ybanag

Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa paaralan. Ang

magiging pokus ng Kindergarten at unang baitang ay katatasan sa pasalitang
pagpapahayag. Sa Grade 2 hanggang Grade 6 ay bibigyang diin ang iba’t iba pang
component ng wika tulad ng pagpapakinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.
Sa mataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang pangunahing wikang panturo
o medium of instruction.
(Ang datos ay kinuha sa https://www.slideshare.net/REGie3/wikang-opisyal-at-
wikang-panturo-151027890)

Gawain:

A. Punan ang kahon sa kanan ng wikang ginagamit bilang panturo sa

mga sitwasyon na nasa kaliwa.

Sitwasyon Wikang Panturo

Baitang 1 hanggang 3

Baitang 4 hanggang 6

Hayskul

Pagtuturo ng Siyensya at Matematika

Pagtuturo ng Araling Panlipunan

7
B. Sang-ayon ka ba sa paggamit ng unang wika o Mother Tongue Based
Language (MTBL) bilang wikang panturo mula sa Kindergarten
hanggang baitang III batay sa K-12 Basic Education Program?

Pamantayan sa pagmamarka:
10 puntos- napakahusay ng katwiran (buo at malinaw)
8 puntos- mahusay ang pangangatwiran (malinaw)
5 puntos- may katwiran bagamat di malinaw

(Pangatwiranan ang iyong sagot)

________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

Pagyamanin

A. Punan ng tamang sagot ang patlang.

1-2. Sa pangkalahatan nga ay ______________ at _______________ ang mga opisyal na

wika at wikang panturo sa mga paaralan.
3. Ang ____________________ ang gagamiting wika bilang panturo mula sa kinder
hanggang sa ikatlong baitang.
4. ______________ ang opisyal sa wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
5. May _________na wika at dayalekto na itinadhana ng DepEd bilang pantulong na
mga wikang opisyal sa mga rehiyon.
6-8 Wikang Ingles ang gagamiting panturo sa mga asignaturang
_______________________, ____________________________ at _______________________.
9. Ang katumbas na kahulugan ng mother tongue ay ___________________________.
10. __________________________ Kautusan na nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan, opisina, ahensiya at instrumentaliti ng pamahalaan sa paggamit ng
wikang Pilipino.

8
B. Magbigay ng limang magandang dulot o adbentahe ng paggamit Wikang Filipino
sa paaralan at pamahalaan.

1. ______________________________________________________________________________

2. ______________________________________________________________________________

3._______________________________________________________________________________

4._______________________________________________________________________________

5._______________________________________________________________________________

Isaisip

A. Gamit ang graphic organizer dugtungan ang mga sumusunod na pahayag:

Sitwasyon
ng wika

Ang Ang
kasalukuyang kasalukuyang
sitwasyon ng sitwasyon ng
wika sa wika sa
pamahalaan ay edukasyon ay

________________ ________________

Sadyang mahalaga ang wika

sa pamahalaan at sa
edukasyon
sapagkat_____________________
______________________________

9
Pamantayan sa pagmamarka:

5 – napakahusay ng pagpapaliwanag (buo at malinaw)

4 – mahusay ang paliwanag (malinaw)
3 – bahagyang mahusay ang pagpapaliwanag
2 - hindi malinaw ang paliwanag

Isagawa

A. Sa iyong palagay kalian dapat gumamit ng wikang Ingles ang mga

Pilipino, at kalian dapat gumamit ng wikang Filipino? Magbigay ng mga
tiyak na sitwasyon.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

B. Para sa iyo, epektibo bang naipatutupad ang batas o proklamasyon

tungkol sa wika. OO o hindi, ipaliwanag ang sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pamantayan sa pagmamarka:
5 – napakahusay ng pagpapaliwanag (buo at malinaw)
4 – mahusay ang paliwanag (malinaw)
3 – bahagyang mahusay ang pagpapaliwanag
2 - hindi malinaw ang paliwanag

10
Tayahin

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kalagayan ng wika sa

kasalukuyang panahon. Magbigay ng sariling pamagat.

Pamantayan sa Paggawa ng Sanaysay:

Pamantayan Lubos na Mahusay (10) Kailangan pang

Mahusay (15) Magsanay (5)
Malinaw at Maayos ang Walang kaayusan
Wasto at Maayos maayos ang kabuuan ng ang mga
ang Datos paglalahad ng mga paglalahad. impormasyon.
impormasyon.
Lubhang Makabuluhan ang Hindi
Epekto ng makabuluhan ang mensahe. makabuluhan ang
Mensahe mensahe. mensahe.

Kalinawan ng Lubhang malinaw Malinaw ang Hindi malinaw ang

Sinasabi ang mensahe at mensaheat mensahe at
pananalitang pananalitan pananalitang
ginamit. gginamit. ginamit.

11
Karagdagang Gawain

Bilang isang mag-aaral, maglahad ng karanasan o sitwasyon na

nagpapatunay na mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa paaralan at sa
pamahalaan.

Pamantayan sa pagmamarka:

10 –maayos ang malinaw ang pagkakalahad ng karanasan

8 – malinaw ang pagkakalahad ng karanasan
4 – bahagyang malinaw ang pagkakalahad ng karanasan
2 - hindi malinaw ang pagkakalahad ng karanasan

12
13
Karagdagang
Gawain: Tayahin:
Isagawa:
May pamantayang May pamantayang ibinigay depende sa
May pamantayang
ibinigay depende sa sagot ng mag-aaral.
ibinigay depende sa
sagot ng mag-aaral.
sagot ng mag-aaral.
Balikan:
Suriin 1.F Subukin:
2. C
1.mother tongue Tuklasin: 3.D 1.T
2.Filipino at Ingles 2.T
4. E
3. Filipino at Ingles May pamantayang 3.M
5. A
4. Ingles ibinigay depende 4.T
6.B 5.M
5.Felipino sa sagot ng mag-
7.J 6.T
B. Depende sa aaral.
8. I 7.T
sagot ng mag-aaral.
9. G 8. T
10.H 9.M
10.T
11.T
12.T
13.T
14.T
15.T
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
DepEd (2016). K to 12 Curriculum Guide. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

DepEd K-12 Most Essential Learning Competencies (MELC)

Alma M. Dayag, M. G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Filipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, INC.

Google.com

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,

Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like