EMCOTECH Malayuning Komunikasyon Learner's Manual

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Jomel T.

Munar, MAED

Malayuning Komunikasyon

EASTERN MINDANAO COLLEGE OF TECHNOLOGY | Mercedes St., San Jose


District Pagadian City
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Introduksyon 2
Introduksyon para sa Kurso 2
Modyul 1 : Prelim 3
Mga proseso, prinsipyo, at etika ng komunikasyon 3
Komunikasyon at Globalisasyon 5
Komunikas-yong lokal at global sa multikultural na setting 7
Mga varayti at register ng wikang pasalita at pasulat 8
Modyul 1 : Prelim Eksam 9
Modyul 2 : Midterm 10
Ebalwasyon sa mga mensahe at/o mga imahen Ano ang mensahe? 10
Ano ang layunin ng mensahe? 10
Paano ipinarating ang mensahe sa teksto at/o imahen? 10
Sino ang target na audience ng mensahe? 11
Ano ang iba pang paraang magagamit sa presentasyon ng mensahe? 11
Mga pantulong at estratehiya sa komunikasyon gamit ang teknolohiya 13
Modyul 2 : Midterm Eksam 17
Modyul 3 : Final 18
Komunikasyon sa iba’t ibang layunin: 18
Makakuha, makapagbigay, at makapagpala-ganap ng impormasyon 18
Komunikasyon para sa trabaho 20
Komunikasyon para sa layuning akademiko 23
Modyul 4 : Final Eksam 31
Rubriks 32
Sanggunian 36

INTRODUKSYON

Ang Malayuning Komunikasyon ay isang kursong may tatlong yunit na naghahasa sa kahusayan sa
pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral at nagpapataas sa kanilang kamalayang kultural at interkultural sa
pamamagitan ng mga gawaing multimodal na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa sa mabisa at wastong
pakikipagkomunikasyon sa isang multikultural na audience sa lokal at global na konteksto. Inihahanda nito ang mga

1
mag-aaral sa pamamagitan ng mga kagamitan sa pagsasagawa ng mapanuring ebalwasyon sa iba-ibang teksto at
tumutuon sa kapangyarihan ng wika at sa impak ng mga imahen upang mabigyan ng diin ang kahalagahan ng
maingat na pagpaparating ng mensahe. Ang matatamong kaalaman, kasanayan, at kamalayan ng mga mag-aaral
mula sa kurso ay maaaring magamit sa kanilang pagsisikap sa akademya, sa kanilang napiling disiplina, at sa
kanilang mga propesyon sa hinaharap sa pamamagitan ng paggawa ng mahahalagang komposisyong pasalita,
pasulat, audio-visual at/o web-based para sa iba’t ibang layunin.

INSTRODUKSYON PARA SA KURSO

Ang kursong ito ay umaangkop sa Blended Learning Modality ng bawat mag-aaral ay dapat dumalo sa mga
klase sa online at isusumite ang kanilang awtput at ipakita ang parehong online o sa pamamagitan ng paunang
naitala na paraan. Kung sakaling ang mga pangyayari ay nangangailangan ng mga mag-aaral na dumalo sa isang
pisikal na klase, may iskedyul sila ng grupo na napapailalim sa mga protocol ng kalusugan at seguridad na
ipinatutupad ng paaralan.

Tulad ng Manwal ng Learner na ito ay inihanda upang mapadali ang paghahatid ng kursong ito. Ang mga
sumusunod na simbolo ay gagamitin upang makilala ang mga yugto ng pag-aaral.

SIMBOLO:

Bidyu na Materyales Babasahin Pagsusulit/Aktibidad

Online na Pagkatuto Harap-Harapang Pagkatuto

Sariling Pagkatuto Major Eksam

Ang lahat ng mga materyales {Mga Aktibidad, Mga Materyal sa Pagbasa at Mga Materyales ng Bidyu} ay
magagamit na sa folder na ibinigay, pati nadin sa link na ibinigay.

Modyul 1 : Prelim
1. Mga proseso, prinsipyo, at etika ng komunikasyon
2. Komunikasyon at Globalisasyon
3. Komunikas-yong lokal at global sa multikultural na setting
4. Mga varayti at register ng wikang pasalita at pasulat

Bidyu Materyals
Mga proseso, prinsipyo, at etika ng komunikasyon
https://bit.ly/2ObAtDA

2
Komunikasyon at Globalisasyon
https://bit.ly/2ZgytA4
Mga varayti at register ng wika
https://bit.ly/3iPntl2
https://bit.ly/3fgTkcb

1. Mga proseso, prinsipyo, at etika ng komunikasyon

MGA SANGKAP/ ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON


Ang mga Sangkap/Elemento ng Komunikasyon
 Tagahatid/enkoder
 Mensahe
 Mga Tsanel
 Tagatanggap/dekoder
 Ganting mensahe o feedback
 Mga hadlang/barriers
 Sitwasyon o Konteksto
 Sistema
1. Tagahatid/ Enkoder -nagpapadala o ang pinagmumulan ng mensahe -bumubuo samensahe -nagpapasya
sa layunin
2. Mensahe - ang ipinadadalang salita
3. Tsanel -daluyan ng mensahe -verbal o di verbal
4. Tagatanggap/dekoder -tumatanggap sa mensahe -nag-iinterpret o nagbibigay kahulugan sa mensahe
5. Ganting Mensahe o feedback -proseso sa pagbabalikan ng mensahe -ang patuloy na paghahatid ng
mensahe sa bawat panig ng kasangkop sa komunikasyon
6. Mga Hadlang o barriers -tagahatid -mensahe -tsanel -katayuan -lugar -edad
7. Sitwasyon o Konteksto - pinakamahalang elemento
8. Sistema - nangangahulugan sa relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng proseso ng
komunikasyon

Mga Prinsipyo ng Komunikasyon

3
Ang komunikasyon ay ang dalawahang proseso ng pagtanggap at pagkuha ng impormasyon mula sa iba’t ibang tao,
lugar, o pinanggagalingan (sources o channels). Ilan sa mga halimbawa ng prinsipyo ng komunikasyon ay ang mga
sumusunod:

 Alamin o kilalanin ang iyong tagapakinig;


 Alamin o kilalanin ang iyong sadya o nais na ipabatid;
 Alamin ang iyong topic;
 Asahan ang mga pagtuligsa o mga taliwas na opinyon;
 Ipakita ang kabuuan;
 Gawing mas kapani-paniwala ang sarili sa iyong mga tagapakinig;
 Huwag paputol putol;
 Magkaroon ng koneksyon sa iyong tagapakinig;
 Magpakita ng impormasyon sa iba’t ibang pamamaraan;
 Magisip ng isang magandang paraan upang makuha ang opinyon ng iyong tagapakinig; at,
 Gumamit ng iba’t ibang paraan ng komunikasyon.

