Ap2 - q2 - Mod5 - Pagsulong NG Natatanging Pagkakakilanlan NG Komunidad

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

2

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Pagsulong ng Natatanging
Pagkakakilanlan ng Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagsulong ng Natatanging Pagkakakilanlan ng
Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat/ Tagalapat: Hersa F. Huet
Editor: Lamberto F. Gamurot, PhD
Tagasuri: Bobby P. Caoagdan, EdD
Allan T. Manalo, EdD
Tagaguhit/ Tagalapat: Anibay F. Santos
Hersa F. Huet
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD
Librada M. Rubio, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor R. Nuesca, EdD
Angelica M. Burayag, PhD
Paulino D. De Pano, EdD
Bobby P. Caoagdan, EdD
Helen R. Bose, EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Pagsulong ng Natatanging
Pagkakakilanlan ng Komunidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Pagsulong ng Natatanging
Pagkakakilanlan ng Komunidad.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa patnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon
sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pagsulong ng Natatanging Pagkakakilanlan ng Komunidad.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para


sa patnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang


makapagbibigay ng mga inisyatibo at proyekto na
nagsusulong ng natatanging pagkakakilanlan ng
komunidad.

1
Subukin

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang masayang


mukha kung ang gawain ay makatutulong sa
pagsulong ng natatanging pagkakakilanlan ng
komunidad at malungkot na mukha naman kung
hindi.

________1. Aktibong partisipasyon sa mga tradisyunal


na pagdiriwang sa komunidad.

________2. Pagpapanatili ng nakagisnang kultura at


tradisyon sa komunidad.

________3. Pagtangkilik sa sariling produkto.

________4. Pangangalaga sa likas na yaman upang


mapanatili ito.

________5. Pagyayabang ng mga produkto sa


komunidad.

2
Aralin Pagsulong ng Natatanging

1 Pagkakakilanlan ng
Komunidad
Maisusulong ang natatanging pagkakakilinlan ng
isang komunidad kung ang bawat mamamayan dito ay
nagkakaisang maisakatuparan ang magaganda at
kapakipakinabang na mga proyekto at programa na
makapagpapaunlad sa buhay ng mga tao.

Balikan

Panuto: Suriin ang bawat gawain. Isulat ang tsek sa


iyong sagutang papel kung ang gawain ay
makatutulong sa pagsulong ng natatanging
pagkakakilanlan ng komunidad at ekis naman kung
hindi.

_______1. Pagbili ng produkto at pagkain na gawa sa


sariling komunidad.
_______2. Pagtapon ng basura kahit saan
_______3. Pag-iwas sa mga programa ng komunidad.
_______4. Pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.
_______5. Pagpapanatili at pangangalaga ng mga likas
na yaman.

3
Mga Tala para sa Guro
Ang aktibong pakikilahok ng mga
mamamayan sa mga proyekto at gawain ay
makatutulong sa pagpapaunlad at pagsusulong ng
natatanging pagkakakilanlan ng komunidad.

Tuklasin

Hindi ba’t nalaman Alin sa dalawang


mo sa nakaraang larawang ito ang
aralin ang mga makatutulong sa
natatanging pagsulong ng
pagkakakilanlan ng pagkakakilanlang ito?
isang komunidad?

4
Nabanggit sa unang aralin ang mga katangian ng
isang komunidad na sumasagisag sa pagkakakilanlan
nito. Isa sa katangiang ito ay ang mga natatanging likas
na yaman na makikita sa komunidad.
Paano mo mapapangalagaan ang mga likas na
yamang ito?
Isang halimbawa ng pangangalaga sa anyong tubig
ay ang hindi pagtatapon ng basura sa mga sapa, ilog, at
dagat. Ito ay isang paraan na maaaring gawin ng bawat
isa, lalo na ang mga mamamayan na naninirahan
malapit dito.

Suriin

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng proyekto o


mungkahing gawain na makatutulong sa pagsulong ng
natatanging pagkakalinlan ng isang komunidad.