Maliban sa mga nabanggit, mayroon ding tatlong paraan ng komunikasyon kung saan maaaring i-apply ang mga
nabanggit na prinsipyo. At ito ay ang mga sumusunod:

 Verbal
 Non-verbal
 Biswal

Komponent ng Komunikasyon

Ngayong alam na natin ang mga prinsipyo at iba’t ibang uri ng komunikasyon, atin ring dapat alamin ang mga
bagay na bumubuo sa komunikasyon o mga komponent nito. Ang mga ito ay ang sumusunod:

 Konteksto
 Tagahatid / Encoder
 Mensahe
 Ginamit na medium sa komunikasyon
 Tagatanggap / Decoder
 Feedback o ang sagot o reaksyon ng tagatanggap ng mensahe

4
Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/y4d4tdop
Ipasa sa link na ito: https://tinyurl.com/y558ar8h

2. Komunikasyon at Globalisasyon

Sa tulong ng globalisasyon, mas madadagdagan ang kaalaman ng mga tao tungo sa edukasyon ukol sa
komunikasyon. Mapapaigi ang konunukasyon ng mga tao at ang oportunidad na makapag aral ng ibang lengwahe.
Ang kultura ng mga karatig bansa ay lalong mapagbibigyan ng pansin uoang maibahagi ng kaga dahan nito sa
bansa. Tataas ang kredibilidad ng mga tao dahil mas matututunan ang lunggwahe at kultura ng dayuhan na
magbubunga ng kaalaman. Ngunit sa pagbubukas ng bansa sa iba pang bansa, at ang kamalayan ng mamayan dito
ay maaring magdulot ng negatibong epekto. Maaring masilaw ang mga mamamayan at mag laan na lamang ng
pokus sa ibang kultura. Sa pagusbing ng teknolohiya, mas malilimitahan ang komunikasyon at mas mananaig and
"virtual reality" o ang buhay sa social media.

Ang globalisasyon ay nauugnay sa komunikasyon, politika, ekonomiya, paglalakbay at popular na kultura sa


pamamagitan ng mga sumusunod:

 Sa komunikasyon: Napapadali ng globalisasyon at teknolohiya ang proseso ng komunikasyon dahil


napapabilis ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao at ibang bansa sa pamamagitan ng cellphone, social media
(kagaya ng Facebook) at messaging apps (kagaya ng Viber).

 Sa politika: Nagiging mas madali at mas malawak ang interaksyon at integrasyon ng mga pinuno mula sa
iba't ibang bansa dahil sa konsepto ng globalisasyon. Ang halimbawa na lamang nito ay ang ASEAN
(Association of Southeast Asian Nations) kung saan nagpupulong ang mga miyembro ng ASEAN at mga
dialogue partners upang pag-usapan at solusyonan ang mga isyu sa rehiyon.

 Sa ekonomiya: Napapadali ang pag-usbong ng ekonomiya dahil sa lumalawak na globalisasyon kung saan
isa sa mga epekto nito ay ang pagdami ng OFW na nagpapataas ng GNP o Gross National Product ng isang
ekonomiya kagaya ng Pilipinas. Bukod dito, napapalago rin ng pagsulpot ng mga multinational companies
at transnational companies ang demand at ekonomiya sa isang bansa.

5
 Sa paglalakbay: Mas maraming tao ang nabibigyan ng pagkakataong maglakbay dahil mas madali na ang
pagbisita sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga "low-cost airlines" na nagiging susi upang makarating
ang mga tao sa iba't ibang bansa.

 Sa popular na kultura: Mas nagiging pamilyar ang mga mamamayan sa media at balita ng ibang bansa dahil
sa mga foreign TV channels, foreign TV series, Youtube, etc.

 Ngayon, ang pagharap ng hamon ng globalisasyon ay kailangang pagtuunan ng pansin upang matugunan
ang mga negatibong epekto ng natural na katangian ng globalisasyon.

3. Komunikasyong lokal at global sa multikultural na setting

Ayon sa mga natatalakay ng mga taga-ulat ang keksyong ito aynababanggit naman ang globalisasyon. Sapagkat ito
ay mahalaga sa isangkomunidad. Lalong-lalo na sa buong sanlibutan na dapat malaman natin ang kultura ng bawat
isa. At ito’y tumutukoy sa mga multi-kultural dahil sa iba’t-ibang kultura ang ating nakikita sa bawat tao. Ang
kultura na kahusayan ay sa pag-alam kung kalian makikinig kung kailan hihingi ng tulong, at panghuli kungkailan
magsalita mayroon pa pala kung kailan makikinig. Sapagkat kung sabihinnatin ang mundo ng dibersidad. Kahit saan
mang sulok o parte ng ating mundongkinabibilangan. Saan mang bukirin tayo nabibilang o napadpad. Iba-iba ang
atingkultura, paniniwala at pananalita. Tayo man ay mga subanen at ano pang mga pananalita ngunit sa bawat isa sa
atin pinaunlas natin ang ating buhay at ang ating kultura. Sa madaling salita diversity ay nangangahulugang
kaibahan ng bawat indibidwal o bawat pangkat. Ang bawat indibidwal ay umunlad dahil sa tulong ng teknolohiya.
Ito’y may mahalagang naiambag sa bawat isang nilalang. Magkaiba man ang ating kultura mahalaga parin ang
respitosa iba. Ang mga iba’t-ibang teknolohiya ang napagkaisa sa mga mundo at sangkatauhan ngunit
hindinatanggal ng teknolohiya ang ating dibersidad. 

6
Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/y4d4tdop
Ipasa sa link na ito: https://tinyurl.com/y558ar8h

4. Mga varayti at register ng wikang pasalita at pasulat

Ang Register ay isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Ito ay mas
madalas nakikita o nagagamit sa isang partikular na disiplina. Ang Barayti ng wika ay nag-uugat sa mga
pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba
pa. 

Dinamiko ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-ibang rehistro batay sa konteksto ng paggamit nito at kung sino
ang gumagamit nito. Sa pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika ayon sa:
 Tono
 Paksa
 Paraan o paano nag-uusap

Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse)


Ito ay naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap. (para kanino)

Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse)


Ito ay batay sa larangan na tinatalakay at ss panahon. (layunin)

Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse)


Ito ay pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.

BARAYTI NG WIKA
Maraming mga halimbawa ng barayti. Narito ang ilan:
 Diyalek
 Sosyolek
 Idyolek
 Pidgin

7
 Creole

Diyalek
Ito ay ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ang
diyalekto ang wikang ginagamit sa isang rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.

Sosyolek
Sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay
ito sa mga pangkat-etniko. Ang sosyolek ay maaari ding may legal na rehistro na tinatawag na jargon.  Ang jargon
ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.

Idyolek
Ito ay ang mga indibidwal na paraan/ istilo ng paggamit ng wika

Pidgin
Ito ay tinatawag sa English bilang ang "nobody’s native language". Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na
tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng
kumbersasyong makeshift.

Creole
Ito ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized).
Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nagangkin ng wikang ito.

Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/y4d4tdop


Ipasa sa link na ito: https://tinyurl.com/y558ar8h

Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/y5o6uue3


Ipasa sa link na ito: https://tinyurl.com/y3whxxsw

8
Modyul 2 : Midterm
1. Ebalwasyon sa mga mensahe at/o mga imahen (hal. mga retrato, ilustrasyon) sa iba’t ibang uri ng teksto na
nagpapagkita ng iba’t ibang kultura (rehiyonal Asiano, Kanluranin, atbp).
 Ano ang mensahe?
 Ano ang layunin ng mensahe?
 Paano ipinarating ang mensahe sa teksto at/o imahen?
 Sino ang target na audience ng mensahe?
 Ano ang iba pang paraang magagamit sa presentasyon ng mensahe?
2. Mga pantulong at estratehiya sa komunikasyon gamit ang teknolohiya

1. Ebalwasyon sa mga mensahe at/o mga imahen

A. Ano ang mensahe?

 Ang kahulugan ng mesahe ay ang komunikasyon, ang kominikasyon ay isang proseso ng


pagpapadala at pagtanggap sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring di-berbal o
berbal. 

B. Ano ang layunin ng mensahe?


 
 Ang proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pagpapalitan ng ideya, impomasyon,
karanasanat mga saloobin.
 Isang sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya at kaalaman ng
isangtao sa kanyang kapwa tao.
 Isang likas na minanang gawaing panlipunan na nagbabagu-bago kasabay ng pamumuhay
ng taoo pangkat ng mga tao at ng panahon.

C. Paano ipinarating ang mensahe sa teksto at/o imahen?

 Maglahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng


mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa
manunulat.
 Mga pahayag na makaakit sa damdamin at isipan ng mambabasa
 Mga pangangatwirang hahantong sa isang lohikal na konklusyon

D. Sino ang target na audience ng mensahe?

9
 Ang iyong pinakamahalagang madla ay ang taong maaaring gumawa ng iyong layunin isang
katotohanan - ang gumagawa ng desisyon. Ito ang taong ang pag-uugali ay direktang
nakakaapekto sa iyong layunin. Posibleng maabot ang mga ito nang direkta, o hindi direkta sa
pamamagitan ng mga taong pinakikinggan nila sa pinaka - ang mga influencer.

E. Ano ang iba pang paraang magagamit sa presentasyon ng mensahe?

i. Magsalaysay ng isang kwento


 Ang mga kwento ay mas kaakit-akit kaysa sa katotohanan dahil ito’y nakakaaliw para sa atin.

ii. Magtanong sa mga Mahahalagang Sandali


 Ang isang tanong ay nakakabasag sa ritmo ng iyong tipikal na presentasyon, at nakakatulong na
tandaan na ang sinasabi mo ay mahalaga. 

iii. I-ayos Ang Iyong Presentation sa 3 Malilinaw na Punto


 Sa ganitong paraan, mas madali mong matatalakay at maibubuod ang nilalaman ng iyong
presentasyon sa dulo. Halaga, tala-orasan, bunga. Problema, mungkahi, solusyon. Simula, gitna, at
wakas. Tandaan lang na hatiin sa tatlo.

iv. Ugaliing Magpatawa


 Ang katatawanan ang nagpapaikot sa mundo. At totoo rin ito sa mundo ng pagnenegosyo. Sa dulo
ng araw, walang gustong makipagtrabaho sa isang bugnot na tao.

v. Disenyuhan ang PowerPoint upang Makapanghikayat, Hindi Makagambala


 Disenyuhan ang PowerPoint ng may layunin. Hindi isang PowerPoint na pupunuan lamang ang
pader sa iyong likod. O isang PowerPoint na inuulit ang iyong presentasyon sa bullet-point format.
Ang mga ganitong uri ng PPT ay walang silbi.

vi. Huwag Magbasa Mula Sa Iyong Mga Slides


 Ang pagbabasa mula sa isang slide na nakikita naman ng lahat sa silid ay nakakabagot at
nakakapagpamukha na hindi ka handa. Ang iyong PowerPoint ay hindi nariyan para ipaalala sa
iyo ang mga kailangan mong sabihin, bagkus ay uoang tulungan ang iyong mga tagapakinig na
lalong maintindihan ang puntong inihahayag mo.

vii. Gumamit ng mga Visuals upang Ilapat ang mga Ideyang Mahirap Unawain

10
 Mga graphs, talaan at mga pie na nagpapakita ng iyong punto at tumutulong bigyang-diin ang mga
ito, Magsama rin ng mga larawan na magiiwan ng epekto sa mga tagapakinig at tutulong sa diwa
ng iyong argumentong hindi agad makalimutan.

viii. I-highlight ang Mahahalagang Punto Gamit ang mga Metaporang Biswal
 Isang makapangyarihang paraan sa paggamit ng larawan ay sa mga metaporang biswal. Huwag
mo lang basta sabihin sa iyong kliyente na gamit ang iyong plano, ang mga bagong tagasunod ay
lalabas na lamang bigla na tila mga bubuyog tungo sa pulot. Ilarawan ito sa pamamagitan ng
imahe upang mas lalong tumatak ang punto sa isipan nila.

ix. Gawing Personal ang mga Halimbawa


 Isa pang malikhaing ideya sa pagpepresenta ay i-personalize ang iyong talumpati para sa mga
piling tagapakinig sa bawat pagkakataon. Maging isang inaasahang kliyente, isang tagapakinig sa
isang pagpupulong, o isang maaaring maging mamumuhunan, maaari mong ayusin at i-
personalize ang karanasan ng iyong presentasyon para sa spesipikong mga tagapakinig.

x. Magdagdag ng Musika
 Simula ng matuklasan natin kung paano magdagdag ng tunog sa mga pelikula, hindi na lang tayo
nagtatala ng diyalogo kundi maging musika na din mula sa mga ito. Sapagkat natutulungan ng
musika na itakda ang damdamin, binibigay ang tamang epektong emosyonal, at nagdadagdag ng
excitement.

Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/yyhlw2x7


Ipasa sa link na ito: https://tinyurl.com/yyxwf9e9

2. Mga pantulong at estratehiya sa komunikasyon gamit ang teknolohiya

Ano nga ba ang mass media? Bakit ba maraming isyu ang nalalahad pagpinag-uusapan na ang mas media? Ganoon
ba talaga ito ka-popular pagdating sa mga tao sa makabagong henrasyon? Ano ba ang mga naidulot nito sa ating
wika at kultura?

11
Naging malaking ambag na sa kulturang Filipino ang pag-usbong at pag-unlad ng mass media. Gamit ang wika,
pinadadali nito ang paghahatid ng berbal na mensahe sa pamamagitan ng midya. Lalo pang pinabilis ang
pagpaparating ng mensahe sa pag-usbong ng mass midya sa pagpapalaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng
makabagong teknolohiya.

Sa kasalukuyan, sa araw- araw na pakikisalamuha ng tao, siya ay pinaliligiran na ng mass midya. Dinaranas niya ito
sa pakikinig ng radyo, panonood ng telebsiyon, pagiging aktibo sa internet, at marami pang iba. Ginagamit din niya
ang midya sa pamamagitan ng iba’t ibang midyum tulad ng cellphone, mga social networking sites at iba pang uri
ng mga elektronikong kagamitan. Naging malaking bahagi na ito ng pang-araw araw na gawain na siya namang
humuhulma sa kabuuang transaksiyon niya sa lipunan.

Ang teknolohiya ng komunikasyon ay gumawa ng malaking pagsulong sa mga nakalipas na taon. Ang modernong
teknolohiya ay may mga katangian na nagpapahiwalay dito sa mga nakaraang teknolohiya.

1. Ang susi ng teknolohiya sa ilalim ng lahat ng modernong teknolohiya sa komunikasyon ay electronics. Sa


mga sinaunang panahon, bago pa maimbento ang papel, ang mga tao ay nagsusulat sa clay tablets. Sa tagal
ng panahon, ang mga dokumento ay muling ginagawa sa pamamagitan ng pagkopya na ginagamit ang mga
kamay. Karamihan sa pagkokopya na ito ay ginagawa sa mga monasteryo. Ang aklat ng panahong iyon ay
hanggang sa mga silid-aklatan lamang upang walang sinuman ang makakuha sa kanila. Ang unang
pagsusulong sa komunikasyon ay ang pag-iimbento ng limbagan ni Johann Guttenberg noong 1450.
Pinapayagan nito ang paggawa ng maraming kopya ng mga aklat. Mahaba na ang nilakbay ng electronics at
komunikasyon simula noon. Ang telegraph ay ipinakilala at pagkatapos ay ang telepono, sumunod ang
radyo at telebisyon. Noong 1980s, ang electronics at komunikasyon ay nagdala ng napakalaking pagbabago
sa tao sa pamamaraan ng pagpapalitan ng impormasyon sa isa’t isa.