 Pangangalaga sa mga likas na yaman


Mahalaga ang mga natatanging anyong tubig o
lupa sa komunidad. Ngunit kapag hindi pinahalagahan
ang kalinisan at kaayusan ng mga ito, maaring masira o
mawala ang mga ito.
Ilan sa mga programa na
nagsusulong sa pangangalaga
ng mga likas na yaman ang
Clean and Green Program at
Sagip Kalikasan.
Ang mga gawain sa mga
programang ito ay ang
pagpapanatili ng kalinisan ng

5
kapaligiran, tamang pagtapon
ng basura, pagtatanim ng mga
puno o halaman sa mga
nakakalbong kagubatan, pag-
iwas sa pagputol ng mga puno,
paglilinis sa mga anyong tubig
at pag-iwas sa paggamit ng
dinamita sa pangingisda.

 Pagpapahalaga sa mga tradisyon, kultura at


produkto sa komunidad
Mayaman sa kultura at tradisyon ang bawat
komunidad na nagpapakilala sa mga ito. Nararapat
lamang na ipagpatuloy at huwag limutin ang
nakagisnang kultura at tradisyon.
Marami sa mga komunidad
ay nagsasagawa ng mga
pagdiriwang para
maipagmalaki ang kanilang
produkto. Sa mga pista,
karaniwang inilalahok sa
parada ang masining na
presentasyon ng kanilang
produkto.
May mga pagdiriwang din
na may paligsahan ng
pagluluto ng pagkain na
nagpapakilala ng malalim
na kultura ng kanilang
komunidad. Sa
pamamaraang ito
maipapakita ang
pagmamalaki at
pagtangkilik sa sariling
produkto ng komunidad.

6
Bilang bahagi ng komunidad kailangan din ang
pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamayan sa
pagsasagawa ng mga gawain na nagsusulong ng
natatanging pagkakakilanlan ng sariling komunidad.

Pagyamanin
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang
sagot na maaring maging resulta ng mga sumusunod na
gawain.

1. Tamang pagtapon ng basura


a. Magiging malinis ang kapaligiran
b. Magiging makalat ang kapaligiran
c. Magkakaroon ng polusyon sa hangin
d. Magiging makulay ang kapaligiran

2. Pagtangkilik sa sariling produkto


a. Magiging masarap ang mga produkto
b. Magiging mayaman ang mga nagtitinda
c. Uunlad ang ekonomiya ng komunidad
d. Uunlad ang paaralan

3. Hindi paggamit ng dinamita sa pangingisda


a. Mapapangalagaan ang yamang tubig
b. Mapapangalagaan ang yamang lupa
c. Mapapangalagaan ang yamang lupa at tubig
d. Maiiwasan ang polusyon sa hangin

4. Pagtatanim ng puno sa nakakalbong kagubatan


a. Magiging malinis ang kagubatan
b. Darami ang mga isda

7
c. Mapapalitan ang mga pinutol na puno
d. Darami ang mga hayop sa kagubatan

5. Pakikilahok sa mga pagdiriwang sa komunidad


a. Magiging tahimik ang komunidad
b. Naipagpapatuloy ang tradisyon ng komunidad
c. Makalilibot sa ibang lugar
d. Maipagyayabang ang komunidad

Isaisip

Ano-ano ang mga mungkahi o proyekto na


nagsusulong ng natatanging pagkakakilanlan ng
komunidad?

Ang mga mungkahi o gawain na nagsusulong ng


natatanging pagkakakilanlan ng komunidad ay ang
Clean and Green Program, Sagip Kalikasan, pagtangkilik
sa sariling produkto, aktibong partisipasyon sa mga
tradisyunal na pagdiriwang sa komunidad, pagpapanatili
ng nakagisnang kultura at tradisyon sa komunidad.

8
Isagawa

Panuto: Pumili ng isa sa mga proyekto sa inyong


komunidad. Iguhit kung paano ito isinasagawa ng inyong
komunidad. Isulat sa ibaba ng larawan ang magandang
dulot nito sa komunidad. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

Tayahin

Panuto: Pumili ng isa sa mga gawain na nasa larawan.


Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ukol sa
larawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Gabay na tanong:
Nakatutulong ba ito sa pagsulong ng natatanging
pagkakakilanlan ng komunidad? Bakit?

Pangingisda gamit ang lambat Pagwawalis ng bakuran

Pagtatanim ng mga halaman

9
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng


mga proyekto o programang pangkomunidad upang
maisulong ang natatanging pagkakakilanlan nito. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

Halimbawa ng poster na gagawin:

Rubrik sa Paggawa ng Poster

Mga 4 3 2 1
Krayterya
Pagka- Lubos na Naging Hindi Walang
Malikhain nagpakita malikhain gaanong ipinamalas
ng sa naging na
pagkama- paggawa malikhain pagkama-
likhain sa sa likhain sa
paggawa paggawa paggawa

10
Mga 4 3 2 1
Krayterya

Kaangku- Ang Ang Ang Ang


pan sa buong buong buong buong
Paksa poster ay poster ay poster ay poster ay
nakapag- nakapag- kulang sa walang
bigay ng bigay ng impormasy impormas-
kumpleto, wastong on tungkol yon
wasto at impor- sa tungkol sa
mahala- masyon pagtang- pagtangki-
gang tungkol sa kilik sa lik sa
impormasy pagtang- sariling sariling
on tungkol kilik sa produkto produkto
sa sariling ng komuni- ng komuni-
pagtang- produkto dad dad
kilik sa ng
sariling komuni-
produkto dad
ng komuni-
dad
Presentas- Naging Naging Hindi Hindi
yon malinis at maayos naging naging
maayos ang maayos malinis at
ang pagkaka- ang walang
pagkaka- gawa ng pagkaka- kaayusan
gawa ng poster gawa ng ang
poster poster paggawa
ng poster

11
12
Subukin Balikan Pagyamanin Isagawa
1. 1. / 1.a Ang mga
2. 2. X 2.c iguguhit ay
3. 3. X 3.a base sa
4. 4. /
4.c proyekto o
5 5. /
5.b programa sa
komunidad
Tayahin Karagdagang Gawain
Pangigisda gamit ang lambat Gamitin ang rubrik
Makakatulong ang paggamit ng sa pagtataya ng
lambat sa pangingisda sapagkat poster.
dahil mapapanitili ang kaayusan ng
mga kilalang anyong tubig sa
komunidad.
Paglilinis ng Kapaligiran
Makatutulong ang paglilinis ng
kapaligiran dahil mapapanatili ang
kalinisan ng komunidad gayundin
ang mga kilalang anyong lupa sa
komunidad.
Pagtatanim ng mga puno
Makatutulong ang pagtatanim ng
mga puno dahil mapapanatili at
maiingatan ang mga kilalang anyong
lupa kagaya ng kabundukan at
kapatagan sa komunidad.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Admin, Guro. "Most Essential Learning Competencies (Melcs)-Complete Files - Guro Ako". Guro Ako,
2020. http://guroako.com/2020/06/02/most-essential-learning-competencies-melcs-completefiles/.

Gloria Cruz. Charity Capunitan, Emelita Dela Rosa, and Leo Arrobang. "K TO 12 GRADE 2
LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN". Slideshare.Net, 2013.
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-2-learning-material-in-araling-panlipunan.

Edmond Lozano. "Suliraning Pangkapaligiran At Programa Nito". Slideshare.Net, 2019.


https://www.slideshare.net/edmond84/suliraning-pangkapaligiran-at-programa-nito.

Christopher Madrigal. Pagsulong At Pagbabago, Komunidad 2 (Edisyong K-12). Reprint, Makati


City,Philippines: Diwa Learning System Inc., 2014.

Edna Severo. Araling Panlipunan 2 Kagamitan Ng Mag-Aaral Sa Kapampangan. 1st ed. Reprint,
Pasig City, Philippines: Department of Education- Bureau of Elementary Education, 2013.

Agatha Tugano. "Oplan Sagip Kalikasan". Prezi.Com, 2015. https://prezi.com/2vnck2ffswhv/oplan-


sagip-kalikasan/.

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like