12
2. Lahat ng bagong sistema sa komunikasyon ay interactive sa isang banda, ito ay ang komunikasyon ng
dalawahang-daanan. Kabilang dito ang pagkakaroon ng mga gumagamit na nagpapasok ng kanyang mga
kahilingan o kasagutan sa mga devices ng komunikasyon. Halimbawa, ang mga tanyag na programa ng
pagdedebate ay nagtatanong sa mga manonood na tumawag sa isang ibinigay na numero upang
makapagbigay ng kanilang mga pananaw sa mga paksa na pinagtatalunan. Tinatanong nila ang mga
manonood kung sumasang-ayon ba sila o hindi sa isang ibinigay na pangungusap. Sa pagtatapos ng
programa, ang mga sagot ay naka tabulated. Ang mga sagot ay inaanunsyo.” Ayon sa ating mga
manonood…” Kahit na ikaw ay wala sa studio kung saan ang aktuwal na debate ay nagaganap, ang
opinyon mo ay nabibilang pa rin.

3. Ang mga devices ng teknolohiya sa komunikasyon sa ngayon ay mayroon ng kakayahan upang


makapagpadala o makatanggap ng mga mensahe sa oras na maginhawa para sa mga gumagamit nito.
Halimbawa, ang answering machine ay pinapahintulutan ka na makapagtala ng mensahe kapag ang tao na
iyong tinatawagan ay wala. Maaaring makuha ng taong ito ang iyong mensahe sa kanyang kaginhawaan.

Mga Halimbawa ng Teknolohiya na gamit sa Komunikasyon

Telebisyon

Ang telebisyon ay isang electronic system ng pagsasalin ng mga imahe at tunog sa pamamagitan ng mga electronic
signals sa mga kable at optical fibers. Ang mga senyales na ito ay ipinapahayag mula sa isang pinanggagalingan,
halimbawa ay ang isang istasyon ng telebisyon at sa mga reception devices gaya ng telebisyon sa iyong tahanan. Sa
ibang oras, ang pinanggagalingan ay nagsasalin ng mga imahe at tunog sa mga relay stations gaya ng mga
kumpanya ng cableTV. Ang mga kumpanya ng cable TV ay nagsasalin ng mga imahe at tunog sa iyong telebisyon.

13
Radyo

Ang radyo ay gumagamit ng mga epekto ng tunog upang mapasigla ang mga nakikinig sa mga imahe ng mga tao at
lugar. Ang radyo ay naimbento noong 1906, at sa ilang panahon ay nanatili bilang pangunahing pinanggagalingan
ng impormasyon. Ito ay itinalaga upang makapagpadala at makatanggap ng mga mensahe lalo na noong panahon ng
digmaang pandaigdig. Sa kanyang pagsulong, ito ay ginamit para sa dalawang uri ng serbisyo—pagbibigay-aliw at
komunikasyon. Pagkatapos ng digmaan, ang pagpapahayag sa radyo ay nagsimula na. Ang radyo ay umaabot sa mas
malawak na mga tagapagtangkilik kaysa sa telebisyon. Sa mga lalawigan na kung saan walang elektrisidad, ang mga
pinatatakbo ay ang mga de-bateryang radyo na pangunahing pinanggagalingan ng balita at aliwan. Sa mga panahon
ngayon, ang radyo ay dumarating bilang bahagi ng sound system na binubuo ng mga speakers, isang CD player,
isang cassette tape player, isang recorder at iba’t ibang mga switches at pindutan na maaaring makapagmanipula ng
tunog.

Telepono

Ang telepono ay isang instrumento na naghahatid at tumatanggap ng mga mensahe sa boses at data. Isinasalin ng
telepono ang pagsasalita at ang data sa elektrikal na enerhiya na ipinadadala sa malalayong lugar. Ang cellular
phone ay dinisenyo upang mabigyan ng lubos na kalayaan sa paggalaw ang gumagamit habang kanyang gamit ang
telepono.

Fax Machine

Ang fax ay tumatayo sa facsimile transmission o reproduksyon. Ang fax machine ay isang sistema o aparato sa
paggawa ng mga graphic na materyales sa malaking distansya. Ang dokumento ay ini- scanned ng isang fax
machine at ang reproduksiyon ay ginagawa sa nakatatanggap na fax machine.

14
Internet

Ang Internet ay ang pandaigdigang sistema ng mga kompyuter networks. Ang kompyuter network ay isa o ilan pang
mga kompyuter na nakakonekta sa isa’t isa. Tingnan ang larawan sa kaliwa. Ipinakikita nito ang isang kompyuter
network. Ang mga linya ay nagpapahiwatig na ang kompyuter ay magkakakabit sa isa’t isa. Ang Internet ay
nagkokonekta ng milyong mga kompyuter sa isa’t isa.

Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/yyhlw2x7


Ipasa sa link na ito: https://tinyurl.com/yyxwf9e9

Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/y3e3bgej


Ipasa sa link na ito: https://tinyurl.com/y6tppz9w

15
Modyul 3 : Final
1. Komunikasyon sa iba’t ibang layunin:
 Makakuha, makapagbigay, at makapagpala-ganap ng impormasyon
2. Komunikasyon para sa trabaho (hal. pangangalagang pangkalusu- gan,edukas-yon, negosyo at kalakalan,
batas, midya, agham at teknolohiya)
3. Komunikasyon para sa layuning akademiko (hal. journal na pampananaliksik o artikulo sa magasin, atbp)

Bidyu Materyals
Komunikasyon para sa layuning akademiko
https://tinyurl.com/y2dcale8
https://tinyurl.com/y3owga4n

1. Komunikasyon sa iba’t ibang layunin

 Makakuha, makapagbigay, at makapagpala-ganap ng impormasyon

Hindi madali ang pagkuha ng mapagkakatiwalaang impormasyon sa iba’t ibang isyu. Ang mga pamahalaan
at kompanya ay hindi nagsasabi ng buong katotohanan. Ang mga channel ng mass-media ay kadalasang
nangangako ng walang-kinikilingang pag-uulat subalit hindi naman tumutupad sa kanilang sinasabi. Hindi
laging lubusang ipinaliliwanag ng mga doktor ang masasamang epekto ng mga gamot na kanilang
inirereseta sa atin. May paraan ba upang makakuha tayo ng mapagkakatiwalaang impormasyon?

Ipinagbunyi ng marami ang pagdating ng Internet bilang isang paraan upang makakuha ng mapananaligang
pinagmumulan ng impormasyon sa palibot ng daigdig. Sabihin pa, posible ito kung talagang alam mo kung
saan magsasaliksik ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpindot sa iyong mouse. “Kung isasaalang-
alang ang pinakamainam na kapakinabangan nito, mas mabilis na makapagtuturo sa mga tao ang Internet
kaysa sa alinmang kasangkapan ng media. Ang pinakamasamang katangian naman nito ay mas mabilis
nitong magagawang mangmang ang mga tao kaysa sa alinmang kasangkapan ng media,” sabi ng isang
editoryal sa The New York Times.

Ganito pa ang pagpapatuloy ng editoryal: “Yamang may pang-akit ng ‘teknolohiya’ ang Internet, ang mga
impormasyon mula rito ay higit na pinaniniwalaan ng mga walang kaalaman dito. Hindi nila naiisip na
kung isasaalang-alang ang pinakamasamang katangian ng Internet, ito ay gaya lamang ng isang walang

16
takip na lagusan ng dumi: isang elektronikong padaluyan ng di-napatunayan at di-naiwastong
impormasyon.” Nakalulungkot, gaya ng idiniin ng manunulat, walang programa sa computer ang
makabubura sa mga basurang iyon.

Maaaring ipasok ng sinuman ang anumang bagay sa Internet, sa isang magasin, o sa isang aklat. Kaya nga
kailangan nating gumamit ng kaunawaan at turuan ang ating mga sarili upang hindi tayo maging lubhang
mapaniwalain sa lahat ng ating nababasa. Dapat tiyakin nating mga nagnanais ng tumpak na impormasyon
na mapananaligan ang ating pinagkukunan nito. Ang paggawa nito ay maaaring gumugol ng panahon.
Subalit minsang makakuha tayo ng higit na mapagkakatiwalaang impormasyon, magiging matino ang ating
pag-iisip, wasto ang ating pagpapasiya, at may-tiwala sa paggawa ng mahahalagang desisyon.

Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/yxjaj83l


Ipasa sa link na ito: https://tinyurl.com/y6ku5d9t

2. Komunikasyon para sa trabaho


 Ang mabisang komunikasyon ay may mahalagang papel sa paglaki ng isang samahan.
 Ito ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagbuo ng mga relasyon sa mga empleyado at
customer.
 Ang hindi maayos na komunikasyon ay hahantong sa negatibong epekto sa pagtatrabaho ng isang
samahan.

Ang hindi maayos na komunikasyon ay maaaring humantong sa pagkabigo ng isang proyekto at kahit
na pagsasara ng isang proseso o isang samahan. Napakahalaga ng komunikasyon sa trabaho. Ang isang
superyor ay dapat magagawang makipag-usap nang epektibo sa mga miyembro ng kanilang koponan.
Ang puwang ng komunikasyon sa trabaho ay maaaring humantong sa kaguluhan, pagkaantala sa mga
proyekto o pagtatrabaho sa oras, pag-uunahin ang pangalawang gawain sa halip na pangunahing
gawain, at iligaw ang pangkat mula sa kanilang mga pangunahing layunin. Mahalaga ito bilang isang
pinuno na magkaroon ng mahusay na mga kasanayan sa komunikasyon at magbigay ng malinaw na
mga mensahe.

o Aktibong Pakikinig

Aktibong pakikinig ay isa sa mga mahahalagang elemento upang maging isang mahusay na tagapagbalita. Walang
sinuman ang gustong makipag-usap sa isang taong hindi nakikinig. Lumilikha ito ng isang pader sa pagitan ng

17
dalawang tao. Ang taong nakikipag-usap ay makaramdam ng pagkakakonekta at maaaring hindi ibahagi ang
kanilang mga ideya at pananaw sa hinaharap. Ang isang taong aktibong nakikinig ay magtatanong ng tamang mga
katanungan at maunawaan kung ano ang sinusubukan

na sabihin ng ibang tao. Kung ang isang tao ay aktibong nakikinig, magagawa nilang magpakita ng empatiya o
pagpapahalaga kung kinakailangan sa pag-uusap. Pinakamahalaga, magagawa mong tumugon nang naaangkop sa
tamang konteksto.

o Nababaluktot at bukas na pag-iisip

Kapag nakikinig ka sa iyong mga kapantay, superbisor, o subordinates, panatilihin ang isang bukas na pag-iisip.
Kung nakatanggap ka ng puna o kailangang maging bahagi ng isang pag-uusap na hindi ka sumasang-ayon,
pakinggan ang tao at subukang maunawaan ang pananaw ng ibang tao na may bukas na kaisipan. Iwasang
makipagtalo kapag nahihirapan kang makipag-usap. Laging panatilihin ang isang bukas na pag-iisip at iwasan ang
anumang mga pag-aaway ng ego kapag nakikipag-usap ka sa mga paksa na hindi ka sumasang-ayon.

o Kaliwanagan

Maging malinaw tungkol sa nais mong makipag-usap. Ang hindi maliwanag na mga mensahe ay maaaring
humantong sa pagkabigo sa paghawak ng isang koponan, kabiguan ng isang proyekto, at kahit na hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga miyembro ng koponan. Sa panahong ito digital, kung saan ang mga kumpanya
ay nagpapadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga platform ng social media, dapat silang maging maingat sa
pagpapadala ng tamang mga mensahe sa kanilang mga customer. Kailangang maging malinaw at tumpak ang digital
team tungkol sa mga mensahe at post na ibinabahagi nila sa mga customer. Ang hindi maliwanag na mga mensahe
ay maaaring magkaroon ng isang malaking epekto sa iyong tatak at ang iyong pangkalahatang posisyon sa merkado.

o Tiwala at Paggalang

18
Ang tiwala at respeto ay hahihikayat sa iyong mga kapantay o subordinates na lapitan ka. Ang isang pinuno ay dapat
mamuno sa pamamagitan ng halimbawa, at makakuha ng paggalang sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng
kanyang gawain. Kapag nagtatrabaho ka nang may katapatan at integridad at patunayan na mayroon kang mga
kasanayan na maging nasaan ka, lahat ay igagalang sa iyo.

o Pakikipagtulungan at bonding ng koponan

Karamihan sa mga koponan sa isang samahan ay umaasa sa bawat isa. Ang mga koponan ay dapat magtulungan at
magbahagi ng mga ideya. Kung ang isang samahan ay may mabisang pahalang, patayo, o grapevine na
komunikasyon, ang kalahati ng labanan ay nanalo. Ang mabisang komunikasyon ay ginagawang mas madali ang
trabaho sa pagitan ng mga koponan ng iba't ibang mga kagawaran.

o Digital Communication

Ang mga tool sa Digital na Komunikasyon ay nakatulong sa madali at mabilis na komunikasyon. Mga manager ng
proyekto at ang mga pinuno ay maaaring lumikha ng mga grupo ng komunikasyon para sa kanilang mga koponan,
at maaari nilang agad na maipasa ang mensahe. Tinatanggal nito ang mga gaps ng komunikasyon, at lahat ay
tumatanggap ng parehong mensahe.

Ang komunikasyon ay epektibo kapag natanggap at naiintindihan ng lahat ang parehong mensahe. Mahalagang
magkaroon ng epektibong komunikasyon kapag nagpapatakbo ka ng isang proyekto, nangunguna sa isang koponan
o isang samahan, at kapag nakikipag-usap sa iyong mga empleyado, kapantay, at tagapangasiwa. Kung masisira ang
kadena ng komunikasyon, maaari rin itong humantong sa mga pagkalugi sa pananalapi o mawala sa mga talino at
may kasanayang empleyado. Mahalagang maging malinaw sa iyong komunikasyon. Walang negosyo o
organisasyon ang maaaring magtagumpay nang walang isang epektibong komunikasyon sa pagitan ng mga
empleyado, employer, customer, at kasosyo nito.

Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/yxjaj83l


Ipasa sa link na ito: https://tinyurl.com/y6ku5d9t

19
3. Komunikasyon para sa layuning akademiko

GAMPANIN NG WIKA

A. IMPORMATIB

ang wika ay impormatib kung nagagawa nitong makapaglahad ng impormasyon tungo sa


tagatanggap nito.

Hal:

Si Leo Oracion ang kauna-unahang Pilipinong nakaakyat sa tuktok ng Bundok Everest na


pinakamataas sa buong mundo.

B. EKSPRESIB

nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng emosyon.

Hal:

Napakasaya ko ngayon…

C. DIREKTIB

nagiging direktib ang wika kung hayagan o di hayagan nitong napakikilos ang isang tao
upang isagawa ang isang bagay.

Hal:

20
Pakipuntahan naman si Mr. Francisco sa kanyang opisina.

D. PERPORMATIB

ang perpormatib na gamit ng wika ay higit pa sa pasalitang anyo ng komunikasyon.Ito ay


kinapapalooban din ng kilos bilang pansuporta sa isang pahayag.

Hal:

Kapag ang isang tao ay nagsabi ng “paalam”, kaakibat nito ang pagkaway ng kanyang
kamay sa direksyon ng taong kinakausap.

E. PERSWEYSIB

persweysib ang wika kapag nagagawa nitong makahikayat ng tao tungo sa isang
paniniwala.

Hal:

Ang pahayag ng mga salesperson sa loob ng mall na nanghihikayat na bilhin ang


kanilang produkto.

TUNGKULIN NG WIKA

A. INSTRUMENTAL

nagagawa ng wika na magsilbing instrument sa mga tao upang maisagawa o


maisakatuparan ang anumang naisin.

Hal:

Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.


Jenifer: Ganun ba?Sige, walang problema.

21
B. REGULATORI

nangyayari naman ito kapag nagagawa ng wika na kontrolin ang mga pangyayari sa
kanyang paligid.

Hal:

Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito.Multa: Php.500.


George: Naku,saan kaya ako maaaring umihi?Bawal pala dito.

C. REPRESENTASYONAL

ang wika ay ginagamit upang makipagkomyunikeyt, makapagbahagi ng mga


pangyayari,makapagpahayag ng detalye, gayundin, makapagpadala at makatanggap ng
mensahe sa iba.

Hal:

Dominic: Alam mo ba na ang  salitang goodbye ay nagmula sa pahayag na God be with


ye?

Jaja: A, talaga?

D. INTERAKSYONAL

ipinapaliwanag dito na nagagawa ng wika na mapanatili at mapatatag ang relasyon ng tao


sa kanyang kapwa.Kabilang ditto ang pang-araw-araw na pagbati at pagbibiruan.

Hal:

Sandy: Aba,ang hitad kong sister ,wis na ang pagka chaka doll.
Aubrey: Siyempre,salamat po Doe yata ang drama ko.

E. PERSONAL

22
nagagamit din ang wika upang maipahayag ang personalidad ng isang indibidwal ayon sa
sarili niyang kaparaanan.

Hal:

Geser: Talaga?Nanalo ako ng limang milyon sa lotto?Yahoooo…


Nelo: Balato naman diyan.
F. HEURISTIC

ang wika ay tumutulong din upang makapagtamo ang tao ng iba’t ibang kaalaman.Ilan sa
mga ito ang pagsagot sa mga tanong,pagtanaw sa mga argumentasyon at konklusyon
bilang kongkretong kaalaman at pagtuklas sa mga bagay-bagay sa paligid.

Hal:

Gicko: Ngayon ko lang nalaman na ang Dalmatian ay isang wika, at hindi basta wika, ito
ay isang halimbawa ng patay na wika o frozen language.

Nixan: A, oo. Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa pagbabago.Bawat
wika sa mundo ay kinakailangang makaangkop sa pagbabago ng panahon,upang patuloy
itong mabuhay at umunlad.Ang wikang Latin ay isa rin sa halimbawa ng patay na wika.

G. IMAHINATIBO

isa sa mga kagandahang dulot ng wika ay nagagawa nitong hayaan ang isang tao na
mapalawak ang kanyang imahinasyon na tumutulong sa knya upang siya ay maging
artistic.

Hal:

Shimy: Rex, kung sakaling may makilala kang genie,ano ang hihilingin mu sa kanya?

Rex: Siympre,ang makalipad tulad ng isang ibon para makapaglakbay ako sa paraang
gusto ko at Makita ang buong mundo.At higit sa lahat,ang kalayaang magawa ang gusto
ko tulad ng isang ibon.

23
Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin

1. Abstrak

Ang kahulugan ng abstrak ay paglalahad ng problema o suliranin, metolohiya, at resulta ng


pananaliksik na isinagawa. Dito rin nakasaad ang konklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik.  

Ang abstrak ay isang maikling buod ng isang artikulo, ulat, pag-aaral, at pananaliksik na makikita
bago ang introduksiyon. Nakasulat dito ang mahahalagang bahagi.  

Karaniwang gumagamit ng 100 to 500 na salita sa paggawa ng abstrak. Maaari ring magbago ang
nilalaman ng abstrak ayon sa disiplina at kagustuhan ng palimbagan.
Ang abstrak ay nahahati sa ganap (kumpletong abstrak) at di-ganap (limitadong abstrak).  

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng abstrak, maaaring pumunta sa link na
ito: brainly.ph/question/831136

Uri ng Abstrak

Deskriptibong Abstrak - ang pangunahing ideya ng papel ay inilalarawan sa mga


mambabasa. Dito nakapaloob ang kaligiran, tuon, at layunin ng papel. Wala itong
konkretong buod o konkretong resulta ngunit para itong isang plano na dapat na sundan
ng isang manunulat. Ito ay maiksi at binubuo lamang ng 100 o kulang sa 100 na mga
salita.  

Impormatibong Abstrak - ang mahahalagang ideya ng papel ay ipinahahayag sa mga


mambabasa. Nakapaloob dito ang halos lahat ng elemento ng abstrak na sulatin. Ito ay
kumpleto, detalyado, kapaki-pakinabang, at may malinaw na impormasyon. Ito ay
karaniwang maikli na may 10% haba ng buong papel ngunit mas mahaba kumpara sa
deskriptibong abstrak. Ito ay isang talata lamang na binubuo ng halos dalawang daan at
limampung salita o higit pa.

2. Sintesis/buod

Ang sintesis o buod ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong nakuha
mula sa tekstong binasa sa pagkakasunod sunod na panyayare.ito ang pinakamahalagang kaisipan

24
ng anumang teksto.Marapat lamang na maging malinaw sa pagpapahayag.Ang sintesis ay bahagi
ng metodong diyaletikal kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.

3. Bionote
Ang  bionote  ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o
sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga  patimpalak at
/ o sa gig). Kadalasan na may makikitang bionote sa likuran ng pabalat ng libro na may kasamang
larawan ng awtor o ng may-akda.

Kapag inilalarawan ang taong paksa ng bionote ay kadalasan ng nasa dalawa hanggang tatlong
pangungusap lamang. Ang  bionote ay dapat na isang impormatibong talata na siyang
nagpapaalam sa  mga mambabasa o makikinig kung sino ang taong paksa ng bionote o ano-ano
ang  mga nagawa ng paksa bilang propesyunal. Nagbibigay rin ito ng mga karagdagang
impormasyon may kinalaman sa paksa at kaganapang tatalakayin.

Ang bionote ay dapat lamang na isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang  isang
talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal  at ng kaniyang
kredibilidad bilang panauhin o bilang propesyunal.

4. Panukalang Proyekto

Ang kahulugan ng Panukalang Proyekto ay isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang
isang sponsor na ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang partikular na
problema sa negosyo o oportunidad. Inilalarawan nito nang malalim, kung paano ang proyekto
magsisimula.

Mga halimbawa ng Panukalang Proyekto

proyekto sa Edukasyon
proyekto sa Kalusugan
proyekto sa Kalinisan
proyekto sa Kaligtasan
proyekto sa Paaralan
proyekto para sa Komunidad
Upang makakuha ng karagdagang impormasyon ukol sa paksa, maaaring sumangguni sa link na
ito: brainly.ph/question/701121

25
Katangian ng isang panukalang proyekto:

Sinasalamin ang mga pangangailangan at kapasidad ng indibidwal at komunidad.


Nagdadala sa mga indibidwal at komunidad ang nakikitang mga benepisyo.
May suporta at kooperasyon sa kapaligiran

5. Talumpati

Ang ibig sabihin ng talumpati ay ito ay isang kaisipan o opinyon ng isang tao na binibigkas sa
entablado. Ito ay isang maayos na pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pagsasalita.
Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa ibig sabihin ng talumpati ay narito.

I. Ano ang ibig sabihin ng talumpati?


Ito ay ang pagpapahayag ng kaisipan o opinyon tungkol sa isang paksa, sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado.
Ito ay ginagawa sa harapan ng pangkat ng mga tagapakinig.
Ang talumpati ay maaaring basahin, isaulo o ibalangkas.
Ang talumpati sa English ay "speech".

II. Ano ang layunin ng talumpati?


Kabilang sa mga layunin ng talumpati ay ang mga sumusunod:
humikayat
tumugon
maglahad ng paniniwala
magbigay ng impormasyon
mangatwiran

III. Anu-ano ang bahagi ng talumpati?


Ang bahagi ng talumpati na dapat isaalang-alang sa pagtatalumpati ay ang mga sumusunod:

Pamagat - dito kinukuha ang atensyon ng mga tagapakinig; dito rin inilalahad ang layunin ng
talumpati

Katawan - dito binabanggit nang husto ang paksa at mga ideya at pananaw

Katapusan - ito ang pinakasukdol ng buod ng talumpati; dito rin isinasaad ang mga
pinakamalakas na punto ng talumpati

26
Ang mga bahaging iyan ay maaaring maging gabay sa paggawa ng talumpati.

6. Katitikan ng pulong

Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. Isinusulat dito ang tinatalakay sa
pagpupulong ng bahagi ng adyenda. Nakasulat din kung sino-sino ang dumalo, anong oras nag
simula at nag wakas ang pagpupulong gayundin ang lugar na pinagganapan nito. Ito ang nag
sisilbing tala ng isang malaking organisasyon upang maging batayan at sanggunian ng mga bagay
na tinatalakay. 

7. Posisyong papel

Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at


karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal.
Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.

Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa


patnugot hanggang sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel. Ginagamit rin
ng malalaking organisasyon ang mga posisyong papel upang isapubliko ang kanilang mga opisyal
na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.

8. Replektibong sanaysay

Ang terminong Repleksyon ay nangangahulugan ng pagbabalik tanaw. Ang Replektibong


Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa. Ang
Replektibong Sanaysay ay angangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa
paksa. Isa itong masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa
isang partikular na pangyayari.

Layunin ng Replektibong sanaysay


Nais iparating ng replektibong sanaysayn ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik.
Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga
pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian

27
9. Agenda

Ang kahulugan ng salitang agenda ay plano o mga gawain na kailangang gawin. Karaniwang
gumagawa ng agenda sa mga pagpupulong kung saan inililista o isinusulat nila ang mga paksang
kailangan nilang pag-usapan. 

Ang salitang agenda ay maari ring tumukoy sa plano o tunay na pakay ng isang tao. Halimbawa,
hindi maganda ang kanyang agenda kaya sya pumarito. 

10. Pictorial essay

Ang pictorial essay ay isang sulatin o educational article na naglalayong magpahayag ng isang
partikular o higit pa na mga tema sa pamamagitan ng mga larawan.

Ang pictorial essay ay iba sa normal na mga sanaysay o sulatin dahil sa paraan nito ng
pagpapahayag. Kung ang normal na sanaysay o sulatin ay teksto ang pokus upang maunawaan ang
nilalaman, sa pictorial essay naman ay mga larawan ang pokus. Sa pamamagitan ng larawan ay
naipapahayag nito ang isa o higit pang mga tema na nais ipaabot sa mambabasa.

Binubuo ang pictorial essay ng ibat-ibang mga larawan na may storya o pagkaka konekta upang
maayos at sakto ang pagpapahayag ng tema. Bagaman ay hindi maiiwasan parin, ang teksto ay
ginagamit ngunit bilang deskripsyon na lamang o caption sa mga larawang ginamit.

Hindi ito kadalasang nakikita o ginagawa, ngunit kung ating iisipin, ang pictorial essay ay isang
kakaiba at magandang uri din ng sanaysay, maaaring magastos nga lamang sapagkat gagamit ng
mga larawan, hindi lamang isa ngunit barayti ng mga larawan. Dagdag pa, magandang uri ng
sanaysay ang pictorial essay sapagkat mas nalilinang nito ang kakayahan nating mag interpret at
synthesize ng mga larawan upang makuha ang nakatagong kahulugan o tema.

11. Lakbay-sanaysay

Ang ibig sabihin ng Lakbay Sanaysay o Travel Essay sa wikang Ingles ay sanaysay na ang
pinanggagalingan ng mga ideya nito ay mula sa pinuntahang lugar, hindi lamang ang lugar ang
tinatampok dito pati na rin ang mga kultura, tradisyon, pamumuhay, uri ng mga tao, damdamin ng

28
isang taong nakaranas pumunta sa partikular na lugar at lahat ng aspektong natuklasan ng isang
manlalakbay.

Ang sanaysay ay isang maikling piraso ng pagsulat na kung minsan ay tinatawag na isang
kuwento. Ito ay karaniwang nakasulat mula sa personal na pananaw ng may-akda at naglalarawan,
tinatalakay at pinag-aaralan ang isang paksa.

Layunin ng Lakbay Sanaysay  


 Maitaguyod ang isang lugar partikular na ang lugar na pinuntahan ng manlalakbay.
 Gumawa ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay. Halimbawa ang ruta at ang
mga paraan ng transportasyon.
 Pagtatala ng pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad,
pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili.
 Pagdodokumento nang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng isang lugar sa malikhaing
pamamaraan.

Uri ng sanaysay
 Pormal - ito ang sanaysay na tinatalakay ang mga seryosong paksa at nangangailangan ng
masusing pag-aaral.
 Di-Pormal - ito ang sanaysay na tinatalakay ang mga paksang magaan, pangkaraniwan,
pang araw-araw at personal.  

Bahagi ng sanaysay  
 Panimula - ito ang bahaging pinakamahalaga sa isang sanaysay dahil ito ang unang
tinitingnan ng mga magbabasa.
 katawan-ito ang bahaging makikita ang pagtalakay sa mahalagang puntos ukol s atema at
nilalaman nito.
 Wakas - ito ang bahaging nagsasara ang pangyayaring naganap sa katawan ng sanaysay.

Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/yxjaj83l


Ipasa sa link na ito: https://tinyurl.com/y6ku5d9t

29
Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/y3e3bgej
Ipasa sa link na ito: https://tinyurl.com/y6edre7v

RUBRIKS

RUBRIKS PARA SA PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO


1. NILALAMAN (30%)

a. PANIMULA (15%)

i. Nakapupukaw ng interes ng mambabasa, at napakaangkop ang mga- (15%) ginamit na


suportang ideya (citation) mula sa ibang mananaliksik.
ii. Nakapukaw ng interes sa mambabasa at angkop ang ginamit na - (12%)suportang ideya
mula sa ibang mananaliksik
iii. Di-gaanong nakapukaw ng interes sa mambabasa at di gaanong - (10%) angkop ang
ginamit na suportang ideya.
iv. Hindi nakapukaw ng interes ng mambabasa at walang kaugnayan - (8%) ang ginamit na
mga suportang ideya mula sa ibang mananaliksik.
 

30
b. KONGKLUSYON (15%)

i. Sadyang naaangkop sa tanong o suliraning inihahanap na kasagutan- (15%)


ii. Naangkop sa tanong o suliraning inihahanap na kasagutan - (12%)
iii. Di-gaanong angkop sa tanong o suliraning inihahanap ng kasagutan -
(10%)*Hindi naangkop sa tanong o sulraning inihahanap ng kasagutan - (8%)

2. ORGANISASYONG NG MGA IDEYA (25%)

a. Naipakita sa kabuoan ng pag-aaral ang maayos na pagkakasunod -(25%)sunod ng mga ideya sa


pamamagitan ng mga talata: ginamitan ng angkop na transisyon o pag-uugnay-unay upang
maipakita angorganisasyon
b. May maayos na pagkasunod-sunod ng mga ideya sa mga talata - (22%)
c. Hindi gaanong naipakita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng - (20%)mga ideya sa mga talata
d. Hindi naipakita ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga ideya - (18%) sa talata

3. TAKDANG ARAW NG PAGPASA (5%)

a. Naipasa sa takdang araw mismo - (5%)
b. Naipasa pagkatapos ng isang (1) araw - (3%)
c. Naipasa pagkatapos ng dalawang (2) araw - (1%)

RUBRIKS PARA SA PAGSULAT NG REAKSIYONG PAPEL


Mga Krayterya 30 20 10
A. Organisasyon Mahusay ang pagkasunod- Maayos ang pagkasunod- May lohikal na organisasyon
sunod ng ideya sa kabuuan ng sunod ng ideya sa talata, ngunit hindi masyadong
talata, mabisa mag panimula may angkop na simula at mabisa ang panimula at
at malakas ang kongklusyon kongklusyon. kongklusyon.
batay sa ebidensya.

B. Lalim ng Napakalalim ang makikita Malalim na makikita ang Mababaw at hindi gaanong
Repleksyon ang pag-uugnay ng dating dati at bagong kaalaman. makikita ang pag-uugnayan
kaalaman at karanasan sa ng dating at bagong
bagong kaalaman. kaalaman.

C. Paggamit ng Napakahusay ang paggamit Mahusay dahil kakaunti Maraming mali sa grammar
Wika ng wika, walang mali sa lamang ang mali sa at baybay ganundin sa gamit
grammar, baybay, at gamit ng grammar, baybay at ng bantas.
bantas, may mayamang gamit ng bantas.
bokabularyo.

31
D. Presentasyon Malinis at maayos ang Malinis ngunit hindi May kahirapang unawain
pagkakasulat ng talata. maayos ang pagkakasulat ang pagkakasulat ng mga
ng talata. pangungusap.

E. Pamamahala Ginamit ang sapat na oras Natapos at naisumite sa Natapos at naisumite isang
ng Oras upang ihanda at tapusin at takdang oras o deadline. lingo pagkatapos ng
naibigay isang lingo bago ang deadline.
deadline.

RUBRIKS PARA SA PAGGAWA NG PANAYAM


KAILANGAN NG
NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN ISKOR
PAGSASANAY
Nakapaghanda nang Nakapaghanda nang Bahagyang nakapaghanda Hindi nakapaghanda sa
lubha sa panayam mahusay sa panayam dahil sa panayam dahil sa hindi panayam dahil sa basta-
dahil sa sa nakapagsaliksik tungkol gaanong nakapagsaliksik basta na lamang pinili
nakapagsaliksik sa kakapanayamin at sa tungkol sa kakapanayamin ang kakapanayamin at
tungkol sa paksang itatanong. at sa paksang itatanong. paksang itatanong.
kakapanayamin at sa 15 10 5
paksang itatanong.
20
Naihanay ang Naihanay ang halos lahat Naihanay ang ilan- ilang Walang naihanay
mahuhusay na tanong mahuhusay na tanong sa mahuhusay na tanong sa namahusay na tanong sa
sa isang listahan. isang listahan. isang listahan. isang listahan.
20 15 10 5

Kahanga-hanga at Pinaghandaang mabuti ang Bahagyang pinaghandaang Hindi pinaghandaang ang


pinaghandaang pananamit, pananalita at ang pananamit, pananalita pananamit, pananalita at
mabuti ang kilos sa pagtatanong at kilos sa pagtatanong 10 kilos sa pagtatanong
pananamit, pananalita 15 5
at kilos sa
pagtatanong.
20

Kabuuan

32
RUBRIKS PARA SA IMBITASYON
PAMANTAYAN 20 10 5 PUNTOS
Nilalaman
Paggamit ng bantas
Paggamit ng mga Salita
Kalinisan at Kaayusan
Kabuuan

RUBRIKS PARA SA PAGSULAT NG EDITORYAL


PUNTO
PAMANTAYAN 5 10 20
S
Nilalaman Ilan sa mga nilalaman Ilan sa mga nilalaman Ang nilalaman ay may
ay walang kaugnayan ay kaugnayan sa paksa kaugnayan sa paksa
sa paksa
Paglalahad Mahinang paggamit sa Kasiya-siyang Tamang paggamit sa
wika paggamit sa wika wika
Istruktura Ang mga kaisipan ay Pagkakasunod-sunod Organisadong pagbuo ng
masyadong kalat na paglalahad ng kaisipan
kaisipan
Kabuuan

Prepared by Approved by

Jomel T. Munar, MAEd Filomena G. Montealto


Instructor Academic Dean

33
SANGGUNIAN

Atienza, G. J. (2018, October 12). Retrieved from brainly.ph: https://brainly.ph/question/1913918


Audience. (2020). Retrieved from ReefResilience.Org: https://reefresilience.org/tl/communication/communication-
planning-process/audience/
Belle, C. (Director). (2017). Globalisasyon [Motion Picture].
Berdida, F. D. (Director). (2016). Mahalagang Konsepto ng Komunikasyon [Motion Picture].
Cabaro, R. (2017, June 17). Ano ang kahulugan ng Abstrak. Retrieved from brainly.ph:
https://brainly.ph/question/605377
Chiichiips (Director). (2018). Barayti ng Wika: Register [Motion Picture].
Clabria, R. (2018, November 10). Komunikasyon Lokal at Globalisasyon sa Multi-Kultural na Konteksto . Retrieved
from scribd.com: https://www.scribd.com/document/392819103/Komunikasyong-Lokal-at-Global-Sa-
Multi
Detera, C. I. (2015). Interaktibong Pahina sa Filipino. Retrieved from Filipino 101.weebly.com:
https://filipino101.weebly.com/talakayan-komunikasyon-sa-akademikong-filipino.html
Epistola, L. (2013, January 27). Layunin ng Komunikasyon. Retrieved from scribd.com:
https://www.scribd.com/doc/122417133/Layunin-ng-Komunikasyon
Eskwelanaga. (2015). Pag-unlad sa Teknolohiyang Komunikasyon. Retrieved from wordpress.com:
https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/pag-unlad-sa-teknolohiyang-kominikasyon.pdf
Jessa, E. C. (2016, September 20). Wikang Filipino. Retrieved from wordpress.com:
https://ellahchaylajessa.wordpress.com/2016/09/20/first-blog-post/
La, J. (2015, February 20). Mga Sangkap/Elemento at Proseso ng Komunikasyon. Retrieved from education:
https://www.slideshare.net/jelalalaban5/mga-sangkap-o-elemento-fil1-lala
LMFA (Director). (2019). Akademikong Sulatin: Uri, Layunin at Gamit [Motion Picture].
Nadunza, K. (2018, July 27). Mga Prinsipyo ng Komunikasyon. Retrieved from brainly.ph:
https://brainly.ph/question/1675462
Panganiban, M. (2017, January 3). Tekstong Purweysib o Nanghihikayat. Retrieved from slideshare.net:
https://www.slideshare.net/maricelpanganiban/tekstong-persweysiv-o-nanghihikayat
Panic, 5. o. (Director). (2016). Barayti ng wika [Motion Picture].
Publikasyon. (2003). Kumuha ng Mapagkatiwalaang Impormasyon. Retrieved from wol.jw.org:
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102003093
Rodrigu, L. J. (2015, June 22). Kasingkahulugan ng Mensahe. Retrieved from brainly.ph:
https://brainly.ph/question/142999
Sertipikasyon, P. n. (2019, November 2). Kahalagahan ng Epektibong Komunikasyon sa Trabaho. Retrieved from
communalnews.com: https://communalnews.com/tl/kahalagahan-ng-mabisang-komunikasyon-sa-lugar-ng-
trabaho/
Soliman, J. (2017, June 7). Register at Barayti ng Wika. Retrieved from brainly.ph :
https://brainly.ph/question/566338
wol.jw.ord. (2003). Kumuha ng Mapagkatiwalaang Impormasyon. 31.

34

You might also like